SYBG 33
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Beginning of the End"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"MOM, why did you do what you did?! And dad, all these years, you just let Mom do what she wants to do?! Nakakahiya sa mga Scott! At nakakahiya din sa mga Montemayor!" Galit na galit si Ryelee. "All these time, akala ko pinoprotektahan n'yo lang ako, yun pala, may kalokohan kayong ginagawa. Mom, seven years was wasted of me kahahabol sa sabi n'yong mas mahal ako. Naniwala ako sa inyo dahil ina ko kayo but I didn't realize na mas naging nanay pa si Tita Marge sa akin kesa sa inyo!" Puno ng hinanakit at sama ng loob na sinabayan pa ng galit na saad ni Ryelee.
Nakaupo lang sa tabi niya si Alvin na halatang galit na galit din. Pinaglaruan sila ng biyenan. Alam naman ng lahat na ayaw sa kanya ng mommy ni Ryelee pero ang hindi niya matanggap ay pati ang apo nito ay idinamay pa.
"Blaire. Intindihin mo naman ang mommy mo. She's experiencing depression and since you're sister passed away she's never been the same." Paliwanag ni Ezekiel sa anak. Alam niyang maling-mali siya. Mali siya na hinayaan lang na gawin ni Miranda ang mga gusto nita. Naging sunud-sunuran siya sa kahibangan bg asawa para lang manatili ito sa piling niya. Isa din siyang bulag na umiibig kay Miranda.
"Dad! Anong kapatid ang sinasabi mo?" Tanong ni Ryelee sa ama. "Mom, pwede ba, for once in your life maging matino ka naman! For once in your life isipin mo naman ang iba, hindi yung sarili mo lang! Hindi lang sila Tita Marge ang sinaktan mo pati na rin ako, si Siege, si Brielle, ang apo mo at higit sa lahat, ang asawa ko! Ako, mom, anak mo ako di ba?!" Sobrang galit na talaga ang nararamdaman niya. "Kung ipapakulong kayo nila ni Siege, hindi ako makikialam. Ang ginawa n'yo sa pamilya ni Manong Rico. You illegally imprison his wife and daughter for what? For Ᵽ20,000 na utang nila sa iyo? To think of it ay matagal na nilang bayad but you still chose to be evil and put that on their heads. And you dad?" Humugot ng malalim na paghinga si Ryelee. Napapagod ang utak niya sa kakaisip kung paanong naging ganito ang ina. "Bahala na nga kayo sa buhay n'yo. Both of you will get what is coming. I love you both but you went far and beyond this time." Patuloy na salita ni Ryelee.
"Love, we need to go. Rylan may have been looking for us." Maikling pag-aabala ni Alvin sa asawa. "I'm sorry, Tito Zeke, Tita Andi. I can't have my wife stay around you. You two have done so much damage in everyone's lives. And I am not going to have my son be around any of you. I love my wife, that is why I am saving her from turning into you." Matiim niyang sabi sa mga biyenang babae. Nandito pa rin ang mga ito sa lumang bahay ng mga ito sa Antipolo kung saan dinala ni Miranda ang mag-asawang Scott dati.
"Pag-isipan mong mabuti, Dad. Ipagagamot mo ba si mommy o hahayaan mong maging ganyan siya?! Baka kailangan mo ring magpagamot, Dad?" Baling niya sa ama. Hindi ito kumibo. "I am done listening to the two of you. I think it is time for the both of you to listen to me." Sabi ni Ryelee bago pa ito tumayo.
"When you are ready to be a normal human being, you know where to find me." Tinalikuran na niya ang mga magulang.
Patawarin siya ng Diyos kung sa palagay nila wala na siyang respeto at pagmamahal sa mga ito, but enough is enough. Tama na ang pitong taong pagsira ng buhay ng may buhay. Natigilan panandalian si Ryelee, napaisip. Ilan pa kaya ang nasira ni Mommy, before this?
"Mr. Regalado." Panimula ni Alvin. Magkasalubong ang kilay niya. Yung daddy na tawag niya sa biyenan na lalaki nung nakaraang linggo, na naging Tito kanina at naging Mr. Regalado na lang ngayon. Well, masisisi niyo ba si Alvin? "Hindi ho nakakawala ng pagkalalaki kung maninindigan tayo para sa ikabubuti ng lahat hindi lang ng isa. Ayokong hong lumaki ang anak ko na hindi niya kayo makikilalang apuhan, pero hindi ko rin naman nanaising makilala kayo ni Rylan dahil sa mga ginawa n'yo. Kaya sana po, tama na. Kung mahal n'yo ang asawa n'yo, ipapagamot n'yo siya habang hindi pa huli ang lahat. Magpagamot na rin po kayo/" Mahaba niyang pahayag.
Nakaramdam siya ng bahagyang pagkaawa sa biyenan, pero hindi rin naman siya masisisi ng mga ito na magalit at hindi ito tawagin na daddy at mommy dahil sa mga nagawa nito.
Una, nasaktan siya sa ginawa ng biyenang babae sa kanilang mag-asawa. Pangalawa, muntik na nitong sirain ang buhay ng kanyang bestfriends na si Siege at Brielle. Pangatlo, muntik na siyang nahulog sa patibong na ipinain nito sa kanya, silang dalawa ni Ryelee. Pang-apat, pitong taong nangulila ang anak niya at inisip nito na hindi siya mahal ng ina, mabuti na lang at matinong lalaki si Siege at hindi nito pinatulan ang kahibangan ng asawa.
"Alis na kami, Dad. Wag na ninyong tangkain pang umalis o magtago. Mahahanap din kayo ng mga Scott, lalo pa't kinalaban n'yo pala ang kaisa-isang tagapagmana ng mga Samonte." Napapailing na lang si Ryelee. Simula nung gabing mabawi ni Siege si Brielle at nakipagbuno ang mommy niya sa isa sa mga kasama ni Virgil, ay hindi na rin ito nagsalita pa. Marami pa siyang gustong malaman pero di niya alam kung sasagutin pa ba ito ni Miranda o titig na lang ito sa kawalan.
Alam niyang wala na siyang makukuha pa dito kaya nagpasya na lang siyang umalis na. Nakasunod naman kaagad si Alvin sa kanya. Napatigil siya ng bahagyang magsalita ang ina.
"Namatay siya. Nang dahil sa akin ay namatay siya. Ako ang nakapatay sa kanya." Tulala at diretso lang ang walang direksyon na tingin ni Miranda. Nagkatinginan sila ni Alvin. Nagtaka siya. Tumingin siya sa ama. Nag-umpisa nang mamula ang mata nito, pero ganun pa rin ang ina. Walang ipinagbago.
"Ryelee." Napatda siya nang marinig ang inang tinawag ang pangalan niya. Nilingon niya ito. Tumabi si Alvin para bigyan ng pagkakataon si Ryelee na makita ang kabuuan ni Miranda.
"What, mom." Walang ganang sagot ni Ryelee. Disrespectful na kung disrespectful pero yun ang nararamdaman niya para sa ina, dahil maging siya ay pinaglaruan nito para lang sa kung ano ang gusto nito.
Hindi niya matingnan ito ng matagal. Parang napapaso ang mga mata niya kung amgtatagal siya ng titig sa ina. Sumasakit ang puso niya sa nararamdamang galot dito pero hindi niya maiwasan. Matagal din kasi siyang naging tanga at hibang para paniwalaan ang mga sinabi nito noon sa kanya. Nahihiya sa sarili, higit sa lahat, nahihiya siya kay Alvin. Napatda siya nang tinapik ni Alvin ang kanyang balikat.
"It's okay, Love. What's done is done. Let's keep pressing forward." Nanlambot ang tuhod ni Ryelee sa mga katagang binitiwan ni Alvin. "It didn't change the fact that I still love you." Dugtong nito.
"I love you, too, Ray." Malalam ang mga mata niyang tiningnan ang mga mata ng asawa. "I'm sorry for being such a..." Hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil mabilis na siyang hinalikan ni Alvin. Ngumiti siya dito.
"May pakiusap lang ako sa iyo." Narinig niyang sabi ng ina na nakatitig pala sa kanila. Tumaas ang isang bahagi ng kilay niya. Well, natural na sa kanya ang ganoong aura.
"Ano yun, mom." Malamig niyang tanong dito. Kahit ano pa ang sabihin nito ngayon ay hindi na siya padadala pa. Puro lang naman kasinungalingan ang nakukuha niya sa sariling ina.
"I need you to find Glenda Camino." SAbi ni Miranda. Nangunot ang noo niya. Tinapunan ng tingin ang ama. Tumatango-tango lang ito bilang pagasng-ayon sa sinasabi ng ina.
"Why?" One word answer lang. Yun lang ang kaya niya ngayon. Nalilito siya. Ano naman ba ito?
"Dad? What is she talking about?" Napayuko ang ama niya at humugot ng buntong-hinga.
"Years ago, even before you." Panimula ni Ezekiel. "Umupo muna kayo. I think it's about time you know the whole truth in all these." Dugtong na ama.
"This better be good. Naghihintay ang anak ko na seven years kong hindi nakasama dahil sa kanya, dahil sa inyo. So, make this good and short." Naramdaman niya ang pagpisil ni Alvin sa kamay niya. Tumingin siya dito at bahagyang yumukod lang ito. Umupo siya sa silyang hinila ng ama para sa kanya.
"I'll just text mom that we are running late." Malambing na sabi ni Alvin sa kanya. Umupo siya at tahimik na pinagmasdan ang mga magulang. Umupo na rin si Alvin sa arm rest ng upuan na inupuan niya.
"Start now, dad." Naiinis niyang sabi. Alam ni Ezekiel na masama ang loob ng anak sa kanila at kahit magalit man si Miranda sa kanya, hindi na niya ito iintindihin. Matagal na siyang naging tanga at sunud-sunuran dito. Panahon para magising siya na kahit kailan ay hindi siya mamahalin ni Miranda. Not ever.
"We were young and we were in college nung magkakilala kami. I thought I like Margaret kaya ako nakipagkaibigan sa kanila. But later on I found out that Aaron and Margaret are lovers kaya hindi ko na itinuloy ang balak kong panliligaw sana but Miranda gave a little ray of hope. Ang sabi niya sa akin, maibaling ko lang daw ang pagtingin ni Aaron sa kanya ay magiging akin na si Margaret. Little did I know na hindi naman pala talaga si Margaret ang gusto ko kundi siya. She got upset and raised hell with me. Alam ko namang hindi ako mamahalin ng mommy mo dahil hindi ako si Aaron. You're mom had set his eyes on him simula ng magka-isip siya. The night of our graduation party. She made a plan na lasingin si Aaron at Margaret. We are to put them in separate rooms. Nung pinunthahan ko na si Margaret sa kusina para i-check kung lasing na nga ito naabutan ko siyang maayos at kausap ang kapatid ng mommy mo, si Ida. They were talking about Aaron. Nakaramdam ako ng awa kay Margaret kaya iniba ko ang plano ng mommy mo. I told Margaret na doon an lang matulog sa kwarto ni Ida para mas safe siya doon dahil kami ni Aaron ang magkasama. I lied about another visitor will be sleeping in the other guestroom. Little did everyone know, mas pinili kong sa kwarto ni Miranda matulog para mabantayan siyang wag lumabas para hanapin si Aaron kung sakaling mawala na ang epekto ng alak sa kanya, because Aaron was so wasted that he passed out. In short, dahil na rin sa kalasingan may nangyari sa amin at ikaw ang naging resulta. And came to find out buntis na rin pala si Margaret noon kay Siegfried." Medyo shock si Ryelee sa kwentong yun. Hindi niya alam kung ano ang love story ng mga magulang. Ganito pala yun.
"What does that have to do with everything else?" Tanong niya.
"Glenda Camino took care of Pherimae. She's Siegfried's missing sister." Sagot ni Miranda.
"Missing sister?! Timothy have a sister?" Nagulat niyang tanong. "Kelan pa nagkaroon ng kapatid si Timothy?" Balik-tanong niya sa mga magulang. Salitan niya itong tinitigan.
"Sa laki ng galit ng mommy mo kay Margaret, kinuha niya ang bagong silang na anak nila. Pherimae Quinn Scott ang tunay nitong pangalan. Nang mailabas ng mommy mo ang anak ni Margaret at Aaron sa ospital ay iniabot niya ito sa kauna-unahang tao na nakita niya sa di kalayuan sa hospital." Kwento ng daddy niya.
"And you let her?! What kind of people are you?! You both are sick!" Singhal ni Ryelee sa mga magulang. "No wonder wala kayong matinong kaibigan." Dagdag pa niya.
"Ryelee Blaire! Watch your mouth!" Sigaw ng ina sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nito, but for some odd reason, hindi man lang siya natakot dito katulad ng dati. Nawala na ang takot niya dito dahil sa naabutan niya sa bahay na ito nung bagong dating sila ni Alvin.
"What, Mom? What are you gonna do?" May halong pang-uuyam niyang tanong dito. Pinigil ni Ezekiel ang asawa.
"That's enough, Miranda! Tama na!" Madiin nitong sabi. Malamig na tingin lang ang itinapon ni Margaret kay Ezekiel.
"Wow! You finally grew some balls Dad." Napapailing na lang si Ryelee sa angas ng kanyang ina. Hindi niya ito maintindihan. All she knows is the her mother is cut between crazy, crazier and psycho.
"There's more growing in me and from me that is going to happen if you don't shut up, Miranda." Mahina ngunit may diin na sabi ni Ezekiel. Natigagal si Miranda sa tinuran ng asawa. Madilim ang mga mata nito, dilim na ngayon niya pa lang nakita.
Sa tagal ng pagsasama nila, ngayon lang niya nakita ang ganung tingin mula kay Ezekiel. Now she knows, she's in big trouble, not that she's not yet, but she knows, wala na siyang kakampi. Wala na siyang tatakbuhan. Sa madaling salita, nasa dulo na siya ng pisi nito. Last trip. Last destination. Nasagad na ang asawa sa kanya.
"Kinuha niya ang anak ni Aaron kapalit na namatay mong kapatid. I'm sorry kung naging sunud-sunuran ako sa lahat ng gusto niya. Naging tanga ako. Nabulag. Natakot." Nakayukong sabi ni Ezekiel.
"Natakot?" Tanong ni Ryelee. Nakikinig lang si Alvin. "Wait. May kapatid ako?" Dugtong niyang naguguluhan. Siya yata ang mababaliw. Naagaw ng ama niya ang kanyang pag-iisip. Mas lalong gumugulo ang lahat. Mas lalong nagiging masalimuot.
"Natakot ako na kapag hindi ko sinunod ang gusto ng mommy mo o hindi ko siya mapagbigyan ay iiwan niya uli ako at ilayo ka. Minsan ka na niyang inilayo sa akin katulad ng ginawa niya noon kaya nawala rin ang kapatid mo." Natigil ang pagsasalita ni Ezekiel. "Namatay ang kapatid mo nang hindi ko man lang nakita. I blamed myself for it."Dugtong pa ng ama. Tumutulo na ang luha nito.
"Okay. This not what I wanted to hear right now." Sigaw ni Ryelee sa ama. Hindi niya kaya ang lahat ng impormasyon na nagpupumilit na pumasok sa utak niya. "That's not what I need to hear. You have too much information drilling in my brain . What I wanted to know, ay kung sino si Glenda Camino? Ano siya sa kwentong ito? Ano ang kinalaman niya sa nawawalang anak nila Tito Aaron at Tita Marj?" Nauubos na ang pasensiya ni Ryelee. Hindi lang baliw ang ina at ama niya, kundi baliw na baliw.
"Glenda Camino ang pangalan ng babaeng pinagbigyan ng Mommy mo sa anak nila Aaron at Margaret. Ang huli kong alam ay nasa Tondo nakatira ang mga ito and that was ten years ago." Patuloy ni Ezekiel.
"All these years alam n'yo kung nasaan ang anak nila but you didn't even think to give them an idea where the kid was?" Hindi na alam ni Ryelee kung ano pa ang mararamdaman sa mga magulang. Lampas poot na ang nasa puso niya. "One last question, sino ang may kakagawan ng pagpapalabas na patay na si Brianna?" Matapang niyang tanong. Siya ang nahihiya sa mga Scott. Kaya pala ganun na lang ang pakikitungo sa kanya ng mommy ni Siege dahil may kutob ito.
"Sino ang nagpalabas na patay na si Timothy at Brielle?!" Sumabat na rin si Alvin. Of course, kaibigan niya yun. At kahit papaano ay obligasyon din niyang malaman kung sino ang may gawa nun.
Sisiguraduhin niyang magbabayad ang mga biyenan sa mga ginawang kasalanan ng mga ito kahit na ikagalit pa ni Ryelee ang gagawin niya. Sanay na siya sa pagiging maldita ng asawa but he won't turn into his father-in-law. He will make sure that his wife won't turn into her mother.
Fine! Ayaw n'yong sumagot?!" Hindi sumagot ang mag-asawa. Hindi maikakaila ang galit na nakikita kay Ryelee.
Parang biglang napipi ang mag-asawa. Dahil anak siya ni Miranda at Ezekiel, nasa dugo niya ang pagiging matapang at mataray. Tumayo siya at tinitigan lang ang mga magulang.
"Hahanapin ko ang kapatid ni Timothy. Itutuwid ko ang maling nagawa n'yo sa pamilyang Scott. Siguraduhin n'yo lang na hindi kayo aalis ng bahay na ito. Try to leave this house and God forgive me, you wouldn't like what I would to both of you. I will forget that you two are my parents." Yun lang at tumayo na si Ryelee.
"Ryelee Blaire! Stop right there!" Sigaw ni Miranda sa anak. Kita sa mata ang galit nito. Lumingon siya ina na may matalim at madilim na tingin. Napatda si Miranda.
"Don't you dare, Mom. Your juice run out and you can't stop me anymore!"
NAGING malapit na rin si Virgil at David sa isa't isa. Papa na rin ang tawag nito sa ama. Ayaw pa sana niyang tawaging Papa si David hangga't walang DNA dahil ayaw niyang sabihin ng mga tao na nakikisakay siya yaman ng mga Villasis pero mapilit si Amanda na Papa na ang itawag niya kay David, at dahil ayaw niyang saktan ito maging si Brielle ay pumayag siya.
Laking tuwa naman mag-ina nang tawaging niyang Papa si David at Mama na rin kay Amanda. Napaluha pa nga ito ng tawagin siya nang ganun ni Virgil, mapilit din kasi Brielle. May pinagmanahan kung baga.
Ayaw niya sanang maging agresibo sa mga bagay na patungkol sa pamilya ng tatay niya dahil may mga bagay pa siyang kailangang harapin. Isa na ang paghahanap ng apartment o matitirhan ng kanyang girlfriend at ng pamilya nito dahil nagpupumilit si Ella na umalis ang pamilya sa poder niya.
Si Ella naman a parang palaging galit sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Si Nanay Carmen naaman ay palaging naiipit sa gitna ng magkapatid na Erica at Carmella at maging sa kanya na rin. Hindi niya alam kung ano ang ikinagagalit ni Carmella kay Erica o sa kanya basta mainit ang dugo nito sa knyang di mawari.
Sa tuwing nasa bahaysiya at dadalaw si Ella ay para itong napapaso at nagmamadaling umalis. Agad na pinuputol pakipag-bonding sa kapatid at ina, kaya kadalasan ay siya na mismo ang umaalis ng maaga on some weekends, magtitigil sa bahay ng ama at uuwi na lang sa gabi na o di naman kaya ay pagnakaalis na ang dalaga.
Sa factory naman ay maayos itong nakikitungo sa kanya kaya hindi niya alam kung ano talaga ang pinagmamaktol nito. Kung ano ang ikinapanggigigil nito sa kanya. Sumasakit na ang kanyang ulo sa kakaisip, dagdagan pa ng mga bagay na nalaman niya tungkol sa aksidente ng kapatid at bayaw.
Samantalang naging malapit na rin si Ms. Crystal sa pamilyang Scott at Villasis dahil sa palagi niyang nakikita ang mga ito sa tuwing ihahatid at susunduin ang mga apo. Kung minsan nga ay napagkakatuwaan pa ni Amanda at Margaret na magluto ng pananghalian at dalhin sa school ng mga bata para doon na rin sila mag-lunch na mag-apuhan at isinasabay nila ang mabait na guro ng dawalang bata.
Sa kalaunan nilang pagkukwentuhan, napag-alaman ng dalawang ginang na ampon lang pala si Crystal ng pangalawang ina-inahan. Ang unang nanay-nanayan daw nito ay namatay noong bata pa lamang ito at ang matalik na magkaibigan ng Mama Glenda nito na si Nanang Belen na ang kinalakihan ng dalaga.
"Hija, saan ang probinsya n'yo?" Tanong ni Amanda.
"Si Nanang Belen po ay taga Quezon, pero ang Mama Glenda ko po ay laking Tondo po. Eight years old pa lang po ako nung mamatay si Mama tapos si Nanang Belen na lang po ang nagpatuloy sa pag-aalaga sa akin hanggang sa nakapagtapos ako ng college. Namatay na rin po siya dahil na rin sa katandaan noong nakaraang taon lang po." Magaan na ng loob na magkwento ni Ms. Crystal sa dalawang ginang. Nakasanayan na rin kasi niya ang mga ito dahil halos araw-araw na nandito ang mga apuhan ng kambal.
"Ibig mong sabihin, ulilang lubos ka na?" Tanong ni Margaret sa dalaga. Hindi niya maintindihan at sobra ang pagkawili niya sa dalaga. May dimple din itong katulad ng kay Siege. Singkitin din ang mga mata nito katulad ni Siege na nawawala kapag tumatawa na ito.
"Opo." Simpleng sagot nito at sabay subo. Nagla-lunch kasi sila ngayon sa Quad. Yun yung parte ng school quad na may mga lamesa at upuan.
"Nasaan ang mga kamag-anak ng Mama mo? Bakit hindi mo sila hinahanap?" Tanong ni Amanda sa dalaga. Napansin nila ang paglungkot ng mukha nito.
"Ang kwento po ni Nanang Belen, wala naman daw po siyang nakilalang kamag-anak si Mama, wala pong mga magulang at wala rin pong asawa kaya nga po nung inampon na po ako ni Mama, doon lang daw po nakita ni Nanang Belen na naging masaya si Mama." Nakaramdam ng awa si Amanda at Margaret sa dalaga. Wala rin pala itong mapuntahan dahil wala rin palang masulingan ang ina-inahan.
"Ibig mong sabihin, dalawang beses kang inampon? Nakakalungkot naman, but at the same time, nakakatuwa din kasi mas pinili nilang mahalin ka kahit hindi ka nila kadugo. Pero totoo? Dalawang beses kang naampon? Nakakaawa ka naman." Magkakunot ang noo at nakataas mga kilay na sabi ni Amanda. "I don't know, I just can't seem to see myself not taking care of my own child let alone giving it up. Alam mo ba na itong si Tita Margaret mo ay nawalan ito ng anak noon? She was taken from the hospital a few hours after she was born. It was one sad moment sa pamilya niya." Walang kagatol-gatol na dugtong ni Amanda but Margaret was glad na nakakaya nitong isatinig ang mga gusto niyang ikwento.
"Nawalan po kayo ng anak, Tita? Nakakaawa naman po pala kayo." Dahil nasa tabi niya lang ang ginang ay inakbayan niya ito, kinabig paakap. Para pa siyang nakuryente at bahagya pang lumayo kay Margaret. "Wow Tita. Static yun ah." Pilit ang tawang dugtong niya. Pero ang totoo, hindi niya maintindihan ang nararamdaman ngayon. Parang may kakaiba sa init ng katawan ng ginang. Kakaibang maganda sa pakiramdam. Kakaiba, in a sense na gusto niya itong yakaping muli at kalamayin ang loob nito.
"Someone took her from the hospital after I delivered her." Malungkot na sagot ni Margaret. Mabilis na napatingala si Ms. Crystal kay Margaret. Hindi man umiiyak ay nakikitaan ng sobrang lungkot ang mga mata nito. Nandun din ang sobrang pangungulila. Nakaramdam ng kirot sa puso si Teacher Crystal.
"I'm sorry I asked. I didn't mean to po, Tita." Nalungkot din siya. Akala niya dahil sa sobrang yaman ng mga ito ay masaya na at walang problema, yun pala kahit may ngiti man sa mga labi ang mga ito ay may malulungkot din palang pinagdadaanan.
"Naku hija, don't be sad. You didn't start it, I did." Mabilis na sabat ni Amanda.
"Don't worry, Mandy. I am used to it by now, pero syempre di ko pa rin maiwasan ang malungkot." Pag-amin ni Margaret. "Sometimes I sit down in my room and just imagine the what if's. What if she's with us, siguro kasing edad mo siya, Ms. Crystal. If she's with us, siguro may asawa na rin siya katulad ng Kuya Timothy niya." Parang nananaginip na saad ni Margaret.
"If she's with you, I am sure, Marge, sumakit na siguro ang ulo ni Siegfried sa pagbabantay sa kapatid niya lalo na kung kasing ganda nitong batang ito." Hinaplos ni Amanda ang braso ni Crystal na malapit sa kanya.
"I'm sorry, kumadre. Hindi ko naman sinasadya" Baling ni Amanda sa kaibigan. "Pero malay mo naman. Eto palang si Ms. Crystal yung nawawala mong anak. Tamang-tama kasi ampon lang siya ng nanay-nanayan niya. Tama ba yung dinig ko hija? Iniwan ka ng tunay mong nanay sa Nanang Belen mo?" Walang prenong dugtong ni Amanda. Nilingon ni Margaret ang guro at piankatitigan. Oh, my Lord. Sana nga po.
"Hindi naman daw po ako iniwan ng tunay kong ina. Ang sabi po ni Nanang, ayon sa kwento ni Mama, may nagbigay daw sa kanyang mayaman na babae nung panahong lungkot na lungkot siya. Hindi daw po niya namalayan na sanggol daaw po pala ang ibinigay sa kanya nung babae. Basta pagkabigay daw po ay umalis itong sakay ng magarang sasakyan. Doon din daw po nagkakilala ang Mama at Nanang." Maganang kwento nito sa kanila.
"Wow. Mala-teledrama pala ang kwento mo, hija." Namamanghang turan ni Amanda. "Ano ba ang buo mong pangalan, hija?" Dugtong na tanong ni Amanda.
"Crystal Grace Camino po." May pagmamalaking sabi ni Ms. Crystal. Nakangiti naman sila Amanda at Margaret.
"Ang ganda naman." Nangingislap ang mga mata ni Margaret. Gandang ganda siya sa pangalang yun.
"Ano ang ibig ng name mo, hija?" Tanong ni Amanda.
"Ano namang tanong yan, Mandy?" Natatawang tanong ni Margaret sa balae.
"Bakit? It was a legit question, Marge. You know what, I should have sat down and thought of Brianna's name really well. Yung bang nagdi-describe kung ano kang talaga bago ka pa matutong magsulat ng pangalan o basahin man lang ito." Seryosong sagot ni Amanda.
"You know what, you're right. I must be nice to carry a name with a significant meaning." Nakangiti ng malapad si Amanda dahil sa sinabi ni Margaret. Tahimik lang na kumakain ang mga apo nila.
"Okay lang po yun, Tita and please stop calling me Miss. Crystal is just fine po." Kiming ngumiti Crystal sa kanilang dalawa. "Mama gave me Crystal Grace as a name kasi yun daw po ako sa buhay niya. Sabi niya po kasi simula ng ibinigay ako sa kanya ng isang babae, which she thinks is my mom, binigay niya ang name na yan which means carrier of Christ's blessing. Sabi nga na Nanang Belen, grasya daw talaga ako para kay Mama Glenda, kasi naging maayos ang buhay at nagkanegosyo ni Mama. Dati po kasi naglalako siya ng mga potholders, sleeves para sa mga drivers, fridge towels at kung anu-ano pang mga produkto na gawa sa mga retaso na nakukuha nila sa pagawaan ng mga damit ng mga t-shist." Nangingiting kwento ni Crystal. Natutuwa naman si Amanda at Margaret dahil napaka-candid na bata itong teacher ng mga apo nila.
"Hey, Marge. Just for fun. Magpa-DNA kayong dalawa." Sabay na napatingin si Crystal at Margaret kay Amanda. Nagkatinginan din ang dalawa sa isa't isa.
Para namang nabulunan si Crystal sa tinuran ng lola ng kanyang estudyante, habang si Margaret naman ay umaasa at naghahangad pero nasasaktan din. Aasa lang siya at mabubuksan na naman ba ang sugat na matagal niyang pinilit na tahiin kahit hindi naman talaga ito maghihilom.
"Hey, guys. Uwi na tayo. Balikan na lang natin si Brynn mamaya. May meeting pa ako ng alas dos." Untag ni David sa mga ginang. Kararating lang ng mga ito galing sa kung saan para sunduin sila at ang mga bata.
"Yeah, me,too. I have to meet up with same investors from Siargao." Saad naman ni Aaron na nakapamewang. Nagpalitan sila ni David ng tingin. Tahimik ang mga babae. Namumutla ang mukha ni Margaret, namumula naman si Crystal habang Takip ni Amanda ang kanyang bibig.
"What is going on here?" Tanong ni Aaron na nakatitig sa asawa at balae.
"Amanda, Mahal. What is going on here?" Nakatayo lang si David sa harap ni Amanda, nakataas ang kilay at nakakrus ang mga braso sa dibdib nito.
"Oh nothing. We were just joking around and I think we pushed Crystal to her limits." Mabilis na sagot ni Margaret.
"Yes po, Tito. Ahahaha! It was nothing po." Namumula pa rin ang mga pisngi ni Crystal. Ikaw ba naman ang ma-blindsided ng ganoong biro mula sa mga Lola ng estudyante mo hindi kaya mamula? And to think may pagka-sensitive ang mga bagay na yun.
"Are you sure?" Tanong ni Aaron habang nakatutok pa rin ang mga mata sa asawa. "Bakit ka namumutla?" Tanong nitong hindi nakatiis.
"M-mainit lang siguro." Sabi ni Margaret sabay paypay ng kamay sa mukha.
"Are you sure." Pag-ulit ni Aaron, nanunukat.
"Yes, we are. Sige na mauna na kayo sa sasakyan susunod na lang kami ng mga bata." Pilit ang ngiting sabi ni Margaret.
"Okay, see you in the car." Yun lang ang sinabi ni Aaron at magkasabay na umalis ang mga lalaki.
"Amanda you are insane!" Pabulong at may diin na sabi ni Margaret sa balae slash bestfriend.
"Yes, I know, but what if." Turan nito. "Hear me out first. Paano pala kung yung babaeng nagbigay sa — ano nga uli ang pangalan ng mama mo?" Tanong ni Amanda kay Crystal.
"Glenda po." Maikling sagot nito.
"Right. Paano pala kung yung babaeng nagbigay kay Glenda ng bata ang ay ang taong kumuha ng anak mo sa hospital? Paano kung si Crystal pala yun? Paano kung siya si Pherimae Quinn? Paano?" Mkulit na pagpipilit ni Amanda. May point naman ang ale. Nagkatinginan si Crystal at Margaret.
"And besides, look at her. Hindi mo ba nakikita ang resemblance nila ni Siegfried? Parehong mestisuhin, singkitin, nawawala ang mga mata kapag tumatawa, tapos pareho pang may dimple. Come to think of it. Magkamukhang-magkamukha sila. What about lukso ng dugo? Wala ka bang nararamdaman sa tuwing nagkikita kayo? Wala ka bang naramdaman na Aha moment noong una kayong magkita?" Dugtong pa nito na hindi binibitawan ang idea na bakasakali.
Baliw na kung baliw pero hindi niya talaga maialis sa kanyang isip ang mga posibilidad na ito simula pa nung una makita ni Amanda ang teacher na mas lalong piangtibay ng magtabi si Margaret at Crystal sa ospital.
"That is impossible po, kasi ang sabi ni Mama Glenda ay iniwan daw po ako nung babae na parang walang pakialam sa mundo. Ni hindi man lang daw ako nilingon nito ng umalis na pero si Tita Margaret naman ay may napaka-loving ng mukha." Saad ni Crystal. "Tita Margaret lost her child, she didn't do it on purpose but that woman, She left me. She left me to Mama Glenda, purposely. It was her intention to get rid of me." Nalulungkot at nagagalit na sabi ni Crystal, damdamin na matagal nang itinago.
Galit sa tunay na ina ang batang guro, pero parehong pagkakataon naman ay masaya na rin siya kasi hindi siya ipinalaglag ng ina at ibinigay sa taong pwedeng magmahal sa kanya.
"I'm sorry to the both of you. I know I am opening some closed up wounds here, pero paano nga kung kayo ang tunay na mag-ina? Paano nga kung ikaw ang nawawalang anak ni Margaret? I know I sound like a broken record here but that's how I feel. Are you just going to let go of that chance? Kung hindi naman ay okay lang naman siguro na hindi, di ba, at least, nalaman n'yo." Hindi mapigilan ni Amanda ang dudang nararamdaman sa puso. Hindi lang siya matahimik na maisip na meron isang bata na nawalan ng ina habang may isang babaeng inalisan ng anak.
"Amanda, please. Tama na." Pakikiusap ni Margaret sa kaibigan. Binalingan si Crystal para kausapin at para matapos na rin ang pangungulit ni Amanda. "Tutulungan ka na lang naming hanapin ang tunay mong ina, hija." Dugtong ni Margaret at hinawakan ang kamay ni Crystal.
Ayan na naman ang biglang pagpintig at ang masarap na haplos sa kanyang puso. Totoo nga ba ang sinasabi ni Amanda. Ito nga ba ang tinatawag na lukso ng dugo? Hindi niya alam, hindi pa naman niya nararamdaman ay mga bagay na yun. Hindi naman kasi siya nawalan ng magulang at nagkita ng bandang huli para makaramdam kung ano ang luksong dugo.
"Sige, Tita. Papayag po ako just to ease your curiosity pero pagkatapos po noon at mapatunayan ko sa inyong hindi ako ang anak ni Tita Margaret, hindi na po natin uli ito pag-uusapan, okay." Matiim na sabi ng batang guro.
Alam ni Crystal na hindi titigit si Amanda sa pangungulit hangga't hindi ito napagbibigyan. Alam naman niyang hindi ito ang ina niya dahil kung ito ang tunay niyang ina ay hindi nito hahayaan na hindi siya makaramdam ng pagmamahal. Nakikita niyang kasing mapagmahal na ina ang ginang. Although at the back of her mind sana siya ang nawawalang anak nito. Naiinggit siya pagmamahal na ipinapakita nito sa mga apo. She was just wishing but she knows it is impossible.
Nagpaalaman na silang tatlo sa isa't isa pagkatapos mailigpit ang baunan ng mga ito. Napgkasunduang gagawin nila ang gusto ni Amanda na silang tatlo lang ang nakakaalam.
"I love you, Princess. See you later." Kumaway si Ethan sa kapatid. Maiiwan si Brynn dahil panghapon pa rin ito.
"Bye, Kuya Knight. I love you, too. Kiss Mommy and Daddy for me." Sagot naman ni Brynn. Para namang hindi na sila magkikita pang muli. Napangiti ang mga apuhan at guro. Inakay na ni Crystal si Brynn pabalik ng building.
* * * * * *
BALIK na sa normal ang lahat, parang normal, sa pamilyang Scott at Villasis. Balik factory na si Brielle, na hinahatid ni Siege ito sa umaga at sinusundo sa hapon. Habang ang mga apuhan naman ay nagsasalit-salitang mag-hatid sundo sa kambal. Ang isa sa umaga at isa sa hapon.
Noong unang kita ng mga taga-factory kay Siege ay halos namutla at gulat na gulat ang lahat. Sino nga ba naman ang hindi. Ikaw kaya balitaan na namatay na ito tapos nasa harap nila uli ito nakatayo, buhay at nakangiti pang labas ang kilalang-kilala ng lahat na dimple nito. Talagang mamumutla sila.
Nabalik man sa normal ang lahat ay hindi pa rin masyadong nagkaka-usap ang mag-asawa matapos ang unang araw na magsama sila pagkatapos ng pitong taon. Well, pagkatapos na sabihin ni Siege na sinadya niyang buntisin si Brielle na hindi pa ito natatapos sa pag-aaral. Hindi alam ni Siege kung paanong kakausapin uli ang asawa dahil hindi siyan ito pinapansin.
Dahil sa naging takbo ng usapan nila, hindi na rin naulit ang extreme babe time nila dahil mas gusto ng mga bata na katabi sila matulog, kaya ang siste ay, silang apat sa California King ñsize bed sa kwarto nilang mag-asawa habang tinatapos pa ang kwarto ng mga bata. Ipina-renovate kasi nila yun ayon sa gusto ng kanilang Prinsesa at ng kanilang Knight in shining armor.
Hapunan sa bahay ng mga Scott. Nakabalik na silang lahat sa kanilang mga kanya-kanyang mansyon. Ang mga Scott sa Makati at ang mga Villasis sa hindi kalayuan sa bahay nila Brielle at Siege na sa Parañaque.
"Siegfried, kelan mo haharapin ang mga Regalado?" Tanong ni Aaron. Natigilan si Siege, matiim na tinitigan ang ama.
"Ako ba Dad ang dapat humarap sa kanila?" Balik-tanong ni Siege dito. Ayaw na ayaw na niyang pag-usapan pa ang taong yun.
"Well, you should." Sagot naman ng ama bago isinubo ang laman ng kutsara nito.
"What for?!" Matigas niyang tanong. Tahimik lang si Brielle. Nakikiramdam.
Silang apat lang ang nasa lamesa dahil kasama ng mag-asawang Villasis ang mga apo dahil nga gusto siyang kausapin ng mga magulang. Pumayag lang siyang pumunta kung kasama si Brielle dahil alam naman niyang kukulitin lang naman siya ng mga ito tungkol sa mga Regalado, and that's what he doesn't want. Ayaw na niyang makita ang mga ito o marinig man lang ang pangalan nito.
"Timothy Siegfried! Watch your tone." Saway ng ina sa kanya na may kaseryosuhan.
"Why? I was just asking a legit question." Sinalubong ang galit ng mga mata ng ina bago muling bumaling uli sa ama. "What for, Dad? Para saan pa na kausapin ko sila? After what she did to me and my family pagtutuunan ko pa siya ng pansin? Idagdag mo ang ginawa nung magkita kami in the most inconvenient way?!" Halata ang galit sa boses ng Siege.
"You still have the right to know why she did that." Malumanay na sabi ni Aaron.
"Why? Bakit pa, Dad?! I don't want to see her at all!" Nawalan na ng ganang kumain si Siege. Hinawakan ni Brielle ang kamay niya. Of course, since it's Brielle, ayun lupaypay na ang depensa niya.
"Because she holds the truth!" Madiin na sabi ni Aaron. Kita din sa mga matan ito ang galit, magkadismaya, hinanakit at lungkot.
"The truth about what? Na hibang pa rin siya sa iyo kaya niya nagawa yun? Na nagmahal lang siya kaya hindi siya nakapag-isip ng maayos. Na pati ang anak niya ay itinutulak niya sa akin para makuha niya ang apelyidong Scott? Kaya ba kami nagkahiwalay ni Brielle? Dad, I know that already!" Galit siya, galit na galit.
Hindi niya maubos maisip na kahit pala sa totoong buhay ay nangyayari ang mga malatelenobelang kaganapan na katulag ng ganito. Nang dahil sa selos, inggit at kasakiman, nakuha nitong manloko, pumatay at mangidnap.
"Wait. What do you mean by pati ang anak niya ay itinutulak niya sa akin para makuha niya ang apelyidong Scott?" Tanong ni Brielle na kay Siege ang mga mata nito. Shit! Another thing that I need to explain to her. Idiin ni Siege pagkakapikit ng mga mata niya.
"It's nothing. It's just one of my hunches about the whole matter." Sagot naman niyang mabilis. Hinaplos niya ang likod ni Brielle.
At ito ang isang ito naman ay parang inasinang bulate at muntik ng mamilipit sa konting haplos lang ng asawa sa likod niya. Puro mga mahaharot!
"Is that why Alvin is in Japan? All of a sudden nandun siya? At kung kaibigan ka niya, why didn't he reach out to Mom and Dad to extend his sympathy? And Dean? Why didn't he get a hold of Alvin to let him know where you were? Because they already knew. They knew all about it, he and Ryelee knew about it! They knew about us being dead dahil pinlano na nila yun." Bumabangon ang galit sa puso ni Brielle. Kaya pala okay lang sa kanya na nandun siya sa Japan at hindi man lang hinahanap ang asawang nawawala.
Siege looked at her as she was sitting at his left side. Kita ang galit sa mga mata ni Brielle, nahintakutan si Siege. Naiiyak na rin ito. This is what he doesn't want to see from his wife kaya ayaw niya munang ipaalam hangga't hindi pa buo ang kanilang pag-iimbestiga ni Ramon. Eto na ang kasama niya o katawagan palagi dahil bumalik na ng Cebu ang kaibigan at ang pamilya nito.
"Hon, I didn't want to tell you anything yet kasi nga hindi ko tapos ang pagpapaimbestiga ko. Ramon is helping me with it. Mark and Ari are kind enough to hack their phones but unfortunately, Ryelee and Alvin are not talking about her parents and her Mom is not calling except her except for Tito Zeke's. And even that, Ryelee is not answering it. Well, at least her phone is not picking up any of his calls long enough to know where the Regalados at. Wala sila sa lumang bahay ng mga Sebastian sa Antipolo." Mahabang paliwanag ni Siege. Hindi pa rin natitinag ang asawa.
"Brianna? Are you okay?" Tanong ni Margaret sa manugang.
"No, Mom. I am far from being okay. Pinaglaruan kami!" Tumayo si Brielle, mataas ang tono ng pananalita. "Pitong taon kaming pinaglaruan ng mga kaibigan n'yo!" Tumutulo na ang mga luha ni Brielle. Ngayon niya lang uli naramdaman ang galit na ito na kinimkim niya ng mga tatlong linggo simula ng magkita-kita sila. Hindi biro ang pinagdaanan ng pamilya niya, sila, nga mga at ng mga magulang nila.
"We were separated. We almost died. Well, the funny part is we're dead already and came to find out later, pareho pala kaming buhay? Hindi lang kami halos pinatay physically, pinatay din nila kami figuratively." Dinampot ni Brielle ang kanyang bag at diretsong lumabas ng bahay ng mga Scott. Aalis siya. Isa lang pupuntahan niya. Si Alvin. She knows where to go.
Walang lingon-likod na lumabas siya ng bahay at dire-diretso sa gate. Nasa labas ang kotse ng asawa at nasa kanya ang susi nito. Hindi na niya hinintay na abutan pa siya ni Siege. Mabilis pa kay Flash na sumakay ito pinaandar kaagad ang sasakyan habang parang tanga naman itong si Siege na halos magkandarapa at kandadulas sa sahig na marmol para lang maabutan ang asawa. In the end, hindi rin siya umabot dito.
Kinuha ni Siege ang susi ng isang sasakyan mula sa key box na nasa pinto. Eksakto namang kotse ng Daddy niya ito at mabilis na hinabol si Brielle.
Nakalabas na siya ng malaking gate ng high end exclusive na subdivision ng mga magulang niya ay hindi na niya makita ang kotse niya at ang asawa.
"Manong Guard, nakita n'yo ba ang Ma'am Brielle n'yong lumabas dito?" Tumango ito.
"Lumiko po pakaliwa, Sir." Sagot nito. Naglabas ng isang calling card si Siege at inabot ito sa guard.
"Manong, paki tawagan ang number na yan at paki hanap si Ramon. Pakisabing i-track niya ang Ma'am Brielle n'yo." Yun lang at umalis na siya. Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang guwardiya.
Kumaliwa na siya pero hindi pa rin niya nakikita nag asawa, gayun pa man ay parang may duda na siya. Tinawagan niya si Virgil para ipaalam na umalis si Brielle na galit na galit ito, at mukhang papunta ito sa kanya. Pagkatapos mag-usap ay ang mga biyenan naman ang tinawagan. Ganun din ang sinabi niya sa mga magulang ni Brielle. Nag-aalala ang mga ito pero mas mabuting nang alam nila kaagad. Biglang nag-ring ang phone niya. Hindi na tiningnan kung sino ang tumatawag basta na lang niyang sinagot.
"Tim?" Tanong ng kabilang linya. Nabosesan niya ito.
"Ray Alvin Montemayor. Buhay ka pa pala." Malamig na sambit ni Siege. Umakyat ang galit sa kanyang ulo.
"Why wouldn't I? Nawalan lang ako ng asawa and I am happy now she's back. Rylan is the happiest." Balita nito na hindi napapansin ang panlalamig sa boses ng kaibigan. "I'm glad to hear your voice again, Bro. Akala ko talaga totoong patay ka n..." Pinutol ni Siege ang sasabihin pa niya nang magsalita itong muli.
"Kaya ba you swoop in to get my wife instead of finding yours?!" Yun lang at pinatayan na niya ito ng tawag. Saan naman niya nakuha ang number ko? Nag-ring uli ang phone niya. This time, tiningnan na muna kung sino ang tumatawag. Nang makilala ang number ay sinagot na agad ito.
"Mon, what's up?" Tanong niya dito.
"Hey, Tim. She's heading south. Turn our app on. I'll send you the coordinates." Sabi ni Ramon. "Brod, hindi n'yo pa ba nahaharap yung kumidnap sa inyo?" Dugtong nitong tanong. Napahugot ng malalim na paghinga si Siege.
"I don't want to, Mon. I am caught between killing her and burying her alive and maybe both." Natawa si Ramon sa kabilang linya.
"Take it easy lang, Tim. There's one more thing you need to know. Xander was snooping at their property in Cavite and befriended one of the worker there. Sila ang may gawa ng pagkakaaksidente mo. Sabi din pala ni Jon, kausapin mo si Mr. Samonte. Maaaring matulungan ka niya sa iba pang detalye ng aksidente n'yo almost eight years ago." Natahimik si Siege. Napapaisip siya. Ano ang kinalaman ng kapatid ni Brielle sa aksidenteng yun. "Tim? Are you still there?" Dugtong pa ni Ramon.
"Yeah, I'm still here. Thanks, Mon. This is big." Simple niyang sagot.
"No problem, bro. Go. follow your wife's trail. Ako na ang bahalang mag-update sa iyo." Paniniguro ni Ramon sa kanya. Nakangiti siya.
"Mon, one more thing. Will you look into a couple of people for me, please." Pakiusap niya.
"Sure. Personal na ipinagbilin ni DJ sa akin ang kaso n'yo. Don't worry, I'll call you and let you know as soon as I find things out." Ramon said in a most reassuring tone. Napangiti si Siege na parang akala mo ay nakikita ni Ramon ang mga ngiti niya.
"Thanks, bro. I'll call DJ." Sabi niya.
"But first, ano ang pangalan ng mga taong gustong mong paimbestigahan?" Paalala ni Ramon. Napapikit siya. Nakalimutan nga pala niyang sabihin kay Ramon kung sino ang mga paiimbestigahan niya.
"Ray Alvin Montemayor and Dean Patrick Villafuente." Natahimik panadalian si Ramon.
"Are we on speaker?" Biglang tanong ni Ramon.
"Yeah we are. Why?" Balik-tanong niya.
"It's better that way. Naimbestigahan na namin ang mga yan. Pinaimbestighan sila ng Daddy mo si Mr. Villafuente at si Mr. Villasis naman ang nagpaimbestiga kay Mr. Montemayor." Bahagyang nagulat si Siege sa sinabi ni Ramon.
"They did? May I ask why?" Tanong niya. Nagtataka.
"Well, siguro they have the same doubt as you did. Before DJ went home to Cebu with his family, he was able to dig into both of them at ayon doon sa imbestigasyon niya, Mr. Villafuente was clueless as hell sa kung ano ang nangyari sa buhay ng mga kaibigan niya dahil nung time na naaksidente kayo at nagkalayo ang mag-asawang Montemayor ay nasa states siya at nagpapakalunod sa online gaming at ang pag-develop nito. He got addicted with those games that his parents cut all his financial ties for a while, he makes his own money but not enough to sustain him living in New York. Tumawag ang mga parents niya para sa huling ultimatum, that's when he found out about your accident. Pinapunta siya ng mommy niya sa inyo sa California from New York to help out your parents and you kapalit ng pagpapatunay niya sa mga magulang niya na pwede nang ibalik ang mga kinuha nila sa kanya." Salaysay ni Ramon.
Matamang nakikinig lang si Siege. Nakahinga siya ng maluwag na malamang hindi ito kaisa sa mga Regalado.
"With Mr. Montemayor, there was a report na nawawala silang mag-ama mula sa fishing trip at hindi na nakita pa according to Mrs. Ryelee Blaire Montemayor. Meron din isang report na ang misis ni Mr. Ray Alvin Montemayor ang nawawala kasama ang nag-iisa nilang anak. And few days later, the Australian authority found a boy at a ranger's stations by the lake few miles away from their house, then few more miles by the edge of the lake was Mrs. Montemayor's cars. Then she showed up at her grandparents house in Antipolo but was sent to California by her mother. Nagpadala ng fake report si Mrs. Regalado sa mga authorities sa Australia na naghahanap kay Mrs. Montemayor na nasa Japan ito. In short, he was following a false report. He's main concern was to find his wife but was sent on a wild goose chase." Napatahimik si Siege. Wala sa loob na napahigpit ng kapit ang kanyang kamay sa steering wheel ng kotse.
"I don't get it, though. It seemed like we were all played like chess pieces being moved around by one person." Nag-iisip siya kung sino ang talagang may gawa kahit na may maliwanag na siyang hinagap. "And I wanted to know who was playing us." Dugtong pa ni Siege.
"Swerte mo ngayon, there's more." Nagtiim ng bagang si Siege. Can this night be more fucked up?
"What? Ano pa?" Ramdam ang galit sa isang salitang namutawi sa labi ni Siege.
"It's not what, it's who." Napatitig si Siege sa cellpnone niya na nakasabit sa holder na nakadikit sa dashboard ng sasakyan. Papunta siya ng Cavite? Kay Virgil?
"What do you mean who?" Well, hindi siya tanga pero pakiramdam niya natatanga siya sa mga pangyayari. Parang bigla siyang nawala sa sarili.
His mind is wandering off on the green blinking dot in front of the red solid dot which means nasa unahan lang niya si Brielle.
"Si Mrs. Regalado ang nagpadala ng false report na yun sa authority ng Australia, then Mr. Montemayor with his son flew to Japan and that's when your father-in-law bumped into him. He started working in Paperkutz Japan." Pinutol ni Siege ang iba pang sasabihin ni Siege nang marinig niya ang pangalan ng kompanya yun.
"Paperkutz Japan? Damn!" Napapamurang sabi ni Siege.
"Is everything okay. Tim?" Tanong ni Ramon. Bago pa masagot ni Siege ang tanong nito ay nag0beep ang kanyang phone. Nakita niya na may incoming call but it was just a number.
"I'll call you back. Let me know more about it later." Sabi niya sabay patay ng tawag ni Ramon at sinagot ang pumasok na bagong tawag. "Hello." Malalamig niyang bungad.
"Hello." Sagot ng kabilang linya. Si Brielle? Sigaw ng isip niya.
"Brielle?!" Napalakas niyang sambit sa pangalan ng asawa.
"Hindi po, Kuya Siegfried. Si Ella po ito." Sagot naman ng kabilang linya. Akala niya si Brielle kasi kaboses ng asawa. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Ramon.
"Ella, were you the one that called BTS Specialties a few months back?" Tanong ni Siege sa kanya.
"Po? Wait. Is that the company in California? Yun po kasi ang number na ibinigay sa amin ni Ms. Blaire Sebastian. Bakit n'yo po natanong?" Napaisip si Siege. Blaire Sebastian... Blaire Sebastian...Blaire Sebastian... Oh shit.
"Ella, nagkausap na tayo noon?" Sambit niya na parang nabuhayan siya ng dugo.
"Po? Paano po?" Tanong ni Ella. "Ay teka po. You mean, kayo po yung nakasagot sa number ni Ms. Blaire?" Naalala niya na number niya ang ibinigay ni Ryelee sa kliyente nila overseas. He remembered her reason was so stupid.
"Oo ako nga." Mabilis na sagot ni Siege. One puzzle down. "Ella, bakit ka nga pala napatawag?" Tanong ni Siege sa kanya.
"Tumawag po ang Ate Bri kani-kanina lang. May sinasabi po siya pero nalilito po kasi ako doon sa bilin ni Ate eh. She seemed like she's not making any sense tapos naghang-up na po. Tinawagan ko po uli pero di na sinasagot. Since magkasama kayo ni Ate, paki tanong nga po sa kanya kung ano po yun?" Walang prenong sabi nito. Walang planong sagutin ni Siege si Ella.
"Nasaan ka ngayon?" Tanong niya dito.
"Nandito po ako sa Cavite, sa bahay ng kapatid ni Ate Bri kasama sila Nanay. Bakit po, Sir." Tanong ni Ella. Sa bahay ng kapatid ni Brielle. Ayaw pang sabihin na bahay ng boyfriend ng kapatid niya. Napailing siya sa naiisip.
"Okay, thank you." Nagpatay na siya ng tawag pagkatapos nun. Itinutok niya ang pansin sa tracker. Papuntang Cavite nga si Brielle. Hope you are going to your brother's house not just driving aimlessly. Sigaw ng isip niya. Naiinis na nagagalit siya sa kanyang sarili.
--------------------
End of SYBG 33: Beginning of the End
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
03.21.18
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro