SYBG 31
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Meeting Again"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
ISANG mahabang gabi ang iniupo nila Siege at Brielle nang nakagapos at walang magawa kundi ang titigan ang isa't isa na puno ng awa. Hikbi lang ang maririnig sa tahimik at malamig na gabi. Patuloy sa pag-agos ang luha. Hindi nila alam kung saan nanggagaling ang hindi maubus-ubos na mga luhang yun.
"Hon, I'm sorry." Unang salitang namutawi sa labi ni Siege simula nang umalis si Miranda sa harapan nila, kalahating oras na ang nakakalipas.
"It's okay, love." Sagot ni Brielle sa namamaos na boses.
Hindi siya makatayo para lumapit sa asawa dahil nakatali pa rin ang paa niya. Pareho silang nakatali mula paa, kamay at maging ang katawan nila ay itinali rin sa sandalan ng upuan. Mas lalong nagngalit ang loob ni Siege dahil pakiramdam niya ay napakainutil niya. Hindi niya man lang mailabas ang asawa dito. Hindi niya mang lang maipagtanggol ito dahil maging ang sarili ay hindi magawang kalagan.
"Siege. Ano yun?" Napatuwid ng upo si Brielle.
"What happened, Hon?" Naalertong tanong ni Siege sa asawa.
"Ssshhh!" Sabi niya. Panandalian silang tumahimik. Nakinig. Nakiramdam sa paligid.
Pareho silang nagulat nang biglang lumabas si Mang Asyong sa tagilirang bahagi ng nakabukas na pintuan ng balkonahe na malapit sa kinalalagyan ni Siege.
"Mang Asyong?" Mahinang sambit ni Brielle sa pangalan ng kanilang driver. Mas lalong bumalon ang luha ni Brielle sa kanyang mga mata.
"Sshhh! Brianna, anak. Nasa labas ang Papa n'yo ni Sir Siegfried. May mga kasama silang mga lalaking hindi ko kilala." Pabulong na sabi ni Mang Asyong. Mabilis itong gumapang papunta sa likuran niya para kalasin ang tali.
"Paano n'yo pong nalaman na nandito kami?" Tanong niya sa kanilang loyal na driver.
"Nung tinawagan n'yo ako kanina para sunduin sila Sir Alvin at Ma'am Ryelee sa airport, dito po sila nagpahatid. Mamaya ko na po ikukwento. Kailangan na nating lumabas dito habang kinakausap ni Ma'am Ryelee ang Mommy niya." Sa wakas nakalas na ni Mang Asyong ang tali sa kamay ni Brielle. Umiiyak pa rin siya.
"Nasaan na po ang mga tauhan ni Mrs. Regalado?" Tanong niya sa matanda.
"Hindi ko po alam pero basta ang sabi sa akin nung DJ, bilisan ko lang daw po." At yun nga ginagawa ng matanda ngayon. Nang makalas na ang tali sa katawan ni Brielle ay siya na ang magkakalas ng tali sa paa niya.
"Mang Asyong, pakitulungan nalang po si Siege." Tumango naman ang matanda at lumapit ito kay Siege at inumpisahan ang pagkalas ng tali sa kamay niya.
"Maligayang pagbabalik, Sir Siegfried." Nakangiting pagbati ni Mang Asyong sa kanya.
"Salamat po, Mang Asyong." Ngumiti ang matanda. "Paki samahan po si Brielle sa pagbaba. Mauna na po kayo." Utos ni Siege sa matanda.
"No, Siege. Sabay tayo!" Madiin na sabi ni Brielle na ngayon ay nakaluhod sa tabi niya at kinakalas ang tali sa kabila niyang paa.
Walang nagawa si Siege kundi ang tumahimik. Ayaw din naman niyang mawalay pa kay Brielle kahit na seven seconds man lang. Seven years is too much. It shouldn't happen again. Ever.
Sa wakas. Nakalas na rin ang mga tali niya sa paa. Tumayo siya at bahagyang hinila si Brielle palapit sa kanya at hinapit ang asawa sa mahigpit na yakap. Siniil ito ng halik na halos ikabaliw nilang pareho. Halik na puno ng pananabik. Pagnanasa. Halik na hindi nila alam na mangyayari pa.
Mga anak." Pagpukaw ni Mang Asyong sa kanilang dalawa. Tumikhim si Siege.
Siege." Paanas na sambit ni Brielle. "Can we leave first?" Dugtong pa nito. Doon lang nagbalik si Siege sa sarili.
"Ugh!" He growled. Naiinis siya dahil ngayong hawak na niya ang asawa ay nasa maling pagkakataon pa. Nanggigigil man siya ay kailangan niyan pigilin ang sarili. "Humanda ka pagdating sa hotel." Bulong niya kay Brielle.
Napatanga at parang nawala sa sarili niya si Brielle sa init ng hininga ng asawa niya sa may puno ng kanyang tenga at leeg. Alam n'yo ba ang mahirap sa hindi nagkita ng pitong taon?
Simple. Yung naipong panggigigil na kahit na nandiyan na sa harap mo ay parang ang layo pa rin? Na kahit na abot-kamay mo na lang, pakiramdam mo ay milya-milya pa rin ang layo sa sia't isa? Yan. Ganyang pakiramdam.
Bahagyang nakahinga lang si Brielle nang medyo lumayo ng kahit isang dangkal lang si Siege sa kanya, pero parang nalulunod pa rin ang puso at baga niya na naipon sa kanyang puson ang lahat ng kanyang nararamdaman.
Kung ano ang koneksyon ng puso at baga sa puson, yun ang hindi alam ni Brielle. Basta ang alam niya lang ay nandun sa puson niya naipon ang lahat at alam niyang sasabog ito kahit anong oras kaya dapat na silang umalis.
Napangiti naman si Mang Asyong sa sexual tension na alam niyang bumabalot sa kanyang alaga at asawa nito. Maging siya ay natataranta. Maging ito ay nasasabik sa sayang nakikita sa mga mata ngunit natatabunan ng kaba, takot at galit.
"Tara! Naiihi ako!" Sabi niya sabay hakbang palay okay Siege. Humakbang siya palabas ng pinto.
"Neng, dito tayo. Hindi kayo pwede diyan dahil makikita kayo nung bruha." Pigil ni Mang Asyong sa kanya. Mabilis na tumalilis ang matanda patungong pinggalingang veranda. Mabilis ngunit maingat silang sumunod dito.
Sa awa ng Diyos ay nakakababa sila sa likurang parte ng bahay kung saan nakaharap ang verandang kanilang nilabasan. Pigil-hiningang nagdahan-dahan silang tatlo sa pangunguna ni Mang Asyong na bumaba sa maingay na hagdan dahil kahoy ito at may kalumaan na. Hanga si Siege at Brielle sa lalaki dahil kahit may edad na ay para lang itong gagamba.
Hawak-kamay ni Siege si Brielle habang maingat niya itong hinihila nang may pag-alalay na akala mo'y mamahaling babasaging kristal. Nakahinga sila ng maluwag nang lumapat ang kanilang mga paa sa lupa. Freedom! Sigaw ng isip ni Brielle.
"Nak, Sige na. Mauna na kayo doon." Utos ni Mang Asyong sa kanila na nakaturo sa makapal na bahagi ng hardin.
Tumango silang pareho at nag-uumpisa nang tumakbo patungo sa direksyong itinuro ng matanda. Sa di kalayuan ay may isang sasakyan na nakaparada. Malapit na sila dito nang may biglang sumigaw.
"Hoy!" Mabilis na tumakbo sila Brielle at Siege papalayo sa lalaking humahabol sa kanila
Hingal at uhaw ang kalaban nilang ngayon. Babalikan na lang sana ni Siege ang humahabaol sa kanila nang biglang may humarang dito na lalaki. Sa likod nito ay nakaalalay si Virgil. Natigil sila.
Itinulak nito ang lalaking humahabol sa kanila sabay suntok ng malakas dito. Natumba ang lalaki. Tumayo ito na lulugu-lugo at gusto pang gumanti ngunit naunahan pa ito ni Virgil ng isang matinding upper cut na ikabulagta nito at hindi na nakabangon pa.
"GO!" Sigaw ni Virgil sa kanila.
Mabilis namang tumalima si Siege at Brielle hanggang sa narating nila ang sasakyan. Nandun si David at Aaron na naghihintay sa kanila. Mabilis na inakap ni David si Brielle habang mangiyak-ngiyak na nakamasid lang si Aaron at Siege.
"Are you okay?" Tanong ni David sa anak.
"Yes, Papa. I'm okay." Sagot ni Brielle na nanginginig at hinahapo pa rin. Bahagyang hinaplos ni Siege ang likod ng asawa. Isang milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan nito. Ramdam ni Siege ang paninigas ng katawan ni Brielle. Maging siya ay ganun din ang naging reaksyon niya sa ginawang paghaplos dito.
"Mr. Villasis! Umalis na po kayo. Kami na po ang bahala dito!" Sigaw ng isang boses ng lalaking pamilyar ang boses.
"Siegried! Ilayo mo na yang kapatid ko dito!" Boses yun ni Virgil. Nagulat si Siege.
"Kapatid?!" Tanging katagang namutawi sa labi ni Siege.
"Hay naku, tara na. Mahabang kwento. Sa hotel na kami magpapaliwanag." Mabilis na sabi ni Aaron sa anak. Mabilis na sumakay si Siege at Brielle sa likod ng kotseng ipinagmamaneho ng biyenan.
"Pa, si Mang Asyong?" Tanong niya.
"Wag mo munang isipin si Mang Asyong." Sagot ni Siege, masamang tingin ang ibinato niya dito.
"Si Mang Asyong ang nagdala kay Alvin dt asawa nito dito. Sinabihan kong hintayin niya ang mga ito." Pahayag ni David. Tumango-tango lang siya at pagod na sumandal.
Tahimik na naglakbay ang apat. Kinabig ni Siege si Brielle pasandal sa kanya, dahil sa pagod, gutom at antok, nahulog sa mabilis pagkahimbing ang dalawa.
Gusto man nilang namnamin ang kanilang muling pagkikita pero nanalo at nanaig ang panghihina sa mga pangyayari di maipaliwanag. Tahimik na nakamasid sa rearview mirror na lumuluha sa tuwa ang ama ni Siege. Sa wakas magiging maligaya na naman uli ang anak niya. Maaliwalas na ang mukha ni Siege sa paningin ni Aaron, ganun din ang tingin ni David sa anak. Parang may malaking tinik na nabunot sa kani-kanilang lalamunan.
Ilang sandali pa ang itinagal ng biyahe nila. Halos alas singko na nang umaga nang makarating ang lima sa Scottsdale Hotel. Ginising na ni David si Siege.
"Son, we're here." Panggigising ni Aaron kay Siege.
Pupungas-pungas na iminulat ni Siege ang mga mata. Nagpalinga-linga muna na parang kinikilala kung nasaang lugar na sila ngayon. Nang dahil sa nangyari sa kanilang mag-asawa kahapon ay parang ayaw niya kaagad na lumabas sa kotse nang dahil sa takot na baka may kumuha na naman sa kanya o sa kanilang dalawa. Nabalik lang siya sa kasalukuyang pag-iisip ng tinawag siya ng biyenan.
"Siegfried, hijo." Sambit ni David ng kanyang pangalan. Tinitigan niya itong mabuti muna bago pa lubusang nakilala.
"Pa." Sambit niya nang mapagsino ito. "Bakit po?" Nalilitong nagtatanong. Napangiti si David.
"Alam kong pagod ka na. Ako na ang magbubuhat sa kanya paakyat." Alok ni David. Gusto niyang tulungan ang pagod at antok na manugang but knowing Siege, it doesn't matter if he is tired, sleepy, dying or whatever, he will carry Brielle even if it means that he'll have to do it to the ends of the earth hanging into his last breath.
"Okay lang po ako, Pa." Magalang na tugon ni Siege sa biyenan. Niluwagan ni David ang bukas ng pinto ng kotse habang nakaalalay si Aaron.
Pinangko ni Siege nang katulad ng bagong kasal si Brielle at nagtuloy na ng lakad kahit pagod at antok na natok na. Kahit nanghihina ang katawan dahil sa kakulangan ng tulog, kain at pahinga ay masaya siyang malamang buhay ito at nasa bisig na niya.
Panandaliang tinitigan ni Siege ang walang kupas sa kagandahang asawa. Dumaan man ang trahedya sa kanila, hindi nito pinagkupas ang gandang taglay nito dahil ito ay nanggagaling sa kalooban at mukhang mas gumanda pa ito ngayon.
"Siegfried, here's the keycard for yours and hers. Mas mabuti nang hiwalay kayong magpahinga kami na muna ang bahala sa mga bata." Ngumiting malungkot ang ama niya. Mahaba pa ang oras na haharapin nilang dalawa ni David dahil hihintayin pa nila ang pagbabalik ni Virgil, Mang Asyong at mga kaibigan nito.
"Sige na Siegfried, kami na ang bahala muna sa mga apo namin." Pagod na ngiting ibinigay ni Siege sa ama at biyenan. Alam niyang maghihintay pa ang mga ito sa ibabalita ni DJ. Nagtataka man ay tahimik siyang nakapagpasalamat sa agarang pagdating ng mga ito.
Buhat-buhat ang asawa, tumuloy na si Siege sa elevator patungong 7th floor, sa isang penthouse na pag-aari ng kanilang pamilya. Napansin niyang hindi kabigatan si Brielle ngayon. Napakunot ang noo na nag-isip. Maaaring dahil sa walang kain ito ngayon araw kaya naging magaan ito. Gayunpaman ay parang hindi niya na itong kaya pang mabuhat hanggang sa penthouse nila, pumipikit na rin ang kanyang mga mata. Mabuti na lang at mabilis ang pag-angat ng elevator cabin pataas.
Mabilis na lumabas si Siegepagkabukas na pagkabukas ng pinto at mabilis na itinapat ang keycard. Binuksan ang pinto at dire-diretso sa maliit na kwarto at marahang inilapag ang asawa sa kama. Hindi na niya akya pang magbihis o magpalit ng kahit na ano dahil pagal na pagal na ang kanyang katawan, tinabihan nal ang niya ang asawa, hinalikan sa noo at pinagmasdang maigi si Brielle hanggang nilamon na rin siya ng karimlan.
--------------
"Lola M, when are we going to see our Mommy and our Daddy?" Tanong ni Brynn na hindi nakatingin sa kanyang Lola Margaret. Nilalaro nito si Stargazer habang nagbabasa naman si Ethan ng Magic Treehouse.
"I think they are still asleep, Princess. Let Mommy and Daddy rest for a bit longer." Sagot naman ni Margaret na ayaw ng mag-elaborate pa.
"But Lola, it's late already. I want to go to the mall." Nakangusong sabi ni Brynn. Napahagikhik si Ethan. Tinapunan ng matalim na tingin ni Brynn ang kapatid but it seem like Ethan was oblivious to the deathly stare that his sister is giving him. At dahil hindi ito pinansin ni Ethan ay sumimangot to the ends of the earth at padabog na pumasok sa kwarto ng Daddy niya.
"Hey, Little Guy. I think you made your twin sad." Simpleng sabi ni David kay Ethan.
"Why? What did I do? Where is she?" Nag-aalalang tanong ni Ethan. Itinuro ng Lolo niya kung nasaan ang kanyang kapatid. Mabilis itong tumalon sa sofang kinauupuan at pumunta sa kwarto ng ama nila.
Naabutan in Ethan umiiyak ang kapatid kaya nilapitan at kinausap ito. Tinatanong kung ano ang nangyari, nung una ay ayaw pang magsalita nito hanggang sa pati siya ay sumimangot na rin. Nag-iba ang ihip ng hangin. Si Ethan na ngayon ang nakasimangot.
Nalungkot si Brynn dahil hindi naman niya sadyang magmaktol. Pinagtawanan kasi siya ng kapatid kaya siya nagtampo. Nang maintindihan ni Ethan ang ikinatampo nito sa kanya ay mabilis siyang nagpaalam dito para kunin ang kanyang Magic Tree house book.
When he came back, he explained to her and showed her the part he was reading where he giggled. He made her read it and she herself giggled at that part, then from there, the twins were giggling ang laughing. They are making oh and ah sound as they read through the adventure of an eight-year-old boy Named Jack and his younger sister named, Annie.
Nakikita ng mga apuhan nila ang katuwaang nagaganap habang nagbabasa ang dalawa sa kwarto ng kanilang Daddy na sadyang ikinatuwa ng mga ito. Sa wakas, buo na ang pamilya ng kanilang mga anak.
Alas dos na nang hapon nang may kumatok sa penthouse nila Aaron at Margaret. Halos sabay-sabay silang napalingon sa pinto. Tumayo si Aaron para pagbuksan kung sino ang kumakatok na yun. Malaki ang ngiting kumawala sa mga labi ng lalaki nang makita ang parehong bagong ligong Brielle at Siege.
"Welcome back, kids." Bati ni Aaron sa anak at manugang.
"Morning, Dad." Bati ni Siege na ikalakas ng tawa ni Aaron.
"Anong morning? Ilang tulak na lang good evening." Tinapik nito ang anak. Kiming ngiti naman ang makikita kay Brielle. Napailing na lang si Aaron dahil maging ngayon ay mukhang nahihiya pa rin si Brielle sa kanila.
"Sino yan, Aaron?" Tanong ni Margaret. Hindi kasi kita ang pintuan ang pwesto ng lamesa.
"Ang mga bata." Simpleng sagot nito sa asawa. Hindi pa tapos ang unang pagkurap ng mga mata ni Aaron ay nasa tabi na kaagad niya ng asawa at ang mga balae.
"Oh, thank God!" Naluluhang sambit ni Margaret at mabilis na inakap ang anak.
"Brianna..." Mabilis na tumulo ang luha ni Amanda ng sambitin niya ang pangalan ng anak.
"Ma." Naiiyak na inakap ni Brielle ang ina. Takot na takot siya kahapon. Akala niya ay hindi na niya makikita ang mga magulang at anak. Ikaw ba naman ang kidnap-in hindi ka kaya mtakot at maiyak?
"It's okay. You're safe now." Malambing na sagot ng ina. Akap-akap nila ang isa't isa. Naiyak na rin si Margaret. Oo na. OA na kung OA. Minsan nang nabingit sa kamatayan ang anak at ayaw na nilang mangyari uli yun. Ang nangyari kahapon ay hindi na dapat pang maulit.
"Hi, Ma." Bati ni Siege sa biyenan.
"Hi, hijo. Oh my God, you are really alive. Diyos ko. Anong klaseng laro ba itong dumapo sa atin at tayo ang napagkatuwaan. Kamusta ka?" Walang direksyon ang takbo ng utak ni Amanda. Basta ang alam niya ay tuwang tuwa ang puso niyang makitang buhay ang manugang. Nag-uumapaw ang puso sa kaligayahan dahil buo na ang pamilya ng kanyang anak.
Matapos ang lahat sa mga bata kahapon, sa mag-asawa kagabi at nang makabalik na sila sa hotel, naikwento na ni Aaron at David sa kanilang mga asawa kung sino ang nagpa-kidnap sa mag-asawa.
Nagalit ang mga ito lalong-lalo na si Margaret. Hindi nila maintindihan kung bakit naging ganun si Miranda, kung bakit niya nagawa yun, kung bakit nakaya niyang maging masama. Nangngangalit silang pareho ni Amanda dahil nalaman nila mula sa kapatid ni Miranda na si Ida ang kondisyon ni Miranda. Kahapon, matapos makalabas ang mga bata sa ospital ay tinawagan kaagad ni Margaret si Ida para makipagkita dito. Mabilis naman itong pumayag.
Naging magkaibigan ni Margaret ang ginang noong kabataan pa nila kahit sa maikling panahon lang ng pagbisita nila sa Hacienda Sebastian para sa pagpaplano ng kasal ni Miranda at Ezekiel, nandun sila nang isugod sa ospital ang ama nito at hanggang sa namatay si Don Manuel. Sa utos na rin ng namatay na ama ay itinuloy pa ri nang kasal ng dalawa kaya mas natagalan pa sila doon. Matapos ang lahat ay hindi na rin sila nagkita pa ni Ida.
"Mommy?/Daddy!" Sabay na sigaw ng kambal. Mabilis na tumabi ang mga apuhan ng mga bata dahil tumatakbo ang mga ito patungo sa mga magulang. Mabilis na kinarga ni Siege si Ethan at si Brielle kay Brynn.
"Yey! I have a Mommy!" Masayang sigaw ni Brynn. Natawa si David dahil nawala ang mga mata ni Brynn ng ngumiti ito. Parang si Brianna lang noong maliit pa ito. Ganito din kasi noon si Brielle, nawawala din ang mata nito kapag tumatawa.
"Me, too." May kayabangang saad ni Ethan. "Thank you, Mommy. I love my birthday present." Labas ang malalim na dimple ng batang si Ethan. Nagkatinginan si Brielle at Siege.
"Birthday present?" Kunot-noong tanong ni Brielle. "I haven't gotten you any gift, baby." Naguguluhang dugtong.
"Yes, you do. You got me my Daddy. See?! He is not dead." Parang kinayumos ang puso niya sa tinuran ng anak. Oo nga pala. Hiniling nga pala ni Ethan na makita ang ama kaya sila umuwi ng Pilipinas. Napangiti na lang si Brielle.
Naramdaman na lang niya ng braso ni Siege na umakbay sa kanya at pinisil ang kanyang balikat. Ayan na naman ang kuryente na libo-libo ang boltaheng pumupuntirya sa kanyang kaibuturan. Hindi niya na kayang magpigil.
Kaninang magising siya, una ay hindi na niya alam kung nasaan siya, narinig na lang niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Iniikot niya ang kanyang paningin, matapos ang naganap kagabi, medyo nalilito siya. Biglang kumabog ang kanyang dibdib, iniisip na baka kung nasaan na naman siya.
Mabilis siyang tumayo at lumapit sa bintana. Sumuwang, sinipat kung anong landmark ang pwede niyang makikita sa labas para magka-idea kung nasaan siya. Maraming senaryo ang pumapasok sa isip niya ngayon pero isa lang ang sigurado kanya, asawa niya ang kanyang kasama kagabi.
Bigla, parang ilaw ng bombilyang nagliwanag ang isip niya. Siege!! Sigaw ng isip niya. Alam niyang ito ang kasama niya. Ipinikit ang mga mata at nilanghap ang amoy ng kwarto. Napangit siya ng masigurong wala siya sa panganib dahil pabango ng aaswa ang kanyang naaamoy.
Nilingon niyang kamang pianggalingan. Alam niya, nakakasiguro siyang si Siege ang kasiping niya kagabi na kahit na walang na siyang maalala maliban sa pagsakay nila ng sasakyan ng ama at biyenan ang nagmaneho.
Ibinalik at itinuon ang paningin sa parking lot sa ibaba. Inilibot ang mga mata sa kabuuan ng parking lot. Napansin niya ang logo sa sign na nasa gilid. Maliit man ito pero sigurado siya kilala niya ang logo na yun. Iisa lang ang meron nun dito sa buong kamaynilaan. Insigna ito ng Scottsdale Hotel. Natigilan siya.
Agad na nilingon ang direksyon ng banyo na ngayon ay tahimik na. Napaisip siya. So, nandito kami sa hotel na pag-aari ng mga Regalado? Ibinalik ang mga mata sa kalsada sa baba.
"You're awake." Turan ng pamilyar na baritonong boses sa likuran niya. Paikot na hinarap ito. Natulos siyang makita ang nakahubad na asawa na tanging tuwalya lang ang tumatabon sa pagkalalaki nito.
Nagsusumigaw ang utak ni Brielle ngayon. Juicecolored! Wag muna ngayon! Marupok ako. Marupok na marupok. Sobrang rupok! Napakarupok! Ilayo mo po ang lalaking ito na iyong pinagpala sa lahat ng bagay sa harapan ko. Utang na loob, Lord. Patuloy na panalangin ni Brielle.
"Ah... uhm... Y-yeah." Nabubulol niyang sagot. "I .. ah... I-i was waiting for the bathroom. Yeah. I was waiting for the bathroom." Mahigpit siyang napalunok.
Wow. She's stuttering. She's panicking. Thank God, I still have the same effect on her. Akala ko wala na. Nakangiti ng lihim si Siege. Mas lalo pang inilapit ang sarili kay Brielle. Binigyan niya ng isang pamatay na ngiti ang nako-conscious na asawa.
"The bathroom is waiting for you, too." Pabulong niyang sabi na ikinahingal ni Brielle, na sinabayan ng bahagyang pagtawa.
Nakita niya ang pagpikit ni Brielle ng madiin, umiwas at nilampasan siya nito na parang takot na masagi siya. Gusto man niyang hapitin ito, halikan at angkinin ngayon mismo ay hindi niya gagawin. Pipigilan niya ang kanyang sarili. Dahil sigurado siya na hindi niya ito tatantanan. At alam niyang maiistorbo lang sila ng mga anak kung ngayon nyia iisipin ang bagay na ito.
Don't get him wrong, he loves his kids more than his life but right now, his throbbing manhood is screaming for her at hindi pwede ang isa lang o dalawa o talto lang. Hindi rin pwede ang apat. Kaya ngayon pa lang ay kailangan niyang pigilan muna ang sarili. Makikipag-bonding muna sila sa mga anak nila, tsaka na si Dayunyor.
Simula pa kahapon sa Antipolo, unang beses niyang masilayan ang buhay na mukha ng asawa, yung mga mapangusap nitong mga mata, yung mamula-mula nitong mga labi na hindi nakakasawang halikan ay bigla na rin nabuhay ang kanyang Dayunyor. Nakakaranas siya ng morning wood, pero natural na yun sa mga lalaki sa umaga kahit wala silang naiisip na kalaswaan pero yung regular days niya lang, walang epekto.
Maging ang mga sexy na amerikana at latina sa California noon kapag napupunta sila sa beach ay hindi naman pinapansin ni Dayunyor. Ang akala niya ay naapektuhan ito ng aksidente tapos ngayon, mata pa lang ng asawa, pabango pa lang ni Brielle nagwawala na ang anaconda niyang tuli.
"Siege!" Sigaw ni Margaret sabay hampas sa braso niya. Para siyang biglang natauhan. Natulala na pala siya.
"What? What happen?" Tanong niya na parang tanga. Narinig niyang bumungisngis ang kambal.
"Daddy. Nothing happened but you are just staring at Mommy. Lola's been talking to you. Hihihi!" Patuloy sa pagbungingis si Brynn. Nakaupo ito sa kandungan dahil umupo na rin si Brielle sa sofa. Mabigat na si Brynn para kargahin ni Brielle pero dahi lsabik sa ina ay hinayaan na lang ito.
"Brynn, Daddy is staring at Mommy because she is beautiful." Tumingin naman kaagad si Brynn sa mommy niya.
"Yeah. You're right Kuya Knight, Mommy is very beautiful." Bumungisngis din ang kanilang prinsesa.
"You two, knock it off. You are making your Dad uncomfortable in front of your Mom." Saway ng Lolo Gramps nila.
"Yeah. Your Lolo Gramps is right. Your Dad looks stupid right now. Hahaha." Turan naman ni David. Nagtawanan ang lahat. Namumula ang mukha at tenga ni Siege, napagkaisahan ng biyenan at ama. Nangingiting naiiling na lang si Siege.
Wala siyang pakialam kung gawin man siyang pulutan sa tuksuhan ng pamilya, basta ang alam niya ay masaya siya dahil hindi niya ni minsan naisip na maibabalik pa sa dati ang kanyang pamilya. Hindi niya kailan man naisip na makikita pang buhay ng kanyang dalawang mata ang asawa at anak na lalaki.
May kumatok na muli sa pinto. Mabilis na pinuntahan ni Aaron at maingat ma binuksan ito. Bumungad sa kanila ang apat na mukhang pagod na pagod at walang tulog na mga lalaki.
"Oh DJ, ano ang balita?" Tanong ni Aaron. Umiling lang ito habang ang iba mas piling hindi na muna sumagot. "Nandito na ang mga bata." Para kay Aaron ay mga bata pa rin si Brielle at Siege.
"Virgil! Bakit andito ka pa? Bakit hindi ka na muna umuwi sa bahay mo at magpahinga?" Nagmamadaling lumapit si Amanda kay Virgil at hinila itong paupo sa kinauupuan niyang solo sofa.
"Okay lang po ako, Tita." Nahihiyang sagot ng binata.
"Mama!/Mama!" Sabay pang sabi ni Amanda at Brielle. Nag-alanganin pa si Virgil. Tumungin na muna siya kay David. Bahagyang tumango naman ito sa kanya. Naguguluhan man si Siege ay hinayaan na lang muna ang mga ito. Tsaka na siya magtatanong,
"Sup, Jay?" Bati niya sa kaibigan. Tumango ito sa kanya.
"Gusto n'yo na bang malaman kung ano na ang nangyari kay Mrs. Regalado o bukas na lang? Tanong ni DJ. Nagkatinginan ang magpamilya na parang nagkaintindihan.
"Bro, siguro okay na muna na bukas na lang o sa makalawa na natin pag-usapan yan. Gusto ko munang masolo ang pamilya ko." Si Siege na ang sumagot. Ngumiti si DJ sa kanya.
"That's fine with me. Bro. Tawagan mo na lang ako. Uuwi kami bukas sa Cebu dahil may klase pa ang mga bata. Nag-mini vacation lang kami dahil kay Mae at kay Dad na nangungulit. But anytime you need to know the details at ang pagsampa ng kaso kay Mrs. Regalado just contact Ramon or Jon here. Kilala naman ni Virgil si Jon." Tuloy-tuloy na pahayag ni DJ. Hindi naman pala nila kailangan na ngayon agad-agad na harapin si Miranda, dahil kung tutuusin ay hindi pa sila handang pakiharapan ito.
"Maraming salamat sa inyo." Lahat ay napalingon kay Brielle. Ngumiti ang mga bisitaa sa kanya.
"No problem, Mrs. Scott." Napatitig si Brielle sa kanila.
"Brianna na lang. Siya si Mrs. Scott." Turo nito sa biyenang babae. Natawa si Margaret.
"Before going to land of the dead you are Mrs. Scott and you are still." Mapagmahal na pahayag ni Margaret. Napayuko si Brielle tanda ng pasasalamat.
"Well, we have to go now." Paalam ni DJ. "Nagtatampo si misis. Kailangan kong ikwento sa kanya ang tungkol dito." Pahabol na sabi ni DJ. Bigla itong may naalala.
"Please give my regards to Mack, Carmi, Chai and Ilene." Pahabol ni Brielle. Tumango naman si DJ.
"Mr. Villasis, I apologize for turning you down. My wife straightened me up and good thing she met Brianna and because of that tracking app that she had uploaded on her phone and what I did on Tim's phone, we were able to get to them quickly." Paghingi niya ng paumanhin sa ama ni Brielle sabay paliwanag na rin.
"Don't worry about it. We may need your service someday again." Seryosong sabi ni David pero may kaagaanan naman. Balewala na sa kanya yun dahil ang importante ay nagkita na ang mag-asawa at nabuo na ang silang magpamilya.
Matapos nilang makausap ang mga ito ay nagsialisan na rin ang lahat. Nagpaiwan si Virgil dahil hindi pumayag si Amanda na umalis din ito. Nagkwentuhan sila ng mga ilang saglit pa. Nagtuksuhan, nag-asaran at ni minsan ay hindi man lang sila nagkapikunan hanggang sa nagpasya ang mga ito na pumunta ng mall at doon na lang maghapunan sa isa sa mga restaurant doon. Bago pa man sila umalis ay dumating si Ella at Dean na halos hindi nagpapansinan. Nagkakailangan to be exact.
Pagkatapos nilang mag-mall ng gabing yun napagkasunduan ng magpamilya ng pumunta ang Batangas at doon magtigil ng tatlong araw at dalawang gabi. Isinama nila si Dean, Ella at Virgil at maging ang kapatid ni Ella na si Erica at si Nanay Carmen isinama na rin ni Virgil.
Isang napakasayang reunion ang nangyari. Nasurpresa si Ella, maging ang pamilya Villasis, ng dumating si Virgil kasama ang kapatid at ang ina ng dalaga. Palitang ipinaliwanag ni Erica, Nanay Carmen at Virgil ang buong pangyayari at kung paano nilang nakilala at napunta sa poder ng binata. Masaya naman si Virgil dahil nakita niyang masaya rin ang pamilya ng kasintahan. Hinayaan niyang magsama at magkwentuhan ang mga ito. Bahagya nilang kinalimutan ang problemang iniwan sa Manila. Pinili ng mga Villasis at Scott ang maging masaya.
Sa dalampasigan makikita mong naglalaro ang kambal at kasama ang kanilang mga magulang, a perfect picture of a happy family. Giggles and laughters fill the air. Calmness and serenity can be felt. Everyone is at peace.
Ngayon lang nakita ni David na ngumiti ng masaya si Brielle. Ngayon lang dahil alam niya na buo na naman ang pagkatao ng kanyang anak. Maging si Aaron ay walang mapaglagyan ang kanyang nararamdamang kaligayahan para sa anak. Tunay na saya ang maririnig sa mga malulutong na tawa ni Siege kasama ang pamilya nito. Kompleto nang muli ang kanilang mga anak.
Masayang pinanunood ni Amanda, Margaret at Carmen ang kani-kanilang mga anak. Magkahawak kamay na naglalakbay sa baybayin si Erica at Virgil, ganun din si Brielle, Siege at mga bata, ngunit hindi si Ella at Dean, patuloy sapagbabangayan ang dalawa na ikinatawa ng mga gianng na nakatunghay sa kanila.
--------------------
End of SYBG 31: Meeting Again
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
03.14.18
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro