Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SYBG 30





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Hospital"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"Ay siya po pala si Ms. Crystal Camino." Pakilala ni Ella dito. "Siya po ang teacher ni Ethan." Siya lang kasi ang nakakakilala sa teacher ni Ethan. Nagkatinginan ang mga apuhan. Kalmado lang ang mga Lolo, ngunit hindi Amanda. Salubong ang mga kilay nito, galit.

Iba naman si Margaret. Para itong natulala pagkakita sa guro ng mga apo. Nakaramdam siya ng kakaibang kaba pagkakita pa lang dito. Ngumiti ito sa kanya. Sa kanya nga ba?

"H-hello po. Pasensya na po kayo at wala ako dito kanina pagdating n'yo. Inasikaso ko pa po kasi yung dalawang bata sa magkabilang room." Maikli nitong paliwanag. "Kayo po ba ang mga kamag-anak na dalawang cute na ito?" Tanong ni Ms. Crystal nang may ngiti sa kanila. Kuminang ang mata ni Dean. Nakita ni Ella ang pagngiti nito sa teacher ng mga bata. Napatitig ang guro ng mga bata kay Aaron at Margaret, ganun din sa mag-asawang Villasis.

"Juicecolored! Ang landi. Hindi na pumili ng lugar." Bubulong-bulong na usal ni Ella. Nilingon ito ni Dean na nakaarko ang isang kilay at mataas pa sa rooftop ng hospital na ito.

Bahagyang napatawa si Virgil. Napansin naman yun ni Ms. Crystal kaya napangiti ito kay Ella. Napansin din ng mga nakakatanda ang pagbigat ng tensyon sa pagitan ni Dean at Ella.

"Ikaw Virgil, makikitensyon ka rin?" Tanong ni Amanda na may tunog panunukso.

"Oh no, Mom. I'm good. Meron pong naghihintay sa akin. Mahirap na at baka ma-electric chair po ako ng warden ko." Sagot niyang ngingiti-ngiti. Napangiti din ng bahagya si David sa tinuran ng binata. Aba, may girlfriend na pala siya at mukhang one-woman-man. Lihim na nasiyahan ang puso ni David at ganun din si Amanda lalo pa at tinawag siya nitong 'mom'.

"Ang gulo n'yo." Mahinang saway ni Aaron kay Dean, gamit na rin ang nandidilat ng mga mata. "Ano ba ang nangyari at naaksidente kayo?" Dugtong niyang tanong na kaharap na ngayon sa dalawang bata.

"Ang sabi po ng driver namin at nung assistant niya, may nag-overtake daw po na van at nagmamadali daw po ito. Tapos biglang na lang daw pong nag-break sa harapan nila. Kesa daw po na banggain niya yun, dahil sigurado daw siya na mas malaki ang magiging pinsala sa mga bata ay mas minabuti na lang daw po niyang umiwas na mabangga nito ang likurang bahagi ng van at lumipat sa kabilang lane at mabilis na itinabi po yung bus. Yung nga lang po, dahil sa biglang paggewang ng bus ay nagkandahulog po yun ibang bata at yung iba naman po, katulad ni Ethan, ay nauntog po. Ayun naman po sa mga duktor na tumingin sa kanila. Puro minor lang naman daw po. Mas minabuti na po ng administration na patingnan yung mga batang nasaktan. Yun pong may slight head concussion ay pina-cat scan na po. Gusto lang pong masiguro na walang pong matinding damage dahil nga po medyo malambot pa daw po ang mga bungo ng mga bata. Maya-maya lang daw po ay babalik na daw ang resulta ng scan. Yun na lang naman po ang hinihintay namin." Paliwanag ng teacher Crystal. Nakahinga ng maluwag ang mga apuhan ng mga bata sa narinig na paliwanag ng teacher ng mga bata.

"Mabuti naman kung ganun." Parang nakahinga ng maluwag si Amanda.

"But Ethan here was so brave, he made sure that his sister was safe even if it hurt him." Pahayag ni Teacher Crystal na ubod ng tamis ang ngiti kay Ethan. Nangislap ang mga mata ng apuhan dahil sa sinabi ng teacher ng mga bata. Maging ang tatlo ay napahanga ng munting Ethan.

"Is that true, young man?" Hangang tanong ni Aaron kay Ethan. Ngumiti lang si Ethan at hindi nagsalita ngunit tumango.

"I am so proud of you, little man." Pagpuri ni David sa apo.

"Sigurado bang natingnan silang maiging ng mga duktor?" Nag-aalala pa ring tanong ni Margaret.

"Kailangang suriing mabuti ang mga bata. Baka mamaya ay may sugat o pas yan sa iba pang parte ng katawan." Nilapitan ni Amanda ang apong lalaki, itinaas nito ang braso ni Ethan.

Inililis din ni Amanda ang tshirt ng apo para makita ang likod, tiyan at tagiliran. Sinipat din nito ang batok ng bata, ang balakang, ang magkabilang hita at binti. Natawa si David sa ginawa ng asawa.

"Ma'am na-check na po sila ng duktor. I made sure they did that." Nakangiting pahayag ni Teacher Crystal.

"Hay, salamat naman. Hihintayin na lang natin ang pagdating ng resulta, Mandi." Maginhawang sambit ni Margaret. Pagkatapos ng mga maraming taon ng takot at kaba sa loob ng hospital ay parang ngayon lang iyon nabawasan.

"If that's the case, then I think we can relax a bit." Pahayag ni Amanda na naupo sa gilid. "Marge, halika dito ka umupo sa tabi ko." Anyaya ni Amanda. Ipinaghila ni Virgil ng isa pang upuan si Margaret dahil malapit lang ito sa kanya.

"Mabait naman pala itong anak mo, David." Puna ni Margaret. Alanganing ngumiti si David. Sinulyapan niya si Virgil. Nakayuko lang ito. Nakita niyang namumula ang tenga ng binata. "Tsaka ko na tatanungin, but you have a lot of explaining to do." Dugtong pa nito na sinabayan ng kindat. Napailing na lang si David.

"Mahabang kwento ito, kahit ako hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa." Nakatitig si David kay Virgil na hindi man lang ito tumingin sa kanya, ni hindi nga ito nag-angat ng tingin kahit kanino.

"Tita, hindi ko pa rin po makontak si Ate Bri." Nag-aalalang sabi ni Ella na pumutol ng usapan ng magbabalae. Nangunot ang noo ni Amanda at David, nagkatinginan sila. Gumuhit ang kaba sa mga mata ni Amanda.

"This is the first, David. Brianna haven't done something like this before." Lantarang makikitaan mo ng kaba, takot at matinding pag-aalala ang boses ni Amanda. "David, ayoko ng ganitong pakiramdam. Hindi iresponsable ang anak mo para hindi tumawag kung nasaan siya. Maggagabi na. Hindi nun kabisado ang kalsada." Dugtong nitong naiiyak na.

"Ella, please call Asyong. Baka nasiraan lang sila." Utos ni David. Hinaplos pataas baba ang likod ng asawa.

"Tito Ron, hindi ko rin makontak si Tim." Nakakunot ang noo ni Dean. Napatingin si Margaret sa asawa.

"Aaron, hindi ko gusto ito. Baka may nangyari nang masama kay Timothy, tapos hindi natin alam." Naiiyak na si Margaret. Nanginginig na rin ang mga kamay nito.

"Mr. & Mrs. Scott, sino po ang huling ka-meeting ni Siegfried?" Hindi na natiis na tanong ni Virgil.

"Bakit?" Tanong naman ni Aaron. Napatingin siya kay Margaret at Dean.

"Kasi kung sakaling alam n'yo ay maaaring malaman natin kung anong oras siya huling nakita at kung saan silang nagkita and from there pwede na tayong magtanong ng dagdag na impormasyon. Ganun din po kay Brianna. Mga adult na kasi sila kaya hindi natin pwedeng i-report ito sa pulis The police won't treat it as missing person unless they have been missing for at least 24 hours. Habang wala pang bente-kwatro oras, wala tayong makukuhang tulong mula sa mga pulis, pero may mga kaibigan akong pwedeng tumulong sa kanila na may kakayahang mahanap sila ng hindi umalis sa kanilang kinauupuan, unless na kailangang-kailangan." Ito na yata ang pinakamahabang nasabi ni Virgil sa halos dalawang oras nilang magkakasama mula sa factory hanggang dito sa loob ng emergency room. Nagkatinginan ang mga nandun.

"That is a good idea. Thank you, Virgil." Pagpuri ni David na may ngiti sa labi. Hindi man napansin ng lalaki ang bahagyang ngiting namutawi sa labi ng binata ay ikinatuwa naman ni Amanda yun dahil kahit papaano ay na-appreciate ni David ang anak. Oo na, hindi pa sigurado. Eh, ano naman ngayon? Basta anak niya si Virgil, tapos! Kastigo niya sa sarili. It's about time na magkaroon na ng kapatid si Brianna.

"Ms. Crystal, paano mong nalaman na magkapatid ang dalawang ito? Hinaplos ni Margaret ang pisngi ni Ethan dahil nakaupo ito sa parte ng stretcher na malapit sa kung saan siya nakaupo.

"Ma'am Bri dropped off Ethan this morning. Kinausap niya kasi si Brynn kanina, nilapitan at kinausap din po siya nung isang staff ng school namin na kasama sa grupo ng mga chaperone. Nag-alala po siya para kay Brynn nung lumapit si Ma'am Bri. Nagpaliwanag po si Ma'am sa staff namin. Sabi niya nagbabakasakali lang daw po siya na baka si Brynn nga po yung nawalay niyang anak. Nagkatanungan po si Brynn at si Ma'am Bri. It was the most touching moment daw po sabi nung staff namin kasi hindi pa natatapos ni Ma'am Bri na pagsasalita tinatapos na daw po ni Brynn and vice versa, nakakaiyak po Ma'am, Sir, promise. Before po kami umalis, pinakiusapan po ako ni Ma'am Bri na kung pwede lang sana ay wag na munang papaghiwalayin yung dalawang bata." Paliwanag ni Ms. Crystal. Nag-alalanganin pa siyang magpatuloy sa sinasabi niya dahil kung makatitig si Margaret at Aaron sa kanya ay para siyang matutunaw. Hindi din niya masabi kung ano ang nakikita niya sa mga titig ng mag-asawa pero ang sarap sa pakiramdam. Gayunpaman ay hindi niya malaman kung saan niya ilalagay ang sarili.

"So, ano na ang mangyayari sa dalawang bata? Magkahiwalay pa rin ba sila ng klase?" Tanong ni Dean ng may ubod tamis na ngiti. Nakanguso naman si Ella sa inis. Ang epal talaga ng hype na ito! Di na nahiyang sumabat sa usapan ng iba. Feeling concern, nagfi-flirt lang naman. Siniko siya ni Virgil.

"What?" Tanong niya ditong nakasalubong ang kilay. Hindi naman sila napansin ng karamihan. Inginuso ni Virgil ang mga nag-uusap.

"Listen." Kahit hindi siya tumingin kay Ella ay may nakakaloko naman itong ngiti.

"Isa ka pa diyan eh." Maktol ni Ella. Naputol lang ang bulungan nila ni Virgil na magsalita nang muli si Ms. Crystal.

"Unfortunately, wala po akong magagawa doon. Medyo puno na po kasi ang morning session. Pwede po silang magsama sa isang klase pero na either pang morning or pang afternoon, pero ililipat sila kay Mr. Frank." Paliwanag niya. Nagkatinginan ang mga apuhan ng mga bata.

"Lalaki?!" Sabay-sabay na bigkas ng mga ito. Uso ang chorus sa pamilyang ito.

"Kung ako po ang masusunod, gustung-gusto ko po na sa klase ko pareho ang dalawang ito. Pareho po kasing matatalino at bibo, palakaibigan at magalang. Nagiging masaya ang klase ko. Maraming naging kaibigan kaagad si Brynn sa hapon kahit one week pa lang siya. Si Ethan naman po ganun din kahit two weeks pa lang siya. Mami-miss po silang pareho ng mga classmates nila." Parang may bahid ng lungkot si Ms. Crystal na nakatingin ngayon sa mga bata. Kung ililipat silang dalawa ng pamilya nila para magkasama sa iisang klase ay wala naman itong magagawa, desisyon yun ng pamilya, teacher lang siya. Lingid sa pansin ng dalaga, nalungkot ang mga mukha nila Margaret at Aaron. Hindi nila alam kung bakit parang ayaw nilang makitang nalulungkot ang teacher na ito.

"Ms. Crystal, may we ask you some questions?" Malambing na tanong ni Margaret.

"Ano po, yun, Ma'am?" Tanong naman nito, nakangiti, naghihintay. Hindi niya matingnan ng diretso ang ginang dahil sa uri ng titig nito sa kanya. Nakakalunod. Nakakalula. Nakakasabik.

"How old are you?" Muling tanong ni Margaret.

"27 po." Si Ms. Crystal.

"Are you married?" Si Aaron.

"Hindi po, Sir. Single pa po ako." Sagot niya. "By choice." Dugtong paniya na ikinangiti ni Aaron.

"Who are you parents?" Tanong ni Margaret na hindi inaasahan ni Crystal na itatanong sa kanya ng kahit na sino. Palagi siyang nakakakausap ng mga pamilya ng estudyante niya pero ni minsan ay walang nagtanong sa kanya ng tungkol sa mga magulang niya. Sa edad niya, oo. Medyo madalas yun. Tsaka yung kung may asawa na siya.

"Uhm... Patay na po yung kumupkop sa akin na kinilala kong nanay. Ulila na po ako." Napayukong sabi ni Crystal. Nagkatinginan si Margaret at Aaron.

"Hija, when are you born?" Tanong ni Amanda. Napalingon siya dito.

"1991 po." Sagot niitong naguguluhan. "Bakit po?" Tanong ni Teacher Crystal pabalik kay Amanda.

"Marge, di ba may anak kang ipinanganak noong 1991 na nawawala?" Bulong ni Amanda kay Margaret. Tumango lang ito sa kanya. Nangingilid ang mga luha nito.

"Ah, wala, hija. Nakakatuwa ka lang kasing kausap." Simpleng sagot ni Amanda dahil hindi na makapagsalita si Margaret.

"Nasaan na ba ng doctor?" Pag-iiba ni David sa usapan at para naman gumaan ang tensyon ng maliit na kwartong ito. "Ella, have you tried calling Asyong?" Baling niya sa dalaga.

"Out of coverage po eh. I will try po uli, Tito." Sagot naman ng dalaga na kanina pa nga ito tawag ng tawag kay Mang Atong kahit na bwisit na bwisit siya sa kahanginan ng isang taong kasama nila.

"Excuse me po." Pagkuha ni Virgil ng atensyon ng mga ito. Tiningnan naman agad siya ng mga ito. "Nag-text na po sa akin yung kaibigan ko. Tatawag na lang daw po siya sa akin kapag nakontak na niya yung mga kaibigan niyang may security agency. T-tito, kilala n'yo po yata yung mga asawa ng mga yun. Sila po yung pumunta sa factory nung isang araw. Yung asawa ni Richardson." Nag-aalanganin man ay itinuloy na lang niya ang pagsasalita.

"Wait. Sinong Richardson? I know a Richardson." Sambit ni Aaron.

"Uhm... DJ po ang pangalan nung kaibigan ni Harris na kaibigan ko." Sagot ni Virgil. Siya lang naman ang makakasagot dahil at least kilala niya ang mga kaibigan ng kaibigan niyang si Harris.

"Anak ba yan ni Dwaine Paul? Yung may kakambal?" Usisa ni David..

"Opo. Yun nga po. Asawa niya po yung nabangga ni Bri sa grocery store." Nakaramdam ng pagkahiya si Virgil sa sinabi. Napakamot ng batok ng wala sa oras. "Sorry nga po pala sa nangyari sa grocery." Kimi niyang paghingi ng paumanhin na kay Amanda lang nakatingin. Ngumiti lang ito sa kanya.

"Don't think about it right now. We have to find her first, then mag-usap tayo later." Malambing na sabi ni Amanda. Lumamlam ang tingin ni David sa asawa. God, many years had passed and she never change. She's still loving and very understanding.

"Teka, Siegfried was supposed to meet up with DJ today at the hotel cafe." Sambit ni Aaron.

"Ay tama po, Tito. Yun nga po pala ang ime-meet niya kanina, hindi ko agad naalala." Sabi naman ni Dean.

"Yan kasi ang hangin. Hindi muna inuuna ang trabaho. Kung anu-ano kasi nang inaatupag, eh nawawala na pala ang bestfriend kuno pero heto isya, kumikirengkeng. Anong klase kang kaibigan?! Puro ka lang landi!" Hindi man malakas ang pagkakasabi ni Ella ay may diin naman yun. Sasagot pa sana si Dean ngunit wala siyang maisip na pambara sa babaeng bansot na madalda. Kaya ang resulta, isang matalim na tingin ang ibanto niya dito.

"Oh God, ang talas ng tingin? Namatay na ako! Tse! Kahit anong talim pa ng tingin mo, it won't change the fact na mas inuna mo pa ang magpapa-cute kay Ms. Crystal kesa isipin mo kung sino ang huling ka-meeting ng kaibigan mo. Akala ko ba ikaw ang assistant niya? My gosh! Nawawala ang bestfriend tapos ikaw babae ang hinaharap mo, samantalang kami ni Virgil halos hindi na magkandaugaga sa kaiisip kung nasaan na si Ate Bri." Mataray na dugtong ni Ella. Napapangiti si Virgil. Ella - 1; Dean - 0. Interesting. May maikukwento siya sa girlfriend niya mamaya pag-uwi tungkol dito. Maging si Nanay Carmen ay matutuwa.

"Dean, keep calling Siegfried." Utos ni Aaron sa kaibigan ng anak. Inirapan siya ni Ella. Namumula ang mukha ni Dean sa inis sa babaeng bansot na kaharap niya.

"Bansot na ito! Tirisin kita diyan eh!" Inis na bubulong-bulong a si Dean na narinig naman ni Virgil dahil nasa tabi niya lang naman ito. Napapagitnaan na kasi siya ng dalawang nag-uumpugang bansot. Bakit ba ako lumipat ng pwesto? Inis niyang tanong sa sarili.

"Bansot? Kung makapagsalita ka parang hindi ka rin bansot." Natawang bulong ni Virgil sa kaibigan. "That's where it all begins—" Pabitin niyang dugtong. Binato lang siya nito ng matalim na tingin.

"Ewan ko sa iyo, Payatot!" Inis niyang sagot sa binata. Natawa na lang si Virgil. Hindi niya yata napigil dahil bahagyang napalakas ang tawa niya.

"What is going on, Virgil?" Tanong ni Amanda sa kanya.

"Nothing, Mom. Masyado lang pong high blood si Dean kaya pinatatawa ko." Sagot naman niya. Pinanliitan siya ng mata nito. Isang cheesy smile ang ibinigay niya kay Amanda. Napailing na lang ang ginang sa inasal nila. Naputol lang ang sasabihin pa niya ng mag-ring ang phone niya.

"Hello? Yeah. Sure. Sandali." Sabi niya. Tsaka niya lang napansin na nasa kanya pala ang lahat ng tingin ng mga kasama.

"Who's that?/Who is it?" Sabay na tanong ni David at Aaron.

"Si Harris po. Nagtatanong po siya kung saan daw po nila kayo pwedeng kausapin." Sabi ni Virgil. Nagkatinignan sila.

"Sa hotel na lang." Maikling sagot ni Aaron. Tumango si Virgil at binalik ang pansin sa tawag.

"Jon Harris, sa Scottsdale na lang daw. Siguro mga one hour? Nasa hospital pa kami ngayon eh. Oh, no, no, no. It's just minor. We are just waiting for some test results then will be heading there. Yeah. Thank you, bro. yeay , yeah, yeah. I owe you one. Gago! Bakit ko naman ibibigay sa iyo ang bahay ko sa Subic? Tanga, bro. Para sa asawa ko yun, sira. Nope. not the house in Tagaytay. Para yun sa biyenan ko at hipag. Jon Harris da Silva, wag makulit. Basta, Get a hold of DJ and Ramon. We'll meet you in the hotel. Bye, Gago." Nangingiting pinatay ni Virgil ang tawag. Nagulat pa siya nang ang lahat ng tingin ay sa kanya nakatutok.

"Asawa? Biyenan and hipag?" Nakahalukipkip na sambit ni Amanda, himig nanunukso.

"Mapapangasawa pa lang po. Hindi pa po pwedeng pakasalan, eh. Bata pa pong masyado. She just turned 18 at nag-aaral pa. Gusto ko munang maranasan niya ang maka-graduate kasama ng pamilya at makahanap ng trabahong gusto niya bago po ako mag-propose." Nahihiya niyang pagtatapat.

"Wow! Ang tibay mo pala, Sir Virgil, di katulad ng iba diyan, marupoka na playboy pa." Pasaring ni Ella. Bago pa man magsimula ang gera na kanina pa napapansin ng nakatatanda ay nagsalita na si Margaret.

"What a boy you have here, David. You should be proud." Sambit nito. Ngumiti lang si David. Mas lalo mo akong pinahahanga, bata. Takbo ng isip ni David.

"Manang-mana ka sa Papa mo, Virgil. Ganyang-ganyang ding mag-isip si David noon. Pinagtapos niya talaga ako ng pag-aaral bago kami nagpakasal, pero syempre hindi ako nagtagal sa trabaho dahil nga hindi na kami nakapagpigil." Bumungisngis si Amanda. Pinamulahan ng pisngi si David. Natawa na naman si Aaron at Margaret, habang ngingiti-ngiti lang ang mga kabataan sa kanila.

"When are we going to meet them, Virgil?" Tanong ni David. Nagulat man si Virgil sa tanong ng inaasahan niyang ama ay hindi siya nagpahalata. Hindi naman kasi niyaakalain na kakausapin siyan ito after ng lahat.

"As soon as we leave here po." Simpleng niyang sagot.

"Ma'am, Sir. Aalis po muna ako. Sisilipin ko lang po yung iba ko pang estudyante." Paalam ni Ms. Crystal. Nanghihinayang man si Margaret ay wala siyang magawa. May obligasyon pa ito bilang guro sa mga batang nasangkot sa aksidente.

"Okay, hija. Pahihintayin ko si Dean para isabay ka na niya sa hotel for dinner and I don't take no for an answer. It's our way of showing how thankful we are sa pagpapahalaga mo sa mga estudyante mo lalong-lalo na sa mga apo namin." Malambing na sabi ni Margaret. Hinaplos niya ang balikat ng dalaga. Para siyang nakuryente. Parang hinampas ng malaking maso ang dibdib niya at nagwala ang kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang akapin ito ng mahigpit.

Nagulat si Crystal ng inakap siya ni Margaret. Ayaw naman niyang mapahiya ito kaya niyakap na rin niya. May kung anong mainit na bagay ang humaplos sa puso niya na di niya kayang ipaliwanag ngunit mas magandang balewalain na lang niya. Maaaring nami-miss niya lang ang kanyang Nanang Glenda.

"Sige po, salamat po." Yumukod ito at umalis na nang kwarto ng kambal. Siya namang dating ng isang nurse at isang doctor.

"Hello." Nakangiting bati ng duktora. "Aba, full house pala ang kwarto ng dalawang cute na ito." Dugtong pa nitong nakangiti.

"Hello po, doc." Bati nila. Bahagyang yumukod ito ang kanyang ulo pag-acknowledge sa kanila.

"Nasaan po ang parent ng mga bata?" Tanong ng duktor. Nagkatinginan sila. Walang may sumagot. Naglakas loob na lang si Virgil na kumausap sa duktor. Bahala na.

"Doc, kami po ang pamilya ng mga kambal. Sila po ang mga apuhan ni Brynn at Ethan. Kami naman po ang mga Titos at Tita ng dalawa." Sambot ni Virgil.

"Okay, but where are the parent? I need to speak to the parents." Malumanay ngunit seryosong sabi ng doktor. Kakapalan na ni Virgil ang mukha.

"Doc, I'll level with you. May mga bagay po na hindi namin masabi sa mga tao na nangyayari sa pamilya namin, hindi naman siguro masama kung wala dito ang mga magulang ng mga bata, di po ba? May mga batang lumaki sa mga apuhan lang dahil wala ang mga magulang nila. Kung sakali po bang wala mga na ang magulang ng bata, yung magulang pa rin ba ang gusto mong kausapin?" Nagpipigil na nang pagkainis si Virgil. Namumula na ang mga mata niya. He was speaking about himself. At kahit na binuksan niya ang sakit na yun ay okay lang, para kay Bri at sa mga bata, ayos lang kahit masaktan siya lagi.

"I'm sorry, I didn't realize. My apologies po." Yumukod ang duktor. Gumanti din ang mga apuhan ng mga bata. "So far, wala naman pong nakitang namumuong dugo sa noo ni Ethan, he just suffered a minor contusion on the forehead. Other than that, he's fine. He can go home now and this beautiful princess here, too." Nakangiting hinaplos ng duktora ang pisngi ni Brynn. Iniiwas ng bata yun sa kanya.

"I'm sorry, doc, but please don't touch my sister." Seryosong sabi ni Ethan na wala man lang mababakas na emosyon sa mukha nito.

"Pasensya na, doc. Over-protective lang po siya sa kapatid." Paghingi ni David ng paumanhin. Ngumiti lang ang duktora sa kanila. Tinapik na lang sa balikat nito si David at iniabot ang papel sa kanya. Kinuha yun ni Aaron at pinakatitigan ito. Napatingin ito sa duktora.

"Clemente? How are you related to Delfin Clemente?" Tanong ni Aaron. Hinila ni Margaret at tinitigan ang doktora.

"He is my husband." Simpleng sagot nito na parang walang kabuhay-buhay. Humugot muna ito na malalim na hinginga at parang pagod na bumuga. "I'm Ida Sebastian Clemente

"You're his wife." Di makapaniwalang sambit ni Margaret. "You're Ida Sebastian?" Dugtong niya.

"Unfortunately, yes." Wala ring kabuhay-buhay na sagot ng doctor.

"Oh, my God. It's been a while. Kamusta ka na?" Tanong uli ni Margaret. Nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kanila. "She's Miranda's sister. She's an old friend." Dugtong pa niyang muli.

"Well, we'll keep in touch with you. Here's my card. See us sometime." Nakangiting sabi ni Aaron. Tatango-tango naman si Margaret bilang pagsang-ayon at pang-engganyo na rin. "Let's catch up, okay." Ngumiti ang duktora sa kanila.

"Kaya naman pala familiar ang apelyido ng mga batang ito eh, apo n'yo pala ang mga ito. Hindi ko talaga kayo nakilala. It's been a while. But I promise, I'll call you." Nakangiting sagot nito sa mag-asawa. "So, I got to go. I have few more patients to see." Kumaway ito sa mga bata. Si Brynn lang kumaway pabalik, ibinaba pa kaagad ni Ethan ang kamay ng kapatid. Ayaw talaga ni Ethan sa babae. Natawa na lang ito t umalis na.

"Oh, paano? Sa hotel na lang tayo magkita?" Sabi ni Aaron. Inihahanda na nito si Brynn.

"Okay. Sige babayaran ko muna ito. Magkita na lang tayo sa labasan ng ER." Sabi ni David.

"Ako na ho ang bahala dito. Mauna na po kayo sa labas." Kinuha ni Virgil ang release paper sa kamay ni Aaron at David. "Sot, Ella, tara. Samahan n'yo ako." Mabilis na sabi ni Virgil. Hindi na niya binigyan pa ng pagkakataon na makapagsalita ang mga ito. Nagpatiuna na siyang lumabas ng kwarto.

---------------------

"TITA Andi?!" Natigilan din si Brielle sa narinig na pangalan na yun. Parang hinampas ng malakas na kung ano ang dibdib niya sa pinagsamang kaba at takot na nararamdaman niya ngayon.

Higit sa lahat, nagulat siya sa pamilyar na boses na yun. Oo nga at maraming taon na ang nakaraan maaaring na-develop pa ng todo ang vocal chord nito pero hindi siya pwedeng magkamali. Kilalang-kilala niya ng timbre at tono nito. Yung takot at kabang naramdaman niya kanina ay mas dumoble ngayon pero kakaiba na. Wala yung takot, puno ng pananabik.

"Alisin ang piring niyan!" Singhal ng babae sa kung sino man yun. Naramdaman na lang ni Brielle ang pagluwag ng piring sa kanyang mga mata at ang unti-unting pagkahulog ng panyo. Nakita niya ang likod ng babaeng nakatalikod sa kanya, medyo malabo pa pero unti-unti nang nagliliwanag.

"Siguro naman ay excited kang makita kung sino ang nasa likuran ko, huh?" Tanong nito sa kaharap. Inihilig niya ang ulo nang bahagya para makita niya kahit papaano kung sino ang nakaupo sa harap ng babaeng mukhang may edad na hindi niya sigurado kung ang Tita Andi nga na tinatawag ni Siege yun.

"What is the meaning of this, Tita Andi or I may say, Mrs. Regalado?" Nanlaki ang mga mata ni Brielle na mapagtantong buhay nga ang asawa. Kitang-kita ng dalawa niyang mga mata na si Siege ang nasa harapan ng babaeng tinawag niyang Mrs. Regalado.

Pinaka-iisip niyang mabuti kung bakit masyadong pamilyar ang apelyidong yun. Ryelee? Then it dawn on her, Regalado ang last name ng asawa ng kanyang kaibigang si Alvin. Di kaya iisa lang ito?

"Siege..." Bulong niya. Napatda siya ng biglang tumingin sa kanya ang asawang nakatali din sa kabilang upuan na kung wala ang babae sa pagitan nila ay magkaharap na magkaharap sila. Di niya akalaing maririnig pala nito ang pagbigkas niya pangalan nito na matagal na niyang inisip na patay na.

"Brielle?!" Napakunot ang noo ni Siege ng makita ang asawa. "You're alive. So it is true that you are alive." Hindi makapaniwalang sambit ni Siege. Hindi nila alam pareho na pala silang hilam sa luha.

"Yeah. Yeah. Yeah. Whatever!" Usal ni Miranda na ngayon ay nakatayo sa gilid at kitang-kita na ni Brielle ang mukha ng babae.

Ito nga yung tinatawag na Tita Andi ni Siege noon. Tumanda na siya pero sigrado siya na ito yun. Ito yung may galit sa kanya na hindi niya maintindihan kung bakit. Basta ang alam niya ay malaki ang galit. Walang panahon na hindi ito galit sa kanya.

"Hi." Iyak tawa niyang bati kay Siege. Kakaway pa sana siya kaya lang nakatali ang mga kamay niya.

"Hi, hon." Iyak tawa din na pagbati ni Siege sa kanya na lam niyanggusto siyan nitong lapitan at yakapinngunit hindi rin magawa dahil katulad niya, nakatali din ito.

They are lost in words. Hindi nila alam kung ano pa ang sasabihin sa isa't isa. Kita sa mga mata nila ang pagkasabik sa isa't isa. Tanging iyak lang ang nagagawa nila ngayon. Wala silang masabi.

Gustong tawirin ni Siege ang pagitan nila ng asawa pero hindi niya magawa. Ang daming taon ang lumipas at mukhang mas gumanda pa ang asawa ngayon kahit na halata ang pagiging payat nito. Hindi niya maubos maisip kung paano itong namuhay na wala sila ni Brynn.

"Tita Andi! Pakawalan mo ako!" Sigaw ni Siege. "Please pakawalan mo ako. Gusto kong maakap ang asawa ko, Tita Please. Pakawalan mo kami." Pakiusap ni Siege na umiiyak. Hindi akalain ni Brielle na iiyak ng ganun kalakas ang asawa.

"At bakit kita pakakawalan? Para akapin lang siya? Bakit? She's not worth your hugs, Timothy." Nasisiraan na yata ng bait ang babae. Patuloy sa pagtangis si Brielle at Siege na hindi inaalis ang mga titig sa isa't isa. Yung tingin na kapag inalis nila sa isa't isa ay baka hindi na nila makita ang bawat isa. Baka mawala uli ang isa sa kanila.

"Tita, please. Nagmamakaawa ako sa iyo. Kahit ano ibibigay ko, hayaan mo lang akong maakap ko ang asawa ko. Please, Tita." Nanglilimos ng awa si Siege sa matandang babae. Basang-basa na ang mga pisngi nito, ganun din si Brielle. Para namang nalunok niya ang dila at walang lumabas na salita mula sa kanya.

"Kahit ano, Timothy?" Tanong ni Miranda. Sinisipat pa nito ang mga kuko na parang walang pakialam.

Lingid sa kanilang kaalaman, may apat na paris na malungkot na mga matang nakikita ang lahat ng mga nangyayari.

"Why is she doing all these?"












--------------------
End of SYBG 30: Hospital

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
03.10.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro