SYBG 3
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Siege and Brynn"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"DADDY! Daddy! Daddy!" Tili na naman ng kanyang pinakamamahal na bubwit.
"I'm in the library, Princess!" Balik sigaw naman niya.
"Hi, daddy." Bati nitong nakasilip ang itaas na bahagi ng katawan nito sa pinto na may malaking ngiti. Kita ang bungal nito.
"Hi. What are you doing?" Tanong niya na kunwari ay hindi alam kung ano ang pinaplano ng anak niya. Paniguradong may surpresa na naman itong mga stars at smiley faces stickers sa kanyang papel galing ng school.
"Are you busy?" Pasimple nitong tanong. Ngumiti ito na kita ang ibabang bungal nitong ipin. Natawa siya at napapailing na lang. Mana ka talaga sa mommy mo, makulit. Bahagya siyang nalungkot dahil sa kanyang naisip. Parang hindi nawala ang asawa sa kanya, hindi lang sa isip kundi pati na rin sa presensya dahil nandiyan si Brynn.
"Daddy, I will be six soon." Paalala nito sa kanya. Nakangiti ang maganda niyang anak na nakalabas pa rin ang bungal nito.
"Yes, you're right. You are going to be six." Pagsang-ayon niya sa kanyang anak. "What do you want for your birthday, sweetie?" Dugtong niyang tanong. Kinandong niya ito at hinalikan pa.
"If I ask you for something important, Daddy, will you give it to me?" Tanong nito. She's batting her eyes sa ama.
Ganyan naman talaga ang mga anak na babae sa mga tatay nila. Ang mga tatay naman ay tunaw agad ang mga puso pagdating sa kanilang mga anak na babae. Simple. Hindi na kailangang pagtalunan pa yan, oo kaagad ang sagot niya, kahit ano pa ito.
"I will and I would if I could." Sagot naman niya. Pinangunutan siya ng noo ng anak. Hindi nito naintindihan ang ibig niyang sabihin. napailing at napatawa na lang tuloy siya. Minsan kasi nakakalimutan niyang bata pa pala ito. Para din kasing matanda kung makipag-usap sa kanya ang anak kadalasan.
"What do you mean by that, Daddy? You will or you won't?!" Naguguluhang tanong ni Brynn sa kanya, nakataas ang isang kilay. Tahimik na napatawa si Siege dahil sa tinuran ng anak. Alam niyang malapit na itong magmaldita.
"What daddy meant was, I will if I can manage to do it and if I can afford it." Masuyo niyang hinaplos ang tuwid na buhok ng kanyang anak. Tumaas ang uli kilay nito na parang kilay ng ina. Mapait lang siyang nakangiti.
"Oh goody, daddy." Pumalakpak pa ito. "You can do this. It is easy." Sabi nitong titig na titig sa mata ng ama. Hinaplos nito ang pisngi niya.
May namumuong luha sa gilid ng kanyang mata na pinipigil niyang kumawala. Ganitong-ganito ang paraan ng paghaplos ni Brielle sa pisngi niya. Puno ng pagmamahal at pag-iingat. Alam niyang hindi pa yun maiintindihan ni Brynn kung sakaling sabihin niya att habang hindi pa nagtatanong ang anak tungkol sa mommy niya ay hindi siya magkukwento.
"Daddy, are you being sad again?" Malungkot na tanong nito sa ama. Ngumiti siya at agad na umiling. Hindi siya makapagsalita dahil sa kung anong namumuong bara sa kanyang lalamunan.
"Daddy..." Panimula nitong nakatagilid ang ulo ay humalukipkip pa. "Brynn knows when you are sad and you are very sad right now." Nakataas ang kilay nitong tuloy ang sarili habang nakahalukipkip ito na nakatitig sa kanya.
"Daddy is not sad, baby. I'm... I'm just tired." Pagdadahilan niya. Hindi niya sigurado kung nakuha ng anak ang kanyang ibig sabihin.
"Fine. If you are tired, stop working. Lolo said we can survive." Sagot nito na nagpanganga sa kanya. Kung anu-ano ang naririnig nito sa kanyang ama.
"Hey, baby girl. Do you even know what that meant?" Tanong niya dito.
Hindi naman sa tinatawaran ang katalinuhan ng anak pero may pagkakomplikado ang sinabi para sa murang edad ni Brynn. Kahit na palagi itong umuuwi na may mga stars at smiley faces sa kanyang papel at magaling ito sa Math at English lalong-lalo na sa spelling, iba pa rin ang mga ganitong salita, malalim.
"Yes, Daddy, I do." Taas-noo naman nitong sagot, nakangiti. Napangiti na rin siya dahil nakita na naman niya ng litaw na litaw na bungal nito sa harapan.
"Then what does it mean?" Tanong niya. Sinusubok kung talagang alam nito kung ang sinabi.
"Lolo, explained it to me. It's one of my spelling words the other day, survive. It means to live in spite of hardship. Lolo said, we can live for a long time even if you do not work. That's what Lolo and Lola said." Taas noo nitong paliwanag sa kanya. Ngumiti si Siege sa narinig na paliwanag mula sa anak. Matalino ka nga. Mamang-mana ka sa mommy mo.
"Okay. Daddy believes you now." Ginaya niya ang kanyang anak sa pagtukoy sa sarili bilang third party. Bumungisngis ito.
"Daddy, did you just call yourself a third party?" Napapailing na lang talaga siya dito sa sobrang talino ng anak.
"Ang kulit-kulit mo. Mamang mama ka sa nanay mo." Malakas niyang nasabi na kahit na may bahid ng lungkot sa kanyang tinig ay may ngiti naman sa kanyang labi.
"I know, Daddy. Lola told me I look like her." Sabi nito na parang balewala lang. Napatda siya ng bahagya ngunit hindi na pinapatulan pa. Hindi pa panahon para pag-usapan ang yumaong asawa.
"Okay. So, what do you want?" Pag-iiba niya ng usapan. Mahirap na. Hindi pa ito ang tamang panahon.
"Are sure you want to know. Daddy?" She seemed like she's sizing her daddy up. Ngumiti lang Siege.
Brynn is no ordinary little girl. She may be a spoiled little princess but she knows what she wants and how to get it. Ala din nitong gamitin ang utak, bagay na ikinatutuwa ng mga guro nito. Alam na alam ni Siege ang ugaling ganito.
Habang lumalaki si Brynn ay marami ang nagiging pagkakahawig nito, hindi lang sa kaanyuhan, pati na rin sa kagawian at kaugalian sa inang si Brielle. Mas masaya siguro kung buhay ka, mahal ko.
"Yes, I do, sweetie." Sabi pa niya na itinuwid pa ang pagkakaupo. "Now tell daddy what do you want for your birthday?" Patuloy niya. Kinindatan pa niya ito na mas lalong nagpahagikhik sa anak.
"I want to go where my mommy and my brother, Timmy, is." Diretso nitong bigkas na walang kakurap-kurap. "I want to give flowers and candles to them. I also want to show Timmy my star stickers." Halos kapusin ng hininga si Siege sa narinig mula sa anak.
"Who put you up for that?" May konting kadiinan sa kanyang pananalita na ikinagitla ng bata. Namuo ang luha ni Brynn dahil parang natakot ito sa kanya.
Natahimik si Brynn dahil tinuran Siege. Hindi makapagsalita si Siege dahil sa nakitang lungkot at takot sa mga mata ng ama.
Hindi man sinasadya o intensyon na taasan ng boses ang bata pero nagawa niya. Ngayon, hindi niya alam kung paanong kakausapin ang anak na konting kibot na lang ay iiyak nang tuluyan.
Ni minsan, simula nang magising siya mula sa coma, ay hindi niya nagawang mag-init ang ulo kahit na kadalasan ay puyat siya sa gabi sa pag-aalalaga dito kahit na may yaya ito. Nung lumaki-laki na ang anak ay hindi rin ito pinagagalitan o tinataasan ng boses o parusahan man lang ang anak kahit na pagod siya at may kakulitntan ito dahil sa kabuuan, mabait na bata si Brynn.
Hindi siyan ahirapang magpalaki dito. Hindi porke't nandiyang ang mga magulat kaibigang si Dean ay magaan na ang lahat. Sinikap siya mismo ang mag-alaga dito dahil ito na lang ang meron siya.
Mabait at madali itong makinig kapag sinaway niya at marunong ito ng kagandahang asal bagay na ipinagtataka ng kanyang mga magulang, Lolo at Lola ni Brynn. Sabi pa nga nila kadalasan kay Siege; Parang hindi nawala si Brielle. Lumiit lang siya.
"I'm sorry, honey. Daddy didn't mean to raise his voice at you. I was just..." Pinigil niyang wag munang magsalita. Di na niya kakayanin pa. IIyak na siya.
"Daddy, I want to see my Mommy and Timmy." Umiyak na si Brynn. Inakap na lang niya ang anak dahil maging siya ay hindi na rin niya kaya pa. Hanggang kelan ba siya malulungkot?
Tahimik na nag-akapan ang mag-ama. Hindi alam ni Siege kung paanong uumpisahan ang pagkukwento ng tungkol sa ina at kapatid kung siya mismo ay walang maliwanag na alam sa mga nangyari sa nakaraan.
Maliban sa higit isang taon siyang na-coma dahil sa kanyang head injuries at mga bali-bali na buto sa iba't ibang bahagi ng katawan ay panandalian din siyang nagka-amnesia. Kahit naka-seatbelt daw siya ay nagkaroon pa rin siya ng rib fractures dahil lakas ng impact nila sa center divider na naging dahilan ng pagkayupi ng harapan ay naipit pa siya sa pag-atras ng makina.
May mga alaalang nagbalik na sa kanya pero hindi pa rin lahat. May mga detalyeng alam niya na hindi alam ng mga magulang niya kaya hirap na hirap siyang talaga. Alam niya ang tungkol kay Brielle dahil matagal na sila. May mga bahagi ng alaala niya na maliwanag pa sa sikat ng buwan sa madilim na gabi, meron din naman na hindi niya maintindihan kung ano yung mga napapaginipan niya noon. Totoo ba yun o hindi kasi walang may makapagsabi.
Matagal nang balak ng mga magulang niyang umuwi ng Pilipinas dahil yun lang ang alam ng mga ito na makapagpapabalik ng buo ng kanyang alaala att yun din lang ang makakalunas ng sakit na kanyang dinadanas ngayon pero siya ang ayaw umuwi.
Ayaw niyang bumalik ng Pilipinas. Ayaw niyang isang araw ay makita ang lugar na maaaring magbigay sa kanya na mas masakit pa sa katotohanang hindi na maibabalik pa ang asawa at anak.
Masakit na nga nag nararamdaman niya sa tuwing naaalala o napapanaginipan ang mga ito magiging mas masakit pa kapag nakita niya ang pinagyarihan ng lahat. Higit sa lahat, masyaado pang bata ang anak, hindi pa ito handa. Si Brynn nga ba talaga, Siege? Napapailing siya sa tinakbo ng isip.
Si Brynn ba talaga o ako pala ang hindi pa handa na harapin at titigan ng mata sa mata ang trahedyang nagdulot ng walang katapusang pasakit sa puso ko sa harap ng puntod nila? Madiin niyang kastigo sa sarili.
Maingat na bumngtong-hinga na lang si Siege. Si Brynn nga ba ang inaalala niya? O talagang duwag lang siya at ang pinaka madaling dahilan ay ang bata. Sabagay, mas madaling magtago kesa lumantad at harapin ang katotohanan.
"I know how much you missed your mom and your brother, Baby, but this is not yet the time to see them." Bahagya niyang paliwanag sa anak.
Malungkot man siya na nalulungkot ang kanyang unica hija pero hindi niya ito kayang pagbigyan. Hindi pa panahon para harapin ang libingan ng mahal niyang mag-ina. Sa ngayon, mas magandang isipin na nasa malayong lugar lang ang mga ito at nagpapagaling.
O baka nasa bahay n'yo sa Manila at nananabik na ding makita kayo. Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga. Alam niyang pangarap at talimuwang na lamang ang mga iyon.
"I'm sorry, Daddy. Lola told me that you may not be ready to see mommy and brother's grave. I don't want to either but I really do miss my mommy." Suminghot at humikbi ito. Napuno ng awa ang puso ni Siege dahil sa maliit na hikbi ng anak. Ganito na ba siya kaduwag? Kailan nga ba siya magkakaroon ng lakas ng loob o konting tapang para harapin ang puntod na yumaong asawa't ana?.
"Don't worry, baby. As soon as dad gets the courage to go home, we will. Okay? I promise." Hirap mang itawid ang mga salitang yun, ang pag-amin ng kanyang kahinaan sa harapan pa mismo ng anak ay balewala na yun sa kanya. Matalino si Brynn. Maiintindihan siya nito.
"So, Daddy, what are we going to do on my birthday?" May luha pa man ito sa mga pisngi at mata ay may ngiti naman ito sa labi. Napangiti na rin si Siege. Manang-man talaga siya sa mommy niya. I am so sorry, Mami. I don't have the courage to see your burial ground with our boy. Maybe someday.
BIRTHDAY ni Brynn. Maagang nagising ang mag-ama na walang bahid ng lungkot ng mga nakaraang araw na nagdaan. Parang wala lang nangyari, walang pinag-usapan. Things are back to normal 'ika nga. Karga ang anak, sabay silang pumasok sa kusina kung saan nanggagaling ang amoy ng bagong lutong bacon at... longganisa? Nakangiting nagkatinginan ang mag-ama.
"Hmmm.... Daddy, that's smells good." Pasinghot-singhot pa nitong sabi, nakangiti, labas ang bungal. Natawa tuloy siya ng may kalakas.
"Yes, baby. It smells good. I think Lola woke up way too early just to cook breakfast for your birthday." Humarap sa kanya ang anak. Hindi mapalis ang ngiti nito. Humagikhik pa nga ito ng pagka-cute-cute. Natawa lang siyang lalo.
"Daddy, let's go inside. They are waiting for me." Sabi nito na nakaharap na kusina. Ibaba na sana niya ang bata nang may idugtong pa ito.
"Let's go." Sabi naman niya.
"You know what, daddy." Panimula ng anak habang painot-inot silang naglalakad papunta ng kusina. "I wish it was Mommy making breakfast for us. Then brother was helping her, too." Hindi malungkot ang pagkakasabi ni Brynn, puno ito ng sigla at say, pero binalot naman ng sobrang lungkot ang kanyang puso. Para tuloy siyang nabilaukan.
Ito na ba ang umpisa ng paghaharap niya sa mga bagay na matagal niyang iniiwasan na kung pupwede lang ay wag na talaga niyang maalala pa? Bakit ba sa lahat ng mga alaalang bumabalik ay nauna pa ang aksidenteng yun? Para tuloy siyang nasa isang suspense thriller movie na paulit-ulit na naglalaro sa kanyang balintataw ng malagim na naganap.
"Y-yes, baby. I w-wish for it, too." Nauutal niyang naisagot sa anak. Hindi niya alam kung ano pa ang mabuting isagot dito. Nilingon siya ni Brynn ng mapansin siguro nito na lumungkot ang kanyang boses.
"I'm sorry, daddy. I promise, I won't mention mommy and Timmy in front of you...." Nandilat ang mga mata nito at biglang tinakpan ng maliliit na kamay ang maliit ang bibig. "Oops! Sorry again, Daddy." Ngumiti na lang siya sa anak at hinalikan ito sa pisngi na ikinatuwa ng kanyang prinsesa. Iniakap niya ang isang braso dito at ibinaba na ito. Mabilis itong tumakbo papasok ng kusina.
"GOOD morning, birthday Princess!" Masiglang bati ni Margaret sa apo. "Where's your daddy?" Dugtong niyang tanong ng hindi makitang nakasunod ang anak sa apo.
"I think he went back to his room." Malungkot nitong sabi. Napansin iyon ni Margaret ngunit na lang kumibo. Alam niyang kapag ibinuka niya ang kanyang bibig ay masisira ang birthday ng kanyang apo. Alam niyang nasasaktan pa rin ang kanyang anak.
Kung may magagawa lamang siya para mabuhay na muli ang asawa't anak nito ay ginawa na niya, pero wala eh. Wala siyang kapangyarihan para ipagpalit ang buhay niya para sa manugang.
Kung alam niya lang na maaaksidente ang mga ito, disinsana ay ipinagpaliban na lang niya ang check-up nito noong araw na yun sa OB o di kaya ay umarte na lang siyang sumasakit ang na naman ang kanyang dibdib para hindi umalis ang mga ito ng araw na yun.
Maraming mga tinatawag na "shoulda", "coulda", "woulda", na hindi naman niya nagawa at hanggang isip na lang. Masakit para sa inang katulad niya na makitang nasasaktan ang kanyang anak at alam niyang mas masakit ang mawalan ng anak. Bigla siyang napatigil sa paglalagay ng pagkain sa pinggan ng apo ng maalala niya ang kanyang mga balae. Kamusta na kaya ang mag-asawang David at Amanda?
"Mommy, nasaan ang anak mo? Bakit ang prinsesa lang ang nandito?" Biglang sumulpot mula sa likuran bahagi ng bahay ang kanyang asawa.
"Bumalik yata sa kwarto niya. May nakalimutan siguro." Sagot naman niya sa asawa. Mas mabuti na yun na lang ang sabihin niya dahil hindi naman niya talaga alam kung bakit ito biglang bumalik sa kwarto. Tumango lang ang asawa sa kanya.
"How's the birthday Princess? Did you have a good night sleep?" Tanong nito kay Brynn habang hinahaplos ang ulo ng apo.
"I had a good night sleep, Lolo. I had a wonderful dream but I got so sad." Nakatibi pa ang labi nito. Nakitaan ng tunay na lungkot sa mga mata nito. Nag-alala si Aaron. Hindi dapat malungkot ang bata. Birthday pa naman nito.
"Why? What was the dream about? Did someone hurt Stargazer in your dream?" Tanong ng Lolo. Stargazer ang pangalan na ibinigay ni Brynn sa pink unicorn plushie nito.
"No, Lolo. Stargazer was very safe." Sagot naman nitong masama ang tingin sa Lolo niya. Parang akala mo tuloy isang napakalaking pagkakamaling mabanggit ng Lolo nito ang pangalan ng kanyang best buddy na si Stargazer. "I dream about Mommy and Timmy. Don't tell Daddy, oaky. He'll be sad again. I don't want Daddy to cry anymore." Malungkot na sabi nito. Nagkatinginan ang mag-asawa. Hindi alam kung paanong tutugunan ang sinabi ng apo. Matagal na katahimikan bago pa muling nakapagsalita si Aaron. Tahimik lang na kumakain ang bata.
"Well, in that case. Let us not talk about that because we don't want Daddy to be sad, right, Lola?" Nilingon siya ng asawa at tinapunan ng makahulugang tingin. Alam nitong naiiyak na naman siya.
Alam ng lahat kung gaano minahal ni Margaret ang manugang. Tinuring niya kasi na parang anak ang manugang. Kahit na noon pa mang kakilala pa lag nila dito ay nahulog na silang pareho kay Brielle kaya lubha rin silang nalungkot at nasaktan ng mabalitaan nilang pagpanaw ng mag-inang magkasunod lamang sa bansang Japan. Nandito na sila sa California nang makarating ang balita sa kanila na hatid ng kanilang kaibigan na si Ezekiel at Miranda. Yun ang dahilan kung bakit siya inatake noon sa puso at halos ikamatay din niya.
"You finish your food, baby. After that, you take a shower, okay." Malambing na utos ni Margaret sa apo. Ngumiti naman ito at nagmadaling kumain.
"Lola, do you know where Daddy is taking us today?" Tanong nitong makikitaan ng excitement. Nangingislap ang mga mata nito.
"You know what, I don't know." Napakamot siya ng kilay. "Lolo, do you know where your son is taking the Princess for her birthday?" Dagdag niyang tanong.
"Uh-uh. I have no idea." Sagot nito na hindi rin alam talaga kung saan sila pupunta.
"Here's what we're gonna do. Get done and get going. March your tiny little cute feet to your bathroom, take a shower, brush your little teeth and change. Your clothes are ready on top of your bed. You didn't see it because you did a sleepover in your dad's room again." Nakangiting kinikiliti pa ni Margaret ang cute na apo.
"Okay, Lola! I'm going. Hihihi!" Matinis nitong tawa. Siya namang pasok ng amang nakangiti din.
"Hey, are you ready to take a shower, Baby?" Tanong nito sa anak.
"Yes, daddy. Lola is tickling me so hard, I gotta have to. Hihihi!" Patuloy nitong pagtawa. "Bye, Daddy." Kamaway ito sa ama at ganun din ito sa anak bago ito nawala sa paningin ng lahat. Sinilip muna ni Margaret kung nakalayo na ang apo bago hinarap ang anak.
"Hanggang kelan mo iiwasang harapin ang pagbisita sa puntod ng iyong mag-ina, Timothy?! Kapag matanda na si Athena? Sa palagay mo ba Timothy Siegfried ay ikatutuwa ni Brianna na walang asawa at ama ang dumadalaw man lang sa puntod nilang mag-ina?! Hanggang kelan ka magiging duwag? Hanggang kelan mo kayang ipagkait kay Athena Brynn na makilala at mabisita ang ina at kapatid?" Tuloy-tuloy na tira ng tanong niya sa anak na hindi nakahuma.
"It's too easy for you to say but it is hard in reality, Mom." Madilim ang mukhang sagot sa ina. Matiin ngunit may paggalang.
"Reality? Timothy Siegfried Alvaro Scott, ang reality ay ang anim na taong gulang na batang kakatakbo lang sa kwarto niya para maligo na kung hindi mo natatanong ay napapanaginipan na pala ang ina at kapatid pero hindi masabi sa iyo dahil nag-aalalang malulungkot ka! Mabuti pa yung bata ay marunong mag-isip na parang matanda, samantalang ikaw na matanda ay parang bata na naduduwag at nababahag sa takot. Mag-isip ka kung ano ang makakabuti sa damdamin ng anak mo hindi puro damdamin mo!" Mahabang litanya niya sa anak, umaasang maiintindihan nito ang kanyang mga sinasabi.
Napipikon na siya sa anak. Habang hinahayaan nila itong mag-isip para sa sarili at para sa anak ay para pa yatang umurong ang utak at nag-aasal bata dahil mas lalong tumatagal itong amg-isip ng kung anong makakabuti kay Brynn.
"Mom, hindi n'yo kasi naiintindihan eh." Nagmamaktol na sabi nito. "Hindi naman kasi kayo ang nawalan." Matalim na dugtong nito.
Nanlilisik ang mga mata tinapunan ng tingni ang siraulong anak. Napahugot ng malalim na hininga si Aaron dahil sa tinuran ng anak. Maging ang ama ay nawawalan na ng pasensiya sa nawawala sa sariling anak. Akmang tatayo na si Siege kaya galit niya itong hinarap.
"Timothy!" Salubong ang kilay ng amang pagtawag nito sa anak.
"Eh gago ka pala eh!" Sabay malakas na kinutusan ang anak. Nagulat si Aaron sa ginawa niya, hindi nakapagsalita.
Kakamot-kamot si Siege sa bahaging kinutasan ng ina. Napatda man sa ginawa ni Margaret sa anak ay hindi ito kumibo. Nakita ni Margaret na gusto nitong matawa ngunit nagpigil na lamang.
"Hindi nga ba, Timoteo? Nawalan ako ng manugang na parang itinuring ko na ring tunay na anak at apo! Nawalan din si David at Amanda ng anak at apo! Alam mo ba kung nasaan na ngayon ang mga biyenan mo?! Ha?! Nakibalita ka ba kung ano ang nangyari sa kanila?! Pagkatapos silang mawalan ng anak at apo, nalaman mo ba kung nasaan na sila napadpad o kung mga buhay pa?! Na-coma at nagka-amnesia ka lang, nakalimutan mo na sila!" Hindi na niya napigil ang sarili. Kailangang marinig na nag anak nag laman ng kanyang puso dahil kung hindi ay baka isugod na naman siya sa ospital.
"Hindi ka imbalido, timothy! Buhay ka pa at yang anak mo. Kaya wag kang magpakatanga! Sila kumpadre at kumadre, nawalan sila ng anak na hindi mo man lang magawang hanapin para ipaalam at ipakilala sa kanila si Brynn! Ano klase kang manugang?! Anong klase kang ama?!" Nawalan na talaga ng pagpipigil si Margaret. Napipikon na siya sa takbo ng isip at gawi ng anak.
Namatayan lang ng asawa, parang umurong na ang utak at bumalik na sa pagkabata ang kaisipan. Puro na lang sariling lungkot at pait ang iniisip. Hindi na iniisip na ama na siya at may anak na gusto ring makaalam ng mga bagay bagay tungkol sa ina nito. Tumalikod siya dahil sa sobrang pagkabwisit na anak. Kailangan niyang umalis sa harap nito dahil baka hindi niya ito matantya.
Hindi na sumama ang mag-asawa sa anak at apo na pumunta ng San Diego Zoo. Sumama ang loob ni Margaret sa anak. At kung yun ang ikasisira ng birthday ng kanyang apo ay mas mabuti pang iwasan na lang niya.
Hindi na rin naman kumibo si Aaron dahil may punto ang asawa. Matagal na nilang gustong sabihin yun sa anak pero pinipigil lang nila ang mga sarili. Sa pinapakita ni Siege sa kanila at sa apo ay hindi na nila kaya pang palampasin iyon. Nakabuo siya plano.
"It's time to face reality and take some actions." Gigil na naisip ni Margaret.
--------------------
End of SYBG 3:
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
01.05.17
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro