Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SYBG 28





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Emergency Room"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"HELLO." Sagot ni Amanda sa telepono. Timing na kapapasok niya pa lang opisina ni David para magpaalam na susunduin na si Ethan dahil hindi pa nakakabalik si Brielle mula sa meeting sa kliyente nang mag-ring ang telepono sa lamesa ng asawa.

"This is SPO4 Julian Pascua. Is this Mrs. Scott?" Paniniguro ng kabilang linya. Seryoso ang tono ng pananalita nito. Bagaman kinabahan bigla si Amanda ay binalewala lang ito. Walang dapat ikakaba.

"This is not Mrs. Scott but this is her mother, Mrs. Villasis. How may I help you?" Sanay na si Amanda na tumatanggap ng tawag para sa pamilya niya. Sanay na siya na hindi nasasagot ng pamilya ang kanilang mga phones. Kaya kalma lang ang kanyang mga sagot, pero itong tawag na ito ay parang may kakaiba.

"Mrs. Amanda Villasis? Your name is listed as one of the trusted persons for Ethan Siegfried Scott's emergency contacts. We can not get a hold of Mrs. Brianna Scott to inform her that the shuttle bus which took the students of IS got into a minor accident. Some of them are in Manila Doctors and some are in Manila Med and Ethan is in Manila Doctors. We need an adult family member here since he's a minor." Dire-diretsong salita ng lalaki sa kabilang linya na nagpakilalang pulis. Tama ang kutob ni Amanda may hindi nga magandang hatid ang tawag na ito.

"Okay. Thank you. We'll be there." Sagot niya at nagbaba na ng tawag, siya namang pasok ni David na nagtataka sa expression ng mukha niya.

"Okay ka lang ba, Mahal?" Tanong nitong kinakabahan.

"Nasaan na si Brianna?" Tanong ni Amanda na ngayon ay karirinigan mo na ng pagkataranta.

"Bakit? Wala pa. Hindi pa bumabalik. Nag-aalala na nga si Ella at may meeting pa itong ng alas kwatro ng hapon. Tapos magsusundo pa kay Ethan." Sagot naman ni David.

"Ay naku! Tara na! Pumunta na tayo ng Manila Doctors. Naaksidente yung bus na sinasakyang ng apo natin!" Natatarantang singhal ni Amanda. "Nasaan na ba si Ella?" Tanong niya. As if on cue, siya naman pasok si Ella at Virgil. Nagkagulatan pa silang apat.

"Virgil!" si David.

"Pa..... I mean, Mr. Villasis." Si Virgil.

Para silang nagdu-duel na dalawa gamit ang matatalim na tingin. Kinakabahan si Ella. Tiningnan ni David ang dalang papel ni Ella. Umiiyak ito. Takot naman ang nakarehistro sa mga mata ni Virgil na may halong pag-aalala.

"Naku, David. Mamaya ka na makipagsukatan ng tingin diyan sa anak mo. Puntahan na muna natin ang bata sa ospital!" Singhal ni Amanda sabay hila sa asawa palabas sa pinto ng opisina nito. Wala namang nagawa si David kundi sumunod sa asawa.

Dalawa lang ang tumatak sa utak ni David ngayon sa lahat ng sinabi ni Amanda. Una, nasa ospital ni Ethan. Pangalawa, tinukoy nitong anak niya si Virgil at parang tanggap nito kung sakali. Ipinilig niya ang ulo. Ayaw na muna niyang isipin yun. Ang daming mga nangyayari na hindi niya maintindihan, but for now, ang apo na muna niya ang aasikasuhin nila.

"Ospital?! Bakit? Anong nangyari kay Ethan?" Tanong ni Virgil habang pareho sila ni Ella humabol sa mag-asawang Villasis.

"Naaksidente daw yung bus ng mga bata at nasa Manila Doctors ito ngayon." Naiiyak na si Amanda.

"Nasaan si Bri?" Muling tanong ni Virgil. Tahimik lamang na tumingin si David sa kanya.

"Eh, Sir Virgil, may ka-meeting po siyang kliyente sa BGC. Hindi na po niya ako pinasama." Ninerbiyos na sagot ni Ella. Nakita ni Virgil ang takot ni Ella sa kanya. Tinapik niya ito sa balikat at matamis na nginitian.

"Dito na kayo sumakay. Ako na ang magda-drive papunta sa ospital." Pahayag ni Virgil. Sa katarantahan ng mag-asawa ay sumunod na lang ang mga ito sa kanya. Ganun din si Ella. "Ella, tawagan mo si Mang Asyong. Sabihin mong sumunod na sila ni Bri sa Manila Doctors." Utos ni Virgil sa dalaga. Tumango naman ito at dinayal na ang numereo ni Mang Asyong. Sakay sa likod ng kotse ni Virgil ang mag-asawa at sa harap naman si Ella, tahimik na nagdadasal ngayon ni Amanda.

"Tito Dave. Tita Mandy. Kanina pa daw po tinatawagan ni Mang Asyong si Ate Bri, hindi rin daw po sumasagot sa tawag niya. Maglilimang oras na daw po siyang naghihintay kay Ate Bri sa parking lot ng isang restaurant sa BGC," Parang sinuntok ang dibdib ni David at Amanda. Maging si Virgil ay hindi mapakali.

"Saan kaya nagpunta ang babaeng yun?" Bubulong-bulong na turan ni Virgil.





BUSY na hinaharap ni Aaron at Margaret ang financial report ng Scottsdale Hotel ng tumunog ang landline nila. Hindi ito pinansin si Aaron dahil pwede naman na ang secretary na lang o ang receptionist ang dumampot nito.

"Hello." Nagulat pa si Aaron nang sagutin ito ni Margaret.

"Hello, This is SPO3 Dennis Malvar. We have an Athena Brynn Scott here in Manila Doctors hospital." Parang binuhusan ng malamig, mainit at maligamgam na tubig ang buong katauhan ni Margaret.

"Anong nangyari sa apo ko?!" Napatayo si Margaret mula sa kanyang pagkakaupo. Nagulat naman si Aaron sa biglang pagtaas ng boses nito.

"What about Brynn?" Nataranta na rin si Aaron.

"Nagkaroon lang po ng minor na aksidente ang bus nila. We are trying to reach Mr. Scott pero hindi po siya sumagot, ma'am." Salaysay ng nagpakilalang pulis sa kanila.

"Mga apuhan kami ng bata. Sige, papunta na kami diyan." Nagbaba na ng tawag si Margaret.

"Let's Go, Hon." Hinugot ni Aaron ang susi na nagkasuksok sa bulsa ng jacket niya. At dire-diretso na silang lumabas na mag-asawa.

"Tito?! Saan kayo pupunta?" Tanong ni Dean sa mga magulang ni Siege.

"Sa hospital." Sagot ni Margaret na hindi man lang nilingon ang binata.

"Ano po ang nangyari?" Sumunod na rin ito sa mag-asawa.

"Si Brynn, nasa Manila Doctor's." Sabi ni Margaret. Natalisod sa sariling paa si Dean sa narinig.

"Si Timothy, nasaan?" Tanong ni Aaron, sinusuri kung napa'no ang binata.

"Hindi ko nga po makontak mula pa kaninang umaga after we drop off Brynn. He said he'll meet up with someone then he never called. That was about four or five hours ago. Nag-aalala na nga po ako eh." Nangunot ang noo ni Aaron. Tama si Dean, nakakapagpaalala nga dahil hindi naman ganito si Siegfried. Hindi siya pabaya. Tumatawag ito kahit ano pang mangyari kaya naniniwala siya na may hindi magandang nangyari dito.

"Mamaya na yan. Tara na muna at kakawa na ang apo mo doon, nag-iisa lang siya doon. Takot pa mandin sa hospital yun." Singhal ni Margaret sa dalawang lalaking na parang walang emergency.

"Ako na po ang magda-drive, Tito." Prisenta ni Dean. Tumango na lang ang mag-asawa at mabilis na lumabas ng lobby. Mabuti na lang at hindi pa naiaalis ang kotse nito sa harap ng hotel. "Manong George, pahiram po uli ng kotse ko." Pagtawag niya head Valet. Iniabot naman nito sa kanya ng lalaki.

Mabilis na silang sumakay at umusad na sa kalsadang papuntang Manila Doctor's. Tahimik lang sila.





"ANO ba ang gusto n'yo sa akin?! Bakit hindi kayo magpakilala?!" Sigaw ni Brielle. Nakaupo siya sa isang upuan at hindi lang nakatali ang mga kamay sa sandalan ng kinauupuan niya, nakatali din ang kanyang paa sa paanan nito.

"Tumahimik ka nga! Ang ingay-ingay mo. Nakakapagpasakit ka ng ulo!" Sigaw ng boses ng babaeng hindi niya kilala.

"Sino ka ba?!" Tanong niyang muli. Hindi na sumagot ang babaeng kanina lang inis na inis sa kanya. Panandalian siyang natahimik at nakiramdam sa kanyang paligid.

Hindi niya alam kung paano siyang nakarating dito basta ang alam niya may ime-meet siyang tao and the next thing she knew ay may biglang humila sa kanya at tinakpan ng kung ano tapos nawalan na siya ng malay. Hindi pa man nagtatagal ay may narinig niyang mga mga yabag. Tahimik lang siya. Pinakikinggan niya ang paligid.

"Ma'am, gising na po itong isang ito." Dinig niyang sabi ng isang boses ng lalaki.

"Oh good. O sige. Ilapit mo yan dito paharap doon." Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid niya basta ang alam niya lang ay may hindi magandang kaganapan, panigurado, ciento purciento na-kidnap siya. Ano pa ba ang iisipin niya sa mga ganitong pangyayari?

Parang pelikula lang. She had seen so many action, sci-fi, suspense, thriller, drama, romantic and even comedy, and the worst, zombie movies in her 20 something years of life, not including the time where she couldn't watch any of it yet, katulad nito.

May kumuha sa kanya, may pinaamoy, nawalan siya ng malay, dinala sa kung saan at kung suswertihin, hihingi ng ransom, palalayain at kapag minalas naman, pagkatapos maibigay ang ransom papatayin na. Alin siya doon?

Eto na nga, nagising siyang nakapiring ang mata at nakatali ang kamay at paa. May mga villainous voices pa na nagpapatahimik sa kanya. Oh, di ba, parang pelikula lang? Tapos may mga alalay na mga lalaki, pustahan sa tanang pustahan, mga pangit ang mga ito.

Tapos ang diniog pa niya ay may isa pang hindi niya alam kung sino na kagigising lang din. Ibig sabihin dalawa sila. Di ba, isang nakapa-cliche?

Wala na bang bagong style ang ibang kriminal? Kung hindi lolooban ang bahay ng bibiktimahin at igagapos o di kaya papatayin ang mga ito ay meron namang ganito. Tapos kung hindi baril ang gamit, kutsilyo naman sa pangho-hold-up. Tapos meron ngang ganito, kidnapping. Kung hindi nakapiring, kita lahat ng biktima ang mga nangyayari sa paligid at malamang sa hindi, may baril din itong hawak. Tapos yung iba naman ay ginagahasa pa ng mga walanghiyang kidnapper. Dasal niya lang sana ay wag sa kanya mangyari yun.

Ang tanong, bakit hindi na lang kasi sila magtrabaho? Bakit kailangan gumawa ng masama ang tao? Ganito na ba kahirap ang buhay sa Pilipinas at kailangan may quick get rich schemes na ganito? Paano na lang yung mga naghihirap sa buhay sa matinong paraan tapos kadalasan sila pa ang nabibiktima ng mga ito? Katulad na lang niya.

Kababalik niya pa lang dito sa Pilipinas, two weeks pa lang siya to be exact, tapos eto na ngayon siya, na-kidnap na kaagad. Ano ba ang tingin sa kanya ng mga ito, mayaman? Ano ba ang motibo nito at dalawa pa tagala silang pinagsabay, huh. Baka ito ang bago at papasikat na negosyo dito sa Pilipinas.

Kung kania ay naaawa siya sa sarili niya, ngayon ay mas naaawa siya dito sa isa pang na-kidnap. Paano kung bata ito o babae? Papaano kung wala itong pang-ransom? Ano na lang ang gagawin nila sa kanya? Papatayin? Gagahasain, tapos papatayin? Naisip niya ang mga anak.

Biglang sinakluban ng mas matinding takot si Brielle. Papaano nga kung patayin siya ng mga kidnapper na ito pagkatapos makuha ng mga ito ang ranson galing sa mga magulang niya, tapos patayin pa rin siya ng mga ito? Di ba ganun naman sa pelikula? Papaano na si Ethan? Papaano na si Brynn na kanina niya pa lang nakilala?

Papaanong malalaman ni Siege na natutuwa siyang malaman na buhay silang mag-ama. Papaanong..... Napapitlag siya dahil sa kamay na biglang humawak sa kanyang braso. Diyos ko po. Ikaw na po ang bahala sa akin. Please let Siege know that I love him. That I love them. Piping dasal ni Brielle. Hindi niya alam kung bakit, pero ang pakiramdam niya ay ito na talaga ang huling sandali ng kanyang buhay.

Minsan na na niyang natakasan si Kamatayan, nilang magpamilya, pero sana ngayon ay matakasan niya uli para sa kanyang pamilya na ngayon pa lang mabubuo. Lord, my life is in your hand, do as you willed. Wala siyang magawa kundi ang manalangin, humiling na nawa ay maibigay sa kanya.

"Dalhin na yan dito." Narinig niyang sabi ng boses babae na akala mo ay kung sino kung mag-utos. "Gusto ko silang magharap muna bago ko pa sila tuluyan. Nakakasawa na silang makita." Hindi man niya maintindihan ang nangyayari ay iisa lang alam niya, nababaliw na siguro ang babaeng ito.

"After today, my life will be back to normal." Dugtong pa ng babae na parang gigil na gigil ito. Kinilabutan tuloy siya sa paraan ng pagkabibigkas ng huling sinabi nito. Pero nagtataka siya kung bakit gigil ito sa kanya, sa kanila ng isa pa nitong na-kidnap. Oh Lord, I don't ask for much from you, help us to get back to our families alive.

Naramdaman niya ang pag-angat ng kanyang kinauuppuan at para siyang prinsesang nakaupo sa trono, nakapiring at inilakad. Kahit na ilang hakbang lang yun at isang mabilis na sandali lang bago siya ibinaba ng mga ito ay parang pakiramdam niya ang tagal.

Biglang natahimik ang paligid, kinakabahang nakiramdam siya dahil walang may nagsalita, walang kumilos ng ilang sandali at walang ingay na galing sa labas. Tapos biglang may sumigaw na naging dahilan ng pagkagulat niya.

"What the hell is the meaning of this?!" Malakas at dumadagundong na boses ng lalaki ang bumasag sa katahikang ikilipad ng kanyang ispiritu.

Kinabahan siya dahil napakapamilyar ng boses nito, tagos sa kanya puso. Natahimik siyang lalo, gusto niyang umiyak sa hindi niya maintindihan na dahilan maliban sa kaligayahan.

"Oh, hush! You act like a girl!" Sigaw ng babae.

"Tita Andi?!"





"ANDITO na po tayo. Ibababa ko na lang po kayo sa harap mismo ng ER then I'll go park." Sabi ni Virgil. "Dito na lang po ako sa kotse maghihintay sa inyo." Dugtong pa niya. Nahihiya din naman siyang sumama pa sa loob. Hindi naman kasi siya pamilya. Well, at least not yet. Tiningnan siya ni Ella nang may awa ngunit hindi na kumibo ang dalaga.

"Virgil, sumunod ka sa loob pagkatapos mong i-park ang sasakyan mo. Ella, samahan mo na si Virgil mag-park ng kotse niya at para sabay na rin kayo sa loob." Matatag na utos ni Amanda. Nagulat silang tatlo pareho sa tinuran ni Amanda kaya napatitig sila sa kanya. "Wag n'yo na akong pakatitigan masyado dahil baka matunaw pa ako. Alam kong maganda ako, matagal na!" Muntik matawa si Ella sa huling tinuran nito. Nagkatinginan sila ni Virgil sa rearview mirror.

"Bilis! Tapos sumunod na kayo! Magagalit ako kung hindi ka susunod. Wala si Brielle para alalayan kami kaya ikaw na, kayong dalawa ni Ella. Tutal kapatid mo rin naman yun." Mas lalo silang namangha sa tinuran ni Amanda. Halos di makakilos si David sa tinuran ng asawa.

"Opo, Mrs. Villasis. Susunod na lang po kami pagkatapos kong mai-park ang sasakyan." Wala na rin naman siyang magagawa dahil yun utos ng Lady Boss at yun ang susundin niya, mahirap nang mapag-initan pa siya nito.

Hinarap ni David ang asawa pagkaalis na pagkaalis ni Virgil. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong palabasin. Of all people.

"Ano naman yun, Amanda? We are not even sure kung anak ko nga siya o hindi. Wag mong paasahin." Seryoso ngunit may gaang sabi ni David.

Sa ilang dekada nilang mag-asawa natutunan niyang wag pagtaasan ng boses ang asawa, maliban sa hindi niya ito ugali, hindi ito gugustuhin ni Amanda. Kilala niya ang asawa, what Amanda says, goes or else — Gugustuhin ba niyang malaman kung ano ang or else na yun? Takbo ng isip ni David.

"Hindi ko siya pinapaasa, David. Ang sa akin lang, anak mo man siya o hindi, anak naman siya ng bestfriend mo, kahit yun na lang sana para sa alaala niya. O kung hindi man kahit magpanggap ka na lang na ama niya. May masama ba doon? Anong klaseng kang kaibigan kung yan man lang ay hindi mo magawa para kay Mari? Ikaw ang tinutukoy na ama ng pinsan ni Marinella, eh di ituloy mo na lang." Sabi ni Amanda. Inirapan siya ang asawa at nagpatiuna nang maglakad papasok sa loob ng ER. Hinabol niya ito at bahagyang pinigilan.

"Amanda! Hindi kasi ganun kadali yun. Hindi madaling magpakaama sa hindi mo anak." Mahinahon na saad ni David.

"Tama ka, hindi nga madaling magpakaama sa hindi mo anak, pero hindi rin madali para sa anak na hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong magpakaanak dahil walang nagpapakaama para sa kanya. Kung ako nga eh tanggap kong anak mo siya kahit hindi pa ako sigurado at pwede akong magpakaina sa kanya dahil wala na rin naman si Marinella. Tapos ikaw hindi mo magawa? David naman, ilang taon nang walang identity yung bata maliban sa pagiging Samonte niya. Sa palagay mo ba nagpapakita yan sa iyo ngayon para lang makihati sa mamanahin ni Brianna? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Siony? Kung gusto niyang makihati sa anak mo, matagal na niyang ginawa yun, but instead he worked as one of the employees in the factory. David, mag-isip ka nga. He's a self-made man. May iniwan ding yaman ang mga Samonte sa kanya at hindi niya kailangan ang yaman ng mga Villasis. Nandito lang siguro yan para mapalaipit sa iyo." Dugtong pa ni Amanda. Hindi naman iniisip ni David ang mga ganoong bagay. Kahit hindi pa tanggapin ni Amanda at Marielle na anak nga niya si Virgil, at kapag napatunayan nila yun, pumayag man sila o hindi, ibibigay at ibibigay niya pa rin ang pangalan niya kay Virgil at ang kalahati ng kung anong meron siya, dahil yun ang dapat.

"Don't you think, it's a little awkward na hindi ko man lang alam na may anak pala kami?" Wala sa loob na naisatinig ni David ang kanyang isipin.

"Awkward ka diyan. Mas awkward na ngayon na may alam ka na kahit hindi pa sigurado dahil sa sinabi ni Siony at Nestor ay hindi mo pa rin bibigyan ng pansin yung bata? Baka masunog ka sa impyerno, David!" Mahinang sabi ni Amanda dahil nasa harap na sila ng reception kung saan ay pwede na nilang itanong kung nasaan ang apo nila.

"Wala pa namang sinasabi si Nestor ah." Pag-iiba niya sa usapan.

"Hay. naku. Tama na yang usapan na yan. We are not here for that, basta pwede ba David, be nice to him, be kind and be loving." Magsasalita pa sana si David ng biglang may sumalisi sa kanilang dalawang may edad na babae at lalaki at dire-diretso sa counter, cutting them off.

"HELLO! EXCUSE ME! HELLO!" Pagtawag pansin nito sa kung sino man ang nasa likod ng counter. Napangiwi ng mukha si Amanda dahil sa lakas ng boses nito. Mukha namang ninerbiyos ito, pero ang hindi niya ma-take ang call bell. Parang walang bukas nitong pinagpapalo ng kamay.

Ding! Ding! Ding! Ding! Ding! Ding! Ding!

Hindi pa yata nakontento ang babae sa pagsigaw, sinabayan pa ito ng sunud-sunod na paghampas ng kamay doon sa call bell na nasa ibabaw ng counter.

"Hello! Anong klasesng emmergency room reception ito na walang re-receive sa tao!!" Sigaw nito. Naririndi na si Amanda.

Una, siningitan sila ng dalawa na parang akala mo ay sila lang ang may emergency. Pangalawa, sumigaw pa ito na parang akala mo ay galing ng bundok, walang asal at walang modo. Namumula na ang pisngi niya at halatang sasabog na siya anumang oras.

Pinisil ni David ang balikat ng asawa, galit itong lumingon sa kanya. Inilingan niya ito. Iling ng pagmamakaawa. Iling na wag gumawa ng gulo, na hayaan na lang ito, magpakumbaba kumbaga.

Pero kilala niya ang asawa, hindi ito pwede dito. Kung gusto ng tao ng respeto, ibibigay nito yun at minsan nga eh kahit hindi pa hingiin ay ibibigay na ni Amanda. Ang tanong, dapat ba nitong ibigay ang respetong ito? Karapat-dapat ba ito babaeng ito?

Ugh!





"AARON Daniel, hurry up! Kanina pa siguro takot na takot ang apo mo!" Natarantang singhal ni Margaret sa asawa.

"Oh, Margaret, will you calm down. Brynn is braver than you think. Ikaw yata itong natatakot, eh." Kalmadong sabi ni Aaron sa asawa. Tinirikan lang siya nito ng mata. Nailing na lang siya sa asawa.

Ang totoo niyan, hindi naman si Brynn ang inaalala niya kundi si Margaret. May pagka-over bearing at overacting kasi ito. Hindi lang basta OA, kundi OA na OA. Napapangiti na naiiling na lang siya sa iniisip. Kung naririnig lang ng asawa ang mga iniisip niya, siguradong masisigawan siya nito at diretsong magtatampo.

"Don't you dare think it, Aaron." Kita n'yo na? "Ikaw ang malilintikan sa akin. Kanina pa ako naiinis dahil hindi ko makontak yang anak mo na kung kailan siya kailangan ay doon naman siya nawawala." Nanggagalaiting sabi ni Margaret. Ito ang ayaw ni Aaron sa asawa kapag nai-stress at inaatake na nerbyos, lahat nakikita, lahat napapansin at higit sa ano pa man, galit ito sa lahat.

"Margaret." tawag pansin ni Aaron sa asawa. "You're stressing way too much and it is not helping you think clearly." Paalala niya dito. Kahit naman ganyang yan ay alam niyang nakikinig din ito. "Just think about Brynn okay. Lalo na at wala pa si Siege." Dugtong pa niya. Well, wrong.

"Naku! Ewan ko sa inyong mag-ama! Kung kelan pa may emergency dito at saka pa nagpapaka-missing in action yang si Timothy Siegfried." Eto na mag-uumpisa na ang litanya ng kanyang asawa. "Kausapin mo yang anak mo Aaron! If he thinks that is some kind of a joke, he's not being funny at all!" Nanggigigil nitong dugtong. Gustong matawa ni Aaron sa asawa, mas piniling wag manahimik kesa matawa. Mas lalo lang magniningas ang galit nito.

"Margaret, listen to me honey, please! We are on our way to the ER and you are acting like a old brat. Paano pala kung nandiyan na ang apo mo? Are you going to show her how short tempered you are? Or how scaredy you are? Just relax a bit okay. Di ba sabi ng pulis sa phone kanina na minor lang naman lahat. They were only brought here to be sure that there's nothing to be worried about, okay. Just relax, it's the school's protocol. Makakabulabog ka ng tao mamaya sa loob." Mahaba niyang paalala sa asawa. Alam naman niyang natataranta lang ito para sa apo dahil wala dito si Siege, mas lalo na dahil wala ang anak niya. Nag-aalala din siya para kay Siege dahil hindi nito ugali ang hindi ipaalam sa kanila kung nasaan siya, but he is nowhere to be found.

"Isa pa yang driver ng bus na yan, hindi nag-iingat! Tatanga-tanga!" This time, hindi lang ito galit, kundi galit na galit na talaga.

"Sshhh.... Wag kang manisi ng tao ng hindi mo pa alam ang dahilan. Let's check on our granddaughter first then let's talk to the school administration after." Mariringgan na rin ng galit si Aaron at makikitang nagpipigil lang ito dahil ayaw sabayan ang asawa.

"Dean! Dean!" Tawag ni Margaret. Palinga-lingang tawag ni Margaret sa bestfriend ng anak, pero hindi niya ito makita.

"Margaret, please tone your voice down. Nasa hospital ka nga. Mahiya ka naman." Kalmado pa rin si Aaron pero nandun na rin ang pagkapikon.

Hindi niya sasabayan si Margaret sa pagkataranta dahil alam naman niya na concern lang ito para sa apo at alam din niya na may phobia ito sa ER or hospital. Kung maaaari lang ay maiwasan na nila ang hospital dahil sa aksidenteng dinanas ng anak, manugang at mga apo.

"Don't tell me to tone down, Aaron! Alam mo kung bakit ayaw ko ng hospital or anything that has to do with hospitals!" Nagngingitngit na singhal ni Margaret sa kanya. See what I mean?

Sino ba ang makakalampas sa trahedyang nangyari halos pitong taon na ang nakakaraan. Ilang araw, linggo, buwan na inabot ng lampas isang taon silang halos sa ospital nakatira? Maaaring isipin ng iba na ang phobia ay biro-biro lang, pero ang totoo, marami ang hindi kinakaya ang masidhing takot na humahantong sa atake sa puso at ang iba ay ikinamamatay pa ito. Sa maniwala man o hindi, totoo ang phobia.

It's not that people are just acting up, but the truth of the matter is, at the sight of whatever that person is extremely afraid of, the heart rate goes up, it feels like the heart is going to explode. It feels like it's going to get ripped out of the rib cage. It's like being cut, sliced, diced and ground that you can ot breathe. The mind goes blank, the body goes numb and the person can not move at all.

"Okay. Alright. All I'm saying is that, you need to relax dahil baka ikaw ang ma-confine, mas lalo magtatagal dito sa ospital. Aside from that, this is where sick people go and hearing someone yelling like a hungry cow, baka mas lalong magkasakit ang nandito." Hinagod ni Aaron ang likod ng asawa. Naramdaman naman niyang bahagyang kumalma ito.

"Where is Dean?" Simpleng tanong nito. Maririnigan mo pa rin ito ng kaba at konting takot pero kalmado na.

"He's trying to park the car. Let's go ahead, okay. Naghihintay na ang apo natin." Puno ng pagmamahal na sabi ni Aaron sa asawa. Tahimik na tumalima naman si Margaret. Ngunit pagkapasok na pagkapasok nila sa mismong ER ay nag-iba na naman ang takbo ng paghinga nito.

Ang akala ni Aaron sa bahagyang pagtigil nito ay dahil sa takot na nararamdaman yun pala ay mabilis lang na inilibot ang tingin sa kabuuan ng ER, at walang sabi-sabi na tumuloy ng reception counter. Nilagpasan nito ang mga nakaupong at ibang nakatayong tao na naghihintay. Walang pakialam itong tumalilis, nabangga pa ang dalawang tao na nakatayo sa di kalayuan ng counter.

"HELLO! EXCUSE ME! HELLO!" Halos kainin ng lupa si Aaron sa hiya sa lakas ng boses ng asawa.

Napasapo na lang siya ng kanyang noo. Bakit ba napakaiskandalosa nito ngayon? Di naman niya ito masisisi dahil doon na lang ito humuhugot ng konting tapang. Pero alam niyang mali pa rin ang ginagawa nito. Una, nasa hospital sila. Pangalawa, may mga nauna pa sa kanila.

Habang si Margaret ay inaatake na ng takot, nerbyos, altapresyon, at kung anu-ano pa, sinabayan pa pakiramdam niya na parang nai-stroke na dahil hindi lang malakas, ang bilis pa ng pintig ng puso niya na parang hindi siya makahinga. Hindi makahabol ang baga niya niya sa bilis ng labas pasok ng dugo at hangin sa puso niya sinabayan pa ang mild na pagha-hyper ventillate, ayun ang resulta, panic attack or anxiety.

Maging ang puso nito ay natataranta sa kung ano ang uunahin. Magpa-pump ba ito ng dugo palabas para hindi ito malunod o tatanggap ng mas marami pang dugo na magdadala ng oxygen sa baga at utak? Dahil kinakapos ng hininga, baka malunod na ito at hindi na magtugma ang tibok ng puso. Ganito ang nangyayari sa taong dumadanas ng mga ganitong katinding takot kahit hindi ito nakikita sa hitsura nila.

Ding! Ding! Ding! Ding! Ding! Ding! Ding!

"Hindi ba nila naririnig ang call bell na ito. O baka naman sira ito? Hindi yata nila alam na may tao dito sa labas." Kawawang call bell. Ito ang naging outlet ng pagpa-panic ni Margaret. Ito ang sumalo ng takot nito.

Ding! Ding! Ding! Ding! Ding! Ding! Ding!

"Geez, woman! Are you deaf or something?! This is an emergency room not a fire station! Have pity on the damn call bell!" Singhal ng boses babae sa likuran nila. Nagpanting ang tenga ni Margaret at handa na itong makipagbuno. Who the hell this person think she is? Takbo ng isip niya sabay lingon nilang dalawa ni Aaron para lang magulat at masurpresa sa nakitang mga nakapamewang na tao sa likuran nila na ngayon ay ganun din kasurpresa ang mga nasa harap nila.

"Aaron?!/Margaret?!"

"David?!/Amanda?!"

"Whoaw!"












OTOR'S NOWT: Hindi ko maipaliwanag pero sa nakita kong matinding takot sa mata ng anak kong panganay na umiiyak, halos di makakilos na sa tuwing nakakakita siya ng gagamba. Yung pagkatarantang walang hanggang, till she passes out. Yung pangalawa kong anak naman ay dahil sa ipis, makakita lang, walang sigaw, walang imik, hinihimatay na lang. Yung pangatlo kong anak naman ay manika, especially porcelain dolls. Nagpa-panic attack ito, habol hininga hanggang sa manlabo na ang paningin. Kaya phobia or irrational fear of something and anything. It can be sometimes deadly to the person experiencing it. Mr. Google may help you a bit more. 












--------------------
End of SYBG 28: Emergency Room

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
03.03.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro