SYBG 27
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Dot. Dot. Dot."
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"HELLO?" Sagot ni Brielle sa tawag na pumasok. Sakay siya ng kotse nila ngayon at si Mang Asyong ang nagda-drive.
"Hi, Bri." Masayang bati ng boses ng lalaki sa kabilang linya.
"Vin! Kamusta?" Masaya siyang marinig ang boses ng kaibigan. "I'm sorry I haven't called you since I got back here. Kamusta si Rylan? Ang kompanya? Ikaw kamusta na?" Sunud-sunod na tanong niya sa kaibigan.
"Hey! Slow down, Ms. Motormouth!" Sagot naman nito na tatawa-tawa pa. Napanguso tuloy siya dahil alam niya ang takbo ng utak nito.
"Whatever!" Sabi niyang tunog nagtatampo. "Bakit ka tumawag?!" Padabog niyang tanong sa kaibigan. Tumawa lang muli ito.
"Calm down okay. Di ka na mabiro." Sagot nito. Alam niyang hindi ito tatawag kung hindi importante. Sa himig ng boses nito ay parang wala namang emergency. Kaya medyo nakampante siya ng konti.
"Okay. Fine. Bakit ka nga napatawag? May problema ba?" Tanong kahit alam na niyang wala naman talagang problema.
"I am coming home. I found Ryelee." Masigla nitong balita sa kanya. Tumalon naman ang puso niya sa tuwa. Sa wakas ay makokompleto na rin ang pamilya ng kaibigan. "She will be flying in tonight and I was hoping to be there before she gets there. It will be a surprise for Rylan. Parang kinikilig itong magsalita. Parang bakla lang. Natawa siya sa iniisip niya.
"Well, that is one good news. Saan siya manggagaling?" Kunot ang noo niyang tanong sa kaibigan.
"Well, you may not like what I'll tell but I was so shocked to find out about it but I didn't put two and two together until last night. It's a little complicated, though." Pahayag ni Alvin. Nag-aalala siya ng biglang natahimik ang kabilang linya.
"Vin? Are you still there?" Tanong niya. Napangiti siya ng magsalita tiong muli.
"Yes. yes, I'm still here." Sagot naman nito. "I don't know where to start, Bri. I know you will be shock to what will you hear from me. And I promise you and I swear to heavens, I have no idea that was all happening and Ryelee, she was blindsided by the whole thing, too." Ang dami pang sinasabi nitong kaibigan niya bakit hindi na lang nito idiretso ang sinasabi.
"Alvin, I have a meeting at one, will you go on with it?" Singhal niya dito. "Mang Asyong pwede po ba tayong bumalik sa condo?" Pakiusap niya sa matanda tutal malapit lang ito sa meeting nila ng kliyente.
Iniwan niya sa factory si Ella para sa ibang bagay na kakailanganin kung sakaling ma-late siya sa pag-pick-up kay Ethan. Nakahanda na rin ang ipinangakong pulis sa kanyang Papa para sumundo sa dalawa niyang anak. na-excite siyang bigla. Magkikita na sila ni Siege. Hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang napakalaking posibilidad na buhay ang asawa. Mas lalo siyang na-excite.
"Bri?! Are you even listening?" Singhal nito sa kabilang linya.
"Yeah. I'm still here. Sorry." Natulala na pala siya. Para tuloy siyang teenager na kinilig.
"Okay. Back to what I was saying....Ryelee went to the Philippines after she left and wanting to think about her life and what she wanted kasi nga narinig niya ang pagkaka-aksidente ninyo ni Tim. I know that Ryelee was so in love with him since high school days and I was in love with her since before we were high school and she knows that. Nagalit siya noon sa iyo at kay Tim dahil ikaw ang minahal ni Tim. Sinadya kong ilayo siya sa inyo dahil naging selfish na ako. Mas gusto kong ako ang mahalin niya. Mas gusto kong sa akin nakatuon ang pansin niya. Kaya noong magkaroon ako ng pagkakataon na maangkin siya ay ginawa ko. Sinama ko siya sa Australia para mailayo ko siya sa inyo. Araw-araw siyang naglalasing at sinamantala ko naman yun hanggang sa nagbuntis siya kay Rylan. Di ba napakasama ko? Nagpakasal nga siya sa akin kahit labag sa loob niya kaya hindi ko siya masisisi na iniwan niya kami ni Rylan. Well, ang paraan ng pag-iwan niya sa amin ay hindi katanggap-tanggap para sa iba pero naiintindihan ko siya. Tatanggapin ko naman kung makikipaghiwalay siya sa akin. I got a call from her last week, I was so happy but at the same time I was afraid, but then she asked for forgiveness dahil pinili niyang ilihim sa akin ang tunay na dahilan nang pag-alis niya. She told me the she did love me and still loving me and she asked for me to give her another chance. Ano ang gagawin ko? Mahal ko talaga eh. I had forgiven her long time ago." Shock si Brielle sa narinig mula sa kaibigan. Hindi niya alam ang kwentong ito at baka hindi rin alam ni Siege na may gusto sa kanya si Ryelee. Napukaw siya ng pagsasalitang muli ni Alvin.
"Another thing. Ryelee told me that she went to California to take care of him. I was a little puzzled when she said him. Sabi nga niya, she hoped na dahil sa patay na daw ang asawa nito ay baka siya na raw ang mahalin nito. Napakagulo ng kwento niya noong una. Then I realized she was talking about Timothy. She told me Timothy's wife died. I was shocked. How did that happen? So, I told her that you are very much alive with your seven year old son who is a friend to Rylan. Brianna Marielle, Timothy Siegfried is alive! Your husband, my bestfriend is alive! And I didn't know? I'm an awful friend." Biglang nalungkot ang boses ni Alvin. Gustong matawa ni Brielle dahil sa drama ng kaibigan. He was so caught up with his emotion that he is not paying attention na alam na niya na buhay ang asawa.
"It's okay, Vin. I know he is alive." Sabi niya na lang dito. Pero hindi yata naintindihan ni Alvin ang sinabi niya o talagang nasa cloud nine ang kaibigan kaya hindi nito nabigyan ng pansin ang sinabi niya. Nagsalita itong muli.
"I was so stupid. Ang tanga-tanga ko, Bri. ang tanga-tanga lang. Hindi ko man lang hinanap si Dean? Alam mo bang magkasama sila? Magkakasama silang tatlo sa California. Hindi ko man lang tinawagan ang isang yun para magtanong kung nakita ba niya ang asawa ko? Ang gago lang di ba? Tapos si Dean, hindi man lang ako hinanap ng isang yun? Pero syempre mas nasa akin pa rin ang talagang problema dahil di ko man lang tinawagan ang isa sa natitira kong kaibigan kasi nakotento na lang ako sa sabi ng imbestigador na nandito sa Japan si Ryelee. Nakontento na lang ako sa pagbabaka-sakaling masalubong ko siya dito. Mas nakontento ako sitwasyon ko when Tito David offered me a job at the company. Sa isip ko kasi ngayon wala si Timothy, kailangan mo ng kasama. Kailangan mo ng kaibigan." Tuloy-tuloy pa rin ito sa pagsasalita.
"Ipamahala ko na lang imbestigador ang paghahanap ng lead kung nasaan na si Ryelee. Hindi ko na inintindi na kailangan ko pala siyang ipaglaban kahit na hindi niya ako mahal dahil kasal kami. Mas inintindi ko yung asawa ng kaibigan ko dahil nabulagan ako sa paghihinanakit na nakaya niya akong iiwan, kami ni Rylan. Sa pangungulila ko kay Ryelee ay naisip ko na siguro pwede akong maging Tim. Sa iyo ko itunuon ang pansin. Ang tanga lang di ba? Bri, I am so sorry of thinking that he can be replaced in your heart. Na kaya mong akong papasukin sa puso mo, to think na hindi pala ako naka-move on kay Ryelee. At sa bandang huli ay maaaring iiwan din kita para sa kanya dahil siya ang mahal ko. If there's one thing I learned from you, ay yung pagiging tapat sa pagmamahal kay Timothy. Kahit patay na siya, mahal na mahal mo pa rin siya. Thank you for showing me that." Bahagyang natahimik ang kabilang linya. Hindi rin siya makapagsalita dahil hindi alam ang sasabihin.
"Natutunan ko na hindi lahat ng nawala, patay man o buhay, ay kailangan ding mawala sa puso natin. I am saying all this right now kasi ayokong mag-alangang humarap sa iyo pagdating ko diyan mamayang gabi. Ayokong humarap sa iyo na minsan kong hinangad na maging akin.. ka I am sorry for that. Yes, I love you, pero ngayon ko lang talaga napagtanto na ibang klase ng pagmamahal pala yun. Isang pagmamahal ng kaibigan o kapatid ang nararamdaman ko para sa iyo. Pasensya ka na kung ginulo ko ang pag-iisip mo noon or if may have made you feel uncomfortable around me sometimes." Natawa si Brielle sa mga pinagsasabi ni Alvin.
Hindi naman siya naapektuhan ng mga palipad hangin nito noon sa kanya. Oo, alam niya ganun nga ang gustong gawin ni Alvin noon at kahit hindi nito sabihin ay ramdam niya ang pagpapahiwatig nito.
"You are so silly, Vin. Forget about it. Focus your emotion and thoughts on your wife. She's coming back and that is a good thing, right?" Pinasigla niya ang kanyang boses.
"Yes, it is, isn't it?" Sagot nito na parang nanaginip ng gising sa kabilang linya. Ilang sandali itong natahimik at bigla rin namang nagsalita na parang 100 mph sa bilis. Wait. I am babbling here. Tama ba yung dinig ko kanina o namali lang ako kaya hindi ko napansin? Tama ba na alam mong buhay si Timothy? Paano? Nagkita na ba kayo? How was it?] Napapailing siya sa sunud-sunod na tanong nito. ratsadang reporter ng laos na tabloid.
"You know what, mag-empake ka na lang muna diyan at mag-ready na kayong mag-ama para naman magkita-kita na kayo ng asawa mo. I will tell you everything about it when I see you, okay? But for now, I have to meet up with a client and I will be picking up my twins. May surprise ako kay Siege. He doesn't know that I know what came down back then, kaya sige na. I'll talk to you later." Sagot niya dito. "Mahabang kwento, Vin. We can talk it over a barbeque kapag nakauwi na kami sa bahay namin sa Parañaque." Nakangiti si Brielle. Siya naman ngayon ang kinikilig. Ay putik! Para akong naiihing teeanger nito. Oh God, grabe ka magpakilig ng tao. Natatawa siya sa sariling kaisipan.
"Huy! Babaeng walang ginawa dati kung hindi umiyak, ayusin mo yang mukha mo baka mapunit yan! Parang nakikita ko na nga ang ear-to ear smile mo. Magiging kamukha mo na si Joker!" Singhal ni Alvin sa kabilang linya. Natawa na siya. Nahihimigan ang sobrang saya sa boses ng kaibigan.
"Naku! Nagsalita ang hindi kinilig na parang twelve years old. Hahaha" Balik niyang panunukso dito. "Sige na at may hahanapin pa ako sa unit ko. Let me know what happen." Pagtatapos niya.
"Thanks, Bri." Tumango siya na parang nakikita ito ng kausap. Pinatay na niya ang tawag at dinampot ang folder na naiwan niya sa sobrang pagmamadali kanina dahil sa biglang tawag na yun.
"HEY, Jay. What a pleasant surprise." Sambit ni Siege nang masalubong niya si DJ Richardson sa lobby ng hotel na tinutuluyan niya. Nasalubong o sadyang pinuntahan siya nito.
"Well, I hope this is surprise." Sagot naman ng kaibigan.
"Is there anything wrong?" Tanong niyang napakunot ang noo niya.
"Why do people always have to start with "Is there anything wrong? Or What's wrong? Or Is there any problem? The worst and gasgas of all What's the news?, whenever a friend shows up to have a conversation? What if I just want to hang around for old time's sake?" Mahaba at mala-litanyang sagot ni DJ sa kanya. Napailing siya.
"Well, as far as I could remember, you may be a happy soul back in high school but you're not the one to beat around the bush. Remember that time when a senior girl, what's her name, tried to flirt with you and you just flat out told her Scram!? And that one other time with a junior girl during our sophomore year in swimming? She came up to you and said that she was dared by her friend to kiss you and you gave her that you-are-too-stupid-to-go-along-with-your-idiot-friends look?" He was laughing so hard that DJ gave him this eff-you look at napailing-iling na lang ito sa kanya. "Let's go to the coffee shop." Aya niya kay DJ. Tatawa-tawa itong sumunod sa kanya.
"You are too stupid pa noon. Siguro kung ikaw ang nilapitan nun baka nga naikama mo na kaagad." Sabi pa nito sa kanya na parang tuwang-tuwa na maalala ang kabataan nila.
"At least I could say that if I died that time, I would have experienced heaven before I went there." Sagot naman niyang puno ng kalokohan.
"So, where that lead you? O di ba nag-asawa ka rin ng maaga. How old were you? 21? 22?" Sunud-sunod na tanong sa kanya ni DJ. Napailing siya. Nabalitaan pala nito ang mga naging buhay niya kahit papaano.
"Wow. Nabalitaan mo pa pala yun, Virgin boy." Napatigagal si DJ sa tawag sa kanya ni Siege.
"Ulol! Virgin boy ka diyan!" Pabiro siyang sinuntok ni DJ sa balikat. Bago pa man siya makapagsalita ay dumating ang waiter at sinamahan sila sa lamesa nila.
"Are you ready for your order, sir?" Tanong ng waiter pagkaupo na pagkaupo nila.
"What would you like, Jay?" Baling niya sa kaibigan.
"Coffee lang, bro. I had a good breakfast today. Mukha yatang last meal ko na yung kanina." Wala sa isip na sabi ni DJ. Napataas ang kilay niya.
"Give us two, black coffee, please." Sabi niya sa waiter. Tumango ito at paalis na rin sana pero pinigilan niya ito sandali. "Are my parents here?" Tanong niya dito.
"I am not sure, sir. Pero itatanong ko na lang po kay Sir Carl." Sagot naman lang ng waiter. Hindi nga rin siya siguro kung kilala nito ang mga magulang niya.
"It's okay. I'll find them later." Tumungo ang waiter at umalis na.
"Bakit naman last meal yun? Ano ba ang ginawa mo at yan ang naisip mo?" Tanong niya dito. Nangingiti siya ng nakakaloko. Hindi niya lubos na maisip na ang matinong Dwaine Paul Benitez Richardson, Jr ay nakakaranas ng last meal treatment sa asawa? Sa lahat ng mga naging kakilala niya sa high school maging sa college na mga matitino ay parang diyos kung ituring ng mga asawa nila kaya naintriga siya kung ano ang ang mali ni DJ. "Di ba ang last meal treatment ay parang equivalent na rin ng outside di kulambo but in a nice and sweet like catching a fly with the honey kind of thing? Hindi ko naranasan yan dahil masyadong malambing si Brielle nung nabubuhay pa ito at wala akong dahilan para danasin yun. Napakaforgiving naman ng asawa kong yun." Sabi niya. May gumuhit na pait sa kanyang labi. Alam niyang hindi yun galing sa kapeng in-order nila dahil hindi pa ito dumadating. Nalulungkot siya sa tuwing naaalala ang yumaong asawa.
"About that. Mack, my wife, bump into someone, I mean she got hit by a shopping cart that was pushed by a man and when she showed me the video taken from the mall cameras, it made me think and showed her your "late wife's" picture." Nag-air qoute pa ito bago humugot ng malalim na paghinga si DJ. Napakunot siya ng noo. Magtatanong pa sana kung ano ang ibig nitong sabihin nang dumating ang kanilang inorder na kape.
"Is there anything else, sir?" Umiling na lang siya at iwinasiwas niya ang kamay para mabilis na paalisin ang waiter. Nang mawala na ito sa harapan nila ay tsaka pa siya nagsalita.
"What do you mean by my "late wife's" picture?" Nag-airqoute din siya. Ginaya ang ginawa ni DJ.
""Tim, I think your wife is alive." parang bombang sumabog yun sa pandinig ni Siege.
"What do you mean by that?" Tanong niya. Salubong ang kilay na parang kakainin ng buo ang kaibigan. Naguguluhan siya. Paanong nangyari yun. "Si Brielle? Buhay? Why? I mean, How? And why she pretended to be dead? Hindi na ba niya ako mahal? Yung anak namin? Nasaan na?" Sunud-sunod niyang tanong, naguguluhan, nae-excite na di mawari.
Hindi niya maubos maisip kung papaanong nangyari yun at knung totoo ngang buhay ito, bakit nito naisip na iwan silang mag-ama. May kinalaman ba ang mga biyenan niya tungkol dito? Bakit kailangang ipalabas na patay ang mga ito"
"I am not sure kung siya yun pero kita rin ng dalawa kong mga mata. When my wife and two other sisters..." Nagulat si Siege kaya pinutol niya ang pagsasalita ni DJ.
"Two other sisters?" Singit niya ng may pagtataka. Umiling na lang at nangiti si DJ. Wala nga pala itong alam sa naging buhay namin. Takbo ng isip nito.
"I'll tell you some other time. Pero ngayon, haharapin muna natin ito dahil ito ang pinatatrabaho mo sa akin. I need to get this thing done dahil kung hindi ay hindi ako kakausapin ng asawa ko. She may have made me a hearty breakfast but she hasn't been talking to me since last night and half the time this morning. And because of that, half the ladies in my family are treating me and the other guys the same. Ate Ilene and Ate Carmi are on it, too. So my brother and brother-in-law are in deep shit with their wives. Mas mayayari ako kapag pati si Cindy ay sumali pa. Si Tito Kurt nga na walang alam sa mga nangyayari ay nadadamay dahil yung Lola ng asawa ko ay hindi din siya kinakausap. So, please, I beg you. Stop interrupting and can we keep just move on now?" Alam niyang hindi talaga galit si DJ pero ramdam niya ang frustration nito. Eh sinong bang asawa ang gusto ng cold treatment mula sa mga mahal nila?
"Okay, I'm sorry. Go on. What made you think..." Pinutol na ni DJ ang iba pa niyang sasabihin. Napailing na lang siya.
"Good. Thank you." Sabi pa nitong may pagtirik pa ng mata. "As I was saying earlier. Mack, Ate Ilene, Ate Carmi and Chai, went to their set appointment to meet up with the owner of Paperkutz, Inc. There's that weird thing that happened there that they didn't say the details yet but she was fuming when they came back home. Una, galit na galit siyang kinausap ako sa telepono dahil dinecline ko daw ang ama ng ka-meeting nila na si Mr..." Si Siege na ang nagtuloy na sasabihin niya na umaasang ito pa rin ang may-ari.
"David Villasis." Napaisip siya ng malalim.
"Yup. You're right. Mr. David Villasis, and if I am not mistaken Bri–" Mahilig talaga siyang humarang ng sasabihn ni DJ.
"Brielle, my wife." Pagsalo niya dito. "Nandito sila sa Pilipinas this whole time?" Wala sa loob na nasabi niya yung, di naman kalakasan pero tamang-tama lang marinig ni DJ yun.
"No, I don't think so. Ang sabi kasi ni Ate Ilene ay kababalik lang daw ng mga ito two weeks ago from Japan. They stayed there for quite a while for medical reasons. Hindi sinabi ang buong detalye nung nagtanong ako, binato lang ako ng matalim na tingin kahit nga yung brother-in-law kong detective ay hindi rin kinakausap ni Ate Ilene. Si Kuya Mark naman ay walang makuhang ibang impormasyon kay Ate Carmi dahil galit din ito sa kanila dahil nga sa pag-decline ko sa kaso ni Mr. Villasis." Patuloy na salaysay ni DJ.
"Ano bang kaso yun?" Tanong niya. Na-curious na rin siya.
"Pinapahanap kasi nito sana sa akin ang pamilya ng manugang nila, dahil simula daw nang mamatay ang manugang ay nawalan na sila ng communication sa kanilang mga balae at tuluyan nng nawalan ng balita sa mga ito. I didn't ask of anything about it dahil nga swamp kami sa agency at kulang kami ng tao dahil nakabakasyon yung iba. But Chai cornered me in the kitchen and showed me this on our tracking app, that's when I realized na naghahanapan kayong magpamilya." Ipinakita uli ni DJ ang phone sa kanya. Ang nakikita niya lang dito ay parang GPS na may green dot na nagbi-blink, at kasalukuyang nasa papuntang Antipolo ito. What is she going to do there? Hindi doon ang papunta sa bahay ng familiya nila or maging ng sa kanya.
"I have the screenshot on my wife and son's obituary here on my phone." Sa wakas ay may lumabas na tinig mula sa kanya. Akala niya nalunok na niya ang kanyang dila dahil nga sa mga narinig. "It still doesn't make sense. It really doesn't really make sense. Bakit kailangang ipalabas na patay sila ng anak ko kung ang totoo naman apala y buhay sila." Gulong-gulo na talaga siya. Ayaw gumana na utak niya. Hindi nga nito ma-process ang lahat ng impormasyong pumapasok dito basta ang tanging napulot ng utak niya ay ang posibilidad na buhay ito.
"Ganito na lang. Chai gave me the code that was generated when they install the tracking app sa phone ni Mrs. Scott. See, pati apelyido mo ay gamit pa rin nito. Now tell me, paanong hindi ko iisipin na asawa mo nga ito." Napapailing na tanong ni DJ.
"So, if she really is alive, that means my son is alive, too?" Sambit niya. Napansin niya sa kanyang peripheral view na tumatango-tango si DJ.
"Maybe. Ayon sa initial investigation ko, a certain Ethan Siegfried V. Scott, with the same birthday as your daughter. Father: Deceased. Parang katulad ng sa anak mong si Brynn. Mother: Deceased. Same birthplace, same birthdate. What are the odds that they go to the same school? Same teacher. He goes in the morning session, she goes to afternoon." Busy sa pagkalikot si DJ sa cellphone ni Siege. Hindi nito nakita ang mga luhang tumulo sa mga mata niya.
Naalala niya ang batang niyakap niya nung hinatid niya si Brynn. Kamukhang-kamukha niya ito, hindi nga lang niya matandaan ang pangalan ng bata. Sumasakit na ang ulo niya. Basta ang alam niya ay Kuya ang tawag ng anak sa batang yun. Kaya ba kakaiba ang naramdaman niya nung inakap niya ito? Yun ba ang anak niya? Ang kambal ni Brynn? Sana nga, siya ang anak niya. Naihampas niya ang kamao sa lamesa. Nagulat si DJ at napaangat ng tingin. Nakita ni DJ ang galit sa mga mata nito.
"Bro, bago ka magalit, alamin mo muna ang dahilan ng pamilya ng asawa mo kung bakit nila itinago ang pamilya mo sa iyo. Isipin mo ring matagal din siguro siyang naospital nung mga panahon na yun, dahil kung ako ang tatanungin mo, batay doon sa imbestigasyon at mga litratong nakita ko sa news archives, milagrong buhay kayong pareho na lumabas sa kotse nnyo, your car was totalled, which means, it was a complete loss. And the worst part of it is buntis pa siya noon. Think of how bad it was for her. Tapos ang mga hitsura nung mga taong inilabas sa sasakyan na yun ay naliligo sa sarili nilang dugo na halos hindi na makilala pa, kaya be easy on her, on them, okay. Isipin mo 'to, kung na-coma ka at nagka-amnesia at the same time, maaaring ganun din ang nangyari sa kanya, to think, like I said, buntis siya noon. It was too much for her body. Kung sino man ang naka-isip na ganito ang gawin sa inyong dalawa, siguradong naiplano ito ng mabuti para palabasin na parehong kayong patay sa isa't isa para wala nang hanapan. Ang talino ng may pakana nito." Naiiling na paliwanang ni DJ.
"What happened to you is just like that foreign movie I saw a few years back. And maybe, just maybe, kaya hindi ka niya hinanap noon ay dahil hindi ka niya maalala at kung ngayon lang sila naghanap sa iyo or sa pamilya mo ay dahil baka ngayon lang din nagbalik ang alaala niya? Sabi nga ni Mack sa akin, patay na ang asawa nito at kung siya si Brielle na asawa mo, maybe ang pagkakaalam niya ay patay na rin kayo. Think about it. Wag mong idaan sa galit. Ikaw din, baka magsisi ka after." Payo sa kanya ni DJ.
Mabuti na lang at nakita niya uli ang kaibigan ng hindi sinasadya sa Facebook at ito nga ngayon, harap-harapan niyang kausap, dahil kung hindi ay baka sinugod na niya ang mga biyenan sa Paperkutz. at doon magwala.
Nagka-amnesia man siya ay hindi naman niya nakalimutan ang daan papunta doon. Alam pa rin naman niya ang bahay ng mga ito. Biglang may pumasok sa isip niya.
"Jay, sabi nga pala ni Papa, may babae daw na pumunta sa bahay namin, I meant my parents house in Sta. Rosa, last week. Ang sabi ng guard ay parang pamilyar daw sa kanya ang mukha nito pero hindi na daw natanong ang pangalan nito. Can you go over there para ipakita ang picture ni Brielle? Or better yet, look at the CCTV on that street. I will go and visit my in-laws sa factory." Tinaasan siya ng kilay ni DJ and he understood what he meant by it. "No. Don't worry. I won't make a scene there. I have too much respect towards them than my anger. I will show myself there para ipaalam sa kanila na buhay ako, kami. Para matapos na itong paapapatintero namin. And you're right, I don't know what happened because I myself was in a coma for a while and suffered amnesia, too. Even though I still didn't get my full memory back, there are still missing parts of my past that I can't remember, I could never forget them." Alam niyang nag-aalala lang ito para sa kanya. Hindi man sila naging na naging malapit na kaibigan, ipinagpapasalamat na rin niya na nakilala niya ito, kaibigan pa rin ang turing sa kanya.
"One more thing, Tim." Naghintay siya ng kung ano pang ang sasabihin nito. Kinakabahan man ay hindi siya nagpapahalata. "You are all in great danger. Hindi pa buo ang imbestigasyon ko pero gusto kitang warning-an. Mag-iingat ka. Yung nangyari sa inyo ng asawa mo ay hindi lang nagkataon, sinadya yun." Napaawang ang bibig niya. Kababalik pa lang nila, eto ang pasalubong sa kanila?
"And since you guys are back here, maaaring magbalik din ang panganib. I heard from my wife na meron daw gumulong na 5,000 plus kilograms reel of paper at muntik daw magulungan ang anak ng may ari." Napatayo siya. Mabilis naman siyang hinila ni DJ pabalik sa pag-upo.
"Will you please, sit your ass down?!" Inis nitong turan. Umupo siya. "As I was saying, may gustong sumabotahe sa pagbabalik ng mga ito. Tinatakot sila. Nagpadala na ako ng isa sa mga tauhan ni Tito Kurt mula sa agency para sa dagdag security sa factory. Mabuti na lang at sa security agency nila Tito Kurt at Daddy Vince nanggaling ang mga security nila kaya madali lang akong nakapagtanim ng tao doon. Perfect timing din na may tinanggal na part time guard doon. For now, all you need is to relax." Tumango siya dito. Napaisip siya sa sinabi ni DJ. Masyado naman yatang sobra ang mga coincidences na nagaganap.hindi siya kumibo, nakikinig lang sa sinasabi ni DJ.
Maraming bagay siyang kailangang balikan at isa na doon ang factory ng pamilya ng asawa. Lalo pa't nanganganib din ang mga buhay nila. Naisip niya ang sinabi ng Mama niya na may ill-feelings ang mga Sebastian sa pamilya ng Papa niya. Kung my kinalaman nga ang mga ito sa mga nangyari noon, maaaring nadadamay lang ang mga Villasis o talagang sila ang target para wala nang matirang tagapagmana ang mga Scott.
Mas lalong sumakit ang ulo niya. Hindi na lang niya ipinahalata sa kaibigan. Marami ang mga tanong niya na hindi niya makuhanan ng sagot. Ang alam niya lang ay may hindi tama. Alam niyang may dahilan ang lahat ng ito. Hindi niya lang maalala kung ano yun.
"I will. Thanks, bro." Maikling niyang sagot. Wala rin naman siyang magagawa sa ngayon kundi ang maghintay at magmasid. Ibinalik ni DJ ang phone niya sa kanya. Tiningnan niya ito. Nakita niya na talagang papunta ng Antipolo ang green dot.
"You're set." Tinanggap niya pabalik ang phone niya. "Hangga't hindi ito natatapos, I can track both of your whereabouts. Kung may mangyari man sa iyo o sa kanya and you can't make a call, just press the volume button without unlocking your phone. That will send an SOS with location to us. Kami na ang bahalang pumunta sa inyo." Paliwanag ni DJ.
Ipinakita ni DJ ang phone niya. May isang green dot at ngayon ay may orange dot na. He was trying to absorb the information he received all at once pero hindi talaga makapasok ang lahat maliban sa isa; buhay ang asawa at anak niya.
"Siya yung green at ikaw ang orange. So far, you are in the right spot, hindi ko lang alam ang sa kanya. Itatawag ko ito kay Chai mamaya para mai-confirm ko sa kanya kung si Brielle nga ang green dot na yan." Muling paliwanag ni DJ.
Ipapaubaya na lang niya muna ang lahat sa kaibigan, alam nito ang gagawin. Later on naman ay matatandaan niya rin yun. Kailangan niya lang ipanghinga ang utak kahit sandali lalo pa at nag-uumpisa nanam itong pumintig.
"Teka. Anitpolo?" Biglang napaupo ng tuwid ni DJ. Matiim na pinagmamasdan ang sariling cellphone. "Sino ang pupuntahan niya doon? Meron ba kakilala doon?" Umiling siya.
"I don't know. I can't remember." Naguguluhan niyang sagot.
"Shit, Siege! Bakit hindi mo maalala?!" Napalakas na tanong ni DJ.
"What is her reason to go there? Shit! I can't f**king remember squat!" Pahayag niya. Tinapik-tapik ni DJ ang balikat ni Siege.
"Kalma lang, bro. Ipahinga mo na muna yang isip mo. Thing will come back to you lalo na at nandito ang karamihan sa mga alaala mo." Paalala nito. Huminga siya ng malalim at banayad itong binuga – breathing exercise.
"Oh Tim, one more thing. Just a hunch and a gut feeling. I have this unsettling feeling that something is about to happen and if it does, just press and hold the volume button without unlocking your phone. That's all you need to do. Okay?" Napansin siguro ni DJ na parang nakaparaming pangyayari sa salaysay niya at hindi nakukuha at hindi masyadong maintindihan ni Siege, kaya mas minabuti na yun na lang muna ang sabihin.
"I got to go. I still have to meet up with the guys para mapag-usapan kung sino ang kukuha ng kaso ni Mr. Villasis." Paalam nito.
"Kukuha sa kaso ni Papa? For what? Nandito na kami. Na-solve mo na ang kasong ito." Pahayag niyang may pagtataka.
"It's for another thing." Sagot nito. "It is for something else but it may have a connection to the Villasis. I'll call you later today." Ngumiti ang kaibigan sa kanya. Somehow he felt relieved. Akala kasi kung ano na naman.
"Thanks, bro. I owe you one." Inilahad niya ang kamay sa kaibigan. Iniabot naman ito ni DJ.
"Anong thank you? May bayad yan, tol." Natatawa pa nitong sabi. Tumawa na rin siya. Sabay pa silang tumayo at naglakad papuntang lobby. Kumaway sa kanya si DJ. Hinintay niya itong makasakay ito at ganun din siya sa sariling sasakyan at tahimik na binaybay ang daan papunta sa factory ng Paperkutz.
--------------------
End of SYBG 26: Dot. Dot. Dot
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
02.27.18
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro