Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SYBG 26





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Surprise"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"Timothy Siegfried Scott. He said my Mommy calls him si..." Hindi na pinatapos ni Brielle ang bata. Siya na ang nagtuloy.

"Siege. Yes, I call him Siege." Sagot niya dito. Hilam na ng luha angkanyang mga mata. Wala na ring nagawa ang staff at si Ella kundi ang tahimik na makiiyak sa mag-ina. "And your Mommy's name is Br...." Siya naman ngayon ang hindi pinatapos ni Brynn.

"Brielle. That's what my Daddy calls her when he talks to her pictures but I don't see the picture. I only see the wedding picture in his bedroom." Sagot ng bata.

"What is your name?" Tanong ni Brynn sa kanya.

"My name is Brianna Marielle Villasis-Scott." Tugon niya. Pahina ng pahina ang kanyang boses dahil hindi na siya magkandaugaga sa pag-iyak.

"My mommy's name is like that, too and my name is Athena Brynn Villasis Scott." Wala na. Windang na siya. Alam na niya. Anak niya talaga ang batang ito.

Buong pangalan na ng bata. Isa na lang ang dapat niyang malaman. Bakit inilayo ni Siege ang anak at pinalabas nitong patay na silang mag-ama. Halos pitong taon siyang nagtiis ng sakit at pinilit na mabuhay kahit may kulang. Nakaramdam ng galit si Brielle sa kanyang puso para kay Siege. Pagbabayarin niya ito sa lahat ng ginawa nito sa kanya at sa mga anak nila.

"Oh my God, Ate Bri. Buhay nga ang mag-ama mo?" Ang tanging nasabi ni Ella. Kita ni Ella ang namumuong galit sa mga mata ng Ate niya. Natatakot siya para dito.

"Ma'am, hindi ko po alam ang nangyayari sa pamilya mo, pero kung gusto po ninyo, agahan n'yo po ang pagsundo mamaya sa kanila para makita n'yo po si Mr. Scott. Paalis na po kasi ang bus ngayon." Sabi ng staff. Ngumiti siya dito at tumango.

"Miss, pwede mo bang pagtabihin na lang yung dalawang bata? Please." Pakiusap ni Brielle.

"No problem po, Ma'am. Ako na po ang bahala sa kanila. Ako naman po ang chaperone ng grupo ni Brynn, isasama ko na lang po si Ethan sa akin." Ngumiti siya dito. Inakap niya si Ethan at Brynn ng sabay at inalalayan na niyang makasakay ng bus. Kumaway siya mga ito. "Ethan, take care of your sister, okay." Utos niya dito. Tumango naman ito at kumaway sa kanya.

"Yes, Mom. I will take care of our princess." Walang tanong kung bakit. Walang tanong kung paanong naging kapatid niya ito, basta ang alam niya, utos ng kanyang Mommy, gagawin niya.

"Bye, Mommy!/Bye, Mom!" Halos sabay na paalam ng dalawang bata. ang sarap sa tenga pakinggan. Mas lalong tumalon ang puso niya sa saya. Eto na kaya yun? Maaari nga at aalamin niya ang buong pangyayari.

Nakita ni Brielle si Teacher Crystal. Kinawayan niya ito at nilapitan.

"Ms. Crystal, may I speak with you for a second?" Tanong niya dito.

"Yes, Ma'am. Ano po yon?" Tanong naman ng teacher ng anak

"Would it be okay, kung wag na muna ninyong papaghiwalayin yung dalawang Scott?" Pakiusap niya. Tumaas bahagya ang kilay ni Ms. Crystal.

"Is there anything I need to know, Mrs. Scott?" Natigilan siya pagkatapos niyang bigkasin ang pangalan ni Brielle. "Oh my God. Are they..." She trails off her words.

"I am not sure but I am looking for the other half of my family and I am hoping that she's one of my other half. " Matapat niyang sabi sa teacher ng dalawa. "And please keep this a secret for now?" Dugtong niya. Nakita ni Teacher Crystal ang pagmamakaawa sa mga mata niya.

"I knew that there were more to these two than just having the same last names and middle names." Sabi nito nang magkatotoo ang iniisip dati ay tama pala. Well, somehow tama. "Don't worry, Ma'am. Sisiguruhin po naming hindi sila maghihiwalay." Ngumiti siya sa teacher ng mga bata at nagpaalam na.

Malapad ang ngiting naglakad palapit sa kotse ng ama. Tahimik lang na nakaalalay si Ella sa kanya.

"So...." Pigil ang hiningang tanong ni David sa anak. Tahimik na naghihintay lang si Amanda pero hindi rin mapalagay.

"I don't know, Ma. Pero sigurado akong anak ko siya. Ramdam ko, Ma." Simple ngunit determinadong sagot ni Brielle.

"Sakay na. Ihahatid ko kayong pabalik sa bahay. Magkita tayo sa factory. May aasikasuhin lang kami ng Mama mo. Don't say a word to anyone about this. Wag muna ngayon." Kalmadong sabi ni David. "Try to calm yourself down, Marielle. Focus on the business muna. Okay ba?' Dugtong pa ni David.

"Yes.Papa." Sagot ni Brielle. Tahimik na uli sila habang sakay ng kotse pabalik sa condo ni Brielle.

"Sige. Kita na lang tayo sa factory mamaya." Sabi ni David pagkababa ni Brielle at Ella sa kotse.

"Papa, pwede bang magpadala ka ng pulis sa school ng mga bata mamaya. Kukunin ko ang anak ko sa ayaw at sa gusto ni Siege." Walang bakas ng kahit na anong emosyon ang mukha at mata ni Brielle kundi galit. Walang masabi ang ama ang at ang ina, dahil maging sila ay naguguluhan, nagagalit. Tumango na lang ito at hindi na nagsalita pa.

Tumalikod na lamang si Brielle at pumunta sa sariling kotse. Mabuti na lang pala nadampot ni Ella ang susi nito kanina sa gilid ng pinto bago sila umalis. Mabilis itong inaabot sa kanya.

Sa Factory. Dumiretso si Brielle sa opisina ni Virgil. Nagulat siya ng makitang nandun na ito at nakaupo. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Hindi man lang nagulat sa bigla niyang pagpasok. Hinihintay ba siya nito o ano?

"Kamusta ka?" Mahinahon niyang tanong. Napatingin lang ito sa kanya. Malungkot ang mga mata nito.

"Nasaan si Carmella?" Tanong nito sa kanya.

"Nasa opisina ko. She's clearing up my schedule for the week." Nandilat ang mga mata nito. Mukhang nagulat sa sinabi niya.

"Aalis kayo? Saan kayo pupunta?" May gumuhit na pag-aalala sa mga mata ni Virgil.. Nalito si Brielle sa gustong ipahiwatig ng mga mata ng lalaki. Tinaasan niya ito ng kilay. "I'm sorry. I didn't mean it that way." Pagsalo ni Virgil sa akala niyang pagkakamali sa pagtatanon.

"It's okay." Simpleng sagot ni Brielle. Umupo siya sa upuan sa tapat ng lamesa ni Virgil.

"Are you going to fire me?" Tanong nito na puno ng lungkot ang mga mata. Hindi niya alam kung para sa tanong niya yun o para sa ibang dahilan.

"No. Why will I fire you? Si Papa lang ang pwedeng mag-fire out sa iyo." Sabi ni Brielle na mas lalong nakitaan niya ito ng lungkot. "Tell me the truth, please." Pakiusap niya dito. Patuloy lang na nakatingin si Virgil sa kanya. For some weird reason ay hindi siya naaasiwa sa mga titig nito. Parang ampate pa nga siya dito eh. Parang pakiramdam niya safe sa mga tingin nito.

"Ano ang gustong mong malaman?" Tanong naman ni Virgil. Hindi naman kasi niya sigurado kung ano talaga ang tinatanong ni Brielle sa kanya. Kung ano ang gusto nitong malaman.

"Are you really Papa's son?" Diretsong tanong ni Brielle. Hindi na nagtaka si Virgil sa uri ng pagtatanong ni Brielle. Mas maganda nga ito at direct to the point. Wala nang paliguy-ligoy pa.

"I don't know. But as far as what was told to me. I am a Villasis and David Villasis is my father." Direktang sagot nito . "But I am hoping I am. Aside from the fact na gusto kong may makilalang ama, gusto kitang maging kapatid. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang nararamdaman ko. Parang gusto kitang alagaan na parang baby, na parang tunay na kapatid. Yun ang nakikita ko sa iyo. Yun ang nararamdaman ko para sa iyo." Sagot nito. Hindi naman talaga alam ni Virgil kung bakit pero yun talaga ang nararamdaman ng puso nito.

"Why?" Simpleng tanong ni Brielle. Wala siyang maitanong kasi parang nandun na lahat sa sinabi ni Virgil ang gusto niyang malaman. Hindi niya alam kung bakit pero nakontento siya sa isinagot nito. Parang wala ng ibang komplikasyon. Parang ganun lang kasimple. Parang ganun lang kadali.

"I don't know. I came o Manila to attend a university here and I heard from people talking in our hacienda that my father lives here and he owns a company kaya madali ko lang siyang mahahanap and I did. I was mad, angry and happy at the same time, especially when I saw him walking a teenage girl not far from my age." Panimulan ito. Wala siyang balak na pigilan ito sap agkukwento.

"I may be angry with him based on my family's story but I was happy to know that I have a sister. That I am not an only child. If and when I am able to let my father know who I am, I will make sure that my sister has someone to lean on when she needs a shoulder to cry. I get into fights in college, lalo na kapag nakakarinig ako ng hindi magandang kwento tungkol sa iyo. Nakipagsuntukan ako sa mga lalaki sa university na nagpaplano ng hindi maganda sa iyo. Muntik pa nga akong hindi maka-graduate dahi lsa hospital bumagsak ang isa sa kanila. Ginamitan ng tiyahin ko ng pera at impluwensiya kaya kahit papaano ay natuloy ako sa pagmamartsa." Natawa ito kaya natawa na rin siya. Naging parang ang gaan makipagkwetuhan kay Virgil.

"Bakit kasi dinadaan sa kamao na pwede namang sa usapan na lang." Komento niya. Natawa lalo si Virgil.

"Hindi kayang dalhin sa maayos na usapan yung mga yun." Sagot nito. Napapailing na lang siya.

"Then what happen after you graduated?" Tanong ni Brielle.

"Well, I went back to Hacienda Samonte. Nakita ko kasing okay ka na, may magtatangol na sa iyo. I stayed there for a few months, then I heard na ikakasal ka na nga. I attended it kahit na nasa likod lang ako nanonood. Masaya ako kasi kitang-kita ko ang saya sa mga mata mo at ang laki na rin ng tiyan mo. After that. I went back home again." Bumungtong-hinga ito. Nagsalubong ang kilay ni Brielle.

"I rushed back here when I heard about the accident. Nagalit ako sa sarili ko. Akala ko kasi magiging okay ka na. Ang tagal kitang sinundan at pinrotektahan tapos sandali lang ako nawala, nangyari na ang trahedyang yun sa iyo? And worst muntik pang ikawala ng buhay mo, ng buhay n'yo. Nagalit ako kay pa... sa kanya. But I also thought it was just an accident, it was nobody's fault. Pero ang hindi ko maintindihan ay nung makabalik ako dito para magtrabaho ay nakita ko ang newspaper clippings na ito." Inilapag ni Virgil ang folder sa lamesa at itinulak ng dalawang daliri nito palapit sa kanya,

"Then I found another one sa bahay ng kaibigan ko. Magkapareho ng sinasabi pero magkaiba ng pangalan then another one that says another thing." Binuklat ni Virgil ang folder na pinaglalagyan ng mga newspaper clippings.

Kinuha ni Brielle ang folder. Naguguluhan siya pero umayon na rin siya sa sinasabi nito. Kung sakali man, wala naman nang mawawala sa kanya na hindi pa nawawala. Naranasan na niyang mawalan ng asawa at anak, na ngayon ay hinihinala niyang buhay pala.

Sa unang clippings nakita niya ang gwapong litrato ni Siege. Hinaplos niya ng ilang beses. Tumulo ang luha niya.

"Timothy Siegfried Scott, 22 and daughter, Brynn Marie V. Scott, 2 days old, of Parañaque City, passed away on July 30th. Left a wife who's still in coma, leaving another 2 days old son under the care of her parents, David and Amanda Vilassis. Interment will be held on Aug. 5th at Himlayang Pilipino in Quezon City. It will be a graveside service officiated by the family friend, Pastor Jeffrey Blanks."

"Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit may obituary si Siege kung buhay naman siya?" Napataas ang kilay ni Virgil.

"Alam mo?" Tanong ni Virgil. Tinatantiya ang expression ni Brielle.

"Dahil alam kong buhay siya. Nakausap ko ang anak naming babae kanina. Iisa lang school nila ni Ethan." Tiningnan siya ni Brielle. "Why are you smiling?" Tanong ni Brielle. Umiling lamang si Virgil.

"So, nakita mo na pala si Brynn?" Napatingin siya kay Virgil. Nagulat siya sinabi ni Virgil.

"You knew?" Tanong niya dito. Nagkasalubong ang mga kilay niya. Nararamdaman niya ang galit sa kanyang dibdib. "Alam mo? All this time you knew?!" Galit na siya. Tatayo na sana siya ng mabilis na umikot si Virgil at lumuhod sa harapan niya.

"Marielle, hindi ko alam. Ang alam ko, well, ang alam naming lahat ay pareho kayong patay ni Siege dahil yun ang newspaper na natanggap dito sa factory. I found the other two newspaper clippings sa bahay ng mga Regalado." Napanganga si Brielle ngunit hindi siya kumibo, hindi niya alam kung ano ang isasagot.

Ibinaling niya ang attention sa folder na hawak para hanapin ang sinasabi nitong obituary nilang dalawa ni Siege. Binuklat niya ang kasunod na pahina. Bumungad sa kanya ang sariling obituary. Nanginig ang mga kamay niya.

"Brianna Marielle Villasis-Scott, 20 and son, Ethan Timothy V. Scott, 2 days old, of Parañaque City, passed away on July 30th. She's the wife of a young business man, Timothy Siegfried, 22, who's still in coma leaving another 2 days old daughter under the care of his parents, Aaron and Margaret Scott. Interment will be held on Aug. 5th at Himlayang Pilipino in Quezon City. It will be a graveside service officiated by the family friend, Pastor Jeffrey Blanks."

"May alam ka ba dito? Alam ba ito ni Papa?" Tanong niya. Umiling si Virgil.

"Nah. I found that at someone's house. " Simple nitong sagot.

"Kaninong bahay? May kinalaman ba sila dito?" Tanong niyang muli. Umiling si Virgil

"Bahay ng mga Regalado. Hindi ako sigurado kung ano talaga ang kinalaman nila pero malakas ang kutob ko na meron dahil nung makita ko yan sa bahay nila nandun din ang kapatid ni Carmella. Ikinukulong nila ang mag-ina. Doon na ako mas lalong kinutuban na may hindi maganda sa mga nangyari sa nakaraan ninyo ni Siegfried o sa mga magulang ninyo or natin. Naniniwala akong hindi aksidente ang nangyari." Walang kibong nakaupo lamang si Brielle. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Tahimik na binuklat ang kasunod na pahina at nagulat siya sa kanyang nakita. Ngayon naman ang litrato nilang dalawa, nanginginig ang kanyang mga kamay.

"Timothy Siegfried Scott, 22 and wife, Brianna Marielle Villasis Scott, 20 with twin son, Ethan Timothy V. Scott and daughter, Brynn Marie V. Scott, 2 days old, of Parañaque City, passed away on July 30th. Interment will be held on Aug. 5th at Himlayang Pilipino in Quezon City. It will be a graveside service officiated by the family friend, Pastor Jeffrey Blanks."

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Brielle. Tama nga si Virgil. May mali nga sa nangyaring aksidente. Nag-aalala man si Virgil sa nakikitang lungkot, galit at pangungulila sa inaasam na kapatid ay hinayaan niya itong umiyak. Maaaring makatulong ito para makapag-isip ng maayos si Brielle.

Kung sino man ang may pakana nito ay sigurado siyang papagbayarin niya ito sa lahat ng sakit na dinanas nila ng pamilya niya, maging babae man ito.

"Teka, nandun ang pamilya ni Ella? Ipinahahanap ni Papa ang mga ito, nandun lang pala. Kuya, kailangang malaman ni Papa ito." Parang hinaplos ang puso ni Virgil nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Brielle ng Kuya. Hindi pa man igururado na anak siya ni David ay tanggap na siya nito. Sana ganun din ang ama kung ito nga tunay na ama katulad ng sabi ng kanyang tiyahin.

"Wala na sila doon ngayon. Iniuwi ko sila kahapon sa hacienda para ilayo sa mga Regalado." Simple niyang sagot. Napatingin si Brielle sa kanya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong niya. Isinara niya ang folder na may laman ng kanilang pagkamatay at ipinatong itong pabalik sa lamesa ni Virgil. Yumuko si Virgil. Nakita ni Brielle na namumula ang mga tenga nito. Nakangiti siya. "Do I need to know it?" Dugtong niyang tanong na pilit na sinusupil ang mapanuksong ngiti.

"Before I go on, I just wanted to say sorry sa mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi ko naagapang ayusin ang dambuhalang rolyo ng papel. Nasalisihan ako ng may gawa nito. Hindi ko rin naitapon yung patay ng kuting and mostly, I am so sorry kung naitulak kita sa grocery cart mo that lead to you hitting the other shopper, or I may say the owner's daughter." Nagulat siya na alam nito na anak ng may-ari si Mack.

"You know her?" Wala sa sariling tanong niya. Umayos ng upo si Virgil mula sa pagkakaluhod sa harapan ni Brielle sa upuang kaharap nito.

"Yeah. Harris da Silva was my classmate in college. I bumped into him sa mismong bar na pag-aari nila ng Kuya niya, which is also a friend of mine. Kilala ko rin ang asawa niya dahil kaibigan at kakilala ng Lola ko ang pamilya ng mga Bustamante. I found out about the security agency ng pamilya ng kaibigan niya." Unti-unti na niyang naiintindihan.

"Well, we need to go back to work. I have a meeting at 1 pm." Sabi niya bago bumuga ng hangin. "Tsaka na muna ang mga problema. We have a business to run and it will not run on its own." Natatawang sabi ni Brielle.

"Pinatatawad mo na ba ako?" Tanong niya. Gusto niya munang makasiguro. Ngumiti naman si Brielle.

"Syempre naman, lalo pa at may possibility na Kuya pala kita. But you owe me more story." Sabi niya at kinnidatan niya ito. Napatawa naman si Virgil. Gumaan ng kahit papaano ang pasanin sa kanyang balikat. One down, a million more to go.

"Of course. Kapag natapos na ang lahat ng ito magkukwento pa ako sa iyo." Ngumiti siya at inakap ang lalaki. Gumanti naman ng akap ito sa kanya. "And you also owe it to Carmella to tell her about her mother and sister." Kinindatan niya uli ito. Bahagyang napatawa si Virgil. Ito ang natatandaan niya sa batang Marielle, ang maaliwalas na aura nito na nagbibigay liwanag at saya sa mga nakapaligid dito.

"Of course. Kung okay lang sa iyo, we can go to the hacienda to see them. Nanay Carmen is very excited to see her lalo na nung sinabi na namin ni Erica na nakabalik na si Carmella dito kasama n'yo. Natuwa din silang malaman na buhay kayong pareho ng pamilya mo." Tumango-tango lang si Brielle.

"Kakausapin ko si Ella." Tumigil si Brielle, nag-isip. "I think we'll just surprise her." Sabi niya na ikinalapad ng ngiti ni Virgil.

"I like that idea better." Masaya niyang sagot at lumabas na si Brielle sa opisina niya.

May galit man sa puso si Brielle ay hindi na yun para kay Siege. Maaaring biktima din lang ito ng panlilinlang ng mga Regalado. Sino ba talaga sila ang mga taong ito? Sana naman wag ang mga biyenan ng kaibigan niya. Maraming Regalado sa Pilipinas, they could be someone else di katulad ng mga Scott.












--------------------
End of SYBG 26: Surprise

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
02.24.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro