SYBG 25
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Brothers and Sisters"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"MOM, my teacher said that this girl in her other class has the same last name as mine, but she's sure that we are not related, because she knows I don't have a sister. You remember Princess? Her last name is the same as ours, too, but she's not my sister, she's just my friend." Magaang kwento ng anak.
Wala sa isip niya ang makinig dito ng maayos dahil maraming gumugulo sa kanyang isip. Hindi nga niya napansin na kinakausap pala siya ni Ethan.Hindi mawala-wala sa kanyang utak ang mukha ni Virgil, ang mga nangyari at mga nakita niya.
Kung totoo ang mga sinabi ng Tita Siony niya noong nakaraang araw ay parang ang layo naman sa mga nangyayari. Nang ipakita niya ang video dito ay hindi ito nagulat o nagtaka. Nung bigla itong umalis ay sinabi ni Sinoy na maaaring napapangunahan lang ito ng takot. Pero hindi eh. Masama kung makatingin sa kanya si Virgil sa una pa lang nilang pagkakakilala, hindi niya yun ipagkakaila.
Kung iisipin talagang maigi, masama man itong makatingin, hindi naman niya ito nakikitaan ng galit, na-realized niya na nakikitaan niya ito ng pagkasabik at lungkot. Maaaring nagawan siya nito ng masama sa grocery store at oo, natakot siya, pero sino ang makakapagsabi na yun nga ang pakay nito?
Naguguluhan siya. Hindi naman siguro ikagagalit ng Mama niya kung tatanggapin niya si Virgil bilang kapatid. Mukha nmaan itong mabait at sa nakita niya sa mga records nila, puro ito good job.Hindi rin naman siguro ipagkakaila ng Mama niya kay Virgil ang Papa niya. Papayag naman siguro ang Mama niya na kilalanin ito bilang isang miyembro ng pamilya.
"Moooooommmm!!!" Malakas na sigaw ni Ethan na ikinagulat niya. Hinaplos pa nito ang pisngi niya paakyat sa kanyang noo. Nagtaka siya "Are you okay, Mommy? Are you feeling sick? Are you thinking about Daddy again?" Tanong ng anak. Napatitig siya dito makikita ang pag-aalala nito sa munting mga mata. Ngumiti siya at umiling.
Kahit gaano pa kahirap ng sitwasyon, hindi niya inililihim yun sa anak, maliban na lang kung maselan talaga na dahilan at alam niyang hindi dapat pang malaman ng bata. Kung itong iniisip niya ngayon ang itinatanong nito, wala siyang plano na sabihin dito. Pero hindi ibig sabihin na mag-umpisang maglihim sa anak ngayon. Si Ethan na lang ang meron siya.
"No. I mean yes, I am thinking of your daddy all the time but it is not him I am thinking of right now, baby." Panimula niya. Nangunot ang mumunting kilay ng bata. Mukhang naguguluhan ito o di naman kaya ay nalilito. Pareho lang yun, Brielle! Singhal niya sa sarili.
"What I mean is, I am thinking of one of our office mates, Virgil. I mean, your Tito Virgil." Pilit niyang pinagagaan ang kwentuhan nilang mag-ina habang naghahanda ito ng para sa kanilang field trip, kailangan maaga silang aalis para makaabot ito sa 8:00 am na pag-alis ng shuttle bus ng school.
"What about him, Mommy? Is he really my Uncle? Is he really your brother?" Nangingislap ang mga mata nitong tanong sa kanya. Hindi naman gaanong excited ang anak niyang malaman din kung Uncle nga niya ito o hindi. Napakatalinong bata. Naisip niya.
"I don't know yet, baby. That's what we are trying to figure out. But if he is, I will accept him. I have wanted a brother since I was a little girl, and he is somewhat older than me, he could be my Kuya, then there's your Ate Ella, isn't it nice? I am not an only child anymore." Para siyang nangangarap. Hindi niya alam pero magaan sa dibdib niyang isipin na maaaring kapatid nga niya si Virgil. For the first time in almost seven years of her sad and somewhat miserable life ay gumaan ang pakiramdam niya.
"You are going to work today, right?" Tumango naman siya sa tanong ng anak. Isinuklay ang kanyang mga sa buhok ng anak para maiayos ang naligaw na mga hibla nito. "You will see him then." Ngumiti ito ng ubod ng tamis at yun na nga lumabas na naman ang dimple ng anak.
Ang dimple na singlalim ng dimple ni Siege. Oh, Dadi, I missed you so much. Eto na naman po ang luha niyang nagbabadyang umagos kaya dapat niyang pigilan. Not now. Naawa na siya sa anak.
"Yes. And you need to get going. Hurry up so you won't be late. The bus will leave you if you are not there on time." Pananakot niya dito. Tumango lang ito at sinuot na ang medyas at sapatos. Natutuwa siya kay Ethan. He is not even seven yet pero kung umasta ito ay parang 14 years old na. Matured ang isip nito para sa edad.
"Uhm. Baby Siege..." Yan ang tawag niya sa anak kapag naglalambing siya dito. Gustong-gusto naman ng anak na ganun ang tawag sa kanya ng ina kasing parang nandiyan din daw ang ama.
"Yes, mommy?" Nilingon siya nito na may matamis na ngiti at syempre kakambal na yata ng ngiting ito ang malalim na dimple. Kahit isa lang ito ay talagang agaw pansin, parang si Siege noong una niya itong nakilala. Dimple kaagad nito ang bumati at bumighani ng puso niya.
"You said that there is this kid at school that have the same name as you?" Narinig niya ang sinabi ng anak pero hindi niya naintindihan.
"Oh yeah. My teacher said there is one but I only know one and that is my friend." Sagot naman ng anak habang sinusuot ang polo shirt uniform nito. Natitigan niyang mabuti ang anak. Matangkad ito kumpara sa ibang bata. Nangingiting naluluha siya, lumalaki na ang kanyang anak.
"Really. There are more than one kid with the same name as you?" Tanong niya dito. Pilit na winawaksi ang namumuong kaba.
"Not the same name, Mom." Itinirik pa nito ang mga mata na parang hindi niya alam ang sinasabi niya. Napangiti na lang siya. Ugaling-ugali talaga ito ni Siege. Hindi nga mapagkakailang anak niya ito. "We have the same last name. I haven't met the other Scott Teacher Crystal said but my friend, she's also a Scott." Sabi ni Ethan na ngayon ay nagsusuklay na sa harap ng maliit na salamin na nakapatong sa taas ng kanyang tukador. Kinabog ang puso niya. Walang ibang Scott dito sa Pilipinas maliban na lang kung foreigner yun at dahil nga international school ito malamang ngang taga ibang bansa ang mga ito.
"Oh, is she?" Sabi niya ng wala sa sarili dahil nandun pa rin ang isip niya sa She's also a Scott." Nababaliw na ba siya para mag-isip ng sobrang advance at maaaring hindi rin.
"Yes, Mommy. I have met her Dad, too. He dropped her off on her first day of school. Mommy, remember that day you and Ate Ella were late in picking me up, that was her first day." Kwento ni Ethan. Kinuha nito ang backpack na pinaglagyan ng extrang T-shirt ni Brielle para may pamalit ito mamaya pag pinagpawisan. Nasanay na siya sa ganun dahil sa Japan ganun din ang ginagawa nila.
"You have met her, Dad? How does he look like?" Tanong niya. Nagiging curious siya at lalong humitindi ang pagtahip ng kanyang dibdib. Magkakasakit yata siya sa puso.
"He's handsome..." Ngumiti ang anak sa kanya. "but I know my Daddy is more handsome than him." Dugtong pa nitong puno ng kumpyansa. Kumalma ng konti ang puso niya.
Maaaring mali ang iniisip niya kanaina, masyado lang siyang na-excite. Nakita na ni Ethan ang picture ni Siege noon, siguro naman natatandaan nito kung ano ang hitsura ng ama para hindi ito makilala kapag nakita at kung tama ang iniisip niya, dapat ay nagkwento na kanya si Ethan ng tungkol dito. Pero wala, kaya kailangan kalma lang siya.
"Talaga?" Tumingin ang anak sa kanya. Nagtataka. Napailing na lang siya. "I think it's time to teach you how to speak tagalog." Dugtong pa niya. Mabilis na tumango ang anak sa kanya. Natawa siya.
"Oh, Mommy. Remember when we went to the mall?" Tumango siya at ngumiti. Iniipon niya ang mga gamit nila. "She's that girl I played with in the arcade with Ate Ella and her Tito Dean. Her name is Brynn." Parang biglang kinalampag ang puso niya. Parang gustong kumawala ng puso niya mula sa loob ng dibdib niya.
"What did you say her name is, Baby?" Tanong niyang muli, gustong niyang makasiguro na tama nga ang kanyang narinig na Brynn Scott ang pangalan nang bata.
"Brynn Scott, Mommy. Athena Brynn Scott." Tumayo ito ng tuwid na tuwid sa harapan niya. Parang nagmamalaki na naalala niya at nasabi niya ng buo ang pangalan ng kaibigan.
Sinipat niya ang anak pero ayaw rumehistro ng kahit na ano sa utak niya. Alam niyang maaaring magkapangalan lang pero bakit parang napakalapit naman sa pangalang gusto niyang ibigay sa anak na babae.
Ilan ba ang tao dito sa mundo na pare-pareho ng iniisip nilang mag-asawa noong mga panahon na yun? Pero syempre alam niya na imposible naman yun, kasi maliban sa patay na ang anak niya ay maaaring ordinaryo na lang ang pangalan na Athena, pero ang pangalan na Brynn ay hindi. Gawa-gawa lang yun ni Siege noon. Kaya nga Brynn Marie Scott ang ipinangalan ng mga magulang niya doon sa namatay niyang anak. Pero bakit ganun? Bakit parang may kaba? Bakit parang may kakaiba?
"Are you sure that's her name, Ethan?" Pabalewala niyang tanong sa anak, ngunit ang totoo ay hindi siya mapakali.
Hindi niya mawari sa sarili pero alam niyang may mali. May hindi tama. Hindi niya alam kung ano basta yung kaba sa dibdib niya ay matagal nang hindi pamilyar sa kanya, kasi huli niyang naramdaman ito ay noong nagising siya at nakita niya si Ethan sa kauna-unahang pagkakataon. "Is she your classmate?" Dugtong pa niyang tanong.
"Yes. I'm sure, Mommy. No, she's not my classmate. She goes in the afternoon but we see each other and play for a little bit before Lola Grams or Mang Asyong picks me up." Sagot ng anak.
"Is she going to the same field trip as you are?" Tanong niya dito nang hindi nakatingin sa anak. Pinipilit niyang gawing busy ang sarili sa paghahanda ng sariling gamit. Ayaw niyang makahalata na may gusto siyang malaman, dahil ang totoo ay hindi niya rin alam kung ano ang gusto niyang malaman basta ang alam niya lang ay excited at kinakabahan siya. Gusto niyang makilala ang batang kaibigan ng anak na kaapelyido nila at parang kapangalan pa ng kakambal ni Ethan.
"Yes, she is. It's Ms. Crystal's and Mr. Frank's classes." Sabi ng anak niya. Kailangan pala nilang magmadali para maabutan nila kung sino man ang maghahatid sa bata. Gusto niya itong makita.
Nagulat siya at mag-ring ang kanyang cellphone bago pa siya makalabas ng pinto ng kanilang kwarto. Tiningnan niya ito para malaman kung sino. Isang private number. Natapos ang pagriring nito nang hindi niya sinasagot. Ilang sandali pa bago pa siya uli makausap ang anak ay nagring uli ito. Sa pagkakataon na ito ay sinagot na niya ang tawag dahil baka kliyente ito.
"Hello?" Sagot niya.
"Is this Brianna Marielle Scott?" Tinig ng babae ang narinig niya.
"Yes, this is she. To whom I'm speaking with?" Magalang niyang pagsagot.
Sandaling nanahimik ang kabilang linya. Narinig pa niya ang malabong pag-uusap sa kabilang linya. Isang babae at isang lalaki at parang narinig na niya ang boses na yun. Ilang sandali pa ay humugot ng isang malalim na paghinga ang isa dito bago nagsalitang muli.
"I'm sorry. I hate to intrude, but I just called para sabihing buhay pa si Siegfried Scott at ang anak mo." Pagkatapos nun ay namatay na ang tawag. Parang siyang naestatwa sa kanyang kinauupuan.
Pakiramdam niya ay bumigat lalo ang kanyang dibdib. Parang hirap siyang huminga. Bigla na lang tumulo ang kanyang mga luha at hindi na niya ito mapigil pa kahit na anong gawin niya.
"Buhay si Siege?! Buhay ang anak ko?!" Sigaw ng kanyang isip.
"Ma! Pa!" Hindi niya maikilos ang kanyang mga paa kaya sumigaw na lamang siya. Natulos siya, as in literal siyang hindi makagalaw.
Napatunganga lang si Ethan sa inang umiiyak at tumatawa. Biglang pumasok ng kwarto ang humahangos na David kasunod si Amanda niya. Maya-maya ay nakasunod na rin si Carmella. Pare-parehong nag-aalala kay Brielle.
"Marielle, what's wrong?" Tanong ng ama na nag-aalala. Hawak siya nito sa magkabilang balikat at bahagya pa siyang yinugyog.
"P-p-ta, may tumawag." Para siyang baliw dahil iyak-tawa ang ginagawa niya. "Babae po. Sabi niya – sabi po niya b-buhay daw si Siege at ang anak namin." Sabi niya na halos hindi magkanda-ugaga. Kanda-buhol ang dila niya. Tumaas ang kilay ng ina. Napatakip naman ng bibig si Carmella. Napabuntong-hininga naman si David.
"Sigurado ka ba, Brianna?" Tanong ng kanyang ina.
"Malinaw kong narinig, Ma. Ang sabi; 'I just called para sabihing buhay pa ang asawa at anak mo.' Ma, hindi ko sigurado pero ramdam kong totoo ang sinasabi nung tumawag. Pa, may schoolmate si Ethan. Magkapareho sila ng apelyido. Her name is Athena Brynn Scott. Ma. Pa. Yun ang pangalan na pinili namin ni Siege para sa baby girl namin at Ethan Siegfried para kay Ethan." She can't do nothing but cry. It is one happy cry, though. Ewan niya pero yung sayang nararamdaman niya sa kanyang puso ay kakaiba. Parang katulad lang nung makita niya si Ethan for the very first time.
"I know, hija. Malakas din ang kutob ko na buhay nga si Siege. Maaaring siya yung nakita kong papasok sa lobby ng Scottsdale Hotel last week." Napalingon sa kanya ang kanyang mag-ina.
"Are you sure, Papa?" Tumango lang siya. Tinitigan ang lumuluhang anak. Habag na habag na siya dito. Malaman niya lang talagang buhay ang manugang at hindi nito hinanap ang kanyang pamilya, magkakagulo talaga silang lahat.
"Yes. We are sure. We'll tell you more about it later." Saad ng ina. Tumingin siya dito at sa ama. Magtatanong pa sana siya kaya lang nagsalita na ang Papa niya.
"Get your stuff ready. Ako na ang magda-drive papuntang school ni Ethan." Utos ni David sa kanyang pamilya. Mabuti na lang at pare-pareho na silang nakabihis at handa na kahit na alas sais pa lang ng umaga. "Get out now. Let's go!" Dugtong pa ni David.
Mabilis pa sa alas tres ng madaling araw ang kilos ng mga ito. Mabilis din silang lumabas ng elevator pagbukas na pagbukas pa lang. Pinagtinginan tuloy sila ng mga tao sa lobby, ngunit wala silang pakialam. They are on a mission.
Wala pang ilang sandali ay sakay na silang lahat ng kotse at nasa kalsada na. Si David nga ang nag-drive, sa passenger front seat naman si Amanda at sa likod si Ella, Ethan at Brielle. Walang salitang namagitan sa mga ito. Tahimik lang silang apat. Maging ang bata na hindi naiintindihan kung ano ang nangyayari sa paligid niya ay tahimik din.
Isa pang liko at kita na nila ang entrada ng eskwelahan ni Ethan. Maraming mga nakapilang kotse sa gilid at may dalawang air conditioned shuttle bus na nakaparada sa mismong harapan ng eskwelahan.
Inilapit pa ni David ang kotse sa mismong likod ng pangalawang shuttle bus. Umibis si Brielle, Ethan at Ella. Alam niyang kailangan ng Ate Bri niya ang aalalay dito. Ilang hakbang lang ay nakita na ni Ethan ang paakyat na batang babae.
"Princess!" Pagtawag pansin niya dito. Lumingon ito sa kanya at ngumiti.
"Hi, Kuya Ethan." Bati nitong kumaway din at nakangiti na kaagad kay Ethan. Kinabog ang dibdib ni Brielle. Hindi siya pwedeng magkamali, kamukha niya ang bata nung maliit pa siya. Hindi siya pwedeng lokohin ng iba. Alam niya sa puso na anak niya ang batang ito. Nilapitan ni Brielle ang batang babae na ngayon ay titig na titig din sa kanya.
"Hi, baby girl." Bati niya dito sa malambing na boses. "What is your name?
"Hi..." Naputol ang sasabihin ni Brynn nang lumapit ang lalaking staff ng school.
"Excuse me po, ma'am. Hindi po pwedeng kausapin ang ibang bata kung wala po kayong pahintulot sa mga magulang. I'm sorry po, ma'am. We are just following the safety rules ng school." Paghiningi nito ng paumanhin. Naiintindihan naman niya ang sinasabi nito. Pinigil niya ang bugso ng damdamin at pinilit na ikalma ang sarili.
"Excuse me, teacher." Pag-agaw ng pansin ni Brynn sa staff na kumakausap kay Brielle. Lumuhod naman ang staff sa harap ni Brynn para maging ka-eye level niya ang bata.
"Yes, Princess?" Tanong naman nito. Bumungisngis ang bata.
"She's my Kuya Ethan's Mom. May I wait with Kuya Ethan here?" Malambing na tanong nito sa staff.
"Do you know her?" Tanong ng staff kay Brynn. Hindi sigurado si Brynn sa isasagot kaya nilingon nito si Brielle at si Ethan. Ngumiti ang mag-ina sa kanya. Gumanti din siya ng ngiti sa mag-ina.
"Yeah. I do." Simpleng sagot nito na may kasamang pagtango. Tumango naman ang staff at nilingon sila Brielle at Ethan.
"I'm sorry po." Pagpapaumanhin nito sa kanya. "Ethan, you can go to Mr. Frank to get your name tag and bus number. Just tell him that you are riding with your cous..."
"Sister. Tell him you are riding with your sister." Si Brielle na ang nagtapos ng sasabihin ng staff. Ngumiti si Brynn sa narinig. Excited naman na tumango si Ethan.
"Yey! Kuya Ethan is my brother!" Ngiting sigaw ni Brynn.
Hindi alam ni Brielle kung ano ang pumasok sa kanyang isip niya at yun ang kanyang ginawa niya. Bahala na kung sitahin siya ng mga magulang ng bata. Basta yun ang nararamdaman niya ngayon. She'll just face the consequences later. Basta ang alam niya ay masaya siya.
Tumakbo na si Ethan sa maliit na lamesa na malapit sa mismong pintuan ng building ng school nila kung nasaan nakatayo ang lalaking teacher, inaasistihan ang isang estudyante.
Samantala, sa mismong gilid ng bus. Nakatayo lang na magkaharap silang dalawa ni Brynn. Titig na titig pa rin sila sa isa't isa. Napasinghap ang staff ng school habang pinapanood sila.
"Oh my God. I am sorry po, ma'am. Hindi ko po alam na nag-ina pala kayo. Oh my God, bakit hindi ko yun napansin kaagad." Napatingin si Brielle dito. Nakita niyang sapu-sapo nito ang dibdib, ganun din si Ella.
"Anong ibig mong sabihin, Miss?" Tanong niya dito.
"Eh, Ma'am halata naman po na mag-nanay kayo kasi magkamukhang magkamukha kayo ni Athena Brynn." Sa ikli ng panahon na pagpasok ni Brynn sa eskwelahang ito ay kilala na kaagad ito ng mga staff, maging si Ethan ay ganun din. Ngumiti na lamang siya. Hindi niya alam ang isasagot.
Lumuhod siya sa harap ni Brynn at pinakatitigan ang bata. Hindi na niya natiis at inakap na ang bata. Nagulat siya ng bahagya ding yumakap ang bata sa kanya. Nakaramdam siya ng kakaibang init sa dibdib. Napaiyak siya at hindi na niya napigil.
"Are you my Mommy?" Bulong ni Brynn sa kanya habang magkayakap sila. Ipinikit niya ang mga mata at bahagyang inilayo sa kanya ang bata. Muli itong nginitian.
"Oh, I hope so sweetie. I sure hope so." Pabulong niya ring sagot dito. Nakangiti pa rin si Brynn sa kanya. "Where is your Daddy?" Tanong niya sa bata na titig n titig lang sa kanya.
"He left right away with my Tito Dean. He have a meeting, he said. I heard him tell my Lolo that he will find my Mommy. I hope it is you. I will tell my Daddy that he won't have to look for you because I found you myself." Malapad ang ngiting sabi ni Brynn na sinamahan pa ng pagbungisngis. Puno ng pagmamalaki para sa sarili.
Hindi alam ni Brielle ang gagawin sa puso niya. Hindi niya alam kung hihinga ba siya o pipigilan na lang hanggang sa maging normal na ang pagtibok nito.
"What is your Dad's name, baby?" Wala sa sariling tanong niya, which is if you ask, ay tamang tanong lang naman di ba?
"Timothy Siegfried Scott."
--------------------
End of SYBG 25: Brothers an Sisters
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
02.20.18
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro