SYBG 24
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Truth"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"KUNG gusto mo ng respeto, pagsikapan mong makuha ito!" Hindi man nakasigaw ay puno naman ng diin at panggagalaiti, sabay bunot din ng baril at itinutok sa mukha ni Miranda. Siya namang naabutan ni Ezekiel.
"Miranda?! Virgil?!" Sigaw ng bagong dating sa dalawa gigil na gigil sa baril. "What is the meaning of this?!" Dugtong nitong tanong na nasa gitna na ngayon ng dalawang baril. Oh, di ba, gago? Nanatawang niyang isip sa sarili.
"Yang asawa mo ang kausapin mo, Regalado!" He barked back at Ezekiel. "Pakialamera!" Dugtong pa niya. Hindi pa rin ibinababa ang baril na hawak.
"Andi, you need to keep your cool." Saway ni Ezekiel, lumapit sa asawa. "You know that we need him and his resources." Dugtong pa nitong pabulong na narinig din naman niya.
"Namimihasa na yan sa kasisigaw sa akin eh!" Mataray na singhal ni Miranda pabalik. Napabuntong-hininga si Ezekiel. Hanggang ngayon talaga padalos-dalos pa rin ang asawa sa pagkilos at pagdidesisyon.
"Virgil, please. Ako na ang nakikiusap sa iyo." Malumanay na sabi niya sa binata. Nanlilisik pa rin ang mga tingin nito sa kanyang asawa.
"Zeke, alam mong nirerespeto kita dahil sumusunod ka sa mga salita mo at hindi ka nakikialam sa mga plano ko. Pero ibang usapan na kapag ang asawa mo na ang kausap. She's not only impatient, she is also very nosy. Class A nosy." Sagot ni Virgil sa kanya. "Not once I intervened with you plans nor ask you about any of it dahil wala akong pakialam sa mga Scott. Kaya wag niya rin akong pakialam sa mga Villasis dahil akin sila. Problema ko sila. Nakikisakay lang kayo sa mga tauhan ko kapalit ni Erica at Aling Carmen." Dugtong pa niya.
"I know. And I am so sorry for her actions. Nawawalan lang siya ng pasensya dahil ang tagal na naming hinihintay itong pagkakataon na ito..." Hindi na pinatapos ni Virgil ang mga sasabihin pa ng matanda.
"That is not a good enough excuse para pagbunutan at tutukan niya ako ng baril, Zeke. The next time she does that, at kung may next time pa siya, matatagpuan mo na lang na nakahandusay na siya sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo. Wag n'yo akong subukan, Zeke!" Mainit ang dugo niya sa asawa nito dahil sa mga bagay na pinagsasabi nito. Ito ang nagsabi sa pagyayabang na paraan kung paano niyang pinilit at binlackmail ang may sakit na ama ni Erica para papagmanihuin ng truck na sira ang brake. Kung paano niyang binutas ang tubo ng linya ng brake at tinanggal din niya ang brake pads nito habang puno ng mabibigat na simento ang likod ng truck. At kung paanong nagawan ng paraan ni Miranda na isabotahe ang power steering system ng brand new na sasakyan ng kapatid at bayaw.
Isa ito sa dahilan kung bakit pinagtitiisan niyang magmukhang kontrabida sa mata ng mga Villasis, sa mga mata ng ama at kapatid. Tinatakot niya si Brielle at ang ama pati na si Amanda para bumalik na lang ang mga ito sa Japan hangga't hindi pa niya nalalaman ang tunay na plano ng Regalado laban sa pamilya ng bayaw.
Hindi siya masamang tao, wala siyang masamang balak sa mga ito dahil walang kasalanan ang mga ito sa kanya. Sabik siyang mahalin ng ama, oo, pero hindi niya gustong saktan o pahirapan ang mga ito. Sobra na ang dinanas na trauma ng kanyang kapatid at ama. At ang isa pang ikinagagalit niya ay hindi niya masabi dito na buhay si Siege dahil hindi pa nga panahon.
"Why are you so afraid of him, Zeke? Isa lamang siyang pipitsuging lalaki na may mga walang kwentang tauhan, makakakuha din tayo ng sarili nating mga tauhan na makikinig sa atin!" Mayabang at may pagmamalaking sigaw ni Miranda. Napatawa ng malakas si Virgil, nang-uuyam na tawa.
"Sige! Go ahead! You act like you can afford to get people. Nobody is stopping you, Miranda. Baka nakakalimutan mo, ilang beses ko na kayong naisalba dahil diyan sa baluktot mong pag-iisip! O baka hindi ka lang talaga marunong tumanaw ng utang na loob dahil nababaliw ka na sa mga katangahang pumapasok diyan sa utak mo?" Nakangisi niyang sabi. Alam niya kung paano niyang pasasakitin ang ulo ni Zeke at pawawalain sa wisyo si Miranda.
Baka ito na yung pagkakataong hinahanap niya. Baka sa gagawin niyang ito ay hindi na makatiis si Miranda at maisagaw na rin nito kung ano man ang balak kay Siege. Kung magkataon baka tuluyan nang maging biyuda ang kanyang kapatid. Kawawa naman ang dalawa niyang pamangkin.
Ayaw niyang makilala siya ng kapatid bilang masamang tao. Gusto muna niyang malaman ang mga plano ng mga Regalado bago siya magpakilala, pero dahil sa nangyari kahapon sa factory, hindi na niya alam kung makakapagpakilala pa siya sa mga ito. Para kasing takot na takot si Marielle sa kanya.
Nung unang 'aksidente' sa factory, nakita niya ang takot sa mga mata nito, doon pa lang gusto na niyang magpakilala sa mga ito kaya lang di niya nakayang gawin. Naging mabagal siyang sa pagharang ng mga masasamang kaganapan sa pabrika.
Gigil na gigil siya dahil ngayo ay alam na niya kung sino ang mgay pakana ng lahat nang dahil sa nangyari, sumama ang pakiramdam ng kapatid at umuwi na lang ito. Mas lalo siyang nagalit at nanggalaiti na maalala ang namumutlang mukha ng kapatid.
Gusto niyang ipaghampasan sa apat na sulok ng kwarto nila ni Erica at Aling Carmen ang ulo niya. Dito siya tumuloy sa servant's quarter kapag binibisita niya ang mag-ina bago umuwi sa bahay niya, na sa hindi sinasadyang pagkakataon, hindi naman kalayuan sa mga Regalado.
*** Flashback
"Virgil, may problema ka ba, anak?" Tanong ni Carmen sa kanya.
"Wala po, Nay." Maikling sagot niya dito. Nanay ang tawag niya kapag silang tatlo lang. Umupo sa tabi niya si Erica. Naglapag ito ng merienda para sa kanilang tatlo.
"Salamat." Hinalikan niya sa noo ang dalaga. "Napagod lang siguro ako sa trabaho kanina." Pag-iwas niya ng tingin sa matanda. Kilala niya ito. Madali siyang mabasa ni Carmen.
"Anak, kailangan ko pa bang ipaalala sa iyo na papunta ka pa lang, nakailang balik na ako?" Simpleng metaphor, pero alam na alam ni Virgil na gagana yun sa kanya. Humugot siya ng malalim na paghinga. Nilunod niya ang baga sa mabangong hangin na nakapalibot sa kanya, si Erica, unti-unti at maingat itong ibinuga.
"Alam na yata ni Marielle na may panangib sa paligid niya. May mga kliyente siya kanina at namukhaan ko yung isa doon. Anak yun ng isa sa pinakamayaman na tao sa America at Asia na nagmamay-ari ng isang sikat security agency. Yun sana ang lalapitan ko noon kaya lang hindi ko na tinuloy dahil nakilala ko na ang mga Regalado." Panimula niya. "Magpapakilala na sana ako sa kanya na kapatid niya ako pero parang inuhan na siya ng takot. I don't know what made her feel that way." Napayuko siya. Hinaplos ni Erica ang likod niya ng hindi nagsasalita.
"Hindi pa siguro kasi yun ang tamang panahon para magkakilanlan kayo. Sa ngayon, mas maganda na siguro yung ganito. Pagtuunan mo na muna ng pansin kung paano mong malalaman kung ano talaga ang pakay ng Regalado sa pamilya ng bayaw mo." Malambing na paalala ni Carmen sa kanya.
"Siguro nga po, Nay. Salamat po." Ngumiti siya na may pait at lungkot.
"Oh pa'no? Ako ay babalik na sa kusina bago pa magtitili ang amo ko." Napatawa ng mahina si Carmen sa kanyang sinabi.
Ano ba ang panama niya sa tili nito, talo pa nilang mag-ina si Cinderella. Kung may Stepmother, Drizella at Anastasia na walang ginawa kundi tawagin ang pobreng Cinderella, ganun din sila, ang kaibahan nga lang ay dalawa silang mag-ina pero parang hindi pa rin sila sapat para matapos ang walang humpay na utos nun habang gising ito. Nakakapagpahinga lang sila kapag tulog na ang mga ito.
Nami-miss tuloy nila ang kanilang Señorita Ryelee. Siya lamang ang nakakapagpatigil sa kasisigaw ng kanyang ina. Minsan nga, naiisip nila na baka baliw itong si Miranda. Minsan na kasing bumisita ang anak ng amo. Isang buwan din itong naglagi sa mansion bago umalis papuntang America at nung mga panahon na yun at tahimik ang mansion na parang bahay talaga, hindi katulad ngayon na parang impiyerno, nabawasan lang ng konti nang makilala nila si Virgil six years ago.
"Sige, Nay. Susunod po ako sa inyo, mag-uusap lang kami ni Virgil tungkol kay Ate Ella sandali." Nakangiting paalam ni Erica. Tumango lang ang ina at tinapik silang pareho nito sa balikat.
"Salamat, Nay Carmen." Sambit uli ni Virgil. Tumango lang uli si Carmen at tuluyan ng lumabas sa pinto at iniwan na silang dalawa.
"Ayos ka lang ba, babe?" Tanong ni Erica sa kasintahan. Oo, girlfriend na niya si Erica. Mag-aapat na buwan na nga. Isa ito sa mga dahilan kung bakit mas lalo siyang nagtitiis magpabalik-balik sa mala-impyerno at miserableng mansyon na ito.
"No. I am not okay, babe." Mahina niyang sagot. "Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang magpanggap na walang pakialam sa mga nangyayari. Nakakasakal na. Gusto ko na lang na itakas kayo mula dito pero hindi ko alam kung makabubuti ba yun sa inyo ni Nanay, Ella at Marielle. Hindi ko pa rin alam kasi hanggang ngayon kung ano ang mga plano nila laban sa mga Scott. Hindi ko rin alam kung alam na ba ng mag-asawang yan na wala na silang karapatan sa mga ari-arian ng pamilyang Scott." Dugtong pa niya. Napatuwid ng upo si Erica.
"Babe, problema nga yan, lalo pa kapag malaman ni Madam. Paniguradong magwawala na naman yun." Sabi naman ni Erica. Tumuwid ng upo si Virgil.
"Ano ang ibig mong sabihin na "kapag malaman ni Madam"?" Nagtatakang tanong niya dito.
"Sabi po kasi ni Sir Zeke. Kinausap daw po siya ng abogado ng mga Scott at doon niya nalaman na buo nang nasa kamay ng mga ito ang dati ang mga hotel na nasa pangalan nila Sir. Hindi na daw ipinaalam ni Attorney kay Madama ang tungkol dito dahil baka ma-trigger lang daw ng sakit nito." Mas lalong nalito si Virgil sa sinasabi ng kasintahan.
"What do you mean by that? Bakit alam mo? Nagkakausap kayo ni Regalado?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Kung si Sir lang at wala si Madam, matinong kausap yun. Hindi naman istrikto si Sir eh, hindi siya masama. Sinusunod lang niya si Madam dahil si Ms. Ryelee ang mananagot." Pahayag ni Erica. Lalong nangunot ang noo ni Virgil, di makapaniwala sa ikinukwento ni kasintahan. "Baliw si Madam, babe. Nasisiraan na yun ng bait. Ilang beses ko siyang nahuli na may tinatawagan sa telepono, umiiyak tapos humihingi ng sorry. Bigla rin namang papatayin ang tawag at magagalit. Pagtitiyaga kami dito ni Nanay hindi dahil sa utang lang namin, kundi dahil sa pakiusap ni Sir Zeke na dumito kami hangga't kailangan niya kami dahil sa kalagayan ni Madam." Malambing na kwento ni Erica.
"You mean, she is not playing crazy? Baliw talaga siya? And you can leave here anytime, if you wanted to?" Sunud-sunod na tanog ni Virgil. Tumango lang si Erica. Nagulat pa siya ng inalikan siya nito sa pisngi.
"Kaya be nice to her. Konting tiis at pasensya pa, malalaman mo rin kung ano ang plano niya kasi maging si Sir Zeke ay hindi din alam ang takbo ng utak ni Madam." Patuloy na pahayag ni Erica.
"How... Paanong nangyari yun?" Wala sa sariling tanong ni Virgil. Bakit nga ba?
"Ang sabi ni Sir, nung minsang hinimatay si Madam dahil sa sobrang galit na hindi naman namin alam ang pinagmulan, nagkataong din nandun ako sa second floor, naglilinis. Kwento ni Sir Zeke, nag-umpisa daw yan nung ma-depress si Madam dahil hindi umobra yung plano nitong na maikasal sa lalaking talagang gusto. Hindi naman kasi dapat si Sir Zeke ang mapapangasawa ni Madam. Hindi daw niya sinasadyang sila ang ikasal. Simula daw noon ay palagi na raw itong nagmumukmok. Mas lalong lumala nung malaman nilang buntis ito kay Ms. Ryelee." Marami pa talagang hindi alam si Virgil sa mag-asawang ito. Mabuti nal ang at nakapagkwento ang matandang lalaki.
"Anong nangyari?" Naging masyado na siyang intersado sa kwento.
"Eh di ikinasal na daw sila para mapagtakpan ang kahihiyan ng pamilya nila Madam. Kaya lang namatay daw ang papa nito, at dahil spoiled at makaama daw itong si Madam, dinibdib ang pagkawala ng tatay nito." Magtutuloy-tuloy pa sana si Erica.
"Spoiled? Hindi halata." Natatawa niyang komento. Binangga ni ERica ang balikat niya at natawa rin.
"Ypu. Super spiled daw si Madam. Lahat daw kasi ng gusto nito ibinigay ng Papa ni Madam. Kahit pa nga raw buhay ay ibibigay nito wag lang daw malungkot si Madam. Ang kwento pa ni Sir, handa raw sumira ng buhay ang Papa ni Madam wag lang daw mahadlangan ang kaligayahan at gusto ng anak." Napapailing na natatawa si Erica.
"Kahit na daw yung Mama ni Madam ay wala daw magawa kapag ginusto o inawayan ni Madama ang isang bagay o tao." Natutuwang makinig si Virgil sa kwento ni Erica. Ngayon lang niya napagtanto na ang kakaibang ugali ni Miranda ay malalim ang pinanggalingan.
"Hear this out. Nagkwento rin si Sir na binayaran daw ni Madam yung part time na security guard ng pabrika para takutin ang mga may-ari ng patay na kuting para daw bumalik na ang mga ito sa Japan at hindi lang yan daw yan, may binayaran si Madam na tao para gumawa ng aksidente sa pabrika." Lalong kinabahan si Virgil. Siya pala ang may kagagawan ng lahat! Galit niyang isip.
"Babe, masama ang tama sa utak ni Madam. Kapag umiinom ito ng gamot ay maayos lang ito, kaya lang si Madam hindi iniinom ang kanyang gamot kapag wala dito si Sir Zeke." Tondo kwento lang si Erica.
"Kelan ito ikinuwento ni Mr. Regalado sa iyo?" Hinapit niya sa bewang palapit sa kanya ang kasintahan. Kahit na anong hirap ng araw niya ay nagiging maayos din simula ng makilala niya ito.
Mas bata si Erica sa kanya ng halos siyan na taon pero matured ito mag-isip, dahil na rin siguro sa pinagdaanan nito sa buhay. Fourteen pa lang si Erica nung una niyang makilata ito. Kinilabutan siya ng malaman niyang katorse anyos lang ito tapos pinagnasaan na niya agad. Humingi siya tawad sa dalaga noon at sa ina nito pero sinabi niya rin ang totoo.
Hindi natuwa si Carmen sa kanyang ginawa pero naintindihan naman nito kung bakit niya nagawa yun. Ipinagpasalamat na rin ni Carmen at matinong lalaki siya. Ipinagpasalamat niya yun sa ina ni Erica at ipinangako dito at sa sarili na hihintayin niya kung kelan handa na itong magkaroon ng kasintahan.
Erica just turned 18 five months ago. Matiyagang hinihintay na maging ganap nang dalaga ito at ito na nga, sila na. Mas lalong natuwa si Virgil nang sagutin siya ng dalaga, pero syempre, may basbas ni Aling Carmen yun.
"Two weeks ago. Wala ka nun, kasi kararating lang yata ng kapatid mo at ni Ate Ella, yun yung time na ini-stalk mo si Ate Marielle." Bumungisngis ito. Napangiwi siya. Naalala niya yun.
"Wag mo na ngang ipaalala sa akin na naging creepy ako sa sarili kong kapatid." Binangga niya ng bahagya ng balikat niya ang balikat ni Erica. Mas lalo pa itong tumawa.
Nakakatunaw ng galit at sama ang loob at pagod ang tunog ng tawa ng kasintahan, kaya siguro adik na adik siya dito. Masilayan at mangitian lang siya nito ay solve na siya, ano pa kaya kapag nahalikan na niya ito sa labi. Lalo pa at napakahilig nitong kumagat ng ibabang labi nito. Humagikhik pa ito. 'Help me. Lord.' Ang palaging panalangin ni Virgil sa mga pagkakataong ganito.
"Naikwento ko kay Nanay na talagang sinundan mo ng buong araw yung mag-ina hanggang sa makauwi sa condo nila, tapos kinukuhanan mo pa sila ng pictures na para kang professional paparazzi. Natawa ang nanay." Halos mawala ang mata ni Erica sa katatawa. Gandang ganda siya sa kasintahan niya.
Gusto na niya itong siilin ng halik kaya lang ay ayaw niya muna dahil baka kung ano ang magawa niya sa dalaga. Ayaw niyang kunin ang bagay na mahalaga dito hangga't hindi pa ito handa. Kaya pa naman niyang tiisin kahit papaano. Hindi pa rin naman siya handa dahil sa mga nangyayari sa paligid niya. Kailangan niya munang maialis ang mag-ina sa mansion na ito.
Balak niya ay pabalikin sa pag-aaral si Erica. Hhayaan niya itong magdesisyon at mamuhay ng malaya pagkatapos nilang makaalis sa poder ng mga Regalado tutal malapit na itong makatapos sa online course na kinukuha. Isang taon na lang at ga-graduate na ito.
"You are so beautiful, did you know that." Iniipit niya ang iilang hibla ng buhok na tumabon sa mata nito.
Maganda ang mga mata ni Erica. Yun ang unang nakabihag ng atensyon niya. Sumunod ay ang labi nito na parang kay sarap halikan. Ito ang isang bagay na kinaiinisan niya sa sarili dahil parang napakasama niyang tao. Bata palang si Erica ay ini-imagine na niya ang mga bagay na hindi niya dapat ma-imagine sa murang katawan at isip nito. Ipinilig niya ang ulo. Diyos ko po, nasusunog na yata ang kaluluwa niya impyerno. Isip niya.
"What? Binobola mo lang ako eh." Sabi naman nito na pinamulahan agad ng pisngi at parang nahiya pa. "That is not nice. And staring is rude." Dugtong pa nito na nakanguso. Oh my God, makakagat ko ang labi ng babaeng ito eh. Pigilan mo po ako, Lord. Impit niyang dasal.
Ngayong disi-ocho na ang dalaga ay baka hindi na siya makapagpigil. Humugot uli siya ng malalim na hininga at malumanay na ibinuga ito na hindi naman nakatulong sa kanya dahil nasinghot niya ang natural at matamis na amoy ng dalaga. Tumikhim siya. Minabuti na lang niyang iiwas na lang ang tingin sa mga mata at labi ng dalaga.
Inakap niya ito para hindi niya na matitigan pa pero mali rin pala dahil ngayon naman ay ang malambot na katawan nito ang nasa mga bisig niya mas lalong nagpagulo ng kanyang sistema. Ang resulta, nag-flag ceremony si Commander Virgil, Jr. kahit gabi na.
"Erica, ni minsan hindi kita binola." Pagbulabog niya sa kanyang sariling kaisipan. "Bakit ba hindi mo makita na maganda ka? Kahit hindi ka mag-ayos ay talagang maganda ka lalo na para sa akin. I hope you know that." Malambing niyang dugtong. Umakap din ang babae sa kanya. Ay wala na! Yari na ako! Sigaw ng isip niya. Patay na talaga siya. Hindi lang basta gumulo ang sistema niya, nablangko na ang utak niya.
"Babe, salamat ha. Pero yun ang totoo. Mas maganda si Ate Ella sa akin kasi may lahing hapon yun, eh. Ako? Maputi lang ako dahil hindi ako naarawang masyado, pero hindi ko mapapantayan ang ganda ni Ate." Inilayo niya ang dalaga sa kanya ng bahagya. Nalulungkot siya dahil hindi nakikita ni Erica ang gandang bigay sa kanya ng Diyos. Mukha din naman siyang haponesa. Napapailing na lang siya.
"Erica, babe. Why are you putting yourself down all the time? You are beautiful, okay. Why can't you see that? Alam mo bang 14 ka pa lang baliw na baliw na ako sa iyo?" Tanong niya dito. Napamulat ng mga mata niya si Erica. "I have had my share of women before I met you, and I know beautiful when I see one. And you? YOU ARE beautiful." Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga. Dinampian niya ng banayad na halik ang mga labi nito. Hindi na niya kayang pigilan pa. Mababaliw na siya kapag ipinagpatuloy pa niya. Baka matulad siya kay Miranda, isang baliw.
*** End of flashback
"Virgil! Hijo! Pwede bang ibaba mo na yang baril mo? Please, nagmamakaawa ako sa iyo." Pagsusumamo ni Ezekiel sa kanya. Doon pa lang siya bumalik sa ngayon.
Hindi siya kumurap man lang kahit na nalilito siya kung gaano siya katagal na nakatayo doon at nakatutok pa rin ang baril kay Miranda. Nanginginig ito at naluluha na. Wala nasa kamay nito ang baril na kanina ay nakatutok sa kanya. Naalala na niya ang nangyari kani-kanina lang.
"Sa uulitin na gawin mo sa akin ang ginawa mo, Miranda, hindi ako mangingiming itumba ka! Naiintindihan mo ba?!" Sigaw niya dito. Noon niya lang naramdaman ang panginginig ng buo niyang katawan. "Ezekiel, gusto kong iuwi si Erica at si Aling Carmen, ngayon din! At kung hindi kayo papayag, ang mga tauhan ko na ang bahala sa inyo!" Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya pero yun ang lumabas sa bibig niya. Kukunin na niya ang mag-ina. Ilalayo na niya ang mga ito sa mansiong ito at hindi na siya aapak pa dito.
"You can have them." Bagsak ang balikat na sagot ni Ezekiel. Nagbago ang mukha ni Miranda.
"Sumusuko ka na, Ezekiel?! Mahina ka talaga!" Sigaw nito sa kanya. "Hindi! Hindi mo sila pwedeng kunin! Alipin ko sila!" Patuloy nitong sigaw. Itinaas ni Virgil ang baril at itinutok ito ngayon sa mismong ulo ni Miranda.
"Ano ang kapangyarihan mong utusan ako, huh?!" Nanggigigil niyang sigaw sa babae. Itinaas niyang muli ang baril at marahas na inilapat ito sa noo ni Miranda.
Tama na. Pagod na siya. Kung ano man ang gawin nilang plano laban sa mga Scott ay bahala na ang mga ito, pasusundan na lamang niya ito sa isa sa kanyang mga tauhan. Wala naman ng magagawa ang tiyahin niya lalo na ngayong alam na niya ang katotohanang taliwas sa kasinungalingang sinabi nila sa kanya noong bata pa siya.
"Tama na! Tama na! Itigil na natin ito Miranda!" Ganting sigaw ni Ezekiel, nahihintakutan. "Simula't sapol, Miranda, alam mong talo ka na, ipinagpipilitan mo pa rin! Itigil mo na ito kahit para sa anak at apo mo man lang!" Dugtong pa ni Ezekiel. Tumahimik si Miranda at nanginginig na tumalikod sa kanila. Pero bago pa ito tuluyan lumabas ng library ay nag-iwan ito ng isang banata.
"I never lose a fight, Zeke. NEVER!"
--------------------
End of SYBG 24: Truth
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
02.18.18
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro