Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SYBG 22




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Anak"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"MARIELLE, will you let us take care of this?" Tanong ni Chai kay Brielle. Hindi siya mapagbigay ng maayos na sagot. Nalilito siya. Naguguluhan.

"I don't know." Ang tangi niya lang nasabi, biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang Papa at Mama. "Ma! Pa! Akala ko umalis kayo?" Tanong niya na naguguluhan.

"What is going on here? Can someone care to explain?" Bungad ni David na nananantiya sa bawat isa sa kanila. Mukhang madadamay pa yata ang mga bisitia niya sa galit na nakikita niya sa ama. Well, it's time to be honest and tell them everything that happen.

"Papa, I'm sorry if I didn't tell you. Ayoko lang kasi na mag-alala kayo." Panimula niya, nagsalubong lalo ang kilay ng ama.

"Well, ano sa palagay mo ngayon ang nangyayari? Bakit nagmamadaling umalis si Virgil?" Tanong ng kanyang Mama.

"What? Why?" Tanong niyang naguguluhan. Ano ang koneksyon nun?

"Tito Dave. Tita Mandi. We are very sorry if we made things a little complicated here." Panimula ni Mack.

"Mack..." Pag-awat niya sa kaibigan, sinabayan pa niya ng pasimpleng pag-iling.

"It's okay, Yelle." Sabi naman nito. "Actually, we meet Marielle at the grocery store last weekend. She was 'accidentally' pushed by an unidentified man, wearing a hooded jacket and mask, that up until today ay hindi namin kilala. Video lang po ang meron kami. While Tita Siony is showing us the production floor, we realized that the man who had pushed Marielle into my shopping cart is actually working here." Iniabot ni Chai ang cellphone kay Amanda at David para makita nila ang video at hindi na masyadong magpaliwanag pa.

Katulad kanina, nagsimula ito doon sa paglapit ng lalaki at itinulak nito si Brielle. Tinamaan si Mack ang shopping cart ni Brielle sa likod at ang pagtakbong umalis ang lalaki hanggang doon sa parking lot. Mula sa over head view ng CCTV ay naging eye level na ang kuha ng video. May konti na itong sound pero hindi masyadong maintindihan. Mas malakas pa ang ugong at busina ng mga sasakyan sa kalsada kesa sa mismong boses ng mga tao. Halatang malayo ang kumukuha ng video at naka-zoom in ito. Nagulat at napasinghap si Amanda ng makilala ang mga nasa video.

"What the... Mother of Mercy, David!" Takot na bigkas ni Amanda."Ano ang gusto ni Virgil Samonte kay Brianna at bakit niya sasaktan?" Dugtong na tanong ni Amanda ng walang may pinatutukuyan.

"The hell! Ano ang kinalaman ng mga Degalado dito?" Wala sa loob na tanong ni David.

"David, di ba kaibigan yan nila Marj ang dalawang yan?" Kinakabahang tanong ni Amanda kay David. "Bakit sila magkasama ni Virgil? May plano ba silang hindi maganda kay Brianna? Nasaan na ba ang mga biyanan mo?" Dugtong pa nito. Mukhang mas marami pang tanong kesa sa sagot.

"Hindi ko alam kung ano ang gusto nilang mangyari pero iisa lang ang iniisip ko at matagal ko na itong kutob, may kinalaman ang mag-asawang yan sa pagkaka-aksidente ninyo ni Timothy noon." Napahawak si Brielle sa dibdib niya.

"You mean, Alvin's inlaws are into all that?" Wala sa loob na naitanong ni Brielle. Tumango ang ama. "But why?"

"I need you to call Alvin and have him come back here at once. Maaaring may alam din ang nawawala niyang asawa dito." May dilim sa mga titig at tinig ni David.

"Wala tayong atraso sa mga Regalado. Hindi nga tayo malapit sa kanila. Nakilala lang natin sila dahil sa mga biyenan mo. David, ano ang gagawin natin? Bumalik na lang tayo ng Japan!" Parang nawawala sa katinuan si Amanda, nagpa-panic ito.

Sino bang hindi magpa-panic? Nakita niya kung paanong itinulak ang anak na tahimik na namimili, pagkatapos makikit ring kilala pala ang taong may gawa nito sa anak na hindi mo alam ang dahilan. Kahit sino na sa aganitong kalagayan ay matataranta din, matatakot.

"Tito, if it is okay with you and Tita Mandi, we can help you out with this problem. Carmi and Chai here are experts in hand combat and they are also good with guns, and so am I." Singit ni Ilene. "We like Marielle, she seemed like a nice lady and with all that is going on, we had experienced this before, kaya alam po namin na makakaya namin ito." Dugtong pa nito.

"Tito, Tita. We can talk to our husbands to help us out if you feel like this would be a little bit dangerous. This is just like when my grandfather messed up everyone's life in the past but we were able to get through it dahil magkakasama kaming lahat." Pagbibigay kasiguruhan ni Mack. Tumango naman ang mga hipag niyang nakangiti. Their own way of convincing the patriach of the Villasis is to smile confidently.

"Marielle needs friends who can be there for her and you, too." Sambit ni Chai na tatahi-tahimik lang. "I think my sisters-in-law took a liking to your daughter, so we decided to meet up with her using the need of Ilene for a supplier as an excuse. My Dad is the head of the security of the mall where this happened and we felt obligated to find the person that assaulted one of our shoppers which happens to be our new friend here." Napansin ni Carmi na kinakabahan si Chai. Napahaba na kasi ang pagsasalita nito.

"Si Chai? Kinakabahan?" Bulong ni Carmi kay Ilene. Tumango si Ilene. Napansin din pala ito ni Ilene.

"Oo nga eh. Ang daldal pala niya kabahan?" Sagot din naman nito. Sinaway sila ni Mack gamit ang tingin lang. Ngumiti na lamang ang dalawa sa kanya.

"Tito Dave, ang sa amin lang naman po ay naumpisahan na po kasi naming imbestigahan tapos nagkataon pa na dito pala nagtatrabaho yung may gawa nun kay Marielle, kaya sana po pumayag na kayo." Pakikiusap ni Mack. Pare-pareho silang naka-cross ang mga daliri sa kanilang likod.

"Ladies, I would love to accept your offer, but I don't want you hurting. And besides the person I spoke to said you guys are fully booked." Kumunot ang noo ni Mack.

"Busy? Since when?" Malakas niyang tnaong.

"Busy daw ang mga tauhan ng agency n'yo. Pati na nga daw yung son-in-law ng may-ari ay kumikilos na rin para sa isang confidential na kaso." Malungkot na sabi ni David. "Ayokong mapahamak kayong mga babae. Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ng Virgil na yun at hindi ko rin alam kung ano ang kailangan ng mga Regalado sa amin dahil hindi naman malapit sa amin yun. We just know because of her inlaws and I am running out of ideas, to be honest." Malungkot na dugtong nito.

"Ari can help. He has no choice." Sagot ni Chai.

"Ganun din si Mark." Dugtong ni Carmi.

"Throw in Angelo there." Makahulugang sabi ni Ilene.

"Teka lang po. Sino po ang naka-usap n'yo sa phone?" Tanong ni Ilene na umaasang wag naman sana ang asawa o kapatid niya.

"DJ daw eh." Sagot naman ni David na umaasang wag makapag-umpisa ng gulo.

"What?! DJ said no?!" Salubong ang kilay ni Mack. Namumula ang mga mata nito. Nagkatinginan sila Ilene, Carmi at Chai.

"Oh, snap!" Napasapo ng noo niya si Ilene. "Carmi, our brother is dead." Naiiling nitong sabi. Napailing na rin si Chai at Carmi. Nagkatinginan ang pamilya Villasis. Maging si Siony na tahimik lamang na nakikinig at parang nalito.

"Tito, sinabi n'yo po ba kung n'yo nakuha ang nag-recommend sa inyo?" Kinakabahang tanong ni Carmi. Tumango naman si David.

"Ah, yes. I did." Matipid niyang sagot, naguguluhan. "What is going on?" Dugtong niyang tanong.

"Excuse me, Tito Dave." Paalam ni Mack at lumabas ng pinto. Naiwan sila sa loob. Nagkaroon ng pagkakataon si Siony na magkwento kay David, Amanda, Brianna at Carmella na kaharap ang mga bagong mga kaibigan.

"David, Amanda. Meron kayong dapat na malaman." Panimula nito. "Pero bago ang lahat, may itatanong lang sana ako sa inyo. Wag n'yo sanang ikagagalit." Naghintay siya ng sagot ng mag-asawang Villasis.

"Sa mga nangyayari ngayon at mga nangyari ng mga nakaraang taon, meron pa bang mas sasama pa doon na dapat naming ikagalit?" Mahabang tanong ni Amanda. Alam niyang maaaring meron pa pero kung meron man, bahala na.

"May kilala ka bang Marinella Samonte?" Tanong ni Siony. Nagkatinginan si Amanda at David. Eto na nga ba ang ikanatatakot nila. Matagal na panahong hindi nila narinig ang pangalan na yan o makita man lang ang taong nagdadala ng pangalan na yan.

"Ano ang tungkol kay Mari? Bakit napasok siya sa usapang ito?" Tanong ni David. Pinasadahan ng tingin ni Siony, ang mga kaibigan niya.

"Kay Marinella Samonte, di gaano, pero kay Virgil ay meron." Sabi ni Siony. "Ayon kay Virgil, namatay sa panganganak si Marinella. Naiwan ang bata sa pangangalaga ng Lola nito hanggang sa mamatay ang matanda bago pa ito nakatungtong ng kolehiyo. Kinse na ang bata ng mamatay ang matanda at naiwan naman ito sa "pag-aaruga" ng tiyahin at yun ang nagsabi sa sa bata kung sino ang totoong ama. Kung hindi lang dahil sa iniwang trust fund at college fund ng matanda at ina ay hindi sana ito nakapag-aral o nakatayo sa sariling paa. Dinala ng bata ang lahat ng sama ng loob sa ina na hindi man lang nagkwento sa Lola ng tungkol sakung kanino siya nanggaling." Kwento ni Siony. Mataman lang naman na nakikinig ang mga ito sa kanya.

"Tumbukin mo na, Siony." Utos ni Amanda. Parang alam na niya ito.

"David. Ikaw ang itinuturong ama ng nasabing bata at ang batang yun ay si Virgil. May sama ng loob ito sa iyo dahil hindi mo man lang daw siya hinanap. Ni hindi mo man lang daw nilingon ang kanyang ina pagkatapos mo itong mabuntis. Matagal niyang pinanood ang takbo ng buhay n'yong magpamilya, umaasang sana ay kasama siya sa pamilyang yun kahit hindi na kasama ang ina. Patuloy siyang nag-aral habang sinusubaybayan ang kapatid at sinisigurong ligtas ito palagi hanggang sa grumadweyt si Brianna sa college, nag-asawa at hanggang nga sa naaksidente ang mga ito. Nung mabalitaan namin na namatay ang mag-asawang ito, nalungkot kaming lahat, siya naman biglang sulpot dito ni Virgil para mag-apply ng trabaho, naging mabait na bata at trabahador si Virgil tapos bigla na lang kayong umalis at lumipat ng Japan. Maging kami ay wala ng balita sa inyo. Ang sabi niya ay umasa uli siya na pagkatapos ng trahedya sa buhay ninyo ay baka maisipan mong hanapin siya. Ayaw niyang magtago sa iyo kaya siya na mismo ang lumapit para madali mo siyang mahanap. Ang ipinagtataka ko lang ay kung alam mong may anak ka sa iba ay bakit hindi mo siya ipinahanap?" Kwento ni Siony na may halong hinanakit, pag-uusig. Maging siya ay naguluhan din. Hindi niya matandaan na may nangyari sa kanila ni Mari noon.

"Pasensya ka na, Siony. Kailangan lang naming masiguro na mabubuhay si Brianna at Ethan kaya kami nagpasyang pumunta ng Japan nang walang nasasabihan." Paliwanag ni Amanda na hawak ang kamay ng kaibigan. Inakap siya ni Siony.

"Sandali. Sa lahat ng narinig ko, ito ang hindi ko lubos na maintindihan. Hindi ko maalalang may nangyari sa amin ni Mari. Ang natandaan ko lang nung huli kaming nagkita ay nagkausap lang kami. Wala akong natandaang may nangyari." Nalilitong sabi ni David.

"Wait, Tita Siony. Sabi mo, nabalitaan ninyong namatay kaming pareho ni Siege? Sino ang nagbalita sa inyo?" Naguguluhang tanong ni Brielle. Napatingin si David at Amanda sa kaibigan. Napataas din ang kilay nito.

"Sa diyaryo." Mabilis na sagot ni Siony. "Isang linggo pagkatapos ng aksidente ay may natanggap na newspaper na naka-address dito sa kompanya. Alam n'yo naman yang si Nestor pagdating diyaryo, hindi pwedeng hindi niya basahin ang bawat pahina, pati mga pangalan ng editorial staff at obituary ay binabasa. Siya ang nakakita ng obitwaryo n'yo." Kwento nito. "Sandali. Alam kong nandito lang yun sa mga folders na may mga news clippings tungkol sa ating past recycling program." Tumayo si Siony at naghalungkat doon sa mga drawers ng lumang filing cabinet.

"Pa, ano po ang ibig sabihin ni Tita Siony na may anak daw po kayo sa iba?" Kalmadong tanong ni Brielle. Nahihiya man siya sa bagong mga kaibigan ay isinantabi na lang niya muna.

Ang akala niyang matinong ama ay hindi pala. Pinipigil niya ang damdamin dahil ayaw lapastanganin ang ama sa harapan ng mga bagong kaibigan. May panahon para diyan. Gusto niya munang marinig ang mga paliwanag nito.

"Brianna, gusto kong makinig kang mabuti." Panimula ng Mama niya. Bago pa man madugtungan ni Amanda ang sasabihin ay pumasok si Nestor kasama si Ethan.

"Estong, pakidala muna ang bata kay Asyong. Pakisabi na wag pabayaan at importante ang mga pag-uusapan dito. Pasamahan mo na muna kay Tonyo para malibang ang bata doon sa recycling area." Utos ni Siony na hindi man lang nilingon ang asawang kapapasok lang.

"Okay. Let's go, buddy. They still have a meeting here. Let's go bug, Mang Tonyo and Mang Asyong." Hindi naman kumibo ang bata at sumunod lang kay Nestor. Nagpatuloy na si Amanda pagkasara na pagkasara ng pinto.

"I need you back here, Nestor." Pahabol na sabi ni David. Itinaas lang nito ang kamay kahit nakatalikod na.

"Ma, I am not going to get mad. I just wanted to know, bakit hindi natin ito alam? Kung Kuya ko nga siya, he deserves to be a part of our family and whatever we have, he has to have it, too." Napansin ni Brielle ang pagtingin ng ina sa ama. Ang mapang-unawang tingin ang nakita niya sa ina. Lalo siyang nalito. Anong meron?

"Brianna, bago kami nagkakilala ng Papa mo ay may kasintahan na siya noon. Or maybe it is safe to say na, you're Papa was arranged to someone else. Alam mo naman ang mga matatanda natin noong araw, hilig nilang ipagkasundo ang mga kanilang anak sa mga anak ng mga kaibigan nila. They think they know what is best for them, for us. At kahit ako rin naman ay inilaan sa iba. Ang kaibahan lang namin ng Papamo, ang nakalaan sa akin ay umalis at pumunta ng ibang bansa para habulin ang tunay nitong minamahal na ipinagpasalamat ko ng malaki. It was okay with me kasi alam naman niyang hindi ko siya mahal. We talked and we planned his departure nang walang nakakaalam not until later na halos apat na linggo na siyang hindi napagkikita sa kanyang mga magulang." Magaan ang paglabas ng mga salita sa bibig ni Amanda. Nakikinig lang sila, lalo na siya.

"Then nabalitaan na lang namin na ikinasal na ito sa America, dun sa babaeng talagang minamahal. But not your Papa because he has to marry Marinella for business purposes at para na rin mapagtibay ang pinagsamang pangalan ng mga Samonte at Villasis sa kanilang probinsya." Hinayaan ni David na si Amanda ang magkwento dahil kung siya ay hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. "Marinella is a very strong headed woman and very prideful. Alam kasi niyang kaibigan lang ang pagmamahal na maibibigay sa kanya ni David kaya ipinagpilitan niyang wag matuloy ang kasal." Nakikinig lang ang lahat sa kwento si Amanda.

"You might be wondering why I know this stuff" Inilibot ni Amanda ang tingin sa lahat. "Naging magkaibigan kami niMari , and I know how madly in love she is with your Papa. Who wouldn't?" Nakangiti itong sumulyap sa nalilito pa ring asawa. Napahagikhik ang mga bisita nila, hindi si Brielle.

"But not Papa, I guess?" Saad ni Briell na sa ama nakatutok ang mga mata.

"Mari is a smart, beautiful, independent and very charismatic woman. Nagtataka nga ako at hindi na-in love ang Papa mo sa kanya. She is everything and she has everything. Every guy on the campus wanted to be his boyfriend." SAlubong ang mga kilay ni Amanda na para bang hanggang ngayon ay ipinagtataka niya pa rin.

"That make me wonder. Really. Kahit hanggang ngayon may anak at apo na kami, minsan iniisip ko kung bakit hindi nagkagusto itong ama mo sa iba. Bakit sa akin. I am just an average girl compared to those ladies that flaunt themselves to your Papa." Nangingiting pahayag ni Amanda. Nakita ni Brielle kung paanong inakbayan ng kanyang Papa ang kanyang Mama nang may pag-iingat at hinalikan ito sa gilid ng ulo. Natuwa siya... kinilig to be exact.

"I can't love Mari more than a friend could. Para ko na kasing kapatid si Mari. We grow up together. We did some stupid and good stuff together. Partnera in crime nga kami kung tawagin dati. Sabi ko pa nga sa sarili ko noon. I will protect her no matter what dahil mahal ko siya... dahil kapatid ko siya. Yun ang turing ko kay Mari at alam niya yun. I always tell her that if I would be given the chance to pick a sister, siya ang pipiliin ko. I remembered her exact answer. "Siguraduhin mo lang na ako ang pipiliin mo dahil kung hindi, hindi rin kita ilalakad kay Amanda." I was such a happy man nung siya mismo ang gumawa ng paraan para makausap ko ang Mama noon. Natotorpe kasi ako kapag napapalapit na ang Mama mo. Anyway, nung nag-propose ako sa Mama, si Mari pa ang naghanda ng lahat ng yun, ikinagalit ng mga magulang ni Marinella, pinagbantaan nila ang pamilya ko, pero si Marinella pa rin ang nanalo laban sa kanyang Papa. Hinayaan na kami ng Papa niya na makasal at si Mari ang Maid of Honor ng iyong Mama." Kwento ni David na nakangiti ng pagkatamis-tamis.

"So, how did you get here pregnant?" Tanong ni Brielle. Ina-analize niya ang kwento ng mga magulang niya pero wala siyang makitang butas o angulo na David fathered Virgil. Sasagot na sana si Amanda ng bumukas ang pinto at iniluwal nito si Nestor.

"Asan na tayo sa meeting n'yo?" Tanong nito na halatang clueless sa mga nangyayari.

"Nestor, kwentong Marinella Samonte." Simpleng sagot ni Siony.

"Si Mari? Nandito si Mari? Ang tagal ding nawala ng loka-lokang yun." Nagulat si Siony sa sinabi ni Nestor.

"Kilala mo si Marinella?" Nandidilat ang mga tanong ni Siony na para bang napakalaking bagay ang nalaman.

"Oo naman. Matalik na kaibigan yun ni David. Siy pa nga ang naglakad sa dalawang ito, naghanda para sa proposal nitong torpeng ito AT siya din ang nagplano ng kasal at Maid of honor ni Amanda sa kasal nila." Sabi nito na may ngiti sa labi.

"Hindi ko alam yung pagpaplano niya sa kasala namin ni David." Kunot ang noong sambit ni Amanda.

"Oo naman. Asan na siya ngayon?" Tanong nito uli.

"Wala na si Mari, Tor." Sagot ni David.

"Wow. Sinong nagbalita sa inyo?" Tanong ni Nestor. Sa tagal nang panahon na hindi nila nakita ang kaibigan ay ito pa ang balitang matatanggap niYa? "Malaki na kaya ang anak nun?" Wala sa sariling naisatinig ang isipan.

"Anak?! You knew about it?"











--------------------
End of SYBG 22: Anak

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
02.14.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro