Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SYBG 21





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Video"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"SCOTT? Where have I heard that name before?" Napahimas ng baba niya si Ilene. Nabalewala ang inusal nito dahil mas malakas ang boses ni Mack na nagsalita.

"Ibig mong sabihin, ikaw mismo ang kakausapin namin?" Gulat na tanong ni Mack na hindi makapaniwala na yung babaeng nakilala nila sa grocery department ng mall ng ama ay hindi rin basta-bastang shopper lang.

"Kung okay lang sa inyo na ako na rin ang bahalang umasikaso ng mga office and personal novelty items na kailangan n'yo?" Panimula ni Brielle.

Alam naman niyang hindi na niya kailangan pang kumbinsihin si Ilene dahil parang alam na nito ang gusto nito. Ang kailangan na lang niyang gawin ay ipakita ang mga uri ng papel na meron sila sa production ng small scales department.

"Ella, pwedeng paki handa ng mga visitor tags. Let's have a floor tour." Utos niya sa dalaga. Tumango naman nito at lumabas na.

Marami pa silang pinag-usapan at napagkasunduan at natuwa ang mga ito sa bilis at ali ng lahat. Bandang huli nagpaalam na si Amanda at David sa kanila.

"Okay, ladies, si Brianna na ang bahala sa inyo. We need to get going. We have to see a friend to get us a private investigator." Sabi ni David. Nagkatinginan ang mga kaibigna ni Brielle.

"Uhm, Mr. Villasis, you need a PI?" Tanong ni Mack. Panigurado niyang tama ang narinig mula sa ama ni Brielle.

"Yup. I am looking for one for an important matter." Walang linaw na sagot ni David.

"Uhm.. m y husband and brothers-in-law are doing PI stuff on the side. We own a Private Investigation and Security Agency." Kaswal na sabi ni Mack.

"Really? Well, that's good to hear." Sabi naman ni David. Nagakatinginan pa silang mag-asawa.

"Papa, do I need to know why?" Nananantiyang tanong ni Brielle.

"Nothing really much. I want to fulfill what we promised Carmella before coming home." Simpleng sagot ni David. Simpleng titig lang ibinalik ni Brielle sa ama.

Dahil ama niya ito at anak siya nito, kilala nila pareho ang isa't isa pero hindi ito ang tamang panahon para mapag-usapan ang mga pribadong bagay sa harap ng ibang tao. Tama na yung alam ni Brielle na may mas malalim pang dahilan kesa sa simpleng pagpapahanap ng pamilya ni Carmella. Tumango si Brielle.

"Here, Sir." Iniabot ni Mack ang business card ng company nila.

"Just call me Tito Dave and her Tita Mandi." Utos ni David sa kanila.

"Okay po, Tito, Tita. Just call that number and ask for either Mark or DJ." Sabi ni Mark.

"If not naman po, ask for Angelo or Ari. They are our husbands." Sabi ni Chai.

"Okay, Thank you. We'll leave you ladies." Paalam ni David sa mga ito. "Little Guy, let's go. Come with me and Lola Grams, let Mommy do her job." Dugtong pa nito. Ngumiti t tumango ang bata.

"Mommy, I will go with Lolo Gramps, okay." Paalam ng anak sa kanya.

"No problem, Sir." Natatawa niyang sagot sa anak. Hindi naalis ang ngiti nito.

"You be good here, Mommy, okay?" Sabi pa nito na pinilit pa talagang kumindat. Natawa siya ng malakas. Kinilig naman ang mga bisita niya.

Gayunpaman, kahit na tumatawa siya ay hindi maiwasang malungkot siya ng lihim. Ang mga expression ni Ethan habang lumalaki ay mas lalong sumasalamin sa expression at mannerism ng ama. Parang nabuhay ang asawa sa katawan ng kanilang anak.

"Eherm!" Nagulat siya at napabalik sa wisyo ng may tumikhim sa likod niya. Nilingon niya ito at nakita ang nakangising mukha ni Ella. "Are we ready for the tour, Mrs. Scott?" Makahulugang bulong nito. Sa ngayon, hindi niya masyadong ginagamit ang apelyidong Scott dahil nga mga nangyari, payo na rin ng Papa niya.

"Uh, yes. We are." Sagot niya na bahagyang nataranta. "Pakisabi kay Tita Siony ang tungkol sa floor tour." Dugtong pa niya habang sinisikop ang mga gamit.

"No problem, Boss." Masaya namang sagot nito. "Ladies, I will leave you guys for a little while. Excuse me." Dugtong pa nitong paalam sa mga bagong kaibigan ng Ate niya.

"Marielle, this is so exciting." Sabi ni Mack. Ngumiti siya dito. Tuwang-tuwa siya sa energy ng babaeng ito. Nakakahawa.

"Marielle, I know it is none of our business pero itatanong ko na rin." Panimula ni Carmi. "Bakit magpapa-imbestiga si CEO?" Dugtong na tanong nito.

"Well, hindi ko dapat ito sinasabi kasi hindi ko pa kayo gaanong kilala pero magaan ang pakiramdam ko sa inyo. Few years back, naaksidente kaming mag-asawa, he passed away in that accident with our daughter. I was pregnant then, but my son Ethan survived. We moved to Japan to get a better medical attention, since then hindi na namin alam kung nasaan ang mga biyenan ko, tapos may mga threats na nangyayari sa paligid namin, then we also need para hanapin ang pamilya ni Ella. Siya yung sekretarya ko na tinuring ko na ring kapatid." Mahabang paliwanag ni Brielle.

"Well, you found the right group of people, only if you need our help." Magaan na sagot ng tahimik na si Chai.

"Yes, you did. Kung hindi mo naitatanong, Chai and Carmi are good with hand combat and Ilene here is a good marksman, and me, I know a little something, too." Dugtong ni Mack sa sinabi ni Chai.

"Kung kailangan mo ang tulong, don't hesitate to ask. Magaan din ang loob namin sa iyo." Sabat naman ni Ilene.

"If you want, we can send someone to eavesdrop on everyone here and make sure that you are well protected." Sabi naman ni Carmi. "We only need to have access with your phones." Dugtong ni Carmi.

"Ay, tama ka diyan, sis." Masiglang sang-ayon ni Ilene.

"Mack here and one of our friends, Miel went missing a few times because of crazy people that surrounded us before but we were able to get to them in time dahil dito sa tracking app na na-develop ni Mark at Ari. My dad had it patented and copyrighted. I promise you, it works good and very efficient." May pagmamalaking sabi ni Mack. Wala sa loob na iniabot ni Brielle ang phone niya kay Mack. Ipinasa naman ni Mack kay Carmi ito. Nakita niyang kinuha ng apat ang mga phones nila at nagdudutdot at swipe. Ilang dutdot at swipe pa, ganun din ang ginawa ng mga ito sa phone niya. Maya-maya lang ay nag-ring na ang phone ni Chai. Nag-swipe at dutdot ito sa phone niya at ilang sandali pa ay iniabot na ito pabalik sa kanya ni Carmi.

"Here. Naka-register na ang phone mo sa system namin. I also downloaded the app on your phone, all you need to do is add your family's numbers there, it will send a link, just tap it ang follow the simple directions. In the end it will ask for a passcode. Enter that unique code and you are set." Nakikinig lang siya sa paliwanag ni Chai.

"Nobody can use that passcode but you. After you have all the numbers registered in your account, pwede mo nang i-close ito by logging out then logging back in para wala nang may maidagdag pa or maka-access nito, mawawala na rin yung passcode, nobody can access it but you" Sambot ni Ilene.

"Let's say you lost your phone, and someone found it and would want to try to access anything on your phone, it will shut down on its own. Parang naubusan lang ng battery, but in reality it is working. It will send an alert to the other phones that are registered in the same account with a map showing your phone's location. It will also send an alert to our database. Then we can access your phone to see what is going on, ang tangi naming maa-access is yung audio and video ng phone mo, other than that, wala na." Mahabang paliwanag ni Carmi. So far, gusto niya ang narinig at na-excite siya.

"How much?" Diretso niyang tanong habang titig na titig kay Carmi. Nilingon ni Carmi si Mack. Mack is the only one with the authority to decide to charge or not charge.

"Para sa iyo?" Nilingon ni Mack ang mga hipag at bilas. Tumango ang iba, kumindat naman ang isa. "It's free of charge." Dugtong nitong kumindat pa.

Nagkatinginan sa isa't-isa ang mga bisita. Hindi nila gusto ang nakikita sa ipinapahiwatig ng mga mata ng mga bagong kaibigan. May hindi siya alam na gusto niyang malalaman. Hindi naman siya natatakot, kinakabahan lang.

"Is there anything I need to know?" Nag-aalala niyang tanong sa mga ito.

"Well, before we go on the tour." Panimula ni Carmi. "After you left the grocery store, we got a call from Daddy Kurt. Chai here followed the man that pushed you and this is what she had discovered." Ipinakita nito ang video.

Pinagmamasdan niya kung saan ito pumunta, nag-end doon tapos bumalik uli ang lalaki sa frame. Di niya matukoy kung sino dahil hindi nga makita ng mukha nito dahil sa suot nitong hooded jacket t may mask pa. Tapos nakita niya si Chai sa frame na tumingin sa phone at tumingin sa camera ng mall, tapos sa phone uli tapos sa lalaki na. Nawala si Chai sa frame at ang lalaki. Kasunod naman ay nasa labas na ang lalaki papuntang parking lot. Naka-eye level na ngayon ang video.

Parang binuhusan ng malamig at mainit na sensayon ang buong katawan ni Brielle. Nakita niya sa video ng maliwanag na nagtanggal ng hood at mask ang lalaki. Nakilala niya kung sino ito.

Hindi siya makapaniwala. Hindi man lubos na kilala ang lalaki pero bakit ganun na lang ang galit nito sa kanya. Nakita niyang sinipa nito ang gulong ng sasakyan at hinampas ng kamao ang hood ng kotse. Nakita niyang may tumigil na sasakyan sa tabi nito. Mas naging masidhi ang takot ni Brielle ngayon ng makita niya ang sakay na bagong dating.

"Tito Zeke? Tita Andi?" Wala sa loob niyang bulalas.

Hindi niya gaanung naririnig ang audio ng video na yun maliban sa tunog ng mga sasakyan sa labas at ang mangingilang pagkakataong tumataas ang boses ng mga ito, gayunpaman ay hindi pa rin masyadong maliwanag. Kinakabahan siya. Hindi niya maintindihan ang koneksyon ng mga ito sa isa't isa. Napatda na lang siyang nang biglang magsalita si Mack.

"Are you okay, Yelle?" Tanong ni Mack sa kanya. "You look pale." Nag-aalalang dugtong ni Mack. Ang totoo ay hondo siya okay. Nanginginig ang mga tuhod niya, mabuti na lang at nakaupo siya.

"I-I'm... I'm okay, I guess. I just can't wrap in my head what I just saw." Napapailing niyang pag-amin. "I don't know what Papa would say kapag nakita niya yan.

"Okay. Let's get ourselves together muna. We have a business to face for now. Pwede naman nating pag-usapan yan mamaya di ba?" Agaw-pansin ni Ilene sa kanila.

"Yeah. You're right. I'm still on the clock and I need to focus on work right now." Naguguluhan man ay aminado siyang hindi ito makakatulong sa kanya ngayon. "Narinig mo naman yung sabi ng Little Boss ko." Ngumiti siya ng hilaw. Kailangan niyang isipin ang anak. Ito lang ang nagpapakalma sa kanya sa ngayon.

"Yeah. I was a little taken back earlier." Nakangiwing sabi ni Chai pero nakangiti. "Like a CEO, the little guy looks like he meant business." Dugtong pa nito. Nagkatawanan sila na siya namang naabutan ni Ella.

"Hello, ladies. This is Tita Siony. She will help us to tour you ladies to see what we have on the production floor." Masayang sabi ng dalaga.

"Follow me ladies." Tumayo siya at nagpaatiuna na sa pinto. "Tita Siony?" Inilahad niya ang kamay para ibigay dito ang pag-o-orient sa mga bisita.

"Thank you, Brianna." Nakangiti nitong turan. "Ladies, there's nothing really much but jjust be sure to walk inside the yellow lined path. Wag lalagpas o lalabas sa linya for your safety. May mga makina kasing mahirap lapitan lalo na at hindi ninyo ito kabisado." Paalala ni Siony. Ngumiti at tmango ang mga bisita sa ginang.

"Tara na." Aya ni Brielle sa kanila. "We are going to discuss that other matter after the tour. I'd like to invite you guys to my condo, it is safer there." Dugtong pa niya. Naintindihan naman siya ng mga ito ang ibig niyang sabihin.

Tahimik lang na nakamasid si Ella sa kanila. Alam niyang meron hindi magandang nangyayari kaya ganito magsalita ang Ate niya.

Lumakad na silang palapit sa bukana ng una nilang istasyon ng mapansin ni Brielle ang taong nakita niya sa video kani-kanina lang. Hindi napansin na mahigpit siyang napahawak sa braso ni Chai. Palihim siyang nilingon ni Chai at sinundan ang direksyon ng tingin nito.





SA nakita, mas minabuti na lang ni Chai na isaisip at tandaan ang lahat ng nadadaanan ng tingin at ituon ang atensyon sa mga bagay at taong nakikita at nasasalubong. Tumipa ito ng kung ano-ano sa phone. Ilang sandali lang at napatingin sa kanya ang mga hipag at pasimpleng tumingin sa direksyon ng kanyang nailarawan sa text. Nagkatinginan ang mga ito at ngumiti sa isa't isa.

Napansin nilang ipinakikilala ni Siony ang mga head ng bawat departamentong nadadaanan nila at kung sino man ang may mga mahalagang papel sa kompanya. Hanggang sa naabot nila ang lalaking masama ang tingin kay Brielle. Mukhang nanggigigil ito.

"Eto nga pala si Mr. Luis Bergante, siya ang chief operating officer of Finance. Itong nasa tabi niya ay si Mr. Virgil Samonte. Siya naman ang acting chief operating officer for Marketing and Strategies ng Papaerkutz." Pakilala ni Siony sa mga ito.

"Oh, he is, is he." Makahulugang sabi ni Ilene. "The man that decline me three time over the phone saying that Paperkuts, Inc. doesn't accept small orders." Nakataas ang kilay ng mataray na si Ilene. Sa nakakakilala dito ay alam kung anong klase ng tao ito. Mabait sa mabait pero hindi magandang kaaway.

"Excuse me?" Tanong ni Virgil. Naguguluhan siya, pero bago pa man lumawak ang isyu ay nakialam na si Luis.

"Hi, ladies. If you need anything. I will be available to help out Ate Siony." Nakangisi nitong sabi. Simpatiko si Luis. Gwapo. Binata. May kaya, kahit sinong babae ay masisira ang ulo sa kanya, yun nga lang, mali palagi ang timing nito kaya kinaiinisan din.

"We'll you know, Luis." Sabi ni Siony. Napangiwi na lang si Luis dahil pinandilatan siya ni Siony. "This is not your department and they are not your clients." Makahulugan nitong dugtong.

"Ang tahimik mo yata, Brianna?" Magaan na tanong ni Virgil kay Brielle. Mas lalong humigpit ang kapit niya sa braso ni Chai.

"Masama yata ang pakiramdam ni Ate Bri, Mr. Samonte." Salo ni Ella sa kanya ng mapansin nito ang pamumutla ni Brielle.

"Carmella, why don't you help Ate Siony to show the clients our product. Let me help, Brianna to her office so she can rest." Nangilabot si Brielle sa paraan ng pagkakasabi ni Virgil. Maging si Ella ay naramdaman yun. Nakita ni Siony ang pag-iwas ni Brielle sa kamay ni Virgil.

"Virgil, why don't you go back to your office and let me handle, Mareille." Madiin at may otoridad na utos ni Siony.

Alam ni Virgil na hindi niya pwedeng banggain ang ginang dahil ito ang may hawak ng sekreto niya. Nabuking kasi siya nito minsang may kausap sa telepono. Hindi niya lang magalaw ang ginag dahil sa malakas na koneksyon nito at siguradong hindi na siya sisikatan ng araw kapag nagkataon.

Nakangiting umatras si Virgil pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit masama ang tingin sa kanya ng apat na bagong kliyente ng kompanya na pag-aari ng dalawang taong kinasusuklaman niya. Tumalikod na siya pra hindi na humaba pa ang usapan.

"Pwede ba akong sumama sa inyo, Ate Siony?" Tanong ni Luis na nagpipilit pa ring magpa-cute sa kliyente ni Brielle.

"Tumigil ka nga, Sir Luis. Puro may mga asawa na yang mga yan." Natatawang sabi ni Ella. Napakamot na lang ng batok si Luis dahil sa pagsupla ni Ella dito. Ngumiti na lang siya sa mga ito at kumaway na.

"I'm sorry about that." Pagpapaumanhin ni Brielle. Napansin yun ni Siony.

"Ano ang nangyayari sa iyong bata ka at bakit namumutla ka?" Nag-aalalang tanong ni Siony sa kanya. Dinaiti pa nito ang likod ng palad sa kanyang noo. Kinakilatis kung lagnat ba siya o wala.

Luminga-linga na muna si Brielle sa paligid. Hinahanap ang pamilyar na mukha ng Tito Nestor niya at mga magulang. Napansin ni Siony yun. "Wala sila dito. May tinawagang PI ang Papa mo at yun sumama si Nestor sa kanila." Dugtong pa ng ginang.

"Tita Siony," Pagtawag pansin ni Mack. Naki-Tita na rin ng walang paalam. "Pwede po namin kayong makausap" Dugtong ni Mack.

"Sure. Doon tayo sa second floor sa office ni Nestor." Sabi niya. Itinuloy nila ang tour hanggang sa marating nila ang second floor. Napahawak si Brianna sa braso ni Siony.

"Brianna, ayos ka lang ba?" 







"SIEGFRIED, you need to know na inilipat na namin ng Mommy mo ang lahat ng aming ari-arian sa pangalan n'yo ni Brynn at sa pangalan ng conservator ni Brianna Marielle at Timmy, which is ang mga magulang niya, ang mga biyenan mo." Panimula ng ama niya. Nagulat si Siege sa biglang nalaman.

Nagtataka siya kung bakit pabigla-bigla at kailangang ilipat kaagad. Pakiramdam niya tuloy ay mawawala ang mga ito. Biglang parang nakaramdam ng kaba si Siege sa itinakbo ng isip.

"Why? May mawawala na ba sa inyo?" Direkta niyang tanong, may diin at lungkot na sabi ni Siege. Nandilat ang mga mata ni Margaret. Nagkatinginan ang mag-asawa dahil sa isinagot ni Siege sa kanila.

"Anong mawawala?! Hindi pa ako handa at hindi ako magiging handa. Hindi ko pa naibabalik ang dati kong buhay!" Biglang tumaas ang boses ni Margaret. Napapailing na lang si Siege dahil high blood na naman ang ina.

"Kung ang pagbabalik ng dati kong buhay ang magiging kapalit nun, bumalik na lang tayo ng California." Natawang turan ni Aaron, tinutukso ang iritadong asawa.

"Babalik kayo ng California?" Wala sa loob na tanong niya. Hindi napansin ang pang-iinis ng ama sa ina.

"Anong babalik ng California?!" Tanong ni Margaret na naiinis pa rin sa kanya. "Kutusan kaya kita ngayon para magising ka sa kahibangan mo. Hindi mo narinig ang sinabi ng Papa mo sa iyo? Saang parte nun na nagsasabing mawawala ang isa sa amin?" Dugtong ni Margaret na hindi natiis ang hindi magpakita ng pagkairita sa makulit at matigas na ulo na anak.

"I heard Dad, Mom." Sagot naman niya, bahagyang nairita. Magsasalubong na naman ang parehong init ng ulo ng mag-ina. "Pero ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kailangang ilipat n'yo sa amin ang lahat?" Dugtong niyang tanong.

"Siegfried! Umayos ka nga. Makinig kang mabuti muna." Saway ni Aaron sa kanya. "Harapin mo nga muna ang ngayon, mamaya na muna yang ibang nasa isip mo. Importante ito, anak." Dugtong ng ama.

"Timothy Siegfried, kailangan mong malaman na nabawi na nating lahat ang mga negosyong dati ay napunta sa mga Sebastian na pinatatakbo ng kaibigan ng Daddy mo na si Ezekiel Regalado. Ang tanging natitira na lang sa kanila ay ang kung ano ang meron sila noon. Ang Cement Factory, ang iilang hotel na nasa pangalan ng Sebastian noon pa man, at kung ano ang minana ni Zeke sa sariling pamilya, kasama na doon ang factory ng gulong dito sa Luzon at isa sa Mindanao." Panimula ng ina niya.

"Anong ibig n'yong sabihin?" Nakuha ng mga magulang niya ang kanyang atensyon.

"Dean, gusto kong makinig kang mabuti at hindi na ito dapat pa munang makalabas. Ayaw naming may makakaalam na iba." Paalala ni Aaron sa kaibigan ng anak.

"Makakaasa po kayo, Tito Ron." Sagot naman ni Dean.

"Nasaan si Ryelee ngayon? Nasa California pa rin ba?" Dugtong nitong tanong kay Dean. Tumango naman ang binata.

"Bakit po ninyo hinahanap si Ryelee?" Tanong ni Dean, nagtataka.

"Dahil karapatan niyang malaman ang mga nangyayari sa mga magulang niya, at para na rin maprotektahan niya ang mga biyenan niya." Si Margaret na ang sumagot.

"Kailangan malaman din ni Ryelee ito dahil maapektuhan siya nito." Malungkot ang mga mata ni Aaron.

"Bakit maapektuhan si Ryelee, Dad?/Bakit naman po maapektuhan si Rye-Rye?" Sabay na tanong ni Siege at Dean na parehong naguguluhan.

"Naalala mo nung kaga-graduate mo pa lang ng college bago mo pa nakilala si Brianna Marielle?" Nangunot ang noo ni Siege. Di alam kung saan tutungo ang usapang ito. "Nung mga panahon na ipinagkakasundo ka ng Daddy mo kay Ryelee?" Tumango siya. Huminga ng malalim ang ina.

Naalala niya ang panahon na yun. Yun din ang mga panahong nakilala na niya si Brielle ngunit hindi pa naipapakilala sa mga magulang dahil hindi pa naman sila noon. Ilang buwan din bago pa nangyari ang pagpapakilala niya sa asawa sa kanyang pamilya.

"Yung mga panahon na wala kaming alam na pwedeng gawing paraan para mabawi ang mga negosyong kinakam ng Lolo ni Ryelee mula sa mga Lolo mo." Malungkot na kwento ni Margaret. Eto ang parte ng kahapon na ayaw na sana niyang balikan dahi lito yung panahon na halos mabaliw ang ina s mga naganap noon.

"Bago pa kayo ipinanganak ni Ryelee, bago ko pa pakasalan ang Mommy mo, ipinagkasundo kami ni Miranda ng Papa ko at ng Papa niya sa kondisyon na ako ang magpapatakbo ng lahat ng negosyong meron ang mga Sebastian at Scott. Pero nang mamatay ang Papa bago pa ako makapagtapos ng pag-aaral at si Don Manuel Sebastian ang nagpalakad ng lahat ng negosyo ng mga Scott dahil nga magkaibigan sila ng Papa at dahil hindi alam ng Mama kung paanong patatakbuhin ang mga ito, and because of that, we weren't able to do anything but to be at his mercy. Doon lang namin nalaman na "aksidente" daw na nalipat sa kanila ang pangalan ang lahat ng pag-aari ng mga Scott." Hinayaan ni Siege na magkwento ang ama. Hindi niya alam ang kwentong ito.

"My mother, your Lola, made a mistake by signing the document their lawyer drew. Mama was deceived without consulting our lawyers. It was the most painful matter for her. Mabuti na lang at hindi kami pinalayas sa bahay na ipinamana pa ng mga ninuno natin kay Papa. Noon ako kinausap ni Mama na ang tanging paraan lang ay ang pumayag ako na magpakasal kay Miranda sa kasunduang ibabalik sa amin ang lahat ng mga ito. I have no choice then kahit alam kong sinadya ni Don Manuel ang lahat. Bahagya na lang akong pumayag noon dahil nga nag-aaral pa ako, gusto ko muna sanang may matapos ako bago man lang ako mag-asawa at bago ko harapin ang problemang iniwan ng Papa. Pumayag naman ang pamilya Sebastian kaya natapos ako sa pag-aaral." Patuloy nito. Namangha si Siege sa mga bagay na hindi pa niya alam tungkol sa mga magulang. Bumuntong-hinga muna si Aaron. Kaya pala ganun na lang magpilit si Tita Miranda.

"I reluctantly agreed dahil ayokong maipit ang Mama kahit siya pa ang may pagkakamali ng lahat. Few months before the end of my third year in college ay nakilala ko ang Mommy mo. Nagkagustuhan kami at nagkaligawan kami hanggang sa sinagot na niya ako. Noong una ay inilihim namin kung ano ang meron kami dahil alam naming may mga matang palaging nagmamasid sa mga kilos ko. Isang buwan bago kami makapagtapos ng kolehiyo ni Margaret at Miranda ay nakilala namin si Ezekiel." Patuloy na kwento ni Aaron. "Hindi ko alam na may gusto pala si Ezekiel kay Margaret kaya nakipagkaibigan siya sa amin. I didn't realize that Miranda had found out about me and your Mom which made her furious. The night of our graduation, nagpatawag ng paghahanda sa mansion ng mga Sebastian si Don Manuel at inimbitahan kaming magkakaibigan at iba pa naming mga kakilala. We agreed to go together as a group." Humugot uli ng malalim na paghinga si Aaron bago nagpatuloy sa pagkwento.

"Little did we know the two connived against me and Margaret, but Miranda's plan backfired on her. The plan was to get me all drank and wasted and be sent in Miranda's bedroom at doon palalabasin na may nangyari sa aming dalawa para mapilitan akong magpakasal sa kanya, at ganun din ang gagawin nila sa Mommy mo, pero nung magising kami kinabukasan ay silang dalawa ni Ezekiel ang magkasama sa kwarto at ako ay nasa guest room sa taas at ang Mommy mo naman ay kasama ng kapatid na babae ni Miranda sa kwarto nito." Naiiling sila sa kwento nito. Alam niya ang love story ng kanyang mga magulang pero hindi ang parteng ito.

"Wow! Talk about plans going awry." Sabat ni Dean, na sinabayan pa ng pagpalatak ng bibig nito.

"Mabuti na lang at naawa ang kapatid ni Miranda sa amin ng Daddy mo." Sabat ni Margaret.

"What happened?" Tanong niya.

"Eh di, yun ang naabutan ni Don Manuel. Dahil marami kaming mga kakilala na inabot at doon na natulog, marami ang nakasaksi ng mga nangyari. At dahil na rin kahihiyan para sa pangalan ng Sebastian silang dalawa ni Ezekiel ang ipinakasal. To cut the story short, naging malaya kami ng Mommy mo. Malaya naming minahal ang isa't isa. Yun ang hindi matanggap ni Miranda at Ezekiel. At dahil nga sa nangyari nung araw na iyon ay inatake sa puso si Don Manuel. Napahiya siya sa idinulot ng dalawa, and eventually, it cost him his life. Since we barely just graduated from college at walang may nakakaalam sa nangyari sa mga kalakaran ng negosyo maliban sa abogado ng Papa at abogado ng mga Sebastian, napilitan na magpakita ng maayos si Zeke at Andi sa akin at sa Mommy mo. Nang matapos ilibing ang Papa ni Miranda ay itinuloy ng Mama niya ang kasal nila ni Ezekiel. Matapos ang lahat ng iyon ay kami naman ni Margaret ang ikinasal dahil natuklasan ko na ipinagbubuntis ka na niya noon. Ayaw ko namang mapahiya ang Mommy mo kaya pinilit ko siya na pumayag na mamanhikan kami sa mga Alvaro." Patuloy lang ang pagsasalaysay ni Aaron.

"Two months after ng kasal ng mga Regalado kami ng Daddy mo ang sumunod." Salo ni Margaret. Bumuntunghinga si Aaron. Ngayon lang naisalaysay nilang mag-asawa ang nakaraan sa anak. "Alam naming hindi maganda ang maidudulot ng mga pangyayaring ito sa hinaharap." Dugtong pa nito.

"Ano na naman ang koneksyon ng hinaharap? At bakit kailangang ipatawag si Ryelee?" Tanong ni Siege. Maliban na lang kung iniisip pa rin ng Daddy niya ipakasal pa rin siya kay Ryelee ngayon patay na ang asawa niya. Gusto niyang magwala pero may gusto pa siyang malaman. Kung ano man yun ay hindi siya sigurado.

"Ang koneksyon n'yo? Wala. Maliban na lang kung ang utak ng kaibigan mong si Ryelee at katulad ng utak ng ina niya na magpahanggang ngayon ay hibang pa rin sa iyong ama." Mataray na pahayag ni Maragaret. Galit na inismiran nito ang asawa. Napansin naman ni Siege at Dean yun. Lihim na napangiti silang magkaibigan. How cute. Isip niya. Hanggang ngayon ay nagseselos pa rin ang Mommy niya sa kaibigan nila.

Nawala tuloy ang pangit na iniisip niyang kani-kanina lang. Kung bakit ba naman kasi ang bilis niyang tumalon sa konklusyon na hindi pa naririnig ang buong istorya. Basta-basta na lang siyang bumubuo ng kung ano-ano sa utak.

"Kailangan n'yo ring mahanap si Ray." Pahabol ng ina. Pareho silang tumango bilang pagsang-ayon.

"I agree. But does it have to do with him, though?" Nalilito siya.

"To make sure that Miranda will not think of anything stupid like marrying you off to her daughter." Madiin ni wika ni Margaret. Hindi kaagad nakakibo.

"I'll call Ryelee right now." Salo ni Dean at tumalikod na sa kanila. Hindi siya nagsalita.

"May balita na ba kayo kay Ray?" Tanong ng Daddy niya. Umiling lang siya. Hindi pa niya natatawagan si Ryelee simula ng dumating sila dito.

Napahilot si Siege sa sentido. Sumasakit ang ulo niya dahil sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid nila, noon at ngayon. Pakiramdam niya ay napakabilis ng lahat ng pangyayari. Nao-overload ang utak niya s mga bagong nalaman.

Magsasalita pa sana siya ng biglang nag-ring ang phone niya. Sinagot niya ito kaagaad ng hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello." Walang gana niyang sagot.

"Hello po." Nabosesan kaagad ni Siege ang tumatawag. Eto na naman ito. Doon niya lang naalala, naka-international roaming pa rin sila. Hindi pa rin niya napapalitan ang kanyang number ng local number.

"Ano na naman ba ang kailangan mo?!" Tanong niya dito, pasigaw.

Gusto na niyang matapos ang tawag nito. Katulad ng sabi ng Daddy niya kung tungkol ito doon sa nakabangga sa kanila noon, paniguradong ito ang inihihingi nito ng tawad.

Siguro tama nga na patawarin na niya ito para matahimik na rin siya. Hindi pa niya tanggap na wala ang asawa pero hindi masamang magpatawad, kaya baka hindi rin matahimik ang kaluluwa ng asawang patuloy na bumabagabag sa kanya ay dahil sa hindi pa niya napapatawad ang mga taong may gawa nito sa kanyang pamilya.

"Sorry po, sir." Nagulat siyang hindi ito nagbaba ng tawag katulad ng dati. Ngayong nasa isip niya ang pagpapatawad, dinig na dinig niya ang lungkot at pagsisisi sa tinig ng kausap, siguro naman ay dapat na talaga niyang ibigay ang hinihingi nito.

Bumunot ng malalim na paghinga. Inipon niya yun sa kanyang dibdib bago malumanay na ibinuga. Nakaramdam siya ng konting ginhawa.

"I'm sorry, too." Sagot niya. Nagbaba siya ng boses.

Natahimik ang nasa kabilang linya. Naghintay siya ng ilan pang sandali bago patayin ang tawag nang may marinig siyang ibang boses sa background. "Erica, anak. Bilisan mo na yan, sabihin mo na ang totoo, baka maabutan tayo ng mga amo natin." Nagulat siya. Maya-maya lang ay nagsalita na itong muli.

"Sir, wag po kayong mabibigla. Buhay pa po ang asawa at anak n'yo. Narinig ko pong sabi nila kagabi." Parang nabingi si Siege sa narinig. Bigla na lang namatay ang tawag.

"Hello! Hello! Hello!?" Sigaw niya sa telepono. "Hello! Erica?!" Pagtawag niya sa pangalan na narinig niya mula sa background. Nagulat ang mga magulang niya maging si Dean ay nagulat din. Puno naman na luha at galit ang mga mata ni Siege.

"Anak, anong nangyayari? Sino si Erica?" Tanong ni Margaret sa kanya. Hindi siya makasagot. Gulong-gulo ang kanyang isip sa narinig.

"Buhay sila?! Buhay sila. Mom! Dad! Buhay sila!"












--------------------
End of SYBG 21: Video

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
02.13.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro