SYBG 20
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Plano"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"HE passed away." Napatda si Siege sa narinig. Bigla siyang naawa sa bata.
He gently pulled him towards him and hugged the kid. Ilang sandali din niyang inakap si Ethan. Kung may nakakita lang sa kanilang dalawa maliban kay Brynn, Dean, at gruo nito ay iisipin ng mga ito na mag-ama ang dalawa,
"Oh, wow." Ang tanging nasabi ni Dean.
"I'm sorry to hear that, Bud." Wala siyang ibang masabi dahil hindi niya alam ang sasabihin.
Kung kanina ay kung ano-ano ang tumatakbo sa isip niya at pinatay na niya ang tatay nito sa isip niya, ngayon ay iba na, natameme siya.
"My Lolo Gramps said that he passed away after I was born." Ilang sandali na lang at iiyak na si Siege kaya tumayo na siya para magpaalam na. Kailangan niyang umalis bago pa sumabog ang dibdib niya. Naalala niya ang pumanaw na anak.
"Okay, Ethan. Nice meeting you." Paalam niya. "I have to go." Dugtong niya. Hinalikan niya sa ulo si Brynn. Hindi niya alam kung bakit pero ganun na din ang ginawa niya kay Ethan.
Malungkot na ngumiti si Ethan. Pakiramdam ng bata ay ama na rin ang humalik sa kanya. I wish you are my daddy. Nasabi na lang ni Ethan sa munting isip.
Nagmamadaling umalis si Siege at hindi man lang nilingon ang taong nabangga niya. Sinisikap niya na walang may makapansin sa pagtulo ng kanyang mga luha. Matanda na siya para sa ganito. Hindi tuloy siya nakahingi ng paumanhin doon sa taong nabangga niya.
Tuluy-tuloy na siya sa kanyang kotse. Nang makaupo na siya sa kotse niya ay hinayaan niyang masagang umagos ang kanyang mga luha. Mabuti na nga lang kamo at wala pa si Dean kaya malaya niyang nailabas ang sakit sa dibdib na nararamdaman para sa batang kaibigan ng anak. Ibinuhos niya ang lahat ng gusto niyang iiyak. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang luha. Ilang sandali din niyang ginawa yun hanggang sa akala niya ay okay na siya.
Pinahid niya ang luha at inayos ang sarili. Huminga sya ng malalim at banayad na ibinuga ang inipong hangin sa dibdib. Tamang-tama naman na nakabalik si Dean ay tapos na rin niyang iiyak ang mga luhang makulit na nag-uunahan kanina. Suot niya ang kanyang shades nang pumasok ang binata at umupo sa tabi niya. Tahimik na nilang binaybay ang daan pauwi sa hotel na kanilang tinutuluyan na .
"Bro, here is the number of that girl." Mabilis siyang napalingon sa kaibigan.
"What girl? The teacher?" Salubong ang mga kilay niyang usisa. "Are you insane?" Singhal niya dio. Umiral na namana ng pagka-playboy ng kaibigang hudas,
"What? No!" Parang nandidri nitong sagot. "I was talking about that girl in the mall, Carmella. Nakita ko kasi siya kanina, magsusundo daw kay Ethan. I got her number." Kwento ni Dean. Iwinagayway pa nito ang papel na may nakasulat na number sa harap niya. Kinuha niya ito binasa. Carmella Tanaka #0919..... Tinitigan niya uli ang papel at ipinasok na sa bulsa.
"Wait, Bro! That's mine!" Protesta nito.
"When get back to the hotel." Simple noyang turan at itinutok na ang kata sa pagmamaneho.
Umibis na siya ng kotse pagka-park na pagka-park niya at tahimik na tinahak ang papuntang lobby ng hotel.
Walang kibo at iiling-iling na lang na sumunod si Dean sa kaibigan. Nagtataka man sa inaasal ng kaibigan ngayon ay hinayaan na lang niya ito, at least, hindi ito nagbe-beast mode katulad ng dati na bigla na lang magagalit o di kaya ay magsusungit. Kaaya para kay Dean, okay na lang yung tahimik ito kahit hindi niya alam ang tumatakbo sa isip nito.
Sa loob ng elevator. Tanging ang malumanay at mahinang tunog ng musika ang naririnig nila. Walang imikan, walang tinginan at walang kahit na ano man maliban sa manaka-nakang pagsulyap ni Dean kay Siege.
Nang makarating na sila sa top floor ay naunang lumabas si Siege sa pagbukas ng pinto. Sumunod naman si Dean sa kanya na walang kibo. Tuluy-tuloy na pumasok sa suite nila.
"Hi, Tita Marge." Bati ni Dean sa Mommy ni Siege.
"Mabuti naman at nakabalik na kayo." Sabi ni Margaret sa anak at sa kaibigan nito, ngunit napatigil siya ng mapansing tahimik si Siege, puno ng lungkot at parang maga ang mga mata nito. Bagong Iyak? Bakit? Mga tanong sa isip ni Margaret na mas minabuti na wag na lang isatinig.
"Where's Dad?" Halos bulong na tanong ni Siege. Muntik nang hindi marinig ni Margaret ang tanong ng anak.
"Nasa kwarto niya. Teka sandali at tatawagin ko lang. Mauna na kayo sa kusina at may meriendang naghihintay doon sa inyo." Sabi nito at tumuloy na sa kwarto nilang mag-asawa.
"Bro, okay ka lang ba?" Sa wakas ay naitanong ni Dean sa kaibigan.
"Yeah. I'm fine." Simpleng sagot ni Siege.
"Fine? May fine bang ganyan? Did something happen at the school that I did not know of?" Hindi kumibo si Siege. Nagtiim ang mga bagang ni Dean. "Yan na nga ba ang sinasabi o eh. Dapat sumunod na lang ako kaagad sa iyo." Dugtong pa niya.
Sa isip ni Dean, dalawa lang naman ang pagpipilian. It's either nalulungkot itong iiwan si Brynn dahil parehong hindi sanay o may nakita itong magpapaalala sa asawa. Bumuntong-hiningsa si Dean, nag-aalala.
"No. Ayos lang talaga ako. Nalungkot lang ako ng konti for Brynn's first day." Sagot naman ni Siege. Totoong nalungkot talaga siya, pero wala siyang balak na sabihin kung bakit. Less talk, less words involved.
Napailing si Dean. Tama nga ang hinala niya kanina na na-sepanx ito. Lihim siyang natawa.
"Wow, bro. School lang yan. Ilang oras lang at makikita mo na uli ang Prinsesa mo." Tinapik niya sa balikat si Siege. Tumango na lang si Siege sa kanya.
Hindi lang naiintindihan ni Dean yung kakaibang nararamdaman ni Siege nung makita at makausap ang batang si Ethan, mas lalong tinambol ang dibdib niya nang marinig niyang namatay pala ang tatay nito at hindi man lang nakita ito. Parang si Brynn kang , hindi man lang nito nakita ang ina.
Naaawa siya sa bata. He can relate to the child kasi nga hindi niya na rin nakita ang anak niyang lalaki dahil namatay ito pagkatapos ipanganak, mabuti na nga lang nabuhay pa si Brynn. Ngayon niya lang napagtanto na pareho palang kulang ng isang magulang si Brynn at Ethan kaya siguro nakagaanan kaagad ni Brynn ng loob ang bata.
"Siegfried!" Nagulat siya sa pasigaw na pagpukaw sa kanya ng ina.
"Po?!" Bigla niyang sagot dito. Hindi niya napansin na nakabalik na ang kanyang ina at kasama pa ang kanyang ama.
Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga magulang at kaibigan. Nagtataka siya kung bakit ganun na lang ang tingin ng mga ito sa kanya.
"Kanina pa ako salita ng salita dito, ikaw naman diyan ay parang walang naririnig." Singhal ng ina sa kanya.
"What? What are you saying?" Tanong niya dito na parang wala talagang rumirehistro sa isip niya.
"Timothy Siegfried! Will you please pay attention?! Ang tanda mo na para ulit-ulitin ko pa ang sinasabi ko!" Galit na ngayon ang kanyang ina.
"Are you okay, Son? It looks like you are out of it. Is Brynn okay?" Mahinahon na tanong ng kanyang Papa.
"May sepanx lang yan, Tito." Mabilis at natatawang sabat ni Dean. Tinapunan ito ni Siege ng nakamamatay na tingin.
"I'm sorry, Ma." Lulugo-lugong sabi ni Siege, napayuko.
Para namang sirang gripo na bigla na lang bumuhos ang masaganang luha niya. Para namang naawa ang ina sa ayos niya. Parang ganito lang siya noong kagigising pa lang niya mula sa pagkaka-coma at sinalubong siya ng pinakamasamang balita. Palaging tulala at wala sa sa sarili pagkatapos ay bigla na lang tutulo ang luha. Tapos uulit uli. Ang palagi niyang hiling noon ay sana hindi na lang siya nagising.
"Is there anything out there that triggered your emotions?" Malambing na tanong ni Margaret. Hinahaplos pa nito ang balikat niya.
"No, not really." Sagot niya. Humugot muna siya ng malalim na paghinga ay unti-unti itong ibinuga. "I was just touched by Brynn's new friend's story." Pagsasabi niya ng totoo.
"What about him? What friend?" Tumingin si Margaret kay Dean. Nagkibit-balikat lang ang binata.
"Hindi ko alam Tita eh. After I was introduced to Brynn's teacher I went out ahead of him to the car, but then I got side tracked. Nakita ko kasi yung babaeng kasama nung batang kalaro ni Brynn sa arcade nung Linggo. Pagbalik ko ng kotse, ganyan na siya." Kwento ni Dean kay Margaret.
"Tapos?" Ay nagpapakwento talaga ang Tita Margaret niya.
"The boy in the arcade with you guys last Sunday, Ethan, is a schoolmate of Brynn. The weird part is, he looks like me. And when I hugged him, it made me feel all this weird, fuzzy feeling. Nakakabakla nga eh." Naiiling niyang kwento na parang hindi naniniwala sa sarili kwento.
"He told me that I looked like his Dad and he wished that I was him, something like that. It's all too blurry and it is impossible because he said his dad had passed away when was still a baby. Doon ako nalungkot. Parang piniga ang puso ko. Hindi ko na kayang makipagkwentuhan pa sa bata. Hindi ko nga natanong kung sino ang tatay niya dahil masyado nang masikip ang dibdib ko." Patuloy niyang kwento. Ayaw niya pero parang basta na lang lumabas sa bibig niya ang mga yun. It's like an uncontrollable word vomit. Natahimik ang lahat ng bigla uli siyang umiyak. Parang sasabog ang ulo niya sa sakit, kaya ipinikit na lang ang mga matang hilam sa luha.
Nagkatinginan sila Dean, Aaron at Margaret. Hindi nila alam ang sasabihin. Maging si Margaret na awang-awa na sa anak ay hindi alam kung papaanong papaglubagin ang loob ni Siege. Masama yata ang naging epekto ng pag-uwi nila dito sa Pilipinas. Imbis na lumuwag ang isip at puso ni Siege ay mas lalo pa yatang sumikip. Mas lalo yatang nabagabag ito.
Ilang sandali din silang natahimik, hinayaan nila si Siege na ilabas ang dapat ilabas pero alam ni Aaron na kahit buong araw itong umiyak ay hindi maiibsan ang nararamdaman nitong lungkot at pangungulila sa asawa at anak.
"Son, do you want to talk more about it now?" Nag-aalalang tanong ni Aaron sa anak. Umupo siya sa tabi nito. Umiling lang si Siege at nagpunas ng luha.
"No. Let's move on." Buo ang boses nito at determinado. "Ano po ba ang dapat nating pag-usapan?" Tanong niya sa mga ito. May lungkot at bigat pa rin sa boses nito.
-------------------
SA di malamang lugar...
"Ano na ang plano? Di na ako makapaghintay pa. Kailangan na nating kumilos bago pa umuwi ang anak mo dito. Balita ko ay uuwi din dito ang asawa niya. Gusto kong matapos na ito bago pa mangyari yun!" Galit ang tinig ng babaeng nagsasalita.
"Anong plano?" Tanong ng bagong dating na lalaki.
"Ang plano para kay Timothy!" Nauubusan ng pasensiyang sagot nito.
"Ma'no bang maghunos-dili ka nga muna, Miranda. Napakaiksi ng iyong pisi. Alam mong kararating lang ng mga yun at hindi pa natin kabisado ang mga lakad nila. And besides, my dear wife, hindi pa natin kabisado kung ano talaga ang intensyon ng binatang ito. Hindi natin alam ang kanyang motibo." Tukoy ng matandang lalaki sa binatang kaharap.
"Kung ano man ang motibo ko ay wala na kayong pakialam dun. Just keep in mind, wala na sa inyo ang mga pag-aari ng mga Scott. Nabawi na nila ang kahuli-hulihang pag-aari ng mga ninuno nila na kinamkam ng mga ninuno n'yo. Ako? Ang haharapin ko ay ang mga Villasis. Pagbabayarin ko sila ng utang nila sa akin. Buhay ng ina ko sa buhay ng anak nila, pwede na ring isama ang anak nito. Yang sa mga Scott na yan ang intindihin n'yo!" Hindi nakasigaw pero puno ng din nitong sabi. Nanlilisik pa ang mga mata nito.
Nakaramdam ng konting takot si Miranda, gayunpaman, nagugustuhan niya kung saan ang tungo ng kanilang usapan. Parang sumasang-ayon sa kanya ang maaaring mangyari.
"Well, kung hindi ko na mababawi ang yaman sa kanila, pagbabayarin ko na lang sila. Ipahanda mo ang tao mo kahit lima lang, ako na ang bahala." Sabi ng babae na puno ng galit at hinanakit.
"Siguraduhin mo na lang na mapapagawa mo nang malinis at hindi masasabit ang mga tauhan ko dahil kapag nangyari yun, kayo ang sasagot sa lahat." Sabi ng nakababatang lalaki sa mag-asawa.
"May alam ka bang warehouse na malayo sa lahat? Yung abandonado?" Tanong ng babae.
"Wala pero meron akong condominium unit na hindi ko na ginagamit. Walang CCTV na gumagana sa building na yun. Doon kayo sa gilid ng building pumasok na nakaharap sa kalsada. Gamitin n'yo ang service elevator na pinakamalapit sa entrance na yun. Dire-diretso ng tenth floor yun. Here's my keycard." Iniabot ng binata ang keycard sa mag-asawa. "Like I said, Mr. Regalado, be sure na walang sabit ang mga tauhan ko!" Madiin ang salita ang nanlilisik ang mga mata nito. Tumango ang mag-asawa. Magagawa na nila ang matagal na nilang plano. "Oh, and one more thing, ayokong maglinis ng dugo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Dugtong pa nito.
Nalubog ang mga Sebastian sa utang noong araw dahil na rin sa kapabayaan ni Miranda at ng kanyangi na kaya sinalo sila ng mga Scott. Dahil doon ay umasa si Miranda na mapansin siya ni Aaron ngunit nang magtagal ay hindi man lang siya nito nilingon at piniling si Margaret ang pakasalan.
Nagalit siya dahil umasa din ang mga magulang nito na mabibigyan sila ng mga Scott ng shares sa kompanya pero hindi nangyari kaya nang alukin ang mga magulang niya ng kasal sa isang Regalado ay pumayag agad siya dahil malapit ang mga ito sa mga Scott.
Kung hindi nila makukuha ang yaman ng mga Scott sa paraang nais niya noon at paraang ng lanyang anak, gagawin niya uli ang nagawa ng mga ninuno. Sa madaling salita, gagamitan niya ito ng dahas para papirmahin si Aaron. Nag-uumpisa pa lang siyang manilngil ng bayad sa lahat ng sakit at pagtitiis na dinanas niya nang hindi siya nito pinili para pakasalan. Minsan na niyang napasakitan ang mag-asawa at nagawa uli niya nang pinili si timothy ang ibang babae? Kulang pa ang dinadanas ng mga ito sa dinanas na sakit ng kanyang anak.
"Magbabayad ka, Aaron! Pagbabayaran ng buhay ng asawa mo, ng buhay ng mga anak mo at ng mga apo mo. Itaga mo yan sa bato!"
------------------------
"BABY, why are you sad?" Tanong ni Brielle sa kanina pang tahimik na anak. Nagtataka siya.
"I'm okay, Mommy. I just remembered Daddy." Parang biglang tinambol ang dibdib ni Brielle. Maging siya man ay kanina pa lito at kinakabahan lalo na kanina nang makabanggaan ni Carmella ang isang na ang-iwan ng pamilyar na amoy. Hindi maalis sa pang-amoy niya ang pabango ng lalaking yun na binalewala niya.
Una sa lahat, maraming tao ang gumagamit ng pabangong un dahil hindi yun exclusive sa iisang tao lang. Maaaring ganun din ang pabangong gamit nito. Pangalawa, hindi naman siya ang nakabanggan nito.
"Okay, will you be alright for now? Mommy will be meeting people for a little bit." Tumango naman si Ethan. "Will you be okay with Mang Asyong? Ate Ella will be with me in the meeting." Muling tumango ang anak. Kakausapin pa sana niya si Ethan nang biglang dumating si Carmella.
"Ate Bri, nandito na po sila Mrs. Rios, Mrs. Everson at Mrs. Richardson." Napatingin si Brielle kay Carmella. Nakangiti ang dalaga nang makita ang expression sa mukha niya.
"Silang tatlo talaga?" Wala sa loob na tanong ni Brielle. Hindi ba naghihiwalay ang maghihipag na yun?
"Yes po, Ate." May kasama pang tangong sagot ni Carmella. "And may plus one pa po sila." Dugtong pa nito.
"Huh? So, ilan sila bale?" Tanong niya kay Carmella. Napaisip siya, Meeting ba ito o party?
"Apat po. May kasama silang..." Tiningnan muna nito ang tablet. Inilagay ni Carmella ang mga pangalan ng mga bagong dating nang ipinatawag siya ng receptionist nila. " ... isang Mrs. Tao (Taw) po ang pangalan." Dugtong pa nito at bumungisngis pa. "Tao po. Hehehe! Tuloy!" Pabulong nitong sabi na narinig pa rin ni Brielle. Napapailing na lang si Brielle sa kalokohan ni Ella.
"Umayos ka nga, Carmella. Baka marinig ka ng mga yun. Nakakahiya." Saway noya dito na mabilis namang sinupil ang nakakalokong ngiti. "Nasaan na sila ngayon. Hindi sila kasya dito sa office ko." Nag-alalang sabi ni Brielle.
"No problem, Ate Bri, doon ko sila pinahintay sa conference room, and they are patiently waiting for you." Bibong sagot ni Carmella.
"Mommy, can I just be with you instead? I promise I will be good." Malambing na sabi ni Ethan na may halong pagpapaawa. Ano pa nga ba ang kanyang magagawa?
"Yes, baby. You can stay with Mommy." Sagot niya ditong hindi makatiis. "Ella, Tell Papa that the clients are here. And can you please get all the document ready for final contract just in case we need it." Utos niya dito. Eto ang ikinatutuwa ni Carmella sa kanya. Malambing siya sa malambing, mabait sa mabait, pero kapag trabaho na ang pinag-uusapan, iba ang makikita nito sa Boss. Ngumiting tumango si Carmella.
"Come on, Little Handsome, I need your help." Pag-aya ni CArmella kay Ethan. Ngumiti naman ang bata ng bahagya. Alam na alam ni Ella kung papaanong pasisiglahin ang bata. Gustong-gustong kasi nito tumutulong sa trabaho ng mommy niya kahit hindi naman nito kung paano talaga ginawa.
"You go ahead, mommy. I'll be there later." Sabi ni Ethan na nakangiti kahit halata mo ang lungkot nito sa boses at kita sa mga mata nito. Tumango siya at lumabas na ang dalawa. Nakahinga siya ng maluwag.
Hinarap na niyang ayusin ang kanyang dadalhin sa loob ng conference room. Nang matapos ay tumayo na at tinungo ang kwarto kung nasaan ang mga kaibigan.
"Hi, ladies!" Masigla niyang bati sa mga ito. Sabay-sabay namang tumingin sa kanya ang mga ito. Malalapad at matamis ang mga ngiti ng gma ito para sa kanya.
"Hi, Marielle!" Sabay-sabay na bati ng mga tatlo sa kanya. Napailing na lang siya. Chorus talaga ang dating eh.
"I'm sorry to have kept you waiting. Sinundo ko pa kasi ang anak ko." Simple niyang sagot sa mga ito.
"Okay lang yun, Marielle. So, ano pwede na ba tayong mag-umpisa?" Tanong ni Ilene sa kanya. "But before that, this is Chai, one of our sister-in-law. She and her husband just arrived last weekend from Japan." Dugtong pa nito. Ngumiti siya at nakipagkamay dito, ganun din ito sa kanya.
"Sure. As soon as the CEO get..." Nakarinig sila ng katok sa pinto bago pa man matapos magsalita si Brielle. "Come in!" Sabi niya nang may kalakasan.
"Hi, Mommy, here is the document you asked me to prepare earlier." Bati ng kanyang mahal na anak. Mukhang hindi na ito malungkot.
"Oh, Thank you, my baby." Sabi niyang nakangiti. Sumimangot ang kanyang anak.
"Oh, I thought you were okay already, handsome?" Tanong naman ng nakasunod na Carmella.
"I am Ate. And Mommy, we are at the workplace. Don't call me baby." Ngumiwi ang mukha nito. Natawa ang mga kaibigan ni Brielle dahil sa inasal ni Ethan.
"Oh my God!" Bulalas ni Carmi. "You have the cutest employee ever, Marielle." Kinikilig na dugtong nito.
"Thank you." Nakangiti pasasalamat ni Brielle. "Ladies, this is my son, Ethan." Pakilala niya sa kanyang anak. Kumaway lang naman ito sa lahat. Ethan flashed his killer dimple.
"Kyaaahhh! Oh my God, he is so cute, Marielle." Bulalas ni Mack. "His dimple and all." Dugtong pa nito.
"Oh my. Look at that dimple. I hate it. Parang si Jay lang at ang mga anak mo Mack." Hindi mapigil ni Ilene ang humanga at mainggit ng sabay. "Mack, bagay siya kay Lambana." Kinikilig na dugtong ni Ilene.
"Hey, Lambana still little. Come on." Sagot naman nung bagong mukhang kasama nila, si Chai.
"Oo nga naman, Sis. Masyado pang bata pa si Lambana." Sang-ayon naman ni Carmi kay . "Let them grow up a little bit more." Dugtong pa nito na parang nabighani sa mukhani Ethan.
"Eh sino ang gusto mo? Si Diwata? Si Diyosa, Eh diyos ko naman, they are older than him kaya." Pairap na dipensa naman ni Ilene.
"Ay naku, guys tama na muna yan. Mamaya na natin i-arrange ang mga anak ko sa binata ni Marielle." Natatawang saway ni Mack sa kanila. Bago pa man sumang-ayon si Brielle sa kanya ay nakarinig uli sila ng mahinang katok sa pinto. Binuksan ni Carmella ang pinto at iniluwa nito ang Mama at Papa niya.
"Hello, good afternoon, ladies and gentleman." Pagbati ni David sa kanila at sa apo. Tumayo ang mga bisita bilang respeto sa dalawang nakatatanda.
"Hello, Sir. I'm Ilene. These are my sisters-in-law. Mackenzie, Carmi, and Chai. We are here to see if we could get quotes on some specialized stationeries and specialty papers. " Pagpapakilala ni Ilene sa mga kasama nito sa papa at mama niya.
"Hello, Ladies. I am David Villasis and this is my lovely wife, Amanda Villasis." Pakilala nito sa kanilang mag-asawa.
"Villasis? You mean...." Hindi na naitinuloy ni Ilene ang sasabihn dahil pinutol ito ni Brielle.
"Yes, mga magulang ko sila. David and Amanda Villasis are the owners of Paperkutz, Inc. -Philippines. We specialize in specialty papers and stationery. We customize everything that you may need, may it be 500 pieces or 1000 pieces. We also do small orders of 100s." Panimula ni Brielle. "I am Marielle Scott, the COO of Paperkutz, Inc - Japan." For formality sake na lang itong idinugtong niya. Natulala ang mga kaharap niya.
"Scott? Where have I heard that name before?"
--------------------
End of SYBG 20: Plano
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
02.11.24
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro