SYBG 2
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Brielle and Ethan"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"AAAAAHHHHHH!" Isang nakakatakot na pagyanig at tunog ng mga nayuyupi at napupunit ng mga lata at pagkabasag ng mga salamin ang tanging naririnig at sigaw nya.
"Brielle! Hold on! Your seat belt!" Sigaw nito sa kanya sabay hila ng seatbelt niya para masigurong naka-lock ito habang pilit na itinutuwid ang takbo ng kotse nila.
Isang malaking truck ng semento ang mabilis na tumatakbo at nawalan yata ng control ang tumama sa kanila at isinasad sila ng truck na ito sa nakausling sementong center divider ng Expressway sa may bandang Bicutan Exit habang papunta sila ng Makati galing ng Parañaque.
"Babe, I'm holding on. Kaya natin to." Sagot niya sa asawa kahit na natatakot.
Hinugot pa nito ang isang throw pillow na nasa likuran niya at kahit na parang hirap na hirap itong ikontrol ang sasakyan minamaneho dahil sa bigat ng nakatagilid na truck na tumama sa kanila na pilit silang isinisiksik sa side barrier dahil sa lakas at tindi ng momentum nito kaya tuluy-tuloy ang pag-i-slide nito na isinama ang kotse nila. Ibinigay niya kay Brielle ang throw pillow kahit na hirap at puno ng pagmamahal na tinitigan ang lumuluhang asawa.
"Cover up your belly, babe, please! And hold on tight! I love you, always remember that. I love you!" Yun na yata ang pinakamasarap, pinakamasakit at huling nasabi sa kanya ng asawa bago pa nagkagipitan at may kung anong tumama sa windshield sa bandang driver side. Pumasok ang mabigat na bagay na iyon at tumama sa ulo nito na dahilan na mawalan ng malay ang asawa.
Mas lalong ikinatakot yun ni Brielle dahil nagtalsikan ang dugo mula diro dahil sa impact ng kung anong matigas na bagay na tumama sa ulo nito. Tuluyan ng nawalan ng control ang kanilang kotse. Nagpanic na siya.
"Siege! Siege! Sieeeeeggge!" Halos namamaos na ang boses niyang tawag sa asawang walang malay.
Bago pa man tumigil ang kotse nila at tumama sa isang nakausling concrete wall na tumatayong barrier na naghihiwalay na paroon at parito ng highway dahil sa construction na nagaganap sa parteng yun ng Expressway, hindi na niya nakontrol pa ang masidhing takot.
Dugo. Maraming dugo ang nakita niya sa ulo ng walang malay niyang asawa. Laylay ang katawan nitong nakayukyok sa kambyo ng sakyan. Dahil sa lakas na pagkakasalpok ng kotse nila sementong yun, nauntog siya sa dashboard at dahilan upang siya rin ay mawalan ng malay-tao.
"MOM? Mom. Mom!" Umiiyak na sigaw ni Ethan sa inang umiiyak kahit tulog. Natatakot ang bata para sa ina.
"I love you, babe." Yun ang paulit-ulit na usal ni Brielle ngunit hindi pa rin ito nagigising. Gabutil ang mga pawis sa kanyang noo. Pababaling-baling ang ulo, habol ang hininga at hindi pa rin maimulat ang mga mata.
"Mom! Mommy! Please, wake up, Mommy!" Patuloy ang pagyugyog ng batang ngayon ay umiiyak na sa takot. Humahangos na lumapit ang lola ng bata para daluhan ito. Nagising yata ito dahil malakas na palahaw ng bata.
"Brielle! Ethan! What happen, apo?" Tanong ng Lola sa bata pagkapasok na pagkapasok nito. Sa kwarto ng ina natulog ang batang si Ethan dahil gustong katabi ang ina nito. Naglalambing dahil nami-miss nga ang ina.
"Lola, I think mommy is having another nightmare." Umiiyak na sigaw ng bata sa kanyang lola. Another nightmare? Napaisip ang ina.
"Brianna! Brianna Marielle! Wake up!" Malakas na tapik nito sa pisngi ng anak. "Gising na anak. Wag mo namang takutin ang anak mo." Pakiusap ng ina sa kanya.
"Babe!" Usal nito, may luha namamalisbis sa gilid ng mata.
"Brianna Marielle!" Isang malakas na sampal sa pisngi ang iginawad ng kanyang ama ang nakapagpagising dito.
"Aaaaaahhhh!!!!" Malakas nitong sigaw, pabalikwas na umupo, sapo ang nasampal na pisngi. Hingal na hingal na parang hinahabol ng kung ano. Butil-butil ang pawis sa noo nito kahit na bukas at malakas ang aircon.
"Anak, are you alright?" Tanong ng ama sa kanya na puno ng pag-aalala. Hinaplos ng ama ang kanyang likod para mapanatag ang kanyang loob.
"Haa.. Haa.. Haa.." Hinihingal siyang di mawari. Parang tumakbo ng 400M sa ilalim ng nakakapasong init ng araw dahil sa panaginip na iyon. Patuloy ang patulo ng kanyang luha.
"Yun pa rin ba?" Malambing at puno ng pag-aalalang tanong ng ina na hindi niya kaagad nasagot. Tumango-tango siya. Yun pa rin.
Halos palagi na lang siyang ganito sa gabi lalo pa at hindi siya pagod galing sa trabaho. Kadalasan kasi, pinapagod niya ang sarili sa trabaho at sa paghahatid-sundo sa anak at sa mga activities nito para pagdating niya bahay ay kakain at knock out siya kaagad.
Ayaw niya talaga ang ganitong klaseng panaginip na halos hindi siya makahinga at hindi makagising. Mag-ppitong na taon na pero ganito pa rin siya managinip. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Natatakot siya dahil nitong mga nakaraang buwan ay parang pelikula itong nagpapaulit-ulit sa kanyang kahimbingan. Bumabalik ba ang bangungot? Ayaw na niya. Tama na.
Nagulat siya sa higpit ng yakap ng anak sa kanya, humahagulgol ito. Para namang nadurog ang kanyang puso sa takot na nakikita sa mata ng kanyang anak. Ang mga luha nitong nakakapagpawala ng kanyang lakas. Nakaramdam siya ng awa dito.
Natatakot siya sa magiging epekto nito sa anak pero mas natatakot siya panaginip na yun. Pwede bang wag na lang niyang maalala ang sakit na hatid ng bangungot ng kahapon? Patuloy lang itong nagbibigay sa kanya ng sakit. Sakit ng nakaraang ayaw na sana niyang balikan ngunit hindi niya magawa dahil sa nakaraang yun namamahay ang tanging alaala ng kanyang minahal na asawa at anak.
"Oh baby. I'm so sorry." Sabi niya dito. "Did Mommy scare you?" Tanong niya sa bata. Tumango naman ito na umiiyak pa rin. "Will you go with Lolo to get me water, please baby." Pakiusap niya sa anak. Tumango naman ito at hinalikan siya sa pisngi. Mabilis na kumilos.
"Okay, Mommy. Will you be okay now?" Tanong nito sa kanya. Tumango siya at hilaw ng ngumiti dito. "I love you, Mommy." Umalis na ito na karga ng lolo.
"Let's go, little guy. Let's get mommy a glass of water." Sabi naman ng Lolo sa apo kahit nakita nitong may isang baso ng tubig sa katabi nitong night stand.
"Lolo, let's leave the lights on in Mommy's room, okay. I don't want her to be scared of Sandman and Boogeyman." Sabi nito sa lolo bago pa man tuluyang nakalabas ng pinto. Hindi na inintindi ni Brielle at Amanda ang usapan ng maglolo.
"Ma, napanaginipan ko na naman si Siege. Hindi ko yata kayang magpatuloy sa pagtira dito." Umiiyak siyang yakap ng ina.
"I'm sorry, anak. Kung pwede ko lang kunin ang lahat ng pait ng loob mo at lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon para hindi ka na masaktan pa, ginawa ko na." Malungkot na sabi ng ina sa kanya. Umiiyak na rin ito.
"Ma, bakit ganun. Bakit siya pa? Bakit idinamay pa si Brynn Marie? Sana ako na lang." Mas lalong umiyak si Brielle dahil sa sakit na dulot ng panaginip niya.
Ito yung bangungot na pilit niyang tinatakasan na siyang dahilan ng pag-alis nila ng Pilipinas. Dito sa Japan, pinilipit na mag-umpisa.
"Anak ganun talaga. Wala tayong magagawa. Kung ikaw ang kinuha, iiwan mo rin si Siege na mag-isa tapos isinama mo pa ang lahat ng anak mo. Mas mabuti na rin yan ganyan, nak, magkasama sila ng anak mo doon. Hindi sila nag-iisa." Sagot ng inang nag-aalala sa mga nangyayari sa anak. Pero wala na silang magagawa. Wala na ang asawa nito. "Nak, maging matatag ka, okay? Nandiyan pa si Ethan." Paalala ng ina sa kanya. Tumango-tango siyang umiiyak.
Wala naman na talaga siyang magagawa kundi tanggapin. Mahirap, pero pipilitin niya, pitong taon man o pitong taon pa uli.
"I know, Ma. At habang lumalaki siya ay mas nagiging kamukha siya ng daddy niya." Sabi naman niya. Kung ano ang lalim ang nag-iisang dimple ni Siege ay ganun din kalalim ang nag-iisang dimple ni Ethan. Ang pinagkaiba lang ng mag-ama ay nasa kaliwa ang dimple ni Siege habang nasa kanan naman ang kay Ethan.
Ang paraan ng mga titig nito ang katulad na katulad ng ama na parang palaging may gustong sabihin, parang may palaging may inaalam, may inaarok. Ang pilyong ngiti nito na nakapagpa-in-love sa kanya noon, na ikinababahala niya ngayon dahil baka manahin din ng anak.
"Ano na ang plano mo ngayon?" Tanong ng ina sa kanya. Natahimik siya. Kaya na ba niya?
"Ma, hahanapin ko po sila Mommy Margaret at Daddy Aaron. Gusto kong makita ang libing ng mag-ama ko. Ma... gusto kong umuwi ng Pilipinas." Naiyak na naman uli siya pero hindi na para sa takot na nararamdaman kundi sa pagkasabik na.
"Makikita mo pa ba sila? Ang huli kong balita sa kanila ay noong inilibing si Timothy Siegfried at Brynn Marie ay umalis na rin sila dahil kailangang ipagamot si Margaret. It's been seven years, I don't know if they are still alive." Matapat na pahayag ni Amanda sa anak. Hindi naman na talaga nila alam. Ano na nga ba ang nangyari sa kanila?
Naikwento ng kanyang mga magulang na noong mangyari ang aksidente at nag-aagaw buhay silang mag-asawa ay sinikap ni David at Aaron na mabuhay silang mag-asawa at ang mga bata, kahit na maubos pa ang pinagsamang kayamanan ng magkabilang pamilya..
Nang sa wakas ay mailabas ang mga kambal sa pamamagitan ng C-section ay inilipad na kaagad siya ng mga magulang patungo sa Japan kasama si Ethan para matutukan ng isang dalubhasa dito. Tungkool kanila Siege at Ethan? Wala na silang nalaman pa matapos mapabalitang pumanaw ang mag-ama niya.
"I'll try, Ma. Someone should know their last whereabouts." Simpleng sagot niya na maging siya ay dudang meron pa. Alam niya kasing wala nang ibang kamag-anak ang mga Scott dahil parehong nag-iisang anak ang mga biyenan niya.
"Ikaw ang bahala, Anak." Bumuntong-hinga si Amanda bago muling nagsalita. "Ang natatandaan ko, huling balita sa kanila ay inilipad nila ang iyong mag-ama sa amerika at ang sabi ay hindi na umabot si Siege at Marie sa ospital." Napahagulgol siyasa dugtong ng ina.
"I remember, Ma." Pilit niyang sabi ng bahagyang kumalma.
"Ang sabi pa, inatake rin daw sa puso si Margaret. Hindi na rin namin nabigyan ng pansin pa ang balitang yun dahil inasikaso kayo namin ng Papa mo at pinilit naming mabuhay kayo ni Ethan." Naalala niyang yun ang naganap habang siya ay nasa coma.
Higit siyang nalungkot sa isiping iyon. Alam niyang totoo ang sinasabi ng mga magulang niya at naniniwala siya sa mga ito pero bakit ayaw ng puso niyang paniwalaan ang kwentong yun?
"Ano po ba ang sabi noon nila daddy bago sila pumunta ng Amerika? Saan daw sila pupunta?" Tanong niya sa ina. Lumuwag na ang dibdib niya kahit papaano at natigil na rin ang kanyang pag-iyak.
"Hindi na nasabi kung saan. May tumawag sa amin a month after para ibalitang....." Natigil ang kanyang ina sa sasabihin dahil hindi nito kayang ituloy dahil kahit siya mismo ay apektado sa balitang natanggap niya. "Inuwi sa Pilipinas ang mag-ama mo at doon inilibing. Hindi kami nakapunta dahil nasa coma ka at hindi pa pwedeng iiwan kayo ni Ethan." Patuloy sa pagkwento at pag-iyak ang kanyang ina.
"Lolo, why is Lola crying?" Nagulat sila sa tanong ng batang karga pa rin ng Lolo nito. Nakabalik na pala ang maglolo.
"Oh.. Uhm... Lola is just sad because mommy got visited by the Boogeyman." Sabi na lang ni Brielle sa matalinong anak.
"Lola, are you scared of the boogieman, too?" Natatawang tanong ng inosenteng bata. Napangiting napapailing na lang siya sa anak. Mabuti na lang at may Ethan siya. May alaalang naiwan si Siege at Marie sa kanya.
"Come here, baby." Tawag niya sa anak. Ibinaba ng Papa niya ang bata sa kanyang kama at mabilsi itong umupo sa kanyang kandungan.
"Mommy, Lolo said, we are going to put a padlock on your closet." Sabi ng anak niya sabay himas sa kanyang pisngi. Nalungkot may ay pinilit niyang wag ipakita sa anak kaya ngumiti siya dito.
"Why would you do that, baby?" Tanong niya dito. Gusto niya ring ibahin ang takbo ng isip ngayon.
"Mommy! I am not a baby anymore. Lolo said, I am a big boy now and that is why he calls me little guy." Naiinis na sabi nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng lungkot dahil kamukhang-kamukha talaga ito ng ama at ang mga mannerisms ni Siege ay nakikita niya sa kanyang anak. Nakikita sa mga mata nito ang tunay na damdamin.
"Oh, I'm sorry, Mr. Little Guy, I didn't realize that you are really big now." Pag-ayon niya sa anak. Ngumiti itong labas na naman ang dimple na katulad ng kanyang ama.
Animo'y may isang matalim na punyal ang tumarak sa kanyang puso sa sakit na naramdaman. Pilit na ipinikit na lang ang kanyang mga mata para mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Ayaw nyiang muling makita ni Ethan ang mga luhang maaaring magpaalala sa mura nitong alaala.
"Mama, tara na. Let's go catch some Z's for whatever's left of it." Tawag ng kanyang Papa sa kanyang Mama.
"Say goodnight to Lolo and Lola." Utos niya sa anak habang inaayos niya ang pwesto nito sa tabi niya. Mabilis na tumalima si Ethan. Hinalikan at niyakap ang kanyang mg apuhan.
"Good morning, Lolo." Sabi nito sa Lolo. "Good morning, Lola." At humagikhik ito. Natawa na lang silang lahat dahil sa kagaanan ng loob na dinulot ni Ethan sa kanila.
"Alright, little guy. Go back to sleep. You have school tomorrow." Paalala ni David sa apo. Tinaasan ni Ethan ng kilay ang Lolo at tumawa.
"Lolo, have you forgotten? Tomorrow's Saturday." Bigkas nito. Napakamot sa ulo ang matanda dahil sa pagkabiglang gising ngayong umaga ay nalito na rin sa kung anong araw na.
"You're right." Sagot naman ni David na nagtuloy ang pagkakamot sa batok nito. "Go to sleep then, Mr. Smart-mouth." Kumaway sa kanila ang limang taong gulang na apo.
"Morning!" Sabi nitong sabay higa sa tabi ng ina.
Tahimik na nahiga si Brielle sa tabi ng anak. Tahimik na rin ang bata sa gilid niya. Nahulog na naman sa lalim ng pag-iisip si Brielle. Naluluha na naman siya sa pagkakaalala ng naganap sa sariling pamilya. Hanggang kelan ba siya dadalawin ng bangungot na ito. Halos limang taon nang ganito siya simula ng magising sa coma.
Sa tuwing sasapit ang araw ng aksidenteng yun ay hindi pwedeng hindi niya mapanaginipan ang lahat ng mga masasamang nangyari sa nakaraan. Habang tumatagal ay mas lalong nagiging mas maliwanag ang lahat, ang pangyayari, ang ingay ang hiling sinabi ni Siege sa kanya bago ito nawalan ng malay. Ang pag-aalala nito para sa kanya bago ang sarili.
"Mommy, are you crying again?" Tanong ni Ethan na nagpabalik ng kanyang diwa sa ngayon.
"I'm sorry, baby. I just miss Daddy and your sister." Matapat niyang sagot dito. Tumayo ang bata at lumuhod sa tabi niya at matiim na tumitig sa kanya. Heto na naman ang nang-aarok ng mga titig nito.
"Mommy, can you tell me more about Daddy and Marie?" Ang nangingilid na luha ay hindi na napigilang tumulo ngayon. Umupo siya at umusog para sumandal sa headboard. Hinila niya si Ethan. "Sit by me, baby." Magrereklamo pa sana si Ethan dahil sa pagtawag niya dito ng baby pero hinayaan na lang ng bata dahil masyado itong excite na marinig ang ikukwento ng ina.
"Is my Daddy handsome?" Napatitig siya sa mukha ng anak.
--------------------
End of SYBG 2" Brielle and Ethan
Please vote, comment, share the story and give good vibes.
💖~Ms. J~💖
12.21.17
©️Since You've Been Gone
November 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro