SYBG 19
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"School"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
DUMATING ang lunes. Maagang nagising ang parehong pamilya sa magkabilang panig. Isang Taguig at isang Makati.
"Are you ready now Ethan?" Tanong ni Brielle sa anak.
"Yes, mommy." Simpleng sagot nito. Napakagwapong bata. Nakasuot na ito ng puting polo at khaki shorts. Suot na ni Ethan ang kanyang ID lanyard, at nasa likod na nito ang backpack. Ready-ng ready na ito para sa eskwela.
"Wow! Who's that good looking little guy right there, Ate Bri?" Tanong ni Carmella na may malapad na ngiti. Napalingon pa si Ethan sa likuran, hinahanap ang tinutukoy ni Carmella
"Ate Ella, who are you referring to?" Nagtatakang tanong ng bata. Pigil ang tawa ni Brielle dahil sa kalokohan ni Carmella.
"Oh my God! Is that you, my little handsome?" Umarte pa itong nasurpresang malaman na si Ethan iyon. Bumuga ng hininga si Ethan , halatang inis, at hinarap ang secretarya ng mommy niya.
"Yes, Ate Ella, it is me. Your little handsome." Para pa itong disappointed na hindi nakilala ni Carmella.
"I'm sorry, my little handsome. Please forgive Ate Ella's carelessness. It's just that... you are way too handsome today than you usually are." Exaggerated nitong sabi. "I thought you had a doppelganger." Dugtong pa ng dalaga.
"Oh, Ate Ella. There's no other handsome here, but me and Lolo Gramps." Pailing-iling pa nitong sabi. Napapatango na lang si Carmella sa pahayag ni Ethan.
"Okay, you two. Enough with your silliness." Awat ni Brielle sa dalawang ke aga-aga ay nag-uutuan na. Humagikhik pang pareho ang dalawa at nag-high five pa.
"Pa! Ma! Mauna na po kami sa inyo at baka ma-late pa si Ethan!" Sigaw ni Brielle sa baba.
"Alright!" Balik-sigaw na sagot ni David sa kanya. Tumalikod na sila at magkasunod na lumabas.
Tahimik na ang dalawa na sumakay ng kotse pero kanina sa loob ng elevator ay patuloy ang kulitan ng dalawa. Naaaliw lang na nakikinig si Brielle sa mga ito. Nasa likod nakaupo si Ethan katabi si Brielle habang nasa harap naman si Carmella at si Mang Asyong ang nagda-drive.
Matapos ng humigit kumulang na kalahating oras ay narating na nila ang eskwelahan ni Ethan. Sinamahan ni Brielle ang anak hanggang sa loob ng ng gate. Pinagbilinan ito na wag sasama sa iba kundi sa kanilang apat lang at kay Mang Asyong kahit pa sinasabing utos niya o ng mga apuhan nito. Tumango naman si Ethan at hinalikan sa siya pisngi ang anak.
Tinanaw pa muna niya ang anak na pumasok sa loob mismo ng main door na building hanggang sa hindi na niya ito nakita pa dahil sa ibang mga estudyanteng nagsipasukan na bago pa bumalik sa kotse. Balik ang katahimikan nilang tatlo hanggang sa biglang nag-ring ang phone ni Brielle.
"Hello?" Sagot niya.
"Hi, Bri? This Ilene." Pakilala ng kausap.
"Hi, Ilene. What's up?" Tanong niya dito.
"Wow. Maka-what's up ka ha, wagas." Sabi nitong tumatawa sa kabilang linya. Natawa na rin siya.
"Sorry. Na-excite lang ako nang marinig ko ang boses mo.." Sagot niyang tumatawa rin. Narinig niya na may mga iba pang boses sa kabilang linya na kasama nito.
"Well, we are just wondering kung pwede ba kaming makakuha ng appointment to see Paperkutz's owner? Tanong ni Ilene. Halata sa boses nito ang pag-aalanaganin. Nakangiti lang siya. May tanong pala ito kahapon na hindi niya nasagot.
"Sure. Sandali. I'll check the today's calendar." Tahimik din lang naman ang kabilang linya. "Elle, what is on Papa's schedule?" Mahina niyang tanong kay Carmella. Hinugot naman nito ang kanyang tablet para tingnan ang schedule nila for conferences and meetings.
"Isang 10 'o clock and... Wala na po, Teh." Sagot naman nito. Tumango siya at ngumiti dito.
"Hello, Ilene." Tawag pansin niya sa kabilang linya.
"Yes, I'm here." Mabilis nitong sagot. Halatang excited.
"What about after lunch?" Sabi niya dito. Sandaling natahimik sa kabilang linya. Narinig niya na parang nagtatalo ng mahina o maaaring nag-usap lang kung sino man kasama ni Ilene ngayon. Pero sa isip niya, malamang si Carmi at Mack yun.
"What about two." Sabi nito pagkatapos ng ilang saglit. Sumenyas siya ng dalawa kay Carmella. Tumango naman ang dalaga at hinarap na ang tablet nito.
"Okay, we'll see you at two then." Maikling pagkumpirma ni Brielle sa appointment para makipag-usap sa kanila.
"Okay. See you then. Bye, Bri and thank you." Sabi pa ni Ilene. Dinig niya na parang umaliwalas ang tono ng pananalita nito.
"No problem. Bye." Sagot naman niya at nagpatay na ng tawag.
"That appointment at two o'clock is for Ilene Rios, Elle. Paki-set-up na lang pagdating natin. New client." Sabi niya dito. Tumango uli si Carmella at ginawa na ang dapat na gawin sa tablet. Ilang slide at tap at slide uli. Bumalik na sila sa katahimikan.
-------------
"TIMOTHY! Anong oras ba dapat na maghanda yang anak mo para sa school niya. Di ba first day niya ngayon?" Tanong ni Margaret sa anak.
"Mamaya pa pong ala-una ng hapon, Ma." Sagot naman ni Siege na ngayon ay umiinom ng kape sa kusina. Nagtataka man si Margaret sa malalim na titig ng anak sa tasa ng kape na nasa harapan nito ay hinayaan na lang niya.
"Ganun ba? Then get her ready, alas onse na. Mata-traffic kayong mag-ama, first day pa man din niyan at lunes ngayon. And Siege....stop babying her too much." Utos na may halong pakiusap ng Mommy niya. Utos na di niya pwedeng ipagmamaya dahil paniguradong sasamain siya sa ina at hindi niya talaga pwedeng hindian dahil ayaw niyang sumama ang loob nito. Mahal niya ang anak, mahal din niya ang ina.
"Yes, Mom." Simpleng sagot niya at ayaw niyang nakikipagtalo dito kahit na may tamlay sa kanyang tinig na halatang halata. Napansin ni Margaret at Aaron ito, hindi nga langn ila matumbok kung bakit at para saan ang tamlay na yun.
"Timothy Siegfried! Ano na naman ba ang nangyayari sa iyo?" Pukaw-tanong ng ina sa kanya. Di nakayanang di magtanong ngunit hindi naman naghihintay ng kasagutan.
Nag-aalala man ay iniwan na lang nito sa tanong yun. Ayaw niya sanang pangunahan ang anak pero hindi niya mapigil ang mag-alala. Ina siya at kahit na anong edad pa ng anak, ina pa rin siya ntio.
"Wala 'to, Mom. Ayos lang ako." Sagot ni Siege. Pinaningkitan siya ng ina na hindi na niya napansin dahil balik-titig na uli siya tasa ng kape sa harap niya.
"Anong ayos? May ayos ba sa hitsurang yan? Para kang namatayan ng sampung pusa, Lunes na Lunes." Sambit ng ina.
Hindi niya alam kung paanong sasabihin sa ina ang nararamdaman niya ngayon. Paano niya sasabihin na habang nagda-drive sa papasok ng parking lot ng mall kahapon para sunduin si Brynn at si Dean ay may nakita siyang babae na parang kamukha ni Brielle na nakasakay sa papaalis na kulay puti na Dodge Dart na kotse.
Una, parang nakita niya ang yumaong asawa sa California nang minsang lumabas siya para magpahangin sa isang coffee shop sa harap ng building nila, the sad reality was, hindi pala yun si Brielle at nahahawig lang.
Makalipas lang ang ilang sandali ay narinig naman niya ang boses nito mula sa isang babae na nag-long distance call from Japan, and again, it wasn't Brielle. Tapos heto na naman kahapon? Nasisiraan na ba siya ng bait? O maaaring minumulto lang talaga siya ng asawa? Ano ba talaga?
"Margaret, hayaan mo na muna si Siegfried, okay. Everything is new to him, and we are all still adjusting with the time zone. At kung ma-late man sila, it is fine. First day pa lang naman para kay Brynn eh." Pagtatanggol ng ama sa kanya. Tumingin siya ama at simpleng nginitian niya ito bilang pasasalamat.
"Well, if you put it that way, then I'll shut up." Tumalikod na ang ina na sinundan naman ng ama. Tinapik pa siya nito ng dumaan ito sa tabi niya. Tinungga niya ang huling lagok ng kanyang kape at tumayo na rin para asikasuhin ang anak.
Matamlay at laglag-balikat itong pumasok sa kwatro nilang mag-ama. Ginising na niya si Brynn na talagang tinanghali ng gising. Kung anu-ano ang ikinuwento nito sa kanya kagabi. Natutuwa siya at may naging kaibigan na ito for the first time, ang nakakalungkot lang dahil tatanga-tanga si Dean at hindi hiningi ang number nung babaeng kasama ng bata. Natutuwa siya sa kasiglahang ipinakikita ni Brynn dahil meron na daw siyang kuya. Nakangiti siya sa anak ng idilat nito ang mga mata.
"Hi, Daddy. Good morning." Bati nito. Kakaiba ang mood ng anak ngayon. Masigla at makislap ang mga mata.
Maraming kulay siyang nakikita sa mga mata ng anak. Sana nga ay kuya lang ang tingin nito sa batang lalaking nakilala. Sana ay hindi crush, dahil kung nagkataon ay ibabalik niya ng America ang anak. Bata pa ito para sa mga ganyang bagay. Kung anu-ano tuloy ang naiisip niya sa anak. Kung anu-ano din kasi ang mga pinagsasabi ni Dean sa kanya kagabi. Kaya mabilis niyang pinalayas ito.
"Are you ready to go to school?" Tanong niya sa anak. Tumango lang ito at nag-inat. Gumulong ito papunta sa kanya. Sinikop niya ang bata at dinala na sa banyo. "Brush your teeth now and take a shower. You know how to do that yourself right?" Tanong sa anak na hindi na niya tiningnan dahil kinukuhanan na niya ito ng maisusuot na damit.
"Daddy, can you me give a bath?" Natigilan si Siege sa tanong ng anak.
"Yes, I can... But I won't." Simple niyang sagot dito at ipinagpatuloy ang pagkuha ng underwear at medyas para dito.
"Why? Daddy, please, please., please" Pakiusap nito. Sinilip niya ang anak sa banyo. Nakatayo lang ito na parang antok pa.
"Nope. You need to start learning to get yourself ready for school and you need to get used to hearing a NO answer." Sabi niya dito nang nakangiti.
"But why, daddy?" Tanong nito na parang nagmamakaawa.
Napabuntong-hininga siya. Paano ba niya maipapaliwanag ng maayos dito ang ibig niyang sabihin? It's time to start talking to her about the birds and the bees... not really. It is not that kind of the birds and the bees he wants to explain, but she's getting bigger and almost seven years old now and a girl at that. Gusto niya itong matutong maging independent at talagang hindi na pwedeng paliguan ni Daddy ang kanyang prinsesa.
"Let's put it this way, baby. Babies needs their Daddy's help to take a shower because they can't do it themselves, but since you are not a baby anymore, you are a big girl now, Daddy can not give you showers or baths anymore. You have to do it on your own." Makikitaan ito ng kalungkutan. "Okay. Here's another one. Are you a baby?" Tanong niya. Hinintay niya itong sumagot dahil mukhang nag-isip ito bigla.
"Well. no. I am almost seven." Sagot nitong nakakunot ang noo. "But can't I be your princess forever?" Dugtong-tanong nito. Her eyes shows hope. Hope that she can persuade her father.
"Athena Brynn Villasis Scott, you will always and forever be my Princess, but even princesses grow up to be a big girl to a young lady, and that is why Daddy can not give you baths and showers anymore. No man should." Matigas niyang pahayag na hindi naman galit. Magsasalita pa sana bilang protesta si Brynn nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila.
"Brynn, go inside the tub now and let me help you. Daddy is right, a big girl like you should give herself a bath or shower, not Daddy anymore." Pagsalo ni Margaret. Nakahinga ng maluwag si Siege dahil sa ginawa ng ina.
"Thanks, Mom." Malungkot ngunit may ginahwang pasasalamat ni Siege.
Naalala niya uli si Brielle, kung nandito lang sana ang asawa ay hindi siya mahihirapang ipaliwanag ang bagay na ito sa unica hija. Hay, I miss you so much, my love.
Lumabas na siya ng kwarto nila nang masigurong maayos na ang gamit ng anak. Plano niya, pagkatapos na ihatid si Brynn sa school nito, harapin ang paghahanap sa mga biyenan dahil hindi pa naman siya nag-uumpisang magtrabaho.
Makikipagkita uli siya kay DJ. Hindi siya natuloy pumunta sa dinner invitation nito sa lumang bahay kahapon. Nawala na sa isip niya dahil nga doon sa babaeng nakita niya sa parking lot ng mall. Ang tanga niya rin kasi at hindi niya na hinabol, hindi niya sinundan yun kotse, eh di sana nasiguro niya kung si Brielle nga yun. Napailing na lang siya.
"Tanga lang, Siege?! Patay na nga asawa mo eh, di ba?!" Kastigo niya sa sarili. Ito na naman ang pesteng sakit ng ulo si Siege. Ipinilig na lang niya ang ulo at umiinom ng isang basong tubig. May mga imahe na naman siyang nakikita, katulad ng dati, hindi pa rin ito gaanong buo. Madalas mang sumakit ang kanyang ulo pero hindi naman singdalas katulad ng dati.
Inayos niya na lang ang lamesa para sabay na silang kumain bago pumasok sa school ang anak. Nakapagluto na rin naman ang Mommy niya at hindi naman mahirap ang maghanda ng hapagkainan at maglatag ng pagkain.
Nang matapos gawin yun ay ipinagtimpla niya ng gatas si Brynn. Tamang-tama ito at medyo maligamgam na para madali na lang itong inumin at hindi mapaso si Brynn. Bumalik na siya ng sariling kwarto.
Sa wakas ay lumabas na rin ng banyo ang maglola. Nakabihis na rin si Brynn at matamis itong nakangiti na lumapit sa kanya. Mukhang satisfied naman ito sa pinili niyang isusuot. Inabot ng anak sa kanya ang dalang hairbrush ay headband. Napangiti siya.
Simula ng magising si Siege mula sa coma, natuto na siyang asikasuhin ang anak sa lahat ng bagay at pangangailangan nito kasama ang pag-aayos ng buhok ng anak. Napangiti siya dahil mas humaba pa ang buhok nito ngayon. Gayunpaman ay hindi siya nahihirapan. Siya pa rin ang personal na nag-aayos ng buhok ng anak, kahit na kinakantiyawan siya noon ni Dean at ng kanyang ama.
Bihasa na rin siya sa paglalagay ng mga hair bows at hair clips dito, maging ang pagtitirintas nito at kung ano-ano pa. Sino ang may sabi na hindi marunong ang mga daddies na ayusin ang buhok ang anak nilang babae? Dito sila naging matalik na magkaibigan ni Mr. Google at Sir YouTube. Ilang oras ang ginugugol niya sa gabi para lang manonod ng iba't ibang paraan ng pagtatali ng buhok ng bata.
"Pagkatapos n'yo diyan ay bumaba na kayong mag-ama para kumain." Paalala ng ina. "Timothy Siegfried, I need you back here right after na maihatid mo si Brynn sa school. May pag-uusapan tayo." Napatingin siya sa ina at tumango kahit na naguguluhan sa kung ano ang gusto nitong pag-usapan. Alam naman niyang ipapaliwanag din nito mamaya kung ano man yun. "Ipaalam mo na rin kay Dean Patrick." Natawa na lang si Siege ng lihim. Kapang ang ina ang nagsasalita at nagtawag ng pangalan, buong-buo ito. Iniisip niya minsan, hindi pa napapagod ang ina sa sa pagbigkas ng mga pangalan nila ng buo?
Nang matapos na silang kumain ay pumasok silang uli na mag-ama sa loob ng kwarto at sabay na nagsipilyong. Nang matapos ay kinuha na niya ang maliit na backpack nito na may design na unicorn. Ngumiti at tahimik na humalik ang anak sa kanya.
Nagpatiuna nang maglakad palabas ng kwarto si Brynn at nakasunod lamang siya dito. Napapailing siya lihim na napapangiti. You are really your mother's daughter. Ganito din siya noon kay Brielle, sunud-sunuran at kahit na may sariling siyang inaasikaso at inihahatid niya pa muna ito sa trabaho tapos ay pupuntahan niya ng lunchtime, sinusundo ng hapon at ihahatid pauwi, maliban na lang kung may mga meeting, conferences at seminar siyang pinupuntahan at hindi magagawa ang simpleng bagay na ito.
Inilalayan niya si Brynn pagsakay sa kotse na itinalaga sa kanya ng kaibigan. Nalaman niya na binili na pala ito ng ama mula sa dealership ng mga Richardson. Naging mas madali na nga ang lahat para sa kanya. Ang tangi na lang niyang gagawin ngayon ay ipunin ang lahat ng tapang niya at lakas para mapuntahan ang puntod ng mahal na asawa at anak at gagawin niya ito ngayong hapon. Papakiusapan na lang niya ang kanyang ama na sumundo kay Brynn, o di naman kaya si Dean para makikilala rin ito ng teacher ng anak.
Nasalubong niya si Dean na papasok na rin ng parking lot, sakay ng kotseng bili ng mga magulang nito. Binaba nila pareho ang bintana ng kani-kanilang kotse para magkausap ito.
"I'll be taking Brynn to school. You wanna come?" Tanong niya dito.
"Sure. hold on." Sagot ni Dean na nagpalinga-linga. "Let me park and I'll hop in." Dugtong pa nito. Hinintay niyang makapag-park ito at patakbong lumapit sa kotse niya at sumakay sa harapan dahil nasa likod naman si Brynn, nakaupo sa booster nito.
"Morning, bro." Bati nito sa kanya. "Good morning, your highness Princess Athena Brynn Villasis Scott." Mahabang bati ni Dean sa bata. Bumungisngis ito sa kanya.
"You're silly, Tito Dean. Princess Brynn is fine." Sagot naman nito sa kanya. "Tito Dean, do you think I am going to see my new friend, Kuya Ethan?" Dugtong na tanong nito. Napatingin si Siege kay Dean at ganun din ang binata sa kanya.
"Well, you never know, hoping that your guys are in the same school and same time." Makatotohanang sagot ni Dean. Napasimangot na ngayon ang bata. Hindi na lang kumibo ang magkaibigan at hinayaan na lang na sumimangot ito. Baka mamaya magbago din ang mood nito kapag nakakilala na ng ibang bata.
Sa sistema ng scheduling ng mga eskwelahan dito sa Pilipinas, mapapubliko man o mapapribado, hinati nila ito sa pang-umaga at panghapon para ma-accommodate ang lahat ng mga estudyante sa iba't ibang siyudad. Gusto na rin ng karamihan ang ganito dahil may oras sila para makagawa ng kanilang mga projects, sa ibang estudyante naman ay hindi nakagaganda dahil maraming oras na pwedeng gumawa ng kalokohan habang nasa trabaho ang mga magulang ng mga ito. Go figure.
"GOOD morning. My name is Crystal. The students here call me Teacher Crystal." Pakilala ng guro sa kanila. Ngumiti ito sa kanya ng matamis. Naiilang si Siege sa uri ng pagtingin nito sa kanya. Hindi naman mahalay na tingin pero nakakailang pa rin.
"Good morning Teacher Crystal." Sagot naman niya. "I'm Timothy. Athena Brynn's dad and this Dean, my friend. He may pick Brynn up once in a while if I can't make it." Dugtong pa niyang pagpapakilala sa sarili.
"Since you're here, Sir Timothy, I would like to take the opportunity to let you know we will be having a field trip this coming friday. I was hoping Brynn could come. It would be a good chance for her to get to know some of the other students, to get more comfortable with the other kids. I saw on her files that she had been homeschooled since she started school." Tuloy-tuloy na sabi ni Teacher Crystal.
Patango-tango lang si Siege. Papayagan ba niya ang anak? Mahirap yata yun. Saan naman pupunta ang mga batang kindergarten.
"Saan naman ang punta n'yo?" Tanong niya.
Napansin siguro ng guro ang kanyang pag-aalinlangan kaya ngumiti uli ito. Magaan naman ang pakiramdam niya sa gurong ito pero hindi lang siya siguro sanay sa pakikihalubilo sa guro gawa nga ng home schooled ang anak sa America.
"It is a guarded field trip. We are going to the National Museum, Manila Ocean Park, then the last stop would be Manila Zoo, then we'll head back here in the afternoon before four." Sagot naman ni Teacher Crystal. Mukha pa itong kinakabahan. Paanong hindi kakabahan, nakaka-intimidate itong magulang ng bago nilang estudyante?
"What time do you leave in the morning?" Simpleng tanong niya nang hindi tinitingnan ang teacher ng anak dahil nakatutok siya sa anak na unti-unting lumapit sa lamesa ng grupo ng mga batang lalaki.
"We leave at seven in the morning para may time pa po sa biyahe. We have sack lunch prepared for all the kids. It will only be my two classes. We have ten volunteer chaperones and they are all school staff, and don't worry, Sir, may kompletong background check po ang lahat ng staff namin dito. Pwede din po kayong sumama kung gusto ninyo but you have to registered at the school office today, do the background check, be finger printed for the children's safety." Mabilis siyang napatingin sa teacher ng anak. Nagulat sa mga sinasabi nito.
"Background check? Why?" Tanong niya dito. Ano yun? Magcha-chaperone lang kailangan pa ng background check pa?
"Yes. We do background checks on parents that would want to help chaperoning in any school sponsored activities because of safety. Don't you want your child to be safe around other people?" Simpleng sagot nito pero malaki ang naging impact kay Siege. Gusto niya ang naririnig mula dito. Gusto niya ang paraan ng eskwelahang ito. Alam niyang magihing ligtas ang anak niya dito.
"I get that, but why?" Tanong niya at hinarap na ito.
"Sir, maniwala man kayo o hindi, karamihan po sa mga estudyante dito ay kung hindi anak o apo ng mayayaman, artista at politiko at politiko. Karamihan din po ay mga high profile personal at diplomats. Kaya po kaming mga teacher dito ay mahigpit ang application and interview process at may yearly background check pa aside sa bi-yearly drug tests." Paliwanag nito. Mataman lang namang nakikinig si Dean sa palitan ng dalawa.
"Nice to know that my daughter is safe in this school." Simple ng sagot ni Siege. Ngumiti ng kaunti ang teacher ni Brynn, kinakabahan pa rin si Teacher Crystal dahil mukhang istriko na magulang si Siege ay talagang istrikto ito sa buhay at parang kakain ng tao kung makatingin..
"It's not only for safety, Sir, we also want our school to be a second home for the students." She delivered her statement with pride. Nakatingin pa rin si Siege sa anak. Sinundan ni Teacher Crystal ang kung saan nakatingin si Siege. Nakita nitong pinanunood ang anak kasama ang mga pang-umaga niyang paalis na rin maya-maya.
"Okay, Ms. Crystal, I have to go. Please call me or Mr. Villafuente if needed. Anytime." Seryosong sabi ni Siege. Tumango ang teacher ni Brynn. Paalis na sana siya nang lumapit si Brynn hila-hila ang isang kaklase.
"Daddy, are you leaving now?" Tanong ni Brynn. Nakatutok ang mga mata niya sa batang lalaking karay-karay ng anak.
"Yes, Princess. Lola needs me right away. I'll be back to get you later." Nag-aalalang sabi ni Siege. Baka mag-tantrum ang anak. Hindi pa niya ito naiwan kahit kelan maliban na lang kung ang Mommy niya ang kasama nito.
"Okay, Daddy." Nakangiti nitong sabi. Nagulat siya sa inasal ng anak niya. Ni hindi man lang ito nalungkot o nag-alinlangan na sumagot. Mukhang handa na talaga ang prinsesa niya na magsolo. She is really getting bigger. Malungkot niyang isip.
"That's it?" Natatawa niyang tanong dito.
"Silly Daddy." Nakabungisngis na sabi ni Brynn. "I'll be fine here Daddy, right Teacher?" Baling nito sa teacher niya. Tumango itong nakangiti sa kanya.
"Well, I guess, you're right." Kinakabahan man ay ngumiti na rin siya. Mas mabuti na makita ng anak niya na okay lang siya para hindi rin ito mag-alala. Hinalikan niya ang anak at nagpaalam na rin siya sa teacher nito.
"Daddy, wait!" Pagtawag pansin ni Brynn kay Siege.
"What is it, Princess?" Tanong niya dito. Lumuhod siya sa harapan ng anak.
"Daddy, this my friend, Kuya Ethan." Tumingin uli si Siege sa batang lalaki na kanina pa pala na nakatitig sa kanya.
"Hi, buddy. How are you? My name is Tim." Pakilala niya sa bata. Hindi niya alam pero gusto niyang yakapin ang batang lalaki. Maputi, maganda ang mga mata nito, mapangusap at may dimple din na katulad niya. Ngumiti ito kasi sa kanya. He seemed familiar.
"Hi, Sir. Nice to meet you." Magalang na bati ni Ethan sa kanya. Nakangiti si Brynn. English speaking. Napangiti siya sa sarili.
"Daddy, he's the one I played with at the arcade with Tito Dean and his Tita Ella. He's my Kuya now, he said he can be my Kuya. Is that okay, Daddy?" Madaldal na sabi nito.
"That would be okay, Princess." Sagot niya sa anak. Titig na titig pa rin si Ethan sa kanya.
"What is it, Ethan?" Tanong ni Siege sa bata.
"You look like my dad." Simpleng sagot nito. Parang biglang tinambol ang dibdib ni Siege. Kinakabahan siya pero hindi yung klaseng nakakatakot na kaba.
"I am? He's a good looking guy then." Biro niya sa bata para mawala ang kabang nararamdaman. Tumango ito.
"My Lolo Gramps said he is. And he is very smart, too." Sagot nito. Nagtaka siya. Ganito ba ang tawag ng batang ito sa tatay niya?
"Oh. Why is that? I mean, is it your Dad?" Naguguluhan niyang tanong.
"No. He is my grandpa. My Dad left." Simpleng sagot ng bata. Gago naman ang lalaking yun para iwanan ang napakagwapo at nakamaginoong bata na katulad nitong si Ethan. Siya ngang ngayon niya ito nakita ay gusto na niya itong yakapin dahil mukha mabait na bata.
"Uhm... Ethan. Where is your dad?" Alam niyang hindi siya dapat maging usisero pero hindi mapigilan ang sarili.
Naiinis siya sa ama ng bata kahit hindi niya pa ito nakikita o kilala at ayaw niya itong kilalanin. Hindi niya pwedeng pag-aksayahan ng panahon ang mga taong hindi marunong humarap ng kanilang responsibilidad. Baka masapak niya lang ito. Nagulat siya ng lumungkot ang mga mata ni Ethan.
"He passed away."
--------------------
End of SYBG 19: School
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
02.09.18
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro