SYBG 18
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Pagbabanta"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"OUCH!" Nabangga siya ng isang tao na naka-hooded jacket ito kaya hindi niya makilala. Bahagyang napasigaw ni Brielle dahil sa gulat, May konting pwersa ang pagkakatulak sa kanya, may natamaan pa siyang babae sa kanyang unahan.
Mabuti na lang at mabilis siyang napahawak sa handle ng kanyang shopping cart at sa gilid ng shelf kaya hindi siya natumba at hindi rinnasaktang yung babae. Nang makabaw na ay madalian siyang lumingon para tingnan kung sino ang tumulak sa kanya. Pero likod na lang nito ang kanyang nakita.
Nagmamadali siyang lapitan ang babaeng natamaan niya ng shopping cart, pero bago pa niya magawa yun, may isang babaeng maagap siyang nilampasan at isa din na nanggaling sa kabilang parte ng meat section para sumaklolo dito.
"Mack, okay ka lang ba?" Tanong nang babaeng nanggaling sa likuran niya kanina doon sa babaneg nabangga niya.
"Yeah, okay lang ako, Ate Ilene." Sagot naman nito. Malambing na ngumiti ito sa kasama,
"Ano ba naman Miss, mag-ingat ka naman sana!" Madiin na sabi sa kanya ng isang babae na kasama din nung nabangga niya. Hindi naman galit pero may kadiinan lang.
"Carm, wag mo naman siyang kagalitan. It's not her fault, she was pushed by that person wearing a hooded jacket. I saw what happened." Sagot naman nung tinawag na Ate Ilene. "Are you alright?" Baling naman nito sa kanya.
"Yeah, I'm okay. I think. Is she okay?" Sagot naman niya sabay tanong, nalilito siya. "Are you okay?" Dugtong pa niyang tanong direkta sa babaeng nabangga. Halos magkaedad lang sila nito.
"Yeah. I am okay." Sagot nito sa kanya.
"Just be careful next time please." Muling sabi nung isang babae na tinawag na Carm.
"Don't mind me Ate Carmi, I'm okay." Nakangiting sagot nung tinawag na Mack. "Please help her." Napangiwi si Brielle dahil sa sakit ng kanya braso na tumama kanina sa gilid ng bakal na shelf.
"Sino kaya yun?" Wala sa sarili niyang tanong. Narinig naman ito ng kaharap niyang babae na tinawag na Carmi.
Pinagkumpulan siya ng tatlong babae. Naasiwa man siya ay nagpapasalamat na rin siya dahil hindi siya napaaway at may nakakita pa sa nangyari. Mas kinabahan siyang lalo, biglang pumasok sa isip niya ang nangyari sa kanya sa factory. Hindi tuloy niya nagawa ang mga dapat niyang gawin at tinapos na lang ang pagsa-shopping.
Napagpagpasiyahan niya na wag na lang kwento sa Papa niya nangyari ngayon dito sa grocery store at baka mas lalong hindi siya makaalis ng bahay.
"Miss, are you okay?" Malambing na tanong nung babaeng nabangga niya. Tumango siya dito.
"Yes, i'm okay. Thank you." Sagot niya dito ang alangaining ngumiti dito. "And I'm sorry that I have hit you with my cart. Mabigat pa man din ito." Dugtong pa niya, nakaturo sa kanyang sariling shopping cart na halo puno na.
"Naku, wala yun. Di mo naman kasalanan." Sagot nito sa kanya.
"If that man didn't push you, hindi mo rin naman mababangga itong sis-in-law ko." Sagot naman nung isa.
"I am also so sorry, nasigawan tuloy kita." Hingi naman ng pasensya nung isa pang babae. "Nag-over-react lang ako." Dugtong pa nito at nag-peace sign sa kanya.
"Ako nga pala si Mack, Mackenzie Richardson, ito naman si Ate Ilene, Ilene Rios and Ate Carmi, Carmi Everson." Pakilala ni Mack sa sarili at sa mga kasama niya.
"Hi. I'm Brianna Villasis." Pakilala niya sa sarili. Nagngitian silang apat.
"So, are you from close by?" Tanong nung Carmi.
"Kind of. We are staying in my old condo in Taguig." Sagot naman niya. Unti-unti na silang nagsilakad para ipagpatuloy ang paggo-grocery habang nag-uusap.
"Hey, we used to live there." Masiglang sabi ni Mack. "Well, me and my husband, but we stay in Cebu most of the time now. Nandun kasi yung isa naming showroom and doon na din nag-aaral ang mga anak ko." Dugtong nitong hindi tumitingin sa kanya dahil nakatingin ito sa mga karneng malinis na nakahilira.
"Kami naman ni Mark, kambal ni Ilene ang nakatira sa dating unit ni Mack sa Taguig." Seryosong sabi ni Carmi. Napansin niya kanina pa seryoso itong si Carmi kahit panaka-nakang ngumingiti pero maganda rin.
"Kami naman ng husband ko at ng baby namin ang nakatira sa Lumang Bahay sa Manila, yung pinsan naman ni Mack at ang asawa nito ang nakatira doon sa dating unit ni DJ sa kabilang floor." Sagot naman ni Ilene.
"Ay galing naman. Magkakalapit lang pala kayo." Nakangiting sabi ni Brielle. "Saang building?" Tanong niya.
"Building 1, yung malapit sa business area." Sagot ni Carmi.
"Ay teka, building 1 din kami, 4th floor." Excited na sabi ni Brielle.
"Ay ang galing. 4th floor din sila Ate Carmi at Kuya Mark. Tapos 5th floor naman sila Ramon at Lena." Excited din na sagot ni Mack. "Ayan may kakilala ka nang kapitbahay mo." Natatawang dugtong nito. Kumislap naman ang mga mata ni Brielle.
Natutuwa siya at nakilala niya ang tatlong babaeng ito na kahit na sa pinaka-unconventional way ay naging mabait naman sa kanya at higit sa lahat, magaan ang loob niya sa mga ito.
"Sorry talaga kanina ha. Hindi ko napaghandaan talaga yung pagbunggo sa akin nung mama eh." Pag-ulit niya. Tinitigan siya ng tatlong babae.
"Mack, let me call Ayah. He can help us. Gusto ko ring malaman kung sino ang taong yun." Seryoso at galit na sabi ni Carmi. Tumango lang si Mack at Ilene. Nag-alala siya. Kababalik niya lang ng Pilipinas, ayaw niya ng gulo.
"Ay naku.... Wag na. Hayaan n'yo na, baka nagmamadali lang yun. Okay na naman ako eh." Nag-aalala siyang makagulo pa siya sa iba. "Tatawagan ko na lang yung driver namin. PAtapos na rin naman ako." Dugtong pa niyang nakatingin sa kanyang cart.
"Are you sure? Kasi sa amin ay hindi okay. Lalo na at nasaktan itong isang ito. Magwawala mamaya si DJ kapag nalaman nun na nadamay itong si Mackenzie sa kalokohan ng taong yun." Nakataas ang kilay na sabi ni Carmi.
"Anong si DJ ang magwawala, baka kamo si Kuya Vince ang magwala." Tumawa pa si Ilene ng bahagya. "Alam mo naman na paranoid yun hanggang ngayon, lalo pa at kare-recover pa lang ni Ate Chari sa kung anong kalokohang ginawa ni Tita Gianna." Tuluy-tuloy na kwento ni Ilene.
"Hayaan n'yo na, wag na lang nating ikwento sa kanila. Kung ayaw ni Brianna, wag na nating pilitin." Nakangiting saway ni Mack sa mga hipag.
"Okay. Pero alam naman natin na walang makakalusot sa mata ni Ayah." Sambit ni Carmi.
"Aw shoot. Nakalimutan ko nga pala, si Tito Kurt pala ang head ng security & operations dito sa mall." Sambit naman ni Ilene. Nalilito si Brielle sa kung ano ang pinag-uusapan nila. Papalit-palit lang siya ng tingin sa tatlo. Nang hindi na makatiis ay nagtanong na sa siya.
"Sandali lang. Ano ang pinag-uusapan n'yo?" Nalilito man ay pinakaswal pa rin niya ang kanyang postura.
"Oh. we're sorry." Sabi naman ni Ilene. "Si Kuya Vince, daddy ni Mack...."
"Kuya namin ni Ilene." Singit ni Carmi.
"Yup." Bumungisngis pa si Mack.
"Siya kasi ang may-ari nitong mall. And Tito Kurt..." Patuloy ni Ilene.
"Si Ayah, daddy ko." Si Carmi. Nalilito man si Brielle ay mataman lamang niyang sinusundan ang palitan at sagutan ng dalawa sa kwento.
"Yes." Pinandilatan ni Ilene si Carmi.
"What?" Inosenteng tanong naman ni Carmi.
"Will you stop it? Nakakainis ka nang buntis ka." Irap ni Ilene kay Carmi na sinundan ng isang hagikhik mula kay Mack kaya natawa na rin siya. Humalukipkip na lang si Carmi at umirap din kay Ilene. "As I was saying before all the interruption... Kuya Vince own this mall and Tito Kurt is the head of the Securities and Operations ng mall na ito at nung isa pa doon sa Eastwood." Pagtatapos ni Ilene.
"What they were trying to say is, kahit hindi ako magkwento ay malalaman din ng daddy ko dahil makikita ni Tito Kurt sa CCTV, lalo pa at alam niya na nandito kami ngayon." Simpleng sagot ni Mack. "But don't you worry, just in case, it will be seen as an accident on your part at yung taong yun ang ha-hunting-in ni Tito Kurt at ng mga asawa nila." Turo ni Mack kay Ilene at Carmi. Nagkibit-balikat lang si Carmi.
"Not Mark. He's a geek, remember? He chases people through computers." Sabi ni Carmi na parang walang gana. "Ilene's husband will though." Dugtong pa nito.
"And why is that?" Tanong naman ni Brielle na parang naintriga siya sa mga kaharap.
"Oh. Because my husband is a detective, recognized in all parts of the Philippines and some parts of the US. Doon na kasi siya nag-training, so as his brother na sa Romblon nakatira with his wife." Kahit na ganun ang kwento ng mga ito ay hindi mayabang ang dating.
Nakakatuwa sila kasi masyado silang close at parang magkakarugtong ang utak ng mga ito. Tinatapos ng isa ang sinasabi ng isa. Nakaramdam ng lungkot si Brielle dahil wala na siyang kaibigan. Ang nag-iisa niyang kaibigan ay lumayo pa sa kanya at ang taning naiwan ay ang baklang kasa-kasama niya noon na hindi na rin niya alam kung nasaan na rin ito.
"Detective?" Tanong niya. "Would he be able to help find someone?" Kumislap ang mga mata ni Carmi.
"If you need to find someone, my husband is your best bet. Magaling yun." Napangiti siya sa laki ng kumpyansa ni Carmi sa asawa.
"Yeah. That's true. Sino ba ang gusto mong hanapin?" Tanong ni Mack. Sasagot na sana si Brielle nang mag-ring ang phone niya.
Mabilis niyang ginalugad ang kanyang bag para kunin ang phone. Nang makita niya ito at ang pangalan ng tumatawag ay nagpa-excuse siya sa tatlong bagong kakilala para sagutin ito.
"Hello, Ma? Bakit po?" Sagot niya.
"Anong oras kayo uuwi?" Tanong nito ng ina sa kanya.
"Is everything okay, Ma?" Kinakabahan niyang tanong. Sari-saring bagay ng tumatakbo sa utak niya ngayon.
"Maayos naman, walang problema. Gusto lang ng Papa mo na sabay-sabay tayong maghapunan. May gustong ikwento si Papa mo kay Carmella." Biglang nakahinga ng maluwag si Brielle sa sinabi ng ina. Akala niya kung ano ang nangyari sa mga ito.
Wala pa silang tatlong linggo dito sa Pilipinas pero ang dami na ng naganap. Puro lahat buwis-buhay.
"Okay, Ma. Patapos na ako dito. Tatawagan ko na lang po si Mang Asyong para tulungan ako ng mga pinamili ko." Sagot niya sa ina.
"Sige. Magluluto na lang ako ng kung ano ang meron dito. Bye." Nagpatay na ng tawag si Amanda at ganun na rin ang ginawa ni Brielle.
Mabilis siyang nag-text kay Mang Asyong na puntahan na siya sa grocery area. Nang matapos ay ibinalik na niya ang phone sa bag. Nilingon niya ang mga bagong kaibigan. Nagulat pa siya ng may tatlong business card na nakalahad sa harap niya.
"Just call us when you need anything." Sabi ni Mack sa kanya. Ngumiti naman siya at kinuha ang mga card na yun. Namangha siya sa mga ito. Isang computer analyst, isang fashion designer at isang interior designer. Ngumiti siya sa mga ito.
"Interior designer ka?" Tanong niya kay Mack. Ngumiti naman ito sa kanya.
"Yup. Only for appointments. Mas naka-concentrate ako sa business ng husband ko, yung marble fixtures." Sagot naman ni Mack. Patango-tango naman siya.
"And Ilene is a fashion designer?" Baling niya dito. Malapit na sila sa register.
"Business kasi ni Kuya Vince yan. He is in fashion industry, kaya I took the opportunity, tapos nasa textile industry naman ang family ng Mommy ni Mack, kaya bumagay na rin." Nakangiti nitong tugon sa kanya.
"Computer analyst? Bagay pala kayo ng husband mo." Baling niya kay Carmi.
"Ngayon lang yan. Dati akong flight attendant. Pero ginagawa ko pa rin minsan kapag may flight ang family at kung kailangan ako ni Kuya Vince. And plus my husband is also a pilot." Wow. Mga bigatin pala ang mga ito. Kumuha siya ng calling card na kabibigay lang ng Papa niya sa kanya few days ago.
"Here's mine." Inabutan niya tag-isa ang tatlo.
"You work at Paperkutz?" Bunghalit na tanong ni Ilene. Nagulat siya sa pagka-high pitched nito.
"I-I do." Alanganin niyang sagot.
"Oh my God. Alam mo bang matagal na akong humingi ng appointment to meet up with anybody diyan para makapagpagawa kami ng stationary na unique. But everytime I call sinasabi lang nung secretary ng Marketing and Strategies na hindi daw kayo tumatanggap ng maliliit na orders, kailangan daw ay bulk." Napataas ang kilay ni Brielle sa sinabi ni Ilene.
"Hmn.... I am going to find out who. Thank you for telling me." Nagngalit ang kanyang mga bagang. Aalamin niya kung sinong lapastangan ang nagmamagaling na iyon.
The main purpose ng kompanya nila ang mga maliliit na businesses hindi ang malalaki. Napansin yata ni Ilene ang pag-iba ng expression sa mukha ni Brielle.
"You know what, forget what I said. Okay lang. Baka mapagalitan ka pa ng boss mo doon eh." Sabi nito na para namang nagsisi sa mga nasabi niya.
"You are so tactless talaga. Para kang si Lena." Saway ni Carmi kay Ilene.
"No, it's okay. Hindi ako mapapagilitan doon. Give me a call kung gusto mong mag-set ng appointment. I will personally take care of you." Simple niyang sagot dito. Nagkatinginan sila at halos sabay-sabay na tiningnan ang calling card na iniabot niya.
"Scott?!" Sabay-sabay na sambit ng tatlo. Hindi pa man siya nakakasagot ay tinawag na siya ni Mang Atong. Nilingon niya ito at ngumiti dito. Timing naman na siya na ang kasunod sa pila.
"Mang Asyong, ang bilis mo naman. Timing na timing ka. Sandali lang ha at magbabayad lang ako." Sabi niya sa matanda, pero bago pa niya makuha ang kanyang pitaka ay sinaway siya ni Mack.
"Don't worry about it. It's on me." Simpleng sagot nitong nakangiti ng matamis sa kanya.
"No. I won't take that." Sagot niya. Nakakahiya kaya. Kakikilala lang nila tapos libre kaagad. "I'll pay for these." Dugtong pa niya.
"Naku naman Brianna, wala yun. At least let me make it up to you. You were bothered by that person, please let me take care of you." Mack gave her a pleading eye.
Nahihiya siyang tumanggap ng pabor mula dito pero hindi niya rin naman ito mahindian. Tiningnan niya ang dalawa nitong kasama. Pareho itong mga nakangiti sa kanya, maging si Carmi ay nakangiti na rin ngayon.
"Sige na, Bri. Tanggapin mo na. Mas magagalit si Kuya Vince kapag nalaman niyang may mga shoppers na nasasaktan dito. Sige na, please." Dagdag pakiusap ni Ilene.
"Sige na, Marielle, tanggapin mo na. Nagmamadali tayo di ba? Alam mo naman ang mama mo, baka pati ako mapingot nun eh." Napapakamot ng batok si Mang Asyong.
"Okay. I guess, I am out numbered." Ngumiti siya sa mga ito. Pumalakpak pa si Ilene at Mack, ngumiti naman ng simple lang si Carmi.
Pagkatapos maipasok sa paper bags at plastic bags lalo na yung mga fresh meats at isda na pinamili niya ay ibinalik ang mga ito shopping cart. Itinulak ni Mang Asyong ang cart at nauna na itong lumabas ng grocery area. Nagpaalam na rin siya sa mga bagong kaibigan.
"Call me whenever you want to meet up and I will make sure Papa will see you." Sabi niyang nakangiti.
"Papa?" Nagulat si Ilene sa sinabi ni Brielle.
"I'll tell you later." Bumungisngis siya at nag-flying kiss na ito sa kanila. "I have to go. I still have to find my son and my little sister." Kumaway naman ang tatlo sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ng mga ito. Kita sa mga mukha nito ang saya na may bago silang kakilala.
"MABUTI naman at nakarating na kayo." Bati ni Amanda pagkapsok na pagkapasok nila sa pinto. "Oh, Asyong, mabuti naman at umakyat ka rin kasama nila, tinawagan ko na ang asawa mo, dito na kayo maghapunan." Dugtong ng ina nang makita ang driver nila na nasa likuran ni Carmella. Napasilip ito dahil hindi nakita ang apo. Napansin ni Brielle ng ginawa ng ina.
"Kasama ni Papa." Napakunot ang noo ng ina. Naintindihan naman ni Brielle ang expression ng ina. "Nasalubong namin si Papa [a;abaas ng elevator, may kukunin daw siya sa receptionist sa baba kaya nagpaiwan na si Ethan sa kanya." Dugtong niyang paliwanag. Tumango-tango lang ang ina. Tumalikod na ito para bumalik sa kusina, sumunod siya.
Naabutan nilang mag-ina si Mang Asyong at Carmella na nagtatabi ng mga pinamili nila maliban sa mga karne at isda. Iniwan nila ito sa lababo. Naka-set na ang lamesa at pinaiinit ni Amanda ang pagkain.
Hinugasan ni Brielle ang isda at karme bago ito pinaghiwa-hiwalay sa ibang ziplock bags. Nasanay silang ganito ang gawin lalo na nung nasa Japan sila. Hindi kasi magandang mag-defrost ng isang buong balot ng karne kung hindi naman gagamitin ang buong pakete.
Nang matapos siya sa pag-repack ng mga ito ay inilagay na niya ang mga yun sa freezer, tsaka pa lang nila narinig ang malakas na boses ni Ethan na nagkukwento ito sa Lolo.
"Lolo Gramps, trust me. I don't have a crush on that little girl. I like her because she looks sweet. I wish she's my sister, though." Yun ang narinig niyang sabi ni Ethan sa Lolo nito habang papasok ang mga ito sa kusina. Nung kaninang nasa kotse sila ay walang tigil ito sa kakakwento ng tungkol sa batang babae na nakalaro nito sa arcade.
"Okay, that's enough. Let's eat first then you can continue your story later over dessert." Saway ni Amanda sa apo at asawa. "Ikaw ang bata-bata pa ng apo mo kung anu-ano na ang ipinapasok mo diyan sa utak niyan!" Panenermon ni Amanda sa asawa. Tumahimik na ang maglolo at umupo na sa kani-kaniilang pwesto.
"Ate Ella, did you get that guys number?" Tanong ni Ethan kay Carmella bago pa mailagay ng ina ang dessert sa harapan nito. "Whoaw! Buko Pandan?!" Sigaw tanong nito. Kumislap ang mga mata ni Ethan. Napangiti na lang siya sa anak.
"Sorry, Little Handsome, I didn't." Nalungkot ang bata dahil sa narinig.
"Why? You heard what her Tito said? She doesn't play with anyone." Malungkot at may tampo sa himig ng bata. Nakaramdam ng awa si Brielle sa anak.
"I'm sorry, baby." Paghingi ni Carmella ng paumanhin.
"Ganito na lang. " Salo ni Brielle. "We go about our week and when the weekend comes again let's go to that same mall and that same arcade, let's wait for her there." Sabi na lang niya sa anak. Naging masigla uli ang mukha ng anak. Kita sa mata nito ang ligaya. Napaisip siya, Naku, Lord. Ang bata pa ng anak ko para diyan sa crush crush na yan.
"Ang saya nga niyan kanina eh." Kumento ni Carmella. Marami pa silang napagkwentuhan tungkol sa nangyari sa mall pero ni minsan ay hindi binanggit ni Brielle ang nangyari sa kanya sa grocery department, at dahil wala siyang ibang kasama ay mas mabuti na lang na wala na munang makakaalam na iba. Tsaka na lang niya problemahin yun, kasi baka nagmamadali lang talaga yung taong yun kanina. Baka naman talagang wala lang yun.
SA kabilang dako kung saan walang nakakapansin.
"Ang swerte mo talaga. Naaksidente ka na at lahat ay buhay ka pa rin." Madilim ang mukhang sinundan ng anino ang naglalakad na si Brielle at Mang Asyong. "Babagsak ka rin. Sisiguraduhin kong babagsak ka rin. Sisiguraduhin kong walang matitirang Villasis. WALA!" Matalim na banta nito.
Ano na naman kaya ang naghihintay na gulo at panganib para sa pamilyang Villasis.
--------------------
End of SYBG 18: Pagbabanta
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
02.03.18
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro