Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SYBG 17




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Tokens"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"Mommy!" Sigaw ni Ethan mula sa kwarto nilang mag-ina. Napatingala naman si Brielle doon at napapailing. First time ito.

"Ella, pakitingnan nga ang batang yun. Tatapusin ko lang itong niluluto ko at baka masunog na ito." Utos ni Brielle kay Carmela at hinaharap ang nilulutong tocino.

"Ay naku, Teh. Ako na lang diyan, ikaw na dun. Alam mo naman yun." Natatawa ntiong kontra-utos kay Brielle. Napapailing na lang siya. Totoo nga naman, lalo pa at kagigising lang nito. Hindi naman talaga ganito ang bata, ngayon lang talaga.

"Okay. Sige, paki tapos na lang nito, tapos maglagay ka na sa plato. Paki handa na rin ng lamesa. Tatawagin ko na rin sila Papa at Mama." Tinanggal niya ang apron at mabilis na umakyat sa kwarto nilang mag-ina.

"Moooommmm!" Sigaw uli ni Ethan. Napailing na lang siya dahil sa inaasar siguro siya nito.

"Alright, Ethan Siegfried Scott. Stop yelling already, okay!" Hindi man nakasigaw ngunit may diin niyang sabi at pinandilatan ang anak. Nakapamewang pa siyang nakatayo at sumandal sa tabi ng pintuan.

Lumingon ang anak niya sa kanya na abot-tenga ang ngiti. Nakaharap kasi ito sa pinto ng banyo at nakaupo sa ibabaw ng kama nila na nakatalikod sa mismong pinto ng kwarto. Napailing na lang siya sa bagong kakulitan na ipinapakita nito.

"Oh. Hi, Mom." Sabi nitong nakabungisngis pa. Nag-peace sign pa ito sa kanya. Napailing na lang sa pinapakitang kakulitan ng anak, kakaiba ito ngayon. Natutuwa siya and at the same time nalulungkot din.

"What does my baby want this time? And what's with the yelling? Hmn?" Ngumiwi ito nang marinig ang tawag ng ina sa kanya. Ayaw na ayaw nito na tinatawag na "Baby".

"Ewww... Mom!! I'm not a baby anymore, remember?" Maarte nitong Turan. Natawa si Brielle. Kung makakunot ito ng mukha niya akala mo naman kung gaano nakakadiri ang sinabi niya.

"Well, I guess you are, because no big boy would yell at the top of their lungs for their Mommies." Tukso niya dito. Napakamot ng noo niya si Ethan. Natigalan siya.

Napapadalas ang pagkakamot ng noo ni Ethan. Ganitong-ganito ang nga mannerism ni Siege. Parang may kung anong humaplos sa puso niya. Oo, nalulungkot siya dahil hindi na makikila ni Ethan ang ama pero natutuwa siya dahil hindi siya mahihirapang i-describe ang ama sa anak niya.

"Mom, after lunch, can we go to the mall with Ate Carmella, Lolo Gramps and Lola Grams?" Paglalambing nito sa kanya. Lumapit siya dito at umupo sa tabi ng anak. Tinitigan ito ng mabuti.

"Not when you are yelling like that." Panunukso niya dito, ngumiwi naman ito uli.

"I was just teasing you, Mom." Mabilis naman nitong sabi. Napapailing na lang siya sa masayang gising nito. Naluluha siya dahil tumatangkad na ang kanyang anak.

"You are growing up to be just like your Dad." Pabulong na sabi niya dito na halos wala na ngang lumabas na boses sa kanya. Napatda siya ng mas lumapad pa ang ngiti ng kanyang anak.

"I am?" May kakaibang kislap ang mga mata nito ngayon. Tumango siya.

"Yes, you are." Sagot niya dito at pinisil ang ilong ng anak.

"I know." Puno ng kumpiyansa at yabang na sagot nito sa ina.

Napailing uli siya. Pero kung hindi sila titigil na mag-ina sa pag-uusap ng ganito, baka sa iyakan lang sila mahulog kaya kailangan na niyang ibahin ang usapan dahil hinahatak na siya ng kanyang mood sa ibang dimensyon ng depression.

"So, where did you say you wanted to go?" Tanong niya sa anak na pilit na pinasisiglang muli ang kanyang boses.

"The Mall." Maikli nitong sagot.

"Well, if you want to go to the mall, you better get your little behind out of bed and get yourself ready." Sabi niya sa anak na para naman itong spring ng kama na nag-bounce up kaagad at mabilis na tumalilis papuntang banyo. "Remember to wash your face and brush your teeth, Mister." Dugtong pa niyang naiiling dahil sa kakulitan ng anak. Ugh! It's too early.

"Why?" Tanong naman ni Ethan na sumilip pa muna.

"Ethan Siegfried! Because I said so! What with the question?" Tinaasan niya ito ng kilay at pinamewangan pa. Humagikhik lang ang anak at bumalik na sa banyo. Napakamot siya ng kilay. Pasaway na bata!

"I was just asking, Mom." Sagot nito sa loob ng banyo. Narinig niya ang pagbukas nito ng gripo. Napailing na lang talaga siya. Pati ang kakulitan ni Siege ay kuhang-kuha ng anak nila.

"Ethan Siegfried! One more word comes out of that little mouth of yours, we are not going anywhere, and I won't be talking to you anymore!" Pabiro niyang banta sa anak.

Mabilis pa sa kidlat ni Zues ng Mt. Olympus ang paglabas nito ng banyo at nagpaawa sa harap ng ina. Muntik nang matawa si Brielle kung hindi lang niya napigil ang sarili. Pilit na sumiseryosong humarap sa anak.

"I'm sorry, Mom." Sabi nito na may bula pa ng toothpaste ang bibig. Yumuko ito sa harap niya, bagay na nakasanayan na nito dahil sa Japan nga lumaki. Maya-maya ay narinig niya na suminghot ito. Ang ngiti na sinusupil sa labi kani-kanina lang ay napalitang pag-aalala.

"It's okay, baby." Sabi na lang niya dito. Lumuhod siya sa harap ng anak para magka-level ang kanilang paningin. "I was just kidding you just like how you were kidding me." Paliwanag niya sa anak. Naawa siyang bigla dito.

"You are not mad at me? Are you still going to talk to me? Are we still going to the mall?" Kung hindi niya lang napigilan ang sarili ay maaaring napagbunghalit na siya ng tawa sa hitsura ng anak.

Naiiyak ang mga mata nito, puno ng bula ng toothpaste ang paligid ng bibig, magulo ang alon-alon nitong buhok at may mumunting muta pa sa gilid ng mga mata nito. Napansin niya ang pagkislap ng mga mata ni Ethan. Bigla niyang naisip na may iniisip na namang kalokohan ito pero binalewala niya lang.

"No. No. And no." Sabi niya dito. Ngumiti naman si Ethan kaagad. "I could never get mad at a handsome boy like you. And besides, you are too cute to get mad at. I love you." Tuluyan ng ngumiti ito. Hahalik pa sana ang anak niya sa kanya. Umatras siya ng kaunti. Ang kislap na meron ito kanina ay mas lalong sumidhi. Yan! Ganyan na ganyan si Siege noon.

"Uhuh. Go back to the bathroom and finish brushing your teeth. I love you, baby but Mommy is not going to wear that nasty toothpaste bubbles on my face." Natatawa niyang sabi na itinuturo pa ang bibig nito.

Huli na para ma-realize niya ang kahulugan ng kislap ng mga mata nito at ang pilyong ngiti na lumabas sa mabulang bibig ng anak. Sinunggaban siya nito at pinupog siya ng halik. Wala na siyang nagawa dahil siya naman ang nagbigay ng idea, kaya tumawa na rin lang siya.

Binuhat niya ang anak kahit mabigat na ito at pareho silang pumasok sa banyo. Pinatapos na niya si Ethan sa ginagawa nito at naghilamos na rin siya.

Sabay na silang bumaba na mag-ina. Nakabihis na ng maayos ang bata at maging siya ay maayos na rin.

"Oh, saan ang gala ninyong mag-ina?" Tanong ng Papa niya na halos kasabay nilang pababa sa hagdan.

"Gusto daw mag-mall ni Ethan, Papa." Sagot naman niya ng nilingon niya ito para halikan sa pisngi.

"Ganun ba? Aayain ko nga sana siyang mag-mall para hindi yan ma-bored dito eh." Sambit ng ama. Nagpatango-tango siya.

"Please, Pa. Mukha ngang bored na, ang aga akong kinulit." Hinayaan na niyang mauna sa kusina ang anak.

"Good morning, Lola Grams!" Masigla nitong bati sa Lola. Napailing na lang silang mag-ama. Wala pa man ay hyper na ang bata.

"Hey, Ethan! You need to calm down a little bit, babe." Saway niya sa anak. "Lolo Gramps is here, too." Turo niya sa ama, mabilis namang tumalilis ang bata pabalik para salubungin ang Lolo.

"Good morning, Lolo Gramps. Mom and I are going to the mall." Pagyayabang nito. Nagkatinginan ang mag-asawa. "You wanna come?" Dugtong pa nito. Tumango naman si David.

"Oh, good. Maybe Ate Carmella can go with us?" Patanong na sabi nito. He is not suggesting it, he was telling them in a questioning manner.

"Sure, babe." Tumatango na sagot ni Brielle.

"Yey!" Sigaw nito kahit hindi pa pumapayag si Carmella. "Ate Ella! Ate Ella! We are going to the mall!" Masaya itong bumalik sa kusina. Nakasunod naman silang mag-ama kay Ethan. Sabay-sabay na silang umupo sa hapagkainan.

"We are? I mean, I am?" Tanong naman ni Ella na salitang nakatingin kay Brielle at sa mga Tito David at Tita Amanda niya.

"Sorry." Paghingi ni Brielle ng paumanhin at nag-peace sa dalaga. "May lakad ka ba?" Tanong niya dito. Umiling naman ito.

"Wala naman, Ate. Susubukan ko lang sanang tawagan si Nanay, pero hindi ko alam kung yun pa rin yung number na gamit nila." Sabi na lang ng dalaga, yumuko ito, ayaw nitong ipakita ang lungkot na nararamdaman.

"Kumain na muna tayo." Pag-iba ni David ng usapan.

Manaka-nakang usapan, tanungan, sagutan ang nangyari sa harap hapagkainan habang nag-aalmusal sila. Mga palitan ng maliliit na kuro-kuro at suhestiyon, ngunit walang seryosong diskusyon.

Kwentuhan ng mga simpleng bagay sa araw-araw. Katulad ng schedules nila mula Lunes hanggang biyernes. Kung sino ang maghahatid kay Ethan sa Lunes ng umaga at kung sino ang susundo sa hapon. Kung sino ang may meeting sa kung anong araw at anong oras.

Nagpresinta si Amanda na siya na lang at si Mang Asyong ang maghahatid at magsusundo kay Ethan sa eskwela nito. Laking pasasalamat ng lahat dahil magiging busy na ang mag-amang David at Brielle, at kung nasaan si Brielle ay nandun din dapat si Carmella. Hindi payag si David na maiwan si Brielle na mag-iisa kahit anong oras.

Nagtataka man si Brielle sa desisyon ng ama ay hinayaan na lang niya. Alam naman niya na simula ng maaksidente sila ay ganito na ang Papa niya. Para siyang bumalik sa pagkabata kung alalahanin ng ama. Hindi siya nagrereklamo dahil may dahilan ito para mag-alala lalo pa ngayong nakabalik na sila dito at balik pagmamaneho na rin siya.

"Mag-ayos ka na doon, Ella. Ako na ang bahala dito. Ako na rin ang maghuhugas niyan." Sabi ni Brielle sa dalaga bago pa sila matapos kumain. Tumalima naman ang dalaga.

Matapos maghuhugas, itinabi niya ang mga natirang pagkain pabalik sa fridge. Nilagyan ng dagdag na tubig ang pitsel na ginamit at inilagay din sa loob ng fridge. Nagwalis siya ng konti sa sahig ng kusina. Nilinis niya ang placemat at ibinalik sa dating kinalalagyan. Itinaob niya sa ibabaw ng placemat ang pinggan at ganun din ang ginawa niya sa baso na pataob na nilagay sa coaster. Ibinalik ang mga kutsara sa lalagyan nito na may takip sa ibabaw ng lamesa.

Nang makontento na sa ayos ng kusina ay umakyat na siya para ayusin ng kaunti ang sarili at magpalit ng tshirt. Naka-jeggings siya at white colored v-necked Girl Tee lang siya. Napakasimple ngunit napakaganda niya.

"Wow! Ate Bri, ang ganda mo talaga. Nakakainggit ang beauty mo." Napapantasyahang pagpuri ng dalaga sa kanya na inilingan niya lang at tinirikan ng mata.

"Wag ka nang mang-uto. Isasama ka na nga eh, inuuto mo pa ako." Tatawa-tawa niyang sabi. "Tara na para hindi tayo gabihin." Aya niya dito.

"Okay." Maliksi naman nitong sagot.

"Mommy, is there an arcade here?" Tanong ni Ethan. Ugali kasi nitong pumunta sa arcade nung nasa Japan pa at sila ng kanyang Lolo ang madalas na magkasama habang sila ni Amanda Brielle ay namimili ng kakailanganin sa bahay para sa buong linggo.

"Yes, there is." Maiksi niyang sagot.

"Brianna Marielle!" Tawag ng kanyang Mama. Nilingon niya ito.

"Ano po yun, Ma?" Tanong niya.

"Nasa baba na si Asyong, siya na ang magda-drive para sa inyo. Sabihin n'yo na lang sa kanya kung saan n'yo gusto pumunta. At least si Asyong, kabisado ang ang pasikot-sikot dito." Mahabang bigkas ni Amanda. Ngumiti na lang si Brielle at tumango. Hinalikan ang ina at ang ama.

"Hindi ba kayo sasama sa amin, Ma?" Tanong niya. Umiling ito.

"Hindi na. Kailangan kong makipag-usap kay attorney. Ngayon ang dating niya dito galing ng Japan." Simpleng sagot nito. Dahil sanay na siya na palaging nagkikita ang abogado nila at ang mga magulang balewala na ito sa kanya.

"Okay, Ma, Pa. Alis na po kami." Paalam niya sa mga ito. Humalik ang apo at si Ella sa dalawang matanda at lumabas na ng pinto na sinundan naman niya.

"Wag kayong masyadong magpapagabi, magsisimba tayo bukas sa Antipolo." Tumango na lang siya at tuluyan ng lumabas. Sinalubong sila ni Asyong.

"Hi, Mang Asyong." Nakangiting bati ni Brielle sa tapat na driver ng kanilang pamilya. Kumaway naman ito ng nakangiti din.

"Saan tayo, Marielle?" Magaan nitong tanong.

"Mang Asyong, sa pinaka malapit na mall na may arcades lang po." Pahayag niya habang binubuksan nito ang pinto sa likuran.

"Mga twenty minutes lang." Sagot nito, inaalalayan si Ethan na sumakay.

"Sige po." Pagsang-ayon niya dito. "Ella, doon ka na sa harap." Utos niya kay Ella.

"Okay, Ate." Mabilis nitong sagot at umikot na papunta sa harap.

Habang sakay ng kotse, walang sawang tumitingin si Ethan sa mga building na nadadaanan nila. Tahimik din lang si Brielle na pinanonood ang anak.

Nadadaanan nila ang mga lugar na pamilyar sa kanya, mga lugar na pinupuntahan nila ni Siege noon. Bahagyang humapdi ang kanyang mga mata. Bumalik ang lungkot, ang sakit at ang pananabik sa asawa na inagaw ni kamatayan. Madiing ipinikit ang mga mata, pinipigilang tumulo ang mga luha.

"Ate Bri, nandito na po tayo sa mall." Anunsyo ni Carmella na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Napansin ng dalaga na parang disoriented siya. "Teh, okay ka lang po ba?" Dugtong na tanong nito. Pinahid niya ang mga namuong luha sa kanyang mga mata.

"Yeah. I'm fine. I just remembered Siege." Simple niyang sagot.

Hindi naman na kumibo si Carmella, hinayaan na lang ang kanyang Ate na mag-moment. Hanga ang dalaga tapang at ang tatag ni Brielle. Isa lang ang hinihiling niya; Maging kasing tapat at kasing tatag sana ako ni Ate Brianna.

"Ako na muna ang bahala kay Ethan. Gusto daw niyang mag-arcade. Doon na muna kami." Itinuro niya ang arcade malapit sa pinagbabaan sa kanila ni Mang Asyong.

"Mang Asyong, sumama na po kayo kay Ella at Ethan. Pupunta lang po ako ng grocery area." Sabi niya sa matanda. "Tatawagan ko na lang po kayo kapag natapos na ako." Dugtong pa niya.

"Sige, Marielle. Ako na ang bahala sa dalawang ito. Ipa-park ko lang itong sasakyan." Tumango lang siya. Sandali lang silang naghintay sa matanda bumalik din naman ito kaagad.

Nang masigurong may kasama na si Carmella at Ethan, dumiretso na siya sa grocery area taliwasang direksyon papuntang arcade. Sumunod lang si Mang Asyong sa dalawang nakababata.

"Ate Ella, Let's go doon sa dance revo." Aya ni Ethan sa kanya. Nagulat pa si Ella dahil nakadalawang tagalog si Ethan.

"Ethan Siegfried! You said two Tagalog words." Mangha niyang puna sa bata. Ngumiti lang ito ng may kayabangan.

"One of my classmates is teaching me how to speak Tagalog because the other kids are making fun of me." Bahagyang nalungkot si Ella dahil sa sinabi ng bata. Nakita niya rin ang lungkot na panandaliang dumaan sa mga mata ni Ethan.

"Did you tell your Mom?" Tanong niya dito na iling lang ang isinagot ng bata.

"I don't want her to worry." Natinag ang puso ni Ella sa sagot ni Ethan. Sa murang edad nito ay napaka-sensitive at napakatalino.

"It's okay. I won't tell your Mom." Kinindatan niya ito, ngumiti naman ang bata sa kanya.

"Thank you, Ate Elle." Sagot naman nito na ubod tamis ang ngiti, ngunit may lungkot sa mga mata nito.

"If you want I can teach you Tagalog whenever I am not working." Pinasigla niya ang boses para naman sumaya si Ethan. Nanlaki ang mga mata nito sa tinuran niya.

"Really Ate?" Tumango siya dito at tumayo ng tuwid. Inilahad niya ang kamay sa bata at mabilis naman itong humawak sa kamay niya.

"Yes. But there's one thing you need to do." Panimula niya. Kumunot ang noo ng bata, naghihintay ng idudugtong niya. "You hold my hand and do not leave my side or sight. If you need to go somewhere or do something, you gotta let me know. And lastly, let's have some fun. Okay?" Pagtatapos niya. Ngumiti sa kanya si Ethan, totoong ngiti, at tumango. Sumaludo pa ito.

"Let's go, Ate Ella." Malakas siyang hinila ni Ethan para pumasok sa loob ng arcade. Nakasunod lang naman ang nakangiting driver sa kanila.

Nagpakasawang maglaro si Ella at Ethan sa arcade kung anu-ano ang mga pinaggagawa nila, merong nag-virtual race sakay ng stationary sports car. Nag-motorcross din sila. Nagbarilan, boxing at dance revo pa hanggang sa napagod at naghananp ng ibang malalaro.

"Tito Dean, I want to play that!" Narinig ni Ethan ang matinis na boses ng batang babae sa kabilang bahagi ng isang coin machine na gusto niya sanang laruan.

"You want to play this machine here?" Tanong ng boses lalaki. Hindi narinig ni Ethan kung ano ang sinagot ng batang babae. Naiinis siya kasi ang lakas ng boses nito at ang tinis pa. Nakakasakit sa tenga.

"Oh, what's wrong with you? Why are you wincing? Are you hurt?" Sunud-sunod na tanong ni Carmella kay Ethan. Umiling lang ito.

"Ate Ella, I want to play the coin machine." Sabi niya kay Carmella at dahil pagod na rin ang dalaga sa kung anu-anong laro na ginawa nila kanina, mas piniling pagbigyan na lang ang bata. Hawak ang kamay ni Ethan, umikot sila sa kabilang parte, kung saan banda ang pinakaharap ng machine.

Inabutan niya ng tokens si Ethan para maglaglag na ito nang biglang parang may sirena ng ambulansyang tumunog na halos mabasag ang eardrum nilang dalawa. Napaakap si Ethan sa bewang ni Carmela.

"Tito Deeeeaaaaannnn!" Tili ng batang babaeng nakatayo sa tabi nila. Ethan was shock. Hindi siya makapaniwala na may bata palang kasing lakas nitong tumili na parang sirena ng bumbero, eh kaliit-liit na naman nito.

"Hey! Stop yelling! You're hurting people's eardrum and traumatizing everybody's brain!" Napanganga si Carmella dahil sa pagsigaw din ni Ethan.

Isinira ng batang babae ang bibig nito at ngumuso na parang gustong umiyak. Natigilang nakatitig si Ethan sa batang babae na halos kaedad lang nito. Nakitaan ito ni Carmella ng awa.

"I'm sorry, Princess. I don't mean to yell at you." Paghingi ng paumanhin ni Ethan na sinabayan pa ng pagyukod sa batang babae. Laglag ang panga ni Carmella sa narinig at nakita.

"I-I'm sorry, too." Sagot naman ng batang babae na napayuko din ito na parang napapahiya.

Nagpalinga-linga si Carmella. Hinahanap kung may kasama ba ang bata. Nag-init ang ulo niya dahil parang mag-isa lang ito. Napaka-iresponsable naman ng bantay nito. Gigil niyang naisip.

"Hey, Sweetie. Are you by yourself or are you with someone? Are you lost?" Umiling ito sa kanya at ngumiti. Napatda siya. Parang pamilyar ang ngiti nito, di niya lang maisip kung saan niya nakita.

"No. I was with my Tito Dean. He went over there to get me some tokens." Malambing naman na sagot ito. Aba, ingglisera. Napatango-tangi naisip ni Carmella.

"What is your name, sweetie?" Patuloy na kausap ng Carmella sa batang babae. Kahit na kinakausap nila ito ay may sapat silang distansya mula dito. Mahirap nang mapagbintangan ng kung ano pa.

"I am Brynn. I'm six. I'm going to be seven soon." Nakangiti nitong sabi.

"Hi, Brynn. I am Carmella and this is Ethan." Kumaway si Brynn kay Ethan at ganun din naman si Ethan kay Brynn.

"Hey, princess. I heard you scream. Are you okay?" Tanong ng bagong dating na lalaki. Nanlilisik ang mga mata ni Carmella dito.

"You heard her scream?! Pero ngayon ka lang lumapit?! Eh paano pala kung kidnapper ako?! Eh di kanina ko pa nakuha itong alaga mo!! Ang tanga lang eh 'no?!" Singhal niya sa lalaking bagong dating. Hindi napigilan ni Carmella ang pagtarayan ang lalaking bagong dating.

"Hey! You know what..." Biglang natameme ang lalaki ng makitang nalilisik ang mga mata ni Carmella sa kanya. Yun bang tipong, isang salita pa, ibibitin na ng patiwarik, parang kakain ng buhay.

Napayuko na lang ito at laglag balikat na sumuko. Tatarayan pa sana niya ang babae pero hindi na lang. Maliban sa naunahan siya nito ay may punto naman ang dalaga.

"I'm sorry. You're right. I should have been more careful and watchful of my actions." Paghingi nito ng paumanhin kay Carmella. Para namang siyang napahiya sa paninigaw niya sa lalaki.

"Tito Dean, met my new friends. This is Ethan and she is....." Hindi maituloy ni Brynn ang sasabihin.

"Carmella." Simple niyang pakilala sabay lahad ng kamay niya sa lalaki.

"Hi. I'm Dean. Dean Villafuente." Pakilala naman nito. Nagkamayan sila.

"Hi. Carmella Tanaka." Sambit ng buo niyang pangalan.

"Hey, Princess. Can we just wait till they get done with their turn?" Tanong ni Dean sa bata. Nag-isip ito sandali. Kilala niya si Brynn, hindi ito basta-basta nagse-share kahit kanino, kahit sa kanya pa, kaya medyo naaalarma na siya sa maaaring gawin ni Brynn.

Tinitigan ni Brynn si Ethan, ganun din ang ginawa ni Ethan kay Brynn. Mukhang nagsusukatan ng tapang ang dalawang bata. Kinakabahan si Dean kasi kilala niya ang Prinsesa ng kanyang bestfriend. Home schooled/chartered school ito at hindi sanay na may ibang bata at kung pumupunta ito sa campus ng eskwelahan nito ay one on one with the teacher ang setup nila.

Ang kaninang galit na nararamdaman ni Carmella ay napalitan ng pagkabahala. Hindi pala-away si Ethan pero parang namang kakain ng buhay ang batang babaeng kaharap nito, ang sama makatingin. Kailangan niyang maka-isip ng paraan dahil maging ang Tito ng batang ito ay parang natuklaw na ng ahas.

"Uhm... Baby Girl, what is your name?" Tanong ni Ella uli dito, kahit na alam na niya ang pangalan ng bata. Hindi man lang sumagot o tumingin sa kanya.

Napansin niya ang pagkamot nito ng kilay na parang napipikon. Napatda si Ella, iisa ang ang kilala niyang may ganyan na mannerism, ang Ate Brianna niya.

"Uhm... Hey, little guy. What about you? What is your name." Tanong ni Dean. Sasagot na sana si Ethan nang maalala niya ang sabi ng mommy niya, don't give your name to a stranger.

Nagulat na lang pareho si Dean at Carmella ng ilahad ni Ethan ang kanyang kamay sa harap ni Brynn.

"Hi, Princess. I'm E..." Hindi na naituloy pa ni Ethan ang muling pagpapakilala sa sarili.

"My name is not Princess. I am Brynn, remember?" May pagkamataray na sabi ni Brynn. Kinuha nito ang kamay ni Ethan. "Nice meeting you, again." Dugtong pa nito na ngumiti na rin ng pagkatamis-tamis labas ang bungal nito na tinutubuan na ng permanent tooth. Napabuntong-hininga si Ethan. Gumanti na rin ng ngiti kay Brynn.

"I'm sorry, Brynn." Malambing na paghingi ni Ethan ng paumanhin kay Brynn. "You wanna play first?" Tanong niya dito. Tumango naman si Brynn sa kanya at ngumiti na uli.

"Yeah, but I don't have any tokens, my Tito Dean doesn't have my tokens yet." Nakasimangot nitong nilingon ang Tito Dean nito.

"It's okay. I'll share my tokens with you then when your Tito is done getting the tokens for you, then we can play more." Namangha si Dean sa paraan ng pagsagot ng bata. Napangiti siya at napaisip. Matalinong bata. Kung hindi niya lang alam na bata ito baka isipin niyang matanda na ang kausap ni Brynn, mature nang magsalita.

Tinitigan niya ito ng mabuti. Kung hindi niya lang talaga alam na namatay na ang anak na lalaki ni Siege ay iisipin niyang anak ito ng kaibigan dahil laki ng pagkakahawig nito sa kaibigan. Sa kulay ng balat, hugis ng mga mata, sa nag-iisang dimple nito, yun nga lang sa kabilang pisngi naman ang kay Ethan. Napapailing na lang siya.

"Thank you." Matipid na sagot ni Brynn. Ibinigay ni Carmella ang cup na hawak niya kay Ethan at hinayaan ang dalawang bata na maglaro sa coin machine.

Napapangiti siya sa tunog ng hagikhik mula kay Brynn. Tuwang-tuwa ito sa tuwing maghuhulog ng token sila ni Ethan ng token sa coin slot ng machine, tapos gugulong itong pababa doon sa slide tapos dadaan sa mga pegs na parang pinball at babagsak sa kumpol ng iba pang tokens at itutulak ito ng sliding bar at kung matsambahan mo at maitulak ang malaking kulumpon ng tokens ay babagsak ito coin holder sa baba. Napapatalon pa si Brynn sa tuwa sa tuwing mangyayari yun.

Maging si Dean ay namangha sa nakikita niya. Parang matagal nang magkakilala ang dalawang bata. First time niya itong nasaksahina. Kadalasan kasi ay hindi ito basta-basta nakikipaglaro o nakikihalubilo sa ibang mga bata. May ganito di naman sa California. Katulad na lang ng Adventure Park, Chuck E. Cheese's, John's Incredible Pizza, para sa mga bata at Dave & Busters naman para sa mga big kids (teenagers). Meron ding Playland Arcade, tapos meron ding arcade sa loob ng Disney's California Adventure, Knott's Berry Farm, Six Flags Magic Mountain at marami pang ibang maliliit na arcades sa mga malls. Pero hindi nakitang nakihalubilo si Brynn. Suplada si Brynn at sanay na siya dito, pero iba talaga ngayon? Masama mang pag-isipan ng masama ang mga bata, feeling niya may crush itong dalawa sa isa't isa. Napailing siya.

"Yeey! We are getting more coins!" Napapalundag pa ito sa saya. Laglag ang panga ni Dean sa tuwang naririnig niya mula kay Brynn.

"Ate Ella, I'm almost out of tokens." Pagpapaalam ni Ethan sa dalaga.

"Okay, Mr. Handsome, let me get you some more." Sagot ni Carmella. Tatalikod na sana siya nang hawakan ng binata ang braso niya. Napatingin siya doon, nakataas ang kilay. Para namang napaso ang lalaki at binitawan kaagad ang braso niya.

"Uhm.. Let me do it." Maikling sabi ni Dean sa dalaga at tumalikod na ito na hindi man lang hinintay ang sagot niya.

"Mabuti at nakahalata?" Pagbubusi niya. Tinanaw ang papalayong lalaki.

Pinagmasdan niyang maigi ang paglakad nitong puno ng kompyansiya pero hindi mayabang ang dating. Puno ng otoridad pero hindi hambog. Napatda siya at dali-daling hinarap ang mga bata ng biglang lumingon is Dean sa direksyon nila.

Kinabahan na bigla ang dalaga. Ang tanga mo Carmella Joy Tanaka. Nakakahiya ka! Baka sabihin na lang niya na tinititigan mo siya! Kastigo niya sa sarili. Gusto man niyang lumingon uli ay pinilit niyang hindi na. Itinuon na lang paningin sa dalawang bata.

Bago pa marating ni Dean ang counter ay lumingo siya, ramdam niya kasi na parang may nakamasid sa kanya at yun nga ang nakita niya. Nakatitig sa kanya si Carmella at mabilis na binawi ito.Napangiti siya. Hindi makakailang nagagandahan sa dito.

Maliit lang ito kung height ang pag-uusapan pero may porma itong hindi pwedeng ipabalewala. Mataray man itong tingnan na bumagay sa taglay nitong ganda pero nandun ang lambing. Simple lang ito pero classy. At gago ka na lang Dean kung hindi mo hihingiin ang number niya! Napailing siya sarili. Para siyang tanga sa kanyang iniisip.

Nawala na ang pogi points niya mula pa kanina dahil totoo naman ang sinabi nito na pabaya siya. Ipinilig na lang niya ang ulo dahil sa kung ano-anong naiisip. Mabilis na kinuha na ang isang maliit na balde na may lamang tokens na binili niya. Bumili na rin siya apat na boteng tubig para sa kanilang apat.

"Ate Ella, do you have some more of the tokens?" Tanong ni Brynn kay Carmella. Hinila nito ang laylayan ng t-shirt niya. "Kuya Ethan don't have any of it." Malambing na sabi nito. Ngumiti siya dito.

"I think your Tito went and got you some." Sagot niya sa bata. Bahagya pa siyang nagulat nang biglang tumikhim si Dean sa likuran niya.

"Wow! Another bucket of tokens?!" Namamanghang sabi ni Ethan ng makita nito ng maliit na baldeng iniabot sa kanila ng binata. Kinuha yun ni Ethan.

"Here, Brynn." Akap-akap ni Ethan ang balde habang inaabutan niya ng isang dakot na tokens si Brynn.

"Thank you, Kuya Ethan." Nagulat si Dean sa tawag ni Brynn sa batang lalaki. Nilingon niya ang dalaga. Bahagya lang ngumiti si Carmella sa kanya.

"You're welcome., Princess." Sagot naman ni Ethan. Nagkatinginan uli si Dean at Carmella.

"Yan din ang tawag niya kanina kay Ethan bago ka bumalik." Mahinang sambit ni Carmella na halos pabulong.

"Really? Wow. And I thought Daddy's little Princess is having a crush on that little gentleman with a dimple." Mahinang tawa niya. Napailing siya.

"I was thinking the same thing. too. Hindi naman kasi palakaibigan yang batang yan, lalo na sa mga batang babae. Iisa lang ang kaibigan niya. Naiwan pa sa Japan." Wala sa isip na kwento ni Carmella.

Tahimik lamang na tatango-tango si Dean. Hinayaan na lang nila sa paglalaro ng dalawang bata. Panaka-naka silang nag-uusap habang pinapanood ang mga ito.




SA loob ng grocery, sa kabilang panig ng mall, busy sa pamimili si Brielle ng mga kakailanganin nila sa loob ng isang linggo, lalong-lalo na ang pambaon ni Ethan sa school. Kahit morning ang bata, hindi niya naman pwedeng hindi padalhan ng packed lunch ang anak. Hindi niya alam kung my time pa bang makakain ang anak niya dahil sa bilis ng oras na nakalaan para sa lunch break.

Nasa pinakadulo na siya ng mga de lata papuntang frozen section at meat section nang biglang may tumulak sa kanya.

"Ouch!" Mabuti na lang at mabilis siyang napahawak sa handle ng kanyang shopping cart. 











--------------------
End of SYBG 17: Tokens

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
02.03.24

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro