SYBG 16
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Fear"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
LUMAPAG na ang eroplanong sinakyan nila Siege ng halos alas siete na nang gabi. Dadaan pa sila ng immigration at panigurado pagkatapos ng mahabang pila ay gutom at pagod na itong prinsesa niya. Lalo pa't halos kalahati ng biyahe nila ay walang ginawa ang anak kundi ang umiyak. Hindi niya maintindihan kung sa sobrang excitement ba o sa lungkot na dala ng hindi niya pagsagot sa tinuran nito na parang sirang plaka na nagpapabalik-balik sa kanyang isipan.
"Daddy, do you think they would like me?"
"Daddy, do you think they would like me?"
"Daddy, do you think they would like me?"
"Daddy, do you think they would like me?"
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Hindi niya yata kakayanin ito, pero hindi naman niya kayang bawiin pa, nandito na sila sa Pilipinas.
Nang sa wakas ay natapos sila sa immigration ay dumaan muna si Amanda sa in-house convenient store para ibili ng tubig at makakain si Brynn. Matapos ay dumiretso na sila sa baggage claim. Kumalma na ngayon ang bata dahil siguro nakakakilos na ito ng libre. Paikot-ikot lang si Brynn sa baggage cart hanggang sa nakita na nila ang kanilang mga bagahe.
"Ayos ka lang ba, bro?" Tanong ni Dean sa kanya na tinanguan lang niya. Nasa anak niya ang kanyang mga tingin. Ayaw niyang mawala sa paningin niya ang bata.
"Oh, Daddy! Look! There's my little luggage!" Matinis na sigaw ni Brynn. "Daddy! Daddy! I want Mr. Fluffy, please." Napalitan ng ngiti ang lungkot sa mga mata ni Brynn. Natuwa naman siya agad kaya hindi siya nagdalawang isip na buksan ang na pinaglalagyan ng kanyang mga stufff toy. Nalungkot si Brynn dahil wala luggage na yun ang si Mr. Fluffy. Nag-umpisa nang lumungkot muli ang mga mata ng anak.
"Ma!" Pagtawag niya sa pansin ng ina. Natataranta siya. Knowing her daughter, maya-maya lang ay iiyak na ito, at ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak ito, katulad ng ayaw niyang makitang umiiyak si Brielle noon.
"Bro, relax." Saway ng kaibigan sa kanya. Hindi ito singaot ngunit tinapunan niya ng matalim na tingin.
"Ano yun, Timothy?" Parang balewala nitong tanong sa kanya. Napalingon siya sa ina. Mabuti na lang dahil gusto na niyang tuktukan si Dean. Ang kulit!
"Ma, I need Mr. Fluffy McFluff!" Mataas na tonong sabi niya. Napailing si Margaret sa pagkakataranta ng anak. Napatawa ng mahina si Aaron habang napapailing na lang si Dean sa kaibigan.
"Eto lang pala ang makakapagpawala sa sarili mo, Siegfried, ang aking apo." Natatawang pang-aasar ni Aaron sa anak.
"Alam n'yo bang mukhang tanga na nga yan sa eroplano pa lang, Tito Ron." Natawa ng malakas si Aaron sa komento ni Dean tungkol sa anak. Parang siya lang noong bata pa si Siege na kapag ngumiwi lang ito ng konti ay natataranta na siya kaagad. Kagaya ng ngayon kay Brynn at Siege.
"Mom, please. I don't know where it's at." Pambabalewala ni Siege sa ama at kaibigan. Sa kanyang ama ay wala siyang magagawa, pero sa kaibigan, humanda ito mamaya. "I put it here when I packed all her favorite stuff toys." Natataranta at naiinis na sabi ni Siege.
"Hijo, nasa roll-away ng Daddy mo si Mr. Fluffy." Malambing na sabi ng kanyang ina, natatawa rin. Mapabuga siya ng hininga. Ilang beses pa ba siyang mauubusan ng pasensiya para sa sarili? Madali siyang ma-frustrate kapag ang anak na niya ang sangkot. Ayaw niya kasi itong nalulungkot, nasasaktan o nag-aalala.
Kinuha ni Aaron ang rainbow bunny mula sa roll-away at ibinigay sa apo. Ngumiti naman ito ng pagkatamis-tamis.
"Susmaryosep! Kung makapag-panic itong tatay mo parang babaeng nawawala sa sarili." Komento ni Dean na parang parinig ang dating. Tinapunan siya ng nakakamatay na tingin ni Siege. Natawa ang mga magulang niya sa sinabi ng binata. Inirapan niya si Dean at hinarap ang anak at ngumiti dito. Napahalakhak si Dean sa ginawa ng kaibigan. "Hindi bagay sa 'yo, Bro." Dugtong pa nito na hindi na niya pinasin pa.
Thank you, Lolo." Pasasalamat ng bata. Tahimik na itong tumayo sa tabi ng daddy niya habang pinanonood ang mga taong paroo't parito sa harapan at likod nila at ang pagdaan ng iba't ibang bagahe sa conveyor.
Para namang naaaliw ang mommy niya na pinanonood ang prinsesa nila. Isang ikot pa at lumabas na rin ang huling bagahe nila, ang kahon na naglalaman ng karamihan sa kanilang damit. Kinuha ni Siege at Dean ang kahon. Sa Tulong ni Aaron na hawak ang luggage cart, nailagay nila ng maayos ang kahon at inilagay ang isang maleta sa harap nito at ipinatong ang inang maleta sa taas ng kahon.
"Let's go, baby. Let's leave Tito Dean behind. He can walk home." Aya niya sa anak niya at tinalikuran ang makulit na kaibigan dahil baka masuntok niya lang ito. Mabilis namang humawak si Brynn sa kamay niya at sumabay sa kanyang paglakad. Sumunod na sa kanya ang mga magulang at kaibigan.
"Aaron, may sasakyan bang naghihintay sa atin o maghihintay pa tayo ng taxi sa labas?" Tanong ni Margaret habang nakasunod sa anak at apo habang si Aaron at Dean naman ay nasa likod nito tulak ang dalawang airport carts.
"I called Jay to lend us one of their service vans. He will be having his wife's cousin drive us to the hotel for now." Sagot niyang hindi lumilingon sa ina.
"Hotel? Why hotel" Why can't we just go home?" Tanong ni Margaret. Huminto muna si Siege para harapin ang ina.
"Mom, I'd rather have us in the hotel muna. Ayokong may makakaalam na nakabalik na tayo. I had Jay investigate the accident. He had told me that there was a woman that came to the house and spoke to one of the guards not too long ago." Hindi niya inilihim sa mga ito ang kutob niya. Kaya bago sila sumakay ng eroplano ay nakatawag pa siya sa kaibigan at yun nga nalaman niya.
"Seriously?!" Salubong ang kilay na sambit ni Margaret. Nakakatakot naman yan." Dugtong pa nito.
"Sabi naman nung guard na kinausap niya, mukha naman daw mabait yung babaeng pumunta at naghahanap sa atin, pero nag-alala na daw sila kasi hindi lang daw yung babaeng yun ang pumunta at naghanap sa inyo, meron pang mga nauna pa. May mga nahuhuli silang nagmamasid daw sa bahay paminsan-minsan." Dugtong pahayag ni Siege.
"Kung ganun, doon na natin pag-usapan yan sa hotel. Nakakaabala tayo ng mga tao. And plus, I am starving." Saway ni Aaron sa mag-inang nakaharang sa gitna ng daanan ng ibang mga paseherong palabas na rin ng airport.
Luminga-linga si Margaret at napatawa dahil totoo nga, nakaharang nga silang mag-ina sa dadaanan ng iba pang mga pasahero. Tipid na ngumiti si Margaret sa mga ito at bahagyang yumukod, bilang paghingi ng paumanhin. Nagpatuloy na sa paglalakad silang lahat palabas ng airport.
Nang makalabas na ay sinalubong sila ng mainit na klima ng Pilipinas. Hinubad ni Siege ang sweater ng anak at iniipit iyon sa roll-away niya. Inilibot niya ang tingin sa labas. Hinahanap ang pamilyar na mukha ng kaibigan pero hindi niya nakita. Maaaring na-late ito lang ito. Narinig niya kasi na sobra na ang traffic dito sa Pilipinas lalong na at airport ito. Nagulat si Siege nang may tumawag na sa pangalan niya.
"Timothy?!" Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Nakita niya ang isang matangkad at morenong lalaki. Tinatantiya niya ito. Hindi niya kilala ang lalaki pero parang pamilyar ito sa kanya. "I'm Ramon. Jay sent me to drop of this cars for you." Dugtong pa nito.
"Cars? I thought he'll be loaning me a van." Napakunot siya ng noo. Van ang hinihiram tapos mga kotse ang ipinadala? Mukhang pang puro brand new.
"Yah, he knows. but Tito Paul insisted na siya na ang mag-provide ng kotse para sa iyo." Sinilip ni Siege ang tatlong kotseng nakahilira sa likod ni Ramon. Pare-parehong Dodge Dart.
"Three? Dalawa lang pwede na ah." Natatawa niyang turan. Natawa rin lang si Ramon.
"Yung itim na nasa pinakalikod ang para daw sa inyo, yung blue naman daw ang para sa parents mo at ito namang silver ay para kay Mr.Villafuente, padala ng mga magulang niya." Nilingon ni Siege si Dean.
"You told your parents we are coming home?" Magkasaslubong ang kilay na tinanong ang kaibigan.
"Not you guys. I told my mom I am coming back to the Philippines to take care of some stuff." Simple nitong sagot. "And why won't you let my Mom and my Dad know na babalik na kayo dito?" Balik tanong nito sa kanya. Napahugot siya ng malalim na paghinga. Hindi siya sumagot.
"Sir, not to disrespect any of you. It is better na walang gaanong nakakaalam na nandito kayo dahil hindi maganda ang labas ng aming imbestigasyon." Mabilis na lumingon si Siege kay Ramon.
"You know?" Tanong niya na halos hindi makapaniwala. Tumango lang si Ramon bilang sagot sa kanya. Maya- maya lang ay may dalawa pang lalaking lumabas mula sa dalawang kotse.
"Sir Timothy, this is Angelo, Jay's brother-in-law and Christian, Angelo's brother. They are both detectives and part-timers.." Pakilala ni Ramon sa dalawa kay Siege.
"Hi. Siegfried Scott." Pakilala niya s sarili, sabay lahad ng kamay. "This is my princess, Brynn." Pakilala niya sa anak. Kumaway naman ang anak sa tatlong lalaki. "This are my parents, Aaron Scott and Margaret Alvaro-Scott, and that's Dean Villafuente, my bestfriend." Pagpapatuloy niya.
"Jay wanted to meet with you sa Lumang Bahay kung okay lang daw sa inyo. Tito Paul was hoping na makasalo niya daw po kayo for dinner before they go back to New York next week." Dugtong pa ni Ramon. Tahimik lamang ang dalawang detective. Nakatingin lang sa kanila si Dean at Siege.
Nag-usap-usap pa sila ng konti at napagkasunduan kung kelan sila bibisita sa Lumang Bahay ng mga Richardson. Ilang saglit pa ay nagpaalaman na sila. Nakita nila ang isang puting van na sinakyan nila Ramon, Angelo at Christian. Kumaway ang mga ito sa kanila at umalis na.
Inilagay ni Aaron ang mga gamit nilang mag-asawa sa asul na Dodge Dart at ganun din ang ginawa ni Siege para sa kanilang gamit ni Brynn. Inilagay niya ang karton na pinaglagyan ng iba pa nilang gamit kanyang kotse. Si Dean naman ay sumakay na kotse nito para umuwi muni sa bahay nila habang sila Siege ay diretso sa hotel.
Napagod ang mga Scott sa biyahe ka napagpasiyahan na lang na pagpa-room service dahil pare-pareho na silang gutom. Plano nilang magpahinga ngayon at buong araw ng Sabado. Linggo na lang sila lalabas para diretso sa lumang bahay ng mga Richardson.
Pagkatapos nilang kumain ng late lunch ay nagkanya-kanya na sila ng higa. Kanya-kanya nang tulog. Tumabi si Brynn sa kanyang amaat natulog na rin.
"AAAAAAHHH!" Isang nakakatakot na pagyanig at tunog ng mga nayuyupi at napupunit ng mga lata at pagkabasag ng mga salamin ang naririnig.
"Brielle! Hold on, babe. Your seat belt, babe" Sigaw niya sa kanyang asawa.
Hinila ni Siege ang seatbelt ni Brielle para masigurong naka-lock nga ito habang pilit na itinutuwid ang takbo ng kotse nila. Namamanhid ang kanyang braso na parang wala itong lakas kaya kahit na anong pilit niyang gawin na pagkontrol ang takbo ng sasakyan ay hindi niya magawa ng maayos.
Isang malaking truck ng semento ang mabilis na tumatakbo at nawalan yata ng control ang tumama sa kanila. Isinasad sila ng truck na ito sa nakausling sementong center divider ng Expressway sa may bandang Bicutan Exit habang papunta sila ng Makati galing ng Parañaque.
"Babe, I'm holding on. Kaya natin to, babe." Sagot sa kanya ng asawa.
Nakuha pa niyang hugutin ang isang throw pillow na nasa likuran ng upuan ni Brielle at kahit na parang hirap na hirap na siyang ikontrol ang sasakyan na minamaneho dahil sa bigat ng nakatagilid na truck na tumama sa kanila ay pilit niyang binigay kay Brielle ang throw pillow at puno ng pagmamahal niyang tinitigan ang lumuluhang asawa, nginitian niya lang ito.
Maaaring mabilis ang takbo ng truck na siyang naging dahilan ng malakas na momentum kung kaya tuluy-tuloy ang pag-i-slide nito na isinama ang kotse nila sa pagsadsad ng kotse sa barrier.
"Cover up your belly, babe, please! And hold on tight! I love you, babe, always remember that. I love you!" Yun na yata ang pinaka mahirap, pinaka masakit at pinaka huling nasabi niya sa kanya ng asawa. Nilingon ang natatakot na asawa.
Nakita niya sa gilid ng kanyang paningin ang mabigat na bagay na humapas sa windshield sa harapan niya at tumama sa kanyang ulo na dahilan para panlalabo ng kanyang paningin.
Ang huli niyang natatandaan ay nawalan ng lakas ang kanyang buong katawan. Pagkatapos nun ay ang matinding sakit sa gilid ng kanyang ulo. Alam niyang nawawalan na siya ng control sa kotse. Malabo ang kanyang paningin at namamanhid ang kanyang mga daliri. Hindi na rin niya kayang idilat pa ang kanyang mga mata. Nagpa-panic na siya.
"Hindi ito pwede." Usal niya.
"Siege! Siege! Sieeeeeggge!" Yun na lang ang huli niyang narinig bago dumilim ng lubusan ang lahat. Ang kasunod niyang nakita ay ang puting kwarto at iba't-ibang tubo at ang matinis na beeping ng mga aparatus.
Pawisang nagising si Siege, maghahatinggabi na. Napuno ng hindi maganda ang kanyang panaginip. Malinaw niyang nakita ang magandang mukha ni Brielle at maliwanag ang pagsambit nito ng kanyang pangalan. Right there at that moment, napagdesisyunan niya na bumisita sa bahay ng mga Villasis.
Hindi na nakabalik pa sa pagtulog si Siege. Inasikaso na lang niya ang gamit nilang mag-ama. Isa-isang inilagay ang mga damit ng anak sa drawer at ini-hanger ang ibang damit sa closet. Tahimik niya itong ginagawa ng bumukas ang kwarto ng suite nilang mag-ama.
"Hindi ka rin ba makatulog?" Tanong ng Daddy niya sa kanya. Napalingon agad si Siege dito pero panandalian lang at ibinalik din kaagad ang paningin sa kanyang ginagawa.
"How are you holding up?" Malumanay na tanong ng ama. Umupo ito paharap sa kanya.
"Dad, ang hirap pa rin." Matapat niyang sagot dito sa mababang boses.
"I can't imagine how it is but I can feel your pain." Turan ni David. Ang tanging mahal sa buhay ni David na pumanaw ay ang mga magulang na matatanda na nung mawala ang mga ito. Handa na siya doon kahit papaano.
"Napaniginipan ko na naman ang aksidente namin, pero ngayon mas malinaw ang mga nakita ko. Malinaw ang mga salita, tunog sa paligid, ang mganadang mukha ni Brielle na kahit puno ng takot, kitang-kita ko ang walang kapantay na pagmamahal sa mata niya." Tumul oang luha ni Siege. Lumipat si Aaron sa tabi niya.
"Cry it out, son. You need to do it." Pag-inganyo niya dito. Naramdaman na lang ni Aaron ang pagyugyog ng balikat ni Siege.
"Dad, I really miss my wife. I want to hold her. I want to hug her. I want to kiss her pero hindi ko magawa dahil wala na siya, Dad." Mas lalo pang humagulgol ng iyak si Siege.
Kinabig ni Aaron ang anak ay niyakap, nakiiyak na rin siya. Di niya mapigil ang mga luha, awang-awa siya dito. Hindi na alam kung ano ang gagawin para kay Siege. Hinayaan lang ni Aaron na umiyak ang anak sa kanyang balikat. Kailangan nito ang umiyak paminsan-minsan.
KINABUKASAN, tirik na ang araw ng magising si Margaret. Wala si Aaron sa kanyang tabi at tahimik ang buong hotel suite nila, napakatahimik. Tumayo siya at isinuot ang roba tsaka lumabas ng kwarto. Walang katao-tao sa maliit na sala ng suite nila. Walang ring tao sa kusina.
Tinumbok niya ang kwarto ng anak na nasa kabila lang ng kwarto nila. Hindi naka-lock ang pinto kaya pinihit niya ang siradora at pumasok. Napahawak siya sa dibdib ng makita ng porma ng kanyang pamilya. Masaganang tumulo ang kanyang mga luha.
Tahimik na naglalaro ng mga stuff toys ang kanyang apo sa ibabaw ng kama habang tulog ang mag-amang magkatabi sa dulo ng kama. Diyos ko! Ano bang nangyari sa mag-ama ko kagabi at ganito ang porma nila?
"Brynn, baby, do you know what happen to daddy and Lolo?" Pabulong niyang tanong sa apo.
"Sshhh!" Sabi naman ng apo. "I don't know Lola, but when I woke up, Lolo was here already and they are both asleep there." Sagot naman nito na patuloy lang sa paglalaro.
Inilibot ni Margaret ang paningin sa buong kwarto. Nakabukas ang mga roll-away at maleta at ang karton na pinaglagyan ng iba pa nilang gamit. Nakabukas din ang mga drawers ng dresser na may mga nakasalansan na damit at bukas ang pinto ng closet na may konting naka-hanger na.
Napangiti siya. Maaaring matagalan pa sila dito sa hotel na ito, mas mabuti sigurong tawagan niya ang abogado nila para ipaasikaso ang mga papeles na kakailanganin niya para sa paglilipat ng ownership ng hotel na ito sa pangalan ng anak. Mukhang okay na si Siege dahil nakaya na nitong bumalik dito ng walang problema.
"Come here, apo. I'll give you a shower so we can go downstairs to the restaurant." Pag-aya niya sa bata. Tumayo naman ito ng dahan-dahan para sumunod sa lola niya.
Kumuha muna ng underwear ni Brynn si Margaret sa isang bukas na drawer. Sumilip siya sa loob ng nakabukas na closet, nakita niya na marami nang damit na nakasabit doon. Napangiti naman siya't nilingon ang kanyang mag-ama. Hindi siguro makatulog ang mga ito kaya inilabas ang mga gamit hanggang sa inabot na lang ng antok. Napailing na lang siya kinunan ng damit ang apo.
Nang matapos mapaliguan ang bulilit na prinsesa, mabilis na binihisan ang bata at nagbihis na rin siya. Maya-maya at lumabas na ang maglola para bumaba na sila restaurant na nasa loob ng hotel. Nag-iwan siya ng note para hindi maghanap ang mag-ama niya. Hinayaan niyang makatulog ang mga mukhang puyat na kung saang disco nanggaling yung dalawa.
"Lola, are we going to bring food for Daddy and Lolo later?" Tanong ni Brynn sa kanya.
"Yes, baby and we can go to the mall maybe later or tomorrow." Sabi niya sa apo sabay ngiti. Huminto sa paglalakad si Brynn kaya napahinto din siya. "What happen, apo ko?" Tanong niya.
"Lola, are we not going to bring Lolo and Daddy with us? They are going to be sad." Nakangiti siya sa tinuran ng apo. Malambing na bata talaga itong si Brynn. Manang-mana sa ina. Manang-mana kay Brianna.
Na-miss niya tuloy ang manugang. Tumikhim siya dahil alam niya na iiyak na naman siya. Minahal niyang tunay ang manugang kaya masakit pa rin hanggang ngayon para sa kanya ang wala sa oras na pagpanaw nito ng dahil sa isang aksidente.
Tumahip ang dibdib niya ng may nakita siyang kakilala. Nataranta siya, hindi alam kung saan susuling o magtatago. Ayaw niyang makita siya ng mga ito. Mabilis ngunit maingat na hinila ang apo. Mabuti na lang at hindi ito mahirap mapasunod sa kanya.
"Lola, what happen? I thought we are going to eat?" Tanong ni Brynn sa kanya. Nataranta siyang lalo. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa apo.
"Uhm.... Aah..... I ah... I forgot something in the room, Baby. Let's go back really quick." Ginamit na lang ni Margaret ang service elevator. Nasalubong niya ang manager na nagra-rounds ngayon.
"Carl! Carl! Halika rito." Tawag niya ng pansin dito.
"Ay, Ma'am Margaret. Kayo po pala." Bati nito sa kanya. "Bakit nandito po kayo sa service elevator?" Tanong nitong may pagtataka.
"Ssshhh! Wag kang maingay. Kapag may naghanap sa amin, kahit na sino, wag nyong sasabihin na nandito kami." Bilin niya dito. Salubong ang kilay na tumango.
"Yes po, Ma'am. Makaka-asa po kayo." Nalilito man ay sumagot ng tapat si Carl. Hindi niya pwedeng biguin ang kababalik lang na amo. Malaki ang utang na loob niya sa mag-asawang ito.
"If they come here again, call the security or call the police." Turo nito sa dalawang nilalang na ngayon nakaupo sa pinakadulo ng restaurant. "But right now, let them finish what they ordered. Make them pay in full for what they ordered and if they don't call the security. Then give Attorney's number to the cops." Bilin niya dito, tumango naman ito sa kanya at tumalima na. Pumasok na silang maglola sa naghihintay na service elevator.
Panahon na nga na ilipat niya ang pagmamay-ari ng hotel na total nabili na niya ang 100% stocks nito na inihati niya sa dalawa ng walang nakakaalam maliban sa abogado niya. 50% sa pangalan nilang mag-asawa at 50% sa mga Villasis, ganun din ang lima pa nilang hotel mula Manila hanggang Makati. Maging ang dalawang hotel sa Palawan, sa Davao, Iloilo, Bacolod at ang pinaka huli sa Bohol.
Tatanggalan na niya ng karapatan ang mga taong yun sa lahat ng merong access ang mga ito. Unang-una na sa financial ng kompanya nilang mag-asawa. Wala namang may nakakaalam na buo na ang pag-aari nila sa mga hotel sa ito. Ang alam lang ng lahat ay isang maliit na kompanya lang ang pag-aari nila. Panahon na para mabawi na niya ang mga nawala sa mga magulang niya bago pa man sila pumanaw na mag-asawa para maibigay nila ito kay Timothy Siegfried at Athena Brynn. At ang parte ni Brianna Marielle at Ethan Timothy ay maiiwan sa pamamahala ng mga Villasis. We need to find you, Balae.
Nakarating na siya sa harap ng suite nila. Bago pa man niya mapihit an siradura nito ay nagulat pa sa biglang pagbukas nito.
"Mom? Where have you two been?" Nag-aalalang tanong ng anak sa kanya.
"Ay sus na bata ito. Kakain sana kami sa restaurant sa baba, pero may nakalimutan ako." Pabalewala niyang sagot sa anak. "Nasaan ang Daddy mo?" Dugtong pa niya.
"In your room." Sagot niya at tingnan ang anak. "Ginising n'yo sana kami ni Daddy para sabay-sabay na tayong bumaba." Dugtong pa ni Siege sabay hila kay Brynn na parang akala mo ay itinakas ang anak sa kanya.
"Umayos ka nga, Timothy! Kung makaasta ka ay parang nanakawan ka ng anak." Magkasalubong na ang kilay niya. Hindi siya natutuwa ibinungad ng anak sa kanya. "Nanay mo ko 'no! Wala ka bang tiwala sa akin?!" Singhal niya dito na may himig himanpo.
Napabuga na lamang ng hangin si Siege. Mali nga naman ang bungad niya. Masyadong siyang paranoid. Paanong hindi? Eh bago pa sila umalis ng California, hindi maganda ang ibinalita ni DJ sa kanya.
Tinalikuran niya ang anak at tumuloy sa kwarto nila ng asawa niya.
"Mahal? Mahal." Tawag niya dito.
"Nandito ako, nagbibihis." Sagot naman nito. Nanggaling sa loob ng closet ang boses nito. Nagtaas ang kilay niya. Ano ang ginagawa nito sa loob ng closet? Naisip niyang hindi na naisatinig.
"Mahal, guess who I've seen down in the restaurant." Sambit niya. Sumilip naman ang asawa mula sa closet.
"Who?" Tanong nito na parang kinakabahan. Isinasalamin ng mga mata niya ang kabang nakikita sa mata ng asawa.
"The Regalados" Mabilis niyang sagot. The washed over Aaron's face.
"What?!"
--------------------
End of SYBG 16: Fear
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
02.01.18
Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro