Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SYBG 12




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Home"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍






"OH, bakit ngayon lang kayo? Do you plan to starve your daughter till she's skin and bones?" Bungad sa kanila ng kanyang ina pagpasok na pagpasok pa lang nila sa kabahayan. Halatang inaabangan sila nito at basta na lang itong tumalikod patungong kusina.

"Mom, calm down. We're here now, okay." Hinalikan niya sa noo ang ina ng maabutan niya ito sa bungad ng kusina at tinapik sa balikat ang amang nakatayo lang sa tabi nito.

Nakahalukipkip si Margaret at masama ang tingin sa kanya. Nginitian lang niya ng matamis ang ina. Ganito naman ito palagi eh. Nagtatampo lang ito dahil pinaghintay nila.

"You know how Freeway 10 is, it's late and everybody wants to get home as soon as they can kaya ang traffic." Pagrarason para naman mapatunayan lang na may ang kanilang pagka-late.

"Nasaan si Dean?" Tanong ng ama niya para maiba ang topic. Tinuro niya ito at si Ryelee.

"I also invited Ryelee for dinner. Late na kasi kaming natapos sa opisina." Ngumiti ang ama at tumango lang ang ina ngunit hindi man lang tiningnan si Ryelee.

Alam ni Ryelee na galit sa kanya ang ina ni Siege dahil nga siguro na ramdam nito ang totoo niyang pakay. Alam na alam niyang hindi ito naniniwala sa kanya na siya ang iniwanan ng asawa. Napayuko na lang si Ryelee, naisip sa sarili. I promise, I'll fix myself and I will get my family back.

"Umupo na kayo habang may konting init pang natitira sa pagkain." mataray na pag-aya ni Margaret sa kanila. "Hoy, Dean Patrick, umupo ka na diyan! Ryelee Blaire, ano pa ang hinihintay mo, pasko?!" Napabuntong-hininga nala ng si Ryelee. Mainiit talaga ang dugo ng Mommy ni Siege sak anya na dati namang hindi.

"Katatapos lang ng pasko kung yan ang hinihintay mo! Umupo na kayo at lumalamig laloang pagkaing pinaghintay nyo!" Mabilis pa silang lahat sa pito ng alas kwatrong uwian na umupo bago pa uli magsalita si Margaret. Umupo na rin si Aaron kabesera, mahirap nang madamay sa init ng ulo ng kanyang asawa.

Tahimik na naghapunan ang mga ito. May mga manaka-nakang tanungan at sagutan maliban doon ay wala na. Tumayo si Margaret para kumuha ng dessert. Isa-isa silang binigyan ng flan na ginawa nito, walang salita, walang kibo.

Nagtataka man si Siege kung bakit tahimik ang ina ay hinayaan na lang niya. Mabuti na rin yun dahil baka masinghalan lang siya. In short. this is not the right time. May tamang panahon para magtanong dahil isa lang ang kapupuntahan nito, magagalit lang itong lalo at madadamay pa ang mga kaibigan niya.

So to spare everyone with the agony of listening to her preaching at this hour of the night,

hihintayin na lang niyang umuwi ang mga kaibigan bago kausapin ang ina. Alam niya kasing may gumugulo sa isip nito kaya parang katulad niya, short fuse din ito nitong mga nakaraang araw.

Natapos na silang kumain. Isa-isa na silang pumunta sa sala para magkwentuhan pa ng konti. Umakyat na rin ang kanyang anak at mga magulang sa taas. Nag-usap muna silang tatlo tungkol sa trabaho. Hindi na uli nila pinag-usapan pa ang mga nangyari ngayong araw, wala naman nang silbi at wala nang dahilan para pag-usapan pa.

Pare-pareho nilang personal na ipinangako sa mga sarili, lalo na ni Ryelee at Dean na hindi na nila pakikialaman ang kaibigan sa personal nitong buhay maliban na lang kung hinihingi nito sa kanila. Hindi rin nila panghihimasukan ang mga plano, desisyon at gusto nito. Napatunayan nilang dalawa ngayon ang tunay na pagmamahal nito sa yumaong asawa at rerespituhin nila yun. Kailangan na lang nilang maging supportive at masaya para kay Siege at Brynn.

"Alam n'yo, nagtataka lang ako. Nasaan si Ray ngayon? Bakit hindi pa rin siya nagpapakita o humingi man lang ng tulong sa ating dalawa kung nasa panganib sila? Isn't it odd, that he didn't even reach out to get help? Natahimik sila panandalian. Nag-isip silang pareho.

"You know what, now that you brought that up, too many questions are now floating in my head." Pinagsalikop ni Siege ang kamay sa baba niya habang nakatukod ang siko sa tuhod, ito ang paborito niyang posisyon kapag nag-iisip. Bakit nga ba?

"I don't know. I thought that you guys be the one he first run to, kaya nga medyo nagmasid muna ako dati bago ako nagpakita, then I change my name after I lead him to Japan." Nahihiyang sagot ni Ryelee.

"Rye, kanino mo nabalitaan na naaksidente kami ni Brielle?" Tanong ni Siege. He is starting to think clearly now.

"It was allon the news." Simple ng sagot ni Ryelee.

"Well, duh.... You were a model before and so was she, that made it to be one of the most talked about tragedies." Deklara ni Dean na may pagmamalaki. Sino ba ang hindi magiging proud sa mga ganitong klaseng kaibigan?

"Yeah, but we only did it once and we never did any of it after that." Sagot naman ni Siege. Hindi siya makapaniwalang naaalala pa rin ng mga kaibigan ang bagay na ito.

"Well, that time maybe pero ngayon, maaaring hindi na nga kayo kilala. To answer your question as to why, I was at my friend's house, she's also Filipina. We were watching one of those Filipino variety show, there was a flash news. That's when I decided to leave and come here and the rest is so ugly to talk about." Kwento niya. Ang hindi niya lang maidugtong ay siya ang umalis, na iniwan niya si Rylan sa isang ranger station. Nahihiya pa rin siya dahil sa mga kalokohan niyang ginawa.

"Baka nga talagang nawawala silang dalawa ni Rylan or worse, they're dead." Wala sa loob na sabi ni Dean. Kunot ang noong nag-isip si Siege. Maging si Ryelee ay napaisip din. Bakit nga ba hindi kumontak si Ray sa kanya?

Matapos ang halos isang oras na kwentuhan, tanungan tungkol kay Ray at Rylan, pinagdiskusyon pa muna nila ang isang event project na kahaharapin sa mga susunod na linggo, nagpaalam na rin ang dalawa na uuwi na dahil pare-pareho nang nakaramdam ng pagod at antok.

Napgkasunduang magkikita na lang sila bukas dito ng maaga pa para mapag-usapan ]ang kahaharapin nilang malaking event na pinirmahan nila noong isang buwan p.

Pagkatapos siguraduhin ni Siege na naka-lock na ang lahat ng pinto at bintana, nagpaalam sa siya sa kasambahay nila na nagliligpit pa at umakyat na rin siya sa taas. Dinaanan niya muna ang kwarto ng anak para silipin ito. Mahimbing na itong natutulog kaya hinayaan na lang niya. Pumasok na rin siya sa kanyang sariling kwarto para magbihis at magpahinga.

Dilat ang mga mata ni Siege na nakatitig lang sa kisame hanggang madaling araw. Wala siyang ibang naiisip kung hindi ang asawa, ang maganda at maamong mukha, ang mapangusap ng mga mata at ang mapang-akit na mga labi nito. Bakit ba parang bigla na lang nagparamdam si Brielle sa kanya. Ano ba ang gustong ipahiwatig ng asawa sa kanya? Nakatulugan na rin niya sa wakas ang pag-iisip sa asawa. He fell asleep with the thought..... I miss you so much, my love.





"DADDY! Daddy!" Binulabog sila ng matinis na boses ng kanyang prinsesa.

Maingay man ito araw-araw ay ikinatutuwa iyon palagi Siege. Sinalubong niya ang magpipitong taong gulang na batang babae na humahangos pababa ng hagdan ng isang nakahandang yakap. That's right, magpipito na ito. Lumalaki na ang anak niya at mas lalong nagiging kamukha ito ng kanyang Mommy.

"Be careful, okay. You may hurt yourself. You know Daddy doesn't want you getting hurt." Sabi niya na puno ng pag-aalala. Bumungisngis lang ito sa kanya, labas ang bungal nito. Maaga pa lang ay nakabihis na ang anak. Ready for school.

"Daddy, I want to go home." Deklara nitong nagpamulat ng hindi lang ng kanyang mata kundi pati na ng kanyang isipan. Uuwi? Going home? Gaano na ba katagal?

"You are home." Nalilito man ay kinalma niya ang pagsagot dito. Nakatitig lang ito pabalik sa kanya, naghihintay.

Muntik siyang natawa sa ekspresyon ng anak at sa suot nito. Ano na naman kaya ang plano ng anak niyang gawin ngayon? Role playing na naman ba na siya ang nawawalang Prinsesa ng kaharian ng Raindow Unicorns at kailangan nang umuwi?

"No, daddy. I want to go home... like going home, home." Bumingisngis ito lalo. "In the Philippines. Silly Daddy." Humagikhik ito. Nakatingin lang siya dito inaarok kung nagbibiro ba ito o talagang seryoso.

"Baby, why can't we just stay here in California? This is our home." Saad niya. Pilit ang ngiting ibinigay sa anak. Biglang nagbago ang mood ng anak. Mula sa matamis na ngiti na napunta sa pagsimangot. Kinakabahan siya. Eto na ba yung matagal na niyang kinatatakutan?

"But Daddy, I want to see my Mommy!" Padabog itong humalukipkip na sinabayan pa ng pagsimangot. Nakanguso na halos naiiyak pa ito.

Nakaramdam ng pagkataranta si Siege dahil sa nakikitang lungkot sa mata ng kanyang anak. Pero ang totoo, ang pagkataranta niya ay hindi dahil sa nakasimangot ang anak niya kundi dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Alam niyang kahit na hindi nakilala ni Brynn ang ina ay mami-miss niya, maging siya ay nami-miss niya rin ang asawa pero masakit pa rin at hindi pa niya kayang tanggapin ang lahat. Konti pang panahon at hindi pa ngayon.

Urong-sulong ang kanyang loob. Gustong-gusto niyang umuwi at sa parehong pagkakataon ay ayaw niya. Parang kelan lang iniisip niya na tama na ang pagtigil dito sa California, tapos ngayon ay kailangan na niyang umuwi? Ang totoo ay nauunahan siya ng takot, lungkot at nababahag ang buntot niya. Ang gulo ng utak niya.

"Hey, don't cry. You know Daddy doesn't want to see you sad." Pilit niyang pinasisigla ang kanyang boses.

"Why do you keep on saying that you don't want to see me sad? Daddy, you are making me sad." Ayan na nga. Naiiyak na nga ang prinsesa niya. Eto na ng water works.

Mahihirapan silang patahimikim si Brynn kapag tuluyan ng masira ang dam na pumipigil ng luhan ito. Kapag ganito na ang anak, hindi na niya kayang tingnan ito katulad ng hindi niya kayang tingnan ang lungkot ni Brielle noon.

Gusto nang lahat na umuwi siya ng Pilipinas noon pa, hindi lang sa hindi niya kaya, ang totoo ay parang ayaw na niya ang masasakit na alaala nila. Pitong taon man ang nakakaraan at wala siyang nakukuhang matibay na katunayan na makapagpapauwi sa kanya sa Pilipinas.

Ano pa ba talaga ang hinihintay niya? Wala namang naghihintay sa kanya doon. Wala di ba? Dalawang malamig na puntod at ang masakit l na trahedya ng kahapon. Yun lang.

"I want to go home! I want to see my mommy!" Nakasigaw nitong sabi na ikinagulat niya. Tinamaan na ng pagkabratela ang anak. Oo, bratinela ang anak pero hini niya ito ipagpapalit sa iba.

"Tim? What is going on?" Malambing na sabi ng bagong dating na bisita. Si Ryelee kasunod nito si Dean. Narito ang mga ito dahil may usapan silang dito na magsisimula papuntang venue ng meeting.

"She wants to go home." Nagulat ang babae sa sinabi ni Siege. Napalingon siya kay Dean. Ngumiti ito sa kanya, nagkibit-balikat.

"What?! Right now? What did you tell her? You can't, right? May mga meeting ka pa, di ba, Dean?" May himig ng pagkataranta sa tinig nito. Hinarap ni Ryelee ang bata.

"Baby," Malambing nitong panimula. "Your daddy can't go back home yet. He's too busy here. There's too many important things to do." Sabi nito na umaasang makikinig ang bata sa kanya. At dahil kilala naman niya ang kalidad ng anak ni Siege ay sigurado siyang hindi nito papansinin ang mga sinasabi niya.

"No! I want to go home. I want to see my Mommy!" Sigaw uli nito.

Matatalim na tingin ang binato ni Brynn kay Ryelee bago pa ito tumalikod sabay takbo paakyat sa ikalawang palapag. Siya namang baba ng ina ni Siege. Nagtataka ito at nakikitaan ng galit. Eto na. Sabay nilang naisip.

"What is going on with my apo, Timothy Siegfried?" Aristokratang tanong nito kay Siege.

Ayaw ni Margaret na pumupunta sa bahay nila si Ryelee. Oo nga't bahay ito ni Siege. Binili niya ito bago pa sila ikasal ni Brielle noon para may matutuluyan sila dito kung sakaling magbakasyon para hindi na sila nahihirapan maghanap ng mauupahang vacation houses.

"She wants to go back to the Philippines." Natatarantang paliwanag ni Ryelee. "Tim can't yet, Tita. There's too many important things to do here." Pangiwing ngumiti si Margaret sa pagsabat ni Ryelee, na sana hindi na lang nito ginawa. Alam ni Dean at Siege kung ano ang kababagsakan nito.

"I didn't know my son is a woman now? Your voice had changed, hijo. Namatayan ka lang ng asawa naging babae ka na?" Sarkastikong puna ni Margaret. Napahilot si Siege ng kanyang sentido.

"Mom, cut her some slacks, okay. It has been a long time." Saway na si Siege sa galit ng ina. Sinupil ni Ryelee ang ngiti. Pakiramdam nito nanalo na sa round na ito, pero nag hindi niya alam, hindi pa pala nag-uumpisa si Margaret.

Alam ni Siege kung saan nanggagaling ang galit ng ina kay Ryelee. Nagsimula ito noong bigla itong nagpakita sak nila sa habang nasa hospital pa siya. Nahuli ng kanyang mga magulang at ni Dean na hinahalikan ni Ryelee si Siege sa labi habang nasa coma pa siya.

Ang eksaktong sabi ni Margaret na narinig ni Dean ay: "Sleeping beauty na pala ngayon si Timothy Siegfried?"

"Alam mo, Timothy Siegfried, pinag-aral kita sa mamahaling eskwelahan para magkaroon ng laman yang utak mo at para magamit mo nang maayos. O baka naman ibang ulo na ang gumagana kaya hindi ka makapag-isip ng mabuti para sumagot sa akin ng maayos? Sabihin mo lang sa akin kung gusto mong magkagulo tayo!" Mataray na pasaringn i Margaret ngunit ang mga mata ay matalas na nakatingin kay Ryelee.

"Mom, please. Let's not even go there." Tumahimik na lang ang kanyang ina ngunit matalas pa rin ang tingin nito kay Ryelee.

Alam ni Ryelee na alam ni Margaret ang ibang kalokohang nagawa niya. Paano ba niya maipapaliwanag ngayon sa mga magulang ni Siege na tapos na ang kanyang kahibangan sa kaibigan? How could she explain that everything was straightened out and that boat had sailed out on a way trip. Paano nyia ipapaliwanag na paniniwalaan siya ng mga ito, lalo na ni Margaret, na hindi na niya muling nanaisin na maging Mrs. Scott? Nagising at tanggap na ni Ryelee ang katotohanang nag-iisa lang si Brielle sa puso at isip ni Siege.

"Wag ako, Timoteo. Yang babaeng yan ang pagsabihan mo. Wag siyang pumapapel sa apo ko na parang siya ang ina. Feeling ina sa anak mo, hindi naman kayang magpakaina sa sariling anak!" Tumalikod na ang ina at bumalik sa taas at pasigaw na nagsalita. "Brynn, get packing. If your dad is not going home, we are!" Napabungtong-hininga na lang si Siege. Wala na siyang nagawa. Sapu ang sentido, nanakit na naman ang ulo niya.

"Son, you need to decide soon." Diretso at tahasang sabi ng ama sa kanya na ikinatango na lang niya. Tumalikod na ang ama para sa sundan ang asawa at apo.

Naiwan si Siege na hindi alam kung ano ang gagawin. Kelan lang desidido na siyang bumalik ng Pilipinas pero ngayong iniharap na sa kanya ng anak ay reyalisasyon nito ay para siyang asong tanga na nbabahag, naduduwag. Hindi pala ganun kadali.

"Iniisip mo ba ang sinabi ng anak mo?" Tanong ni Ryelee nang nasa kotse na sila. Tahimik lang kasi ito habang nakaupo sa front seat passenger side. Si Dean ang nagmamaneho.

"Ewan ko. Kaya ko na ba?" Wala sa loob na tanong. Nagkatinginan ni Dean at Ryelee sa rearview mirror.

"Hindi namin masasagot yan, Tim." Maagap na sagot ni Dean.

"Ikaw lang ang nakakaalam ng sagot diyan. Ano ba ang sinasabi ng isip mo?" Makahulugang sambot ni Ryelee.

Ito na ba ang pagkakataon ni Ryelee na maipakita sa kaibigan na totoo ang sinabi niya kahapon at hahangarin ang kapakanan ni Siege at ang ikaliligaya ng kaibigan kahit na hindi siya ang dahilan?

"Ewan ko. Hindi ko alam. It's easy to say that I need to go and see my in-laws but it is really hard when the situation presents itself. Hindi pala ganun kadali. Akala ko lang pala." Nakalulungkot na isipin na matapang lang siya sa iba, sa mga empleyado niya, sa negosyo at sa mga kliyente nila pero isa pala siyang dambuhalang duwag. Isang asong bahag ang buntot.

"Tim, ganito na lang. Ako na lang magdedesisyon para sa iyo, kasi alam naman natin na hindi patatalo si Tita Marj, paunahin mo sila sa Pilipinas. I can help you find a good school for Brynn there, marami nang magagandang schools ngayon sa atin. May mga international schools na and you can transfer her there, finish what you need to finish here then follow them. And don't worry, Bro, sasamahan kita hanggang doon dahil ako naman ang acting assistant mo ngayon, I will arrange everything for you." Mahabang pahayag ni Dean, napaisip siya.

"That is a good idea, Dean, total nandito naman ako. We can assign people for other stuff na hindi kailangan ng pirma mo and kung sakaling ganun ang mangyari, we can send everything to you through docusign. Tim, you can go. You need to face your fear, Tim. It's time." Masiglang sang-ayon ni Ryelee kay Dean.

"Guys, it's not that easy. You guys don't understand." Matamlay niyang sambit, kinakabahan.

"Okay. Which part of all that you said we do not get. Explain it" Panaka-nakang lingon ang ginawa ni Dean sa kanya habang nagmamaneho ito.

"I can't." Two words. Ramdam ni Dean at Ryelee ang kaba at takot ng kaibigan. Naiintindihan nila ito. Maaaring ayos lang ito sa kaalaman na patay na ang asawa pero ang puntahan ang puntod ng mag-ina nito ay parang hindi nga naman katanggap-tanggap.

Maging siya kung sakaling ganito na ang sinapit ng kanyang mag-ama ay hindi niya rin siguro matatanggap. Malamang sisihin pa niya ang sarili dahil siya ang may kasalanan, pero si Siege, kahit hindi nito kasalanan ang nangyari ay hindi pa rin naman talaga nito kakayanin.

"Kaya mo yan, Tim." Tinapik ni Ryelee ang balikat ni Siege mula sa likuran kung saan ito nakaupo. "Nandito lang kami ni Dean sa likod mo, well, mostly si Dean kasi ako magpapa-iwan ako rito. Kailangan eh." Ngumiti ito mula sa likod.

"Kayanin mo, Bro. No choice ka na ngayon. Yun ang gusto ng prinsesa mo. Kung ayaw mong habang buhay na malungkot yun, and worse, i-resent ka niyan, pagbigyan mo na. It's easy to hurt ourselves than hurting the ones we love." Ay pucha! Mabilis na napalingon si Siege kay Dean. Napataas ang kilay niya dito.

"Hugot? Saan galing yun, Dean? Saang baol?" Para namang biglang nawala ang kaba niya at napalitan ito ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdamn na gusto niyang sapakin si Dean.

"You're stupid, Dean." Natatawang naiiling si Ryelee sa tinuran ng siraulo nilang kaibigan.

"Akala n'yo lang stupid, pero kahit naman papaano may laman din ako." Nakangisi nitong sabi.

"Saan nga galing yun?" Pangungulit ni Ryelee.

"Saan pa ba? Eh di sa Wattpad." Deklara nito na halos ikahimatay ni Siege sa pagpipigil na wag masapak nag nagmamanehong kaibigan habang si Ryelee ay mamatay-matay sa katatawa sa likuran nila.

Maloko man ang kaibigan ay napaisip pa rin si Siege. May punto si Dean. Mas madali nga naman kung siya ang masasaktan wag lang si Brynn. Masyado pa itong bata para makaranas ng kabiguan at ayaw niyang biguin ito.

Higit kanino man, bilang ama, siya dapat ang sumisiguro ng kaligayahan ng anak. Dapat hindi ito nasasaktan dahil pag nagkataon ay baka mauna pa siyang mamatay, or worse, siya ang makapatay.

Pag-iisipan pa ba niyang mabuti ang bagay na ito? Wala na siyang ilulusot pa. Sa suhestyon ni Ryelee na paunahin ang mga magulang at anak sa Pilipinas ay gusto niya, pero yung susunod na lang siya, baka hindi pa.

Huminga siya ng malalim. Panahon na nga na magdesisyon siya. Handa man siya o hindi ay wala na siyang paki. Ang psychological at emotional impact na kay Brynn ang pinag-uusapan dito. Aasikasuhin lang niya iilang loose ends.

"Call some school in the Philippines. Ipagtanong mo kung anong school ang meron doon na pwedeng itumbas sa school niya dito." Sabi niya kay Dean. Lumingon ito sa kanya.

"Ngayon na?" Tanong nito na nakataas ang kilay.

"Gago! Did I say right now? May meeting pa tayong pupuntahan at kailangan nating mag-concentrate para doon." Asik niya dito. Natawa naman si Ryelee sa likod. "Ano ang tinatawa-tawa mo diyan?" Tanong niya dito habang nakatingin sa rearview mirror.

"Well, for a start, you sound like an old maid on her rag. Two, you two act like bickering chickens who can't lay eggs properly. Third, you two just plainly sound stupid." She's laughing hysterically. Dean and Siege looked at each other and realized what she had said and laughed heartily like it's the last time they would laugh. Ngayon para na silang mga sira ulo kung titingnan.

Nakagaan sa dibdib ni Siege ang ginawa ng mga kaibigan para sa kanya. Dahil naalis na ang mga negative vibes sa pagitan nilang tatlo naging mas maayos ang pakiramdam niya dahil wala na siyang iba pang iniisip maliban sa pagharap ng kaso ng asawa at anak.

"Rye, will you call the schools for me. Dean will you call attorney to process Brynn's travel document and book a flight for my parent and Brynn as soon as possible. I'll take care of this meeting. See you in an hour." Puno ng determinasyon niyang pahayag.

Buo na ang desisyon niya. Haharapin niya ito alang-alang kay Brynn. Alam naman niya na wala na ang ina at kapatid, pero hinahangad niya na sana ay lubos nitong naiintindihan ang konsepto ng "Mom and brother is not with us anymore."

I'm coming home to see you, my love.












--------------------
End of SYBG 12: Home

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
01.20.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro