SYBG 11
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Since You've Been Gone
"Acceptance"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"RICHARDSON?" Napatingin si Dean sa kanya. Nagulat ito.
"Tim?! Of all people? Really?" Sambit ng binata. Inirapan niya lang ito.
"I need your help." Matiin at maikli niyang sabi. Mamaya-maya pa ay puro pagtango na lang at pag-oo ang ginagawa ni Siege. Napataas ng kilay si Dean.
Ano kayang kalokohan ang pumasok sa ulo ng kaibigan at sa lahat pa ng taong matatawagan ay si Richardson pa ang naisipan nito. Gago ba siya? Alam ba ito ng Daddy niya?
"Brianna Marielle Scott. Aug 5th, 2010. That's all I have." Simpleng sagot ng baritonong boses sa kabila ng linya.
Nanlaki ang mga mata ni Dean nang i-on ni Siege ang speaker phone. Alam na niya ang dahilan ng pagtawag ng kaibigan sa isang Richardson pero hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ito ang kinontak? Marami namang ibang pwedeng lapitan, bakit ito pa?
Matagal pang nag-usap ni Siege at ang kausap nito sa telepono. Maya-maya lang ay nagpatay na ito ng tawag. Nagpalakad-lakad ito. Paikot-ikot na parang di mapaanak.
"Bro, stop walking back and forth! Will you freakin' sit down?!" Nanggigigil niyang sabi. "Nahihilo ako sa iyo." Dugtong pa niya. Tinapunan lang siyang matamlay na tingin ni Siege.
"Eh di wag kang tumingin! Damn it!" Gigil na sagot ni Siege sa kaibigan. Napipikon siya dito. Hindi niya alam kung ano ang ipinanggigigil nito sa kanya at sa pagtawag niya kay Richardson.
"Kahit hindi pa kita tingnan, nakakahilo pa rin!" Bwelta ni Dean kay Siege. "At ano yang tawag na yan? Bakit siya pa? Wala na bang iba?" Dugtong pa ng kaibigan.
"Why not?" Ano to? Three-words-two-word conversation? Para silang mga kindergarten. or worse, talo pa sila ng mga kindergarten magpalitan ng usapan.
"Ano na lang ang sasabihin ni Tito?" Puno ng pag-aalalang tanong nito. Napaangat ang isa niyang kilay sa tanong ng kaibigan.
"Ano ang sasabihin niya?" Napakunot siya ng noo. Ano ba ang ibig sabihin ni Dean. "At ano naman ngayon kung si Richardson ang tinawagan ko?" Hindi maintindihan ni Siege kung bakit masyadong hang-up ang kaibigan sa paglapit niya sa mga Richardson.
"Bro, karibal ng daddy mo yan sa negosyo tapos siya ang tinawagan mo?" Alam niyang naiinis sa kanya si Dean. Wala siyang pakialam.
"Alam ko. Labas ang negosyo dito, Dean, and besides that was a long time ago. And I was thankful na hindi kami nagkatuluyan ng kapatid niya." Napailing siya. Nakangiti siya ng maalala yun.
"Bakit nga ba hindi natuloy yun? Di ba yun sana ang gusto ng daddy mo dahil hindi naman nagkakalayo ang klase ng negosyo n'yo?" Napalayo na ang usapan nila kaya parang gumaan na ang tanungan. Gusto niya ang usapang ito, nailalayo ang isip niya kay Brielle panandalian.
"Hindi natuloy dahil hindi kami pumayag ni Mommy. Mom believes in love as the foundation of any marriage." Magaan niyang pahayag. Sumandal sa kanyang swivel at nag-relax. "And besides, Mae is such a good friend of mine. At wala naman kaming pakialam sa negosyo ng mga pamilya namin that time. Tito Paul is in the furniture and designs business and we are more on stationery, invitations, specialty papers and printings, events. Oo nga at sa kanila kami kumukuha ng mga furnitures kapag may malakihang events but that's about it. Natuwa lang si Daddy noon kasi maganda at mabait si Mae. Other than that, wala na." Paliwanag ni Siege kay Dean.
"Eh kung ganun bakit hindi na kayo nagkakausap ni Richardson? Akala ko tuloy dahil doon kasi the last time I checked ay galit si Tito Aaron sa iyo dahil sa tinanggihan mo yung arranged marriage na yun." Tumayo si Dean at lumapit sa lamesa ni Siege at doon umupo. Tiningala niya ang kaibigan.
"Dude, kung hindi ko tinanggihan yun bago pa masabi ni Daddy kay Tito Paul, sa palagay mo ba makakahanap kami pareho ng ka-meant to be namin? Alam mo namang bata pa lang si Mae ay in love na yun doon sa architecture student na taga kanila din. Tsaka isa pa, nakita ko na si Brielle noon." Naiiling na sabi niya.
"So, you mean nagkatuluyan sila ni Architect Capasilan?" Tumango-tango si Siege sa kaibigan. "Di nga?" Dugtong nitong mnghang-mangha.
"Okay. Given na hindi nga galit si Tito Aaron kay Mr. Richardson, ano ang dahilan kung bakit ka tumawag sa kanya?" Wow. Ganito ba ito ka-curious at katsismoso.
Pero kaibigan niya ito kaya feeling niya obligado siyang sagutin ito kahit na ayaw pa niya. Alam niya naman na kahit papaano ay makakatulong ito sa kanya, and that's what he'll do.
"I ask him to investigate the accident that happened to us some seven or eight years ago." Halos pumiyok siya sa pagsasalita. Napalunok siya ng wala sa oras. Kalalaki niyang tao pero ito siya, napakaiyakin niya mga nagdaang linggo.
"Imbestigahan? Bakit?" Tanong nito. Bumungtong-hinga muna siya bago tumango.
"There's this nagging feeling in my heart that it wasn't just an accident. I have this sinking emotion that tugs so hard that someone is behind it at ginamit ang driver na yun, given na walang tulog at walang pahinga at may sakit pa ang matandang driver. Tito Zeke was standing by with his words that there was no scheduled delivery around that time. Galit ako sa driver dahil nagpagamit siya kaya accessory pa rin siya sa pagkamatay ni Brielle at Timmy." Nag-uumpisa na namang bumangon ang galit sa dibdib ni Ethan. Napansin yun ni Dean.
"Relax ka lang, Bro, nagkukwentuhan lang tayo. Wag kang beast mode agad, okay." Saway ni Dean sa kanya.
Nakita na kasi nitong nakakuyom na ang kanyang kamao at namumuti na ang mga bukong nito. Baka ma-wrong timing na naman ang kung sinong papasok sa pinto at parang pinag-adya ang kanyang iniisip, may kumatok nga sa pinto.
Bago pa bumuga ng apoy ang kaibigan ay tumayo na si Dean para buksan yun. Para pa man ding nagme-menopause ang kaibigan. Nilingon pa niya si Siege.
"Okay ka na ba? Baka si Tito lang ito." Dugtong pa nito. Tumango na lang siya at sumandal sa kanyang swivel chair at itinuon ang tingin sa puting kisame. I need to calm down.
Binuksan na nga ni Dean ang pinto. Parang isang humahagibis na bala ng baril ang biglang pumasok na napakatinis ng tili nito, makasira ng eardrum. Napangiwi silang pareho dahil doon ngunit malakas na tawa din ang binitawan ni Siege at ibinuka ang mga braso para tanggapin ito ng sobrang pagmamahal.
"Dadddyyyyyyyy!!!!!" Yan ang buhay na bombero ng buhay ni Siege. Kasing hyper na ina niya noong nabubuhay pa ito. Kasing kulit at kasing masayahin ni Brielle si Brynn at kahit wala na ito ay mayroon siyang mapagbubuhusan ng sobrang pagmamahal. Pagmamahal na malaya at masaga niyang maiibigay sa tatlong tao sana.
"Hi, Princess. How's your day in school? Who's with you?" Tanong niya sa anak habang nakaakap ito sa kanya.
"I saw her coming out of Tito Aaron's office, so I took her here. She wanted to see you." Sagot ni Ryelee.
Bagaman nag-aalangan at natatakot na masigawan uli ni Siege mas pinili nitong lapitan siya. Well, sino ba ang hindi matatakot at dapat lang talaga siyang matakot dahil dapat ang mga ginawa niya. Tinawid nito ang linyang hindi dapat tawarin. the line of friendship and betrayal.
"Thank you." Yun lang ang isinagot ni Siege na hindi man lang siya nito tinapunan ng kahit na katiting na tingin.
Nakatutok lang mga mata nito sa magandang mukha ni Brynn. Kita ni Siege sa gilid ng kanyang paningin ang palitan ng tingin na mga kaibigan niya. Nagtagis ang kanyang mga bagang. Ayaw niya ang nakikitang imahe na yun.
"If I were you guys, I'd put an end to that stares. I won't put anything much diyan sa mga palitan n'yo ng tingin. Wag ako." Napayuko si Dean sa tinuran ng kaibigan, hinarap ang folder na hawak at ipinatong ito lamesa ni Siege at walang kibong umalis.
Naisip ni Dean na tama si Siege. Mas mabuting wag pakialaman ang personal na buhay. Ito lang ang nakakaalam kung kelan ito magmo-move on at bilang kaibigan dapat ay nandito lang siya para sumuporta dito at wala nang iba.
"Ano ang kailangan mo?" Seryosong tanong ni Siege kay Ryelee. Nakayuko lang ito ng kanyang tingnan. Napakaamong tupa nito ngayon. Lihim siyang napangisi.
Minsan naaawa na lang siya dito pero kadalasan ay napipikon siya. Imbis kasi na gumawa ng paraan para hanapin ang mag-ama nito ay nakontento na lang ito sa mga reports na ipinapasa sa kanya ng mga pulis at rangers na naghahanap sa mag-ama niya.
Alam naman ni Siege na mabait naman talaga si Ryelee pero ang ipinagtataka niya ay bakit bigla-bigla na lang itong nagpakita sa kanila na dala ang kwentong ito at hindi pa rin umuuwi sa Pilipinas para magpatulong sa mga magulang niya? Bagay na hindi niya maintindihan.
Hindi niya talaga maubos maisip na may ganun pala talaga. Siya nga eh nawalan ng asawa pero hindi talaga ito makalimutan kahit patay na. Kahit alam niyang hindi na niya maibabalik ang kanyang mag-ina ay inaasam pa rin niya na sana panaginip lang lahat ng ito at any time ay magigising siya at makikita niyang muli ang asawa at anak na lalaki.
Siya, lahat ay gagawin niya makasama lang muli si Brielle. Lahat ng meron siya ay ipagpapalit niya, mabawi lang si Brielle at Timmy kay Kamatayan. Lahat nga ba, Siege?
"I was hoping we can talk." Mahinang sabi nito. Matiim niya itong tiningnan. Humugot at bumuga siya ng malalim na hininga. What now?
"Princess, will you go to Tito Dean and watch what he does on the computer? Keep an eye on him for me, will you?" Pakiusap niya sa anak at ngumiti siya dito. Nakanguso ito at inirapan si Ryelee.
Alam niyang ayaw umalis ng anak sa kandungan niya pero sinunod pa rin siya ng bata. Matalim ang tingin na tinapon nito kay Ryelee. Alam ng lahat na territorial at possessive ang unica hija ng mga Scott pagdating sa ama nito. Alam din ng lahat, maganda man o hindi, may rason itong magmaldita. I can't blame you, sweetie.
"I know you are trying to get rid of me because of her. Daddy, I don't like her." Diretsong pahayag ni Brynn na nakatingin ng diretso ang nanlilisik ng mga mata nito kay Ryelee.
Nagulat siya sa tinuran ng bata man siya sa tinuran ng anak, di niya pwedeng ipagwalang-bahala ito. Kasabihan nga, "Hindi marunong magsinungaling ang bata".
Kita ang pagtataka sa mukha ni Ryelee. Wala sa loob na tinitigan ang bata na may pagtatanong sa isip. Ano ba ang nagawa niya dito at ayaw sa kanya nito.
Masamang tingin naman ang ibinalik ni Brynn kay Ryelee. Tinging nagsasabi na. You just want to steal my Daddy from me. Lihim na napangiti si Siege, mali man siya o hindi, may kutob siyang yan ang mga katagang naiisip ng anak.
Bumaba ito sa kandungan ng ama ng na may mabibigat ng hakbang ang mga maliliit nitong paa sa sahig na masama pa rin ang tingin kay Ryelee.
Napansin ni Dean na nakasilip lang sa pinto ang mga titig ni Brynn sa kaibigan. Damn! Yan ang tinging Siege kapag galit ngunit nahahaluan ng kabaitang tingin ni Brianna.
Hindi nga maipagkakait na anak nga ito ni Brielle at Ethan. Napakamot ng noo si Dean. You see what you did, Ryelee?
"What do you want, Ryelee Blaire." Pag-ulit ni Siege na hindi man lang binigyan ng gaan ang salita.
Wala siya sa mood para harapin ang drama ng kaibigan ngayon. Maraming mas importanteng bagay ang pwede pa niyang gawin at pagtuunan ng pansin, katulad na lang ng tungkol sa aksidente.
"I just wanted to say sorry about yesterday. I know I was out of line and careless and stupid. I didn't check the stationary that I used when I sent out the mail." Paliwanag nito.
Tumaas ang isang kilay ni Siege. Mail? Who the eff uses snail mail now-a-days? Mas lalo siyang nainis. Nag-igtingan ang kanyang mga ugat sa leeg. Halatang nagpipigil lang si Siege sa estupidang alibi ni Ryelee. Alam niyang may iba pa itong dahilan kung bakit nagpadala ito ng postal mail.
"Rye... what do you take me for? Stupid like you?" Sarkastiko niyang tanong dito. Itinaas ang mga kamay sa harapan niya at pinagsalikop ang mga ito malapit sa bibig na parang magdadasal habang nakatukod ang dalawang siko sa armrest ng upuan. "Who sent snail mail now-a-days, Ryelee? Not unless you have other things in mind." Humugot ng malalim na hininga si Ryelee at parang pagod na pagod na ibinuga ito. Umupo siya sa upuan sa harap ni Siege na parang suko na lahat ng laban sa mundo.
"Okay. Fine." Panimula nito. This ought to be good. Isip ni Siege. "I got scared and jealous at the same time kasi kaboses ni Brie.... I mean, Brianna yung nakausap ko at kapangalan pa ng company nila sa Pinas. I thought na kapag nakausap mo na siya at maisip mo nakaboses niya yun ay isipin mong lalo lang nabuhay ang alaala ng asawa mo at hindi ka makapag-move on para mag-aasawang muli." Whaaatt?! How stupid is her reasoning? Pero ang totoo? Naisip niya rin yun kasi kaboses nga ni Brielle ang nakausap niyang secretary daw nito. If he didn't know better baka yun nga ang isipin niya, Well, weren't you really thinking of it right now?
"What is it to you if I do? Eh ano naman ngayon kung mag-asawa uli ako? It's none of your fǚcking business, Ryelee! What I do with my personal life ay wala kang pakialam. Kaibigan lang kita!" Nabubwisit na naman siya sa sinasabi nito. She's not making any sense. He pulled a deep sigh. Again. Kapag hindi ito nagbago ng isip at asal ng kaibigan ay masasakal niya ito.
"Well, because I am here! I can be your wife!" Sabi nito na parang galit na. What the fu.....
" Haha... You? My wife? Are you kidding me? Do you even hear yourself, Ryelee?" Nang-uuyam niyang sambit.
"Why? What's wrong with it? We've known each other since high school. You lost your wife, I lost mine and Brynn needs a mom. So, who better to pick each other up but us, right?" Para siyang nakakasiguro sa kanyang pahayag. Natawa si Siege.
"Are you on drugs? Or I'm losing my hearing? Are you fűcking out of your damn stupid mind?!" Bigla niyang inihampas ng pagkalakas-lakas ang lamesa ng dalawa niyang kamay. "Yes. My wife maybe dead and it is none of your damn business, but your husband, Ray, my bestfriend on the other hand is not, and that doesn't give you any damn reason to assume that you and I can be together. I am fine being a single father for the rest of my life and I love it. Kung hindi si Brielle ang makakasama ko, mas mabuting hindi na ako mag-asawang muli! You got that?!" Malakas ang boses niyagn sabidito. Mangiyak-ngiyak si Ryelee at wala siyang pakialam.
"But you, on the other hand, need to get your acts together and start looking for your own family. Find Ray and Rylan. Be a wife to Ray and be a better mom for Rylan. Be creative in finding your family. Don't get involve in mine!!" Tuloy-tuloy niyang sabi, may diin, galit. Biglang gumaan ang pakiramdam niya ng makasigaw siya.
"I only married Ray because you are marrying Brianna. He ask me to marry him when I found out that you had proposed to her. I got so drunk and something happen between me and him. Lumipad kami ng Australia a week after at doon na nagpakasal. Nothing happened after that one night with him pero nagbuntis pa rin ako Rylan. He loves him so much and I know he loves me, too, pero hindi ko siya kayang mahalin dahil ikaw ang mahal ko. When I heard the news about your accident. I got so scared. It means I am not going to ever see you again kahit sa mga video calls mo lang kay Ray. Then the news came that Brianna passed away with your son. As bad as it sounds, I got so happy, kasi sabi ko, tadhana na ang nagsasabi na makakatuluyan ko na ang taong talagang mahal ko, I left the house to see a lawyer to file a divorce but when I got back home Ray and Rylan wasn't there and I only saw a post it note on the fridge saying; Gone fishing with Ry and co-workers. And they never came back. I ask his co-workers, they said that Ray and Rylan stayed back a little bit. That was the last time they saw them." Mahaba at umiiyak nitong kwento. Nakikinig lang si Siege na walang kahit na anong nararamdaman sa mga pinagsasabi nito. Masama mang isipin, hindi siya naniniwala sa kwento ni Ryelee.
Kilala niya si Ray. Kahit na tanga-tanga ito sa direksyon minsan, may common sense naman itong magtanong. Sa apat silang magkakaibigan, si Ray lang ang hindi nahihiyang lumapit kahit kanino para magtanong kahit na magmukha pa itong tanga at katawa-tawa.
Siya naman yung klase ng tao ng talagang tinututukan ang manual para alamin ang direction ng pagbuo at kung para saan ang gamit ng isang bagay o piyesa at higit sa lahat ang pagbabasa ng mapa. Kaya hindi siya basta-basta naniniwala na mawawala ito lalo pa't kasama ang anak.
Maraming silang pinagdaanan ni Ray, ilang beses na rin niyang nailigtas si Ray mga kalokohan nito. He always saves him from his own crazy works but usually sa school at sa mga magulang lang nito. Ray and Dean are the brothers he never had and Ryelee is the sister he never had. Well, baka ngayon nga ay wala na talaga. Baka nga talagang pinag-adya na wala siyang kapatid na babae.
Hindi siya naniniwala dito. Alam niya kasing minsan eksahirada din itong kaibigan niya. He believes that she didn't tried hard enough to find him and her son. Pruweba ang pagtatapat nito ngayon. Nakakapanghinayang na ito ang minahal ni Ray. Dumampot siya ng papel at ballpen at nagsulat.
"Here." Iniabot niya dito ang papel na may nakasulat na number at pangalan. Napatingin siya kay Siege ng may pagtatanong. "Kung gusto mong mapatawad kita at kalimutan ang lahat ng sinabi mo ngayon, tawagan mo ang mga tanong yan para matulungan ka and see a doctor, too, baka nababaliw ka na. Hanapin mo ang pamilya mo. Sabihin mo sa mga taong yan ang totoo. Ang lahat ng totoong nangyari at kung paano kang umalis sa inyo." Nasapo ni Siege ang kanyang ulo. Nagiging palagi na itong pananakit na ito, tapos may mga mumunting flashbacks pa siyang nakikita. Madiin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Puro mukha ni Brielle na nakangiti ang nakikita niya. Matay man niyang isipin, mukhang hindi patay si Brielle sa isip at puso niya. SHIT! Am I hallucinating?
"Tim....." Pinutol niya ang sasabihin nito. Mas maganda na yung wala itong inaasahan pa sa kanya.
"Ryelee, stop. I could never love you the way you want me to. Kapatid lang ang turing ko sa iyo, at hanggang doon lang. Brynn, doesn't need a mom. She have me and that is enough. Gumising ka. Hindi ako ang para sa iyo kundi si Ray." Pagtatapos niya. Wala sa loob na binuklat ang unang folder sa harapan niya. Paperkutz, Inc. Yun ang bumungad sa kanya. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.
Ano ang kaugnayan nito sa kompanya ng mga biyenan. Sila pa rin ba ang may-ari nito? Napatingin siya kay Ryelee at pabalik sa papel sa harap niya. Then something just hit him. Sinabi ni Ryelle na kapangalan ito ng kompanya nila Brielle sa Pilipinas. Hindi niya maalalang ang pangalan ng kompanyang sinabi nung kausap niya sa telepono.
Alam niyang nandiyan pa rin si Ryelee sa harapan niya pero wala siyang pakialam. Dinayal niya ang numero ni Richardson. Nag-ring yun. Hinintay niyang may sumagot. Ilang sandali lang ay sinagot na ito.
"Hello." Sagot ng kabilang linya.
"Paperkutz, Inc. Ano ang alam mo dito?" Tanong niya sa kausap. Wala na si Ryelee nang tumingin siya sa dati nitong kinatatayuan.
"Di ba yan yung company ng pamilya ng asawa mo?" Tanong ng nasa kabilang linya.
"Yeah. Pero hindi ko alam kung kanila din yung sa Japan." Malungkot niyang pahayag.
"Dude, alam kong namatayan ka ng asawa pero may anak ka pa, konting sigla naman diyan." Pagbibiro ng kausap niya. Napailing na lang siya.
"Jay, will you stop. It's easy for you to say kasi kumpleto ang pamilya mo." Malungkot niyang sabi dito. "You don't know how it is to be in coma, and waking up only to find out you lost a memory and you lost your wife and your son on the same day. Then to top it off, losing half of the crucial part of your memory and left to juggle between being a father, therapy and mourning. Dude, I'm still trying to remember other stuff about your life." Hindi man niya sinasadyang magpaka-emo at maglitanya sa telepono ay hindi niya talaga naiwasan. Nakanti kasi ng kausap ang natitirang hibla ng kanyang sugat na hindi mapaghilom. Panandalian siyang natahimik.
"Sabi nila time heals all wounds. Pero bakit ito Jay, hindi?" Dugtong niya ng makuha na niyang magsalita. Katulad niya, panandalian din itong natahimik.
"Have you also forgotten that other saying na "only time could tell?" Sabi nito sa kalmadong boses. Mapait na ngumiti si Siege. Akala mo naman nakikita ng kausap niya ang mukha niya.
"I'm sorry, bro, for being such an insensitive fool. Eto na lang. I will call you as soon as I find out something about Paperkutz. Gusto mo rin bang malaman kung nasaan na sila Tita Mandy at Tito Dave?" Tanong ni Jay.
"Yes, please. Find anything about them. Masisira na ang ulo ko, Jay. Nakikita ko kung saan-saan si Brielle. Naririnig ko ang boses niya. Feeling ko minumulto na ako ng asawa at anak ko kasi hindi ako nagpapakita sa mga magulang niya. Hindi pa nakikilala ni Brynn sila Papa at Mama." Matapat niyang sagot. "Please, Jay. Anything and I will pay you however much it is." Dugtong pa niya.
"Don't worry about it for now. Ako na ang bahala. I'll give you a call as soon as we find out something." Napatda si Siege sa sinabi ni Jay.
"What do you mean by namin? Marami kayo? I was hoping na wag mo nang ipaalam kay Tito Paul ang tungkol dito." Hindi sa natatakot siyang malaman ng papa niya ang tungkol dito pero nag-aalala lang siya.
Matagal na ngang panahon yun kaya lang hindi na niya natanong sa Daddy niya ang tungkol doon. Alam niya kasing sumama ang loob ng Daddy niya dahil inayawan niya ang proposal na yun. Hindi pa naman siya handang mag-asawa ng mga panahon na yun. Imagine if he had agreed? Eh di sana hindi niya nakilala si Brielle.
"Kami. Ramon and Angelo, my brother-in-law. Asawa ng Ate ko.] Sagot ni Jay. Napatuwid ng upo si Siege. Ate? May Ate si DJ? Di ba....
""Wait. Ate? Di ba kayo lang ni Mae?" Tanong niya.
"It's a long story, bro. Tagal mo kasing nawala eh. I thought you perished in that accident, too. Wala kaming naging balita sa inyo. Nagulat na lang ako nang bigla kang tumawag sa bahay. Mabuti na lang at hindi pa namin napapatanggal ang landline." Ang dami na pala talagang nangyari sa loob ng mahigit pitong taon na nawala siya. Sa totoo lang kasalanan din naman niya eh.
"Sorry, Jay. I'll talk to you next time. We have to go. Alam mo naman si Mommy. Hindi pwedeng ma-late sa pagkain. Ikamusta mo na lang ako kay Tito Paul at kay Tita Malory." Paalam niya dito.
"Dude, matagal ng wala si Mommy. Graduating pa lang ako ng high school wala na siya." Napatanga siya. Hindi siya kaagad nakapagsalita. Shit!
Isa lang ang ibig sabihin, mas mahigit pa sa inaasahan niyang tagal na wala siyang balita tungkol sa kaibigan. Ilang taon na pala silang hindi nagkakauusap ni Jay. Magkaiba sila ng school pero dahil sa mga magulang nila na kahit hindi naman talagang close sa isa't isa ay nagkakilala sila.
"I'm sorry, Jay. I was out of touch pala talaga." Nahihiya siya dito. Ang tagal na nila palang hindi nakakausap ang isa't isa tapos eto siya at pabigla-biglang tatawag para humingi ng pabor"
Ang totoo ay wala siyang alam na pwedeng lapitan para sa gusto niyang mangyari dahil lahat ng malalapit niyang kaibigan at kakilala ay halos ayaw niyang pagkatiwalaan. Alam niyang aksidente yun pero bakit parang sinasabi ng utak niya na may mali, at ang masama pa ay sinasang-ayunan yun ng puso niya.
"Talk to you later, Jay." Dugtong na lang niya.
"Talk to you later, bro. Give my regards to Tita Margz at Tito Ron." Nagpaalaman na sila at pinatay na niya ang tawag.
Nagligpit na siya para umuwi na lang. Ipinasok niya sa kanyang laptop case ang folder ng Paperkutz. Pag-aaralan niya yun. Lumabas na siya ng opisina niya. Naabutan niya si Dean at Brynn na gumagawa ng paper airplane. Tuwang-tuwa ang anak niya pinanonood si Dean na nagpapalipad ng eroplano. Nagkalat na nga ang mga ito sa sahig at kung saan-saan.
Napailing na lang siya sa kakulitan ng dalawa kaya mahal na mahal ni Brynn si Dean kasi katulad ng anak niya... well, asal payb yers old din ang kaibigan na kung tutuusin ay mas matanda pa ng isang taon ang isip ni Brynn kumpara kay Dean.
Needless to say, inaya na niya ang mga ito para umuwi na. Siya namang paglingon niya sa isang sofa sa waiting area malapit sa cubicle ni Dean, doon nakaupo si Ryelee na umiiyak. Nilapitan niya ito bago niya tinawag ang anak at bestfriend. Hindi naman siya napansin ng mga ito.
"What are you doing here? Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong niya dito.
"I can't go home without apologizing to you." Malungkot na sagot ni Ryelee. Hindi siya sigurado kung saan ang punta ng usapang ito.
"If this is about what we talked about inside my office, I'm warning you, Rye. I will forget that we are friends kung ipipilit mo yan. And I won't be sorry for it but you will." Diretso niyang sabi. Hindi niya bibigyan ng pagkakataong baguhin nito ang isip niya dahil sarado na ito.
"No, it's not that. I'm sorry for being such a fool. The truth is, I kinda know where Ray is but I am not sure. Thank you for understanding me and making me understand how stupid I was. I hope we can still be friends, well, brother and sister?" Inilahad nito ang kamay sa harap ni Siege. Tinitigan ni Siege yun at tumingin uli sa mga mata nito.
Inaarok niya kung nagsasabi nga ito ng totoo. Isa lang ang hiling niya, sana matauhan na ito nang tulyan dahil kawawa ang anak nitong si Rylan na kung tutuusin ay halos kaedad lang ni Brynn. Siguro kung nabubuhay lang si Timmy ay.... Humugot siya malalim na paghinga.
"I am accepting your friendship because you promise not to pursue your crazy idea of you and I. It's not gonna happen, Rye. I'm sorry pero si Brielle lang ang kayang mahalin nito." Tinuro ni Siege ang puso niya. Tumawa at umiling na lang si Ryelee.
"Ang corny mo." Panimula niyang may tunay na ngiti sa labi na umabot sa mga mata nito. "Promise, I won't pursue that crazy thoughts anymore. It was gone and sailed away. Thank you. And I also promise na hahanapin ko ang mag-ama ko at hihingi ako ng sorry kay Ray. It was my fault. The truth is, I'm the one who left. Iniwan ko sila and I know Ray is looking for me like crazy right now. I ask my parents not tell him where I'm at and now, ako yung hindi alam kung nasaan sila." Huminga muna ito ng malalim at pinakawalan ang masamang hangin na nakakulong sa baga nito.
"Ang tanga mo naman kasi eh. Ang tigas pa ng ulo mo." Ginulo ni Siege ang buhok ni Ryelee nang matapos niya itong akapin.
"Oo nga, ang tanga lang 'no? Iniwan ko kung anong magandang meron ako para lang maghabol sa meron ng nagmamay-ari." Natawa si Siege sa pag-amin nito ng kalokohang ginawa. "Thank you, Tim. thanks for standing by Ray. You are truly a good friend. Promise, this time, hindi ko na sisirain yan." Kinuha ni Siege ang kamay ni Ryelee at hinila niya ito para akapin.
Ganun lang. Parang nabalik na sila sa dati nilang samahan nung high school pa sila. Dito sa ganitong gawi ni Siege kung bakit na-in love ito sa matalik na kaibigan. Ngayon na tinatapos ni Ryelee ang kahibangan para sa lalaki.
Magiging totoong kaibigan na siya at tutuparin niya ang pangako niya kay Siege. Tutulungan niya ang pagpapa-imbestiga nito sa nangyari sa mag-asawa na naging dahilan ng pagkamatay ni Brielle at Timmy.
Siege was right, he doesn't need a wife. What he needs are friends? And friends are what he's going to get, at sila yun ni Dean at Ray. Magpupursige siyang hanapin ang asawa at humingi ng tawad dito. I hope I can still be forgiven.
"Whatever. Sige na umuwi na kayo baka naghihintay na sila Tita sa inyo. Masama pa man ding pinaghihintay yun." Natawa si Siege. For the first time in years, nasilayan niya ang tunay tawa mula kay Siege. At masaya na si Ryelee doon. Naiiyak man tama naman ito. They have seperate lives and they have to live it.
"Dean! Brynn! Let's go! Lola is waiting for us and we don't want to be late." Sigaw niya sa dalawa na busy pa rin sa pagpapalipad ng paper planes dahil nakikita niya ang mga nagliliparang eroplanong gawa sa papel. Kawawa naman ang janitorials mamayang gabi.
"Daddy! Carry me?" Nakataas ang mga kamay ni Brynn at naghihintay na damputin siya ng ama.
--------------------
End of SYBG 11: Acceptance
Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.
No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.
💖~ Ms J ~💖
01.20.18
Since You've Been Gone©
All Rights Reserved
Nov 12, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro