Epilogue
Epilogue
"Celestia, dalian mo diyan at baka tanghaliin tayo!" rinig kong sigaw ni Tita Viena mula sa baba.
Pagkatapos magbihis ay nagmamadali akong bumaba kung saan ko nakita si Tita na naghihintay na sa akin.
"Huwag na po tayo masyadong gumasto, Tita. Kaunting salo-salo lang ho sana." aniya ko.
Tumango tango siya. "Sige na nga. Kaarawan mo naman ngayon eh."
Ngumiti ako habang tinahak na namin ang daan palabas. Nagpaalam na muna kami kay Manong Roger na siyang naggugupit ng mga halaman namin ngayon.
Kahit na ilang ulit kong sabihin kay Tita Viena na huwag nang masyadong gumastos para sa birthday ko ay tila hindi siya nakikinig. Laging ganoon ang asta niya kada kaarawan ko.
I'm turning twenty four today. Maraming nangyari sa ilang taon na lumipas. Bumalik kami ni Tita Viena rito sa dating bahay namin nina Mama. It took her a few months to adjust to this world dahil ilang decada rin siya sa Casta Haema pero nakaraos rin naman.
I've reunited with my friends here tulad nalang nila Carole at Manong Roger. Wala ring mintis kung bumisita si Cirrus dito. Hindi man araw araw ay sapat na para sa amin ang pag bisita niya once a month.
And everytime I asks him about Damien ay palaging wala siyang sagot. Tila ba iniiwasan niyang sagutin ang tanong kong iyon.
Tulad nalang ngayon ay dadating siya dahil kaarawan ko. I will keep asking him about Damien. Alam kong alam niya pero ayaw niya lang sabihin sa akin.
Nang makarating sa palengke ay kaagad kaming pumunta sa gulayan. Dito na namin naisipang bumili dahil mas mura at fresh ang mga paninda. At tsaka halos lahat ng kailangan mo sa pagluluto ay narito.
Si Tita ang namimili ng mga bibilhin habang nasa likod niya lamang ako at taga hawak ng kaniyang pinamili. Mabuti ay nagdala ako ng tote bag para hindi mahirap ang pagbibitbit.
Nang papunta sa meat section ay may bumangga sa aking isang bata na siyang ikinabitaw ko. Sabay ng pagbagsak ng bata ang pagkahulog rin ng iilang pinamili namin.
Hindi ko na muna pinansin ang mga nahulog na pinamili namin at pinuntahan ang bata upang tulungan tumayo. Pero sa oras na tumayo ito ay siya namang malakas nitong pag-iyak.
Si Tita Viena ang pumulot sa mga nahulog na binili namin at lumapit sa akin para tulungan akong patahimikin ang bata sa pag-iyak.
"Jusko po! Ayos kalang? Namumula ang tuhod mo." aniya sabay haplos na namumulang tuhod ng bata.
Mabuti nalang ay unti unti itong tumahan. Sumisinghot itong tumingin sa amin.
"Nasaan ang magulang mo? Ba't nag-iisa kalang?" tanong ko sa kaniya.
Tinulungan kong punasan ang basa nitong pisngi bago siya sumagot.
"I'm lost. I can't find mommy and daddy!" pagksabi non ay siyang pag-iyak nito muli.
Tumayo ako at humarap kay Tita Viena. "Tulungan muna natin itong bata. Kawawa naman kapag iiwan natin siya rito. Baka mapano pa."
Kaagad namang tumango si Tita. "Of course. May malapit na police station rito diba? Tara."
Hawak hawak ko sa kamay ang umiiyak na bata habang naglalakad kami papunta sa malapit na police station. Nang makarating ay kaagad kong hinarap ang bata.
"Hush now. Your mom and dad will be sad if they see you crying. Tahan na." pinunasan ko ang kaniyang pisngi.
"When will I see mommy and daddy?" tanong niya.
"Later, okay? Ipapaalam muna natin sa police then they'll inform your parents that you're here." sagot ko.
Iyon nga ang ginawa namin. We told the police that there's a lost kid. About 3 to 4 years old with brown hair and brown eye. Medyo curly rin ang buhok at maputi ang kulay ng balat. Naghintay kami roon ng halos dalawang oras bago may dumating na babae at lalaki na halos hindi magkanda ugaga sa pagtakbo papasok.
Mabilis itong lumapit sa isa sa mga pulis. "Oh for god's sake! Where's my son!"
Tinuro nang pulis ang gawi namin kaya lumingon rito ang babae. Kaagad naman siyang tumakbo sa oras na nakita niya ang bata na nasa aking tabi.
"Mommy! Daddy!"
"Darius. Oh my god!"
Kaagad niyakap ng kaniyang ina ang bata. Ilang minuto niya munang chineck ang katawan ng kaniyang anak at nang makitang wala namang nangyari sa kaniya ay ibinigay niya muna ito sa sa lalaking nasa kaniyang likod bago humarap sa amin.
"Maraming salamat at nakita niyo ang anak ko. We were so worried! Hindi namin namalayan na nakalabas pala siya ng kotse. Thank you so much!" aniya.
Parehas kaming napahinto ni Tita Viena. Hindi dahil sa kaniyang anak kungdi dahil sa kaniyang mukha.
She looks somewhat familiar. From her gold eyes to her rosy lips. Alam kong ngayon ko palang siya nakikita pero pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala. And her resemblance to someone is definitely one of them.
"Damien..." sabay naming saad ni Tita.
Nagtatakang tingin ang ibinigay sa amin ng babae. "What?"
"You look....exactly like Damien." ako ang tumapos.
Napahinto ang babae at tila nagulat sa sinabi ko. "You know my brother?"
Kaagad akong tumango. I know him. Very well. Hindi ako makapaniwala. I'm right. She is definitely Damien's sister.
"Dakota Elise. It's you, right?" tanong ko.
Tumango siya. "Right. May I ask something? It's bothering me."
Nagtaka ako. "Hmm? Sure. What is it?"
Sa una ay mukhang nagdadalawang isip siya pero kalauan ay bumuka ang kaniyang bibig. "You...You smell kinda different. Hindi ko mawari kung bampira kaba o tao. It's a mix."
Nagkatinginan kami ni Tita Viena. Napalunok ako bago muling humarap kay Dakota.
"I'm a half blood. Maybe that's why I smell different." mahina kong sagot.
Napa-o-naman ang kaniyang bibig. Tila hindi inaasahan ang aking sasabihin. "That's why. Sorry I didn't mean to be rude. It's just that half bloods are so rare. It's my first time seeing one. Except for my son of course."
Tumaas ang aking kilay. Oh right. I forgot her husband is a human. That just mean her kid is just like me.
Hindi ko mapigilang tignan ang kaniyang anak na karga karga na ngayon ng kaniyang asawa ilang metro ang layo sa amin. The father is playing with him.
"Will your son be okay? Living as a half blood will be tough life for him. Based for my experience, of course." saad ko.
She gave me a reassuring smile. "I've already considered that thought the moment a married a human. I'm going to make sure no one will harm my family. Not in my protection."
I smiled. Good for her. She left the life she used to have to marry a human. It probably took her a lot of courage to make it where she is now. Nalampasan lahat ng mga pagsubok sa kaniyang buhay. And here she is, happy and contented with her family.
"If you see my brother. Tell him I miss him so much. And that I am sorry that I left him with our parents that day." aniya.
Tumango ako. I don't even know if I will be able to see him again.
Pagkatapos noon ay nagpaalam na silang umalis. Bumalik na rin kami ni Tita Viena sa palengke upang tapusin kung ano man ang hindi pa namin na bibili. Nang nabili na namin ang lahat ng kakailanganin para mamayang gabi ay saka na kami umuwi.
Magaalas tres na ng hapon kami nakauwi. Hindi ko na napigilan si Tita sa dami nang kaniyang pinamili. Dumiretso na ako sa kwarto upang magbihis ng simpleng tshirt at shorts habang si Tita naman ay sa kusina dumiretso para ilagay lahat ng binili namin.
Bababa na sana ako nang may tumawag sa aking cellphone. Nang makitang ang kaibigan kong si Carole iyon ay kaagad ko itong sinagot.
"Hello—"
"Happy Birthday, Celestia! Whoooo!" halos mailayo ko ang aking selpon dahil sa kaniya.
"Thank you. Anong oras ang punta niyo dito mamaya?" tanong ko.
"Mga 6 or 7pm siguro. Sabay sabay na raw kaming pupunta jan para di hassle sa inyo." aniya.
Tumango tango ako kahit naman di niya nakikita. "Sige. Regalo ko ha?" biro ko.
Rinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. "Syempre naman! Sige na. Tawag nalang ako ulit pag papunta na kami. Sasamahan ko pa ang iba bumili ng regalo. Babush!"
Pagkatapos non ay pinatay na niya ang tawag. Napailing nalang ako habang naglalakad pababa. Nagtaka ako kung bakit maingay sa kusina at halos tumalon sa gulat nang may marinig na pagkahulog ng kaldero.
"Ang kulit mo iyan tuloy! Kunin mo yan kaldero!" boses iyon ni Tita Viena.
Nagmamadali akong bumaba at pumanhik sa kusina kung nasaan ko nakita si Tita Viena at Cirrus na nagtatalo.
"Ako na nga kasi, Tita. I know how to cook!" rason ni Cirrus.
"Talaga, Cirrus? Ako kaya lagi ang nagluluto sa bahay. Kumakain kalang. Tabi nga muna diyan. Hinulog mo ang mga repolyo ko." taboy niya.
Parang masunuring bata si Cirrus na tumabi nang sinenyasan siya ni Tita. Nakatayo lamang siya roon at tuwing sinusubukan niyang tumulong ay pinapaalis siya.
Hindi ko mapigilang matawa nang makita sila. Tita is now starting to get annoyed with him. Ayaw kasi siyang lubayan ni Cirrus.
Napalingon sa gawi ko si Cirrus nang marinig niya ang tawa ko. Iniwan niya si Tita at tumungo sa gawi ko upang yakapin.
"Happiest Birthday to my sister! Tumatanda kana." biro niya kaya sinapak ko siya.
"Tumahimik ka nga. Mas bata ako sayo kaya ikaw iyong matanda." sagot ko.
Sumimangot siya. "Yeah, whatever. By the way, I bought someone with me."
My face lightened. "Is it Damien?"
Umiling siya. "Unfortunately, no. Pero alam kong masisiyahan ka kapag nakita mo sila."
Inaya ako ni Cirrus papunta sa aming sala kung saan naghihintay ang mga sinabi niyang kasama niya.
Lumaki ang aking mata nang makita si Tita Christine at Lizette na naghihintay sa may sofa. Lumingon sila sa gawi ko kung saan kaagad silang napatayo.
"Tita Christine! Liz!" masaya kong saad at tumakbo papunta sa kanila at binigyan ko ng mahigpit na yakap.
"They asked me if they can come with me so I said yes. It was difficult to sneak when I'm with someone but gladly we managed to do it." aniya Cirrus.
Humarap ako kina Tita Christine at Lizzette na masayang nakatingin sa akin.
"I didn't expect you to show up. I thought... I thought you hated me." saad ko.
Umiling si Lizette. "Silly! I will never hate you. Nagulat lang kami at bigla nalang nagtaka na wala ka na. We didn't even said goodbye to you."
"She's right. Pumunta muna kaming bakery dahil sa kaguluhan at pagbalik namin ay wala ka na. Ang nadatnan nalang namin ay si Damien na kinakausap ang galit niyang ina." aniya naman ni Tita Christine.
Panandalian kaming natahimik. "Oo nga pala. Kamusta si Damien? Is he being punished in there? I mean five years had already passed. Is he okay?" tuloy tuloy kong tanong.
Muling nagkatinginan si Tita Christine at Lizette na tila hindi alam ang isasagot sa akin.
"Uhh, about that. A few weeks after you left, Damien was—"
"Ehem! Gusto niyo ba ng meryenda? Order muna tayo habang hinihintay natin ang mga niluto ni Tita Viena. Ikaw, Celestia. Mag order ka! Dali!" pinutol ni Cirrus ang sasabihin ni Lizette at mabilis akong tinulak paakyat.
"Teka, nag-uusap pa kami." saad ko.
"Mamaya na iyan. Walang kain sina Tita Christine at Lizette. Gutom na sila. Order kana dali!" aniya na tila hindi mapakali.
Wala akong nagawa kungdi ang gawin kung ano ang gusto niya. Umakyat ako upang mag diall at umorder ng makakain. Pagkababa ko ay nandoon parin sila at nag-uusap.
Itinuloy namin ang pagkukuwentuhan habang hinihintay ang inorder kong pagkain. They stopped talking about Damien which I found strange. Hindi ko nalang ipinilit at nakikinig na lamang sa mga kuwento nila.
Hours passed by until Carole and some of my co-workers finally came. Tinulungan ko na si Tita Viena na ihanda ang mga pagkain sa lamesa. Alas siyete na nang magsimula ang kaininan. Napuno ng kwentuhan ang buong hapag kainan. Biglang may tumawag kay Cirrus at kaagad siyang nagpaalam na sasagutin ito.
"Here is the gift for the most prettiest girl in our department!" aniya nang katrabaho kong si Julian.
Tumawa ako at tinanggap ang regalo na ibinigay niya. Kanina ko pa pinagbubuksan ang mga regalo nila sa akin at sa kaniya ang pinaka huli.
The gift she gave me was a sunday dress. Kulay dilaw iyon na may pattern sa dulo. Above the knee siya at medyo kita ang likod. It was a really nice dress at siguradong magagamit ko ito kapag pupunta kaming beach.
"Thank you, Julian! I'll definitely wear this!" pasalamat ko.
"No problem. At tsaka magpa-sexy karin minsan. Puro ka office attire. Hindi nakikita ang hubog ng katawan mo. Makakahanap ka ng boyfriend diyan. Ikaw nalang ang single sa department natin!" aniya. Tumango naman iyong iba.
"I don't really have time for that. Focus muna ako sa work for now. Hindi naman ako atat magka-boyfriend." sagot ko.
"Naku pag maghihintay kalang talagang tatanda kang single niyan!" aniya nang isa kong katrabaho.
Napahinto ako. I took her words differently. Tila iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. If I wait and do nothing, magkakatotoo ba ang sinabi niya?
I kept holding on for Damien's promise for the past five years. At ni isa sa mga taong iyon ay ni presensya niya man lang ay hindi ko nadama. How long will I have to wait?
Nagpatuloy sila sa pagkwekwentuhan habang nagpaalam muna akong maghuhugas ng kamay. I've already eaten too much at hindi ko na kayang sumubo pa.
Pumunta akong kusina at naghugas. Malamig at tahimik dahil gabi na. Nang matapos ay babalik na sana ako nang marinig ang boses ni Cirrus na nasa likod nang bahay at tila may kausap sa kaniyang cellphone. Aalis na sana ako dahil ayaw ko namang mag eavesdrop for his privacy pero nang marinig ang aking pangalan ay napahinto ako.
"It's Celestia's 24th birthday today. She's waiting for you again, you know? Ilang beses na ba ito kada birthday niya, Damien? Why do you keep refusing to visit her? Ano? Mas importante pa iyang meeting mo kesa sa kaniya?"
Magkasalubong ang kilay niya habang pinakikinggang ang nasa kabilang linya.
"Bullshit. How long will you want her to wait for you? She doesn't care about those things, Damien. Sapat na na makita kalang niya." sagot niya.
"She's lonely, Damien. Naghintay siya saiyo dahil sinabi mo sa kaniyang maghintay siya. But you already know where she lives since years ago. Alam mo ba kung paano siya masasaktan kapag nalaman niyang alam mo kung saan siya pero ayaw mong puntahan?"
Kumunot ang noo. What is this? What is he saying? Hindi ko maintindihan.
"She misses you a lot. Don't you miss her too? Sigurado kabang kaya mong magtiis nang isa pang taon?" tumawa siya. "Kilala kita, Damien. Alam kong hindi mo siya matitiis. I bet you 100 bucks pupunta ka dito—" naputol ang pagsasalita niya. "Pinatayan ako ng gago."
Hindi ko na kayang manatili pa roon at mabilis na umakyat patungo sa aking kwarto at kaagad iyong ini-lock. Mabilis ang pagtibok nang aking puso habang nararamdaman ang unti unting pagtulo nang aking luha.
I'm not dumb not to know what they are talking about. He knew. He fucking knew where I lived for the past fucking years. Alam niya kung saan ako nakatira pero ni isang beses ay hindi siya pumunta!
I feel so dumb and betrayed. Nagmumukha lang pala akong tanga na naghihintay sa kaniya sa loob ng limang taon. He promised me. That once he find out where I am, he will come see me. Pero matagal niya na palang alam kung nasaan ako. It's just that he refused to see me. Why?
What was his promise is for then? Were it all just bullshit? Why would he even promise me when he can't even fulfill it.
Umiyak lamang ako sa kama habang sa lumipas ang oras. Tinawag ako ni Tita Viena dahil uuwi na raw sila. Kaagad ko naman inayos ang aking sarili upang ihatid sila sa gate namin.
We bid our goodbyes. Umalis narin si Cirrus dahil kasama niya sina Tita Christine at Lizette. Hindi pwedeng iiwan niya sila. Pagkatapos non ay muli akong umakyat sa taas. Alam kong nagtataka si Tita Viena sa biglaang ikinikilos ko pero hindi siya nagtanong.
Pagod akong humiga sa kama. I was supposed to be happy today but it got ruined because of a person who refused to see me on my special day.
He is such a jerk! Ayaw mo akong puntahan ha? Then so be it! I just wasted five years waiting for someone who will never come. Hindi ko na siya hihintayin. Never. Bukas na bukas rin ay maghahanap na ako ng boyfriend. And it's not going to be him!
Hindi ko alam na nakatulog pala ako nang mga oras na iyon. Nagising lamang dahil sa malamig na hangin na dumapo sa aking balat. I opened my eyes just to see the sliding door of my balcony open. Sumasabay sa ihip nang hangin ang mga puting kurtina.
Why is it open? I'm pretty sure that door was closed when I went to sleep.
Tumayo ako at kaagad na niyakap ang sarili dahil sa muling pagtama ng malamig na hangin. Tumingin ako sa wall clock at nakitang alas dos na ng madaling araw.
Kaagad akong pumunta sa balcony upang isara ang pintuan. Pero hindi ko pa man ito nahahawakan ay kusa na lamang itong sumara na siyang ikinagulat ko.
Sisigaw na sana ako nang may biglang tumakip sa aking bibig na siyang hindi ko inaasahan. Sinubukan kong kumawala pero masyado siyang malakas.
Is it a thief? Nasa second floor ang kwarto ko at walang maakyatan ang magnanakaw mula baba papunta sa balcony. How did this person manage to go inside?
I was already panicking so I had no choice but to kick the man who is holding me on the crouch. Kaagad naman itong bumitaw.
"Fuck!"
I was ready to attack him when I found out who the burglar is.
"Damien..." I whispered.
Umayos siya ng tayo nang makita ako. Maya maya ay unti unti niyang inabot ang aking mukha. "Celestia..."
Kaagad kong hinawi ang kaniyang kamay. "Don't touch me."
Kita ko ang gulat sa kaniyang mukha. "Baby, I finally found you."
"You fucking liar." may diin kong saad.
Finally found me? Tanginang kasinungalingan iyan.
Sinubukan niyang lumapit pero umatras ako. "Subukan mong lumapit. Sisigaw ako."
He furrowed his eyebrows. "What do you mean? I'm here now. Like I promised. Did I made you wait for too long?"
Tumango ako pero nanatiling seryoso ang mukha. "Yes. Too fucking long. You knew where I am but you still made me wait. Do you know how betrayed I feel right now?"
Nagulat siya sa aking sinabi. "How did you—"
"Know? It doesn't matter. The only thing that matters now is that you are a fucking liar!" hindi ko mapigilang sumigaw.
Bigla siyang lumapit sa akin. Sinubukan ko muling umatras pero nahuli niya ako.
"Bitawan mo ako, Damien!" utos ko pero hindi siya nakinig.
"Celestia, I can explain—"
"Explain what, Damien? Wala ka nang dapat ipaliwanag kaya bitawan mo ako!" sigaw ko habang nagpupumiglas.
"Baby please just listen to me." bulong niya.
"No more. It was already clear to me. Hindi mo tinupad ang pangako mo. Maybe that's who you really are. Someone who don't fulfill their promises. You probably gained your people's trust again and that you continued to be their Alpha. Sure, that's no problem to me. Iyon naman talaga dapat eh. I was the one who is stupid enough for holding on to your so called promises. Now let me go." mapait kong saad.
Hindi siya umimik at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "No. I endured not seeing you for years, even though how badly I want to see you. And now that I get to hold you, there's no way I'm going to let you go."
Umiling ako. Hindi naiintindahan ang bawat salitang sinasabi niya. "What was the reason then? Na nagtiis kang hindi ako puntahan tulad ng ipinangako mo. Did your mother told you to not see me? Ang mga residente ba ng Casta Haema? Your people?"
Panandalian siyang tumahimik. Maya maya ay unti unti siyang umiling.
"It's because I got kicked out of Casta Haema."
Natigilan ako. "What?"
Lumunok siya bago ako hinarap. "After you went back, I tried to reclaim my people's trust. Cirrus did the same. He was successful. Maybe because they doesn't know that you two were related. But mine didn't worked. My mother disowned me. I got kicked out in the Palace. My position as an Alpha got removed that night. And three weeks later, I got kicked out in Casta Haema."
Hindi ako makasalita. I can't utter a single thing. Hindi alam kung sinasabi niya ba ang totoo o nagsisinungaling na naman siya.
"After that, I moved in this world. Permanently. Cirrus was there to help me find shelter. For months, I was wandering in this world. Not a single penny on my hand. Cirrus offered me your home. I refused. I don't want you to see me like that. That's why I told Cirrus to keep his mouth shut until I find a better lifestyle..."
"It took me years to get where I am now. Talked to a lot of people. I first started as a normal employee in a small company. Throughout the years, I worked hard to climb up in the top of the pyramid. Tried to befriend lots of corrupts businessmen. I can only look at you from afar. I told myself that I will never show up until I am successful. And now that I am, I'm not going to waste another day. I'm here now, Celestia. I'm sorry for making you wait."
Hindi ako makagalaw. Tila natameme sa aking kinatatayuan. He went through all of that? Just for me? Is he really saying the truth? Should I call Cirrus right now to confirm? But when I looked into his tired eyes, I knew I'm going to do something stupid again.
"You don't have to do that. I just wanted to see you. You don't have to be successful just to prove something to me." saad ko.
"I know, but I want to prove something to you. I don't want you to be married to an unemployed man." aniya.
Tumaas ang kilay ko. "Why are you so sure that I'm going to marry you? Remember, five years had passed. How are you sure that I still love you?"
He smirked at me. "Oh come on, Celestia. I think you are forgetting something. You are my mated partner. And once you found your mate, you will be together for eternity. Alphas can only love one person for their whole life. I used to be one so you have no choice. It's the same thing to you, Celestia."
Hindi ako nakapagsalita. Damn, he is really confident. I indeed forgot that he is my mate. It was confirmed that night. Years ago. On the red moon.
Lumayo ako sa kaniya. "You still need to make it up to me though. I don't totally forgive you. I still waited for you for years without knowing that you're close to me."
He licked his lips. "Fair. What do you want me to do then? Come on, say it. I will wholeheartedly oblige."
Panandalian akong nag-isip. "You said you're successful, right? What's your profession now, Damien?"
Tumaas ang kilay niya. "Why?"
"Just answer me." saad ko.
"I'm a CEO." simple niyang sagot.
Damn. I know he's successful but freaking hell. A CEO?
Sinubukan kong hindi maapektuhan. "Really? What company?"
"Seawell Corporation."
Hindi ko mapigilang mapamura. What the fuck? Isn't that the No. 1 oil company globally? They make billions per year! Is he bullshiting me?
"I'm serious, Damien. Which company?" ulit ko.
He shrugged. "I already told you though."
Umiling ako. "Nope. Nice try but I'm not gonna buy that."
His clenched his jaw. "Well, if you don't believe me. You can search it up."
I'm obviously not buying what he just said. Tulad ng sinabi niya ay kaagad kong kinuha ang cellphone na nasa aking sidetable at kaagad na sinearch kung sino ang ceo ng Seawell Company. And to my surprise, his name is indeed there together with his photo.
"No fucking way." hindi ko makapaniwalang saad.
Narinig ko ang mga yapak ni Damien patungo sa akin.
"Is it really a big of a deal to you?" tanong niya.
Kaagad ko siyang hinarap. "Of course! A lot of people take decades just to be one. And you just did it for five years."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at hinaplos lamang ang aking buhok. "I already told you. I don't mind playing dirty, Celestia."
Hindi ako makapagsalita. He really did all of that just for me? But why? I'm just a normal person. Ni hindi ko magawang maisip na may tao na katulad niya na magsasakripisyo para lamang sa akin. Sacrifice his position for me. Kill someone for me. Hindi ko na alam.
Muling pumatak ang luha sa aking mga mata. Damn it, why is he always the reason why I cry?
Pinunasan ni Damien ang aking luha. "Why are you crying? Did I do something wrong?"
Umiling ako. "I don't understand why you are doing all of this just for me. I don't..."
He hushed me. "It's because you are my mate, Celestia. You are the person I fell inlove with. A vampire's love is unconditional. You are everything to me. You are my very own world."
Oh heaven's, I didn't know I could experience this moment. Having someone like him is a gift. Never in my wildest dream that I will met a man who is willing to sacrifice everything just for being with me. Do I really deserve it? Do I finally get the happiness that I've always dreamed of?
This is another step of my life. For now on, I will always follow my heart. Kahit na madaming pagsubok ang dumaan sa buhay ko ay nagawa ko paring lampasan ang lahat ng iyon. I could say, everything was worth it.
I'm going to live happily now. No more pain. No more rules and boundaries. No more waiting. Just going to live peacefully together with the people I love. Together with this jerk, infront of me. Pero kahit ganiyan siya ay wala na akong magagawa. He is the man I fell inlove with.
My love for him will never fade. Maybe because I'm a half blood. I will stay by his side. Forever. I will always love you, my Alpha.
The end.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro