Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7: Thirst

Chapter 7: Thirst

Huminto ang sasakyan ng nasa harap na kami ng palasyo. Mula rito ay kitang kita na ang mga guard na nakapaligid sa buong palasyo.

Pinagbuksan ako ng driver ng pinto kaya kahit hindi pa ako ready bumaba ay lumabas nalang ako. Akala ko ay sasamahan niya ako pero sinenyasan niya lamang ako tumungo sa malaking double door na pinto kung saan may nakabantay na dalawang guard sa magkabilang gilid.

Lumunok ako bago nagsimula ng maglakad. Nang makarating sa harap ay tinignan ako ng guard mula ulo hanggang paa. Tumaas ang kaniyang kilay pagkatapos ako inalisa.

Inilahad niya ang kaniyang kamay. Agad kong kinuha iyong kwintas ni Tita Christine at pinakita ito sa kaniya. Hindi na niya ito kinuha sa akin at agad tumango nang makita ito.

Sinabi sa akin nang guard na may naghihintay na maid sa loob upang gabayin ako patungo sa kwarto ni Damien. Marinig lang ang pangalan niya ay kinakabahan na ako. Mahigpit ang hawak ko sa dala dalang pouch na bigay ni Tita Christine.

Pagkapasok ko ay sinalubong kaagad ako ng magarang istraktura nang palasyo. Napakaliwanag sa loob at sumisigaw ng kayamanan. Agaw pansin ang dalawang malalaking hagdan sa magkabilang gilid na may pulang karpet. Pati narin ang malahiganteng chandelier na nasa gita.

I can't help but to be amazed on how luxurious this looks. Wala pa akong nakitang ganito kagarbong lugar sa buong buhay ko. I've been to hotels but this is far way luxurious than the ones I've visited.

Hindi ako kinausap ng maid nang makita niya ako. Sinenyasan niya lang akong sumunod sa kaniya kaya ginawa ko iyon. Nasa likod niya lamang ako habang umaakyat kami sa napakalawak na hagdan.

"I don't think na papasukin ka ng alpha." napalingon ako sa maid nang bigla siyang magsalita.

Hindi ako nagsalita. I know. Kung ayaw niya akong papasukin ay ibibigay ko nalang itong gamot sa maid na ito. Ayaw ko rin namang pumasok sa kwarto niya.

"Kahit na nga si Lady Alicia ay hirap na makapasok sa kwarto niya. Ikaw pa kaya na isa lamang hamak na tao." parang kumirot ang aking puso sa kaniyang sinabi.

I know. Alam ko namang hindi tanggap ang mga uri namin sa mundong ito. But it still hurts whenever they say that we're nothing but a mere humans. Capable of doing nothing in this world. We don't have the speed like they do. We don't have the strength like they do. Na kahit anong gawin naming pagsasanay ay hindi namin mapapantayan ang lakas at bilis nila.

Narinig ko to sa isa kong classmate. That the only thing we can contribute to to this world is to be their source of  food. Nothing more than that.

Nawala ako sa aking iniisip nang huminto na iyong maid. "We're here."

Inilipat ko ang tingin sa kulay kayumangging pintuan. He's there. Inside of that room. Ang bilis ng pagtibok ng aking puso ay mas lalo pang bumilis. Napalunok ako.

"Kung may kailangan ka, nanjan lang ako sa kabilang hallway. Kung ayaw kang papasukin tawagin mo lang ako." aniya ng maid sabay turo sa kabilang hallway. Tumango naman ako at nagpasalamat.

Pinagmasdan ko lang ang maid na naglalakad palayo. Nang mawala na siya sa paningin ko ay sinubukan kong huminga ng malalim para kahit papaano ay umibsa ang bilis ng pagtibok ng aking puso.

Ngayon ay ako nalang mag-isa ang nakatayo sa napakalaking hallway na ito. Napakatahimik ng lugar. Kung pupwede ay maririnig ko na ang mga malalalim kong paghinga.

Umayos ako ng tayo bago hinarap ang pintuan ng kaniyang kwarto. Ilang segundo muna akong nakatayo roon bago naisipang kumatok.

Tatlong katok ay walang sumagot. Maya maya ay sinubukan ko uli pero nagsalita na ako.

"I am here to give you your meds, Mr. Vaughn. I'm Celestia. Celestia Sinclair. Wala si Tita Christine kaya ako ang inutusan niyang pumunta rito." hawak hawak ko ang dalawang kamay ko at pinaglaruan iyon. Para kahit papaano ay mawala ang kabang kanina ko pa nararamdaman.

Hindi parin siya sumagot pero rinig ko ang pag unlock ng kaniyang pinto. I stared at his door for a couple of seconds bago sinubukang pihitin ang doorknob ng kaniyang kwarto.

That just means that he allowed me to come inside right?

Nang makitang bukas nga iyon ay akmang papasok na ako nang may humigit sa aking kamay dahilan kung bakit ko natanggal ang pagkakahawak sa doorknob.

Itinaas ko ang aking tingin upang malaman kung sino ang humila sa akin.

Galit na mukha ni Cirrus ang sumalubong sa akin. Malalim ang kaniyang paghinga na tila tumakbo pa papunta rito.

"What the hell are you doing? Bakit ka nandito?" hindi man siya sumigaw ay ramdan na ramdan ko ang galit sa bawat bigkas niya ng salita.

"I-I was just giving Damien his meds. Hindi makakapunta si Tita Christine kaya ako ang inutusan niya. Aalis rin naman ako pagkatapos."  nauutal kong sagot.

Matalim ang titig niya sa akin. Nandoon parin ang galit sa kaniyang mukha. "No, no, you don't understand. Damien don't need those fucking medications. What he needs is a human blood. And you're here making it worse!"

Napapikit ako sa bigla niyang sigaw. Naging mahigpit ang paghawak niya nang kamay ko kaya napainda ako sa sakit. Sinubukan kong kumalas pero hindi ko kaya dahil sa taglay niyang lakas.

"But he needs to take it. Para kahit papaano ay maibsan ang kaniyang pagkauhaw. If this continues, and he still keep being hardheaded ay baka mamatay siya, Cirrus." hindi ko mapigilang sumagot.

"You have no idea, Celestia. He doesn't need just any human blood or a medication. What he needs is yo—" napahinto siya na tila may sasabihin sanang hindi niya pwedeng ituloy. "Shit, you really need to get out of here."

Hindi na ako nakasalita nang akmang hihilahin niya sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming napahinto at lumingon.

"So noisy..."

Bumungad sa amin ang walang pangitaas na si Damien. Nakasandal ang kaniyang braso sa pinto na tila kumukuha ng suporta mula roon. Nakayuko siya at pawis na pawis. Rinig mula rito ang malalim niyang paghinga.

Itinaas niya ang kaniyang ulo upang lingunin kami. Napakaputla niya at ang kaniyang mga mata ay pulang pulang nakatitig sa akin. Ni hindi man niya lang sinulyapan si Cirrus at saakin kaagad dumapo ang kaniyang titig.

Narinig kong nag mura ni Cirrus.

Napalingon ako kay Damien ng hawakan niya ang kabilang kamay ko.

Hindi na naka react pa si Cirrus nang higitin na ako ni Damien papasok sa kaniyang kwarto bago ito mabilis na ni lock.

"Open the damn door, Damien! You can't do this!" Cirrus shouted while still banging the door. Pero hindi siya pinakinggan ni Damien.

Ilang minuto siyang naroon at kumakatok pero kalaunan ay frustrated na umalis dahil alam niyang walang balak siyang pagbubuksan ni Damien.

Nakatingin lamang ako sa kaniyang pinto nang umalis si Cirrus. Madilim ang kaniyang kwarto. Wala ni isang ilaw o kandila lamang ang nakabukas. Nang lilingunin ko na sana siya ay bigla niyang hinigit ang aking kamay at mabilis na ipinilig sa pader.

I got caught of guard. Hindi inaasahan ang biglaan niyang paghila. Ang hawak hawak kong pouch ay nahulog sa katabing maliit na kabinet. Napainda ako sa sakit ng paglapat ang aking likod sa pader.

"Let go of me. Nasasaktan ako, Damien." saad ko pero mukhang sarado ata ang tenga niya.

Nakayuko lamang siya. Hindi ko kita ang kaniyang mga mata at ang tanging nakikita ko lang ay ang kaniyang maputlang labi. Natatabunan ng kaniyang basang buhok na gawa ng pawis ang kalahati ng kaniyang mukha.

Halos mapatalon ako ng marahan niyang ipinilig ang kaniyang ulo sa aking balikat. Nakaharap ang kaniyang mukha sa aking leeg. Ramdan na ramdan ko ang kaniyang hininga sa aking balat.

"This is your fault... If you didn't bled that day..." kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.

What does he meant by that? Tinutukoy niya ba ay iyong pangyayari noong dalawang linggo na ang nakakalipas? Iyong nasugatan ako sa harap niya at dumugo iyong daliri ko? Hindi ko alam na napakalaking epekto pala iyon sa kaniya.

Mabilis niya akong binitiwan at naglakad patungo sa kaniyang kama bago pinasadahan ang kaniyang mukha. "This is driving me crazy..."

Hindi ako makagalaw. Naguguluhan ako. Does that mean that I was the reason why he didn't come to school for two weeks? And that he's just inside his room torturing himself because he refused to drink any blood?

Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili bago napagdesisyunang kunin iyong nabitawan kong pouch. Naglakad ako patungo sa kaniya at inilahad iyon.

"Aunt Christine told me to hand this meds to you. Just take it para kahit paano ay maibsan ang pagkauhaw mo." tinignan niya lang ang aking kamay na nakalahad sa kaniyang harap.

"None of these medications fucking worked, Celestia." aniya at sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay.

"Then what do you want? You don't want human blood and the medications don't work on you." tinignan ko siya. "If you keep doing this you'll die and you know that. What blood do you want to quench your thirst, Damien–"

"I want yours! Can't you see that? But I know damn well that you won't agree! That's why I'm trying to isolate myself because once I see you, I know  that I'll be fucked! And that's the reason why this is driving me crazy!" huminga siya ng malalim at sinubukang pakalmahin ang kaniyang sarili. "You don't know how hard this is for me. Seeing you infront of me while trying to stop myself is torture, Celestia."

Hindi ako nakasagot sa kaniyang sinabi. Hindi ko inaasahan iyon. Tila napako ako sa aking kinatatayuan habang tinitigan si Damien na frustrated na nakaupo sa kaniyang kama. Tila pinipigilan ang sariling titigan ako.

Was he holding back all this time? Hindi ba dapat ako pumunta pa rito? He said it himself, I was the reason behind all of this. Since that thing in the Laboratory Room. My blood affected him that much? Simula noon ay kinulong na niya ang sarili niya sa kaniyang kwarto dahil naamoy niya ang aking dugo? Somewhat, it doesn't make any sense.

Nawala ako sa iniisip ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang middle aged na babae at sa likod nito ay si Cirrus. Nang makita niya ako ay kaagad siyang naglakad patungo sa akin.

"What is this madness, Damien!" the woman's voice was furious.

"Get out of my room, Mom." malamig na saad ni Damien. Ni hindi man niya lang sinulyapan ang kaniyang ina.

Nabaling sa akin ang tingin nang kaniyang ina. Ang kaniyang galit na mukha ay mas lalong naging galit.

"Why is there a human in here? Asan si Christine? Cirrus, sino ang nagpapasok sa kaniya rito sa palasyo!" singhal nito.

Itinago ako ni Cirrus sa kaniyang likod bago sumagot. "Tita Christine couldn't make it so she ordered Celestia to come instead on her behalf."

Sasagot pa sana ang kaniyang ina ng magasalita si Damien. "Mother, Cirrus. Can you please get out?"

Her mother looked at him with furious eyes. "And we'll left you here with this mere human? Ha, Damien? Nahihibang ka na ba?!"

Kahit na galit na galit na ang kaniyang ina ay hindi niya ito nilingunan man lang.

"Please get out while I'm still trying to be nice, Mom. You don't want me to go berserk, right? Leave. Me and Celestia will talk." mahinahon pero may riin niyang utos sa kaniyang ina.

Hindi ako makapaniwala sa kaniyang inaasala tungo sa kaniyang ina. Wala siyang pakelam kung ano man ang maramdaman nito. I cannot imagine myself talking like that to my mom.

Binaling ni Damien ang kaniyang tingin kay Cirrus. Naging mahigpit ang pagkahawak ni Cirrus sa aking kamay. Nagkatitigan pa sila nang ilang segundo na tila nag-uusap gamit ang kanilang utak. Maya maya ay mariin na pumikit si Cirrus bago ako binitiwan.

"Fuck, alright. Just talk, Damien. Don't hurt Celestia." aniya. Hindi sumagot si Damien.

Naglakad na si Cirrus at lumapit sa ina ni Damien. Sa una ay umayaw pa ito pero nang makitang wala paring expresyon si Damien ay pumayag na rin itong lumabas.

"We'll talk after this, Damien. You don't want your father to know that you bought a human in your room." hindi na niya hinintay na sumagot si Damien at nauna ng lumabas ng kwarto.

Muling dumilim ang buong kwarto. Walang umimik sa amin.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Pagkatapos ay naglakad ako patungo kay Damien na ngayon ay mukhang nanghihina na. I know that this guy is dangerous. He's a vampire. Isang uri na nababasa ko lang sa libro. Hindi aakalaing totoo sila. At ngayon, nandito ako at nakaharap sa isang uri na kahit kailan ay hindi ko inisip na totoo.

But I just can't let him die. Ako ang punot dulo sa kung ano man ang nangyayari sa kaniya ngayon. I hate to admit but I need to take responsibility. Ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito kaya ako rin ang aayos. Pagkatapos non ay hindi na ako mangengealam pa.

Tinignan ko siya. Malalalim ang kaniyang hininga. Kahit na malamig sa kaniyang kwarto ay napupuno parin siya ng pawis.

Umupo ako sa kaniyang tabi at inilapit ang aking leeg sa kaniya. "Drink."

Tumaas ang kaniyang tingin sa akin. Tila hindi inaasahan ang aking sinabi. Hindi ako nagsalita at nakatitig lamang sa kaniyang mapupulang mga mata.

"You don't have to do this. I can take another night without drinking–" pinutol ko siya.

"No, you can't. We both know that. So stop being stubborn and just drink." tinignan niya ang aking nakalahad na leeg. Napalunok siya.

"Tell me if it hurts." iyon lang ang kaniyang sinabi bago inilapit ang kaniyang mukha sa aking leeg.

Ramdam ko ang kaniyang hininga sa aking balat. Nang lumapat ang kaniyang labi sa akin balat ay may biglang boltahe akong naramdaman. Nararamdaman ko ang kaniyang mga pangil.

Napapikit ako sa sakit nang tuluyan na niyang ipinasok ang kaniyang pangil. Mabilis akong napahawak sa kaniyang balikat para humingi nang suporta dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako.

"Shit!" hindi ko mapigilang mapamura dahil sa sakit na nararamdaman. Kinagat ko ang aking labi upang iwasan ang pagsigaw.

Mahigpit ang hawak ko sa likod ni Damien. Wala siyang suot pang itaas kaya alam kong nasusugatan ang kaniyang likod dahil sa mga kuko ko. I can't help it. The pain is unbearable.

Ramdan ko ang pag daloy ng aking dugo sa kaniyang labi habang umiinom. Maya maya ay nawala ang sakit pero napalitan naman ito ng panghihina.

"D-Damien, I think that's enough." wala pang isang minuto ay pakiramdam ko nakuha na kaagad ang kalahati ng enerhiya ko.

Damien didn't budge. Patuloy parin siya sa pag-inom na tila hindi narinig ang aking sinabi. Tinapik ko na siya pero ganoon pa rin. Halos bababa na ang talukap ng aking mga mata dahil sa panghihina.

Hindi ko na nagawa pang magsalita. I can't even lift my arm anymore. Nang wala ng enerhiyang natira ay bumagsak ang aking kamay na nakawak sa kaniyang likod. Mukhang doon palang siya natauhan at mabilis na kumalas sa paginom.

Nang umangat ang ulo niya ay roon na akong bumagsak sa kaniyang dibdib. Mabilis niya akong sinalo.

I tried to talk but I can't uttered any more words. Wala nang natira sa enerhiya ko. Umiikot ang buong paligid. Nakita ko pa si Damien na nakatingin sa akin at niyuyugyog ako pero hindi ko na nagawa pang sumagot.

His panicked face was the last thing I saw before I was consumed by darkness.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro