Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: Problem

Chapter 6: Problem

Nakasalubong ko si Lizette na lumabas ng faculty room. Ang nakabusangot niyang mukha ay nawala nang makita niya ako.

"There you are! Ang tagal mo naman. Kanina pa ako inuutusan ni Ma'am. Gusto ko nang umalis." reklamo niya nang makarating sa akin.

Ngumiti lamang ako. Hindi ko na sinubukan pang sabihin sa kaniya ang nangyari sa Laboratory Room dahil ayaw ko pang ma-ungkit iyon. At tsaka, nangako akong hindi ko na balak pang masalamuha ang lalaking iyon.

Tulad nang sinabi ni Lizette ay isinama niya ako papunta sa bakery na tinatrabahuan niya. Malapit lang raw iyon at pwedeng pwedeng lakarin pero dahil tinatamad raw siyang maglakad kaya naman nag commute nalang kami.

Huminto ang sasakyan sa harap nang isang hindi kalakihang bakery. Lumabas na kami at nagbayad.

Kaagad akong hinila ni Lizette papasok sa loob ng bakery at tumalon talon pa na parang excited na pumasok.

"Halika na, Celestia. Ipapakilala kita kay Tita Christine!" aniya habang sumusunod ako sa kaniya.

Hindi ko mapigilang kabahan. Will her boss like me? Sa isang taong katulad ko? Paano kung hindi ako tanggap tulad ng pagtanggap sa akin ni Lizette? Hindi ko alam kung may makukunan pa akong trabaho dito.

Mukhang napansin naman ni Lizette ang aking ninenerbyos na mukha. "Ano kaba, Celestia! Mabait si Tita Christine noh!"

Nginitian ko lamang siya para hindi na niya mapansing kinakabahan ako. Pagbukas niya palang ng glass na pinto ay amoy na amoy na kaagad ang pinaghalo halong amoy ng mga tinapay at kape. The fresh aroma lingers throughout the whole room.

Tahimik ang buong bakery at kakaunti pa lamang ang mga customers. May dalawang babaeng nasa counter. Ni-greet sila ni Lizette at bumati naman sila pabalik samantalang ako ay ngumiti lamang at bahagyang ipinilig ang ulo.

May hinawi siyang kurtina at sa tingin ko ay ito na ang kanilang kusina. Mas lalong lumakas ang mabangong amoy nang binabake na tinapay.

Sa isang kitchen counter ay makikita ang isang middle age woman na nagfla-flatten ng dough gamit ang rolling pin. Base sa kaniyang mukha ay mga nasa mid 40s na ito.

"Tita Christine, good afternoon! Eto nga pala si Celestia. Iyong sinasabi ko sayong friend ko na transferee." bungad niyang salita.

Nabaling sa amin ang tingin niya. Nagpunas muna siya ng kamay sa kaniyang suot suot na apron bago naglakad patungo sa amin.

Ngumiti siya nang makita kami. Kahit na medyo may wrinkles na siya ay napakaganda niya pa rin.

Huminto siya sa harap namin at inilipat ang tingin sa akin. Pinasadaan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"What a pretty girl. Mabuti nalang at nakilala ka ni Lizette. Kailangan talaga namin ng isa pang babaeng empleyado." aniya sabay ngiti sa akin.

Ang kabang kanina pa namumuo sa aking loob ay biglang nawala. Laking pasalamat ko nang makitang tanggap niya rin ako. Akala ko talaga hindi niya ako tatanggapin dahil una, bago lamang ako nakilala ni Lizette, pangalawa, isa akong tao. Hindi nila kauri. Tama nga ang sinabi ni Tita Viena, mayroon din palang mga mababait na bampira sa mundong ito.

Lumipas ang ilang mga araw at nagsimula na nga akong magtrabaho. Mga tatlong araw ako nila tinuruan sa mga basic at sa pagbebake ng tamang bread para sa mga customers. Taliwas sa aking inaasahan ay naging masaya at maganda ang mga unang araw ko sa bakery nila. Apat kaming lahat na babae na nagtratrabaho. Paminsan minsan ay tumutulong rin iyong anak na lalaki ni Tita Christine. Katulad nilang lahat ay tanggap nila ako.

Pero hindi maiiwasan na mayroon talagang masama ang tingin sa akin. Marami roon ay ang mga customers ng bakery na ito. Isang araw nga ay may lumapit sa aking isang babaeng bampira at inaway ako dahil hindi raw ako nararapat magtrabaho sa ganitong desenteng lugar dahil isa akong tao. Hindi ko na sana iyon pinansin pero nakipag sagutan pa si Lizette sa kaniya. Kalaunan ay pinaalis nalang iyong customer ni Tita Christine pero si Lizette ay galit parin dahil daw sa inasal noong babae.

"Akala mo naman ang ganda niya! Pangit na nga ang mukha, pangit pa ang ugali. Tse!" hindi na ako nagsalita pa at sinubukang pakalmahin siya.

"Hayaan mo na, Liz. Hindi talaga maiiwasan ang ganoong klaseng tao." kahit si Tita Christine ay tinutulungan akong pakalmahin siya.

Kahit papaano ay kumalma naman siya. Nagpaumanhin pa siya dahil nasali si Tita Christine na siyang amo namin. "Pasensya na sa gulo, Tita Christine. Hindi ko lang napigilan. Baka dahil sa akin mawalan pa tayo ng customer."

Imbes na magalit ay ngumiti lamang si Tita Christine sa kaniya. "Ano kaba. Tama lang iyong ginawa mo no. At tsaka, ayaw ko magkaroon ng customer na ganiyang ang mindset. Baka kung ako iyong nakarinig ay siguradong ganoon rin ang gagawin ko." nagtawanan sila. Hindi ko magawang matawa dahil alam kong nangyayari ito dahil sa akin.

"I'm really sorry, Liz, Tita Christine. Ako ang puno't dulo ng lahat na ito. Alam ko namang maraming hindi pabor sa mga katulad kong magtrabaho sa ganitong klaseng lugar." they shushed me.

"What are you talking about, Celestia. Oo, inaamin ko, marami talagang gagong bampira sa mundong ito. Huwag mo na lang silang pansinin pero kapag inaway ka sabihin mo sa amin ha? Kami na mismo ang reresbak sa kanila!" gigil na sabi ni Lizette.

"She's right, Celestia. We are all family here. We don't judge just because you are different from us. Wala naman sa uri iyan. Basta puro ang iyong puso ay tanggap ka namin." dagdag naman ni Tita Christine.

Hindi ko mapigilang maiyak. I have a family here. Buong akala ko ay simula nang tumira ako sa mundong ito ay kami lamang ni Tita Viena ang magkasama sa buong buhay ko. Dahil alam na alam ko na hindi kami tanggap sa mundong ito. Pero nagkakamali ako, mayroon pala talagang mabubuting puso tulad nila.

I will cherish the moment we have. I will protect them like how they protect me. Sisiguraduhin kong proprotektahan ko sila laban sa kasamaan na nakapalibot sa mundong ito. I already lost a family once, I cannot bear to lose another one.

Lumipas ang dalawang linggo at wala naman masyadong nangyari. Tulad nang nakasanayan ay pagkatapos ng klase ay sabay kami ni Lizette na didiretso sa bakery.

Simula nang pangyayaring iyon ay hindi ko na siya muling nakita. Mukhang hindi siya pumapasok sa klase. Maraming mga tao ang nagtataka kung bakit hindi siya pumapasok.

"He's probably out of town. You know, business stuff." napalingon ako sa dalawang babaeng naguusap sa hallway.

"I doubt it. Nandito si Cirrus. Kung aalis siya ng bayan para sa negosyo ay siguradong kasama niya si Cirrus. Right?" aniya ng isa. Tumango iyong kausap niya.

"You're right. Imposibleng aalis siya ng bayan na hindi kasama ang kaliwang kamay niya. Then, baka trip niya lang hindi pumasok. Alam mo na, ang mga mayayaman."

Umiling iyong babae. "Hindi talaga eh. Two weeks? Dalawang linggo siyang hindi pumasok. Even though, he is the alpha. His parents won't let him skip classes for two fucking weeks. It's weird. Don't you think so?" tumango tango naman iyong kausap niya.

Hindi na ako nakinig pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad. He is absent for two weeks? Kung sa mundo namin iyan. Kahit dalawang araw ka palang absent ay siguradong bibisitahin kana ng teacher. Mayaman ka man o hindi. Pero dalawang linggo? Grabe naman ata iyon.

Akala ko ay magiging masaya at kampante ako nang hindi ko na siya nakikita nang ilang araw. Pero dalawang linggo na ang lumipas at nagsisimula na akong hindi mapakali. What the hell is wrong with me?

Baka nilalagnat lang ako o ano. Tama, masyado kaming naging busy ni Lizette sa patong patong naming mga assignments at projects. Dagdag pa na pagkatapos sa school ay diretso kami trabaho. Kakaunti nalang ang oras ko para magpahinga. Thats right, maybe I'm just tired that I'm starting to imagine things. Itutulog ko lang ito at baka bukas ay mawawala na ang hindi pagiging mapakali ko.

Pero lumipas ang ilang araw ay ganoon pa rin. Hindi parin pumapasok si Damien. Gusto man siyang puntahan nang guro nila ay hindi nito magawa dahil tanging mga may matataas na ranggo lamang ang pwedeng pumasok sa palasyo.

Pagkatapos ng klase ay tumungo na ako sa field dahil naroon na naghihintay si Lizette. Dalawang subject lang kasi kaming magkaklase sa araw na ito. At sa kasamaang palad ay nasa kabilang building ang last class niya.

Habang naglalakad sa field ay nakita ko si Cirrus na mukhang nagmamadaling lumabas. Hinarangan pa siya nang isang babae pero nilampasan niya lamang ito. Sumunod ang mata ko sa kaniya. May nakaabang na itim na koste sa may gate at kaagad siyang pumasok rito. Bago pa sumara ang pinto ay nakita ko pa ang hindi niya mapakaling mukha habang nakatingin sa kaniyang relo.

Why is he in a hurry? Isinabi ito ni Tita Viena sa aking noong isang linggo na ang pamilya ni Cirrus ay kanang kamay nang pamilya ni Damien. Kaya siguro lagi silang magkasama. Pero bakit mukhang hindi siya mapakali. May problema ba sa palasyo?

Natanggal ang tingin ko sa papaalis na sasakyan ng tawagin ako ni Lizette. Nabaling sa kaniya ang tingin ko.

"Tara?" aniya ko at akmang mauuna ng maglakad ng pinigilan niya ako.

"Di ako makakatrabaho ngayon, Celestia. My mom called me. May family dinner raw kami mamayang gabi. Aayaw sana ako pero naalala ko ilang family dinner na ang hindi ko nadaluhan at kung hindi ako sisipot ngayon ay baka magtatampo iyon." paalam niya sa akin.

"Paki sabi nalang kay Tita Christine, ha? Sorry talaga, Celestia." kaagad akong umiling.

"Okay lang, ano kaba. You go attend your family dinner. Ako na ang bahala na magpaalam kay Tita Christine para sayo." mabilis niya akong niyakap.

"Thank you talaga. You're the best! Kita nalang tayo bukas?" aniya. Tumango naman ako.

Nauna na siyang umalis. At dahil ako nalang rin naman mag-isa ang pupunta sa bakery ay naglakad nalang ako. Lagi kasi kaming naco-commute ni Lizette dahil tinatamad raw siyang maglakad. Parehas naman rin kaming walang kotse kaya ayun, hanggang commute lang kami.

Hindi naman malayo ang bakery mula sa school kaya parang exercise ko nalang din naman ito.

Nang makarating sa bakery ay kaagad kong hinanap si Tita Christine. Nakita ko siya sa kusina na hindi mapakali. Kausap niya ang dalawa pang babaeng empleyado.

Sasabihin ko na sana sa kaniya iyong tungkol kay Lizette nang mauna siyang magsalita. "Thank god, nandito na kayo. Nasaan si Lizette?"

Lumapit ako sa kaniya. Sinabi ko sa kaniya iyong tungkol kay Lizette na maga-attend siya ng family dinner nila at ako lang ang magisang pumunta rito.

"Talaga? Ba't ngayon lang siya nagpaalam. Paano na ito ngayon." aniya habang nagka-crack ng egg. Di na siya makatingin sa akin dahil mukhang busy niya.

"Ano po ang problema, Tita?" hindi ko mapigilang magtanong.

Pinunasan niya ang pawis sa kaniyang noo bago bumaling sa akin.

"May problema kasi sa palasyo. Hindi lumalabas ng kwarto si Damien at ilang linggo nang hindi umiinom ng dugo. Galit na galit ang dating alpha. Pinapatawag ako pero hindi ko maiwan iwan itong ginagawa ko. Si Lizette sana ang papupuntahin ko kaso wala naman siya." mukhang frustrated na si Tita Christine kaya hindi ko maiwasang mag-alala.

Nagkaprobema ang palasyo dahil kay Damien? Iyon ba ang dahilan kung bakit mukhang nagmamadali si Cirrus kanina? Nang malaman na ilang linggo nang hindi umiinom si Damien ng dugo ay tila nanghihina ako. It's happening again.

Kumunot ang noo ko. "Bakit po kayo iyong pinapatawag?"

Sasagot na sana si Tita Christine nang nauna na iyong isang babaeng empleyado na sumagot. "Siya kasi ang dating personal doktor ng alpha noong bata pa siya. Ayaw iyon magpagamot sa mga doktor ng palasyo. Si Tita Christine lang at ang pamilya niya ang pinapapasok niya sa kwarto niya."

Tita Christine was a previous personal doctor in the palace? Hindi ako makapaniwala. Ano kaya ang dahilan at umalis siya?

"Pumunta na po kayo. Ako nalang po ang tatapos riyan."

Umiling si Tita Christine. "Hindi pupwede. Hindi ko pa naituro ang recipe na ito. At kung si Aya at Loren ang magtuturo ay matatagalan kayo. Dapat ay mamayang alas dose ay nai deliver na namin ito." hindi ko mapigilang maawa kay Tita Christine dahil mukhang pagod na pagod na siya.

Panandalian akong nag-isip. Nakatingin lamang ako kay Tita Christine habang nagmamadaling maghalo ng mga ingredients. Pati si Aya at Loren ay mukhang natataranta na rin dahil nadadala sila kay Tita Christine. Wala na ba talagang ibang solusyon?

Ipinikit ko ang aking mata at huminga ng malalim. I'll probably gonna regret this later but I'd rather set aside my personal reason than seeing Tita Christine being restless.

"Ako nalang po ang pupuntang palasyo." nang marinig iyon ay mabilis na napatingin ang tatlo sa akin. Tila hindi inaasahan ang aking sinabi.

Sandali pa silang nagkatinginan at mukhang nag-uusap gamit ang kanilang isip bago ako binalingan ni Tita Christine at unti unting tumango.

"Sigurado kaba, Celestia? Wala namang problema sa akin pero hindi kita mapapayagang pumunta roon kapag natatakot ka. Maghahanap nalang ako ng iba." aniya. Mabilis akong umiling.

"It's fine, Tita. I'm not scared." paninigurado ko. Alam kong wala na siyang mahahanap na iba.

Parang hindi pa siya sigurado kung papayagan niya ba ako o hindi pero mukhang wala na rin siyang choice kaya pumayag nalang siya. Huminto muna siya sa kaniyang ginagawa at may kinuha sa isang drawer malapit sa pinto.

May inilabas siyang kulay pulang kwintas na cube shaped at isang kulay puting pouch. Lumapit siya sa akin. "Ipakita mo lang ito sa guard at malalaman kaagad nilang ako ang nagpadala sa iyo. Ito namang pouch ay mga gamot para kay Damien." aniya. Tinanggap ko ito.

May narinig kaming huni ng sasakyan. Sabay kaming napalingon ni Tita Christine. Sumunod ako sa kaniya ng lumabas siya ng kusina. Sa labas ng bakery ay may naka-park na isang kulay itim na sasakyan. Lumabas sa diver seat ang isang lalaking naka suit. Akala ko ay customer ito pero nang lumabas ay tuwid lamang itong tumayo sa gilid ng sasakyan at tila may hinihintay.

Ibinaling ni Tita Christine ang tingin sa akin. "Ayan na ang sundo galing palasyo. Mag-iingat ka, Celestia. Iyong kwintas ko huwag mong kakalimutang ipakita ha?" bilin niya.

Ngumiti ako at tumango. "Opo, Tita. Sige po aalis na ako."

Kahit kabado ay lumabas na ako ng bakery. Nakatingin lamang sa akin iyong lalaki. Lumapit ako sa driver at sinabi na ako ang papalit kay Tita Christine. Lumingon naman iyong driver kay Tita na nasa loob ng bakery at nang makitang tinanguan siya ni Tita Christine ay pinagbuksan niya ako ng pinto.

Huminga muna ako ng malamin bago pumasok sa loob ng kotse. Isinara ng driver ang pinto at pumasok na rin siya sa loob at nagsimula ng mag drive.

Mula rito ay kitang kita ang malaking palasyo. Ang lugar kung saan ako pupunta. Ang pagtibok ng aking puso ay mas lalong bumilis.

I just swore to not cross path with that guy again. Pero kakailanganin ko ngayong gabi. Hindi ako pwede maging makasarili. I will just go there because of work. Nothing else. Bibilisan ko lang doon at pagkatapos ay aalis rin ako.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro