Chapter 5: Laboratory Room
Chapter 5: Labaratory Room
Kinabukasan ay ganoon parin at puro orientation lamang kami buong maghapon. Tulad kahapon ay kwento parin ng kwento si Lizette at ako naman ay tumatango at minsan ay sumasangayon din sa kaniya.
"Nga pala, Celestia. Pumayag si Tita Christine doon sa inalok kong trabaho sa iyo. Kung gusto mo ay pwede kanang magsimula bukas." aniya sa gitna ng kaniyang pagsasalita.
Masaya ako buong maghapon dahil isasama raw ako ni Lizette sa kaniyang trabaho mamaya. Gusto raw akong makita ng kaniyang amo pero hindi pa daw muna ako magsisimula dahil tuturuan pa raw nila ako ng mga kakailanganin kong matutunan.
Nasa orientation kami ng Biology class namin at kakaunti palang ang mga estudyanteng nandito. Sabagay orientation panaman. Siguradong dadaksa na kapag magsisimula na ng klase next week.
Bumaling ako kay Lizette na ngayon ay pinipigilan ang sarili na makatulog. "Lizette, may schedule ka naba ng mga classes natin?"
Kinusot niya ang kaniyang mata at sinamaan ako ng tingin. "Didn't I told you to just call me Liz? Ayaw kong tinatawag ako sa buong pangalan ko. Mukhang gurang pakinggan." aniya.
"Pasensya na. Uhh so meron ka?" ulit kong tanong. Umiling naman siya.
"Wala pa eh. Meron na pala yung iba?" tanong niya. Tumango ako.
Napansin ko kasi kanina sa hallway na kumukuha na sila ng schedule nila at mayroon na iyong iba. Kailangan ko na kasi dahil ayaw kong lagi akong nahuhuli dahil kailangan ko pang hanapin kung saan ang next class ko.
Humalukipkip siya at itinagilid ang ulo na tila nag-iisip. "Ewan, hindi ko alam saan makakuha ng schedule. Mostly kasi dalawang linggo simula ng start ng klase nila ipinamimigay iyong schedule natin tapos may bayad pa!" reklamo niya.
Bumagsak ang balikat ko. May bayad pala iyon dito? Sa dati ko kasing paaralan ay hinihingi lang o kaya nakiki print lang ako sa mga kaklase ko.
Ayaw ko naman iyong bigla nalang ako magtatanong sa mga kaklase ko na makikiprint ako sa kanila. Nakakahiya. Baka isipin nilang feeling close ako. At tsaka sigurado naman hindi nila ako papansinin dahil naiiba ako sa kanila.
Pansin ko nga na simula nang dumating ako rito ay wala ni isang kumausap sa akin maliban nalang kay Lizette. Siya lang ata ang nakilala kong friendly so far.
"Tanungin nalang natin si Ma'am mamaya pagkatapos ng orientation kung mayroon siya." dugtong ni Lizette.
"Okay." tanging naging sagot ko nalang at binaling ulit ang tingin sa harapan.
Tulad ng mga nakaraang orientation namin sa mga subjects ay nagkaroon ng election para sa classroom officers. Nagulat nga ako kahapon dahil hanggang dito ay may ganon din pala sila.
Natawa nga ako nang marinig na may nag elect kay Lizette bilang secretary. Grupo iyon ng mga lalaki at mukhang pinagtripan lang nila si Lizette. Mabilis namang umiling si Lizette dahil ayaw niya raw na maging secretary. Masyado daw matrabaho.
"Teka lang Ma'am wag niyong isulat ang name ko diyan. Please, ayaw ko talaga!" halos mangiyak ngiyak na pagmamakaawa ni Lizette.
Tumawa iyong grupo ng mga lalaki kaya mabilis silang nilingunan ni Lizette at binigyan ng masamang tingin.
"Mga lintek kayo! Humanda kayo sa akin mamaya!" turo niya sa kanila.
Tinawanan lang siya ng mga lalaki kaya mas lalo siyang napikon. Hinawakan ko siya sa braso dahil mukhang balak niya pang sugurin iyong grupo. Pinanlakihan niya sila ng mata bago muling ibinalik ang tingin sa board pero huli na ang lahat dahil nakasulat na ang kaniyang pangalan doon.
Nagreklamo pa siya pero mukhang naiingayan na sa kaniya ang guro kaya pinagsabihan siya na tumahimik nalang dahil naisulat na ang kaniyang pangalan.
Hinarap niya ako. "Please, wag mo akong iboto, Celestia! Friends tayo diba?" maluha luha niyang makaawa sa akin.
Hindi ko mapigilang matawa dahil masyado siyang frustrated dahil lamang na elect siya as a Secretary. Pero tumango nalang ako. Ganoon ba talaga iyon ka big deal dito sa mundo nila? Dahil sa pagkaalala ko, sa mundo ko ay hindi naman iyon ganon ka haggard na trabaho. But well, who am I to judge? Madami pa akong hindi alam sa mundong ito.
Votings na at tatlo lamang sila ang na elect bilang Secretary. Sinunod ko ang sinabi ni Lizette na hindi ko siya iboboto dahil ayaw ko namang magalit siya sa akin. Kaya noong pangalan niya na ang binanggit ay hindi ko itinaas ang aking kamay pero mukhang tadhana niya atang maging Secretary dahil majority sa mga kaklase ko ang itinaas ang kamay nila.
Walang nagawa si Lizette nang official siyang naging Secretary ng klase. Padabog siyang umupo nang natapos nang ipakilala lahat ang mga classroom officials.
"Bakit ba ayaw na ayaw mong maging sekretarya?" hindi ko mapigilang tanong sa kaniya.
"Hindi mo ba alam kung gaano ka haggard ang pagiging secretary dito? Naku, kung alam mo lang. Mas daig pa ang trabaho ng President. Halos lahat ay secretary ang gagawa!" sinabunutan niya ang buhok.
"Don't worry, kung nahihirapan kana. Pwede ka namang humingi nang tulong sa akin. Tutulungan kita." sambit ko upang kahit papaano ay gumaan ang kaniyang damdamin.
Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit. "I'm really glad na friend kita talaga! Hindi tulad ng iba jan na puro pasikat lang ang alam wala namang ambag sa klase!" sabay tingin sa grupo nung mga lalak. Halatang sila ang pinariringgan.
Natapos ang orientation namin sa Biology at kaagad kaming lumapit kay Ma'am upang tanungin iyong tungkol sa schedule namin. Si Ma'am rin kasi ang adviser namin sa klaseng ito. Tamang tama ay tinawag din si Lizette ni Ma'am.
"Ms. Salvacion, samahan mo nga ako sa cubicle ko. May iuutos lang ako sa iyo." ani ni Ma'am nang makarating kami sa kaniya.
Kaagad na bumusangot ang mukha ni Lizette. "Teka lang Ma'am. Tanong lang muna namin kung meron na pong available na schedule? Kasi po nagtratrabaho kami ni Celestia. Need po namin iyon."
Panadaliang nag-isip si Ma'am. "Ah oo meron na kaso naiwan ko pala doon sa Labaratory Room. Buti at sinabi mo ng naalala ko. Muntik ng makalimutan."
Sabay kaming nagkatinginan ni Lizette at lumiwanag ang mukha. Mabuti naman at available na iyong schedule. Kaso tulad nga ng sinabi niya ay may bayad iyo. Hindi ko mapigilang bumuntong hininga. Pati ba naman schedule may bayad?
"Ah sige po, Ma'am. Salamat! Kukunin na namin." hinawakan ni Lizette ang aking pulsuan at akmang tatalikod na ng tumikhim si Ma'am.
"Not so fast, Ms. Salvacion. You come with me, si Ms. Sinclair nalang ang kukuha non." aniya.
Mabilis siyang nilingon ni Lizette. "Pero Ma'am hindi niya alam kung saan iyon!" rason niya.
"We have a campus map for a reason, Ms. Salvacion. Huwag ka nang magpalusot pa at may iuutos pa ako sayo. Halika na!" wala nang nagawa si Lizette ng nauna ng maglakad palabas si Ma'am.
Mangiyak ngiyak siyang tumingin sa akin at walang choice kungdi sumunod. Sinenyasan ko nalang siyang sumunod nalang dahil mukhang maha-highblood na si Ma'am pag sumagot pa siya.
Tulad nang sinabi ni Ma'am ay kaagad kong hinanap ang campus map. Hindi naman iyon mahirap hanapin dahil tulad nang sa mundo ng mga tao ay nakapastil ito sa isang malaking bulletin board sa gitna ng malaking hagdan ng main building.
Habang naglalakad sa hallway patungong Labaratory Room ay hindi ko maiwasang tumingin tingin sa mga classroom. Hindi ito katulad ng mga classroom sa mundo ng mga tao. Dito kasi ay iyong parang pang sinauna pero malinis siya tignan. Na miss ko tuloy iyong mga kaklase ko sa dati kong school. Kamusta na kaya si Carole? Nakapagpaalam naman ako sa kaniya na aalis na ako pero hindi ko parin maiwasang ma guilty.
Habang naglalakad ay pansin ko ring kakaunti nalang ang mga tao dito sa campus. Mukhang tapos na ang iba sa orientation nila. Kami ay may dalawa pang orientation sa mga subject.
Nang makita ang Laboratory Room ay kaagad akong pumasok. Buti nalang at hindi ito naka lock. Kaagad kong hinanap ang schedule na kailangan ko. Madaming mga papel kaya medyo nahirapan ako. Hindi naman iyon nagtagal at nakita ko itong nakaipit sa isang libro.
Mukhang kay Ma'am din ata iyong libro kaya kinuha ko narin ito. Aalis na sana ako ng may marinig akong ingay sa labas. Boses iyon ng isang babae. Mukhang may kausap.
"I know you can't resist me, Damien." rinig kong boses ng babae.
Palalapit ng papalapit ang hakbang nila. Nasa dulong bahagi ng hallway itong Laboratory Room at wala ring tao kaya siguradong dito ang punta nila.
Hindi ko alam at bigla nalang gumalaw ang mga paa ko patungo sa isang malaking table at nagtago roon. Hindi ko na on ang ilaw dahil hindi pa naman gabi pero malapit na ring gumabi. Panadalian lang naman ako kaya hindi ko na naisipang buksan ito. Sana hindi nila ako napansin.
Narinig ko ang ingay ng takong nang babae. Pagpasok nila ay rinig ko rin ang pagsara ng pinto at ang tunog nang pag lock nito.
"Where do we start?" aniya nung babae. "Here?.." rinig ko ang tunong nang isang halik.
"Let's just get this over, Trisha. I'm busy." boses iyon ng isang lalaki.
Narinig kong mahinang natawa ang babae. "Hmm, then do me first. Come on, Damien. I know you want this." pagkasabi niya noon ay rinig ko naman ang kaniyang paghalik.
Hindi ko mapigilang sumilip sa kanilang dalawa. Laking gulat ko nang makita kung sino iyong lalaking nakatayo ngayon habang hinahalikan siya sa leeg ng isang babaeng hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito.
Shit, that's the guy I saw yesterday! Damien Vaugh. The alpha of this town.
Mabilis din akong dumuko. Shit, alam ko kung ano ang ginagawa nila. They're making out. Hindi ako makapaniwala habang naririnig ko ang ingay ng kanilang mga labi dahil sa paghahalikan. I can't believe they're doing it here.
Rinig kong umungol iyong babae. "There.... Ah~"
Parang gusto kong tabunan ang dalawa kong tenga dahil hindi ko kayang pakinggan ang ingay ng pag-ungol nung babae. Hindi ko mapigilang sapakin ang sarili. Ba't pa kasi ako nagtago? Pupwede namang umalis nalang ako kanina eh. Ano naman sa kanila kung makita nila ako diba? Nakakainis, ngayon ay kailangan ko pa silang hintayin na matapos para makalabas ako.
Akala ko ay maghahalikan pa sila pero halos mapatalon ako ng may marinig na parang may nahulog. Agad kong narinig ang inda nang babae.
"Damien! I thought you're gonna catch me!" rinig na rinig ko ang daing sa kaniyang boses. Mukhang nahulog ata siya o kaya natumba.
"You're heavy." iyon lang sa sinabi sa kaniya ni Damien.
Rinig na rinig ko ang malakas na sampal na umalingawngaw sa buong room. Malakas iyon at siguradong masakit. Pagkatapos non ay narinig ko ang ingay nang takong ng babae senyales na padabog itong naglakad paalis.
Ilang segundo bago umalis iyong babae ay laking gulat ko nalang nang may narinig ako mga yakap patungo sa kinaroroonan ko.
"You can come out now."
Napatalon ako ng may maramdamang presensya sa aking gilid. Hindi ko pa man naiiangat ang aking tingin ay kita ko na kaagad sa peripheral vision ko ang paa niya.
Dahan dahan akong tumayo. Nakatitig lamang siya sa akin. Hindi siya nagsalita.
"I'm sorry, I didn't mean to eavesdrop. Aalis na ako." tumalikod na ako sa kaniya at akmang aalis na nang sa kamalas malasan pa talaga ay nasagi ko ang isang beaker. Nahulog iyon at nabasag.
Shit!
Kaagad akong lumuhod upang kunin iyon at linisin ngunit pagkaabot ko palang noong basag na glass ay kaagad ko itong inilayo dahil sa hapding naramdaman. Tinignan ko ang aking daliri na ngayon ay dumudugo na.
Ngunit bago ko pa man itinaas ang aking kamay ay bigla ko nalang naramdamang may humawak sa aking pulso at mabilis akong hinilig sa pader.
Gulat kong tinignan si Damien dahil sa kaniyang ginawa. Ang kaniyang gintong mata ay ngayong pulang pula na habang nakatitig sa nagdurugo kong daliri. Lumabas ang matatalim niyang pangil. Sinubukan kong kumalas sa kaniyang pagkakahawak pero hindi man lang siya gumalaw. Damn it, he's so strong.
"A-Aray.....masakit," inda ko nang maramdamang dumiin ang kaniyang pagkakahawak sa aking pulso.
Mukhang nabalik naman siya sa huwisyo dahil sa pagsalita ko. May kinuha siyang panyo sa aking bulsa at tinakpan ang aking nagdurugong daliri gamit ito. Pagkatapos non ay mabilis siyang bumitiw sa pagkakahawak sa akin at lumayo ng isang metro mula sa akin.
"Pasensya na–" humakbang ako pero nagulat ako nang biglang pagtaas ng kaniyang kamay senyales na huminto ako sa akmang paglapit sa kaniya.
"Don't come near me." hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil natatabunan ito ng kaniyang kamay.
"Get out." malamig niyang utos sa akin.
"Hindi ko sinasadya–"
"I said get out!" halos mapatalon ako dahil sa bigla niyang pagsigaw. "Fuck it, just get out while I can still control myself."
Hindi na ako nagsalita pa at kaagad na kinuha ang sched namin at mabilis na lumabas nang Labaratory Room. Hindi ko na siya nilingon dahil natatakot ako na kapag lilingunin ko siya ay baka itutuloy niya ang kung ano man ang pinipigilan niyang mangyari.
Nakakatakot siya. Lalong lalo na kapag nagiging kulay pula ang ginto niyang mga mata. Akala ko ay katapusan ko na kanina. Mukhang handang handa na siyang atakihin ako.
Hindi ko mapigilang sampalin ang sarili. How careless of you, Celestia. Pasalamat ka nalang at hindi niya itinuloy iyong gagawin niya. Shit, mukhang ginalit ko ata siya. Kitang kita ko ang ginawa niyang pagtitimpi kanina.
Umiling na lamang ako at binilisan ang paglakad palayo sa room na iyon. Palayo sa napakadelikadong lalaking iyon. I will stay away from that very dangerous man. Hindi na mauulit ito. Sisiguraduhin kong hindi na kami magkukrus nang landas. This is gonna be the last time I will involved myself with that man. Simula ngayon ay mag-iingat na ako. I cannot risk to be involved with a person like him.
I will make sure to not cross path again with that guy. With a beast like him.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro