Chapter 30: Preparation
Chapter 30: Preparation
Isang linggo na ang lumipas simula ng makauwi kami galing sa kamping. Wala naman masyadong kaganapan maliban nalang na naghahanda na ang eskwelahan sa dadating na intrams.
Ironic, right? I didn't expect that they also have intrams here. Halos lahat nga ng bagay ay makikita mo sa mundo ng mga tao. It doesn't even feels like you are in a different world. Ang naiiba lang ay imbes na tao ay mga bampira ang nakakasalamuha mo.
Kagagaling ko lang sa cafeteria dahil bumili ako ng milkshake. Wala si Lizette ngayon dahil lahat ng mga officers ay ipinatawag para sa meeting tungkol sa paghahanda para sa darating na intrams.
Wala rin kaming maayos na klase ngayong week na ito. Kaya marami ang mga estudyanteng nakapaligid sa buong eskwelahan para mag decorate ng kani-kanilang mga booth.
Habang naglalakad ay bigla akong nakatanggap ng text mula kay Damien. Sumimsim muna ako sa iniinom kong milkshake bago ito buksan.
From: Damien
I'm almost done with my work. Did you already eat?
Huminto ako sa paglalakad para makapag type ng reply sa kaniya.
To: Damien
Yep. Kagagaling ko lang sa cafeteria.
Muli akong naglakad. Damien and I has been exchanging texts for the past few days now. We've confessed to each other pero hindi ko pa alam kung ano ang status naming dalawa. Wala naman siyang sinasabi kaya hindi na rin ako nagtanong. This is fine. Ayos lang sa akin kung ano ang meron sa aming dalawa.
Although, I'm still worried about our relationship though. Siya ang tipo ng lalaki na walang pakealam sa iniisip ng iba. He doesn't even care about his reputation as the alpha of the town. Ginagawa niya lang kung ano ang gusto niyang gawin.
I tried to keep our secret as low as possible. Hindi pwedeng may makaalam sa relasyon namimg dalawa. The first of that is I'm not yet ready. Second is that I don't want his people to doubt his position as the alpha.
Nang makarating sa aming silid ay ganoon parin ang kaganapan. Busy ang mga kaklase ko sa pagaayos ng aming photo booth na siyang napili nila. Wala pa rin si Lizette kaya siguradong bored na bored na iyon.
Dahil wala na man rin akong gagawin ay tinulungan ko nalang rin silang i-set up ang booth sa field. Pagkadating roon ay marami na ring mga section ang nag-aayos sa kani kanilang mga booths. Everyone seems so busy at iyon din ang ginawa namin.
My whole afternoon went just like that. Buong hapon ay tumulong lamang ako sa pagaayos. Bumibisita ang mga student council kasama si Cirrus sa field para i-check kung ano na ang kalagayan ng mga booths namin.
Palinga-linga si Cirrus sa akin paminsan minsan at alam kong gusto niya na akong kausapin pero hindi niya nagagawa dahil busy siya sa kaniyang mga myembro. That's what you get if you're the student council president.
Nang matapos kaming magayos ay nagbuhat na ako ng isang box na naglalaman ng mga gamit na hindi na namin kakailanganin pabalik sa classroom.
Habang naglalakad ay bigla akong nakaramdam ng hilo. Ibinaba ko muna ang dala dalang kahon at panandaliang nagpahinga.
This is strange. I've carried boxes heavier than this way back when I was still in our world. I never get tired easily pero bakit parang nakakaramdam ako ng pagod ngayon.
Hindi ko ito pinagtuunan ng pansin kasi baka dahil kanina pa ako nagtratrabaho. Muli kong kinuha ang kahon at nagpatuloy sa pagakyat ng hagdan patungo sa aming silid.
Dahil doon ay mas lalo lamang akong nahilo. Bakit ba kasi nasa third floor ang classroom namin at hindi pa kami pinapagamit ng elevator. Paano naman ang mga katulad kong mahihina ang katawan?
Mabuti nalang ay nakarating na rin ako sa aming silid. Pagewang gewang akong naglalakad dahil hindi ko masyado makita ang daanan dahil gumagabi na.
"Bakit hindi pa nila binubuksan ang ilaw? Gumagabi na ah." bulong ko sa sarili.
Hindi ko na nakayanan ang hilo at sakit ng ulo kaya napagdesisyunan ko munang humilig sa pader malapit sa aming silid. Ibinaba ko muna ang hawak hawak na kahon at sinubukang buksan ang pinto ng aming silid. Pero kapag minamalas ka nga naman ay naka-lock ito.
"Shit. Ba't naka lock ito?" sinubukan ko muling buksan pero talagang nakasara ito.
Halos gusto ko nang magmura dahil kailangan ko muling bumaba. Akala siguro ng janitor ay hindi na kami babalik sa mga silid namin kaya inilock niya. Ngayon, kailangan ko muling bumaba at iiwan nalang itong kahot sa booth namin.
Nakahawak ang kamay ko sa pader bilang suporta dahil talagang nahihilo na ako. Tila ba umiikot na ang buong paligid.
Sinubukan ko punang huminga ng malalim bago muling karagahin ang kahon pero wala pa isang hakbang ay nawalan ako ng lakas.
Akala ko ay matutumba ako pero isang katawan ang hindi ko inaasahang sasaluhin ako.
Tinulungan niya akong umayos ng tayo. Kahit na umiikot ang paligid ko ay sinubukan ko paring tignan ang lalaking sumalo sa akin.
"Thanks." saad ko habang sinusubukang tignan ang mukha niya.
Siguro ay dahil narin gumagabi na at walang ilaw kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha. Dagdag pa na sumasakit ang aking ulo. All I can see is his tall silhouette figure.
Hindi siya nagsalita at kinuha lamang ang nahulog kong kahon sabay lahad nito sa akin. Kaagad ko itong kinuha.
"Why is he letting you all alone here?" aniya.
Kumunot ang noo ko. "Huh?"
He lowered his gaze to match mine. Kahit na nakaharap na siya sa akin ay hindi ko parin magawang makita ang mukha niya.
"Nothing. You better go home now, lady." Iyon ang huli niyang salita bago bigla na lang nawala sa aking paningin.
I was left there dumbfounded. Tila pinoproseso kung ano ang nangyari. Marami akong katanungan pero isa lamang ang bagay na napansin ko.
That voice... Isn't that a bit familiar?
Even though my head hurts like crazy, I was still able to go back to our booth. Pagkadating roon ay iilan nalang ang mga kaklase ko na naroon. Binati ko sila pero hindi nila ako pinansin kaya inilapag ko nalang ang kahon na hawak ko.
Kung alam ko lang na naka-lock na pala ang room namin ay sana hindi na ako nagpagod na umakyat sa taas.
Nang makalabas ay kaagad na akong pumara ng taxi papunta sa bakery. Nakatanggap ako ng text mula kay Lizette na pwede na raw akong mauna na muna dahil medyo matatagalan daw sila.
Nang makarating ay binati ako nila Aya at Loren. I greeted them back before going to our locker room to change to my working clothes. Nang matapos ay lumabas na ako. Pumunta muna ako sa kusina para batiin na rin si Tita Viena.
There, I saw her talking to her son while kneading the dough. Nang mapansin ako ay lumingon siya sa akin.
"Celestia, hija. Mabuti ay nandito kana! Kasama mo ba si Lizette?" tanong niya. Huminto muna siya sa kaniyang ginagawa at lumapit sa akin.
Umiling ako. "Mamaya pa daw siya, Tita. May meeting kasi siya para sa darating na intrams namin."
Tumango tango siya. "Ganon ba? Pero teka, bakit ang putla putla mo? Ayos kalang ba?"
Napahawak ako sa aking mukha. "Okay lang ako, Tita. Medyo napagod lang kanina."
She was obviously not convinced. "Bakit pumunta kapa rito? Sana ay umuwi ka nalang para makapagpahinga ka."
"I'm fine, really. At tsaka, hindi pwede. Tatlong araw akong hindi nakapagtrabaho. I am just a little tired but I can manage." kumbinsi ko sa kaniya.
Umiling siya. "Ikaw talagang bata ka. Huwag mong abusuhin ang katawan mo. Umuwi kana at baka magalit pa ako."
Sa huli ay wala akong nagawa kungdi ang uwuwi nalang. Tita Christine doesn't want me to work because of my condition. Hindi narin ako namilit pa dahil gusto ko narin naman talagang magpahinga.
Nang makauwi ay kaagad akong dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig. I feel really thirsty. Parang ilang ilang araw akong hindi umiinom dahil sa uhaw.
One glass wasn't enough for me so I jugged the whole pitcher. Nang maubos ito ay kaagad kong pinunasan ang aking labi. I was staring at the empty pitcher when I realized that I am still very thirsty.
"Shit, what is this?" I'm starting to panick.
Halos maubos ko na ang buong pitsel pero hindi nito naiibsan ang aking pagkauhaw. Dahil doon ay mas lalo lamang akong nahilo dahilan kung bakit ko nabitawan ang basong hawak hawak ko na siyang nabasag.
Kaagad na bumaba si Tita Viena nang marinig ito. Nang makita ang basag na baso ay mabilis niya itong nilinisan.
"I'm sorry, Tita. Medyo nahihilo lang ako." napahawak ako sa aking ulo dahil mas lalo itong sumasakit.
Nang matapos linisan ang nabasag na baso ay lumapit siya sa akin. "Nako, Celestia. Ang putla putla mo. Masyado ring dry ang lips mo. Ayos ka lang ba?"
Tumango ako. "I-I'm fine. I just need to rest. Mawawala rin ito bukas."
Pagkasabi non ay kaagad akong umakyat sa taas upang magpahinga. Napagdesisyunan kong maligo muna para kahit papaano ay mahimasmasan ako pero ganoon parin at walang pinagbago. Mas lalo lamang lumala ang pagkahilo at pagsakit nang aking ulo.
Wala sa sarili akong napaupo sa aking kama. Napapikit ako ng muling sumakit ang aking ulo. My thirst didn't fade as well. Ubos na ang lahat ng tubig na pwede kong inumin dito pero hindi parin nito naiibsan ang uhaw ko.
"Shit. What is happening to me?" kagagaling ko lang sa pagligo pero kaagad akong pinagpawisan.
I've never felt this thirsty before. Kahit anong gawin ko ay nauuhaw parin ako. Perhaps, I need to drink something that isn't water? Baka juice o softdrinks? Anything just to quench my thirst.
Nabaling sa pinto ang tingin ko nang pumasok si Tita Viena na may dala dalang isang capsule at tubig. Lumapit siya sa akin at inilagay ito sa aking kama. Maya maya ay inilapit niya ang kaniyang palad sa aking noo.
"Ang init mo, Celestia. Ano ba kasing ginawa mo at nilalagnat ka?" aniya sabay lahad sa akin ng gamot. "Here, take this. Pagkatapos ay matulog kana."
Tinanggap ko ito. "Napagod lang ako sa school, Tita. Busy kami this week for our upcoming intrams."
Tumango tango siya. "Kahit na, Celestia. Huwag ka masyadong magpapagod. Sasabihan ko si Cirrus na bantayan ka sa school—"
Pinutol ko siya. "H-Huwag na, Tita. Siguradong ngayon lang naman ito. Mawawala rin ito bukas."
Panandalian muna siyang tumahimik bago unti unting tumango. "Oh siya, sige, matulog kana. Katukin mo lang ako sa kuwarto kapag may kailangan ka ha?"
Tumango ako. "Sige po."
Nang umalis siya ay doon ko na rin napagdesisyunang matulog na. Medyo nahirapan nga ako sa pagtulog dahil ayaw akong lubayan ng sakit ng ulo ko pero kalaunan ay nakatulog rin naman ako. It seems like the medicine is taking its effect.
Tulad ng inaasahan. Pagkagising ko ay nawala na nga ang sakit ng aking ulo. Hindi narin ako inuuhaw tulad kagabi. I knew it. Mawawala rin ito kapag nagpahinga ka.
Habang kumakain ay saka ko lang nabuksan ang cellphone ko. Nagulat pa nga ako dahil tinambakan ako ng mga texts ni Damien.
From: Damien
How was your day? I want to visit your booth.
From: Damien
Where are you? I'm here at the photo booth.
From: Damien
Your classmate said you went back to your classroom. I'll go there. Wait for me.
From: Damien
Why aren't you here? Third floor, right hallway, right?
From: Damien
Why aren't you replying, Celestia?
From: Damien
Fuck. I'll go find you.
Iyon ang huling text niya sa akin. Hindi ko na napansin ang mga text niya dahil hilong hilo ako kahapon. Dagdagan mo pa iyong misteryosong lalaking tumulong sa akin kagabi. I didn't notice my phone is vibrating the whole time.
Kaagad akong nag tipa ng reply sa kaniya. Pumunta pala siya sa booth namin kahapon? At mas malala pa ay hinanap niya pa pala ako.
6:45pm ang last text niya sa akin. Papunta na ako sa bakery ng mga oras na iyon. I was preoccupied that I forgot to open my phone.
Kakasend ko palang ng reply ay kaagad akong nakatanggap ng call mula sa kaniya. I immediately answered my phone.
"Hello—"
"Where are you? Are you at home?"
Iyon ang una niya tanong sa akin.
"Oo, nasa bahay ako. I'm sorry I wasn't able to reply to your texts yesterday. Sumakit kasi ang ulo ko kaya umuwi ako kaagad at natulog."
Rinig ko ang maingay na tunog ng kotse mula sa kabilang linya.
"Stay there. I'll fetch you."
"Huwag na, Damien. Paalis na rin naman ako."
Hindi niya pinansin ang aking sinabi.
"I said stay. So stay."
Kaagad niyang ibinaba ang tawag. Seryoso ang boses niya kaya sigurado akong galit siya.
Wala pang sampung minuto ay nakatanggap na naman ako ng text mula sa kaniya.
From: Damien
I'm outside.
Pagkabasa non ay kaagad akong lumabas. There, I saw him leaning on his car while looking at his phone. He is wearing a black pants and grey v-neck shirt. Hindi nawawala ang sunglasses niyang nakasabit dito. Hawak hawak niya sa kabilang kamay ang kaniyang kulay itim na leather jacket.
Nang makita ako ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Kaagad akong pumasok. I greeted him but he didn't greet me back. Isinara niya lang ang pinto at umikot para pumunta sa driver's seat.
Doon palang ay alam ko nang galit siya sa akin. He's not saying anything.
"Look, I'm sorry. I was really tired last night. Hindi ko na na check ang phone ko." simula ko.
Hindi siya tumingin sa akin. "That isn't the case, Celestia. I'm mad because you didn't even tell me that you don't feel well. I spent the whole night trying to find you. I even went to your house."
Nagulat ako. "Pumunta ka sa bahay?"
Tumango siya. "Your aunt told me that you were sick. I asked her if I could stay but she said no."
Pumunta siya ng bahay? Hindi iyon sinabi ni Tita Viena sa akin. At tsaka, bakit siya magtatanong na manatili sa bahay. Malamang ay hindi iyon papayag.
"You can't just ask her that, Damien. Tita Viena still doesn't know that we're together." sagot ko.
Hindi siya nagsalita. I know that he know that I am not yet ready to tell my loved ones our status yet.
Hinawakan ko siya sa kamay at bahagyan pinisil ito. "Do you want me to introduce you to Tita Viena?"
Nagulat ako nang bigla niyang inihinto ang sasakyan. Maya maya ay tumingin siya sa akin.
"Really?" his face lightened.
Tumango ako. Wala naman sigurong masama kapag ipakilala ko siya kay Tita Viena. I know I can trust her. It won't be too long too when I introduce him to Lizette and Tita Christine also. I know they won't tell anyone from outside our circle.
It won't be too bad, right? Our relationship will be visible to them. I don't care if its only for a few people as long as it's someone that I can trust.
It won't be for too long but I don't really mind. Kahit ngayon lang ay sarili ko muna ang pasasayahin ko.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro