Chapter 3: Stranger
Chapter 3: Stranger
Isang linggo akong nasa loob ng bahay. Hanggat maari ay hindi raw muna ako pwede lumabas sabi ni Tita Viena para hindi ito maka agaw ng atensyon mula sa labas. Syempre kaagad akong pumayag. Ayaw ko rin namang lumabas dahil hindi ko pa kabisado ang lugar.
Nakaupo lamang ako sa aking higaan habang hawak hawak ang nag-iisang litrato ng aking ina. Malungkot akong ngumit.
"I miss you mom." tumingala ako upang iwasan ang nagbabadyang pagtulo ng aking luha.
Tumayo ako at ipinatong sa lamesa ang litrato bago binuksan ang bintana. I really need some fresh air right now.
Everything is still a blur to me. Tungkol sa lugar na ito, tungkol sa mga bampira. Unti unti ko nang tinatanggap na talagang totoo sila. They really do exist, in a different world.
Aunt Viena explained everything to me. Hindi raw basta basta ang mga taong nakakapasok sa mundong ito. Iyong bracelet na ibinigay ng aking ina ang naging daan kung papaano ako nakapasok sa mundong ito. Ang kulay pulang brilyante na nakalagay sa bracelet ang siya raw nagsisilbing gatepass. Kung wala ka nito ngunit nakapasok ka sa mundong ito ay kaagad na ikukumprimang intruder.
Habang nakatanaw sa tanawin ay hindi ko maiwasang tignan ang napakalaking palasyo na nasa taas ng isang bundok. Noong unang araw ko palang dito ay iyon ang kaagad kong napansin. Mukha siyang iyong mga pangsinaunang kastilyo na makikita mo lamang sa mga palabas. I can't believe they really do exist here.
I wonder who lives there. A King and a Queen maybe? O baka naman si Dracula? I mean this is a vampire world. Napailing na lamang ako sa aking iniisip. Whoever lives there must be powerful.
"Celestia, it's time for lunch!" rinig kong tawag sa akin ni Tita Viena mula sa ibaba.
"Coming!" panandalian akong tumingin sa salamin at inayos ang sarili bago bumaba. I don't want her to know that I just cried.
Pagkapasok ko sa kusina ay naabutan ko si Tita Viena na nilalapag na ang ulam na hindi ko alam kung anong tawag. Nang makita niya ako ay sinenyasan niya akong umupo na. Kaagad naman akong sumunod pagkatapos ay tumabi siya sa akin bago niya nilagyan ng kanin ang aking plato.
"Naku, ako na riyan Tita!" saad ko bago inagaw ang sandok sa kaniya.
Mahina lamang siyang tumawa at hinayaan na lamang ako. Tahimik lamang kaming kumakain at tanging tunog lamang ng kubyertos ang naririnig sa buong kusina. Natanggal ang katahimikan ng tumikhim siya.
"By the way Celestia, school will start next week. Wala ka pang mga gamit. Gusto mong samahan kita mamaya bumili?" tanong niya.
Napahinto ako sa pagkain dahil sa kaniyang sinabi. Mariin kong iniling ang aking ulo.
"Sorry Tita but I have no intention of continuing my education. Sapat na po kahit hanggang 1st year college lang ako. I just want to help you and get a job." sagot ko sa kaniya. Nakita ko naman ang mabilis niyang pag-iling sa aking isinagot.
"No, Celestia. I will not allow you to stop pursuing your dreams. You will start going back to school next week." mariin niyang saad at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi hinintay ang aking isasagot.
"But Tita I don't wanna be a burden to you. Don't worry I will find a job as quick as possible. I just want to help you in exchange of letting me live in your house." dugtong ko. Lumingon siya sa akin.
"Our house, Celestia. This is also yours now. And no, I still don't agree on that. If you really want to help me then do it by attending the school and finish your studies." aniya.
"But Tita--" pinutol niya ang aking sasabihin. "No more buts!"
Wala akong nagawa kundi ang pumayag sa kaniyang hiling. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa nauna ng natapos si Tita Viena at nagpaalam ng umakyat sa taas dahil may kailangan pa raw siyang gagawin.
I let out a sigh. Next week huh? I wonder what will happen to me there. Would they criticize me and turn me into their slave just like what I saw last week? If yes, then I guess I just have to deal with it. I have no time to prioritize my feelings. I will do anything just be a great help to Tita Viena. There's no time for letting my emotions lead. There's no even time to die even if I know damn well what situation I currently am.
Pagkatapos kumain ay naghugas muna ako ng mga pinggan at nilinis ang buong bahay. Kami lang dalawa ni Tita Viena ang nakatira rito at simula ng dumating ako ay bakas na ang mga agiw na nakakalat sa ibat ibang sulok ng bahay. Halatang hindi gaano itong naalagaan.
Nang nasigurado ko ng malinis ang lahat kaagad na akong umakyat sa aking kwarto.
Wala naman din akong gagawin ngayong hapon kaya naisipan ko nalamang magpaalam kay Tita Viena na ngayon nalang ako bibili ng aking gamit para sa pasukan sa susunod na linggo. Kailangan ko na rin palang bumili ng sketch pad. Hindi ko pala ito nadala.
"Sige, Celestia pero mag-iingat ka ha. Alam mo naman kung anong klaseng mga tao ang nakatira sa bayang ito. Mas mabuti ng mag-ingat." sagot niya ng nagpaalam ko. Tumango na lamang ako at nagpaalam ng lumabas.
I know how dangerous this place is but I cannot afford to die yet.
Pagkatapos mag bihis ay kinuha ko na ang balabal na ibinigay sa akin ni Tita Viena na nakasabit sa likurang bahagi ng aking pintuan. Nang maisuot ito ay lumabas na ako ng bahay.
Ingay kaagad ng mga tao at sasakyan ang sumalubong sa akin paglabas. Isang linggo na rin akong hindi nakalabas ng bahay dahil sa payo ni Tita Viena kaya ngayon lang din ako nakalanghap ng sariwang hangin.
Nasa gilid lamang ako ng kalye at lumilinga linga upang makahanap ng tindahan pang-iskwela. Inabot ako ng kalahating oras sa paghahanap ngunit bigo pa rin. Puro tindahan lamang na nagbbibenta ng kulay pulang likido ang palagi kong nakikita.
I already have a idea of what it is pero hindi ko na pinansin ito at nagpatuloy lamang sa paghahanap.
Sa kalagitnaan ng paghahanap ay napunta ako sa mataong lugar. Maraming napapatingin sa akin pero iniyuyuko ko nalamang ang aking ulo. Don't mind them, don't mind them.
Habang tinatangkang umalis sa mataong lugar na ito ay mayroong biglang bumangga sa aking isang lalaki. Tulad ko ay nakasuot rin ito ng balabal kaya hindi kita ang kaniyang mukha. Malakas ang pagkakabunggo niya sakin kaya hinintay kong lumingon ito upang humingi ng tawad ngunit hindi niya ginawa at nagpatuloy lamang sa paglalakad.
What a rude bastard. Iniling ko nalamang ang aking ulo upang lilihis sana ng daan nang mapansing wala na sa aking kamay ang hawak hawak kong pitaka.
Mabilis akong lumingon sa lalaki nang mapansin kung ano ang nangyari. Damn it! He snatched my purse!
Mabilis akong tumakbo at hinabol ang lalaki. Nang mapansin niyang sinusundan ko siya ay nagsimula na rin siyang tumakbo.
"Hey give me back my purse!" sigaw ko sa kalagitnaan ng paghabol sa kaniya.
Lahat ng tao ay napapatingin sa amin. "Help! That guy just snatched my purse!" hingi ko ng tulong sa mga taong nadadaanan namin.
Ngunit wala ni isa sa kanila ang kumilos. Great idea, Celestia. I just realized something. Why would these vampires help a human like me? Just great.
"Argh!" frustrated na sigaw ko habang patuloy parin sa paghabol sa lalaking iyon. Papalayo ng papalayo na kami sa mga tindahan at kapansing pansing patungo ito sa kagubatan.
No, I can't afford to lose him. Kay Tita Viena ang perang nandoon. Hindi ako pwedeng umuwi na walang dala at sasabihing nanakawan ako. Isang linggo palang akong nandito. Hindi ako pwede magbigay kaagad sa kaniya ng problema.
Kahit sa pagpasok ng lalaking iyon sa kakahuyan ay humabol parin ako. Kumanan siya at kitang kita ko ang aking pitaka na hawak hawak niya.
Liliko na sana ako upang tumuloy sa paghabol ng bigla akong nadapa dahil sa isang medyo malaking sangay na humarang sa aking daanan. Hindi na ako nakapag react at kaagad na sumamid sa damuhan.
Shit! I was busy looking at that thief at hindi na napansin ang aking dinadaanan. What a unlucky day!
Mabilis akong tumayo upang sumunod sa lalaking iyon pero nawala na siya sa aking paningin. Wala akong nagawa kungdi umupo at sabunutan ang aking sarili. Ano na ang sasabihin ko kay Tita Viena ngayon?
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo."
Mabilis na umangat ang aking ulo sa kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nahagilap ng aking mata ang isang malaking sanga ng puno at kitang kita doon ang isang lalaking nakaupo.
Tumalon ito mula sa sanga. Mataas iyon ngunit parang wala lang para sa kaniya ang tumalon ng ganoon ka taas. He is no doubt a vampire.
Pinagpag nito ang kaniyang damit na napupuno ng mga iilang dahon bago naglakad papalapit sa kung nasaan ako.
"Nanakawan ka?" tanong niya habang naglalakad parin papalapit sa akin. Tumingin siya sa dereksyon kung saan pumunta ang magnanakaw.
Hindi ko mapigilang umatras habang papalapit siya sa akin. Nakita niya iyon at mahinang natawa.
"Chill, I'm not gonna bite you."
Great, just great. I did not just got robbed but I also got blocked by a random vampire in the middle of the woods. How careless of you, Celestia.
Hindi ako umimik. I have no intention of talking to him. I just need to get out of here before it gets dark.
Ilang metro ang pagitan namin ngunit patuloy parin sa paglapit sa akin ang estangherong bampira. His green eyes is looking straight at me. "Stop! Don't come near me." kaagad naman siyang napahinto dahil sa biglaan kong pagsigaw.
Hindi siya nakinig sa akin at akmang hahakbang pa sana ng bigla itong napahinto. "Shit! You're reek of human scent!" bahagya siyang umatras.
Napakunot ang aking noo dahil sa biglaan niyang paghinto. Akamang magsasalita na sana ako ng nauna ito.
"Fuck, are you an intruder?"
Malamig itong tumingin sa akin. Napalunok ako. What did I get myself into this time?
"No, I-Im not---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng tumalikod ito.
"Damien needs to know about this." maglalakad na sana ito ng tumakbo ako papalapit sa kaniya.
"No! Don't tell anyone!" huminto ito. Humarap siya at ibinaba ang tingin sa kaniyang kamay.
Ibiniba ko rin ang aking tingin at nakitang nakahawak pala ako sa kaniyang pulso. Mabilis ko naman itong binitiwan. Shit, how careless!
Itinaas niya ang kaniyang kilay na tila hinihintay akong magpaliwanag.
"I'm not a intruder. Sadyang kakarating ko lang at ngayon lang nakalabas. Please believe me, I'm not trying to do any harm. Hindi mo ba nakita? Nanakawan ako." paliwanag ko.
Sandali siyang huminto at hindi sumagot. Maya maya ay unti unting tumaas ang kaniyang kilay. "Really? O ikaw yung magnanakaw?" saad niya na ikinakunot ng aking noo.
"What do you mean?" hindi ko maintindihan ang kaniyang sinabi. Paano ako naging magnanakaw? Di ba niya nakitang hinahabol ko yung lalaki.
Nalipat niya muli ang kaniyang tingin sa aking pulupulsuan. Iyong kamay na ginamit ko nung hindi ko namalayang nahawakan ko siya.
"That...." turo niya sa bracelet na hawak ko. "The symbol on that gem is from our family. Mukha kang inosente pero magnanakaw ka pala." turan niya.
Napailing ako dahil naguguluhan ako sa kaniyang sinabi. I don't understand. Ibinigay ito ni mom sa akin. Does that mean my mom stole it from someone else's family? No, my mom isn't that kind of person.
"Hindi, nagkakamali ka. This was given to me by my mom. H-Hindi niya ito ninakaw." nanikip ang aking dibdib at pinipigilan ang aking nagbabandang mga luha. Shit, don't cry, don't cry.
"Please just....let me go." pagod kong saad sa kaniya. I already dealt enough problems this day ayaw kong may dumagdag pa.
Nakita niya ang nagbabadyang luha ko at ang kaniyang seryosong mukha ay napalitan ng pagkagulat. Tila hindi siya mapakali ng makitang iiyak na ako.
"Shit, Fine! I don't really care about that bracelet. Ano ba kasing bibilhin mo at nanakawan ka pa." hindi niya alam kung hahawakan niya ba ako o hindi.
Itinaas ko ang aking mukha at suminghot upang pigilan ang paparating na mga luha. Makalipas ng ilang segundo ay tumigil naman ito. Mabuti nalang at hindi natuloy. I dont want anyone seeing me cry. I promised myself that I would be strong. Guess I still can't do that.
Isang linggo palang akong nandito at hindi ko ipapagkailangang napupuno parin ako ng takot. Takot dahil alam kong marami pang problema ang dadating sa akin. Takot dahil alam kong kinamumuhuian ang mga katulad kong tao sa mundong ito. Walang kasiguraduhan kung patuloy pa akong mamumuhay ng mapayapa pero susubukan ko. Starting from now on, I just want a peaceful life together with Aunt Viena.
Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa bookstore kung nasaan kami ngayon. Basta ang alam ko lang ay tinanong niya kung saan ako pupunta kaya sinagot ko siya. Ang alam ko nalang ay lumalakbay ang isipan ko at ang naalala ko nalang ay narito na kami at nakatayo sa harap ng store na ito.
Tamang tamang paglingon ko sa kaniya ay may inilahad siyang pera. Shit, oo nga pala wala na akong pera.
Hindi ko alam kung tatanggapin ko iyon pero kalaunan ay napagdesisyunang tanggapin ito. "Thank you...and I'm sorry."
Hindi siya tumingin sa akin. "Tss. Just go. Gumagabi na."
Tumalikod siya sa akin. Alam kong aalis na siya kaya hindi ko na siya tinignan pa at pumasok na sa loob ng bookstore. Una kong hinanap ang sketch pad bago ang mga necessary things na kakailanganin ko sa pag-aaral. Madami ang ibinigay niyang pera kaya nilubos lubos ko na itong ubusin. Natuwa pa nga ang may-ari dahil madami daw akong nabili sa tindahan niya.
Lumabas ako karga karga ang dalawang malalaking paper bag. Napahinto ako ng makita kung sino ang naka sandal sa malaking glass ng store. Tumingin siya sa dala dala kong mga paperbag. Tumaas ang kilay niya.
"Hindi halatang nanakawan ka ah." panimula niya at naglakad papalapit sa akin.
Hindi ako makatingin sa kaniya. Why is he still here? Ang akala ko ay kanina pa siya umalis. Nakakahiya tuloy na nakita niyang inubos ko ang perang ibinigay niya. Pero teka, ba't ako mahihiya eh diba ibinigay niya na ito sa akin?
"Nandito kapa pala. Akala ko ay umalis kana." tanging naging sagot ko sa kaniya.
Inilibot niya ang tingin sa paligid. "Do you really expect me to leave a human like you here? Hindi mo ba alam kung gaano ka delikado ang parte na ito ng bayan?" medyo galit niyang saad sa akin.
Sasagot na sana ako ng bigla niyang hinigit ang aking kamay at nagsimula ng naglakad.
"Teka, saan tayo pupunta?" tanong ko. Di siya tumingin sa akin at patuloy parin sa paglalakad.
"To your house. Tell me which way." kahit anong subok ko na tanggalin ang pagkakahawak niya sa aking kamay ay di niya ito binibitiwan. Wala akong naggawa kungdi ang sabihin sa kaniya kung saan ako nakatira.
Nang makarating na kami ay huminto ako sa paglalakad. Kunot noo siyang tumingin sa akin. "Why did you stop? Ilang metro pa ang kabahayan mula dito ah." taka niyang tanong.
Kumunot ang noo ko. Nasa harapan na kami ng bahay ah. Medyo malayo nga ito sa iba pang kabahayan at medyo mukhang hunted house pero kahit papaano ay bahay parin naman ito.
Itinuro ko ang bahay na nasa harapan namin. "This is where I stay. Papasok na ako. Salamat nalang sa pagsama." saad ko. Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo na tila hindi naniniwala sa aking sinasabi.
Kita kong magsasalita na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan at lumabas mula roon si Tita Viena na nagaalalang tumingin sa akin.
"Jesus, Celestia! Akala ko kung napano kana!" nag-aalala niyang saad habang papalakad palapit sa akin.
Paglapit sa akin ay hinawi niya ang aking buhok at inexamine ang aking katawan na tila hinahanap kung may sugat ako o ano.
"I'm fine, Tita. Sorry for worrying you." sagot ko.
"Mabuti naman. Nag-alala ako sayo ng husto!" biglang lumihis ang tingin niya sa lalaking katabi ko.
"Cirrus!"
"Tita Viena..." halos sabay nilang sabi. Wait. They know each other?
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro