Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25: Bullseye

Chapter 25: Bullseye

Nothing much happened the next morning. Pinagawa lang kami ng mga bagay na madalas mong makikita sa isang normal na camping.

Hindi ko na nakita ang lalaki kagabi muli. Nang bigla siyang mawala ay kaagad na akong bumalik. It was surprisingly easy to go back. Parang hindi ganoon kalayo ang itinakbo ko.

Puro katanungan ang nasa isip ko ngayon. How did that guy know my name? Hindi ko siya kilala pero paano niya nalaman ang pangalan ko?

Umiling ako para mawala na ang lahat ng iniisip ko. I cannot be preoccupied today dahil marami kaming gagawin mamayang hapon.

Kakatapos lang naming kumain kaya bumalik muna kami ni Lizette sa cabin. Excited siya dahil mamayang gabi na ang camp fire. It's the moment she's been waiting for. Even for me.

Iyong pabilog kayong uupo sa isang malaking nagliliyab na apoy. Pagkatapos ay magluluto ng marshmallow habang nagkwekwenuhan. That must be fun.

Nagbihis kami ng panibagong damit dahil dalawang activity ang gagawin namin ngayong hapon. Archery and animal hunting.

Nang matapos ay lumabas na kami. Kumunot ang noo ko nang mapansing may nagdadagsaan na mga estudyante sa harap ng teacher's cabin.

"Oh my god."

Napalingon ako kay Lizette na isang metro ang layo sa akin at nakatingin rin roon. She looks like she saw something unbelievable.

"Anong meron?" tanong ko.

Hindi ko kasi makita mula rito dahil natatabunan ng mga tao. Sinenyasan ako ni Lizette na lumapit sa kaniya kaya ginawa ko naman.

"I can't believe it. Damien is here! Akala ko hindi dumadalo ang alpha sa camping ng mga freshman!" gulat na tuon niya.

Itinuro niya ang teacher's cabin kaya sinundan ko naman ng tingin ito. There I saw Damien talking seriously to the supervisors. Tinatawag siya ng mga estudyante pero hindi siya nito nililingunan ng tingin.

I don't understand. Anong gagawin niya dito? Everyone expected that he won't be here dahil palagi siyang busy. O baka may kailangan lang siya sa mga guro? Probably.

Nakita kong lumibot ang mata ni Damien sa buong site. Halos mapatalon ako nang makitang huminto ito sa akin. Kaagad akong umiwas ng tingin.

He saw me. Shit, tumingin lang siya sa akin pero bakit parang kinakabahan ako?

"He looked this way! Nakita mo ba iyon, Celestia? Tumingin siya dito!" tumalon talon si Lizette.

"Oo nakita ko." sagot ko.

Muli kong ibinalik ang tingin roon pero ganoon parin. Damien is still talking to the teacher but he keeps glancing at our direction.

Miss Dianne gathered us to the middle for a quick announcement. Mukhang alam ko na ang announcement na sasabihin niya. Kasama niya si Damien sa harap.

"Everyone listen. The alpha will be joining us today and tomorrow. He will also help us supervise you so you better behave yourselves." panimula ni Ms. Dianne.

Tumingin ako kay Damien na siyang nakatingin pa rin sa akin. He smirked after turning his head to Ms. Dianne to listen.

Anong problema niya? Bakit palagi siyang nakatingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha?

Marami pang sinabi si Ms. Dianne kaya nakinig nalang kami hanggang sa matapos siya. Hindi na ako nagulat ng napuno ng bulong bulongan ang mga tao dahil sa pagdating ni Damien. Hindi naman nila kasi inaasahan na dadating siya. Ms. Dianne even said that Damien doesn't attend any camping from our school even since. Kaya bakit ngayon ay nandito siya?

Nang matapos ang munting announcement ay pina-dismissed na kami para isagawa na ang unang activity namin ngayong hapon. Ang archery.

I've never held a bow and arrow in my entire life. Hindi mayaman ang school na pinapasukan ko noong nasa mundo pa ako ng mga tao. Ni wala nga kaming ganitong camp activities eh.That's why I have no single idea about this.

Lumibot ang mata ko sa buong camp site. Everyone are doing so well. Mukhang sanay na sanay na sila sa paghawak ng pana. Although I can also see some of them that are struggling. At majority sa mga iyon ay mga katulad kong tao.

"Come on!" nabalik ako sa huwisyo nang mapansing nauuna na si Lizette sa akin.

"Antagal mong maglakad, Celestia. Dito!" tawag niya sa akin.

Lakad takbo akong tumungo sa kaniya. May dalawang target sa hindi kalayuan at may mga pares ng palaso at pana na nakalagay sa isang box.

Naunang kumuha si Lizette kaya sumunod nalang din ako. Nauna siyang pumana kaya pinanood ko muna siya. Marunong naman siyang gumamit kaso malayo sa target ang mga palaso niya.

"Ugh this is hard!" reklamo niya sabay dabog pa.

"I thought vampires are good at this." puna ko.

"Well technically yes but it only applies to the rich ones. They are the ones who get the trainings. Sa tingin mo may oras pa ba sa mga bampirang tulad ko na hampaslupa lang? We don't have time for that." sagot niya.

Tumaas ang kilay ko. Well, she got a point. Parehas lang rin pala sa mga mundo ng tao. Ang mayayaman lang ang nabibigyan ng mga trainings tulad nito habang ang mga mahihirap naman ay hindi dahil busy sila sa pang araw-araw na gawin. They don't have time for these kinds of activities.

Muling pumwesto si Lizette para muling pumana pero bumaling muna siya sa akin nang mapansing nasa tabi ko lang siya at pinanonood siya..

"Why are you just standing there? Hindi ka pa ba magsisimula?" tanong niya.

I shookt my head. "I don't know how."

Tinignan niya muna ang kaniyang target bago muling bumaling sa akin. "Just try. It's easier than you think. Kailangan lang praktisan ang pag tama." aniya.

Sinunod ko ang sinabi niya. Pumunta ako sa isa pang target isang metro ang layo sa kaniya. Kumuha ako ng pana at isang palaso.

Muntikan ko pa ngang mabitawan ang pana dahil hindi ko inaasahang medyo mabigat pala siya.

"These are heavy." sabi ko.

Kumunot ang noo ni Lizette habang nasa target niya parin ang tingin. "Huh? What do you mean?"

Ah oo nga pala. Vampires are strong. Hindi na dapat ako magtaka kung bakit parang wala lang sa kanila ang magbuhat ng pana.

It's not like the bow is really heavy. Medyo mabigat lang pero kaya ko naman itong hawakan.

Ginaya ko ang ginawa niya. Puwesto din ako at tumayo ng maayos. Palipat lipat ang tingin ko sa kaniya at sa target ko. Nang binitiwan niya ang palaso niya ay ginawa ko rin ito pero hindi tulad sa kaniya na tumama sa kulay puting parte ng target sa akin ay nahulog lang.

Taka kong tinignan ang palasong nahulog. Ni hindi man lang ito lumipad. Talagang nahulog lang ito sa aking harap.

Isang halakhak mula kay Lizette ang narinig ko. Kaagad kong ibinaling ang tingin ko sa kaniya at halos mawalan na siya ng hiningang nakatingin sa akin.

"What was that?" aniya habang tumatawa.

Natawa na rin ako dahil alam kong nakakahiya iyong ginawa ko. Inilibot ko pa ang aking tingin kung may nakakita ba sa ginawa ko pero laking pasalamat nalang na wala.

"Oh my god that was so funny, Celestia." aniya sabay punas ng kaniyang luha galing sa pagtawa.

"Stop laughing and help me, Liz. It's my first time holding a bow." tuon ko.

Mabuti nalang ay huminto naman siya sa pagtawa at naglakad papalapit sa akin.

Tumabi siya sa akin at puwesto. "Here copy me."

Ginaya ko ang ginawa niya. Ini-straight ko ang kanang braso ko at naka fold naman ang sa kaliwa na siyang nakahawak sa pana.

"Hawakan mo kasi iyong pana gamit ang kanang kamay mo. Hindi mo kasi hinawakan kanina kaya nahulog lang." paliwanag niya.

I followed what she said. I held the arrow with my right hand.

"Then release." sabay bitaw ng kaniyang pana.

Ganoon rin ang ginawa ko pero hindi tulad sa kaniya na tumama sa target, sa akin ay hindi man lang umabot doon. Lumipad nga ito pero hindi naman nakaabot sa target.

Muling natawa si Lizette. "How did you miss that?"

Bubuka na sana ang bibig ko para sumagot pero may biglang nagsalita mula sa likuran namin.

"Because you're not teaching her the whole thing."

Sabay kami ni Lizette na napalingon kung saan nangagaling ang boses.

"Alpha!" gulat na napatingin si Lizette sa lalaking naglalakad papalapit sa amin.

Lumingon si Damien sa kaniya pero nalipat rin ito sa akin.

"Damien..."

He walks towards me. Bahagya akong napaatras. Mahigpit ang hawak sa pana.

"This is the right way." aniya sabay hawak sa aking palapulsuan.

Nagulat ako sa kaniyang ginawa. Puwesto siya sa aking likurang habang tinutulungan akong hawakan ng maayos ang pana.

Ramdam ko ang kaniyang katawan sa akin. Masyado siyang malapit.

"Chest up. Use your left hand to hold the string tightly and right hand to hold the tip of the arrow."

Nagdadalawang isip ako kung susundin ko siya pero sa huli ay ginawa ko parin. I held the string tightly just like he said. Hinawakan ko rin ng maayos ang dulo ng palaso tulad ng kaniyang sinabi.

"Don't bend your elbow." aniya sabay straight ng kamay ko.

Naiilang ako. "Sorry."

"Hey, don't be nervous. You won't hit the target if your shaking." aniya.

It's your fault, damn it. You're body is so close to mine, Damien! Hindi ako mapakali kapag ganito.

Hinawakan ni Damien ang aking kamay na nakahawak sa palaso habang ang kabila naman ay sa aking siko kung saan nakahawak ako sa string ng pana.

Mas lalo pa akong kinabahan nang inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tenga.

Isang mahinang tawa ang lumabas sa kaniyang bibig. "I'm not going to eat you, Celestia. Just relax yourself."

Halos uminit ang mukha ko sa kaniyang sinabi. That doesn't do anything. Mas lalo lang akong kinabahan.

I just pretended that he's not there kaya umayos na ako at ready nang bitiwan ang pana. Inilapit ko ang mukha ko sa pana para makita ng maayos kung saang parte ng target ito tatamaan.

"Don't just look at the target, Celestia. Look at both the target and the arrow to see where it would land. Like this..."

Bahagya niyang ginalaw ang ulo ko. Kung kanina ay nakatabingi ito ngayon ay naka-straight na at bahagyang nakataas.

Tumaas ang aking kilay. It was actually working. Kanina ay akala ko ay nakatapat ang palaso sa gitna ng target pero hindi pala noong inayos niya ito.

"Now find the center of the target."

Sinunod ko ang kaniyang sinabi. Bahagya kong ginalaw ang aking kamay para itapat ito sa gitna ng target.

Nang nakatapat na ito ay saka na ako binitiwan ni Damien.

"Okay, now shoot."

It was my cue to release the arrow in my hands.

Halos hindi ako makapaniwala na tumama na ito sa target ngayon. At mas ikinasaya ko pa na tumama ito sa gitna!

"It hit the center! Damien!"

Masyado akong masaya at hindi ko na namalayang nakayakap na pala ako sa kaniya.

"Good job, Celestia."

Nakangiti rin siya nang makitang natamaan ko nga sa gitna ang target. He also returned my hug pero kaagad din akong kumalas ng ma-realize na niyakap ko siya. He doesn't seem to mind it kasi ginulo niya rin ang buhok ko pagkatapos.

"Omg, that's bullseye!" napalingon ako kay Lizette na papalakad na din papunta sa amin.

Nakalimutan kong nandiyan pala siya. Sana hindi niya nakita ang ginawa kong pagyakap kay Damien.

"You learn things quickly, Celestia." aniya Damien.

I smiled. I was nervous yet I was able to pull it out. Masaya ako kasi kahit na ito ang una kong beses na humawak ng pana ay nagawa ko pang tamaan ang gitna ng target. That was already a huge achievement considering it was my first time.

Akala ko nga ay hindi ito tatama dahil kabado ako pero nagawa ko pa rin.

Tumingin ako kay Damien na siyang nakatingin rin pala sa akin. "Thank you nga pala sa...tulong mo. It really helped me."

Tumaas ang kilay niya. "No problem. Although, my service is not free." aniya sabay lagay ng kaniyang kamay sa kaniyang baba.

Kumunot ang noo ko. Nang ma-realize ang kaniyang sinabi ay binatukan ko siya. "Anong service pinagsasabi mo? You are the one who approached me, Damien! I did not asked for your 'service'."

Napahawak siya sa kaniyang batok. "Damn. I thought it would work."

Napatawa ako. You can't fool me, Damien.

"Ehem."

Sabay kaming napalingon kay Lizette ng tumikhim siya.

"Hello? I'm here. Masyado ata kayong masaya diyan." aniya.

Shit, nakalimutan ko na namang nandiyan siya. Damien is really doing a good job making people diverting their attention to him.

Makahulugang tumingin sa akin si Lizette sa akin. Nakatayo lang siya habang nakasiklop ang dalawang kamay. Palipat lipat ang tingin niya sa akin at kay Damien.

Oh no no, it's not what you think.

Tumingin ako kay Damien pero mukhang innocente ang mukha niya ngayon. Hindi man lang pansin ang makahulugang tingin ni Lizette sa amin.

Kinuha niya ang hawak hawak kong pana at palaso at ibinalik ito sa box. Pagkatapos ay bumalik sa aking tabi.

Para maiwasan ang mga tingin ni Lizette sa aming dalawa ay lumapit na ako sa kaniya.

"Tara na nga. Pahinga na muna tayo sa cabin. Sumasakit ang kamay ko." ani ko sabay hila sa kaniya. Mabuti nalang ay hindi na siya nagtanong at sumunod nalang sa akin.

"Thanks again." saad ko kay Damien.

Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin at hinila na si Lizette papuntang cabin.

Nang makapasok ay binitiwan ko na si Lizette at naglakad na papuntang kama. Magpapahinga muna ako dahil mamaya pa namang 2pm ang hunting namin.

"Naamoy mo iyon, Celestia?" nakatingin ako kay Lizette na ngayon ay parang may inaamoy sa paligid.

Kumunot ang noo ko. "Anong amoy? Wala naman ah?"

She looked at me. "I smell something fishy."

I looked at her with confused face. Pagkatapos non ay naglakad siya sa akin at tumabi sa aking kama.

"Hey, tell me. Anong meron sa inyo ni Damien?" tanong niya.

I knew it. She's going to ask me this question.

Umiling ako sa kaniya. "Nothing. Bakit mo naman na itanong?"

She gave me a are-you-serious look. "Seriously, Celestia? How do you explain the hug? I've never seen him hugged someone before even to his parents."

Shit, so she really did seen the hug.

"No no, it's not what you think, Liz. I was the one who hugged him. Hindi siya. I was just happy that I hit the target that time. Hindi ko namalayan." paliwanag ko.

"I know, nakita ko. Ikaw nga ang nauna pero ginatihan ka naman niya. That was a unusual move coming from the alpha himself." aniya.

Is it really that unusual? It was just a hug and nothing more. Kung makapagsalita siya ay parang imposibleng gawin ni Damien iyon ah.

Halos kalahating oras din akong kinulit ni Lizette dahil doon pero lahat ng tanong niya tungkol kay Damien ay tinanggihan ko. Mukhang napagod naman siya dahil wala siyang makuhang sagot sa akin kaya tumigil na siya.

I was relieved. No more questions. Eh talaga namang wala. It was just a simple hug. Ni hindi ko nga sinadya iyon eh. Why is it such a big deal when Damien do it?

I removed all the thoughts of him and just went to sleep. Maghu-hunting pa kami mamaya. My mind shouldn't be clouded by him. It's not healthy.

Damn it. I can't concentrate...at all.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro