Chapter 22: The Camp
Chapter 22: The Camp
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nang dumating ako sa campus ay nakita ko kaagad ang tatlong bus malapit sa gate. Nakatumpok na roon ang mga estudyante at tila hinihintay nalang ang iba pang mga guro.
Nakita ko kaagad si Lizette na kinakausap ang isang grupo ng mga babae. Nang makita ako ay kaagad siyang kumaway at sinenyasan akong lumapit sa kanila.
I was hesitant at first. I never really get along with anyone in the school except Lizette. They still give me those cold and judgmental looks. Although, it doesn't bother me anymore like it does months ago. Ngayon ay sanay na sanay na ako sa mga mapanghusgang tingin nila.
Sa huli ay sumunod nalang ako. Wala namang problema sa akin kapag nandyan si Lizette. She will keep them entertained.
We had a few talk with them for a while. They we're really friendly. Kabaliktaran ng inaasahan ko. I'm starting to think that maybe this school isn't bad as I think it is at all.
Nang dumating ang mga hinihintay naming guro ay kaagad na kaming naghanda. Ang aming mga bagahe ay nailagay na sa baggage area ng bus. Good thing the bus was air conditioned so we won't be having a problem with heat. Ngayong ilang oras pa man din ang byahe namin.
Our teacher told us where we are going to held the camping. Sa may bundokin raw ito. They told us the name of the mountain but I'm not really familiar with it.
First, I was starting to worry. Hindi ko alam ang lugar na pupuntahan namin pero mula sa mukha ni Lizette ay mukhang alam niya naman ata kung nasaan iyon.
"Saan iyong lugar, Liz?" tanong ko. Sinulyapan niya naman ako.
"Ah iyong Mt. Onis? It's in the south west part. Medyo malayo iyon sa Casta Haema. Mga three hour ride ata." sagot niya sa aking tanong.
Three hour ride? Hindi ko alam na ganoon pala kalayo ang pupuntahan namin. I never expect na lalabas kami ng bayan. I've never been outside the Casta Haema before.
Lizette saw my bothered face kaaya kaagad siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat.
"Hey, it's okay. They held the camping there every year. There are no threats there. I promise." paninigurado niya sa akin.
I nodded. Alam ko naman iyon. Hindi naman nila roon i-he-held ang camping kung hindi iyon safe.
Nginitian ko si Lizette para masiguradong okay lang ako. I understand it. I just need to get used to it.
Nang dumating na ang mga guro ay kaagad na kaming ipinatawag para sumakay na sa kulay puting bus ng school. Nang masigurado nang kumpleto at nakahanda na lahat ng kakailanganin ay nagsimula nang umandar ang bus.
Habang bumabyahe ay naging maingay sa loob. Katabi ko si Lizette habang busy siya sa pakikipag-usap sa mga estudyanteng kausap niya rin kanina.
Gusto ko sanang buksan ang bintana para makalanghap nang sariwang hangin ngunit nakasara ito lahat dahil binuksan nila ang air conditioner. Nilalamig ako pero nang sulyapan ko ang mga kasama ko sa bus ay parang wala lang ito sa kanila.
Perks of being a vampire. They're immune to cold.
Buti nalang ay may dala akong jacket just in case. Kinuha ko ito sa loob ng bus at naisipang matulog nalang muna. We still have three hours until we get there. I need to make sure I will get enough sleep. Siguradong magiging busy kami mamaya pag dating.
Nagising ako dahil may yumugyog sa akin. Pagkabukas ko ng aking mata ay mukha kaagad ni Lizette ang sumilaw sa akin.
"Hey, wake up. Nandito na tayo." aniya.
Tumango ako. "I'm awake."
Kinusot ko ang aking mga mata at tumingin sa bintana.
All I see is a bunch of small sized cabins surrounded by tall pine trees. Theres a huge camp fire in the middle na mukhang bagong patay lang dahil makikita pa ang mga ashes dito. I can also see some bits of fogs which means nasa taas talaga kami ng bundok.
Bumaba na ako ng bus at hindi nga ako nagkakamali. Isang malamig na hangin ang sumalubong sa akin. The temperature here is crazily cold!
Nagulat ako ng bigla akong hilain ni Lizette kasama ang mga kaibigan niya rin.
"Come, I'm going to show you something." aniya kaya sumunod nalang din ako.
Huminto kami nang nasa may fence na kami. Tinuro ni Lizette ang nasa baba ng bundok.
I gasped on what I saw. Hindi ko alam na makikita ang buong bayan ng Casta Haema dito. Kita rin mula rito ang Catrian's Lake. I can't believe it. This is wonderful!
"Ang ganda." I can't help but to admire this beautiful view.
"See? I told you. You're going to enjoy it here!" aniya.
I nodded. She's right, I think I might enjoy this camping.
Umalis na kami roon nang tawagin na kami ni Ms. Dianne, ang guide namin sa gagawing camping. We gathered in the middle of the place because she's going to explain the rules and do & don't's.
"Welcome, everyone. To everyone who still don't know me. I am Dianne Alemm, your guide for the next three days of your stay..." ngumiti si Ms. Dianne.
"As you may know, we do this every year to you all freshman students so you all have the chance to build better relationships with each other and to learn how to survive on your own. So without further ado, I will announce the rules and regulations here in the camp..."
"We only have one important rule that you must listen. Do not go outside the camp. We are at the Mt. Onis, located outside the Casta Haema. Going outside is strictly prohibited as they are bears and other creatures roaming in the vast of the forest. This is strictly applied to you all especially humans." umikot ang mata ni Ms. Dianne at tama tamang huminto ito sa aking tingin.
"If you need assistance, you can ask me or the other teachers for help. We will be happy to assist you. We can be found in that cabin right there..." sabay turo sa isang cabin na medyo malaki sa mga cabin na nakita ko kanina.
"Any more than that, you are basically allowed to do anything. I repeat, do not go outside the camp unless you don't have a supervisor to assist you. That's all. Do you have any questions?"
Kaagad na umingay ang mga estudyante. Maya maya ay may tumaas nang kamay.
"Yes?" ani Ms. Dianne.
"Pupunta rin ba dito ang Alpha?" tanong nong estudyante.
Dianne shookted her head. "The alpha doesn't attend the campings for the reason that he is busy doing his duties. Any more questions?"
I heard groans of disappointment after hearing her reply.
"I thought the alpha will be visiting us." I heard someone.
"Kaya nga, the sophomore lied to us." one replied.
"Ugh, I hate them! I wanna see the alpha."
Napabalik ang atensyon ko sa harap nang muling nagsalita si Ms. Dianne.
"Alright everyone, if you don't have any more questions. Kindly proceed to that booth over there to get your keys to your assigned cabins. Remember, only two person per cabin. Male and female are separated. Thank you and enjoy your stay." pagkatapos non ay umalis na si Ms. Dianne.
Tulad nang kaniyang sinabi ay kaagad kaming tumungo sa booth na kaniyang sinasabi. Lizzete dragged me towards it. Nahiya nga ako kasi sumingit pa siya sa pagkuha ng susi. Nang makatanggap na ay kaagad niya itong ipinakita sa akin.
Obviously, we are basically the roomates. Wala namang gustong makasama ako sa isang cabin kungdi siya lang.
Kinuha na namin ang aming mga gamit sa bus at pumunta na sa assiged cabin namin.
Our cabin number is 38. Hindi naman iyon mahirap hanapin dahil naka halera lang naman ang lahat ng mga cabin.
Ako na ang nagbukas ng pinto. After entering, we were welcomed by the fresh aroma of wood. The space is good enough for two people to live. May dalawang bed sa magkabilang gilid. It has separated drawer and wardrobe.
Meron ding mini circled shape table made out of wood just in case we want to drink a coffee or something. There's no air conditioner or fans. Siguro dahil malamig naman dito dahil nasa taas kami ng bundok.
"I'll take right bed!" aniya Lizette.
"Sure." wala namang problema sa akin dahil parehas naman din iyon.
Nauna na siyang pumunta sa kaniyang higaan kaya napagdesisyunan ko na ring pumunta sa aking higaan.
It took us an hour to arrange everything. Hindi ko na dinamihan ang pagdala ng mga gamit dahil tatlong araw lang din naman kami dito.
Tamang tamang kakatapos lang namin magayos ng mga gamit ay bumisita si Ms. Dianne. Sinisigurado niya raw na okay at komportable kami. Pati narin masigurado na hindi magkasabay ang babae at lalaki.
"I've dealt with hard-headed students before. Kahit na sinabi kong bawal ang babae at lalaki ay may nahuhuli parin ako." aniya.
Hilaw kaming ngumiti ni Lizette. Hindi naman siya nagtagal at nagpaalam na ring umalis dahil magche-check pa siya sa ibang cabins.
Ms. Dianne announced that after we've unpacked everything, we are allowed to rest after. As a good student like we are, of course, we obliged.
Tulad ng gawi ay naisipan kong muling matulog. I've always like sleeping. Kaya kapag wala akong ginagawa ay natutulog ako.
Pero mukhang hindi ganoon si Lizette dahil pagka-announce palang na may four hours break kami ay kaagad siyang nagpaalam na mag-iikot muna sa labas.
Tumango lamang ako. I know how much she's looking forward for this day. Siguradong iisa isahin niya ang mga tanawin dito.
Nang magising ako ay kaagad kaming nag lunch. Wala naman masyadong ganap sa unang araw dahil mukhang hinahayaan muna kami ng mga guro na mag enjoy.
Pagkahapon ay sumama ako ila Lizette sa cabin ng kaibigan niya. May lalaruin raw sila na siyang hindi niya sinabi sa akin kung ano. Pumayag naman ako dahil wala naman rin akong gagawin sa cabin namin. Hindi naman pwedeng matutulog nalang ako palagi.
Pagkapunta roon ay nagkwentuhan muna sila. I didn't expect them to include me. I'm still uncomfortable near them dahil akala ko ay tulad sila ng mga tao na nakakasalamuha ko sa bakery but it seems like they are different. They treat me like I am one of them and that makes me somewhat relieved.
After the small talks ay isinigawa na nila ang sinasabi nilang laro. Which was hell dahil hindi ko alam na masusuka at magkaka muscle pain pala ako nito.
It's basically truth or dare but if you refuse to answer the truth ay papakainin ka ng coconut worms na hindi ko alam kung nasan nila nakuha. And to make things worse, they're freaking alive. And if you refuse to do the dare ay ipapa-squat ka twenty times as a punishment.
Lizette's friends are crazy! Although I'm not scared to do the game but the punishments are way beyond unbearable. I don't have a problem eating exotic foods but I just can't eat them alive. Hindi ba pwedeng lutuin muna nila? At tsaka, I am not physically strong. Kahit limang push up nga hindi ko magawa, twenty squats pa kaya.
I thought I would enjoy this camp but this is the first thing to welcome me in the first day. How great.
Although, I can avoid them if I can answer their questions. Which I don't mind dahil wala naman akong nakakahiya o masamang nagawa sa buhay ko. Ang problema lang ay ang dare. What if they will give me ridiculous kinds of dare? To the love of god, please don't let that happen.
They seem excited. Kabaliktaran ng nararamdaman ko. Mukhang matagal na nila itong ginagawa kaya parang wala lang sa kanila ito.
"Hoy and unfair. Last month kakain lang ng sili ang punishment ngayon kakain ng buhay na worm! Kadiri naman yan!" reklamo ng isa.
Tumawa iyong babaeng maigsi ang buhok. "It adds to the thrill, Nica. Para siguradong walang magsisinungaling at hindi gagawa ng dare sa inyo." aniya sabay turo sa amin.
They all groaned in pain pero hindi naman umimik. Sign that they are up for the challenge.
"This is exciting! Okay lang ba sa iyo, Celestia?" bumaling si Lizette sa akin.
"Okay lang naman." may magagawa pa ba ako?
I agreed so I would not break their excitement. Okay na din to para kahit papaano ay malibang rin ako.
Someone locked the door to make sure no one would come in. Pagkatapos ay isinara nila ang kurtina at binuksan ang ilaw.
The first few games went fine. Lahat ay nakasagot ng totoo at nagawa ang kanilang dare at wala ring nakakain ng buhay na uod at naka squat ng dalawangpung beses.
Sa ikaapat na ikot ng bote ay tumama ang harap nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan kahit alam ko naman na susunod ako sa rules ng game. Sigurong instinct na iyon kapag nalaman mong sa iyo tumama ang ulo ng bote.
"Kay Celestia!" sigaw ni Lizzete.
Sa akin dumapo ang kanila tingin kaya napayuko nalang ako habang hinihintay ang tanong sa babae kung saan nakatapat ang kabilang bahagi ng bote.
"Truth or dare?" tanong nang babaeng kulot ang buhok.
"Truth." sagot ko.
Ilang segundo muna siyang nag-isip bago lumingon sa akin.
"Do you find Lizzete noisy? I mean, you look like the silent type so I guess you don't like noise?"
Nagulat ako sa kaniyang tanong.
"Hoy, bat naman yan iyong tanong! Hindi kaya ako maingay!" depensa ni Lizette.
I chuckled. As expected, the questions are going to be easy.
"Well, yes. I think we all know that Lizette talks a lot. But I mean it in a good way. Wala naman iyong problema sa akin. I admit, I do not like noises but if it's not because of Lizette, I am probably going to be alone in this town. She's the only one who approached me. And I am greatful to be her friend. " sagot ko.
"So to answer your question. Yes, she is noisy. And that's one of the reason that I like about her. She isn't afraid to tell anything that she want to say."
They went quiet for a second. Maya maya ay nagulat nalang ako nang bigla akong niyakap ni Lizette.
"Grabe nakaka-touch naman iyon, Celestia! Naiiyak ako." aniya sabay punas sa kaniyang kumakawalang luha.
"You really found a great friend, Liz." sabi noong babaeng nagtanong sa akin.
Awkward akong ngumiti dahil hindi ako sanay na pinupuri ako. Pero kahit papaano ay nakakataba ng puso.
They're making me feel like I belong here. That I can also be treated the same like them. That I am not an outcast.
Really, it feels nice. To be accepted.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro