Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: Vampires

Chapter 2: Vampires

Kahit na gulong gulo ang aking isipan ay nasubukan ko parin lumabas ng tren. Tulad sa Malenia ay ganoon din ang bumungad sa akin sa waiting shed. Wala ni isang tao ang naroroon pero rinig na rinig ang ingay na nangagaling sa likod ng mga puno.

Huminga ako ng malalim bago hinawakan nang mahigpit ang aking mga dalang bagahe. Nagsimula na akong maglakad patungo sa likurang bahagi ng waiting shed kung saan matatagpuang ang ingay. Iilang puno lang naman ang pagitan at nakikita ko na ang mga tindahan at ang mga taong naglalakad.

Mabilis na napunta sa aking ang tingin ng iilan kaya mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng bag. Lumunok ako bago napagdesisyunang magsimula ng maglakad patungo sa loob ng mga tindahan.

Nang makalampas sa maingay na mga tindahan ay sa wakas ay kitang kita ko na ang kabahayan. Kinuha ko ang nakunot nang papel at muling tinignan ang address na nakasulat dito. Tuloy tuloy lamang ako sa paglalakad at humihinto kapag nasa tapat na ako ng isang bahay upang i check kung doon nga ba ang address na nakalagay.

Iilang bahay na rin ang nalagpasan ko ay wala paring tumutugma sa address na aking hinahanap kaya sinubukan ko nang magtanong tanong.

Lumapit ako sa isang lalaking nakaupo lamang sa gilid ng isang kabahayan. "Manong, alam niyo po ba kung nasaan ito?"

Inilahad ko sa kaniya ang papel at pansamantala niya itong binasa. Maya maya pa ay kumunot ang noo nito. "Mali ata ang address na iyan." aniya.

Panandalian akong natahimik. Paanong mali? My mom was the one who wrote the address. I'm pretty sure it's not mistaken.

Muli kong ipinakita ang papel sa kaniya. "Hindi po, diyan po talaga ang punta ko. Alam niyo ho ba kung nasaan?" muli kong tanong.

Umiling ito at tila nagdadalawang isip kung sasabihin ba sa akin o hindi. Nagbuntong hininga ito bago nagsalita. "Oo pero mas mabuting huwag kanang tumuloy. May sumpa ang taong nakatira roon."

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. What does he meant by that? Anong sumpa ang kaniyang sinasabi?

Nakita naman ng lalaki ang pagkalito sa aking mukha. May itinuro siyang isang katamtamang laking bahay na naiiba sa iba. Nasa gilid ito ng daan at may pagitan na mahigit sampung metro bago ang susunod na kabahayan.

"Iyon ang bahay na hinahanap mo." aniya ng lalaki.

Nagpasalamat ako sa lalaki at akmang maglalakad na ng may idinugtong ito. "Huwag kang makampante. Tao ang nakatira riyan."

Kahit na nagtataka sa kaniyang sinabi ay di ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Ano ang ibig sabihin niyang tao ang nakatira roon? Aren't they humans too? It doesn't make any sense.

Habang naglalakad ay kitang kita ang dalawang palapag na bahay mula rito. Gawa ito sa kahoy at ang nababalutan ng itim na pintura. Mula rito ay nagmumukha itong haunted house. Sigurado ba talagang ito yung address na nakasulat sa papel? Baka niloloko lang ako ng lalaking iyon.

Nang nasa harap na ako ng bahay ay huminto ako. Bahala na kung hindi ito, magtatanong nalang ako.

Kumatok na ako ng tatlong beses bago naghintay. Maya maya ay bumukas ito at lumabas ang isang babaeng nasa mid 40's. Medyo magulo ang kulay abong buhok nito at mayroong eyebags ang nakasalamin niyang mata. Ngumiti ako at akmang babati nang lumaki ang kaniyang mata at mabilis akong niyakap.

"Celestia!" sigaw niya at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

Di ako umimik dahil sa gulat ng kaniyang biglang pagyakap. Maya maya ay tila nagproseso sa aking utak ang kaniyang sinabi. She knows me!

Kumawala ito sa yakap at tinignan ako habang ang kaniyang magkabilaang kamay ay nakahawak sa aking braso. Nginitian niya ako.

"It's you. It's really you. I can't believe you've grown up so much!" masaya niyang sabi.

Awkward akong ngumiti sa kaniya. Hindi alam kung ano ang sasabihin. "Uhh you know me?" pabulong kong tanong.

"Of course, I do! You looked exactly like your mother." sagot niya na siyang nagpagulat sa akin.

Napahinto ako sa kaniyang sinabi. Wait don't tell me. "Aunt Viena?"

Mabilis siyang tumango. "Yes, dear. I'm your Aunt Viena." sagot niya.

Hindi ko alam kung bakit may tumulong luha sa aking mga mata. Guess I just can't believe that I really do have a family left. I thought, I thought that I'm going to be alone.

Nakita ni Aunt Viena ang kumawalang luha sa aking mga mata at mabilis akong niyakap ulit. "Hush now, darling. I'm still here. You're not alone."

Kaagad ko rin siyang sinuklian ng yakap. "But my mom, she's dead. She left me." hindi ko na napigilan ang paghagulhol.

Ramdam ko ang paghaplos ni Aunt Viena sa aking likod at pinapatahan ako. "I know, I know. I also felt it. We're sisters afterall."

Kumawalas ako sa kaniyang yakap at pinunasan ang aking mga luha. Stop crying, Celestia. Don't be such a crybaby. Nakita mo na ang tita mo, dapat masaya ka.

Kinuha ko ang gusot gusot ng papel na sa aking bulsa at ipinakita ito sa kaniya. "This is the farewell letter my mom gave me before she died."

Tinggap naman ito ni Tita Viena at ilang minutong binasa ang nilalaman bago kumawal ng malalim na hininga.

"She never change. She's always like this. Ready to sacrifice her life in exchange of others. She never learns..." aniya at muling tinignan ang hawak hawak na papel. "...but then let's just accept na iyon ang kaniyang naging desisyon. Ayaw niya lang na matulad ang iyong kapalaran sa kaniya."

I don't understand. What fate is she talking about? Sa buong buhay ko ay kasama ko ang aking ina. Sa pagkakaalam ko ay sinabi niya na sa aking ang lahat ng kaniyang naging buhay. Kahit na iyong pagkamatay ng aking ama ay hindi niya itinago sa akin. Is there something she didn't tell me?

"Hindi ko maintindihan..." iyon lamang ang tanging naisambit ko. Hinawakan ako sa kamay ni Tita Viena.

"Come on, let's talk inside. Pinagtitinginan na tayo." aniya bago ako inaya papasok sa kaniyang tahanan at sinara ang pinto.

Pinaupo niya ako sa kaniyang sofa. Umalis siya at tumungo sa kaniyang kusina at pagbalik ay may dala dala itong takure at isang tasa. Nagsalin siya doon at inilahad sa akin. Tinanggap ko naman ito.

"Tita Viena, pwedeng magtanong?" tumingin si Tita Viena sa akin at tumango. "Syempre naman."

"I know this sounds ridiculous but ever since I got inside the train, everything seems strange." ikwinento ko sa kaniya ang lahat ng nakita ko bago ako nakarating dito. Simula ng pagkaapak ko ng Casta Haema Station, mga paiba ibang lugar everytime na dumadaan ang tren sa tunnel, at ang pagsabi ng lalaki kanina ng 'tao' kay Tita Viena.

"Normal lang po ba iyon o baka talagang nananaginip lang ako kanina sa tren." tuloy ko.

Napansing tumahimik si Tita Viena. Tila hindi alam kung itutuloy ang kaniyang sasabihin o hindi. Great, Celestia. Can you just shut up for a bit? Aunt Viena probably thought that I'm saying weird things about the town. It's all because of that driver. Kung hindi lang ito nagsalita ng kung ano ano ay sana hindi ako naimpluwnsyahan.

Naging seryoso si Tita Viena at mariin akong tinignan sa mata. "Listen carefully, Celestia. Do you promise that you won't be shock on what I am about to say?" aniya.

Kunot noo ko siyang tinignan. "What do you mean?" di siya sumagot at itinaas lamang ang kaniyang kilay at hinihintay ang aking sagot. "...Y-Yes, I guess." hindi ko siguradong sagot.

"Would you believe when I say that you are no longer in the human world?" aniya.

Napahinto ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano pero ng makita ko ang kaniyang seryoso paring mukha ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"I will ask you again, Celestia. When I tell you that you are in the world of vampires. Would you believe me?" ulit niyang tanong.

Ilang segundo akong hindi umimik. Maya maya ay unti unti kong iniling ang aking ulo. "I'm sorry, Aunt Viena but if you're playing with me right now..." napahinto ako. "I'm really sorry, but I don't believe you." sagot ko.

Pinanindigan ko ang aking sagot. Buong buhay ko ay hindi ako naniniwala sa kahit na ano mang mga alamat. I don't believe in myths and folktales. I don't even believe that ghost exist even though I've seen countless of people claiming that they have seen it.

Hindi ako basta basta mapapaniwala kahit na ipanood mo man sa aking ang kung anong video o larawan na nagpapatunay na totoo sila. As long as I don't see it myself, I refuse to believe them.

Siguro nga ay wala na akong panahon para paniwalaan pa ang lahat ng iyon. Napuno ang aking isipan na pagbutihin ang aking pag-aaral para matulungan ko ang aking inaa kahit papaano. Pati ang pagtatarabaho habang nag-aaral ay ginawa ko na. I dedicated myself on working and studying just to help my mother so I didnt have the time to think about those things. Pero kahit na mayroon man akong oras para sa mga iyon ay ganoon parin ang aking sagot. Basta hindi ko nakikita, hindi ko paniniwalaan.

Hinawakan ni Tita Viena ang aking kamay. "Come with me. I will show you something."

Pumunta si Tita Viena sa taas at bumalik ng may dala dalang dalawang balabal. Ibinigay niya ang isa sa akin at tinanggap ko naman ito bago isinuot.

Sumunod ako sa kaniya nang nauna na siyang lumabas ng bahay. Madaming tao ang sumusulyap sa amin pero tila parang wala lang ito kay Tita Viena.

"Come on, ignore them." aniya. Di na ako nagtanong pa at sumunod na lamang sa kaniya.

Pumasok siya sa isang tavern. Madaming tao ang sumalubong sa amin. Tulad kanina ay may ibang napapatingin sa amin ngunit ang iba naman ay walang pakealam. Halos puro mga lalaki ang nandoon at kakaunti lamang ang mga babaeng makikita. Halos lahat ng mga lamesa ay puro alak at mukhang nagsasaya silang lahat.

May narinig pa akong sumipol sa aming isang lalaking lasing na ata ngunit di ko na ito nilingunan at patuloy parin sa pagsunod kay Tita Viena.

Lumabas kami sa likurang bahagi ng tavern. Kahit sa labas ay marami paring mga tao. Tulad kanina ay mukhang mga naglalasing ang mga ito.

Sa may kanlurang bahagi ay may isa na namang tavern. Hindi ito kasing laki tulad nang kanina pero mula rito ay maririnig mo pa din ang ingay. Nagtaka akong napatingin kay Tita Viena ng huminto siya.

"Get ready." hindi na ako nakasagot nang binuksan na niya ang pintuan.

Di tulad kanina sa naunang tavern ay siguradong mas madaming tao dito kahit na mas maliit ito. Sa una ay wala akong makita dahil sa dami ng tao ngunit lumaki ang aking mata nang unti unti na kaming nakakawala sa agos ng mga tao at nakita ang babaeng nasa loob ng isang pahabang kahoy na box na may salamin.

Nagulat ako sa aking nakita. May collar na nakalagay sa leeg nito at nakasuot ng punit punit at maduming damit. Unti unting umangat ang nakaluhod na ulo nito at walang buhay na tumingin sa akin. Magulo ang kaniyang buhok at napakaitim na ng ilalim ng kaniyang mga mata. Pati ang kaniyang labi ay namumutla na rin.

Marahan akong napaatras. The girl looked so lifeless. Bakas sa kaniyang mga mata ang pagkawala ng pag asa.

Mahigpit akong hinawakan sa kamay ni Tita Viena. May isang lalaki ang binuksan ang box na salamin kung nasaan ang babae at halos kaladkarin na niya ito upang mapalabas. Hinila nito ang kadenang naka kapit sa collar ng babae dahilan kung bakit nasubsob ito sa sahig.

"Get up!" sigaw ng lalaki. Paika ikang tumayo ang babae na hindi umiimik. Hila hila ng lalaki ang collar ng babae patungo sa harap. Sumunod ang mata ko sa kanilang dalawa.

Umakyat sa di kataasang stage ang dalawa. May isang lalaki ng naka tayo doon at tila hinihintay ang pagdating ng dalawa. May hawak itong isang malaking basong beer bago pa-zigzag na naglakad papalapit sa babae. Base sa kaniyang galaw ay siguradong lasing ito.

Marahas na hinawakan niya sa buhok ng babae dahilan kung bakit ito napasigaw sa sakit. Di ito pinansin ng lalaki at kinaladkad ito papunta sa gitna ng stage.

Napalingon ako sa mga tao ng bigla silang nag cheer. Tinataas taas pa nila ang kanilang mga kamay na tila may hinihintay sila. Tumawa ng malakas ang lalaking nasa stage at uminom ng hawak nitong beer bago mas marahas na hinila ang buhok ng babae dahila upang makita ang maputla nitong leeg.

Mabilis nitong kinagat ang leeg ng babae dahilan kung bakit ako napasinghap sa gulat. Randam ko ang paghigpit ng hawak ni Tita Viena kahit ang kaniyang mata ay nakatingin pa rin sa harap. Kitang kita ang pag ngisay ng babae habang iniinom ang dugo nito ng lalaki. Makikita rin ang iilang tumakas na dugo na dumadaloy sa puting damit nito.

Ilang segundo lamang iyo ay kumawala na sa pag inom ang lalaki. Mabilis na bumagsak ang babaeng hanggang ngayon ay nangingisay pa rin hanggang unti unti itong nawala.

Itinaas ng lalaki ang hawak na beer bago tumawa. Tumutulo pa rin sa kaniyang bibig ang dugo na nanggagaling sa babae. Kitang kita mula rito ang dalawang pangil niyang mga ngipin. Muling sumigaw ang mga tao na tila may nasaksihan silang aliwan.

"I-Is she....d-dead?" nanginginig ang aking boses na nagtanong kay Tita Viena. Hindi siya sumagot at unti unti lamang tumango.

Umiling ako. It can't be. Kahit na anong kumbinsi ko sa aking sarili na hindi sila totoo ay nangingibabaw pa rin sa kung ano ang aking nasaksihan. Kitang kita ko ang dalawang pirasong pangil mula sa lalaking iyon at kung papaano nito ininom ang dugo ng babae nakahandusay na ngayon.

Kaagad na akong inilabas ni Tita Viena mula sa lugar na iyon. Lutang ako hanggang sa pag-uwi namin sa kaniyang bahay. Tila hindi pa rin naproproseso sa aking utak kung ano man ang aking nasaksihan.

"Listen to me, Celestia. That girl was a human. Kita mo naman kung ano ang nangyari doon diba? You're on a whole new different world, Celestia. Where humans are treated like slaves." paliwanag niya. "Do you believe me now? This place is dangerous."

Unti unti akong tumango. Kahit mahirap paniwalaan ay nagawa ko parin tumango. "But why? Why would my mother sent me here?"

Bumuntong hininga siya. "I also don't know, Celestia. I really don't know." tanging naging sagot niya.

"All I know is that I will protect you no matter what. All I ask is for you to trust me. Can you do that?" tanong niya.

Walang lumabas sa aking bibig kungdi ang pagtango. She's all I have, I have no reason not to trust her. Ibinigay ako ng aking ina sa kaniya kaya siguradong mapapagkatiwalaan siya. All I have to do is to be strong. Ngayon ay nasa mundo na akong ng mga bampira, kailangan kong mag-ingat.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng gabing iyon. Napuno ang aking isipan sa kung ano na ang mangyayari sa akin. Guess I just have to fight for myself. I don't want to depend everything on Tita Viena. I don't wanna be a burden.

I just hope whatever the reason my mother sent me here. It must be something far greater than what I think.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro