Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17: Catrian's Lake

Chapter 17: Catrian's Lake

Pagkapasok ko sa aking next class ay laking pasalamat ko ng hindi nagtanong si Lizette kung saan ako nanggaling. She was busy texting someone on her phone.

"Who's the boy this time?" tanong ko sabay upo sa kaniyang tabi.

She was giggling. "The guy I met in the club."

Hindi na ako nagulat sa kaniyang sinabi. Of course, it's a different one. Looks like they didn't just had fun that night and they even exchange numbers.

Hindi na ako nagtanong pa dahil kung makiusisa pa ako ay alam ko na kung saan hahantong ang kaniyang kwento. She's the type of person that has no problem talking about her sex life. She's very vocal about it and that's what I like about her.

Our afternoon went on just like that. Lizette was happy because we don't have that much activities for this week like what we usually have. Minsan nga ay normal na sa iba ang magkaroon ng sampung activities bawat linggo. They can just go home and do their activities. In our case, after school we go straight at our work. Mahirap mag manage ng time kapag working student ka.

Lizette dragged me towards the small coffee shop in our campus. Pagkapasok namin ay wala na masyadong estudyante. Dahil siguro uwian na. The coffee shop is usually crowded in the morning dahil ganoong oras dagsaan ang mga estudyante.

Lagi kong nadadaanan ang coffee shop na ito kapag nasa west wing ang next class ko. But I never dared to go inside. There's only one reason. Their coffee price here is quite expensive. Halatang para lang ito sa mga mayayamang estudyante.

"Sigurado ka bang dito mo gustong kumain, Liz? Ang mahal dito eh." bulong ko sa kaniya.

She shushed me. "Don't worry I got my paycheck last friday. Two bottles of coffee and waffles won't hurt."

Hindi na ako nagpumilit pa. Well, it's her money anyways. Buti nga siya ay nakuha na ang sweldo niya for this month. Ako ay next week pa. Plano ko ngang mag-ipon muna.

After that, she did what she have to do. Just like she said, she ordered two cups of coffee and two chocolate flavored waffles. Pagkatapos non ay kaagad rin kaming umalis. The shop closes at five at mabuti ngang nakahabol pa kami bago ito magsara.

Ilang minuto muna ang nilinang namin sa paglalakad sa napakalawak na field ng eskwelahan bago kami nakalabas ng gate.

Mula rito ay agaw pansin kaagad ang matingkad na kulay abong kotse ni Cirrus. Nasa guard house siya at kausap ang isang gwardya. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakita.

Nabalik ang tingin ko kay Lizette nang hilahin niya ako. Hindi ko napansing nakapara na pala siya ng taxi.

"Hey, you okay? Tara na." aniya.

Umiling ako bago kinalas ang pagkakahawak niya sa aking braso. Taka siyang tumingin sa akin.

"Ikaw nalang muna, Liz. May pupuntahan pa ako. Paki sabi nalang kay Tita Christine na baka ma late ako." paalam ko.

Kumunot ang kaniyang noo. "Where to?"

I'm sure that it's not a good idea to tell her where I'm going. Kapag nalaman niyang pupuntahan ko si Damien ay baka hindi niya ako tatantanan. She'll probably make a big deal out of it. I need to come up with a good excuse.

"It's just something urgent. Tita Viena wants me to buy her a important item." palusot ko.

She doesn't seem to mind it pero hindi na siya nagtanong pa. Sumimsim muna siya sa hawak hawak na kape at kumagat ng waffle bago nagpaalam na mauuna na siya.

"Alright. Sasabihin ko kay Tita na male-late ka. But don't be too late ha!" aniya. Tumango nalang ako.

Nakatayo lamang ako roon hanggang sa tuluyang nawala sa aking paningin ang sinakyan niyang taxi. Pagkatapos ay napagdesisyunan ko nang maglakad na patungo kay Cirrus na kausap parin ang guard.

"Hey..." tawag ko sa kaniya. Nahinto siya sa pagsasalita at bumaling sa akin.

"Alright that's all. Don't forget my reminders." iyon ang huling sinabi ni Cirrus sa gwardya bago humarap sa akin. Tinanguan lamang siya ng gwardya at bahagyang nag bow.

"Let's go?" Tumango ako. Nauna na siyang naglakad patungo sa kaniyang kotse.

Mabuti nalang ay wala na gaanong estudyante sa labas. Pag nalaman nilang nakikihalubilo ako sa mga katulad nila ay siguradong issue na naman ako sa buong campus.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Cirrus. Pagkatapos ay umikot siya para tumungo sa driver's seat. Mahigpit ang hawak hawak ko sa waffles at kape na nasa magkabilaan kong kamay.

Tahimik lamang akong kumakain habang nasa byahe. Pansin ko rin ang palipat lipat na tingin sa akin ni Cirrus mula sa aking peripheral vision.

Nang hindi siya humihinto ay tinignan ko na siya. "What?"

Nakangiti siya ngayon. Tila may ginawa akong nakakatuwa.

"Nothing. Pakabusog kalang jan." aniya sabay tawa.

I don't know why but I got irritated on what he said to me. Parang nakakatawa para sa kaniya ang makita akong kumakain. Nagsalubong ang kilay ko na nakatingin sa kaniya.

Hindi nalang ako nagsalita pa dahil baka lumaki pa ang ulo neto. Napagdesisyunan ko nalang na tumingin sa labas. Nasa labas na kami ng Casta Haema. Tanging mga nagtataasang mga puno nalang ang aking nakikita. Malamig ang hangin dahil kakaulan lang kanina. I can almost see the upcoming fogs from here.

Dalawangpung minuto ang lumipas bago lumiko si Cirrus sa isang makitid at lubak lubak na daan. Sasabihin ko sana kung tama ba itong dinaanan namin pero hindi ko na tinuloy dahil kitang kita ko na mula rito ang isang malaking lawa.

Nabasa ko pa ang nakasulat sa kahoy na karatula. 'Cartian's Lake'. Sa baba nito ay may nakalagay na 'Private Property: Do not enter'.

The whole place is filled with fogs, but you can still see the beautiful place. Mangha ako nakatingin sa lugar. The dark green pine trees that is covered by mists looks so calming to see. Pati narin ang malinis na lawak. The water is not clear but you can still tell that it's clean.

Pero ang nag agaw pansin sa akin ay ang nag-iisang katamtamang laki na cabin malapit sa lawa. Nakaharap ito roon at iyon lang ang tanging bagay na makikita mo sa lugar. Just a cabin with a terrace.

Huminto na ang kotse ni Cirrus na malayo pa sa lawa. Taka akong tumingin sa kaniya.

"Maririnig ni Damien na nandito ako kaya hanggang dito nalang muna tayo. Uutusan na naman ako non sa palasyo." sagot niya na tila nabasa ang aking nagtatakang mukha.

Napa-'oh' nalang ako bago binuksan ang kaniyang pinto at lumabas.

"Thank you." paalam ko. Bago ko pa man isara ang pinto ay nagsalita siya.

"Also don't tell him na ako ang naghatid sa iyo rito." aniya.

Tumango tango ako. "Okay. Thanks again."

"No problem. I gotta go. May aasikasuhin pa ako sa mansion. If you need something, just text me." I nodded one last time before he decided to drive away.

Ilang minuto muna akong nakatayo roon bago kinumbinsi ang sarili kong tumungo na sa cabin. He's probably there. Napayakap ako sa aking katawan nang maramdaman ang malamig na hangin mula sa lawa. If I know it would be this cold here then I should've bring my sweater with me.

Nang nasa harap na ako ng pinto ay hindi ko magawang gumalaw. Why am I shaking? Hindi ko alam kung sa lamig ba ito ng hangin o dahil alam kong nasa loob si Damien ng cabin? Either way I shouldn't be bothered right? I'm just here to say thank you and that's it.

Huminga muna ako ng malalim bago napagdesisyunang kumatok. I knocked three times and waited. Maya maya ay may bumukas sa pinto. Ang akala ko ay si Damien ito pero laking gulat nang makita ang isang babaeng naka bathrobe.

I was shocked. Did Cirrus dropped me at the wrong place? It's unlikely, I read the sign so I'm pretty sure I'm in the right place. So who is this girl?

Tumaas ang kilay ng babae nang makita ako. "Who are you?"

Bumuka ang aking bibig pero hindi ko magawang magsalita.

"Sorry, wrong place." akmang tatalikod na sana ako nang marinig ang boses ng lalaking aking hinahanap.

"Who is it?" boses iyon ni Damien.

Lumingon iyong babae sa kaniyang likuran kaya bahagyang bumukas ang pinto. There I saw Damien half naked. Tanging twalya lang ang meron sa kaniya habang pinupunasan ang basa niyang buhok gamit ang isa towel. It's obvious that he just took a bath.

Nagtama ang tingin namin ni Damien. Halata sa kaniyang mukha ang pagkagulat na tila hindi inaasahan ang pagdating ko.

Oh, I knew going here was a bad idea. Sana ay hindi ko nalang naisip na magpasalamat sa kaniya. Cirrus was right. Damien doesn't seem to mind it. Mukha wala naman siyang pakealam sa nangyari noong nakaraang gabi. I am the one who's making a big deal out of it.

I didn't know why I felt a sudden pain in my chest. Tila sumisikip ang aking dibdib. Ang isipin lang na may kasamang babae si Damien na silang dalawa lang sa isang bahay sa kalagitnaan ng gubat ay hindi ko magawang tanggapin. I know I shouldn't be feeling like this. But why is there a pain in my chest?

"I gotta go. Sorry for the disturbance." tumalikod na ako. Pero hindi pa ako nakakahakbang ay naramdaman ko na kaagad ang isang malamig na kamay sa aking palapusuan.

Nabalik ang tingin ko. Nasa harap ko na ngayon si Damien habang hawak hawak ang aking kamay. He's not saying anything. Nakatitig lamang siya sa akin.

"Do you know her, Dame?" tanong noong babae.

Hindi siya sinulyapan ni Damien. "Get out."

The girl was stunned. "What?"

Mariin siyang tinignan ni Damien. "I said get out. Don't make me repeat myself."

The girl was clearly annoyed. Tila hindi inaasahang paaalisin siya ni Damien. The girl gave me a death glare before rushing out of the cabin.

Bumalik ang tingin ko kay Damien na ngayon ay nakatitig parin pala sa akin. I tried to remove my hand but he's not letting me.

"Bitawan mo ako, Damien." saad ko.

"Why are you here?" hindi niya pinansin ang aking sinabi. "Paano mo nalamang nandito ako?"

Napalunok ako. Sinabi ni Cirrus na hindi ko pwedeng sabihin na siya ang nagsabi sa akin kung nasaan siya.

"W-wala. Naligaw lang." nautal kong sagot habang sinusubukan paring makawala sa kaniyang pagkakahawak.

"Bullshit. This is a private property. You can't just walk through the woods and suddenly got lost here. No one's gonna buy that lame excuse, Celestia." aniya.

"Tell me. What brings you here?" ulit niyang tanong.

Hindi ko na masabayan ang kaniyang mga titig kaya umiwas ako ng tingin. I knew he wouldn't buy that. Shit, hindi na pala talaga sana ako pumunta rito.

"Fine, I'll tell you." sabi ko sabay balik ng tingin sa kaniya. "I just wanted to say thank you for what you did the previous night. But it seemed like you don't need it at all. Mukha namang nagsasaya ka rito." I didn't know why my voice sounds so bitter.

Tumaas ang kaniyang kilay sa aking paliwanag. "Nothing happened."

Ako naman ngayon ang nagtataka. "What?"

Binitawan niya ang aking kamay sabay halukipkip bago isinandal ang sarili sa kahoy na pader. "Nothing happened between me and that girl. If that's what you're thinking."

Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi. Does he really think I'm bothered with that? Hindi ba niya narinig ang sinabi ko?

"Ok, and? Wala akong pake kung may nangyari sa inyo o wala. Ngayon ay tapos na akong magpasalamat. Pwede na ba akong umalis?" sabi ko.

Ilang minuto siyang hindi nagsalita. Maya maya ay umayos siya ng upo. "No."

I was about to say something when he grabbed my hands again ang dragged me inside the cabin. Saka niya lang ako binitawan ng nakaupo na ako sa couch malapit sa fire place. Pagkatapos ay umalis siya at pumasok sa isang kwarto. Maya maya ay lumabas siyang nakasuot na ng damit.

"You stay here." aniya habang nagalalakd papalapit sa akin.

"I can't. May trabaho ako. Kailangan kong umalis." katwiran ko. But he doesn't seem to be listening to me.

"It's already dark and the fogs is already here. It's dangerous to go out at this time." aniya.

Umupo siya sa single couch na nasa aking harapan bago muling humalikipkip.

"And besides, you did not answered my question. How did you know I am here? And how did you got here also? I didn't see any car." dagdag niya.

Napalunok ako. Wala akong kawala. Feeling ko tuloy ay gumawa ako ng krimen at ngayon ay ine-interrogate.

"I won't tell." giit ko.

He left out a small grin before leaning on the couch. He's looking at me like he's looking at something interesting.

"It's Cirrus isn't it? He's the only one who knows where I go when things get messy in the palace." aniya.

Dammit. He figured it out so quickly. Or maybe he already knew from the start?

Hindi ako nakasagot sa kaniyang sinabi. Well, he already found it out. There's no point in denying it anymore.

Pinalubutan kami ng katahimikan. Maya maya ay nakarinig ako ng patak ng tubig galing sa bubong ng cabin. Hanggang sa unti unti itong lumalakas.

Kung minamalas ka nga naman. Bakit ngayon pa bumalik ang ulan?

Tumaas ang kilay ni Damien nang marinig rin ang pagusbong ng ulan. At first it was just a light rain. I thought na kapag maghintay lang ako ng ilang minuto ay titila rin para makaalis na ako pero ilang segundo lang ang lumipas ay bigla itong lumakas.

"Well. It seems like the rain won't stop until dawn." ani Damien sabay tayo.

"I need to go, Damien." pagpupumilit ko. There's no way I will spend my night here with him.

"Too bad, Celestia. It's already night and the rain is heavy. You think I will let you go out alone?" aniya habang nakatingin sa akin.

Hindi ako umimik. Hindi ko magawang makapagsalita. Ang tanging kaya ko nalang gawin ay iwasan ang kaniyang mga titig.

"Wether you like it or not. You'll stay here and that's final." aniya sabay lakad patungong kusina at hindi man lang ako hinintay na sumagot.

Wala akong magawa kungdi ang pagod na sumadal sa couch. Gustuhin ko man ay tama ang kaniyang sinabi. Nasa kalagitnaan kami ng kagubatan at sa kamalas malasan pa ay ang lakas ng bugso ng ulan.

I wanted to text Cirrus to come get me but I know he's busy right now. May sinabi siyang may kailangan raw siyang gawin sa bahay nila. At tsaka, I feel like I've been bothering Cirrus too much. Sa tingin ko ay tinutulungan lang niya ako dahil kay Tita Viena.

Either way, I don't have a choice. I need to spend the night here with Damien. Pagkagising ko bukas ay siguradong aalis rin ako kaagad.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro