Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16: Spill

Chapter 16: Spill

Today is monday again. Tulad ng sinabi ko ay nagpahinga lang ako buong araw kahapon. Pero mukhang ang bilis lamang ng oras dahil tila hindi ito naging sapat upang bumalik sa magandang kalagayan ang aking katawan.

Pagkatapos gawin ang aking mga gagawin sa umagang ito ay nagpaalam na ako kay Tita Viena na aalis na. Tulad nang lagi kong gawi ay naghintay ako sa labas ng bahay upang pumara ng taxi.

Nang makakita ay kaagad akong pumara. Gladly, it stopped infront of me. Kaagad akong sumakay. The whole 30 minutes of ride was peaceful. Hindi ako kinakausap ng driver hindi tulad nang mga usual na nasasakyan kong taxi dahil ang iba sa kanila ay madadaldal.

Nang makarating sa school ay kaagad akong nagbayad at bumaba na ng sasakyan. Naglakad na ako sa kalawak lawak na field ng campus upang marating ang una kong klase ngayon. Kung minamalas ka pa naman ay talagang sa 3rd floor pa ang room ko ngayong araw.

Sumilip ako sa hawak hawak kong phone kung saan makikita ang napakaraming text mula kay Lizette. Kahapon pa siya text ng text at kahit na sabihin kong okay lang ako ay hindi niya ako nilulubayan. Napailing nalang ako at ibinulsa ang phone na hawak bago dumirteso sa hagdan.

The school has a elevator but it's only exclusive to the higher ups. Ironic right? Ang mga nasa baba ay magpapakahirap pang maglakad sa hangdan para puntahan ang kanilang mga designated rooms. Kawawa naman iyong mga nasa fifth floor ang classroom.

But I guess it's not a problem to them. They have the speed and strength to do it so it doesn't really matter. Ang kawawa lang ay ang mga tulad kong tao dahil siguradong hihingalin kami paakyat.

Tulad ko nalang ngayon. Halos magpasalamat ako ng makarating na ng third floor. Pinunasan ko ang aking pawis sa noo bago nagpatuloy sa paglalakad.

Dumiretso na ako sa subject ko ngayon. Maaga ako kaya wala masyadong tao. Kahit na si Lizette ay hindi pa dumadating. Hindi na nakakapanibago iyon dahil palagi naman iyong late.

Umupo ako sa table malapit sa binata. I don't have any friends except for Lizette so pag wala siya ay palagi lang akong nag-iisa. I don't mind being alone to be honest. Mas gusto ko nga iyon dahil walang sagabal at wala ring ingay.

I was just sitting there for ten minutes before Lizette finally showed up. Ako kaagad ang una niyang nakita at halos lakad takbong lumapit sa akin.

I already expect her to rain me questions kaya inunahan ko na siya. Ako ang nagtatanong sa kaniya. At hindi na ako nagulat nang malaman na napakababaw ng dahilan kung bakit siya nawala kagabi sa club. Napasamo nalang ako sa kaniyang rason.

"So that's why I was not on the dance floor!" pagtatapos niya sa kaniyang kwento.

This girl, really. Sinabi niya lang naman sa akin na kaya pala siya nawala ay may nakita siyang gwapo sa dance floor at dinala siya sa vip room ng lalaki. I have no idea what they did there and I don't wanna know.

Pero hindi iyon ang pinagusapan namin. Nang lumabas raw siya ng vip room ay hinanap niya rin daw ako. I was nowhere to be found that time dahil iyon ang oras kung saan hinila ako ng lalaki sa likurang bahagi ng club. Pareho pala kaming naghanapan.

She asked about where did I go so I told her everything. Lahat ng nangyari habang wala siya. How the guy harrased me dragged me at the back part of the club. Kung paano malapit nang matuloy ang masamang binabalak nito. Of course, I did not includ the part where I kissed Damien. No way, hinding hindi ko iyon ipagsasabi kahit kanino. I already embarrassed myself enough.

Lizette was shocked while she's listening to my story. Ang masaya niyang mukha ay nawala dahil tulad ni Cirrus ay sinisisi niya ang kaniyang sarili. I told her it was fine. Wala naman talaga siyang kasalanan. Walang may gustong mangyari iyon nangyari kagabi.

Sinabi niyang ililibre niya nalang ako para kahit papaano ay mawala ang guilt niya kaya pumayag ako. Basta pagkain ay hindi ko aayawan. It's a favor for me too.

Umayos na kami ng upo nang dumating na ang teacher namin. I focused on the class because my mind is filled with something else these past few days. Nakakaligtaan ko na ang mga school works ko minsan. I really should pay attention starting from now on and avoid thinking unecessary things.

Also, I'll try to find Damien today to thank him for saving me that night. Pero mukhang kanina ko pa hindi napapansin ang presensya niya. Kahit kaninang umaga ay hindi ko nasilayan ang kaniyang mukha.

Usually, students would gather at the field just to see Damien but I noticed that there were none earlier. The only face I saw was Cirrus's.

Lunch break na at as usual ay kasama ko si Lizette na kumakain sa dinning table ng cafeteria. Maraming mga estudyante at napakaingay sa loob. Mabuti naman ay familiar ako sa hinanda nilang pagkain ngayon. Paminsan kasi ay hindi ako pamilyar sa mga putaheng niluluto nila.

A chicken curry with rice, salad, and two slices of watermelon is what I got. For the juice, I got the pineapple one. I usually don't drink pineapple but that's all they have for beverage so I had no choice. While Lizette got herself a beef steak, a mountain of fried rice, two breads, and also two slices of watermelon. Well for the beverage, she got herself a pack of blood.

Kahit na maingay ang cafeteria ngayon ay hindi ito naging kasing ingay kapag nandito si Damien at Cirrus. Pareho silang wala kaya kumpara sa ingay pag nandyan ang dalawa ay hindi ito gaanong kaingay ngayon. I tried to ask Lizette on where the two could've been but she just shrugged.

"I don't know where the Alpha went but I think Cirrus is currently busy on his duties. You know, being the Council President is a very stressful postion." sagot niya.

Napahinto ako sa pagkain dahil sa kaniyang sinabi. "Cirrus is the Student Council President? I thought he's just a member of it or something."

Sumimsim muna si Lizette sa kaniyang hawak hawak na pack ng dugo bago sumagot. "No way. Why would you think he's just a member? A Alpha's right hand should have a high rank postion in school and also in town."

Nagkibit balikat ako. "I'm just surprised. Akala ko ay si Damien ang President. He looks like the type to be one."

Tumango tango siya. "Well, I understand. Everyone wanted him to be the President but he always refused kaya kay Cirrus napunta ang position. It's understandable dahil masyado na siyang busy bilang pagiging Alpha ng Casta Haema. He said that even if he were to become the President ay hindi niya ito magagampanan ng maayos. He's always out of town to do business so his schedule will be hectic if he will accept the postion."

It makes sense. I guess being the town's Alpha is a very busy job. Is that the reason why he's nowhere to be seen in the campus? There's a possibility. Should I ask Cirrus?

Natapos na kaming kumain ni Lizette kaya ngayon ay naglakad lakad nalang muna kami sa field. We still have thirty minutes for our next class kaya magmumuni muni muna kami.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang magtanong. "Come to think of it. Where is the Student Council Office? Parang wala naman ata iyon sa main building ah."

I'm curious. So far ay wala pa akong nababasa na 'Student Council Office' sa isa sa mga rooms ng main building. O baka iba lang ang tawag non sa kanila? Even so, I want to know.

"Ah yung office ba? Nasa dulong bahagi ng second floor iyon. It's understandable na hindi mo alam kasi need ng permission mula sa President para makapasok doon." sagot niya.

Oh yeah, I remember. Hindi kami allowed na pumunta sa left side ng second floor for some unknown reason. Now I know why they aren't allowing it. Although I saw some students walking pass that hallway.

Since may tatlumpong minuto pa ako bago ang susunod na klase ay may naisip akong idea. Nagpaalam na muna ako kay Lizette na may gagawin at naglakad na sa kabaliktaran kung saan ang next class namin. Lizette didn't seem to mind asking any question at hinayaan na akong umalis.

Umalis ako sa field at pumasok sa main building at umakyat ng hagdan patungong second floor. There I can see the difference between the two hallways.

The left side seem darker than the right side. Walang estudyanteng naglalakad akong nakita. Maybe it's because it's already 1 'o'clock in the afternoon at nasa kanikanilang klase na ang iba. While the right side is much more brighter. It's normal like the other floors. May mga iilang estudyante ang naglalakad. Parehas sigurado sa akin ang schedule na 1:30-2:00pm ang start ng afternoon class.

I sat on a long waiting chair beside a big pot of plant. Saka ko inilabas ang aking cellphone para i-text si Cirrus.

Nagdadalawang isip pa ako kung isesend ko ba o hindi dahil baka busy siya. But then there's also a possibility that he's not so I sent the message regardless. Ilang segundo lang akong naghintay nang maramdamang nag vibrate ang phone ko senyales na nagreply na siya.

From Cirrus:

Sure. Saan kaba?

I was relieved that he's not busy. Kaagad akong nag type ng reply.

Wala pang isang minuto ay nakita ko na ang pigura ni Cirrus mula sa madalim na bahagi ng hallway. Kaagad siyang lumapit sa akin ng makita ako.

"I hope I'm not bothering you." ako ang unang nagsalita.

He shookt his head. "You never bothered me, Celestia. Say it, what is it that you wanna ask?"

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. I'm not sure if he will answer me but I just want to give it a try. Kung hindi siya papayag ay okay lang din sa akin.

"Alam mo ba kung nasaan si Damien? Kanina ko pa napapansing wala siya rito? Is he busy? Out of town ba siya?" tuloy tuloy kong tanong.

Napakamot ng batok si Cirrus. "About that..." huminto siya tila hindi alam kung sasabihin ba niya sa akin ang kaniyang iniisip o hindi. "Nagkagulo na naman sa palasyo. Lady Alicia was furious again. Nalaman niya kasi na may ginawa si Damien na labas sa kaniyang duty bilang Alpha."

Kumunot ang noo ko. "About what?"

Humalikipkip si Cirrus at nagkamot ng ulo. "It's because he killed someone to save a human. As a Alpha, what Damien did was questionable. Kaya nagalit si Lady Alicia. But don't worry, we didn't tell that it was you."

Hindi ko alam kung masasayahan ba ako dahil hindi nila sinabing ako iyon o ano. But I'm pretty sure that I was not while I'm supposed to be glad. Dapat ay gumagaan ang loob ko ngayon dahil hindi nila sinabing ako iyon. But I wasn't relieved, in fact, it's the opposite. I am somewhat worried knowing that Damien will be probably be punished again.

Tumingin ako kay Cirrus na ngayon ay hinihintay kung ano ang aking sasabihin. "At si Damien? Papagalitan na naman ba siya?"

Tumaas ang kilay ni Cirrus bago tumawa. Napakunot ang aking noo. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

"Nothing. It's just funny that you're face looks so worried when there's nothing to be worried about Damien right now." sagot niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Do you really think that Damien would give a fuck about what her mother says? Laging ganoon ang eksena sa palasyo. Lady Alicia always oppose on whatever Damien do. The previous Alpha is always out of town so Lady Alicia is the one who deals with Damien all the time. They never get along." paliwanag niya.

"So where is he right now?" taka kong tanong.

Tumaas ang kilay ni Cirrus. "Why you want to know?"

Tumikhim ako dahil sa makahulugang mga tingin ni Cirrus sa akin. "I just wanted to thank him for saving my life that night. Pagkatapos ay aalis rin ako."

"Oh, you don't need to. It's his duty as a Alpha to save someone who are in trouble. At tsaka, hindi tumatanggap ng pasalamat yon." aniya.

Regardless on what he said, I still stand to my word. "Hindi ako mapapalagay kapag hindi ako magpapasalamat sa taong tumulong sa akin. I feel like I am indebted to that person and I don't want that."

Hindi siya nagsalita. Maya maya ay muli siyang humalikipkip bago inilagay ang kamay sa kaniyang baba na tila nag-iisip.

"Well if you insist, I guess I don't have a choice. He's in his favorite place right now. Lugar kung saan siya pumupunta pag nagkakagulo sa palasyo." aniya.

"And where exactly is that?" tanong ko.

"Catrian's Lake. Located in the deepest part of Casta Haema forest. It's a private property so it's secluded." sagot niya.

Damn. I don't know where is that. Ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyon. Ni hindi ko nga alam na may lawa pala sa bayang ito. Siguro ay hanggang sa loob ng bayan lang ako nakakarating kaya hindi ko alam na may ganoon pala. Tita Viena never allowed me to go outside the town. Lalong lalo na sa kagubatan ng Casta Haema.

Mukhang nabasa naman ni Cirrus ang aking mukha dahil hindi ko alam kung saan iyon kaya nagsalita siya.

"Don't worry I'll take you there. Hindi kita hahayaang pumunta roon mag-isa. Baka papagalitan na namam ako ni Tita Viena kapag may nangyaring masama sa iyo." dagdag niya.

Kaagad akong pumayag. "Thank you. Pasensya na at naistorbo pa ata kita."

Umiling siya. "Trust me, Celestia. You can ask my help whenever you need to. Siguradong pupunta ako. I promised Tita Viena that it is my duty to protect you as your br—"

Nahinto siya sa pagsasalita at tila hindi rin inaasahan ang kaniyang sinabi. Narinig ko siyang nagmura bago bumaling sa akin. Napakunot ang noo ko.

"Sorry, I talk too much. I need to go back to the Office now. Let's just meet outside the school aroung five o'clock. See yah!" hindi na niya ako hinintay na magsalita at tinalikuran na ako.

Nakatayo lamang ako doon. Nakakunot ang noo habang prinoproseso ang kaniyang sinabi. I'm pretty sure I heard it right. He said that I am his duty. Duty as a what? Is this about the secrete that Tita Viena and him are keeping? May kinalaman ba ito doon?

Siguradong oo dahil kaagad niyang pinutol ang kaniyang salita. He probably was about to spill it that's why he cursed himself. Pero kahit na anong proseso ang gawin ko sa aking utak ay hindi ko magawang sundan ang kaniyang sinabi.

It was not enough. What he said is not enough clue about their secret. Hanggang ngayon ba ay hindi parin nila kayang sabihin ito sa akin? I don't think I can wait that long. Sinusubukan kong unawain si Tita Viena pero kahit ngayon ay wala parin siyang sinasabi sa akin tungkol sa sikretong tinatago niya.

Not wanting to think about it any further ay napagdesisyunan ko nalang na tumungo na sa aking susunod na klase. I still have ten minutes left pero mas maigi nang maaga ako. Lizette is probably already there too.

Tumingin ako sa aking relo. I need to meet with Cirrus four hours from now. I have no idea where the Catrian's Lake is but I hope it's not a scary place.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro