Chapter 11: Prejudice
Chapter 11: Prejudice
Halos mag dadalawang buwan na akong nagtratrabaho sa bakery pero mukhang ganoon parin ang trato ng mga tao sa akin. It's obvious that they still don't accept me working here. Damang dama ko parin ang mga mapanghusga nilang mga titig sa akin.
Hindi tulad noon na hindi ako komportable sa kanilang mga titig ngayon naman ay sanay na sanay na ako. Ni hindi na nga ako kailangang tulungan pa ni Lizette. Hindi naman sa lumalaban ako pero sadyang hindi ko nalang sila pinapansin.
Nasa counter ako at kasama si Loren. Si Lizette at Aya naman ay nasa kusina at tumutulong magmasa kay Tita Christine.
Nag-ring ang cellpone ni Loren. Nagulat pa nga siya dahil malakas itong nag ring. Nagpunas muna siya ng kamay bago kinuha ang kaniyang cellpone na nasa bulsa ng kaniyang apron. Bumaling siya sa akin.
"Ikaw muna dito, Celestia. Tumatawag si Mama baka may kailangan." paalam niya. Kaagad akong tumango bago pumunta sa kaniyang pwesto. Siya kasi ang naka-assign sa cashier.
Lumabas na muna ng bakery si Loren para sagutin ang tawag. Sinundan ko siya ng tingin.
Madaming mga customers ngayon dahil weekend kaya dagsaan sila ngayon dito sa bakery. May isang hindi katandaang babae ang pumasok. Base sa kaniyang tindig ay sopistikada ito. May suot na sunglasses at isang kulay itim na dress na naka black gloves pa hanggang siko. Agaw pansin rin ang napakapula niyang lipstick.
Inilapag niya ang hawak hawak na transparent na umbrella at isinandal ito sa wall malapit sa entrance bago naglakad papuntang counter kung nasaan ako. Nang makitang ako lang mag-isa ay tinanggal niya ang kaniyang suot suot na glasses at tinaasan ako ng kilay.
"Where's the cashier?" mataray niyang tanong sa akin.
Umayos ako ng tayo at nginitian siya. "May urgent call lang po. Babalik rin iyon mamaya. Ako nalang po muna ang kukuha ng order niyo—"
Pinutol niya ako. "No. Hindi ka naman pala naka assign sa cashier para kunin ang order ko."
Napangiwi ako pero hindi ko inalis ang aking ngiti. "Marunong naman po ako—"
"Why is there a human working here anyways. Diba dapat hanggang katulong lang kayo?" putol niya.
Nawala ang ngiti sa aking mukha. I was offended pero hindi ko siya sasagutin. This is not the first time I was discrimated. I know how to deal with people like them. Sa halos dalawang buwan ko nang nagtratrabaho rito ay kabisadong kabisado ko na ang ugali ng mga tulad nila.
Hindi ko sineryoso ang kaniyang sinabi. "May I get your order, Ma'am? Marami pa po kasing nakapila." ani ko sabay pakita sa kaniya na marami nang nakapila dahil kanina pa siya nakatayo.
Muli niya akong tinaasan ng kilay. "Abat inuutusan mo ako? Ako ang magsasabi kung kailan ko gustong umorder." medyo tumaas ang tono ng kaniyang pananalita.
Muli kong ibinalik ang ngiti sa aking mukha. Tiis lang, Celestia. Sanay na akong makaenwentro ng ganitong mga klaseng tao.
"May I just get your order—" hindi na niya ako pinatapos ng muli siyang nagsalita.
"Didn't I just said na huwag mo akong utasan! You disgusting human!" kung kanina ay medyo tumaas ang kaniyang boses ngayon naman ay sumigaw na talaga siya. Mabilis na lumipat sa amin ang tingin ng mga tao.
Napapikit ako dahil sa lakas ng kaniyang sigaw. This is the first time I encountered someone who really loathe our kind. Wala siyang pakealam kung pinagtitinginan na kami.
Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. Ayaw kong magkaroon ng gulo dito sa bakery ni Tita Christine.
"Calm down, Ma'am. Please don't make a scene." itinaas ko ang dalawa kong palad sensyas na kumalma muna siya.
"Ha!" she looked at me unbelievably. "You think I care? Alam nilang lahat na hindi nababagay ang uri mo rito! You're ruining my day, you human! Asan ang manager niyo at mapagsabihan!"
Mariin ang hawak ko sa aking apron. Gusto kong sumagot pero pinipigilan ko lang ang aking sarili. Nangako ako kay Tita Christine na hindi na ako maghahanap pa ng gulo.
Mukhang hindi ko na kailangan pang tawagin si Tita Christine dahil kaagad naman rin silang lumabas galing kusina kasama si Lizette at Aya. Mukhang narinig nila ang malakas na sigaw niya.
"What's the matter here, Ma'am?" lumapit si Tita Christine sa amin. Nilingunan siya ng babae.
"Are you the manager?" tangong niya.
"I am the owner. May I know kung ano ang nangyayari? May problema ho ba?" magalang na tanong ni Tita Christine sa kaniya.
Humalukipkip ang babae at sinamaan ako ng tingin bago itinuro. "Why are you letting a human work here? Alam mo kung saan sila nababagay! You are the owner and yet you let a human work in your shop?!"
Nakita kong susugod na sana si Lizette ng marinig iyon pero piniglan siya ni Aya at inilingan senyales na huwag ituloy ang kaniyang binabalak. Ako rin ay gustuhing huwag na muna siyang gumalaw. Alam ko ang ugali ni Lizette. Ayaw na ayaw niya ang mga taong masasama ang ugali. Handang handa iyong maghanap ng away para lamang ipagtangol kung ano ang tama.
But she needs to control it sometimes. Kung maghahanap siya ng away ngayon ay siguradong mapapahamak ang negosyo ni Tita Christine.
Hindi nagbago ang expresyon ni Tita Christine. "We don't have social class in here. At lalong lalo na na hindi kami bumabase kung anong uri ang pwedeng magtrabaho rito. This is my bakery. Ako ang magdedesisyon kung sino ang tatanggapin ko o hindi. Wala akong pake kung taga labas man ng Casta Haema ang gustong magtrabaho sa bakery ko. As long as they have a good ang kind heart then we don't have a problem. We treat ourselves as family here. No offense pero mukha kulang ka ata non."
Napasinghap ang iilang mga customers na nakarinig sa kaniyang sinabi. Malaking ngiti ang lumabas sa bibig ni Lizette. Tumaas pa ang kaniyang ulo senyales na nagustuhan niya ang sagot ni Tita Christine.
The lady looked at her with disbelief. "You traitor of our kind! Magsama kayo! Tutal kasing babaw lang rin naman ng ugali mo ang mga katulad nila. Tse!" mabilis na nagmartsa ang babae papalabas ng bakery.
Kaagad na lumapit si Lizette sa akin. "Buti nga sa babaeng iyon. Kung ako iyon mas lalo kong ipapahiya!"
Lumapit na rin si Tita Christine sa akin. "I'm sorry, Celestia. You have to deal with people like them."
Umiling ako. "Sanay na ako, Tita. Ako nga dapat ang humingi ng pasensya kasi dahil sa akin mukhang mababawasan pa ang mga customers mo."
"No, wala akong pakealam kung mabawasan man ako ng customers. I don't tolerate attitude like those." aniya. Ngumiti nalang ako.
Sabay kaming napalingon kay Loren na takang naglalakad papalapit sa amin. "Anong meron? May nakita akong nagdadabog na lumabas na babae kanina."
Binatukan siya ni Lizette. "Dapat nandito ka kanina para sabay nating sabunutan ang babaitang iyon! Napakapangit ng ugali!"
After that, Tita Christine apologized to the customers for the inconvenience. Pati narin sa mga naghintay sa counter. Para wala nang karagdagan pang gulo ay pumasok na lang muna ako sa kusina at tumulong sa kanilang mag prepare ng mga ingredients.
Tita Christine kept comforting me. Na nangyari pa raw iyon sa mismong bakery niya. Ilang beses ko ring sinabi na okay lang dahil sanay naman rin ako. Pero ito ata ang first time na mukhang galit na galit ata talaga sa mga katulad ko at sa napunta pa sa puntong nag walk out siya.
I can't help but to think na kapag nagpatuloy tuloy ito ay pagdedesisyunan ko nang umalis nalang sa trabaho. Hindi dahil sa hindi ko na makayanan ang mga pambabatikos nila ay kungdi sa kadahilanang dahil sa akin ay mas kumukonti ang mga customers ni Tita Christine dahil sa mga kumakalat na sabi-sabi.
Nagliligpit na kami ng gamit ngayon dahil tapos na ang shift namin sa araw na ito. Maagang umalis si Loren dahil may problema raw sa bahay nila. Iyon ata ang dahilan kung bakit siya tinawagan ng mama niya kanina.
Lumapit si Lizette sa akin. "Wala akong gagawin ngayong gabi. Pwedeng pumasyal sa bahay niyo? Okay lang naman kung ayaw mo. Ang boring kasi sa bahay."
Panandalian akong nag-isip. Alam kong wala namang problema iyon kay Tita Viena.
"O sige." sang ayon ko. Napa 'yay' naman siya.
"Gusto mong sumama, Aya?" yaya ko.
"Oo nga. Movie marathon tayo dun! Mas masaya kung marami." sang ayon ni Lizette.
Umiling naman si Aya. "Pasensya na, hindi ako makakasama. Inaya kasi akong lumabas ni Josh."
Kumunot ang noo ko at tumingin kay Lizette. "Boyfie niya." bulong niya sa akin. Tumango tango nalang ako.
"Next time nalang. Sige na, aalis na ako at naghihintay na iyon sa akin." paalam niya kaya nagpaalam na rin kami sa kaniya.
Nagbuntong hininga si Lizette ng makalabas na si Aya. "Hays, nakaka-inggit. Gusto ko na ring magka-boyfriend."
Tinignan ko siya. "Hindi ka pa nagkaka-boyfriend?" tanong ko.
Isinandal niya ang nguso niya sa aking balikat. "Nagkaroon na pero lahat puro gago."
Napangiwi ako at hindi nalang sumagot. Nang natapos na naming linisin ang kusina ay nagpaalam na kaming umalis ni Lizette.
"Ikaw ba?" tanong niya nang nasa gilid na kami ng kalsada at nag-aabang ng taxi.
"Nang ano?" tanong ko.
"Nagka-boyfriend kana?" sagot niya.
Tumaas ang kilay ko bago unti unting tumango. "Oo"
Mukhang hindi niya ata inaasahan ang sagot ko. "Talaga?! Hindi halata!"
Hindi ko alam kong compliment ba iyon o hindi kaya tumawa nalang ako.
"Ilan?" bigla niyang tanong.
"Kailangan pa ba iyong malaman? At tsaka matagal na iyon." ani ko.
Hindi niya ako nilubayan. "I'm interested eh. Ilan nga?" kulit niya.
I let out a small sigh. "Dalawa."
Napa 'O' ang bibig niya. "Bakit kayo nag break. Gago rin ba?"
Napatawa ako sa sinabi niya. Umiling ako. "Hindi naman. It's just that it didn't really worked out."
Tumango tango siya. "Sa dalawang iyon. Wala ni isa ang nag work?"
"Yep." iyon ang sagot ko bago pumara nang may nakitang papalapit na taxi.
Kinulit ako ni Lizette tungkol sa love life ko habang nasa byahe kami. Mukhang mas interesado pa siya kesa sa akin eh. Kesyo na-iingit raw siya dahil hindi tulad ko ay hindi raw nagiging maganda ang break up ng mga naging kasintahan niya.
Yes, I've been into relationship. Noong nasa mundo pa ako ng mga tao. Isa noong junior high na tumagal lamang ng limang buwan. It's not that my first boyfriend cheated on me, naging honest lang siya at sinabi sa akin ang totoo na may nagustuhan siyang ibang babae bago nakipaghiwalay sa akin.
My second one lasted for two years. Senior high ako non. Wala namang naging problema at walang third party na involve. He's kind yes pero hindi talaga siya nag work. A few months pagkatapos niyang nag-aral sa ibang bansa ay napagdesisyunan na naming mag break nalang. Pareho kasi kaming busy sa school dahil top major iyon at alam ko namang busy talaga siya sa pag-aaral.
Pagkatapos non ay hindi na ako nagbalak pa na isipin ang love life ko. Simula nang nagkasakit si Mom at na diagnosed ng tumor. Ang tanging inisip ko nalang ay ang maghanap ng part time job para may pangtustos sa gastusin sa hospital. May pera naman si Mom pero hindi iyon naging sapat para bayaran ang lahat ng gastusin sa ospital.
Wala naman kaming relative kay naging mahirap talaga iyon sa aming dalawa. Buti nalang ay kilala ni Mom si Dr. Crawler kaya napakiusapan pa namin siya. Mabuti nalang at tinulungan niya kami kahit papaano.
Nang makarating ay kaagad na akong nagbayad sa taxi driver. Nakasunod lamang si Lizette sa akin. Huminto na ako sa paglalakad nang nasa harap na kami ng aming bahay kaya napahinto rin si Lizette.
"Let's go." yaya ko kay Lizette at naglakad na patungo sa pinto.
"Ang cool ng bahay niyo. Parang hunted house." Napangiwi ako sa sinabi niya.
Binuksan ko na pintuan at dumiretso muna sa sala. "Upo ka. Hahanapin ko muna si Tita Viena."
Tumango lamang siya at sumunod sa sinabi ko. Umupo siya at inilapag ang kaniyang bag sa gilid ng sofa bago inilibot ang tingin sa buong sala namin.
"Ganda ng bahay niyo. Ang antique tignan." aniya. Ngumiti lamang ako at nagpaalam nang hahanapin muna si Tita Viena.
Umakyat muna ako sa taas at nagbihis bago tumungo sa kwarto ni Tita Viena. Kumatok ako nang tatlong beses at nang sumagot siya ay pinihit ko ang doorknob at pumasok. Nakita ko siyang nakaupo sa kaniyang higaan at nagsusuklay ng buhok. Mukhang kakaligo niya lang.
"Ano iyon, Celestia?" tanong niya.
"Uhm, Tita, kasama ko po ang kaibigan ko. I hope you don't mind." paalam ko.
"Ano kaba. Kahit ilang kaibigan pa dalhin mo dito ay okay lang. Hindi mo na kailangang magpaalam. Bahay mo rin naman ito." aniya. "Pero teka, hindi pa pala ako nakakaluto. Baka gutumin kayo."
Sabay na kaming bumaba ng hagdan. Nakita kaagad ni Lizette si Tita Viena at kaagad na bumati. Bumati rin si Tita bago dumiretso sa kusina.
Siniko ako ni Lizette. "Hmm?"
"Ang ganda ng tita mo. Hindi halata na medyo may katandaan na." tumawa ako sa sinabi niya.
We spent half an hour in the living room talking about our lives. Nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Wala siyang ginawa kungdi ikwento sa aking ang mga naging love life niya.
"I told you! All of them are assholes!" gigil niya saad.
Lahat kasi ng mga naging kasintahan niya ay ipinagpalit siya. Not all but most of them are. Hindi ko mapigilang isipin na mukhang minalas ata siya sa paghahanap ng love life.
Napahinto kami sa pag-uusap ng tawagin ako ni Tita Viena galing sa kusina.
"Teka lang ha?" paalam ko kay Lizette at tumango lamang siya. Umalis na ako ng sala at pumanhik sa kusina kung saan si Tita Viena at nagluluto.
Lumapit ako sa kaniya. "Ano iyon, Tita?"
Kinuha niya ang kaniyang cellphone at ibinigay ito sa akin habang naghahalo parin ng kaniyang niluluto.
"Reply-an mo nga tong si Cirrus. Kanina pa text ng text. Naiistorbo ako." aniya.
Kumunot ang noo ko nilingunan ang cellphone ni Tita na nasa aking kamay at pumunta sa messages niya.
"Bakit raw?" tanong ko.
Huminga ng malalim si Tita. "Pupunta raw rito. Ewan ko sa batang iyon. Pumupunta lang ata rito para makikain."
Tumawa nalang ako at pinindot ang messages ni Cirrus. May tatlong messages doon at kinukulit niya si Tita na pupunta raw siya dito. Walang naging reply si Tita kaya ata nangungulit ang isang to.
Sinunod ko nalang si Tita at nagreply bago ibinalik sa kaniya ang cellphone. Hindi niya ito tinanggap.
"Mabuti pa, Celestia. Kunin mo nalang ang number niya para hindi ako kukulitin niya lagi. Wala namang kwenta ang pinagsasabi niya. Alam naman non na busy ako." aniya habang nakatuon parin ang tingin sa kaniyang niluluto.
Nagkibit balikat nalang ako at sinunod ang kaniyang sinabi. Inilagay ko nalang ang number ni Cirrus sa aking contact bago bumalik sa sala kung saan naghihintay si Lizette.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro