I. CHAPTER TWO
Karen POV.
"Ano ba 'yan! Kanina pa tayo dito naghihintay wala pa rin sila?!" nakangusong sabi ni Elfer.
Hindi pa kasi dumadating sila Avila, Bato, Joy at Dexter.
Nandito kami ngayon sa aming tambayan at ang van nila Josie ang gagamitin namin papunta sa lugar kung saan ang destinasyon namin mamaya.
"Babe, gusto mo tubig?"sabi ni Carlo habang may hawak na bottled water.
Tumango ako at kinuha ang tubig sa kanya.
"Okay ka lang ba talaga na sumama tayo sa outing na ito, babe?"
Napatingin ako kay Carlo nang sabihin niya iyon sa akin.
Ngumiti ako sa kanya bago sinagot ang kanyang katanungan.
"Bakit naman hindi ako magiging okay?" Sabi ko.
Bumuntong hininga si Carlo at inakbayan ako.
"Kasama natin ang mga ex natin, baka mailang ka. Alam ko namang hindi pa kayo okay ni Jenica," sabi nito sa akin.
Ngumiti ulit ako.
"Ano ka ba, okay lang talaga ako. At isa pa, kahit hindi kami okay ni Jenica at may pinagsamahan naman kami. Alam kong walang gagawin na masama si Jenica sa atin at magiging masaya tayo sa outing na ito," sabi ko at sumandal sa dibdib ni Carlo.
Jenica's POV.
"Finally! Nandito na talaga kayo, Bato at Avila. Saan ba kayo nanggaling ah?! Ang aga-aga niyo super," inis na sabi ni Elfer at inirapan sila.
Napakamot sa buhok si Avila at nag peace sign.
"Na flat kasi ang gulong sa motor ni Bato kaya na late kaming dalawa," sagot ni Avila.
"Sila Dexter nalang ang kulang," sabi ni Jaymerick na kanina pa tahimik.
"Hello, world!" sigaw nang bagong dating na si Dexter.
Naka full make up ito at nakapang summer dress talaga ang bakla. Habang si Joy naman ay nakasuot ng malaking sunglasses.
"Hindi nalang sana kayo dumating," inis kong sabi at tumayo.
Kanina pa kami 7 A.M naghihintay rito sa kanila dahil iyon ang napag-usapan ng barkada pero 'yung mga gaga, alas diez nalang hindi pa naka abot kaya late na kami ngayon.
"Umalis na tayo!" Sabi ko.
Tumayo na ang lahat at kinuha ang kanilang mga gamit.
"Yeees!"
"Here we go!"
Third Person POV.
[FASTFORWARD]
"Sandali nga! Sigurado ba talaga kayo na ito ang daan? Kanina pa tayo pa lakad lakad, eh," inis na sabi ni Jenica habang nagkakamot sa kanyang balikat.
"Hoy! Ano na, Avila? Ikaw ang may hawak sa mapa ngayon kaya h'wag mo kaming pag tripan!" sabi ni Elfer.
"Sandali nga! Nalilito ako sa mapa, eh." Nagkakamot sa ulong sabi ni Avila habang nakatitig sa mapa papunta sa Isla na destinasyon nila.
"Ano?!" sabay na sabi ng mga babae.
Lumapit naman si Josie sa dalawa. " Sandali nga, patingin nga ako sa mapa," at kinuha ang mapa.
Lumapit na rin si Jem at si Carlo.
Naningkit naman ang mga mata ni Josie habang sinusuri ang mapa.
"Tama naman ang nilalakad natin, ah? Bakit parang hindi naman ata?" Nakakunot ang noong sabi ni Josie.
"Patingin nga," sabi ni Jem at kinuha ang mapa.
Kumunot ang noo niya.
"Omg! Guys, may naririnig akong alon ng dagat! Baka ito na ang hinahanap natin!" Sigaw ni Dexter at tumakbo na.
"Wait for me, Dex!" Sigaw ni Joy at sumunod kay Dexter.
"Na fe-feel ko na rin na malapit na tayo," nakangiting sabi ni Karen at sumunod kina Dexter.
Sumabay na rin si Carlo sa kasintahan.
Napabuntong hininga si Jenica at nagsimula na rin na maglakad at sumunod sa mga kaibigan.
"Hoy, halina kayo," sabi ni Elfer at naglakad na rin.
Sumunod ang iba sa kanila.
"Naasan na 'yung Silencio chuchu?! Bakit parang simpleng dagat lang ito?!" inis na sabi ni Jenica habang nakatingin sa paligid.
Napaupo sa buhangin sila Elena sa pagod.
"Mukhang naligaw talaga tayo, guys," sabi ni Bato habang nagkakamot ng ulo.
"Saan mo kasi nakuha ang mapang iyan! Legit source ba talaga 'yan, o baka naman joke langm
?!" Inis na sabi ni Joy habang nagpapaypay sa kanyang sarili
"Edi sa lamesa! Hindi ko naman akalain na hindi pala talaga 'yan ang mapa papunta sa isla," sabi ni Bato.
Napabuntong hininga naman si Josie at napatingin sa oras sa kanyang relo.
"Guys, alas dos na ng hapon," sabi nito sa mga kaibigan.
"Omg! Kailangan na nating makauwi. Hindi ko keri na mag overnight dito o mag swimming," arteng sabi ni Elfer.
Napabuntong hininga si Elena at hinubad ang kanyang suot na eyeglasses.
"Sabi na nga ba, hindi magiging maganda itong outing natin eh," mahina nitong sabi at muling napa buntong hininga.
"Wow, advance mag isip te?" pabirong sabi ni Dexter.
"Magpahinga nalang muna tayo rito, Guys. Then, uuwi na tayo," sabi ni Karen.
"Ang tanong, kung makakauwi pa ba tayo," nakataas ang kilay na sabi ni Jenica.
Napatingin ang lahat sa kanya.
"Bakit mo nasabi yan?"tanong ni Karen.
Napataas nang kilay si Jenica.
"May nakita ka bang daan palabas?" Sabi nito.
Napatingin ang lahat sa paligid.
"Oh my gosh! It can't be! Nasaan na ang daan?! Dapat nilagyan niyo nang palatandaan ang nilakad natin, eh!" Maiyak-iyak na sabi ni Elfer at tumayo.
"H-hoy, Dexter! Saan kaba dumaan kanina? Ikaw yung sinundan namin, eh" sabi ni Avila.
Napakagat sa kuko niya si Dexter habang hindi na mapakali.
"S-shit. I dont know..."
"Omg, beshy! Ba't 'di mo alam?!" naiiyak na sabi ni Joy at mahinang napaupo sa buhangin.
Napabuntong hininga si Carlo na kanina pa tahimik.
"Guys, please don't panic. Makakaalis din tayo sa lugar na ito," mahinahon niyang sabi.
Napatayo naman si Jenica habang nakatingin nang masama kay Carlo.
"Don't panic?! Carlo, nag iisip ka ba?! How?! Paano tayo makakalabas dito, aber?! Bakit parang wala lang sa'yo na naligaw tayo at hindi na makauwi. Ah! I know, para magka sexy time kayo ng girlfriend mong haliparot?! Ganun ba Carlo!"
Lumapit si Jaymerick kay Jenica at pinigilan ito.
Napatayo silang lahat.
Tumayo na rin si Karen habang nakatingin nang masama kay Jenica.
"Sumusobra ka naman ata Jenica! Wala kaming ginagawang masama dito ni Carlo. Gusto lang ni Carlo na pakalmahin ang mga kasama natin para makapag isip sila ng mabuti at kung paano tayo makakalabas dito. Ganyan ka naba talaga kakitid mag isip, Jenica?! O hindi mo lang talaga matanggap na ako na ang mahal ni Carlo at hindi ikaw?" Sabi ni Karen.
"How dare you!" Galit na sigaw ni Jenica at aakmang susugurin na ito nang mahawakan siya ni Jem upang pigilan.
"Ano ba! Tama na!" Sigaw ni Carlo.
Napatahimik silang dalawa at natigil na rin.
"Hindi ba kayo nahihiya, ah?! Be mature this time! We have a problem that we need to solve, okay?! Please lang," sabi ni Carlo at nagwalk out.
Sinundan siya ni Karen.
Napaiwas ng tingin si Jenica at madaling pinunasan ang luhang pumatak sa kanyang mga mata.
"Hey, are you okay?" tanong ni Jem.
Tinignan niya ito nang masama.
"Obvious namang hindi diba?"sabi nito at naglakad palayo.
Napabuntong hininga si Josie at tinignan ang mga kasamahan.
"Guys, we need to do something incase hindi tayo makakalabas ngayong araw. Mag gagabi na rin kaya we need to make fire and prepare our needs," sabi ni Josie.
Napatango ang lahat at sumang-ayon sa sinabi ni Josie.
"Tama si Josie, kailangan na natin mag handa nang mapapahingahan," sabi ni Joy.
"Maghahanap na rin kami ng kahoy ni Bato at Avila. Kayo na ang bahala dito at sa mga kakailanganin natin," sabi ni Jem.
Tumango si Josie.
"Kailangan na nating maghanda."
TO BE CONTINUED..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro