I. CHAPTER THREE
CHAPTER 3: FIRST TARGET
THIRD PERSON POV.
"Guys, ayoko na talaga dito. Gusto ko na talagang umuwi," mahinang sabi ni Joy habang umiiyak.
Alas kwatro na nang hapon at malapit nang magdilim.
Napabuntong hininga si Jem at tumayo.
"Oh? Saan ka pupunta?"tanong ni Josie.
"Maghahanap nang daan pauwi."
"Wait.."
Napatigil si Jem at napatingin kay Jenica nang magsalita ito.
"Sasama ako sa iyo," seryosong sabi ni Jenica.
Tumango si Jem at tumalikod na. Sumunod na rin si Jenica sa kanya.
"Bakit kasi tayo napunta dito?" mahinang sabi ni Dexter.
Tinignan ng masama ni Elfer si Josie.
"Si Josie kasi, eh! Kung hindi dahil sa kanya, wala tayo dito!"
Napatingin si Josie kay Elfer.
"Sandali nga, hindi ko naman kayo pinilit, diba? At isa pa, hindi ko naman akalain na ganito ang mangyayari sa atin eh. Hindi ako tanga para iligaw ang sarili ko pati ang mga kaibigan ko sa lugar na ganito, Elfer!" Sagot ni Josie.
Napatahimik si Elfer at napaiwas ng tingin.
"Tama na nga iyan, hindi rin naman makakatulong ang pakikipag away natin dito."sabi ni Dexter at tumayo.
"Oh, saan din kayo pupunta?"tanong Elena.
"Iihi muna ako, kanina pa masakit pantog ko. Samahan mo muna ako Joy."
Tumayo si Joy at sumunod kay Dexter.
Tumayo din si Carlo at humarap sa dalawang lalaki na natitira.
"Avila at Bato tulungan niyo ako sa paggawa ng apoy."
Tumango naman ang dalawa at sumunod kay Carlo.
Habang ang mga natitirang mga babae ay nagtutulungan sa pagpapatayo ng tent nila. Nawalan na kasi sila ng pag asa na makakalabas sila ngayong araw.
JOY POV.
"Dexter, gusto ko na talagang umuwi."mahina kong sabi habang sumusunod kay Dexter.
Hindi ko kasi talaga keri na mag stay whole night sa lugar na ito.
Feeling ko kasi may mangyayari na masama. Pero feeling ko lang naman yun, pero ayoko pa din sa lugar na ito.
"Ano kaba besh, don't worry makakauwi rin tayo."sabi nito.
"Dito kalang, ah? Iihi muna ako dun sa likod ng puno, gosh!" sabi ni Dexter at pumunta sa may puno.
Napabuntong hininga naman ako at napaupo sa malaking bato na malapit sa akin.
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa.
"Omg! walang signal?"
Tumayo ako at tinaas ang cellphone ko at naghanap ng signal.
"Ay!"
Muntik akong matapilok nang may matapakan akong bagay.
Napatingin ako dito at napakunot ang noo ko nang may makita akong kakaiba.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa aking nakita.
"AHHHHHH!"
JENICA POV.
"Kanina pa tayo palakad lakad Jem wala pa rin?"inis kong sabi habang nakasunod sa kanya.
Napatigil siya at humarap sa akin.
Sa gulat ko naman ay napaatras ako.
"Bakit, alam ko ba ang daan?"maikli nitong sabi at nag simula na ulit mag lakad.
Napairap ako at hindi na nakipag away sa kanya.
Tahimik naman kaming dalawa habang naghahanap ng daan palabas pero kahit anong hanap namin wala kaming mahanap. Kaya naglakad nalang kami pabalik.
"Mahal mo pa ba si Carlo?"
Napatigil ako at napatingin kay Jem nang tanungin niya ito sa akin.
Tumigil din siya sa paglalakad at napatingin sa akin.
"Bakit mo natanong?"
Umiling siya at umiwas ng tingin.
Bumuntong hininga ako bago sinagot ang tanong niya.
"Oo, mahal ko pa rin siya."
Napatango tango siya at ngumiti sa akin.
"Ganun ba.."
Napataas ang isa kong kilay.
"Ikaw ba, mahal mo pa rin ba si Karen?" Tanong ko sa kanya.
Natigilan naman siya sa tanong ko.
"Sa totoo lang-"
"AHHHHH!"
Hindi natuloy ni Jem ang sasabihin nang makarinig kami ng sigaw.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto kong kaninong boses iyon.
"S-si... si Joy!"
"Shit!"
Nagmadali kaming tumakbo at hinanap kung saan nanggalig ang boses na iyun.
"Joy!"
Nakita namin si Joy na yakap yakap ni Dexter ngayon habang umiiyak.
"A-anong nangyayari dito?" hinihingal na sabi ni Josie.
Nagsidatingan na rin ang iba naming kasama.
Nanginginig ang kamay ni Joy. Tumingin siya sa amin at may tinuro sa bandag likuran ko.
Napatingin naman kami sa tinuro niya.
"Fuck!"
"Holy sh*t!"
"Omg!"
Napatakip ako sa bibig ko at napahawak kay Jem.
"W-wait... totoo ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bato.
Lumapit naman si Carlo habang seryoso pa rin ang mukha.
"Bakit may kalansay ng tao dito?"tanong ni Elfer.
Oo, tama kayo ng basa. Kalansay nga ng tao ang nakita namin.
"It cant be! So, m-may mga nakapunta na pala sa lugar na ito?" Tanong ni Elfer habang nanginginig.
"Baka naligaw din sila kagaya natin at hindi na sila nakalabas dito kaya namatay o 'di kaya ay may pumatay sa kanila," seryosong sabi ni Elena habang nakatingin sa kalansay.
"A-ayoko na! Gusto ko nang umuwi!" Parang batang sabi ni Joy at umiyak nang umiyak. Pinapatahan naman siya ni Dexter.
Napabuntong hininga sila Bato at Avila na parang sumusuko na rin.
Napatingin ako sa mga kasamahan ko.
"Kasalanan mo lahat ng ito Josie, eh!" Sigaw ni Elfer at umiyak.
Napatingin ako kay Josie.
"Sandali nga, bakit ako ang may kasalanan? Hindi ko naman akalain na mangyayari ito eh!" Sigaw ni Josie.
"Kung sino man ang may kasalanan nito ay si Jenica na iyon."
Napatingin ako kay Karen nang sabihin niya yun.
Ano na namang pinagsasabi ng babaeng ito.
"Ano ba, Karen! Itigil mo na nga iyan!" sabi ni Jem.
Bahagya lumapit sa akin si Karen.
"Diba ikaw ang nag lagay ng mapa sa lamesa, Jenica?" Sabi niya habang nakatingin sa akin.
Napatingin ang lahat sa akin.
"Totoo ba Jenica?"tanong ni Carlo.
Bigla bumilis ang tibok ng puso ko.
"Yes, pero-"
"How dare you!"sigaw ni Elfer at sinampal ako.
Inawat siya nila Avila.
Napahawak ako sa pisngi ko sa gulat.
"WHY DID YOU DO THAT?!"galit kong sigaw habang nakatingin ng masama kay Elfer.
"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Anong plano mo, Jenica? Gusto mo kaming patayin?! Ano! Putangina ka!" Sigaw ni Elfer.
"Ano ba! Tama na nga yan!" Awat ni Jem.
"Bitawan niyo ako!"sigaw ni Elfer at kumalas sa pagkakahawak nila Avila at biglang umalis.
"Elfer, bumalik ka dito! Delikado!" sabi ni Josie pero hindi nakinig si Elfer.
"Tama na iyan, please lang. H'wag na tayong mag away pa. Mag isip nalang tayo nang paraan paano tayo makakauwi at makakalabas dito," sabi ni Elena at naglakad na pabalik sa may Tent namin.
Sumunod ang mga kasamahan ko pati sila Dexter at Joy.
Tinignan ko naman nang masama si Karen.
"Halika na."sabi ni Jem sa akin at inalalayan ako.
ELFER POV.
So, si Jenica pala may kasalanan ng lahat?! She planned everything?! For what? To kill us?!
I thought she's our friend?!
Ayoko na! Gusto ko nang umuwi.
Sana hindi nalang ako sumama sa kanila.
Napatigil naman ako sa paglalakad ko nang may maramdaman akong may nagmamasid sa akin.
Bigla nanlamig ang mga aking mga kamay nang makaramdam ako ng takot at kaba.
I can feel it.
Napapunas ako sa aking luha na iniyak ko kanina lang.
"S-sino yan?" Mahina kong sabi.
Napalingon ako sa likuran ko pero wala akong nakita.
Nataranta ako nang hindi ko na malaman ang daan pabalik.
"HELP! HELP!" sigaw ko habang umiiyak.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang may tumusok sa may tyan ko.
Napatingin ako rito at laking gulang ko nang makita kong dumudugo na ang aking tiyan at naramdaman ang isang kutsilyo na nakasaksak sa aking limuran ngayon.
"AHH!" napadaing ako nang bigla niyang hilain ang buhok ko at dinala sa may mga bakawakan.
Inihagis niya ako roon habang nanghihina at nasasakta .
Nanlalabo na ang aking paningin. Hindi ko makita kung sino ang may gawa sa akin nito ngayon.
Lumapit ito sa akin at kinuha ang kutsilyo na nakatusok sa aking tyan at sunod sunod na tinusok tusok ulit ang aking tiyan hanggang sa makaramdam ako nang pamamanhid.
"Paalam, Elfer. Ang ingay mo kasi, kaya ang dapat sa'yo ay mawala na."
Huling narinig ko bago ako mawalan ng malay.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro