I. CHAPTER TEN
CHAPTER 10 - LAST KILL
THIRD PERSON POV.
Naiwan sa tinutuluyan ng magkakaibigan sila Josie, Joy at Dexter.
Tahimik lang silang tatlo simula nung umalis ang mga kaibigan nilang si Karen, Carlo, Jenica at Jaymerick.
"So paano na tayo ngayon? Tatlo nalang tayo at iniwan na nila tayo."naiiyak na sabi ni Joy habang nakatingin sa kawalan.
"Babalik sila Jenica don't wo-"
Hindi natuloy ni Josie ang sinabi niya.
"Don't worry, Josie?! Wala tayong assurance na babalikan nila tayo! Paano kung niloko lang pala nila tayo para lang makaalis dito?!"galit na sabi ni Dexter.
"Dexter is right, Josie. Paano kung hindi na nila tayo babalikan?"malungkot na sabi ni Joy.
Tinignan ni Josie ang dalawang kaibigan.
"I trust them and they will come back and save us from here."
Tahimik na nakasunod si Jaymerick ngayon kay Jenica na nauna na maglakad. Hindi niya parin alam kung ano nga ba ang tumatakbo sa utak ngayon ni Jenica. Pero alam niya na may plano ito para makaalis sila dito sa lugar na ito.
"Saan kaya ngayon si Karen?"tanong ni Jaymerick.
Napatigil si Jenica at napatingin kay Jem.
"Malamang umalis na. Alam mo naman ang babaeng yun napakaselfish."maasim na sabi ni Jenica at nagsimula na ulit maglakad.
Mahinang natawa si Jaymerick kaya napatingin ulit sa kanya si Jenica.
"At bakit ka tumatawa ah? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"nakataas ang kilay na tanong ni Jenica.
Ngumisi si Jaymerick at umiling.
"Wala. Mahal mo pa rin talaga si Carlo ano?"mahinang sabi ni Jaymerick.
Napaiwas ng tingin si Jenica at nagsimula ulit mag lakad.
"Hindi ko na siya mahal."malamig na sabi ni Jenica.
Napataas ang kilay ni Jaymerick.
Napalunok sa laway si Jenica at muling nagsalita.
"Tanggap ko na, na hindi na talaga kami magkakabalikan ni Carlo. At isa may mahal na akong-ah nevermind."nauutal na sabi ni Jenica at naglakad na ulit.
Napailing si Jem at napangisi.
Poproteksyunan kita kahit anong mangyari, Jenica. Hindi ko hahayaang masaktan ka ng iba. Maliligtas tayo dito sa impyernong ito. Sabi ni Jaymerick sa kanyang isipan.
"Dexter, ano ba!"inis na sabi ni Joy habang hila hila parin siya ni Dexter.
"Joy sandali lang 'to."
"Bitawan mo nga ako, Dex! Ano ba ang problema ah? Bumalik na tayo dun delikado at baka anong mangyari kay Josie."
Napatigil sa paglalakad si Dexter at hinarap ang kaibigan.
Hinawakan ni Dexter ang magkabilang balikat ni Joy.
"Makinig ka sakin, Besh. Totoo ang hinala ko kung sino ang killer."
Kumunot naman ang noo ni Joy.
"Anong pinagsasabi mo jan ah?"
"Umalis na tayo dito, Joy! Magpakalayo layo tayo at humanap ng daan paalis sa lugar na ito!"natatakot na sabi ni Dexter.
"Okay, fine. Pero kailangan nating isama si Josie-"
"No!"
Naguluhan naman si Joy sa reaction ng kaibigan.
"Anong problema, Dexter?"
Nakita niya ang pag tulo sa luha ni Dexter.
"Joy..hindi ako pwedeng magkamali! Si..si Josie.."
"Anong si Josie, Dex? Diretsuhin mo na nga!"naguguluhan na sabi ni Joy.
"Oo nga, Dexter. Ano bang meron sa akin?"
Natigilan ang dalawa ng makita si Josie sa hindi kalayuan na nakangisi sa kanilang dalawa.
Nanginig sa takot Dexter at hinawakan ang kaibigan na si Joy.
Napatingin si Joy sa dala dala ngayon ni Josie.
May hawak ito sa isang kamay na kutsilyo na maraming dugo at sa kabila ay isang punit na damit at alam na alam niya kung kaninong damit ito galing.
"O my ghad..C-carlo.."hindi makapaniwalang sabi ni Joy.
Hinay hinay na lumapit sa kanila si Josie na nakangisi parin.
"T-totoo ba Josie?! T-totoo bang ikaw ang pumatay sa mga kaibigan natin?!"sigaw ni Joy pero kita parin sa mukha niya ang takot.
"Oh! Saan naman galing ang impormasyon na yan, Joy? Kay Dexter ba?" Sabi nito at napatingin kay Dexter na nanlalamig sa takot.
"Bakit mo ginawa sa amin 'to, Josie! Napakawalang hiya mo!"sigaw ni Joy.
"Manahimik ka!"
Tumakbo si Josie papalapit kay Joy at sinaksak ito sa may tyan.
Nanlaki ang mga mata ni Dexter at napalayo.
Napaubo ng dugo si Joy habang nanlalaki ang mga mata na parang hindi makapaniwala sa ginawa ni Josie.
"Ang ingay ingay mo, babae ka! at naiirita ako sayo! Ano kayang magandang pwedeng gawin ko sayo ah?"
"J-josie..stop this please.."
"Oh shut up, bitch."
Hinawakan naman ni Josie ang panga ni Joy at sapilitan itong pinanganga.
Nanlaki ang mga mata ni Dexter habang nakatingin sa sunod na ginawa ni Josie kay Joy.
"AHHHH!"
Pinutulan niya ito ng dila.
"Jenica gumagabi na."sabi ni Jaymerick at napatingin sa paligid.
Napatigil sa paglalakad si Jenica at napaupo sa malaking bato malapit sa kanya.
"Kumusta na kaya sila Joy dun?"nag aalalang tanong ni Jenica.
"Huwag kang mag alala nandun naman si Josie eh."nakangiting sabi ni Jaymerick.
Napatango siya at nag inat.
"Gutom kana ba?"tanong ni Jem sa kanya.
Tumango si Jenica at bahagyang hinawakan ang tyan at ngumiti.
"Kanina pa hehe."
Napatawa si Jaymerick at ginulo ang buhok ni Jenica.
"Damn, you're so cute."
Napaiwas naman ng tingin si Jenica.
"T-tumigil ka nga! Hanapan mo nalang ako ng pagkain nagugutom ako."
Narinig niya ang mahinang tawa nito.
"Okay po. Dito kalang ah? Wag kang aalis mabilis lang ako."seryosong sabi ni Jaymerick.
Tumango si Jenica at ngumiti.
Umalis si Jaymerick at nag hanap na ng pagkain.
Napatingin si Jenica sa paligid. Ganun parin. Nandito parin sila sa lugar kung saan hindi nila alam kung saan ang palabas.
Nasaan na kaya si Karen at Carlo? Nakalabas na kaya sila? Tanong ni Jenica sa kanyang sarili.
Natigilan si Jenica ng may marinig na sigaw sa hindi kalayuan.
"Help! Help!"
Napatayo naman siya at tumakbo papunta sa narinig niyang sumisigaw.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang kaibigan na puno ng dugo habag umiiyak. Nakita naman siya nito at tumakbo palapit sa kanya.
"J-jenica!"
"J-josie! Anong nangyari sayo?!"lumapit naman si Jenica sa kaibigan.
Niyakap siya ng mahigpit ni Josie.
"W-wala na sila..w-wala na sila Jenica.."
Natigilan si Jenica sa sinabi ng kaibigan.
"W-what do you mean?"
Nagpunas ng luha si Josie at huminga ng malalim.
"N-nasa may pahingahan kami kanina tapos..may isang taong nakajacket na hindi kita ang mukha na lumapit sa amin tapos..tapos bigla niyang sinaksak si Joy tapos..tapos sunod si Dexter..a-ako sana yung susunod kaso nakatakbo ako pero..pero hinahanap niya ako! Hinahanap niya tayo Jenica!" Takot na sabi nito at umiyak ng umiyak.
Napatingin sa paligid si Jenica.
Napatingin si Jenica ng hawakan siya ni Josie sa kamay.
"Umalis na tayo dito, Jenica."sabi ni Josie at hinila siya.
Napatigil siya at napatingin kung saan dumaan si Jaymerick.
"P-pero si Jem.."
"Wala na tayong panahon Jenica! Umalis na tayo dito!"sabi ni Josie at hinila na si Jenica.
Napapikit siya at muling tinignan sa huling pagkakataon kung saan dumaan si Jaymerick kanina.
TO BE CONTINUED..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro