Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I. CHAPTER NINE


Third Person POV.

"Ayoko na! Aalis na ako dito!"sigaw ni Karen at tumayo sa kinauupuan.

Napatingin ang mga kaibigan niya sa kanya.

"Karen.."sabi ni Josie.

"Kung palagi nalang tayong nakatunga nga dito mauubos tayong lahat! Kaya aalis na ako."

"Karen huminahon ka nga."sabi ni Carlo na mukhang naiinis na.

"Karen kailangan nating magkaisa."seryosong sabi ni Dexter.

Napatawa si Karen at isa isang tinitignan ang mga kasamahan.

"Magkaisa? Eh unti unti na ng tayong nauubos eh! Nag papatawa ba kayo?!"

"Kung gusto mong umalis Karen umalis ka."malamig na sabi ni Jenica habang nakatingin sa kanya.

Napabaling ang tingin ng lahat kay Jenica.

"Jenica.."mahinang sabi ni Jaymerick at hinawakan ang balikat ni Jenica.

Napangisi naman si Karen.

"Bakit Jenica, dahil ako ang susunod mong papatayin kaya mo ako pinapaalis?!"

"Kung gusto mong umalis Karen edi umalis ka! Hindi yung marami ka pang sinasabi jan! Wala akong pakialam sayo at hinding hindi ko kayang pumatay ng tao kahit pa sa taong kinamumuhian ko."madiing sabi ni Jenica.

Nanginig sa galit si Karen at napatingin sa kasintahan na nakatingin din sa kanya.

"Umalis na tayo dito Carlo! Hahanap tayo ng daan pauwi."sabi ni Karen at naglakad na paalis.

Napatayo naman sila Josie.

"Karen, ano ba!"

Napatingin si Karen sa mga kasamahan.

"Hindi ko na kayang makasama kayo kaya kung gusto niyo pang mabuhay maghanap din kayo ng daan pauwi. Carlo halika na!"

Napapikit si Carlo at bumuntong hininga.

Tumayo siya at tinignan ang mga kasamahan.

"Patawad pero kailangan kong samahan si Karen. Sana mag ingat kayo at makahanap din ng daan pauwi."sabi ni Carlo at sinundan ang kasintahan.

Nanghihina namang napaupo sila Dexter.

Tumulo ang luha ni Joy at napatingin sa mga natitirang kasamahan.

"Hindi naman kayo mang-iiwan diba?"

Napatingin sila lahat kay Joy.

Umiwas ng tingin si Jenica. Plano niya kasing umalis din at maghanap ng daan paalis pero babalikan niya ang mga kaibigan niya no matter what.

"Jenica, hindi ka naman aalis diba?"mahinang sabi ni Joy.

Napatingin si Jenica sa kaibigan.

Nakita niya itong nagmamakaawa.

Tumulo ang luha ni Jenica at nagmadali niya itong pinunasan.

"I'm sorry.."

"Jenica!"inis na sabi ni Jaymerick sa tabi niya.

"Kailangan ko din umalis at maghanap ng daan pauwi. H-huwag kayong mag alala babalik ako-"

"No! Hindi ka aalis Jenica! P-paano nalang kung may mangyaring masama sayo ah?!"inis na sabi ni Josie habang naluluha na din.

"Don't worry sasamahan ko si Jenica."

Napatingin ang lahat kay Jaymerick na seryosong nakatingin ngayon kay Jenica.

"N-no dito ka lang-"

"Hindi ako papayag na aalis kang mag isa Jenica! Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo."

Bumuntong hininga naman si Jenica at napatingin sa mga natitirang kaibigan na nandito.

Joy, Josie at Dexter.

Ngumiti siya sa tatlo.

"Babalik ako agad. Gagawin namin ang lahat mahanap lang ang daan pabalik."seryosong sabi ni Jenica at nilapitan ang tatlo at niyakap sila isa isa.

"Mag iingat ka girl."mahinang sabi ni Dexter na umiiyak ngayon.

Tumango si Jenica at ngumiti.

"Mag iingat din kayo dito."

Tumango ang tatlo.

Tumingin naman si Jenica kay Jaymerick.

"Umalis na tayo."sabi nito at naglakad na paalis.

Tumango si Jaymerick at sumunod sa akin.

"Karen, sandali nga mag usap tayo!"sabi ni Carlo at hinawakan ang kamay ni Karen.

"Ano ba Carlo! Mag hanap na tayo ng daan palabas dito sa impyernong ito!"

"Hindi ka ba nakokonsensya sa ginawa natin?! Iniwan natin sila dun! Dapat sabay tayong lahat mag hanap ng daan palabas dito!"

"Nag iisip kaba Carlo?! Nasa kasamahan lang natin ang killer! Hindi ako naniniwalang wala sa kanila ang pumatay sa mga kaibigan natin."

Napapikit naman si Carlo na halatang hindi na alam ang gagawin.

"Please, Carlo. Kahit ngayon lang trust me. Tayo nalang dalawa ang magtutulungan ngayon. Babe, I love you."sabi ni Karen at hinaplos ang pisngi ng kasintahan na si Carlo.

Tumango si Carlo at hinalikan ang kasintahan.

"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo, Karen. Makakaalis din tayo sa impyernong ito."

TO BE CONTINUED..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro