Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I. CHAPTER FIVE

CHAPTER 5 : SECOND KILL.

JOSIE POV.

"Nasaan si Jenica? 'Bat hindi ko siya nakita."tanong ko sa mga kasamahan ko.

Napatingin sa akin si Jaymerick.

"Hinanap niya si Elfer."

"A-ano?! Paano nalang kung may mangyaring masama kay Jenica."alala kong sabi.

"Wala namang mangyayaring masama dun. Siya nga ang may kasalanan kung bakit tayo nandito ngayon eh."sabi ni Karen.

"Itigil mo na nga yan, Karen."inis na sabi ni Carlo.

Hindi na nagsalita si Karen at napabuntong hininga nalang.

"ELFEEER!" Napatayo kaming lahat ng marinig namin ang boses ni Jenica.

"Jenica!"sigaw ni Jem at tumakbo papunta sa pinanggalingan ng sigaw.

Sumunod naman kaming lahat kay Jem.

Napatigil kami lahat ng makita namin si Jenica na yakap yakap si Elfer na duguan at wala ng buhay.

"ELFEEER!"sigaw ni Karen at lumapit dito.

Lumapit kami.

Tumulo bigla ang luha ko.

No..

Patay na si Elfer..

Patay na ang isa sa mga kaibigan ko.

THIRD PERSON POV.

"Elfer gumising ka! Elfer!"sigaw ni Karen habang ni yuyugyog ang walang buhay na si Elfer.

Habang ang iba naman nilang mga kaibigan ay tulala.

Tahimik na umiiyak sa gilid sila Elena at Josie.

Tumayo si Karen at hinarap si Jenica.

"Anong ginawa mo kay Elfer!"galit na sigaw ni Karen habang umiiyak.

Hinawakan siya sa braso ni Carlo.

Habang si Jenica ay yakap yakap ni Jaymerick habang umiiyak.

Umiling iling si Jenica.

"W-wala akong alam..m-maniwala kayo..hindi ko magagawang patayin ang kaibigan ko."

"Sinungaling ka!"

Aakmang susulungin na sana ni Karen si Jenica ng pigilan siya ni Carlo.

"Ano ba Karen..please stop it."sabi ni Carlo habang nakatingin kay Karen.

Umiling iling si Karen at umiyak ng umiyak. Niyakap naman siya ni Carlo upang patahanin.

"Wala na si Elfer.."mahinang sabi ni Joy habang lumuluhang nakatingin sa walang buhay na si Elfer.

Napabuntong hininga ang iba nilang kasamahan.

(Fast forward..)

"Kailangan nating mag ingat.."basag ni Elena sa katahimikan.

Nakabalik na sila kung saan sila nag stay. Nilibing na din nila ang kaawa awang bangkay ng kanilang kaibigan na si Elfer at dinasalan.

Naging nahimik ang lahat.

Walang ni isang nagsalita.

"Sino ba kasi ang pumatay kay Elfer.."sabi ni Dexter habang isa isang tinignan ang mga kasamahan.

"Sino pa ba? Edi si Jenica."sabi ni Karen.

Napatingin ng masama si Jenica at tumayo.

"Ano ba Karen! Pwede ba?! Itigil mo na nga iyan."

Tumayo si Karen at tinaasan ng kilay si Jenica.

"Bakit?! Galit ka?! Dahil ikaw ang killer! Ikaw ang pumatay kay Elfer!"

Sinampal ng malakas ni Jenica si Karen.

Napaiyak naman si Jenica sa Lungkot at galit.

"Tangina Karen! Ano ba! Pwede ba na kahit ngayon lang mag tulungan tayo. Kilala mo ako alam mo yun! Alam mong hindi ko magagawang patayin ang kaibigan ko. Hindi ko kayang mawala ang isa sa importante sa buhay ko. Anong akala mo sa akin Karen, mababaw ang pag iisip?! Sige nga.. Sabihin mo kung bakit sa tingin mo ako ang pumatay kay Elfer?! Karen, kahit ngayon lang."mahabang sabi ni Jenica at nag walk out.

JENICA POV.

"Jenica! Wait.."

Napatigil ako sa paglalakad ko ng hawakan ni Jem ang kamay ko.

Napaharap ako sa kanya habang umiiyak parin.

Bumuntong hininga siya at pinunasan ang luha ko gamit ang kamay niya.

"Huwag mo ng pansinin ang sinabi ni Karen. Naniniwala akong hindi mo kasalanan ang lahat."

Napahikbi naman ako.

Niyakap ako ni Jaymerick.

"S-salamat.."mahinang sabi ko habang yakap yakap niya.

"Para saan?"tanong niya.

"Sa pagtitiwala sa akin.."sabi ko at pumikit at dinama ang yakap ni Jaymerick.

THIRD PERSON POV.

"Mag lakad lakad lang muna ako sa tabing dagat."sabi ni Elena at tumayo.

"Gusto mo samahan na kita Elena?"tanong ni Joy.

Ngumiti si Elena at umiling.

"Wag na..ako nalang. Gusto ko din mapag isa eh. Babalik agad ako kaya wag kayong mag alala."

Napatango ang mga kaibigan niya.

Naglakad si Elena papunta sa may dagat.

Napapikit siya at dinama ang lamig ng hangin na galing sa dagat.

"Kailan kaya kami makakauwi?"mahinang sabi ni Elena habang nakatingin sa kawalan.

Bumuntong hininga siya at pumunta sa may tubig upang mag hugas ng kamay at paa.

Habang hinuhugasan ni Elena ang kamay at paa niya ay nakaramdam siya ng presensya sa likuran.

Bago ito makalingon at hinila na agad ng tao sa likod ang buhok ni elena at dinala sa ilalim ng tubig.

Hindi makahinga si Elena sa ilalim ng tubig.

Nanlaban siya pero wala siyang magawa kasi mas malakas sa kanya ang taong nag lunod sa kanya.

Napatigil sa panlalaban si Elena ng wala na siyang malanghap na hangin.

Napapikit ito at nawalan ng malay.

Binitawan siya ng taong naglunod sa kanya at hinayaan na magpalutang lutang sa dagat ang katawan ni Elena.

Napangiti siya habang nakatingin sa walang buhay na si Elena.

"Papatayin ko kayong lahat."

TO BE CONTINUED..

Dedicated this chapter to Killer_Gg_21 and DennisChristianCabal

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro