Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

Zedrick Reign Imperial's POV :

Magkasalubong nanaman ang kilay ni Brie ng makita ko syang tinititigan ang bawat isa sa mga miyembro ng Triton na kararating lang.Mukha ngang hindi sila handa ngayon dahil ang iba ay naka uniform pa.Napaka tsismoso rin kasi nitong mga 'to eh.

"So,tinotoo nyo nga.Kung kailan hindi buo ang Tres tsaka kayo magsasama sama."Zie habang nakangisi.

"Wag kang umastang kaya ng Tres ang Triton,Hozier.At hindi rin kami nagpunta rito para makipag away sa inyo.Pero hindi rin kami kakampi.Darating din ang buong Ares dito maliban lang kay Don Seira.At huwag kayong umasang ipagtatanggol namin kayo."

Sabi ni MJ,ang babaeng nasa likod ng puting panyo.

S'ya ang tumatayong leader ng Triton,na nobya naman ni Erwin.
Hindi namin kilala ang totoong pagkatao ni MJ.At ganun din naman ang dalawa pang babaeng kasama nya, but we know their faces except MJ. Tanging si Erwin, ang ilan sa Triton at si Sir Theodore lang ang nakakakilala at nakakaalam ng pagkatao ni MJ.

"You know we don't need your help MJ."Sabi ni sir Xian habang matiim na tinititigan si MJ.

"What's going on here?."Bakas ang pagtataka sa mukha ni Brie.

"Is she a new recruit?Hmm.I don't think she can make it."

Sabi naman ni Sydney.Ang babaeng may pulang buhok.Na nobyo naman ni Dwayne.Ang lalaking warfreak na pula rin ang buhok.

"Excuse me.No I am not.!"Bakas ang pagkairita sa boses ni Brie.

"Then why are you here.Bawal ang mga normal na estudyante rito."

Singit naman ni Sasha.She had that shiny violet hair that tied up on sleek.

"Oh is that so,Bakit? Anong ginagawa nyo dito ha?."Sabi ni Brie na isa isang pinasadahan ng tingin ang bawat miyembro ng Triton.

Lumingon s'ya sakin habang nakasalubong parin ang kilay.

"Don't tell me na bumalik ka nanaman sa dati mong buhay? "

Tinitigan nya lang ako habang nakasalubong parin ang kilay na para bang iritadong hinihintay ang sagot ko.

Naputol ang pagtitig nya sakin at maging kami ring lahat ay napalingon sa mga parating.

Nandito na sila.

Ang Ares.

Hinanap ng mata ko ang taong nakamaskara ng silver,napansin ko ngang wala si Don Seira.
Si Don Seira ang may pinakatagong personalidad, the most powerful should I say, because he owned his organization, unlike us who's just under old men.

"Nagsama pa talaga kayo ng back up."

Nakangising sabi ni Chester.Ang kanang kamay ni Don Seira na nangunguna sa paglalakad.Siguradong hindi lahat ng Ares ay nandito.Marami sila at hindi lang sampo.

"Don't call us 'Back Up'"May diing sabi ni MJ.

"Then anong ginagawa nyo dito?"

Tuluyan na silang nakalapit at huminto.Pinag gigitnaan kami ng Triton at Ares.

"Masama bang masaksihan kung gaano kayo karuming makipag transaksyon."-MJ.

"So sad baby.But we're not here for transaction."Sabi ni Nile, na katabi ni Chester.

Tama ang hinala ko.Puro sila kayabangan.Noong una ay sinabi nilang may impormasyon sila sa halaman kaya nila inanyayahan ang buong Tres.Alam nilang desperado na kaming malaman ang bawat impormasyon tungkol sa halaman na yun.Nakapagtataka lang dahil dito lang sa S.UN. U. nangyayari ang pang bibiktima ng halaman na yun.Bilang isa sa mga nag aalala sa bawat buhay ng estudyante sa paaralang 'to,tungkulin naming protektahan ang bawat isa.

Ang Triton at Ares ay nabuo sa loob Airxel U. pero kahit kaka transfer lang ng mga Triton dito, ay bumibisita parin sila sa Airxel.

"Handa naming burahin ang Tres kung hindi lang kami pinipigilan ni Don Seira."-Chester

Don Seira is far unpredictable.Isa kami sa mga salungat sa Ares,makapangyarihan sila at malakas pero hindi parin kami pinapatumba ni Don Seira. At hindi ko alam kung bakit.Alam ko lang na kaya nila kaming burahin lahat in any moment.

"Diba sinabi kong dalhin mo ang buong Tres?You see,nagbawas na muna kami para naman makalamanag naman kayo kahit kaunti"Hindi maitatanggi ang kayabangan ni Nile.

"You said we are going to have a transaction not a typical street gang fight.What's the point if I came out with the whole battalion if I will just going to have a transaction."Sabi ko habang tinititigan si Nile.

Halatang nainis sya sa sinabi ko.Humakbang pa sila palapit sa amin.Magkaharap na kaming Tres at Ares.

Brianna Ziegler ' s POV :

Matiim na nagtititigan ang dalawang grupo na para bang handa ng magpang bunuan.

Kilala ko ang isa sa grupong sinasabi nilang Ares.

Ang pinsan nila kuya Aries na si Chester, si kuya Aries ang kuya ni Zed. Minsan ko lang syang nakilala ng nagpunta kami sa bahay nila kuya Aries noon ilang taon na rin ang nakakalipas.

Sa tingin ko ay namukhaan nya ako dahil panay ang tingin nya sakin kanina.

"Sumosobra ka na Zed Reign.Sa tingin ko ay wala na kayong takas ngayon.Unti lang kayo at walang tutulong sa inyo dahil walang pakialam ang Triton sa inyo."

Inangat ni Chester ang baseball bat na binatawan ni Zed kanina, pero bago nya 'yon magawa ay may biglang nagsalita sa likuran ng grupo ng Ares.

"Sinong nagsabing unti lang kami."

Nagsilingunan kaming lahat sa nagsalita.

Napangisi si Zed ng makita ang mga paparating.

Nakita ko si Christian na may kasamang pitong lalaki at dalawang babae.Kilala ko silang lahat.Mga nag aaral dito sa S.U.N. U.Ang iba ay college na.

"I knew you will come Christian."Zed

Tuluyan na nga sigurong bumalik si Zed sa grupo nila,sa dati n'yang buhay.

"Sa tingin nyo natatakot kami sa dami nyo."-Nile

Nagulat ako at kinabahan ng biglang naglabas ng baril si Nile.

"Wag nyo kaming dinadaan sa dami.Nasa lakas yan."Dag dag pa nya.

"You're not strong,sadyang mayabang lang kayo.!"Sabi ni Ate Nia.Ang college student na kasama sa mga kararating na kasama nila Christian.

"Relax,Nia"sabi ni Christian habang pinapaalalahanan ang katabi nyang si Nia.

Oo,masungit at mainitin talaga ang ulo ni ate Nia.

"This damn piece of crap!"Naiinis na sabi ni Nile.

"Don't call me damn crap you doomed dumbass!"Ganti ni Ate Nia.

"Damn Nia!"Inis na sabi ni Christian.

"What?"natatawa pang sabi nito nakatingin pa kay Christian.

Bumaling s'ya kay Nile na ngayon ay sobrang sama na ng tingin.

"See? You're doomed just by my words."

Hindi na nya naituloy ang sinasabi nya ng biglang may nagpaputok rin sa Ares.Napa upo sa sahig si ate Nia habang nakahawak sa tagiliran nya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Brie,come here!"Sigaw nung babaeng may takip na panyong puti sa Triton.Nag aalinlangan akong tumingin kay Zed pero laking gulat ko ng nawala na sya sa tabi ko at nakita ko nalang syang nakikipag bugbugan sa Ares.

Tumakbo nalang ako sa panig ng Triton.

"Wala talagang kontrol si Nia,nasa school tayo ng S.U.N. U. Siguradong masisira ang image nila pagkatapos nito. At ang masama ay pati tayo madadamay, tsk kung kelan ba naman tayo lumipat."

Sabi nung babaeng violet ang buhok.

"Hayaan mo sila.Their attitude will gonna pull them down."sabi naman ni Erwin habang nakapamulsa pa ang nakatingin sa dalawang nag aaway na grupo.

S'ya ang president dito sa S.U.N pero bakit hinahayaan n'ya lang na magkagulo?
Hindi ko masyadong makita si Zed.Paano nalang kung may matinding mangyari sa kanya pagkatapos nito.Tuloy lang sila sa pag aaway.May mga naghahampasan ng mga kung anu ano at nagbubugbugan.

Nahagip naman ng mata ko si Zed.Nakikipag agawan sya ng baril kay Nile.

"Hindi nila alam kung gaano kadelikado ang pagsasama ng baril sa away."Sabi naman nung babaeng violet ang buhok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro