Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

Brianna Ziegler ' s POV :

Lumipas ang buong mag hapon na punong puno ng pag aalala at katanungan.Ngayon ay panibagong araw nanaman.Buong araw siguro akong walang imik kundi lang dahil sa pangungulit at pagtatanong nitong kaibigan kong si Rebecca.

"Napansin kong lagi ka nalang tulala mula kahapon."

Hindi ako lumingon sa kanya.Hawak hawak ko ang dalawang strap ng bag ko habang walang siglang naglalakad kasama ang kaibigan ko.

Hindi nya bagay sumama sakin.She's full of life with positive vibes while me, whatever .Hindi ko alam ang nangyayari sa paligid ko.

"Brie?May problema ba?"

Tanong nyang muli.
But I can't even absorb every words that she says kahit alam kong naghihintay parin s'ya ng sagot ko.Napasalubong nalang ang kilay ko ng maramdamang parang may sumusunod samin.

I know.Hindi na bago kapag may nakasunod sayong naglalakad.It is a damn school.Maraming estudyante na maaari mong makasabay,makasalubong at makatitigan ng mata.

But this is different.This kind of feeling is so chilling.

Hindi ko nalang ito pinansin at tinuon ang paningin sa daanan.Lumingon ako sa gilid ko at nakitang wala na pala si Rebecca sa tabi ko.Hindi ko to namalayan dahil sa pagkalunod ko sa pag iisip na parang may nagmamasid samin kanina.

Damn Rebecca.Bakit mo ko iniwan?

It's really weird.Pag umaalis sya ay lagi syang hindi nagpapaalam.Nabura lahat ng mga iniisip ko ng makita si Zed.

May dala syang baseball bat na naka patong sa isang balikat nya.He's really good at sports and everything.He's the top on school,full time MVP,very good at recitations and quizes.And at the same time,he has countless talents.

Hindi naman sya naka P.E. uniform.Pero baka naman meron syang damit sa locker n'ya.

Gusto ko sana syang tawagin but due to the distance.There's no chance na marinig nya ako.

Gusto ko s'yang kausapin kaya nagdecide na akong sundan sya.Wala akong naiisip na salitang bibitawan sa kanya.Bahala na.

Pinilit ko nalang na hindi sya mawala sa paningin ko.Pero nagtaka narin ako ng hindi sya dumiretso sa building namin.

Naalala kong every first subject ng Tuesday ay laging vacant.At 'di ko alam kung bakit.Science ang subject na yun at si sir Xian ang subject teacher.Bata pa si sir Xian,tingin ko ay nasa 24 palang sya.

Sobrang lawak nitong S.U.N. University.Sa dinami dami ng mga estudyante rito ay may mga lugar paring hindi laging napupuntahan.Or should I say,Iniiwasan.

Medyo napalayo na kami sa mga bagong buildings na ginagamit ngayon.

Nakapagtataka kung bakit dito sya pumunta.

Pagkakaalam ko ay restricted area 'to.Nakakatakot kaya dito kahit pa tirik ang araw.Umihip ang hangin at napakatahimik ng lugar.
May mga lumang buildings dito.Meron ding lumang sementadong basketball court na walang bubong.Malawak ito at may nakaharang pang barb wires sa hangganan ng basketball field dahil katabi lang nitong school namin ang Airxel University.

Balita ko may mga dorms sa loob ng Airxel U.At ang nagpatayo at nagmamay-ari pa nito ay nag aaral dun.Wala na akong ibang impormasyon tungkol sa Airxel U.

Ewan ko lang kung bakit hindi pa gibain tong mga lumang buildings na to at gawan ng malaking pader tong hangganan ng S.U.N. U.

Napakayaman ng may ari nitong S.U.N. University pero bakit pinabayaan lang 'tong barb wires lang ang harang? Hindi na ako magtataka kung may mga nakakapasok ditong mga outsiders tuwing umaga pati na rin gabi o tuwing may mga events.

Matatanaw mo rin mula rito ang mga naglalakihang buildings rin ng Airxel.

Natigilan ako ng tumigil rin si Zed sa paglalakad.Binaba nya ang kaninang nakalagay sa balikat nyang baseball bat.

"Bakit mo ako sinusundan?"Malamig nyang tanong na hindi parin ako tuluyang nililingon.Napakalakas nyang makaramdam ng presensya.

Gusto kong magtago pero parang lahat ng galaw ko ay kaya nyang basahin.

Parang nakikita ko ang nakakunot nyang noo ngayon kahit naka talikod sya.Alam ko kung kailan sya galit at kung ano ekspresyon ng mukha nya pag gano'n ang tono ng boses nya.

"Why the hell are you following me Brianna?"At tuluyan na syang lumingon.Nagtama ang mga paningin namin.

Ilang araw na kitang hindi nakikita at nayayakap.Gusto lang sana kitang kamustahin.Sana masabi ko ang mga katagang yan sa harap mo.

His piercing eyes na nakatitig sakin.Gusto kong umiwas ng tingin pero damn!Ang gwapo nya.

Unti unting syang lumapit sa akin hila hila parin ang baseball bat.

It is an awkward situation for me.Pagkatapos nyang sabihing nagseselos sya ay parang hindi lang sya naiilang at natatakot na lapitan at titigan ako.Parang pinapalabas nyang ako pa ang dapat mahiya.

Nang dalawang metro nalang ang pagitan namin ay binitawan na nya ang hawak nya.

"And you really have the guts para sundan ako."Hindi makapaniwala nyang sabi.

"Go back to your Zie."dag dag nya pa at lumapit sa akin.

Parang ako pa talaga ang dapat mahiya sa mga sinasabi n'ya.

"Bakit ba lagi mo nalang dinadamay si Hozier dito?It's not about him Zedrick Reign.It's about what's happening around us!Hindi mo na alam ang nangyayari sa paligid dahil d'yan sa pagseselos mo."

I can't believe this! Stop being immature please, it's a total turn off.

Sana nga alam mo na ang tungkol dun sa nakakamatay na bulaklak.

"Anong tingin mo sa akin?Walang alam?Hindi rin ako manhid para hindi maramdaman ang nangyayari sa paligid.Hindi ako tulad mo Brianna Ziegler."

"Then tell me what's happening."

Panghahamon ko sa kanya para masubukan kung alam nya nga talaga ang mga nangyayari ngayon.Hindi ko nalang pinansin ang pinakahuli nyang sinabi.

Na manhid daw ako.

"I know everything Brie.I know that there's a f*cking deadly plant na kayang pumatay ng tao ng ilang segundo lang.Matagal ko ng alam lahat ng 'to.Kaya wag mo akong hinahamon na para bang wala akong pakiramdam."

Natulala ako sa mga sinabi nya.Paano nya nalaman.At inaamin kong nagkamali ako sa paghahamon sakanya.

Biglang may lumitaw mula sa likuran ko.Pinasadahan nya ng tingin si Zed at nagulat ng dumapo ang tingin sa akin.Maging ako rin ay hindi inaasahang makita sya.

"Zed,Bakit mo sya dinala dito."Bakas ang pagtataka sa mukha ni sir Xian.

Ako nga dapat ang may karapatang magtanong sakanya no'n.Bakit nandito sya at hindi pumunta sa klase nya.

"She followed me."Walang mababakas na emosyon sa mukha at boses ni Zed.

May isa pang tumatakbo galing rin sa likuran ko at sa tingin ko ay kasunod lang ni sir Xian.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ng marecognize na si Zie ito.

"Anong ginagawa nyo dito?"tanong ko.

Napakunot ang noo ni Zie ng makita ako.

"Kami dapat ang nagtatanong nyan sayo."Sabi nya na hinihingal pa dahil sa pagtakbo.

"Kailangan mo ng umalis dito.Restricted area 'to."Sabi ni sir Xian na may halong pag aalala sa boses nya.

"Then why are you here?"Tanong ko sakanya.

Napailing nalang si Zie sa tanong ko.

"Hindi mo dapat s'ya sinundan."sabi ni sir Xian na pinatutungkulan si Zed.

"Bakit nga?"Iritado kong tanong.

"Wow.Nagsama pa talaga kayo ng babae ah."

Naputol ang tensyon ng may nagsalita mula sa gilid.

Kilala ko sya.

Mula tindig at lakas ng dating.Itim na buhok at ang hikaw nyang lagi kong tinititigan tuwing makakasalubong ko sya.S'ya si Erwin Baltazar.Ang President ng buong school.

Nasa kaliwa nya naman ang lalaking kulay pula and buhok.Lagi ko rin syang napapansin sa school.Sino ba namang hindi maiinis sa pagka warfreak nya.Walang araw na hindi sya napapapunta sa principal's office.

Bale sampu sila at lahat pamilyar sa akin.

"I thought you have a battalion."Natatawang sabi ni Zie kila kuya Erwin.

"Yes we are."

Nakangisi sya na pinapatunayan ang mga binitawang salita.

At may mga nakaitim na grupo ang lumitaw sa kung saan.Ang iba ay na ka uniform pa.May nakita akong tatlong babae.May nakatakip ring panyo dun sa mukha ng tatlong babae.

Napadako ang tingin ko sa babaeng may takip na panyong asul sa mukha.Nagtitigan lang kami.Pamilyar ang mata nya sakin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro