Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

Zedrick Reign Imperial's POV:

It's been three days after that incident.

Hindi pa namin alam kung ano ang sanhi ng pagiging wala sa sarili nung junior na yun.Sa ngayon ay nasa ospital ito at inoobserbahan pa lang.

Nag aagaw buhay sya ngayon at nakadagdag din dun ang pagpalo nung kaibigan nya ng baseball bat sa kanya.
Pero hindi ko rin naman masisisi yung kaibigan nya, dahil baka kung ano pang nangyari sa amin ni Brie kung hindi nya hinataw ng baseball bat ang ulo ng kaibigan nya.

"Zed!Are you listening to me!....Please I'm begging you."

Tumulo ng wala sa oras ang mga luha nya.

"Please be serious."Dagdag nya pa at hinawakan ang kamay ko.

"Please take me seriously.Just for once.Why are you being like this?I did everything I possible can."

Matiim ko syang tinitigan.Nakakairita lang dahil sa dinami dami ng panahon nya para mag emote ay ngayon pa.At sa harap pa ng maraming tao.Sa loob ng school.Gusto nya lang makakuha ng atensyon.

"Liyah,don't force me to be like what you want.Pinagpustahan ka lang namin okay? .Katuwaan lang ganon!That was only a JOKE with my friends.And I got 30k just because of that.Don't take it seriously.You look pathetic."

Tiningnan ko sya na para bang nakatingin ako sa nakakadiring basura.You want attention,then I will give it you.

"Why Alliyah?Sinabi ko naman na sayo lahat noong una palang.Bakit mo ko nagustuhan ha?dahil ba gusto mong sumikat at makakuha ng atensyon?I didn't even want to talk to you.Ikaw lang tong dikit ng dikit at habol ng habol.
Hindi ka magiging malinis sa harap ng mga tao.
Bakit?kung hindi ba ako sikat magugustuhan mo ko?hindi diba?So stay away from me."

Oo aaminin ko, gago ako. Kahit marami akong pera, basta kalokohan, sasakay ako. Yung 30k na yun, winaldas ko lang sa mga walang kwentang bagay. At hindi ko rin alam kung bakit ako gan'to, isa rin akong papansin eh kaya alam ko na ang mga galawan ni Alliyah.

Umalis na lang ako sa harap nya bago pa ako mapuno.

At ngayon ko lang napansin ang mga taong nakapaligid samin kanina,pero unti-unti na silang nagsisi-alisan.




Hozier Martinez'S POV:

Zedrick Reign looks so heartless.Pinahiya nya si Alliyah sa harap ng maraming tao.

Pero naiintindihan ko sya.Halata naman ang totoong ugali ni Alliyah.

Agad umaliwalas ang hapon ko ng makita ko si Brianna na naglalakad.

"Brie!"Tawag ko.Agad nya akong nakita.Napangiti sya ng makita ako.Tumakbo sya papunta sakin.

At hindi ko inaasahang yayakapin nya ako ng mahigpit.Medyo napaatras ako dahil sa lakas ng pagkaka salubong nya sakin.Natural na lumabas ang ngiti ko.Niyakap ko rin sya pabalik.

"Zie,namiss kita"

Talagang mamimiss mo ko dahil ilang araw na tayong hindi nagkikita dahil sa sobrang busy ko.

"Ako din"

Brianna Ziegler ' s POV :

Ikinuwento ko lahat ng nangyari nung nakaraang araw kay Zie.

At naalala kong parehong detective at scientist nga pala ang daddy ni Zie na si tito Romeo

"Sasabihin ko kay dad na sya nalang ang mag imbistiga sa junior na yon"

"Oo naman.Napakalaking tulong non"


Inakbayan nya ako.Bigla kong naalala si Zed.Tinanggal ko ang kamay nya sakin.

"Puntahan natin si Zed?"at tinitigan ko ang mga mata nya para mapapayag sya.


Noong una ay napasimangot sya.Pero sa huli ay napangiti ko sya.


"Sige na nga"

Nakakailang hakbang palang kami ng tumunog ang cellphone nya.


"Uhm Brie,Mukhang hindi na kita masasamahan.Pinapatawag na kasi ako ni Dean."

At hinawakan nya ang dalawa kong kamay.

Napasimangot ako.Ngayon na nga lang kami magkikitang magkakaibigan aalis pa sya.Bakit kasi kailangan pang maging vice president sya ng SC?

"Next time nalang"niyakap nya ako at mahinang tinapik sa balikat.

"Sige.Ipakakamusta nalang kita kay Zed."

At naghiwalay na kami ng direksyon.

Pinuntahan ko ang room nila Zed.Magkaiba kami ng major, CSS sya CSS din ako pero mag kaiba kami ng teacher.Tuwing hapon kasi ang major subject namin.

Narating ko ang room nila.Ngunit wala sya don.Ang hirap kayang umakyat ng hagdan tapos wala akong Zed na makikita dito.

Naglakad na ako pabalik ng may bumunggo sakin.

"Ahhhhhh"Napahiyaw sya.

"Sorry.Hindi ko sinasadya"

Nilingon ko sya.

Kilala ko sya.

"Alliyah?"

Hindi sya sumagot.

Namumutla sya.

Agad akong napangiwi at nagulat ng biglang bumulwak ang dugo mula sa bunganga nya.

Sinuka nya ito sa puti kong uniform.

Inangat nya ang tingin nya sakin at tumitig.

Kitang kita ko kung pano unti unting nangitim ang mga mata nya.

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako.Ang daming dugong lumabas sa bibig nya.

Lubhang sya rin ay nagulat sa mga nangyari.Para syang umiiyak pero walang lumalabas na luha sa mga mata nya.Inangat nya ang dalawa nyang kamay at tiningnan ito na para bang sinusuri kung anong nangyayari sa kanya.

"Brie,help me."

Mahina nyang sabi,at mababakas ang kirot  sa boses nya.

Dumami ang mga tao sa paligid.Nakapalibot sila samin.

"What's happening here?"Sabi nung isang lalaking Grade-12.Sya yata yung president sa classroom nila

"Tulong."yun lang tanging sinabi ni Alliyah.

Tiningnan ko ulit ang damit ko.Ang dami.

Lumingon ako sa mga taong nakapaligid.Agad nahagip ng mga mata ko si Zed.

Lumingon ulit ako sa kinaroroonan ni Alliyah ng maghiyawan ang mga estudyante.

Biglang natumba si Alliyah.

Sinubukan syang i-CPR nung lalaki.Pero wala parin itong malay.

Nakita ko si Zed na lumapit kay Alliyah.Inayos nya ito at pinabuhat dun sa lalaki.

Bakas ang pag aalala ng mga estudyante sa paligid.

Umalis na ang lalaki buhat si Alliyah.At kasama na rin doon ang ibang mga estudyanteng nakiki usyoso.

Nakatayo lang si Zed at mukang problemado.Pinadaan nya ang kanyang palad sa kanyang buhok.

"Zed"tawag ko.

Nilingon nya ako.

Wala akong makitang emosyong nang nagtama ang mga paningin namin.

Napailing sya.

Nilapitan ko sya.Hindi lang sya gumalaw at hinintay lang ang pag lapit ko.

Tiningnan nya ang damit ko.

Nakita kong kumuyom ang panga nya.

Zedrick Reign Imperial's POV :

I want to ask her if she's okay.I want to hug her.I want to told her to change her clothes.

But not now.

I don't want to tempt myself.Guilt was embracing my whole body.

I don't know.Maybe I am jealous.

And I want to show her that I am.
But this wasn't on my plan.Not on this kind of situation.But how?Babalewalain nya nalang ako kaya kailangan kong ipakita sa kanya na nagseselos ako.

Nakita ko sila ni Hozier kanina.

I saw them.Zie was hugging Brie in an intimate suspicious manner.

I was so damn jealous.

Sana ganon din ang nararamdaman nya pag may kasama akong ibang mga babae.

Inangat nya ang kamay nya at hinawakan ang braso ko.
Gusto ko rin syang hawakan pero I remember that I want to show her that I am jealous of Zie's affection for her.

Sorry Brie.But not now.

Hinawi ko ang kamay nya at tumalikod na paalis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro