CHAPTER 17
Romer's POV:
"The f*ck dude?! "
Sambit ni Sky kay Daynielle dahil kinikilig na naman yata sa dami ng mga tao sa paligid.
Natamaan na rin kasi 'tong dalawa dahil kagagaling lang namin sa bar, nagpumilit si Daynielle na magbanlaw nalang sa club.
Pinangunahan ko na ang paglalakad, pinasadahan ng tingin ang paligid at pansin ko kung paano namin nakuha ang atensyon ng mga babae, napailing iling nalang ako bago nagtungo agad sa counter.
Tinaasan ako ng kilay ng isang bartender, hindi na bago sa'kin ang babaeng bartender, but this girl's impact is out of the mediocre. She has that simple looks, her face is so angelic although I know she's not. Her curves are cute, hugged by her white uniform.
We are welcomed by Rae Sremmured song.
*And I know they really wish we would ball 'til we fall
I'm the big bad wolf, it's a full moon, y'all
Toss the money in the air, girl
Watch how your dreams hit the floor
Wait 'til I get the buzz off this drug*
Nginitian ko lang s'ya at tinitigan, I never meant to flirt right now lalo na't kakasagot lang sa'kin ni Gwen. I want to stay faithful kahit ngayon lang, Gwen is my one and only.
"Negroni please."
Sabi ko nalang ng hindi mapigilang mapangisi dahil sa mga iniisip ko, hindi ako sanay na gan'to, but I'll try. Binaling ko nalang ang tingin sa paligid, walang bago, no interesting view but some flashing titties and buns.
"Mine is Old fashioned."
Biglang lumitaw si Sky sa counter.
"Hah! You really is!"
Sabi ni Daynielle na pinagkumpara si Sky sa cocktail n'ya.
"B*tch."
Napatawa nalang si Daynielle.
"Gimme Daiquiri Miss?"
Ngumiti nalang yung bartender dahil ang pagkakasambit ni Daynielle ay patanong sa huling salita. Pinasadahan kami ng tingin habang binubuhos ang cocktail sa shotglass.
She really is something.
"That would definitely not work for a girl like her Dayn."
Ngiti ni Sky kay Daynielle.
"Hahaha touché."
Sagot ni Dayn bago nagtungo sa gitna ng mga sumasayaw, nakipag siksikan s'ya sa gitna at nasisilayan ko nalang dahil sa likot ng paligid at disco lights. Kita ko sa bawat pagsindi ng ilaw ang mga babaeng pumapaligid sa kan'ya, alam kong langit na naman ang pakiramdan n'ya ngayon. Nakangiti lang s'ya at nakikipag tawanan sa mga kasayaw n'ya.
Umupo nalang kami ni Sky sa red couch na naka puwesto sa may gilid. Sa totoo lang ay gusto ko ng umuwi, but Dayn is so annoying. And now he got what he wants, I hope he's satisfied.
Nagmamasid ako sa paligid ng hindi sinasadyang mapalingon ako sa counter. And there she is, caught her stealing gazes on me. Napa angat nalang ang isang sulok ng labi ko. She wanna play huh?
*Spin the bottle, spin the f*ckin' bottle
If you the reason why it's empty, baby
Spin the bottle
Truth or dare, nah you don't want no problem*
Nilipat ko nalang ang pansin ko sa shot glass sa lamesa at pilit binabalaan ang sarili ko. Calm Romer, she's just a teaser playing games with you. Gwen's face and body flashes in my mind along with the glimpse of broke people dancing under the wild shade of red, green, blue and white dancing lights. I remember kung gaano ko pa pinaghirapan ang 'oo' n'ya.
Maya maya pa ay may lumapit sa aming apat na babae, nagtinginan kami ni Sky at isang kibit balikat nalang ang sagot namin sa isa't isa ng tabihan na kami ng mga bagong dating. Umupo sila sa bawat gilid namin at nagtanong ng mga casual na tanong na hindi ko namamalayang nasagot ko na bago sila magsimulang humawak sa iba't ibang parte ng katawan ko.
Ang nasa kanan ko ay straight blonde ang buhok na naka crop top tank at ripped super high cut shorts. At ang nasa kaliwa ko naman ay may dark curly hair na naka tank top din but with a more revealing chest and a ripped shorts too.
"Okay ladies, hold up."
Sabi ko dahil iniiwasan mag uwi ng babae, and I don't want to f*ck either, I'm not in the mood. Napabitaw naman sila na sinuklian ko nalang ng walang ganang ngisi.
"Better."
Sambit ko ng bumitaw na sila.
"What's the matter baby?"
Tanong nung blonde chick na mababakas ang tampo sa ekspresyon ng mukha.
"Just let him rest ladies."
Sabi naman ni Sky na niligtas ako sa walang kwentang tanong, halos parang linta maka kapit yung dalawang babae sa gilid n'ya.
"Okay then."
Sabi nalang nung babaeng curly hair at malditang umalis kasama yung isa, kahit mag tampo ka pa jan, wala akong gana and I already have a girl.
Lumipas ang ilang minuto at halos mapilas na rin ang damit ni Sky kaka hawak nung dalawang babaeng kahalikan n'ya. I can't take this anymore, gusto ko na silang iwan kung meron lang sana silang sariling service.
It's already 1:27 a.m.
"Yow! How are you?!"
Napalingon ako ng marinig ang isang lasing na boses. Si Dayn na wala sa ayos ang buhok at damit.
"Are you done?"
Naiinis na tanong ko.
"Yes, I am soooo doooooone."
Sabi n'ya habang naka ngising natatawa dahil sa epekto ng alak sa sistema n'ya.
"Sky. Sky. Sky! Sky!"
Nilakasan ko na ang boses ko dahil nasasapawan ng malakas ng background music.
Napa pitlag naman s'ya at natauhan, binalik n'ya ang butones ng damit n'ya.
"We're going home."
Tumayo na ako, na malungkot na sinundan ni Sky.
"Remember my name ladies. Sky is the limit! Wooh!"
Sigaw n'ya, ako nalang yata ang natitirang matino ngayon. Sa susunod ay hindi ako papayag maulit 'to. Bago kami maka labas ay hindi maiiwasang mapa tingin ulit sa counter pero wala na yung babae dun, medyo nalungkot ako because of her absence. Tsk, you're such a flirt Romer.
Lumabas na kami sa madilim na paligid, muted ang music galing sa loob, tahimik ang paligid at malamig.
"How was it Dayn Boy?"
Tanong ni Sky sa kalagitnaan ng katahimikan.
"It was goooood, 36-25-38 baby!"
Napangisi nalang ako, kaya pala natagalan. Pero perwisyo silang kasama.
Pumasok na kaming lahat sa kotse ko, tamad kong pina andar ang makina. Ganun nalang ang pagka dismaya ko ng maramdamang parang may mali. Lumabas ako ng kotse, hindi na maganda ang mood ko ngayon.
Biglang nag init ang ulo ko, kumuyom ang panga at napahawak nalang sa ulo ko ng makitang flat ang gulong, umikot ako sa kotse at ganun din lahat.
"What's wrong dude?"
Tanong ni Sky at lumabas na rin.
"Look at the tires."
Sabi ko na ginawa naman n'ya, nakita ko rin kung paano sumakit ang ulo n'ya.
Pinag masdan kong mabuti at nakitang malalaki ang butas sa gulong. Sinadya 'to.
"What's taking you so loooong."
Rinig kong sambit nung lasing sa loob.
Biglang na trigger ang defense mode ko ng makitang may sumulpot sa likuran ni Sky galing sa kabubukas lang na kotse sa likod n'ya, mabilis ang pangyayari kaya wala akong nagawa. Nagsilabasan sa kung saan ang mga nakamaskara ng Jason Vorhee, Michael Myers, Ghost face, Pennywise, Leatherface, Terrifier, Pig mask, Lamb mask, Rabbit mask at Grinning masks from The Purge. Pinuntirya ang direksyon namin at walang pagdadalawang isip na pinalo si Sky ng isang pamalo. Ilang segundo lang din ng maramdaman kong natumba nalang ako sa semento dahil sa sakit ng tuhod ko.
Hindi ako makabangon at ginawa 'yong advantage para mapatungan ako at puntiryahin ng suntok sa ulo at mukha.
Hindi ako makalaban, marami sila. Nasilayan ko nalang din si Daynielle na pinagtutulungan, may naka hawak sa magkabilang kamay n'ya habang naka tayo s'ya. Malakas ang pagsipa at pagsuntok nila sa kan'ya kaya napapaluhod s'ya. Lasing na lasing s'ya ngayong gabi kaya hindi ko alam kung nakaka pag isip pa ba s'ya sa mga oras na 'to.
Uminit ang ilong ko at namanhid, alam kong nagdudugo na ng sobra ang mukha ko dahil sa mga likido sa kamay nung nakapatong sa akin. Hindi na ako makahinga dahil sa mga lumalabas sa ilong ko, naglalasang kalawang na rin ang dugo sa bunganga ko na sa puntong nalulunok ko na. Namanhid na rin ang mga labi ko at alam kong pumutok na yun.
Pilit kong ina abot ang leeg n'ya pero pinipigilan ako ng mga kasama n'ya at tumutulong din sila sa pag bigay ng mga sipa.
Halos mapatay na nila si Sky dahil hindi ko na makitang naka mulat ang mga mata n'ya.
Malabong Ares 'to. Hindi sila bumabase sa maskara ng mga horror movies at lalong wala silang tattoo.
"Waaah!"
Rinig ko kung saan, hindi ko na maimulat ang mga mata ko dahil sa dugo at sakit pero pinilit ko, boses ng babae at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng makitang yung babae sa counter, sa dinami dami ng taong pwedeng lumabas sa club ay s'ya pa.
Biglang may humablot sa kan'ya at hinila s'ya papaloob sa van habang naka takip ang kamay nung lalaki sa bibig n'ya para hindi s'ya makagawa ng ingay, kahit anong pagpupumiglas n'ya ay wala s'yang nagawa.
"Enough!"
Sigaw nung lalaking naka suot ng grinning mask. Naramdaman kong tinayo na nila ako at pinasok sa kotse, pinipilit kong lumaban pero nanghihina na ang bawat parte ng katawan ko.
Naramdaman kong umandar na ang kotse, umuungol si Dayn sa kung saan, ramdam ko ang kirot na nararamdaman n'ya pero mas mabuti nalang siguro kung uminom ako ng marami para kahit papaano ay hindi ako makaramdam ng sakit.
"Bakit mo pa sinama 'tong babaeng 'to?"
"Mapapakinabangan ba 'yan?"
"Pwede rin."
"Tsk, don't touch her. You pervs. Idadala natin sila kay boss, s'ya na ang bahala. 'Wag kayong nakiki alam."
Katahimikan lang ang bumalot sa sasakyan pagkatapos nun.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro