Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16

Drew Peign's POV:

Madilim ang buong paligid, ang tangi ko lang naaalala ay ang paglalakad ko sa labas ng ospital. Napadiin ang kagat ko sa aking mga ngipin kasabay ang pag lukot ng aking mga nangangalay na mga kamay na tila ay nanginginig dahil sa galit.

Nakaramdam ako ng pagkatalo, pero hindi ko yun dapat ipahalata. Mahigit isang oras na akong nakatulala sa dilim. Ang bawat butil ng pawis ay dumidiretso sa aking pantalon.

Nakarinig ako ng pagtunog mula sa busol ng bakal na pinto. Masakit sa tainga ngunit walang dapat ika taranta.

Inuluwa nito ang dalawang lalaking nagmistulang sunud-sunuran sa lihim ko.

"Naunahan mo kami. "

Panimula ni Zedrick at huminto sa harapan ko na tinabihan naman ni Erwin habang naka krus ang kanyang mga kamay.

"Seems like you've been keeping something. Don't you? "

Tanong ni Erwin habang matiim akong tinititigan. Huh, napansin n'yo rin sa wakas.

"Wala na kayong laway na dapat sayangin. Wag n'yo ng pahabain ang mga sinasabi n'yo. "

Sabi ko sa kanila.

"What did you know then? "

Hamon ni Erwin sa akin. Isang ngisi lang ang pinakawalan ko bago naging sementeryo ang paligid.

Tinitigan ko si Erwin at si Zedrick bago ako nagsalita.

"Brianna Ziegler and Shantell Briones were identical twins."

Mas lumawak pa ang aking ngisi ng makita ang pagkabigla sa mga mukha nila. Nagmistulang lamayan ang silid na s'yang ikinahalakhak ko.

"You shut the fuck up! "

Sabi ni Zedrick bago ko natanggap ang isang mainit at masakit na suntok mula sa kan'ya bago s'ya inawat ni Erwin.

Nalasahan ko ang sarili kong dugo ngunit hindi parin mawala ang aking ngiti.

"What else do you want? Tell me. I know everything. "

Sigaw ko habang nakangiti ng malawak na parang wala sa sarili.
Ilang segundo pa ang lumipas bago nagsalita si Erwin.

"Who's Seira? "

Seryoso s'yang nakatingin sa akin na s'yang ikinawala ng ngiti ko.

"And now you don't know. "

Dagdag n'ya.

"Are you nuts? He's Seira, even the truth and justice don't know him. "

"I'm gonna be the one who'll find that out. "

Galit at nakatitig na sabi ni Zedrick na muntik ko ng ikahalakhak.

"You're so full of yourself. "

Mahina kong sambit habang nakatitig sa kan'ya.

"Paano mo nalaman."

Sabat ni Erwin para mawala ang tensyon sa amin ni Zedrick.

"Paano mo nalaman ang tungkol dun?! "

Ulit ni Erwin.

Binalot mula ng katahimikan ang silid kasama ang naiwang alingaw-ngaw ng malakas na boses ni Erwin.

"Kasalanan n'yo kung bakit ako naging ganito. "

Mahinahon kong sabi.

"Kasalanan n'yo kung bakit ko nalaman. "

Dagdag ko habang nakatitig sa lumang semento.

Natawa ako ng kaunti dahil kumakalat nanaman ang emosyon ko.

"You know what? Let's just forget it. "

Muli akong sumeryoso ng lumapit sa akin si Zedrick, mata sa mata ay seryoso s'ya.

"There's one thing you have to confess before that happens. "

Sabi n'ya na ikina tuwa ko dahil sinusubok n'ya nanaman ako.

"What's that? "

Naguguluhan pero galak kong tanong.

"Who created the GD? "

Ikina estatwa ko ang tanong n'ya. Dahil akala ko ay masasagot ko na ang susunod n'yang tanong. Hindi ko alam kung anong isusumbat.

"I don't have an idea about that modified plant. "

"At paano naman kami makakasigurong nagsasabi ka ng totoo, sa tinagal tagal ng pagkakakilala natin,hindi mo sinasabi sa'min na may alam ka pala tungkol kila Brie. "

"Sometimes you have to shut up and get zipped for years until you explode. When the situation get loads of pressure and heat, you're the one who's gonna trigger the explosion. And in just a flick of my fingers, you're all done. "

Natahimik silang dalawa, nakakunot ang noo ni Zedrick habang matiim akong tinititigan at si Erwin naman na alam kong pinipigil lang ang galit.

"Boom! "

Gulat ko sa kanila, malakas at matagal mawala ang naiwang bakas ng boses ko.

"You're totally out of your mind Drew. "

Kalmadong sabi ni Erwin.

"And because of your reckless manner, you're staying the whole week here. Inside. The basement. At syempre, depende pa sa magiging asta mo sa mga susunod na araw. "

"Tandaan mo Drew, hawak ka namin ngayon. Kaya naming gawin lahat ng gusto naming gawin sa'yo. Ang sikreto ay sikreto. At hindi ka namin papakawalan hanggang wala kaming nakikitang motibo para pakawalan ka. "

Muling uminit ang dugo ko sa mga sinabi nilang dalawa.

"Walang sikretong hindi nabubunyag. "

Sigaw ko bago sila lumabas ng silid at muli nanaman akong naiwan dito sa tahimik at madilim na lugar.

Lumipas ang ilang minuto at oras habang blangko akong nakatingin sa isang bintanang magbibigay ng liwanag sa buong silid.

Ako ang susi para mabunyag ang katotohanan, pwera nalang kina Erwin at Zedrick na tinalikuran ang katotohan dahil na rin akala nila ay wala na si Shantell.

Zedrick Reign Imperial's POV:

"We have to think a better plan to shut him down, as not bloody and macabre as we can. "

Sabi ko habang ang tingin ko ay na sa kalsada at ang aking mga kamay ay nakapatong sa manibela ng sasakyan ko.

"Without killing him? "

Tanong ni Erwin mula sa labas ng kotse habang nakapatong din ang mga kamay sa ibabaw ng nakababang bintana ng sasakyan.

"Hangga't maiiwasan ay iiwasan nating madumihan ang mga kamay natin. "

Sabi ko at lumingon na sa kan'ya at muling nakita sa likuran n'ya ang mansyon nila ni MJ.

"Zed, you have to think about all of the risk. You're starting to lose your self. Control. You even think the possibility that we might kill him. "

Isang tinig ng babae ang narinig namin mula sa 'di kalayuan. At alam na naming si MJ yun.

"Think about it dude. "

Sabi n'yang muli at sinalubong na si MJ.

Agad akong nagtungo sa apartment ni Brie matapos ihatid si Erwin sa bahay nila ni MJ.

Napabuntong hininga ako ng makita ang isang asul na sasakyan na nakaparada nanaman sa harap ng gate ni Brie. Alam ko kung sino ang may ari no'n.

Nawawalan na ako ng oras para kay Brie at sa mga kasama ko.

Kung kailan umatake ang malas ay s'ya rin ang karma.

Naisip kong hayaan nalang muna si Brie kay Hozier, makakabuti ring makapag isip isip muna ako ng mga susunod kong gagawin.

Tama nga si Erwin, hindi ko makakayang pumatay ng isang kaibigan ng dahil lang sa isang sikreto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro