CHAPTER 11
Zedrick Reign Imperial's POV :
Napakahirap tingnan ng kalagayan nya ngayon.Ang isang babaeng dahilan kung bakit pa ako nabubuhay ngayon ay nakikita kong nahihirapan.
Mag-aalas singko na ng umaga pero hindi parin ako makatulog at nandito parin ako at nakabantay sa kan'ya.
Naging malamig ang pakikitungo ko sakan'ya nitong mga nakaraang araw dahil lang sa napakababaw na dahilan.Hindi ko nalang dapat pa s'ya pinahirapan,hindi ko sinasadyang masaktan s'ya.
Binaba ko na ang syringe na hawak ko pagkatapos kong ibaon sa leeg ni Brie.
Nakakalungkot lang dahil sa isang malamig na kwarto ko lang s'ya nakakasama ngayon.
Nagbabadya nanaman ang aking mga luha ng ako ay maupo na sa katabing upuan ng higaan ni Brie.
Muling bumalik ang mga ala-ala ng mapait na kahapon nang marinig ko ang pangalang 'yun na binibigkas ni Brie.Napasabunot nalang ako sa aking buhok,maibabalik pa kaya ang dati,ngayong malamig na ang pakikitungo ko sa kanila?
Pilit ko nalang dinadaan sa biro ang lahat ng nararamdaman ko para kay Brie,para naman kahit kaunti ay hindi nya maramdaman ang pagkasawa ko sa mga paulit-ulit na mga nangyayari.
Narinig ko nalang na bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Hozier,ang dad nya at isang pulis.
Nagtama ang paningin namin ni Zie,wala na ang dati naming masiglang pagkakaibigan.Tuluyan ng naibaon sa nakaraan.
"How is she?"Tanong ni tito Romeo.
"No changes.Hanggang kailan ba 'to?"
Nakaramdam ako ng pagka awa sa aking sarili ng banggitin ko 'yun.
"We found drugs on the food that she ate that day before she passed out.It was the 'Devil's Breath' that is made out of a deadly plant,the 'Angel's Trumpet'."
Nanatili lang akong tahimik sa mga sinabi nung pulis.
Kaya pala madalas at matindi ang pagha-hallucinate nya.
"Baka this coming day or second day makarecover na s'ya."
Sabi ni tito Romeo habang inaayos ang kanyang salamin.
Bakit kailangan nilang gawin to?Bakit kay Brie?
"We found out na may dalawang bagong staff sa canteen no'n.Dalawa silang cook,pangatlong araw palang nila no'ng nangyari ang panglalason.Sa tingin namin ay nag imbestiga muna sila nung mga naunang araw nila sa school at saka na nila plinano 'to sa biktima nung pangatlong araw.Bigla nalang silang nawala nung araw na yun mismo."
I already had this conclusion,when I saw those two new staff,the way they look me at my eyes,the way they move.
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa.
Sinagot ko ang tawag galing kay Christian.
"Dude,kamusta na si Brie?"
"Ganun parin.Bakit ka napatawag?"
"Pumasok ka mamaya,nandito kami sa school,may kailangan kang makita."
Agad nanamang umatake ang pagbilis ng tibok ng puso ko at kaba.
Katahimikan lang sagot ko sa kan'ya at binaba na ang tawag.Papasok ako mamaya,sigurado akong importante 'to.Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang kabahan.
Tumayo na ako sa upuan at nilapitan si Brie.
I have to leave you for now.
Ipapaubaya muna kita kila Hozier.
Kinuha ko na ang black coat ko at hinalikan si Brie sa noo.Hindi na importante kung uniform ba o isang simpleng polo lang na may black coat at simpleng pants lang ang suot ko.
Inangat ko na ang tingin ko at agad kong nasalubong ang titig ni Zie.Wala na akong pakialam kung ano man ang iniisip nya ngayon.
"Saan ka pupunta?"
Nagtatakang tanong nya.
"Ikaw muna ang bahala dito."
Sabi ko ng hindi sinasagot ang kanyang tanong.
"Hey,just tell me,para naman..."
Hindi ko na pinatapos ang mga sasabihin nya nang tuluyan na akong umalis sa kwarto.
Kampante lang ako na nandito sila sa bahay ko,ilang taon ko na silang pinagkakatiwalaan at ni minsan ay hindi nila ako nabigo sa pagtitiwala sa kanila.
Dumiretso na ako sa parking lot at 'dinrive ang aking kotse papunta sa school at medyo madilim pa ngayon,dama ko ang lakas ng masamang balita na sasalubong sakin mamaya.
I am not ready for it,I am not aware but I have to face it just for the sake of this cold relationship,hindi ko s'ya dapat pabayaan,hindi ko sila dapat pabayaan,kahit marami akong oras at pagkakataon para takbuhan ang mga responsibiliad ko bilang isang kaibigan.
I don't know if I am doing this for the love that I am dreaming.Or,I am just being so stupid,doing things for them,even if our friendship was dugged deep on bitter history.
I sighed.
Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong ginagawa ko.I am so tired,doing things repeatedly,saving others,but I can't even save my life,from getting tied to this situation and this rusty relationship.
Pinark ko na ang kotse ko sa parking lot ng school at tahimik na tinahak ang room namin,katahimikan lang ang maririnig sa buong paligid,medyo madilim pa at walang katao-tao,hindi ako sigurado kung nandun nga sila Christian.
Pero pinihit ko na ang doorknob ng room namin ng makaakyat na ako sa second floor,wala pang mga estudyanteng pakalat-kalat ngayon dahil masyado pang maaga.
Hindi naman ako nabigo ng makita sila,ang ilan sa kanila ay mga Tres at meron ding mga Triton,na patagong nakikipagkita at sumasama sa amin.
"What happened?"
Nakaupo ang iba sa mga upuan,ang iba naman ay nakatayo,meron ding naglilibot na parang nagtitingin lang sa palengke dahil sila ay mga College,bihira lang silang makapunta sa building ng mga Seniors ng high school kaya sinusulit na nila.
Agad namang tumayo si Christian,mga nakapangbahay silang lahat na para bang biglaan talaga ang nangyari.
Nakasuot lang ng simpleng pants at white v-neck si Christian.
"May tumawag sa akin kanina,it is an unknown number,sinagot ko ang tawag at sinabi nitong makipagkita ako sa kanya dito sa school,binanggit nya ang pangalan mo,sinabi nyang dito daw sa room ninyo nila Hozier.Pagkatapos nun ay tinawagan ko ang ibang Tres at ibang Triton,in case of unexpected incidents na mangyari,pero pagdating namin dito ay wala kaming nakitang ni anino ng isang tao."
I knew it,pinaglalaruan kami ng kung sino mang tao yan.
Tumalikod sya at naglakad palapit sa upuan ni Brie.
"But we found something."
Tuloy nya pa.
At sinenyasan akong lumapit sa kanya.
Lumapit naman ako at tiningnan ang tinitingnan nya sa upuan ni Brie.
Pamilyar ang bulaklak na yun.Isang puting bulaklak at sa ilalim nito ay ang isang pirasong puting papel.
"Hindi pa namin ito ginagalaw,hinihintay ka namin dahil mas may karapatan ka para tuklasin kung ano man ito at dahil narin nadamay na dito ang mga mahahalagang tao para sa'yo."
Is it my fault?
Pero wala akong magagawa dahil kaakibat na ng pangalan ko ang buhay nila.
Kinuha ko ang puting papel at inangat ito.Medyo umitim ang bahagi ng mga nadampian ng bulaklak na animoy nasunog.
Kahit papaano'y nababasa parin ang mga nakasulat dito.
*He loved the broken pieces of her,and for the first time, she felt whole. Bloodshed, spears, sword, helmet, serpents and vultures, even Zeus and Hera. You know who I am. I've been loved, been underestimated but compensated by power.*
'He loved the broken pieces of her,and for the first time,she felt whole.'
Hindi ko alam kung ako ba at si Brie ang binabanggit sa unang sentence o baka naman si Zie at si Brie?
But that doesn't matter for now,I'll set aside this kind of stuff,may mga bagay na mas mahalagang asikasuhin ngayon.
This nemesis wants me to be a detective. All of the words he had given, especially the nouns ended up being a person who's I woudn't thought would be.
It's impossible.
I wish I didn't even think about that, how would I erase this thought.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro