Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

Brianna Ziegler ' s POV :

Umalingaw ngaw ang malakas na tunog ng bell para sa pagtatapos ng klase sa buong maghapon na s'ya ring hinihintay ng mga estudyante.

"Okay class. I'm expecting your project tomorrow. Dismiss"

Agad nagmadaling nagsilabasan ang mga kaklase ko.

Tumayo na rin ako at niligpit na rin ang mga gamit ko.

"Brie, sabay na tayo."

Agad akong lumingon sa taong ngayon ay nakangiti sakin. Nakatayo s'ya sa tapat ko habang naka pamulsa ang dalawa nyang kamay.

Bagsak lang ang buhok nyang kulay itim. Manipis at pula ang kanyang labi na nakaguhit sa isang linya.

Perpekto ang kanyang ilong at ang hugis ng kanyang mukha. Na akala mo ay isang pinaka perpektong model.

Bumagay sa kanya ang uniform nya. White long sleeve, black necktie, black coat at black slocks.

Napailing nalang ako sakanya ng maalala ang mukha ni Alliyah.

"Wag na. Akala ko ba susunduin mo girlfriend mo."

Sabi ko sa kanya habang sinasarado ang zipper ng bag ko.

Napataas ang isang sulok ng kanyang labi.

"Tsk. Isasabay na nga kita ayaw mo pa."

Tumalikod na sya sa akin at humakbang lang ng ilan at tumigil sya. Bahagya syang lumingon.

"Tatanungin ulit kita. Sasabay ka ba o hindi?"

Tanong nyang muli ng hindi parin ako tuluyang nililingon. Napaisip ako sa alok nya. Baka naman may tampuhan sila ng girlfriend n'yang si Alliyah.

"Oo na sige."

Tuluyan na s'yang naglakad.

Hinabol ko sya. At ng nasa tabi ko na sya ay tumingala ako sa kanya para makita kung anong itsura nya.

Napatingin din sya at napangiti s'ya ng makita ang titig ko.

Inakbayan nya ako, hindi naman na ako nabigla ako sa ginawa n'ya pero naalala kong maraming matang naka tingin lang sa  paligid.

"Hoy Zed ano kaba. Baka mamaya makita tayo ni Alliyah!"

"Ikaw talaga, napaka praning mo. Eh ano naman kung makita nya tayo?"

"Eh malamang, baka magalit yun! Mag isip ka nga. Ayaw kong maging dahilan ng pag aaway n'yo."

"Pffft. Aba!! Kung ano ano nang nalalaman mo jan a! Bahala s'ya kung anong gusto nyang isipin. Basta sinabihan ko na s'ya dati, bahala s'ya kung umasa parin s'ya kahit sinabi ko na ang totoo."

Napasimagot ako sa sinabi nya. Bakit n'ya pa kasi ginawa yun?

Ang tagal kong nagtitiis. Umaasa akong sana mahigitan pa ang pag kakaibigan namin. Kaya lang mukhang one sided.

"Oh. Ano namang sinisimangot mo jan?"

At kinurot ang pisngi ko.

"Eii. Ano ba!"

Sabay hampas ko sa kamay n'ya.

Napatawa naman s'ya ng kaunti sa naging reaksyon ko.

Malapit lang ang bahay ko sa school, kaya kayang kaya lang ng kahit sino na lakarin ito. Mas malayo lang ng kaunti ang bahay nila Zed.

Oo tama, nasa ibang bansa ang mga magulang ko at buwanan akong nakakatanggap ng allowance mula sa kanila.

Nakalabas na kami ng school at nasa gilid na kami ngayon ng tahimik na kalsada. Unti lang ang dumadaan dito.

Lumingon ako sa likod namin. May tatlong lalaking estudyante rin ang naglalakad. At sa likuran nila ay may dalawang magkasintahang estudyante rin.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa dinaraanan ko. Hindi na s'ya nakaakbay sakin.

Lagi kaming gan'to dati. Sabay sa pagpasok at pag uwi. Pero simula ng naging girlfriend nya si Alliyah ay lagi nalang akong mag isang umuuwi. Marami naman nang naging girlfriend 'tong si Zed at nasaksihan ko yun mula pa dati. At sa kasamaang palad ay hindi pa naging ako.

Naputol ang pag iisip ko tungkol kay Zed nang sabay kaming napalingon sa likuran namin dahil sa isang tili.

Yung isa sa tatlong lalaking naglalakad ay biglang sumuka ng dugo. Napa luhod s'ya. Nabigla rin ang mga kasama n'ya at pati narin ang dalawang magkasintahan sa likuran nila.

"Pare anong nang yayari?"

Tanong nung isang lalaki sa likod nila habang ang babae naman ay nakayakap na sa kanya.

Hinahagod naman ng dalawa n'yang kaibigan ang likuran n'ya.

Walang tigil ang pagbulwak ng dugo galing sa bunganga n'ya.

Akma na sana kaming lalapit ni Zed ng biglang tumingala yung lalaki.

Itim na ang mata nito.

Hindi naman ito agad nakita ng mga kaibigan n'ya pati na rin ang dalawa sa likod.

Umikot ang dalawang magkasintahan upang makita ng buo ang kalagayan ng lalaki. Agad naman silang nagulat sa nakita nila. Ganun din ang dalawang kaibigan ng lalaki. Napabitaw sila dito.

Tumigil ang pagbulwak ng dugo sa bunganga n'ya at nagsalita sya.

"Tulong! Ang labo ng paningin ko! Anong nangyayari sakin!"

"Pare, relax ka lang!"

At hinawakan ng lalaking may kasintahan ang balikat nito.

Parang nagulat ang lalaki sa paghawak sa kan'ya.

"Wag n'yo akong hawakan! Masakit! Wag kayong didikit sakin!"

Pero hindi yun pinakinggan ng lalaki at hinagod pa lalo ang balikat nito.

"Wag sabi eh!"

Napatayo ang lalaking sumuka ng dugo at may kinuhang patalim sa likuran nito.

Lubhang nagulat ang mga nakapaligid sa kan'ya. Agad nakagawa ng distansya ang dalawang kaibigan nito. Napabitaw narin ang babae sa kasintahan nito.

Iwinasiwas ng lalaki ang hawak n'yang patalim. Halatang malabo ang kanyang paningin dahil kung saan saan direksyon lang s'ya tumitingin. Pero laking gulat namin ng parang alam niya kung nasaan ang lalaking humagod sa balikat nya. Nakatitig lang sa kan'ya ang lalaking itim ang mata. Napa atras ang inosenteng lalaki habang nakataas ang dalawang kamay na ipinapahiwatig na dapat kumalma lang ang lalaki.

Halata namang nagpapanik ang kan'yang kasintahan at bakas narin ang luha sa kan'yang mata.

"Call the police!!"

Hiyaw ng lalaking tinititigan ng lalaking may hawak na patalim.

"Hey dude. Ibaba mo yan."dagdag n'ya pa.

Agad-agad kong nilabas ang cellphone ko habang nangingig ang mga kamay at kinakabahang di-nial ang numero ng mga pulis.

Pero huli na ang lahat. Sinaksak n'ya na ito. Natumba ang lalaki at halatang wala ng pag asang mabuhay dahil sa bandang kritikal na parte ng dibdib n'ya ito sinaksak gamit ang may mahabang patalim.

Tuluyan ng humagulgol ang babaeng kasintahan nito. Tinuloy ko parin ang pag dial.

"Yes, hello..."

Hindi ko na napakinggan pa ang sinasabi ng nasa kabilang linya nang biglang natamaan ng lalaki ang cellphone ko. Tumilapon ito sa malayo, nagwawala na naman s'ya.

Hindi ko napansing wala na pala si Zed sa tabi ko.
Nilalabanan n'ya ang lalaki. Tuloy parin sa pagwawala at mukhang wala sa sarili ang lalaking yun.

Laking gulat ko ng daplisan si Zed sa bandang tagiliran. Napaupo s'ya at napasapo sa kanyang tagiliran. Agad ko s'yang nilapitan. Maraming dugo ang umaagos sa malubha n'yang sugat.
Di ko alam kung anong gagawin.
Nangingibabaw ang takot ko ngayon.

Unti unti akong nag angat ng tingin ng makita ko s'yang nakatayo na sa harapan namin.

Nagulat naman kami ni Zed ng bigla nalang itong natumba sa harap namin. At nasa likuran n'ya ang kaibigan n'yang isa na may hawak na baseball bat na may bakas pa ng dugo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro