Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 02

KABANATA 02
Written by: INKMAGINE

CAPITOL, NORTECELIA (MANILA), EARLY NOVEMBER.

Four outcasts. One mission. To save humanity!

The brick of extinction is in front of us and nobody seems to give a damn about that. Adionia and Russia have fought numerous times this year and it has affected us clearly. Economy that was already down could not have been much more downer in the recent turn of events. Kahit na kaagapay mula sa ibang mga bansa ay hindi nagiging sapat upang maging sandalan sa mga oras ng ganitong kalamidad.

Tunay ngang nakakapinsala ang katotohanan dahil hindi ko masikmurang harapin ang aking ina sa ngayon. She has been a pet for the greedy investors who are large capitalists na ang tanging gusto lamang ay ang lasunin at palalain ang ngayong malala nang kondisyon ng kalikasan. Mineral na bulto ay kanilang hinahakot mula sa mga nakalbo ng kabundokan at mga punong natitira ay di rin nila pinapalampas.

Gaya ng sinong nagtangkang maging kalaban sa gobyerno ay pinapatahimik nila kaya wala akong masyadong magawa upang lutasin ang problemang hinaharap ng bansa dahil isa lamang akong anak ng isang presidenteng walang magawa para sa kaniyang mga kababayan.

Lulan ng sinasakyan naming ito ay ang isa sa mga pinaka-iingatan na yaman ng pamilya namin at iyon ay ang susi sa Nortecelia, na ibinigay sa mga angkan naming bumuo sa munting palasyo ng mga elitista. Hindi ito basta susing metal na kahit na sino ay kayang gumawa ng kawangis nito dahil walang sino mang maaaring makakagawa muli ng kagaya nito. Gawa sa pinaghalong lupa at metal ang exterior na parte ng susi na pinatigas dulot ng pressure, sa dulong parte ng artifact ay may kakaibang chip na durable na 'di basta kayang buksan ng kahit na sinong maalam sa teknolohiya. Iisang lagusan lamang ang kaya nitong buksan at iyon ang vault na nakapaloob sa Main palace ng Capitol.

Tahimik lamang kami ni Valerie at Shaun habang nakikinig naman si ina sa sinasabi ni Heneral Mandug. "Kailangan mong tatagan ang iyong sarili, president, dahil lulusob na umano raw po ang tropa ng mga rebelde sa Segala. Ayon sa aking intel, may mahalaga umano silang kukunin at sa tingin ko ay ang susi ng Capitol." Nababahala nitong paliwanag. Seryoso lamang si ina habang pinag-iisipan ng Mabuti ang kaniyang mag susunod na sasabihin.

"Masyadong mababaw na dahilan iyon upang ito ang kanilang pupunteryahin, heneral, masyadong secured ang facilities sa Nortecelia at kahit pa mapasakanila ang susi di sila makakalapit doon sa vault." Ani ni ina.

"Pero kahit na po, delikado at mabibingit sa alanganin ang kapakanan ng pamilya niyo pagnagkataon," Lumingon si ina sa aming tatlo. May halong pagaalinlangan ang kaniyang mga mata pero isa lang ang namumutawi sa kaniyang mga tingin at iyon ang kakaibang dedikasyon na di ko gustong makita. Isasakripisyo kami ni ina pagnagkataon.

"Whatever it takes to secure the integrity of the state, even if it means sacrificing the ones you love." Napalunok ako sa takot dahil kilala ko si ina at ang kaniyang mga scheme, magaling siya sa palusot at magpaikot, hindi rin ito magdadalawang isip na isuko kami s amga rebelde para sa makasarili nitong layunin.

"Maghunosdili po kayo mahal na pinuno! May mga buhay po kayong maitataya dito at baka ikakamatay rin ito ng ikararami sa darating na Segala." Singit ni Orbi. Isang robot na generated by AI. Mayroon itong damdamin ng isang tunay na tao at kayang makipagusap ng masinsinan, matalino rin ito at may kakayahan na lumutang sa tabi ng sino mang pinuno nito. Sa kaso naming, pagmamay-ari ng pamilya naming si Orbi kaya di lang siyang kay ina naninilbihan.

"Relax, Orbi. It won't compromise my plan for the upcoming elections, Redolino's clan won't stand a chance for my next steps. These foolish terrorists will be my pawn for the bigger plans I have installed." Sagot nito. Tumahimik si Orbi at napatingin sa akin. Tiyak akong pareho kami ng iniisip at takot lamang na magsalita sa mga totoo naming opinion patungkol sa mga sinasabi ni ina.

"Anyways, Xavier, Victoria had planned an outreach program for you to join, I suggest na pumunta ka doon to have some exposure. Makakaganda rin ito sa status natin." I smiled dimly and nodded to her request. Wala akong magagawa sa mga kagustuhan nito dahil kung tutuusin, isa rin akong pawn sa laro nitong chess.

"You two can go out with me this morning, may gagawin tayo for the towns people sa Verdigrasya." Tukoy ni mama sa mga kapatid ko. They both nodded too without hesitation. "Orbi, contact my glam team to assist my children sa mga events nila."

"As you wish, mahal na pinuno."

"Para naman sa susunod na Segala, Heneral Mandug, contact all troupes to have the event secured. I'll get my secretary to note her for the invitations sa lahat ng regions, everyone in every region is invited. Tell your intel to check every name on the list and have them executed at the Segala." Nanlaki ang mata ni Heneral sa narinig.

"Ipapatay po?" Paniniguro nito.

"Executed, means ipapatay. Yung wala ng buhay, deads na." Huminga ng malalim si Ina. "Gusto ko ng madugo at brutal. I want to make a statement, that no one will take this government down." I know for a fact that Heneral Mandug was against her agenda. But as a person in uniform, he is obliged to follow the commander in chief.

[]

SITIO MALOOY.

Nakaupo ako sa isang upuan sa isang silid dito sa Sitio Malooy. Nasa kanang parte ito ng Capitol at kalimitang nasa halos 10,756 katao ang nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Idagdag mo pa ang pagkain nilang gawa sa delikadong GMO. Kasulukuyan akong inaayusan ng mga make-up artist sa glam team ni ina. Dala ko sa aking mga palad ang isang papel na naglalaman ng mensaheng aking babasahin mamaya sa entablado. Karamihan sa nakapaloob doon ay patungkol sa kalusugan at kaayusan which is very ironic sa kalagayan ng mga tao rito.

Di naman lingid sa aking kaalaman ang tunay na buhay ng mga ordinaryong mamayan dito dahil sa totoo lang alam ko kung gaano kahirap ang kumayod sa ganitong estado. Di ko ipinagdadamot ang kung ano mang mayroon ako at lagi ko iyon ipinamamahagi sa iba pagnagkataon. Pera, pagkain, alahas, o kahit kagamitan na malimit kong kinawiwilihan ay ipipamigay ko na lamang sa mga nangangailangan. Kabutihan ang gusto kong manaig sa mga oras na ito, dahil naniniwala ako na uusbong ito at magkakaroon ng pagkakaisa.

"Senyor, eto po pagkain," Narinig kong banggit ni Melinda sabay bigay sa akin ng pagkain na nakalagay sa isang kulay ginto na sisidlang karton. Pagbukas ko sa pagkain iyon ay bumungad sa akin ang isang stake at minatamis na atsara. Lahat ng iyon ay malimit na natitikman ng mga taong aming tutulungan, nais ko sanang ipamigay na lamang iyon para maranasan rin nilang kumain ng stake kaso isang dosenang lugaw na gawa sa mais at nilagang itlog ang kanilang matatanggap mamaya.

Mga batang malnourish ang aming pagsisilbihan mamaya at nakahanda na ang mga maniniyot na kunan ang aktibidadis mamaya. Kailangan bawat anggulo ay makunan at pulido dapat lahat ng iyon dahil malilintikan talaga kami nito ni ina.

Inubos ko ang aking pinagkainan at inayos na ang mga papel sa aking kamay. Kahit pa laki kami sa politika ay hindi parin ako sanay sa mga nakatutok na kamera. Lalo na sa mga ambush interview ay talagang nakakatakot para sa lagay ko dahil minsan kailangan kong magsinungaling sa tapat ng maraming tao.

"MonSenyor Xavier, tiyak kong ikatutuwa ito ng iyong ina na gagawin natin ito." Bulas ni alcalde Bustamante. Nasa tabi niya si Victoria, anak nito. Alcalde ng Lungsod na ito ang papa ni Victoria, balak rin ni ina na ipagkasundo kami kaya't heto at nagpapabango sa tapat ng tatay niyang isang buwaya.

"Tiyak ko nga po, tito. Siya nga po pala, handa na po ba ang mga bata?" Tanong ko sa Alcalde. Lumawak ang ngiti niya bago muling bumulas.

"Nako, hijo, wag mo na silang abalahin pa, once you go out they will crawl close to you and beg for food ha!" Tawa ni Alcalde. Halos kumulo ang dugo ko sa narinig. Ang sarap bigyan ni Tito ng isang malakas na suntok kaso di ko muna pina-iiral ang galit sa puso ko. Kailangan ko itong ikulong upang walang taong makakasaksi sa pinsalang kaya kong gawin.

"Siguro naman po ama tratuhin natin ng may respeto ang mga bata, nandito po sila upang matulungan namin." Pakiusap ni Victoria. Lumingon ito sa akin sabay ngisi. Guminhawa naman ang loob ko sa ginawa nito dahil kahit papaano alam ni Victoria ang katayuan ko.

"Oh siya! Kayo talagang mga bata kayo, mahilig sa simpatya at awa," anas ni Alcalde. "Magagamit niyo iyan sa susunod ninyong mga hakbang kapag kayo'y sasabak na sa mundo ng politika." Muling bumulwas ng nakakalokong tawa ang alcalde. Umiling na lamang si Victoria bago tuluyang iniwan kami ni alcalde sa loob.

Sa di malamang dahilan ay may nararamdaman akong kakaibang init sa lalamunan. Lagnat na parang nakakapaso. Kumuha ako ng malamig na tubig sa mesa at ininom iyon.

"Senyor, baka maaaring pakiusapan mo ang iyong ina na ibigay na sa Lungsod ng Anahaw ang pondong dati pa namin hinihingi. Matagal na akong sumulat sa kaniya kaso laging nap-p-postpone ang sulat. Kung maari?"

"Pasensya na Alcalde ngunit wala po ako sa katayuan para diyan." tanggi ko. Lumalim ang kaniyang tingin bago magbigay ng buntong hininga.

"Victoria would be pleased if you'd give me what I want." Nakakapanlokong sampit nito sa akin. Umatras ako ng kaonte para di ko maamoy ang masangsang nitong hininga.

"Pasensya na po tito, labas po ako sa mga nais gawin ni ina." Tatayo na sana ako sa aking kinauupuan ng biglang hablutin niya ang kwelyo ng aking suot na damit. Nagusot iyon ngunit ang di ko inaasahan na gawin nito ay ang paghipo niya sa maselang parte ng aking pagkalalaki.

"Alam kong isa kang silahis, napilitan ka lang pakisamahan ang anak ko para sa ambisyon ng iyong ina. Kung nais mong manatiling nakalutang ang pangalan niya sa rango ibigay mo ang nais ng lungsod namin!" Banta niya. Hinigpitan niya ang kapit sa aking laylayan. Hinawakan ko ang kamay nito at sa di malamang dahilan ay napahiyaw siya sa sakit at nabitawan niya ang pagkakahawak sa kwelyo ko. "Ah! Aray!" Sigaw nito.

Itinulak ko siya papalayo at di matanggap ang ginawa itong pang-h-harass sa akin. Di ko iyon papalampasin. "Isa kang mapanlinlang! Alam mo sa sarili mong mahigpit ang kapit ng mama ko sa kapangyarihan at di iyon magdadalawang isip na gamitin iyon laban sa'yo, kaya kung nais mong makahinga, ayus-ayusin mo ang pagpili ng mga salitang bibitawan mo. Dahil kapag umabot na sa puntong lumagpas ka na," Lumapit ako sa ngayo'y nangingisay na sa takot na Alcalde. Nakaupo siya sa sahig at nakapinta sa kaniyang mga mata ang pagmamakaawa. Napangisi ako sa nakita, lumapit ako at pinantayan ang mukha niya sa mukha ko. "Sisiguraduhin kong wala ka ng dilang magagamitan sa pagsasalita." Banta ko. Lumamig ang kaniyang mga sumunod na hininga sabay tango. Tumayo ito at dali-daling umalis sa silid. Nakakatuwang pagmasdang matakot ang isang bundat na buwaya.

Lumabas na rin ako bago inayos ang nagulong kwelyo dahil sa ginawanung alcalde. Pagkatapak ko sa pintuan agad bumungad sa akin ang isang matandang kuba. Mahaba ang kaniyang buhok at mukhang nasa otsenta na ang edad.

"Hijo, maghunosdili ka!" Panimula ni lola. Dinampot nito ang kamay ko at seryosong tiningnan ang aking mga palad.

"Lola, paano po kayo nakapasok dito? Baka po makita kayo ng mga Armadong Pulis." nag-aalalang sambit ko. Lumapad ang kaniyang mga ngiti na nagbigay sa akin ng kakaibang pangamba. Pangangambang di ko lubusang maunawaan nung una.

"Nasa mga palad mo ang tunay na kahulugan ng kabutihan, yayabong ang iyong kapangyarihan sa isang di makatauhang paraan," Patuloy nito. Nagdugtong ang aking mga kilay dahil di ko siya maaatim kung saan siya nanggagaling. "Sa loob rin ng iyong mga palad. Dadanak ang dugo."

"Lola? Ano ang 'yong ibig sabihin?" Natatakot kong tanong. Lumapit siya sa akin at ako naman ay napaatras.

"Tu pacem cum aliis mundo reddes." Sabi ni Lola.

"Ano pong ibig niyang—" Di ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may gwardyang sumulpot mula sa likuran.

"Lumabas na po kayo, lola, bawal po ang mga kagaya niyo dito." tumingin ang gwardya sa akin bago nagbigay galang. "Patawad po senyorito." Panghihingi nito ng despensa. Hihilahin na nito ang matanda ng bigla itong kumalas at may iniabot sa akin na papel. Iginuyod na nito siya ng tuluyan papalayo sa silid. Binuksan ko ang maliit na papel at binasa ang mga salitang nakasulat sa pulang tinta.

"Apat na tapat, Iisang Layunin, Pagdugtungin ang dapat."

[]

Abala ako ngayon sa pagsasandok ng lugaw samantalang nasa tabi ko si Victoria at namimigay ng pagkain sa mga batang gusgusin. Nakakatuwa lamang pagmasdan ang sayang naidudulot namin sa mga bata. Despite the trials of life that they had faced they still remain resilient all throughout adversities.

"Let us all welcome, the son of our beloved Punong Tagapamuno, Mr. Xavier Baracuda. The future of our country! Magbigay pugay!" Sigaw nung taga-anunsyo. Humakbang ako sa entablado at tumapat doon sa ginintuang micropono. Nakatingin ang lahat sa akin at animo'y hinihintay ang aking mga sasabihin. Nagpalakpakan muna sila bago unti-unting dinalaw ng katahimikan.

I cleared my throat. Fixed my hair. Sighed a little. I can do this!

"Sa mga panahong sinubok tayo. We remaind strong. Nasa ating dugo ang tunay na lagda ng katapangan at kahusayan. Sinubok man ng iba't-ibang pagsubok ngunit tandaan natin na sa tulong nagpagkakaisa ay nalampasan natin ang mga balakid. Sa araw na ito, the outreach program we have conducted may bring us to where we need us to be," basa ko sabay baliktad sa papel na hawak ko. Ngunit imbes na ang kasunod na parte na ang babasahin ko ay muli kong nakita ang papel na bigay nung matanda kanina.

Apat na tapat, Iisang Layunin, Pagdugtungin ang dapat. Bulong ng isip ko.

Lumingon ako sa mga tao at doon ko nadatnan ang matandang nababalot sa akin ng hiwaga. Lumawak ang aking mga mata nang makita ko siyang lumulutang. Walang ibang taong nakakapansin kundi ako lang. Umabot ang kaniyang katawan sa kisame at nagsimula ring umilaw ang kaniyang mga mata. Kulay kahel, na parang apoy.

"Xavier!" bigkas nung matanda pero dinig na dinig ko. Tumayo ang balahibo ko sa takot at napaatras ng onte papalayo sa micropono. Nagsimula naring uminit ang mata ko dahil sa takot. Lumingon akong muli sa aking mga babasahin ngunit laking gulat ko at naging abo na ito bigla.

"E-excuse me, nakikita niyo ba'to?" Tanong ko sa MC na di rin alam kung ano ang sinasabi ko. Papalapit na sa akin ang matanda at nang ito'y marahas na lumipad papalapit sa akin ay siyang pagtaas ng aking kamay upang sana'y matakpan ko ang aking sarili sa kaniya ngunit bigla nalamang nagkaroon ng isang malaking apoy na siyang tumama sa kisame ng lugar na pinagtutuluyan namin.

"APOY! SUNOOOOG!" Sigaw ng isang bata. There it hit me, galing sa akin ang apoy. . . Ngunit papaano naman nangyari iyon at wala naman akong dalang makakapag-cause ng apoy. . . Maliban nalang kung lumabas iyon mismo sa kamay ko. Nagsitakbuhan ang lahat papalabas sa loob ng stadium at lumikas sa mas ligtas na lugar.

"Sir, lumikas na po tayo!" Sigaw nung bodyguard ko, sumugod ito patungo sa akin sabay hila sa aking braso. Kinuyog rin ng ibang bodyguard ko si Victoria na ngayon ay nagpa-panic na rin. "Code Red!" Sigaw nung guard na kasama ko. Tumulin pa ang pagtakbo namin hanggang sa muling lumawak ang apoy. Lumingon ako sa bubong na natupok ng apoy at malapit na itong mag-collapse. Sa di ko malamang dahilan ay inuudyok ako ng kakaibang presensya na muling sumabak sa nanlilisik na alab.

Sa segundong huminto kami sa pagtatakbo at nakahanap kami ng ligtas na lugar ay doon ko muling nahagip sa aking paningin ang matandang nakausap ko kanina.

"Xavier, Apo, buksan mo ang iyong mga mata." Muli nitong bulong ngunit kahit malayo ang distansya ay dinig na dinig ko ang sinabi nung matanda. Sa saglit rin iyon ay sumakit ang aking mga palad. Isang kirot na nakakapanghina. Napaluhod ako sa sahig habang iniinda ang kakaibang sakit na nararamdaman ko, madali rin namang rumesponde ang mga guardia na nakasama namin at nagtangka pa itong tulungan ako.

"Senyor? Napano po kayo?" Guardia.

"Dalhin niyo kami sa isang silid." Sigaw ni Victoria. Pinagtulungan akong buhatin ng mga sundalo sa isang silid at inilatag sa isang kamang mapaghihigaan ko. Isang malakas na pagsabog ang aming narinig sa stadium. Muling nagsigawan ang mga tao ng tulong na agad ni respondihan ng aming mga guardia.

"Ack!" Nangingilipit ako ngayon sa sakit. Agad na nag-alala si Victoria sa akin kaya't tinabihan niya ako sa kama at doon hinawakan ang aking kamay, ngunit ilang sandali palang dumapo ang kaniyang mga palad sa akin ay agad siyang napaikyas sa sakit.

"Aray!" Daing nito. Bakas sa kaniyang mga mata ang pagkagulat sa kaniyang naranasan. "Apaka init mo Xavier." Nag-aalala nitong sambit bago kinuha ang cellphone sa kaniyang purse. "Tita," Sagot nito sa kabilang linya. "Kailangan ka namin dito, it's an emergency, si xavier apaka init po." sambit nito.

Magsasalita pa sana ako ng biglang umakyat ang kakaibang init patungo sa aking dibdib, gumagapang papaakyat na parang isang linta na nababalot ng apoy. Umuusok na ngayon ang aking bibig hudyat na papalabas na ang isang bagay sa aking lalamunan.

"TITA! Xavier is smoking, like may usok sa kaniyang lalamunan tita." Minutes later I collapsed and suddenly began to shake. "Tita! He began shaking na! What should I do?" Victoria was hysterical. She went out to call for help and left me. I was still seizing when suddenly nagpakita sa akin muli yung matanda.

"...dadanak muli ang dugo!" bulong nito. Ginawa ko ang lahat para lubayan ito kaya't aalis na sana ako sa aking higaan ng biglang mawalan ako ng lakas at matumba sa sahig. Ginapang ko ang daan papalabas sa silid ng makita ko ang isang salamin sa di kalayuan. Humawak sa isang haligi ng aklatan ng biglang magmarka ang aking kamay sa kahoy. Hudyat na sobrang init ko ngayon.

Tumapat ako sa salamin at nakita ang isang pigura ng babaeng nakasuot ng belong berde. Isa itong lumpo ngunit may kakaibang halaman itong nakapulupot doon na nagsilbi nitong mga paa. Tumingin siya sa akin na parang nangungusap at gusto na niyang makawala sa kung saan siya ngayon. Di ko na naitanong sa aking sarili ang lohika sa pangyayari dahil bakit ibang tao na ang nakikita ko sa salamin at hindi aking repleksyon.

"Kailangan nating magsama, kailangan nating tanggapin ang katotohanan." Napaatras ako. Naririnig ko ang kaniyang boses sa salamin. "Tingnan mo ang liwanag sa iyong palad. 'Yan ang magtuturo sa'yo sa magiging landas mo! Gumising ka!" Sigaw niya. Sumakit ang aking ulo sa di malamang dahilan. Hanggang sa nawalan ako ng malay.

[]

Nasa ibang lugar na ako. Walang tao sa paligid at higit sa lahat walang guardia na magliligtas sa akin sa trahediyang aking haharapin. Isa ba itong pagsubok na kailangan kong pagdaanan bilang kabayaran sa mga anomalya na ginawa ng aking ina? Kung ano man iyon ay handa akong tanggapin at pagbabayaran ko ito ng buo kung nangangahulugan man na nasa tama ako at tama ang gagawin kong ito. Para sa mga bata, matatanda, at mga karaniwang mamamayan na nasawi sa ilalim ng pamumuno ng aking ina.

Hinukay ko sa aking mga palad ang sinasabing ilaw ngunit tanging linya na walang kapatutunguhan ang bumungad sa akin. May sumilip namang liwanag sa aking mata na siyang nagbigay linaw sa kabuohang sitwasyon ko ngayon. Isa ba itong paghuhusay sa mga kagaya ko?

"Tayo." Boses ng isang ginang na parang pamilyar sa akin. "Ikaw na may tatak ng araw sa noo." Tumayo ako at lumapit sa isang salamin na nakatayo sa aking tapat. Kasingtangkad ko lamang ito at nasasagap niya ang bawat hulma ng aking pigura.

Nakasuot ako ngayon ng isang kulay pula na pantalon na pinamutian ng gintong sinulid na pinahugis araw at apoy. May suot rin akong kakaibang bandana sa noo na mayroon ring marka ng araw. Kasulukuyan akong naka-hubo at may kakaibang tattoo sa buong dibdib ko. "Ikaw na siyang may elemento ng liwanag at pagkawasak ay kaya ring bumuo ng buhay." Lumiwanag ang salamin sa tapat ko at may ipinakitang isang pigura sa akin.

Isang sandstorm. May isang lalaking tumatakbo papalapit sa akin. Animo'y parang. . .

"Senyor Xavier, anong nangyayari sa kamay mo." narinig kong sambit ni Victoria na nasa silid narin pala. Bumalik na ako sa dating kwarto. Umiilaw na muli ang aking kamay at di ko maintindihan kung bakit pero may nararamdaman akong kakaibang gahum.

"Lumayo ka sa akin Victoria, delikado ako!" sigaw ko. Lubha na siyang natakot sa mga sumunod na nangyari dahil mas lalong umilaw ang aking mga palad at naglalabas na ito ng kakaibang abo na may halong apoy. She leaned on me to calm me down by landing her hand on my shoulder.

"Ano bang nangyayari sa iyo?" naiiyak niyang tanong pero ilang saglit pa ay lumiyab na ng todo ang magkabila kong mga kamay. Walang init o paso akong nararamdaman, kinakain narin ng apoy ang suot kong long sleeve na pang-itaas.

"Xav, what happened to your hands?" Natatarantang sampit ni Victoria, she grabbed her purse and pulled out a gun. Itinutok niya ang kaniyang baril sa kamay ko na ikinagulat ng puso ko. Sa mga oras na iyon ay wala akong masabi kundi pinaghalong bugso ng emosyon na di ko na mapigilan pa. Sa aking pananaw, pupulain niya ang apoy sa kamay ko sa pamamagitan ng pagbaril dito ngunit walang rasyonal na kamalayan ang naganap sa taguang iyon.

Nakita kong pipindutin na niya ang baril nang. . .

"Wait!" Itinaas ko ang aking kamay upang protektahan ang sarili nang sa ikalawang pagkakataon ay muling kumawala sa aking mga kamay ang apoy. Kinain nito ng buo si Victoria na siyang nasaksihan ko ng masinsinan. Naiwan ako nitong laglag-panga habang kinakain nung apoy ang babaeng malapit sa puso ko. Rinig ko ang kaniyang pagtatangis at pangingilipit. Nabitawan na nito ang kaniyang baril ngunit pati rin ang kaniyang buhay.

Lumagapak sa sahig ang ngayong kalahating abong katawan ni Victoria. Nilusaw narin ng apoy ang buong silid at naiwan naman akong nakatulala habang pinagmamasdan ang ginawa ko sa kasintahan kong si Victoria.

"...dadanak ang dugo." bulong muli sa isipan ko.

[]

"...ayon sa Bureau of Fire Office, mahigit isang daang sibilyan ang namatay sa sunog noong Nobyembre 13, Kalahati ng Sitio Malooy ang naapula at halos lahat ng residente doon ay wala ng matirhan. Nagsimula ang apoy dakong ala-una ng hapon sa isang outreach program na inilunsad ng anak ng Alcalde Bustamante na si Victoria Bustamante na siya ring natagpuang nasawi sa trahedya, sa di malamang dahilan ay di parin matukoy ng mga nagresponde kung saan nanggaling apoy at sino ang may pakana..."

[]

#2SIGWA

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro