Kabanata 01
KABANATA 01
Written by INKMAGINE
ANG MATINDING TAGTUYOT, 2099.
Ilang siglo na ang nakakaraan, taliwas man sa iniisip ng tao ay nanatili paring buhay ang diwa ng mahika at pangbabarang. Ngunit gaya ng isang kwento, tinuldukan na ito at kinalimutan ng iba ngunit ang di nila alam ay nasa mundo parin ito ng mga mortal at nagbabadyang tapusin ang pahina ng mga tao.
Sa isang pambihirang pagkakataon, isang karaniwang lalaki ang mapupukaw at tatawagin ni Kalikasan upang muling halungkatin ang ngayo'y yumayabong na kapangyarihan. Ngunit gaya ng sinong nagnanais na makuha ang gahum, kinakailangan niyang harapin ang mga balakid at lusutan ang nakaambang na trahedya.
Sa kaniyang paglalakbay ay di lang siya ang may kagustuhan na makamit ang tunay na bertud.
Makakaya kaya niyang harapin iyon? o mananatili paring nakakubli at nakatago sa mata ng tao ang mahika ng kalikasan?
Hawak ko ang isang galon ng tubig samantalang akay-akay ng kabila kong kamay ang isang maleta na punong-puno ng reserbang baterya.
Malimit lahat ng resources dito sa Sitio Makilala, lahat kailangan dayuhin pa sa sentro ng bayan. Nagkakaubusan na nga rin ang lahat tindahan malapit sa amin gawa ng mas lalong tumundi ang tagtuyot.
Binabaybay ko ngayon ang eskinitang nababalot ng buhangin, katabi nito ang mga minsang buhay at tinitirahang mga gusali na ngayon ay tuluyan ng nabulok at nakalimutan na dahil sa mga nagdaang mga kalamidad. Ang sitiong ito ay minsan naging kilalang lungsod noon ngunit sa pagdaloy ng panahon ang mga dating kinikilalang mga pasyalan ay nagiging alaala na lamang.
Di naman ganoon ka tirik ang araw ngunit wala ka namang mababakas na kahit na anong tubig sa buong lupain. Isa parin itong misteryo na wala pang nakakasagot. Kahit siyentipikong paliwanag ay wala, madami nang mga nag-aaral sa penomena na nangyayari ngunit lahat sila walang maibigay na tama at konkretong sagot.
Nagsimula ang pambihirang kalamidad na ito mahigit dalawang dekada na ang nakakalipas. Unang inatake ng pagkatunaw ang kontenente ng Antarctica, matapos maubos ang mga yelo doon ay siya ring pagtaas ng nga libel ng tubig. Bumaha ang karating parte ng Pilipinas at karamihan sa kanila ay nanatili paring nakalubog ng halos pitong taon.
Ngayon halos kalahati sa globo ay naging isang disyerto na, ang mga dating lubog sa tubig ay naging kumpulan na ng mga graba. Ang mga malalalim na parte ng dagat ay unti-unti nang nasisilayan ng araw. Habang papalaki ang kalupaan ay siya rin ang pagkaubos ng pagkain gawa ng walang tubig dulot ng tagtuyot.
Kasabay ng pagkaubos ng pagkain ay siyang pagdami ng mga tao at hayop na namamatay dulot ng gutom, kakulangan ng tubig, at pandemya. Malimit narin lahat ng medisina at mahirap narin ang access sa mga doktor gawa ng paghigpit ng gobyerno. Magmula nung pagsimula ng tagtuyot ay s'yang pagbabago rin sa pamahalaan. Unti-unti na silang naging makasarili at lumayo ang sistemang demokratiko. Nag-iba ng tuluyan ang mga tao at nawala na ang diwa ng pakikipagkapwa, lahat sila ay inuuna na ang kaniya-kaniyang nilang mutibo, di bale na kung may masaktan man sila o sa mga nagdaang kwento, napatay.
Kagaya ng ilang simpleng pamilyang nabubuhay sa krisis na ito. Kinakailangan naming magsumikap at humanap ng paraan ubang mabuhay kada-araw. Wala kaming mapagpipilian dahil ang mayron lang n'yan ay ang mga elitistang naka-upo sa Nortecelia. Lahat kami, kung ano-ano nalang ang ginagawa upang mabuhay. May iba na nagtatanim ng kakaibang GMO ngunit nakakasama sa kalusugan, karamihan rin ay sumasabak na 'rin sa prostitusyon o pagtitinda ng laman sa mga elitista, mayro'n ring ibinibenta ang kanilang lamang loob sa mga ospital para lang sa pera.
Ayuda ay kinikilala paring serbisyo dito sa amin na galing sa Punong Tagapamuno. Ngunit dumadating lamang iyon kapag papalapit na ang Desyembre. Ngayon ay Nobyembre 29. Sa tingin ko ay aabot ito pagdating ng unang linggo. Ngunit di na ako aasa sa pakulo nila at pipiliin ko na lamang kumayod mag-isa.
Sa may di kalayuan, namataan ko si Cheda na dala ang manikang papel na gawa ko. Lumawak ang ngiti niya matapos makita ang dala kong maleta. Si Cheda ay anak nina Nong Matias at Clarita ngunit namayapa na sila nung nakalipas na b'wan dulot ng isang sakit na di naagapan. Dahil walang mapag-iwanan sa amin ibinilin si Cheda.
"Kuya Samuel!" Masigla nitong bati. Tumakbo ito papalapit sa akin sabay yakap sa baywang. "Nag-aalala na si lola Nena sa'yo." Sambit nito sa akin bago kumalas sa pagkakayakap. Kinuha na niya ang maleta sa kamay ko at maingat na ginuyod patungo sa maliit naming kubo.
Kami nalang ni Lola ang natitirang nabubuhay sa pamilya namin. Patay na ang mga kapatid at mga magulang ko at tanging si lola Nena at Cheda ang pinanghahawakan kong pamilya ngayon.
"Lola, nandito na ako. Mapapagana na natin ang iyong nebulizer at makakapanood na tayo ng TV mamaya." Masigla kong tugon sa kanila. Tumatalon-talon naman si Cheda sa tuwa habang nakangiti lang si lola sa may gilid ng hagdan. Naka-upo lang siya sa isang bangkito abala sa paggagantsilyo.
Sinong mag-aakala na mabubuhay parin sa panahon na ito ang gan'yang pamamaraan ng pananahi. Karamihan sa amin ay pinupulot o minamana na lamang ang damit sa mga yumao gawa ng salat kami dito sa pera at tindahan.
"Yehey! Kuya matatapos ko naring panuorin ang Naruto!" Malakas na ani ni Cheda.
"Ikaw masyado ka nang nawiwili sa anime, nagawa mo na ba yung pinag-uutos ko?" Ako.
"opo, sa katunayan kuya natapos ko naring linisin ang ikalawang palapag."
"Very good." Ngiti ko.
"Apo, diba ngayon ang iyong kaarawan?" Narinig kong sambit ni lola. Napawi bigla ang ngiti ko ng dahil sa sinabi ni lola. Birthday? Wala na sa akin 'yan, ang importante ay maipagkasya namin ang kakarampot naming delata sa kada araw.
"Hala oo nga kuya! Birthday mo ngayon" Rinig kong sigaw ni Cheda.
"Wala na sa akin 'yan Cheda, basta buo ang pamilya ko at masigla ayos na sa akin 'yon." Kalahati sa aking nasabi ay totoo, wala na sila inay at ama at patay na rin ang pamilya nila Cheda. Ito nalang siguro ang natitira sa akin at maituturi naming pamilya. Kaming tatlo sa loob ng barong-baro.
"Ipinagluto ka namin ni Cheda Hijo," Paanyaya ni lola, sabay bukas sa takip ng lamesa. "Adobong daga." ani nito. Lumawak ang ngiti ko dulot ng kaniyang sinabi at sa nakikita kong ulam sa hapag.
"Paborito ko!" Pinawi nito ang iniinda kong pagod at dali-daling kumuha ng kobryertos at umupo sa hapag. "Sakto nagugutom na ako! Salamat sa inyo!"
"Walang ano man hijo, hala sige, kumain kayo ni Cheda at ako'y ihahanda na ang makina para mamaya." Umalis na si lola sa kusina at siya naman ding pag-upo ni Cheda dala ang kaniyang pinggan.
"Kuya, pahinge ako niyan."Turo nito sa may bandang hita. Ibinigay ko sa kaniya ang parte na iyon at pinatong sa mais naming bigas.
"Ang sarap, Cheda, ah" puri ko, ngumiti ito sabay lunok sa kaniyang pinagkainan.
"Siyempre, isa kayang magaling na kusinera itong kausap mo!" Bulas nito. Napatawa na lamang akong sabay higop ng sabaw. Dati hindi pa daw ganito ulam ng karaniwang Pilipino. Madalas akong sabihan noon ni Ina na ang pagkain dati ay masasarap at masusustansya. Karaniwang tinatawag na peste ang mga ito at nagdadala ng mga sakit ngunit wala kaming magawa ngayon dahil ito ang pinakamalapit sa karne na aming makakain.
Tinuturi narin itong mayayamaning putahe ng mga kagaya ko dahil ma-limit ng makikita ang mga daga dito sa Sitio Makilala. Sa katunayan, mahirap na silag dakpin dahil gaya ng pagbago ng panahon ay pati ang kanilang pag-iisip ay nagbago narin, mas naging matalino at aggresibo.
"The current President Olivia Granada, apologized to the victims of the current wildfires that happened last November 15. She said in her letter that 'Calamities such as these are inevitable and rescues are scarce and so is security, but with the newest aid of the government we will ensure to rebuild the community with the latest technology that will be transported late December." Ani nung tiga balita sa radyo.
"Asus, puro lumang pangako. Kailan pa 'yan darating?" Rinig kong abat ni Cheda. Palihim akong napatawa dahil sa murang edad ay maririnig mo na siyang nakikisali sa mga ganitong issue. Talagang mulat na ang mga batang kagaya ni Cheda sa reyalidad na kaniyang hinaharap.
" — Ayon naman sa pinaka-latest news, lumulobo na ngayon ang hidwaan ng Adiona at Russia," inilipat ni lola ang istasyon ngunit as expected, puro bad news.
"Kuya, p'wede ko mahiram ang cp mo," paki-usap ni Cheda.
"At bakit naman? Alam mo namang limitado ang ating baterya Cheda."
"Promise di ko iyon lalaruin, may importante lang akong i-s-search." pagmamakaawa nito. Napabuntong hininga ako bago tumango.
"Oh siya, nasa higaan ko." Sabay turo sa itaas. Tumayo na siya at inilapag sa lababo ang kaniyang pinagkainan. Naiwan naman ako sa hapag at bumalik sa pagkain. Si lola naman ay abala parin sa pagtatahi at pakikinig sa radyo, ngunit mukhang aligaga ito at hindi mapakali dahi; paulit-ulit niyang iniiba ang estasyon ng radyo.
Lumalakas din ang bugso ng hangin sa labas hudyat na may masamang panahon na paparating. Isang sandstorm siguro iyon. Dali-dali kong inubos ang pagkain at lumabas upang kunin lahat ng aming mga damit na nakasampay.
"Tu pacem cum aliis mundo reddes." Narinig kong may sinabi si lola bago ako makalabas ngunit di ko iyon masyadong nasagap.
Papalakas ng papalakas ang hangin at may kasama na rin itong buhangin at maliliit na bato kaya't napaka delikadong mag-gagala sa labas ng bahay kapag ganito. Tumutunog narin ang kisame ng bahay hudyat na papalapit na ang delubyo. Pumasok ako dala ang lahat ng damit sa sampayan at inilapag iyon sa isang bakat.
"Lola?" sambit ko ng mapagtantong wala si lola sa loob ng bahay. Napabaling ako sa aking ulirat ng makitang bukas ang pintuan sa bandang likuran ng aming kubo at pumapasok sa loob ng kusina ang alikabok mula sa labas. Doon, sa mga saglit na iyon, tumayo ang aking mga balahibo, at doon napagtagpi-tagpi na wala sa loob ng bahay si lola.
Matulin kong tinakbo ang pintuan sa may kusina upang makita ko siyang naglalakad papalayo sa bakuran. Unti-unti naring nababalot ng kadiliman ang buong paligid dulot nung sandstorm. Tinakbo ko ang distansya naming dalawa ni lola upang madatnan siyang lumalayo sa akin. Nakatabon ang aking mga braso sa mukha upang di ko malanghap ang mga alikabok.
"LOLA! PUMASOK PO KAYO!" Sigaw ko. Lumingon ito sa gawi ko ngunit laking gulat ko ng may makita akong malayo sa ordinaryo.
"Samuel, hijo," Mahina ngunit dinig na dinig ko ang kaniyang mga binibigkas. Tumaas ang aking balahibo. Nakalugay ang kaniyang mga buhok at animo'y sumasayaw ito sa hangin. Nililipad rin ang kaniyang suot na kamison ngunit ang mas nakakatakot sa hitsura nito ay ang umiilaw nitong mga mata. Kulay asul na mga mata. Umiilaw ang mga mata ni lola!
"LOLA!" sigaw ko. Mabilis ko siyang tinakbo ngunit kahit anong gawin ko ay lumalayo siya ng lumalayo, palalim ng palalim, sa loob ng mata ng sandstorm. Tila lumutung si lola dahil di ko na siya nakikitang naglalakad.
"Kailangan mong ipagdugtong ang katotohanan," Muli nitong sabi. Di ko iyon lubusang maunawaan dahil takot ang namumutawi sa aking isipan sa mga oras na iyon. Patuloy parin ako sa pagtakbo ngunit mukhang pawang walang katapusan ito. Dumidilim narin ang langit dahil natatabunan na kami ng tuluyan. "Samuel, apo. Ikaw ang susi, idugtong mo hijo." Sa segundong iyon. Naglaho siya at naiwan akong mag-isa sa loob ng delubyo.
"LOLA!" totoo ba itong nakikita ko. Lumingon ako sa aking likuran at tanging puro abo at hangin lang aking nadatnan. Muli kong nilingon ang aking harapan ngunit nakakulong ako sa loob ng delubyo. Tuluyan na akong nalito sa kung saan ang daan pabalik sa amin. Di na 'rin ako sigurado kung nandito pa ba si lola sa paligid dahil wala na akong makita. Lumuluha narin ang aking paningin dahil napapasukan na ito ng graba.
Hahakbang pa sana ako patalikod ng biglang may matisod ang paa ko. Lumagapak ako sa sahig at tumama ang ulo ko sa isang matigas na bato. Humiwalay ang aking ulirat at unti-unti akong nawalan ng malay.
[]
Nasa maliit akong silid na hugis kahon. Walang ilaw ngunit malinaw sa mata ko ang aking sarili. Sa di kalayuan ng silid, may isang salamin na kasingtangkad ko. Kuha rin sa repleksyon ng salamin ang kabuohan ng aking pigura. Lumapit ako doon at pinagmasdan ang aking sarili. Nakasuot ako ng isang kulay asul na telang mukhang mamahalin, mayroon rin akong belong tumatakip sa aking bunbunan at batok, ngunit ang mas nakakuha sa aking atensyon ay ang kakaibang simbolo na naka marka sa aking noo. Para itong sugat na hugis tubig na tumutulo. Nababalot rin ang damit ko ng gintong sinulid na pina-arko ng alon at pati narin ang aking leeg ay may ornament na crystal na may hugis tubig na pendant.
Pinagmasdan ko iyong maigi at parang hinuhugot nito ang aking hininga sa pagkamangha. Ilang sandali pa ay lumiwanag ang salamin sa harap ko upang ipakita ang isang panibagong pigura. Isang lalaking di ko lubusang kilala ang nakatingin ng matalim sa akin, animo'y nakaharap siya sa kaniyang sariling repleksyon. Sa likod nito makikita ang isang silid na kagaya nung sa akin ngunit mas maliwanag at napupuno ito ng mga libro — Mukhang nasa silid aklatan ito.
"Senyor Xavier, anong nangyayari sa kamay mo." Narinig kong nag-aalalang banggit ng isang boses babae ngunit di siya nasasagap nung salamin.
"Lumayo ka sa akin Victoria, delikado ako!" Sa ilalim ng kaniyang mga palad ay may ilaw na sumisilip dito. May isang kamay ang humipo sa balikat nung lalake at ang ilaw sa kaniyang mga palad ay mas lalong lumalakas.
"Ano bang nangyayari sa iyo?" narinig kong tanong nung babae.
At sa puntong iyon, sa loob ng kaniyang mga nanlilisik na mga mata, biglang may kakaibang kislap akong nakita. Ang kaniyang kamay na kanina'y umiilaw lang ngayon ay lumiliyab na. Ang kaniyang buong kamay ay umiilaw at nababalot ng apoy ngunit di siya napapaso sa init na dala nito. Napaatras ang lalaki sa salamin na may bahid ng takot sa mukha.
"Xav, what happened to your hands?" Natatarantang sampit nung babae.
"Wait." itinaas ni Xavier ang kaniyang kamay at biglang lumiyab pa lalo ang kaniyang apoy at tuluyan ng binalot ng apoy ang buong salamin. Malalakas na sigawan ang aking narinig ngunit wala akong maaninag na kahit konte. Puro kulay kahel na apoy na mabagal na kinakain ng buhay ang kung sino mang nasa silid na iyon.
Purong takot ang aking naramdaman sa mga bawat saglit na iyon. Nas'an ba ako ngayon? At ano itong nararamdaman ko?
Lumingon ako sa aking mga kamay na hindi maawat sa pagpapawis. Lumalakas rin ang tibok ng aking puso at ayaw kong mangyari sa akin ngayon ang nangyari doon sa lalaking nasa salamin. Ipinahid ko ang aking namamawis na kamay sa aking damit ngunit mas lalo iyong namasa. Umiilaw rin ang gitnang palad nito ng kulay asul.
"Anong nangyayari sa akin?" natatarantang tanong sa sarili. Di maawat ang pagkislap ng aking mga palad hanggang sa may abunda na tagas ang pinakawalan nito. Tumutulo na parang nasa gripo. Sa tinagal ng panahon, ngayon pa lamang ako nakakita ng ganito kalinis na tubig, higit sa lahat, lumalabas sa aking kamay. "Tulong!" SIgaw ko. Umalingawngaw lang ang boses ko sa loob ngunit walang nakakadinig.
Asan na ba ako? Hindi na ito makatotohanan! Natatakot na ako.
"Tu pacem cum aliis mundo reddes." Narinig kong bulong ng aking isipan. Ano iyon?
Ilang sandali pa ay tuluyan pang lumakas ang ragasa ng tubig sa aking kamay. Di ko iyon mapigilan kahit pa takpan ko ito dahil kusa itong lumulusot sa bawat parte ng aking balat. Animo'y gawa ako sa tubig mismo. Konting saglit at napuno ang silid ng tubig at tuluyan ng binaha ito. Naubusan na rin ako ng hininga at pumapalapit na sa kandungan ng kadiliman.
Asul. Ginto. Linaw. Di ko maintindihan ang kakaibang yakap na aking nararamdaman. Nalulusaw na ang aking diwa ngunit buo ang aking presensya.
Isang mahinang tapik ang aking naramdaman sa aking balikat. Dalawang mukhang pamilyar sa akin.
"Kuya Samuel! Gising." Cheda. "Apo, gising." Lola Nena.
[]
#1SIGWA
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro