Panaginip
A/N: sorry pu talaga sa napakabagal na update ng 'ST' wala pa kasi akung sapat na oras para mag update ng tuloy-tuloy, alam kung mabibitin kayo ulit dito sa maiksing update ku peru sana magenjoy parin kayo. maraming thankyou talaga sa lahat ng nagbabasa ng (we are five siblings together) pramis pu sa second update q hahabaan ku n pu..
Chapter 4:
Habang kausap ni Gill, ang isa sa mga teller ay may biglang nagdeklara ng holdap, na ikinaalarma ng lahat na nasa loob ng bangko.
'Walang kikilos!' sigaw ng isa sa mga holdaper.
'Dumapa kayong lahat!' sigunda ng isa pa.
'Ikaw!' sigaw ng lalaking hindi malaman ang itsura dahil sa nakalagay sa mukha nito na parang stocking or bonet, ganunpaman mapaghahalata ito na kasing sama ng itsura ang pinaggagagawa nito.
'Dapa sabi!' tila nanggigigil ang isang holdaper sa babaeng mukhang walang balak dumapa at sumunod sa ipinaguutos nila.
'Ano ba! ayaw mung sumunod!' halatang nanggigigil na ang holdaper.
Pero ang babae ay cool na cool lang habang nakaupo sa waiting area, medyo chubby ito, matangkad at mahaba ang buhok. Ang lahat ay takot na takot na habang nakadapa, si Gill ay nag iisip kung ano ba ang posibleng gawin para makatulong. At isa pa, nag aalala sa maaaring gawin ng mga masasamang loob para sa babae.
'Pasasabugin ko na ang ulo nito?' sigaw uli ng holdaper, sa lakas ay lalong natakot ang mga tao mabuti nalang ngayong oras ito nangyari, hapon at malapit ng mag uwian kaya kunti nalang ang mga kleyente pero lahat ng empleyado ay nasa loob pa ang lahat kasama ang dalawang guwardya na hindi nakaporma dahil armado ang mga ito. Nangpanggap ang iba sa kanila na kleyente kaya nakapasok sila ng hindi nahahalata.
'buknoy, easy ka lang.' sagot ng parang big boss nila dahil ito ang nag uutos sa mga kasama nito.
'Hayaan mo muna yan, wala namang magagawa yan eh! basta behave lang sila, walang masasaktan, Halatang wina-warningan ang lahat.
Nalingat ang lalaking holdaper na nagbabantay sa babaeng ayaw dumapa, sa hindi inaasahang pangyayari ay mabilis nitong naagaw ang hawak na baril at pinaputok agad nito sa holdaper. kasunod nito ay isang pang putok ng baril, galing naman sa isang lalaki na nagkataon lang na may sinaglitan sa loob. Nakakuha siya ng pagkakataon na maagaw ung baril sa pinaka-leader ng mga ito at sa isang iglap sa kanya na ngayon natuon ang dulo ng baril, dahil dito inutusan ang mga kasamahan na ibaba lahat ang mga baril. Dahil alam niyang hindi basta-basta lang ang taong nakaagaw ng armas nito kundi isang pulis.
Pagkatapos ng dalawang magkasunod na putok ng baril.
'Everything is under control! Puwedi na kayong tumayo, yung iba tumawag agad ng ambulansiya mukhang malubha ang lagay ng babaeng ito. Pakibilis!'
Sabi ng Mama' pulis pala ito, nakasibilyan lang dahil off duty. Si Gill agad na inutusan ang nasa officer desk na tumawag ng ambulansiya atsaka dinaluhan ang babae.
'Kumusta siya?' tanong niya sa lalaki.
'Mukhang malubha ang tama niya, kaya kailangang madala siya agad sa hospital.'
'Ako nalang ang magdadala sa kanya sa hospital, kung hihintayin pa natin ang ambulansiya baka maubusan na siya ng dugo!'
Kailangang mailigtas ang buhay ng babaeng nagligtas sa kanilang lahat sa kapahamakan at maging sa kanilang kompanya, napakalaking tulong ang ginawa ng babae ito para hindi tulungan. Ito ang nasa isip ni Gill, habang nagmamaneho kasama ang isang nag volunter na babae para madala sa hospital, ito naman ang umaalalay sa biktima.
Pagdating nila sa hospital nakaabang na ang mga doktor at nurse para sa pasyente, agad nilang ipinasok sa operating room ang biktima.
'Sorry, Sir.' pero hanggang dito nalang po kayo.' sabi ng isang nurse na nakaharang pa sa pinto.
'Iligtas niyo siya, please!' kailangan niyo siyang tulungan, pakiusap?'
'Sir, hindi niyo po kailangang makiusap dahil trabaho po ng mga Doktor na iligtas ang bawat pasyenteng nag aagaw buhay. Ipagdasal nalang po natin ang kaligtasan niya, mawalang galang na po,. pero kaano-ano niyo po ba yung pasyente?'
'Wala, siya lang naman ang nagligtas sa amin.' pagkasabi nito ay napayuko siya, naintindihan naman ito ng nurse kaya hinayaan nalang, Tuluyan na siyang pumasok sa loob.
Ilang minuto lang ang lumipas, may mga dumating na sa tingin ni Gill ay kamag-anak ng babae, mabuti naman sa loob-loob niya. Maaari na siyang bumalik sa pinangyarihan ng gulo, nag umpisa na ngang mag usisa ang mga dumating. Puweding ama niya yung lalaki, at kapatid o, kamag anak naman yung babae dahil malayo naman sa itsura nito ang itsura ng babaeng nasa or.
Babalik nalang ako sa isip niya, alam niyang babalik siya,. dahil hindi papayag ang may ari ng kompanya na hindi siya makilala ng personal.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro