emo and chum
A/N inspired aku sa kuwentong ito, nakaka-relate kasi...sana magustuhan niyo din, enjoy reading.
CHAPTER ONE:
15 years ago....
'Tatay ko'' tatay ko'' tatay ko!!! sigaw ni Marlyn habang paikot-ikot sa likuran ng kanyang ama.
'Bakit anong nangyari, bakit ka sumisigaw?'
Narinig din ito ng iba niyang kapatid kaya lumapit ang mga ito sa kanila.
'Kuya Gill, anong nangyari kay Marlyn bakit siya sumigaw?' inosenting tanong ng musmus na si Nana.
'Hala, baka may nakita siyang multo,' lagoooot! si Darla ang sumagot na sinabayan pa ng pananakot.
'Tara, puntahan natin,' halikayo dali! malapit lang naman dahil sa labas lang ito ng bahay at nasa kusina sila na yari sa kawayan at pawid. Pero dahil madilim at nawalan pa ng kuryente kaya natakot ang magkakapatid.
Nang sa wakas tumigil narin sa kakaikot si Marlyn, tinanong uli siya ni Mang Cesar .
'Ano ba ang nagyari sayo? bakit ka sumisigaw at umiikot-ikot ka pa sa likuran ko ha, bata ka?'
'Para kasing may kumagat sa kamay ko tapos,..' tumigil siya sa pgkukuwento at tiningnan ang mga kamay. 'Parang may kumagat talaga! pag uulit pa niya. Sinubukan ko lang naman buksan baka may ilaw na.' dagdag niya.
13 years old si Marlyn, nakatatanda sa apat na bunso. Sinundan naman ng labing isang taon na si Gill, nag iisang lalaki sa limang magkakapatid. Pangatlo ay si Dory, siyam. pang apat si Darla pitong taong gulang. At ang pinakabata at bunso sa kanila ay si Nana, 4 years old.
'Naku, bata ka,' mabuti nalng at nabitiwan mo kaagad! kung hindi, malamang nakuryente ka.' sermon ni Mang Cesar sa anak pero sa tonong nag aalala. 'Huwag munang hahawakan ulit yun para hindi ka makuryente ha?' alam niyo naman wala tayong sariling switch.'
'Opo, tatay.'
Dahil dito nalaman nila na may kuryente na, hindi lang nabuksan ng kapitbahay. Tinatanggalan kasi ni Mang Cesar ng ilaw sa araw dahil minsan nakakaligtaan ng kapitbahay na i-off yung ilaw. Uo nakikabit lang sila ng linya para sa pansamantalang liwanag, pero pagkatapos ng pa-siyam para sa kanilang ina ay babalik din sila sa lampara. Isang uri ng ilaw na ang gamit ay gas, panahon pa ni kupong kupong ika nga.
Paggising nila kinabukasan back to normal uli ang buhay nila, kanya-kanyang tuka sa mga gawaing bahay, pagdating ng umaga unang gumigising si Mang Cesar. Dahil maaga itong pumupunta sa bukid para tingnan ang mga pananim, minsan pag uwi niya ay nadadatnan niyang tulog parin ang mga anak. Kaya siya nalang din ang nagsasaing at nagluluto ng ulam kung may lulutuin. Kaya lang mukhang nasanay ang mga anak, kaya minsan isang umaga pag uwi ni mang cesar.
'Marlyn'' Gill''! gising na, bumangon na kayo diyan tanghali na!'
sabay bukas ng mga bintana na yari lamang sa maninipis na kawayan o, nilagang kawayan. Ganun din ang kanilang pintuan kaya malayang makakapasuk ang sinumang masamang loob, mabuti na lang at wala namang ganitong klasing tao sa lugar nila.
Unang bumaba si Gill, pagkaraan ng limang minuto sumunod si Marlyn, tapos yung tatlo sabay -sabay na bumaba. Kanya-kanyang puwesto habang nagka-kape o, nag aalmusal habang si Darla at Nana ay ang alaga nilang pusa ang pinagkakaabalahan sa umaga paggising.
'Ui, bilisan niyo na diyan,' tanghali na. tawag ni Gill sa dalawang kapatid si Dory at Darla, araw ng lunes papasuk ang magkakapatid sa eskwelahan. Nauna na sa kanila ang kanilang ate Marlyn para maibinta ng maaga ang dalang gulay, minsan naman nahuhuli' ito sa pagpasuk kaysa sa mga kapatid sa eskwela pero kahit paano hindi naman ito atrasado sa oras. Samantala, malungkot na nakamasid lang ang bunsong si Nana habang naghahanda ang mga kapatid sa pagpasok sa school, wala na naman kasi itong makakalaro at maiiwan na naman silang dalawa ni Mang Cesar.
Pag alis ng mga ate at kuya, pumupunta ito sa may bintana at doon tinatanaw ang mga kapatid hanggang sa mawala ang mga ito sa paningin niya, at pagkatapos ay bababa na at kukunin si emo ang alaga niyang pusa lalabas ng bahay para magpalipas ng oras sa duyan. Hahayaan lang siya ni Mang Cesar, sapagkat wala naman itong ibang mapaglilibangan. Walang tv, walang laruan, at wala din siyang makakalaro dahil may distansiya ang mga bahay sa lugar nila, naaawa man si Mang Cesar sa anak pero wala siyang magawa. Nagpapasalamat na lamang ito dahil hindi ito naghahanap ng kung ano-anong bagay. kapag nainip na ito sa duyan pupuntahan naman ang ama, uupo sa isang tabi at panunuorin ang kanyang ama sa ginagawa.
'O, anak umalis ka diyan, mamaya matalsikan ka ng kahoy.' sabi ng ama na nagsisibak ng panggatong.
'Tay, malapit na silang umuwi?'
'Matagal pa, pagkatapos nating mananghalian matulog ka ha,' para paggising mo, nandiyan na sila.'
Mas maraming pagkakataon na tahimik itong si Nana kapag wala ang mga kapatid, bihira lang naman kasi silang nakakapag usap ng ama dahil marami itong inaasikaso kahit nasa bahay lang ito. Minsan nakikita ni Mang Cesar ang anak na nasa daanan ito at nakatanaw sa kalsada kung saan tanaw narin ang mga taong naglalakad galing ng bayan, marahil umaasa na ang iba dito ay ang mga kapatid. Sulit naman kahit papano ang kayang paghihintay at pagaabang sa mga ate at kuya dahil may pasalubong ang isa sa kanila, kapag sinuwerte lahat sila ay merong munting pasalubong.
Si Marlyn ang namamahala sa pagbili ng mga kailangan nila sa bahay. Mula bigas, ulam at kung ano-ano pa. Siya rin ang madalas na may pera dahil halos araw araw ay nagtitinda siya ng sari-saring gulay na galing sa pananim ng kanilang ama. bahay, eskwela at bukid. Ganito ang rota nila sa araw araw, at kapag weekend mas masaya dahil mas mahaba ang oras nila para sa paglalaro. pero minsan hindi rin maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa magkakapatid na nauuwi minsan sa sakitan, dahilan para mapagbuhatan o, mapalo sila ng kanilang ama.
Sa magkakapatid si Darla ang pinakatahimik, sensitive at mahigpit sa mga bagay na pag aari niya. matindi kapag nagalit, lalo na pagdating sa mga kaaway nito, aloof siya sa ibang tao maging sa mga kapatid nito. madalas nitong ka bonding ay si chum ang best buddy niya. Kabaliktaran naman nitong si Dory, napaka-Out going nito. kikay, Mabarkada at lakwatsera, in other words 'Pasaway' pero siya naman ang tipo ng taong madaling pakisamahan dahil friendly ito at mahilig mamasyal kaya kung saan- saan lang ito nakakarating. may time na hindi na ito nakauwi ng bahay nila, inakala ng buong pamilya na naglayas na siya, labis na nag alala si Mang Cesar dahil inisip niyang baka kung ano na ang nangyari sa anak. Ilang araw din silang naghanap bago tuluyang nakauwi si Dory sa bahay nila, naligaw lang pala at nawili sa pakikitira. *pasaway talaga*
Mabuti nalang at sadyang mabait ang ama, sa halip na pagalitan o, sermunan ang anak bagkus ay tahimik nitong kinausap ang pasaway na anak.
Isang umaga, may dumating na mama sa bahay nila, maitim ito at medyo makapal ang balbas mukhang lasing.
'Napasyal ka pare, anong atin?' bati ni Mang Cesar sa mama.
'Uo pare, kumusta na.' nasaan ang mga anak mo?'
'Pumasok sila p're sa eskwela, si Darla at Nana lang ang nandito hindi pumasok ung isa nagmamaktol kanina.
'Ganon ba, mmm, , , pare.' may hihilingin sana akong pabor kung ayos lang sayo?'
'Naku, pasensiya narin p're pero wala din akung per-----!' hindi na naituloy ni mang Cesar ang sasabihin dahil sumingit si mamang goons.
'Hindi, hindi.' hindi pera ang dahilan ng pinunta ku dito pare. Alam ko naman na wala karin noon, atsaka huwag kang mag alala wala akong balak mangutang ngayon, sa ibang araw siguro.' sabi ng mama na nilakipan ng pagbibiro.
Pansamantalang natahimik at napaisip si Mang Cesar dahil sa sinabi ng mama, pagkalipas ng ilang segundo ay tinanong niya ang lalake sa sadya.
'Kung ganun ano pala ang pabor na yon, sabihin mo pare basta meron bakit hindi.'
'Ano kasi pare, , , parang nag aalangan ang mama sa gusto nitong sabihin. May pakamot- kamot pa sa batok itong nalalaman.
'May nakapagsabi kasi sa amin na meron daw kayong pusa. e, pare may sakit si misis at ang sabi ng albularyong pinuntahan namin ay malaki ang maitutulong ng pusa sa paggaling niya. bibilhin ko sana pare kong meron.'
Hindi agad nakasagot si Mang Cesar. Saglit itong natahimik at mukhang nalungkot, alam kasi nito na parehong malapit ang mga anak sa mga alagang pusa lalo na si Darla at Nana. madalas niya itong makita na kasa- kasama ng dalawa ang mga alaga, kung pwedi lang itabi ng mga ito sa kanilang pagtulog ngunit hindi niya ito pahihintulutan dahil kakalat ang balahibo ng pusa sa kanilang tulugan. kaya paggising ng dalawang bata ay ang mga alaga ang pinagkakaabalahan, nasanay na si Mang Cesar na palaging karga- karga ng dalawang bata ang mga alaga. Lingid sa kanyang kaalaman narinig ng dalawang bata ang usapan nila noong mamang mukhang lasing at mukha pang goons.
Mabilis na naitago ni Darla si chum sa silong ng kanilang bahay, habang si Nana ay tahimik lang na nakaupo sa papag kasama si emo. marahil ay hinihiling na sana ay huwag kunin ang kanyang pinakamamahal na alaga.
'Pare, pasensiya na talaga ha,' pero kung hindi p'wedi wala namang problema nagbabakasakali lang naman.
*The Nerve*
'Hindi, pare teka lang ha.' hahanapin ko lang saglit ang mga pusa. saglit niyang iniwan ang mama upang kunin ang isa sa mga ito. Hindi na niya nagawang sabihin na inaalagaan ito ng mga anak niya at ang pagiging malapit ng mga ito dito. dahil baka isipin pa nito na nangungunsensiya siya at ayaw lang ibigay. Pumasok ng bahay si Mang Cesar sapagkat alam niyang nasa loob lang ang sadya ng taong mama, hindi nga siya nagkamali dahil nasa papag ito pero kasama ang kanyang bunso. nahalata niyang malungkot ang anak sa dahilang alam na nito ang sadya ng ama kaya pumasok ito ng bahay, kaya dinaanan lang niya ito para hanapin naman ang isa pang pusa, si chum. nakita niya ito sa silong ng bahay pero kasama at mahigpit na hawak ni Darla..
SANA ABANGAN NINYO ANG SUSUNOD NA PARTE NG KUWENTO, INAANTOK NA KASI AKU AT MEDYO HANG NA. KAILANGAN KU NG MATULUG DAHIL MAY LAKAD PU AKU TOM.
Time checked: 4:00am..................sunday.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro