Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter four

iii. ang santan bracelet, si sav, at si sof

s a v

───────────────

Habang hinihintay si Sof na pumasok ng classroom, magkasama kami ng kaibigan kong si Bry habang nakaupo sa may corridor. Wala, nakatambay lang. Nakakatamad kasi kapag patapos na school year tapos pasahan na lang ng requirements; ang dahilan na lang ng pagpasok ko ay makita si Sof. 

Habang nagmumuni-muni, bigla akong sinundot ng ballpen ni Bry.

"Sav, kailan mo na balak umamin?"

Kunwari 'di ko siya narinig. "Huh?"

"Kailan mo kako balak umamin?"

"Huh?"

"Kailan ka aamin, bingi!"

"Huh?"

Bigla na lang akong binatukan ni Bry. Nyeta, medyo napalakas 'yon. Nabuga ko tuloy V-Fresh ko. "Ano ba!"

"Huh ka nang huh diyan, e kung huh-tawin kita?"

"Tsk, bayaan mo nga 'ko." Nagbukas ako ng bagong V-Fresh. Kay Sof sana 'to kaso ang tagal niya pumasok ngayong Wednesday e, tapos nabuga ko pa 'yung akin, kaya si Bry sisihin niya.

"Lapit na prom," sabi ni Bry habang nag-aayos ng portfolio niya sa English. "Isasayaw mo ba siya?"

"Hindi," sabi ko. "Pagtitripan ko na lang siguro 'yung dare, Bry. Ewan ko na."

"Bakit naman? Kung may tamang panahon para umamin sa kanya, sa Friday na 'yun."

"Hindi pa nga 'ko ready."

"Bakla! Kailan ka magiging ready? 'Pag patay na kabayo?" 

"Sana ikaw 'yung kabayo."

"Alam mo ikaw—"

"'Di mo kasi alam feeling!" depensa ko sa sarili ko. "Matindihang hit or die 'yon, hindi na miss. Die kasi ikakamatay ko talaga 'pag iwasan niya 'ko after niya ako i-reject."

"Hindi ko talaga alam feeling kasi hindi naman ako duwag. Ikaw hindi pa nga sumusubok, pagiging rejected na agad iniisip. Ewan ko sa 'yo." Nag-stapler siya ng mga seatworks. "Takot sa hit or miss, e 'yon nga ang point ng pag-risk."

"P'wes ayoko mag-risk. Saka may dahilan naman pagiging duwag ko."

"Oo, meron. Katangahan."

"Mas gusto kong umamin kapag kaya ko nang umalis ng Pilipinas at magpalit ng identity."

"Hanggang saan ka aabutin ng bente pesos — ng katorpehan mo?"

"Hanggang sa magka-boyfriend na siya."

"Paano kung 'di pa siya nagbo-boyfriend kasi hinihintay ka niya?"

"Paano kung manahimik ka na lang?"

Nginuya ko na lang 'yung V-Fresh at hindi na siya pinansin. Nagpalumbaba na lang ako habang ginawa kong background noise 'yung panenermon sa 'kin ni Bry tungkol sa pag-amin ng feelings at ang quote na it's better to risk than to regret at iba pang mga kabalbalang naririnig niya kay Papa Jack tuwing gabi. 

Hindi kami sabay ni Sof pumasok ngayong araw kasi ihahatid daw siya ng tatay niya, pero okay lang 'yon kasi mas may oras pa ako mag-isip.

Isa ro'n ay . . . alam ko namang may point si Bry, kaya nga binabara ko na lang siya. Pero hindi ko pa nga kasi kaya umamin. At least hindi muna ngayon. Naalala ko kasi nung ni-reject niya si Edwin unang beses, umarte talaga siyang hindi siya nag-e-exist. Iniiwasan niya. Kapag magkagrupo sila, makikipagpalit siya sa 'kin, o sa iba. Gano'n siya katindi mang-reject — iniiwasan niya — e, ayoko namang mangyari sa 'kin 'yon. Baka mamatay ako bigla. May part sa 'king sinasabing worth the risk naman si Sof, at alam ko naman 'yon — pero siguro mas madali lang sa 'king maging kumportable sa kung ano mang mayro'n kami ngayon, kahit na hindi na kami umusad pa mula rito.

"Paano kung maunahan ka?" tanong ni Bry.

Paano kung maunahan ako?

Edi good game. 

Kahit hindi naman ako naglaro.

--

Nung uwian, tumambay muna kami ni Sof sa may garden ng school. Gumagawa kami ng santan bracelets. Sa totoo lang, bawal talaga mga studyante rito kasi baka raw maapakan ibang mga halaman, kaso malakas kami kay kuyang guard kaya hinayaan na lang niya kaming dalawa.

Pasulyap-sulyap lang ako kay Sof habang iniisip pa rin 'yung sinabi niya kahapon. Malakas talaga pakiramdam ko na habang magkasama kami sa Fashion Circle na 'yon, may nasabi ako. Nyetang kumikinang kasi eh, wala talaga 'kong maalala. Paano kung umamin nga 'ko sa kanya nung gabing 'yon kaya ayaw nang pag-usapan ni Sof?

Saka ano'ng ibig niyang sabihing naka-direct lahat ng sinabi ko kay Gabby? E, ni sa panaginip ko nga hindi lumalabas 'yun, pa'no pa kapag lasing. Alala ko sumasama siya sa akin doon sa birthday ni Bry kasi crush niya raw ako pero halata namang si Sof ang gusto ko, hindi siya, kaya wala lang sa 'kin 'yon. 'Di kaya inaasar lang ako ni Sof? Bwisit.

"Hindi naman kayo hawig ni Gabby," sabi ko na lang. 

"Ang random mo teh?"

"Oo nga," sabi ko. "Parehas lang kayo buhok at height. Pero 'di kayo magkamukha."

"Ano gagawin ko sa impormasyong 'yan?" Naka-focus siya sa ginagawa niyang bracelet. "Pa-diyaryo ko ba?"

"Oo, ipakalat mo. BREAKING NEWS: HINDI KAMI MAGKAMUKHA NI GABBY. SOURCE: pogi kong best friend."

"Ang daming kasinungalingan sa iisang headline." Bumuntunghininga siya. "Bakit ba bigla mo sinabi? Iniisip mo pa rin ba 'yung tanong ko kahapon?"

"Oo, labo mo kasing kausap."

"Wala ka nga kasi sinabi," sabi niya. "Ikaw lang naman ayaw maniwala."

"Tunog nagsisinungaling ka kasi e."

"E di paniwalaan mo ano gusto mo paniwalaan, basta sinasabi ko totoo," sabi niya.  "Sige pagpalagay na lang nating may sinabi ka no'n, tapos si Gabby kasama mo. Ano magiging reaksyon mo?"

"Hmm." Napaisip ako. "Una, hindi ako sasama kay Gabby—"

"Mm! Unang kasinungalingan for today."

"Hoy! Makapagsalita 'to. FYI, dalawang beses ko lang nakasama si Gabby nang kami lang," sabi ko. "Una, 'yung pinapunta niya 'ko sa bahay nila. Pangalawa, nung last Foundation day. Lahat 'yon siya nag-aya."

Hindi agad siya sumagot. Napahawi na lang ako ng buhok ko patalikod.

"Wala ka talagang gusto dun?" tanong ni Sof. Medyo mahina boses niya, parang nag-aalangan sa sariling tanong. Nang hindi ginagalaw ang ulo, tiningnan ko siya. 

Gusto ko sabihing wala. Gusto ko sabihing siya lang naman talaga una pa lang. Nagkagusto ako kay Sof at hindi na tumingin kahit kanino — parang ginayuma niya nga 'ko e, pero hindi. Gano'n lang talaga kadali magkagusto sa kanya, kaya hindi ko rin masisi si Edwin bakit hanggang ngayon 'di pa siya sumusuko. Ako rin naman. Ang pinagkaiba lang namin ni Edwin, mas matapang siya kaysa sa 'kin. Mas kaya niyang harapin 'yung kinakatakutan ko.

Ewan ko san napulot ni Sof na may gusto ako kay Gabby dahil wala naman. Kahit isang beses hindi naman ako nagpakita ng motibo na may nararamdaman ako para sa kanya.

Pero isa lang sinagot ko.

"Secret."

Umikot mga mata ni Sof saka tumayo na lang. "Ewan sa 'yo."

"Oh, tampururot ka na naman." Tumayo na rin ako saka sinuot ang bag. "Bracelet mo tapos ko na."

Napatigil si Sof saka tumingin sa santan bracelet na inaabot ko sa kanya.

"Bigay mo kay Gabby," na lang ang sabi niya, na tinawanan ko naman.

"Gags ka talaga," sabi ko saka siya inakbayan. "Uwi na nga tayo. Baka mamaya, ikaw pa ma-in love kay Gabby diyan."

"'Yung tanong ko kanina 'di mo naman tinapos sagutin."

Tiningnan ko siya. Bakit iba timpla ng mood niya ngayong araw? Simula pa pala 'to kahapon nung nag-uusap kami sa may tapat ng Fashion Circle. Galit ba siya? May nasabi ba 'ko? Tungkol na naman ba 'to kay Gabby?

"Ah . . . kung ano magiging reaksyon ko?" Nag-isip ako. Ano ba p'wede kong lusot dito . . . "Teka nga. Bakit mo ba tinatanong?"

"Bawal ma-curious?"

"Umamin ka na nga." Tumigil ako sa paglalakad. "May nasabi ako no'n, 'no?"

Umiwas siya ng tingin.

"Hoy, Sofia."

"YUCK! 'Wag mo 'ko tawaging Sofia, kadiri."

"Sagot na kasi."

Makalipas ang limang segundo, huminga siya nang malalim saka tiningnan ako. "Okay, sige. Aamin na 'ko. May sinabi ka talaga nung gabing 'yon. Habang kasama mo 'ko. Wala si Gabby — as in tayong dalawa lang."

Bigla tuloy akong kinabahan. Muntik ko takpan bibig ni Sof kasi ayoko na pala marinig, pero para na rin 'to sa ikakatahimik ko. Saka ng ikakatahimik din ni Sof, kung nagugulumihanan din siya kung sakali.

"Ano?" tanong ko.

Umayos siya ng tayo.

"Sabi mo, gusto kita."

TANGINA. Sabi ko na nga ba. Bigla ako napaikot tapos naglakad palayo, nakatakip ng bibig gamit ang likod ng palad, pero hinabol ako ni Sof. Naglalakad pa rin ako nang mabilis hanggang paglabas namin ng gate, kasi hindi ako makapaniwala na umamin ako sa kanya. TWO YEARS AGO. HABANG LASING. TAPOS HINDI KO MAALALA?!

Anak ng tipaklong talaga. Tapos ngayon lang 'to sa 'kin sinabi ni Sof? E di mukha akong tanga nyan all this time!

"Hoy, Sav at mahahaba mong binti! Hintayin mo naman ako!" 

Nakngpucha ayoko tingnan mukha niya. Nahihiya ako. Parang gusto ko na lang mag-evaporate kasi mas madali 'yon kaysa harapin siya.

"Sav!" tawag niya ulit. 

Sa panglima niyang tawag, lumingon na 'ko.

"Bwisit ka talaga!" sabi niya. "Ano ba, bakit ka nag-walk out?"

"E, nahihiya ako." Naglakad ako ulit tapos sumabay na siya.

"Ngayon ka pa mahihiya, dalawang taon na nakalipas."

"Wala kang pake."

"Hindi mo naman ako pinatapos."

"Tangina — may kasunod pa 'yon?" sabi ko,  tumigil ulit sa paglalakad para tingnan siya.

Tumawa siya habang naglalakad kami ulit. "Alangan namang . . ." Tumawa siya ulit. "Malamang!"

Ano pa kaya sinabi ko pagkatapos ko umamin? Saka bakit siya tumatawa? Hindi niya 'ko iniiwasan? Hindi siya galit? Teka, hindi pa talaga nagsi-sink in sa 'kin ang lahat. All this time, alam niyang gusto ko siya, tapos . . .

"Binanggit mo rin kasi agad pangalan ni Gabby."

Napatigil kami sa paglalakad. Nasa tapat na pala kami ng kanto ng street nila.

"Ta's 'yun . . ." Tumikhim siya.

Natameme naman ako.

". . . Huh?"

"Huh mo mukha mo. Sige na, uuwi na 'ko."

"Sandali, 'di ko gets," sabi ko. Hindi ko namalayan hinawakan ko na pala kamay niya. "Bakit ko sinabi pangalan niya?"

"Malay," sabi niya. "Baka akala mo siya kasama mo hindi ako."

"Huh?"

"Bakit?" sabi niya, tumatawa. "Alangan namang sa 'kin ka umamin nung gabing 'yon. Best friends tayo 'di ba?"

Parang may nabasag sa 'kin pagkasabi niya no'n. Best friends. Malamang. Dun lang naman ako dapat — sa pagiging best friend. Medyo nilamon tuloy ako ng hiya kasi parang indirectly ko sinabi sa kanyang okay lang sa king umamin ako sa kanya, pero siya, tinawa niya lang. Para kasi sa kanya, expected na 'yun . . . na hindi ako aamin. Kasi best friends kami. Sa kanya na galing.

Tiningnan ko siya saglit saka ko binitiwan ang kamay niya.

"Ngats," sabi niya, pero 'di ako sumagot.

 Napatayo na lang ako. Hindi ko maintindihan.

Sure ba siyang Gabby ang sinabi ko at hindi gabi?

───────────────

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro