(6) Ngiting Minanipula ng Salita
para kay shekainah. salamat
sa tiwala, palaging pag-intindi,
at pagrereal talk sa akin.
━━━━━━━━━━━━━━━━━
SHEKAINAH CASTILLO has always been there for my side. She guides me in every situation I face and might face in my journey. She never fails to encourage me to do better—to strive for the best version of me. It has always been like this, she makes me cry in laughter, cheers me up with all her might, and offers her shoulder for me to cry on.
Kaso lahat ng ito ay nagbago nang mangyari ang isang ordinaryong araw na hindi ko alam na magagawang guluhin ang tahimik naming pagkakaibigan.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Isang umaga, nakipagkita sa akin si Ainah sa isang coffee shop. Nakakapagtaka dahil wala akong maisip na posibleng rason sa biglaan niyang pakikipagkita. Siguro sa 3 years naming pagkakaibigan, dalawa o tatlong beses pa lang itong nag-aya. Karaniwan kasi ay ako ang palaging nag-aaya. Ako kasi ang masasabi mong clingy in an unclingy way. 'Yung tipong gutso palaging nakabuntot sa isang tao pero ayaw masabihan ng clingy kaya palaging nakaiwas ang tingin habang nakahawak pa rin naman sa damit ng taong 'yun.
"Psst, MJ!" Nang lingunin ko ang kanina ko pang naririnig na sumisitsit sa likod ko ay natawa nalang ako. Si Ainah na pala 'yun.
"Ainah!!" Kumaway ako ng paulit-ulit at ngumiti ng malaki. Natawa rin ito sa naging reaksyon ko. I excitedly walk towards her.
"May problema ka ba?" I ask kahit na alam kong malabo. This is Shekainah Castillo we are talking, bihirang-bihira itong magkaproblema. "Bakit ba bigla kang nakipagkita?"
"Kasi. . . kasi may nangyari. . ." Kita ko ang pagpipigil nito sa pagngiti.
Dahil dito ay napangisi na rin ako, "At ano naman 'yun?"
"You know that I'm not a fan of texting and such diba?" sumimsim ito sa kaniyang iced coffee, "But this. . . this stranger. . . masyado siyang makulit."
"Shet? Seryoso?!" huminga ako ng malalim, pinipipigilang magtatalon sa kilig. "So sino siya?"
"I don't know. . . nag-text lang siya out of nowhere. Hindi ko nga rin alam kung saan niya nakuha ang number ko. Basta bigla nalang itong nagmessage sa akin saying hi."
"Kelan pa nangyari 'to?"
"Last month." Nanliit ang mata ko. Bakit ngayon niya lang sinabi? "Pero this is just the third day of us messaging each other. Nung isang araw ko lang kasi siya nireplyan."
"Kung last month pa siya nagtetext sayo, bakit nung isang araw mo lang nireplyan?"
"Paano kasi nabored ako sa party na pinuntahan namin ni Dad kaya napahalungkat ako sa inbox ko ng wala sa oras. And then there, I found his messages at nagreply ako with just one dot. Syempre natatakot din ako baka mamaya eh DDS pala 'yun yikes."
"Gaga ka!" natatawa ko siyang binatukan. Maya-maya ay tumaas baba ang kilay ko, "Baka naman pakita ng convo, oh?"
"Luh? Ayoko nga!" Umiling ito. Okay, did she just say no?
"Hmm. . . mukhang may napag-usapan kayong something diyan ah?" malisyoso ko siyang tinignan. "Aba, aba, Ainah. Ikaw ha."
Umirap lamang ito sa akin at kinuha ang kaniyang phone. Nagpipindot ito ng ilang sandali bago ito iniharap sa akin.
"Ayan yung messages niya sa akin last month. Look mo." Tuluyan niya nang ipinahawak sa akin yung phone niya. "Swipe right mo lang for other screenshots."
Tumango ako at binasa ang mga texts sakaniya nitong someone na ito.
Unknown Human
+639953125233
Hello! Sino ka po? || received 42 days ago
Taga-BULSU ka rin ba? || received 39 days ago
Pssst! || received 38 days ago
Good morning, sayo (kung sino ka man hehe) || received 34 days ago
Lalake ka ba? Paglalake ka patay na! || received 34 days ago
Hala. Baka lalake ka nga. Yoko na nga. || received 34 days ago
Feeling ko babae ka eh. || received 34 days ago
Hi po :) || received 31 days ago
Watch out madlang pipooool!!! || received 31 days ago
Ay sarado na nga pala abs-cbn. || received 31 days ago
Hello daberkads! || received 31 days ago
Lalake ako just so you know. So if lalake ka rin, magreply ka na pre para hindi na kita guluhin || received 30 days ago
So babae ka? || received 28 days ago
"Ang weird naman nito," komento ko matapos basahin ang mga text messages ng stranger na 'to.
"I know! Kaya nga hindi ko siya nireplyan nung una eh."
Sumimsim muna ako sa aking frappe bago siya malokong tinanong, "Pero ngayong nagkakausap na kayo, worth it naman ba ang paggastos mo for prepaid load?"
Maliit itong tumango. In denial. Sus, ayaw pang aminin.
"Worth it naman. . ." mahina nitong bulong nang hindi makatingin sa akin.
"Just make sure na hindi ka masasaktan diyan sa ginagawa mong 'yan ha?" paalala ko rito. "Pinakamasklap na heartbreak na pwede mong maranasan ay ang manggagaling sa isang hindi mo kilala sa personal."
"Hashtag quote unquote, ang payo ng expert sa lnternet Love, Miss MJ on spotlight! Everyone, palakpakan," mapang-asar itong pumalakpak. Umakto pa itong naghahagis ng confetti kaya't napairap nalang ako.
"Baliw." Nagtawanan pa ulit kami bago siya nagpatuloy sa pagkekwento patungkol sa kausap niya. Basing on her smiles and the twinkling of her eyes as she narrates her thoughts about this stranger, I can say that she really is genuinely happy.
At last, nakita ko rin ang totoo niyang ngiti.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
"Tangina." Napalingon ako kay Ainah. Nasa cafeteria kami ng BULSU ngayon at busy ito sa kaka-tap sa kaniyang phone. "Putanginang gago talaga."
"Hoy! Bunganga mo nga!" suway ko rito. "Ano bang meron?"
Almost three weeks na itong palaging busy sa kakahawak sa kaniyang phone. Medyo nawawala na nga rin ang focus niya saakin. Magtatampo na nga sana ako pero sa tuwing nakikita ko ang mga patagong ngiti nito ay umaatras bigla ang tampo ko. She's happy, hindi ko dapat ito gambalain.
"Huy?" tanong ko ulit sa kaniya dahil hindi ako nito sinagot. Gigil itong nagtatype at maya-maya pa ay padabog na ibinagsak ang kaniyang phone sa lamesa.
"Tangina kasi, MJ! Parehas pala kami ng highschool na pinanggalingan nitong si Wind! It means magkakilala kami. Fvck this shit. Ugh!" Sinabunutan niya ang kaniyang sarili.
Wind nga pala ang ginagawa niyang nickname sa katext niya. Dahil daw sa kahit hindi niya ito nakikita ay nararamdaman niya pa rin ang kilig kahit na saan siya magpunta. Cringe. Napangisi ako.
"I never thought that you would be this kind of crazy over that guy," naiiling kong komento habang pinapanood siyang maaligaga. "Ayaw mo ba 'nun? May connection kayo?"
"I don't know! Nakakagulat lang kasi. So all this time ay kilala ko talaga itong kausap ko ngayon? As in personally kilala ko siya? The fvck?" ginulo ulit niya ang kaniyang buhok.
"What if siya ang pinakahate mong guy sa batch niyo?" loko ko rito. "Uyy! The more you hate the more you love pa ngaa~" natawa nalang ako dahil sa unti-unting paggusot ng kaniyang mukha.
"Tangina talaga! Ayoko naa!" at paulit-ulit nitong inuntog ang ulo sa kaniyang hawak na cellphone. Paniguradong puyat na naman itong papasok bukas kaka-overthink.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
"It's you
It's always you
If I'm ever gonna fall in love
I know it's gon' be you."
"Ainah naman!" Huminga ako ng malalim para pigilan ang sariling mabahiran ng asar ang aking boses. "Naririndi na ako riyan sa paulit-ulit mong kanta. Please naman! Pagpahingahin mo naman itong tenga ko. . . I mean yang boses mo!"
Tinawanan lang ako nito at pinagpatuloy ay kaniyang kanta.
"Please don't break my heart
Don't tear me apart
I know how it starts
Trust me I've been broken before."
"Bwiset, " mahina kong bulong at sinalpakan nalang ng earphones ang kaawa-awa kong tenga. Ang kaso ay kahit full volume na ito, malinaw ko pa ring naririnig ang pagkanta niya. Halatang nang-aasar nalang eh, leche talaga. Kung hindi lang ito in love, kanina pa ako nag-walk out sa kaniya.
Nang lumipas ang ilang minuto at hininaan na niya ang kaniyang pagkanta ay nilapitan ko siya. Hawak na ulit nito ang kaniyang cellphone habang pangiti-ngiting nagtatype. Paniguradong kausap na naman niya si Wind. Ugh.
"Hoy," puna ko sa kinikilig kong katabi. "May label na ba kayo?"
Sinamaan ako nito ng tingin. "Baliw. Friends lang kami."
"Friends daw." Dinuro ko ang kaniyang bibig. "Sige lokohin mo ko gamit 'yang ngiti diyan sa labi mo."
"Oo nga friends lang kami!" Naramdaman ko ang panghihina sa boses nito. "Tsaka may ibang gusto 'yung tao 'no."
"Luh?" Napatigil naman ako. "Edi 'wag mo na replyan. May iba naman palang gusto eh."
"That's rude. Wala namang masama kung mag-usap kami kahit na may gusto siyang iba ah. We're just talking about random things. Anong masama doon?"
"Ang masama dito ay nahuhulog ka na sakaniya. Despite knowning na may gusto na siyang iba, you still choose to spend your time with him. Ang tendency nito ay mas lalo ka lang mahuhulog. Sa huli, ikaw ang kawawa," pagpapangaral ko sa kaniya habang umiiling pa.
Natahimik ito sa aking sinabi. Nakabusangot ang kaniyang mukha na binitawan ang kaniyang cellphone. Kita ko sa maliliit na paggalaw ng labi niya na may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya lamang ang sarili.
"Cut your connection with him." I said it with finality.
Mas kumunot ang noo niya. Matulis na tingin ang iginawad nito saakin at tumayo sa kaniyang kinauupuan.
"Ano bang pake mo sa desisyon ko? Bakit, noong ikaw ang may mga katext diyan, may narinig ka bang reklamo sa akin? Sinuportahan kita. Bakit ngayong ako naman ang nasa posisyon mo, hindi mo magawa?"
Matapos niyang sabihin iyon ay kita ko ang pagkahingal niya. Ramdam ko ang diin sa bawat salitang kaniyang binitawan. Ilang minutong pakikipagtitigan sa akin ay tinalikuran niya ako at padabog na umalis.
Naiwan akong tulala sa nangyari.
Hindi ko inaaasahang ang katext pa nito ang magiging dahilan ng aming unang pag-aaway.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
"Ainah. . . huy." Kinalabit ko ito. "Sorry na. . ."
Dalawang araw ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob para lapitan siya. Gusto ko ngang sana sa araw na 'yun ko rin siya kausapin ang kaso ay inisip ko na kailangan niya munang magpalamig ng ulo.
Nang lingunin ako nito ay mayroong maliit na ngiti sa kaniyang labi. Ngunit parang may mali. Parang. . . parang may lungkot sa mata niya?
"Okay!" Nagulat ako sa mabilisan nitong pagtanggap sa paumanhin ko.
"Okay? As in we're good na? Bati na tayo?" Nakahinga ako ng maluwag at sumilay ang ngiti saaking mukha nang tumango ito.
"Basta ba makikinig ka sa ikekwento ko ngayon, bati na tayo!"
Hindi ko napigilang umirap. Probably ay tungkol na naman ito kay Wind. But that's okay. At least we're fine now.
"Ainah, anong problema?" Nag-aalala kong tanong. Iba ang aura niya ngayon. May mali.
"K-Kasi. . ." Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Kasunod agad nito ang kaniyang mahihinang hikbi na sa tatlong taon naming pagkakaibigan ay ngayon ko lamang narinig.
Shekainah Castillo has always been the brave girl I know. Hinding-hindi nito hinahayaan ang buhay na maapektuhan ang kaniyang emosyon at pagkatao. She's always prepared to wage a war in every person na that will hurt her loved ones. But now. . . seeing her crying like this makes my heart broken.
"I ended our talk." Sa gitna ng hagulogol ni Ainah, ito lamang ang naririnig kong pauli-ulit niyang sinasambit. "Tinapos ko na ang lahat, MJ."
Hindi ko maintindihan. Bakit siya ang umiiyak gayong siya naman pala ang tumapos sa kanilang pag-uusap. Dapat ay ang katext niya ang miserable ngayon. Dapat ay matapang itong nakangiti ngayon. Bakit. . .? Ano bang nangyari?
"Noong third year highschool pala ay sa ECI ka nag-aral? Lumipat ka lang noong gagraduate ka na?" Nagulo lalo ang mga tanong sa isip ko ng ibato nito saakin ang kaniyang tanong.
Nang humarap siya sa akin ay doon ko lamang nakita kung gaano nasasaktan ngayon ang aking matalik na kaibigan.
"P-Paano mo nalaman 'yan?" Naguguluhan kong tanong.
Pumikit ito ng mariin dahilan para may tumulo ulit na luha galing sa kaniyang mata. Ginamit nito ang likod ng kaniyang palad upang pahirin ang kaniyang pisnging dinungisan ng luha.
"Last night, napunta kami sa topic na about sa taong gusto niya. Para syempre hindi magtunong bitter, I pretended to be curious. Dahil batchmates kami, I tried giving my hunches. And for some reason, tumama ang hula ko. Guess who?"
Lito pa rin akong nakatingin sa kaniya. Ano bang gusto niyang marinig sa akin? Hindi ko siya maintindihan.
"Nathan. Does it ring a bell?" Mapait nitong usal saakin.
Nanlaki ang mata ko pagkabanggit niya ng pangalang ito. What the fvck. It can't be!
"Mary Jane Seraphina, yan ang hula ko. Ang weird diba? Kasi hindi naman kita kabatchmate eh. Ang kaso ay ikaw lang naman ang una kong naalala nang mabanggit niyang mahilig makipagchat sa stranger. That's how you and him met daw. Like us." Tumawa ito ng puno ng pait. "Ang galing 'no?"
Wala akong nasabi ni isang salita. Nanuyo ang bibig ko, nalilito sa mga nangyayari.
But that was before! Past na 'yun. Kinalimutan ko na ang lahat. Hindi ko naman alam na hanggang ngayon ay.. . . ay ganoon pa rin ang nararamdaman ni Nathan para sa akin. Atsaka kasalanan ko bang nagkausap si Ainah at Nath—nakaramdam ako ng malamig na tubig na bumuhos saaking katawan.
Shit.
"A-Ainah. . . may gusto sana akong sabihin sayo." Nakayuko kong sabi. "Akala ko kasi ay kagaya ko, sasaya ka rin once na maranasan mo rin ang magkaroon ng textmate. Sorry if it caused you nothing but temporary happiness."
"W-What do you mean?" Litong tanong nito habang may bakas pa rin ng luha ang kaniyang pisngi.
Nanginig ang boses ko, "Ako kasi ang nag-iwan ng cellpone number mo sa locker room ng boys."
━━━━━━━━━━━━━━━━━
050220
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro