Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(4) Sulat ng Kaluluwa

para kay jay na kinabukasan
matapos basahin ito, maga ang
mata. haha, panget mo.

━━━━━━━━━━━━━━━━━

JANELLE DE CASTRO never did look in front of a mirror and say, 'I look great.' Kahit kailan ay hindi ito nagkaroon ng tiwala sa kaniyang sarili. Halos araw-araw kasi itong ikinukumpara saakin-sa akin na ate niya. Kaya tuloy, hindi na niya nabibigyan ng atensyon kung gaano nga ba talaga siya kaganda sa panloob at panlabas niyang katauhan.

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

Habang nag-aayos ako ng aming uniporme para bukas, napansin ko ang mukhang nakabusangot ng nakababatang kapatid, "Hoy. Problema mo?"

Hindi man lang ako nito sinagot o kahit dinapuan ng tingin. Kunot na kunot ang noo nito at miriing nakatingin sa pader na tila nandoon ang kaaway niya. Ang kaniya namang crossed arms ay tila nagsasabing wala siyang kahit na anong tatanggaping opiniyon, defensivd mode kumbaga.

Iniling ko na lamang ang ulo ko at inayos na ang pagpaplansta ng mga damit. May topak na naman. Panigurado'y kung ano-ano na naman ang sinabi nila Mama at Lola sakaniya.

Habang nagpaplansta ako ay naramdaman ko ang paglapit niya sa aking study table. Agad namang nangunot ang noo ko nang buksan nito ang cabinet kung saan nakalagay ang mga caligraphy pens ko, "Janelle! Bakit ka ba nangingealam diyan? Ano ba'ng kukunin mo?"

Higit kasi sa lahat ng ayoko ay ang pakikielam sa mga gamit ko lalo na kung ang usapan is yung caligraphy pens or yung mga libro ko. Back off lang sila at baka magtransform ako into monster once na may mangyaring masama sa mga babies ko.

"Damot. 'De 'wag," tapos ay padabog niyanh isinara ang pintuan ng kwarto namin.

"Ugh. Kapag tinotopak ka nga naman," ang tangi kong sinabi at inintindi nalang ang kalagayan nito. Ano kayang hinahanap n'un sa study table ko eh ang laman lang naman n'un bukod sa mga pens ko ay mga libro. Wala namang hilig 'yun sa 'kaartehan' like what she calls it. At mas lalong wala itong hilig magbasa ng libro.

Bahala na nga siya.

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

Lahat ng fourth year highschool ay kasama sa retreat sa Baguio kaya ngayong gabi ay hindi ako makatulog ng maayos dahil sa sobrang excitement. Sht. Three days din kami doon at alam kong madaming pwedeng mangyari sa loob ng tatlong araw.

"Ate MJ," habang nakatalikod ako kay Janelle para itago ang aking wirdong ngiti ay nagulat ako nang bigla niya akong tawagin. Akala ko ay kanina pa siya tulog. . .

"Ow?" tipid kong sagot dahil medyo tuyo na rin ang aking lalamunan sa ilang oras na hindi pagsasalita. 1 am na rin kasi at 4 am ako gigising dahil 5:30 am daw ang call time.

Ilang minuto akong naghintay ngunit wala akong narinig na kasunod nitong sinabi. Nang lingunin ko siya, nagtaka ako kasi gising pa naman ito.

"Bakit ba?" tanong ko ulit.

Hindi pa rin niya ako inimik at imbes ay tinalikuran niya ako at niyakap ang kaniyang rectangular shaped na unan (for years). Doon lang ata sa unan niya siya nagiging malambing eh. Kahit na buong buhay ko ay siya na palagi ang katabi kong matulog, hindi naman ito nagpapayakap. Although may times na naaalimpungatan ako dahil umiingit ito at mararamdaman ko nalang na nakayakap na ito sa akin-but that's an excemption, nananaginip eh.

Bumuntong hininga nalang ako at sinubukang huwag pakinggan ang ingay ng utak. Masyado pa kasing active ang mga boses sa utak ko kaya't hirap akong makatulog. Ngunit namalayan ko nalang na nagawa ko na palang makatulog nang magising ako dahil sa aking alarm tone.

"Space unicorn

Soaring through the stars

Delivering the rainbows

All around the world."

Dilat na dilat ang mata ko at nawala lahat ng antok ko nang maalala ko kung anong meron ngayong araw na ito. Shit, retreat na!

"Space unicorn

Shining in the night

Smiles and hugs forever

All around the world."

"Ate MJ! Patayin mo nga yang alarm mo, nakakainis naman oh!" buti nalang at kahit puno ng irita ang pagkakasabi sa akin ni Janelle ay hindi pa rin nito natabunan ang kasiyahan sa aking sistema. "Akala kasi siya lang tao dito sa kwarto. Tsaka para kang bata, ayan pa ring tone mo."

Hindi ko na ito inintindi pa at tumayo na. Pinatay ko na rin ang alarm ko na nakakairita daw. Duh. Ang cute kaya, ringtone yan ni Star Butterfly eh.

"Ma, La, alis na po ako," paalam ko sa dalawang nasa aking harapan. Tulog pa kasi si Lolo at si Janelle naman ay paniguradong nagcecellphone lang 'yun ngayon at tinatamad na bumaba. Sa oras kasi na maalimpungatan siya ay hirap na siyang makabalik sa tulog. Paniguradong cellphone ang kinakalikot niya ngayon.

"Mag-iingat ka doon 'ha," paalala ni Lola habang nakakunot ang noo. Ayaw kasi talaga niya akong payagan. Napilitan lamang siya dahil pinakiusapan ko si Mama na kausapin niya siya para pumayag. Hindi naman ako binigo ni Mama kaya't tuwang-tuwa ako.

"Syempre, kahit ano gagawin ko para sa favorite kong anak," nangingiting saad ni Mama habang hinahaplos ako sa buhok.

Nang sumagi sa isip ko ang linyang binitawan niya ay agad na nawala ang ngiti sa labi ko. Vocal akong tao. 'Yung tipong straight to the point. Pero bago ko mailabas ang kung ano mang gusto kong sabihin, pinag-iisipan ko muna for days kung paano ko ba ito sasabihin in a natural way. Yung tipong hindi nila iisipin na ilang araw ko itong pinroblema?

Kaya noong nagkaroon ako ng lakas ng loob ay binuksan ko ang topic about sa pagiging 'favorite' ko sa loob ng bahay. Ayoko kasi ng ganoon. Ayoko ng may favoritism. Lalo na kung sobrang bulgar sila sa pagpapakitang mas gusto nila ako kaysa sa kapatid ko. That is just so unfair and biased.

"So sinasabi mo na gustuhin namin 'yang kapatid mo kahit na in the fist place ay ayaw niya sa amin?" kunot-noong tanong saakin ni Mama habang kumakain kami ng miryenda sa labas ng bahay-hindi kasama si Janelle.

"Hindi po gustuhin ang punto ko ma. I want you to understand her," sinubukan kong habulin ang kanilang mata ni Lola pero sa iba nakatuon ang kanilang mga gawi. "Atsaka sino po bang nagsabing ayaw ni Janelle sainyo? Sinabi niya ba? Hindi naman po diba?"

Natahimik si Mama. Si Lola naman ang sumagot saakin. "Kilos niya ang nagsasabi na ayaw niya sa amin, MJ. Hindi mo ba rinig ang dabog sa paa nito sa tuwing inuutusan namin siya? Hindi mo ba ramdam ang malamig na pakikitungo niya sa amin? Doon palang hija, masasabi mo nang may galit siya sa amin."

Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Lola at nagpatuloy nalang sa pagkain ng miryenda. Marami akong gustong salungatin ngunit pinagpasyahan kon manahimik nalang. Sarado ang isipan nila na kahit "ang paboritong anak o apo" ay hindi na magawang buksan.

Bago pa namin maubos ang tinapay ay ipinagtabi ko na ang aking kapatid. Ilang ulit na kasi namin itong inaya pero ang sabi niya ay ayaw niya kahit na alam kong gusto niya naman talaga. Kaya't ako nalang ang magdadala sa loob ng kwarto pagkatapos kong samahan sina Lola.

"MJ, anak, huwag mong kakalimutan ang mga binilin ko sayo ah?" sinipat ni Mama ang dalawang bag na dadalin ko: isang back pack kung saan nakalagay ang mga damit ko, at isang shoulder bag naman para sa aking gadgets at wallet.

Bago tuluyang umalis ay nagmano muna ako sa kanilang dalawa. Nang makalabas ako sa bahay ay sinikap kong alisin na sa utak ko ang mga sumagi sa isipan kanina. Huminga ako ng malalim at sinubukang damhin ang lamig ng madaling araw. Malamang ay mas malamig kung nasa Baguio na ako-and with that thought, nawala lahat ng iniisip ko at bumalik na naman ang excitement.

Nakangiti akong naglakad patungo sa eskuwelahan na dalawang kanto lamang ang layo sa bahay. Ugh. This is just so magical!

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

Ako lang ang mag-isa kanina sa loob dahil nagpaalam ang aking roommate, si Jessa, na magtatanong lang sandali kay Maam Labayani. Tahimik lang akong nag-iisip ng kung ano-ano at natawa ako nang maalala ko ang naging reaksyon ko matapos bumaba ng bus kahapon.

Paano kasi ay sumakit ang ilong ko dahil sa paninibago. Hindi ko naman alam na ganoon kalamig sa Baguio, first time ko kaya rito. Mabuti na nga lang at may extra face mask 'yung kaklase ko kaya't medyo umayos ang pakiramdam ko.

Bumukas ang pintuan at sumungaw ang ulo ni Jessa, "Tara sa labas. Sabi ni Maam Labayani 7 pm daw need bumalik for dinner."

Kahit na hindi kami close dati ay medyo nagkakausap na kami ngayon dahil sa shuffled roommate na twist ng aming mga teachers. Nang ibinaling ko ang tingin sa aking wrist watch ay 5 pm palang kaya't tumango ako at tumayo.

"Balita ko may mga nagpapakita raw na mga multo rito. Lalo na sa second floor, doon sa chapel," napatingin ako kay Jessa habang seryoso itong nagkekwento. "Alam mo ba na yung naunang batch sa atin na pumunta sa retreat house na ito ay first hand na na experience 'yun? Paano ba naman habang nagrorosary sila noong madaling araw, bigla nalang sunod-sunod na hinimatay yung mga estudyante."

"Luh. Ang exaggerated naman niyan," natawa ako sa kwento niya, hindi naniniwala.

"Totoo nga! Alam mo noong una nga hindi rin ako naniwala kasi naisip ko na baka tinatakot lang ako ng mga naunang batch sa atin pero hindi kasi pati si Sir Colorico ay hinimatay." Dito na nanlaki ang mata ko.

"Huh? Si sir Colorico? Eh ang tigas-tigas ng pagkatao 'non, lalakeng-lalake ba, tapos hihimatayin?"

"Kasi nga may multo-" ngumiti siya saakin ng nakakaloko, "-Takot ka no?"

"Baliw," ito nalang ang sinabi ko at nagpatuloy na kami sa paglilibot sa buong retreat house. Mabuti na nga lang at kahit na madaming chismis itong si Jessa ay adventurous naman siya kaya't marami kaming napuntahang lugar na hindi napupuntahan ng karamihan dahil sa takot.

Kung titignan mo kasi in general way ay nakakatakot talaga itong retreat house. However, once you looked closer, in a much different perspective, makikita mo kung gaano kaganda ito. Ang dami niya kasing secret passsages dito.

Ngayon ay nagkatitigan kami ni Jessa dahil sa sign na nasa harap namin ngayon. "Restricted Place," sabay naming basa.

"Game ka?" sasagot palang sana ako ng oo nang may marinig kaming kalabog mula sa kwartong aming papasukin.

"Tangina?" hindi ko napigilang sabihin. I'm not a believer of-Bigla na namang may kumalampag! "Tangina takbo!"

And then we ran like death is chasing us. Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makarating kami sa garden side ng retreat house kung saan nakatambay ang halos lahat ng mga batchmates namin.

"Oh bakit kayo hingal na hingal diyan?"

"Bakit kayo namumutla?"

"Parang mga hinabol lang ng multo ah?"

Narinig kong tanong ng mga ibang kakilala namin ni Jessa. Nagkatinginan kami ulit nito at sabay na natawa. Hinayaan ko na siyang magkwento sa mga naranasan namin at umupo nalang sa isang tabi para damhin ang buong nangyayari ngayon. Ang ganda pala talaga ng view rito.

Ngayon sobrang masaya ako dahil hindi lang crazy experiences ang nararanasan ko, dahil kasi sa talks ng mga seminarista rito ay naggrow din ako mentally. Pero. . . pero sa bahay kaya, kamusta na sila? Sino kaya ang gumagawa ng mga household chores ngayon, si Mama kaya? Nakakainom kaya ng gamot sa tamang oras sina Lola at Lolo? Si Janelle-ayos lang kaya siya sa bahay ngayong wala ako?

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

Last night na namin ito sa Baguio. Maaga kamin aalis dito sa retreat house upang makapaglibot sa mga tourist spots. Sa aking wrist watch, nakita kong 9:12 pm na pero nandirito pa rin kami ngayon sa garden side para sa bonfire.

Mahigit siyamnapu ang lahat ng babae sa batch namin. Ang mga lalake kasi ay nasa ibang retreat house, hindi na ako magtataka dahil conservative ang catholic school na pinag-aaralan ko. So bali lahat kami ng batchmates ko, including our assigned teachers and seminarists, ay nakapaikot sa malaking bonfire na kami-kami rin ang nagtulong-tulong na gumawa.

Hindi kagaya ng talk na ginawa ni Brother Carl noong first night namin dito na mahaba at medyo sinasamahan niya ng side jokes, ngayon ay iba. Maiikling salita lamang ang binibitawan nito at puno ng pagseseryoso.

"Isipin niyo ngayon, ano kaya ang nangyayari sa loob ng bahay niyo habang kayo dito ay nagsasaya?" mariing tanong ni Brother. "Tahimik ba silang kumakain dahil namimiss nila ang presensiya niyo? Masaya kasi wala ang anak nilang cellphone lang nang cellphone? Malungkot dahil wala silang mautusan sa bahay? O baka naman nag-tatalo na dahil wala ang taga-awat nila?"

Napatigil ako at agad na napatingin kay Brother. Paano nga kaya sila sa bahay ngayon. . . ngayong wala ako? Namimiss kaya nila ako? Magulo ba sila ngayon?

"Alam namin ng mga teachers niyo na naging masaya ang limitadong oras niyo rito sa loob ng retreat house namin ngunit hindi naman makaliligtas sa amin ang mga mata niyong pilit itinatago ang lungkot."

Tahimik lamang ang buong paligid at aakalain mo talagang wala ni isang tao ngayon dito. Ang naglalagablab na apoy lamang kasi ang tanging gumagawa ng ingay. Kahit ang mga teachers ko ay nakakunot rin ang noo at masinsinang nakikinig kay Brother.

"Kaya ngayon bilang surpresa sa inyo ay tinawagan namin ang mga magulang niyo para pumunta rito sa Baguio," may ilang nagulat, may ilang natawa sa sinabing ito ni Brother, "Seryoso ako, nandiyan sila ngayon sa gate."

Dahil sa walang bahid ng kalokohang boses ni Brother ay nalilito na ako. Napakaimposible naman kasi pero. . .

"Sana ay huwag magalit ang mga piling estudyanteng aksidente kong nabasa ang kanilang sulat para sakani-kanilang mga magulang. Kaya't 'yung iba na ayaw makita ang kanilang Tatay diyan, sila ang inimbitahan namin."

What the fvck.

"Ayos ba?" At dahil sa lumabas na ngisi sa labi ni Brother ay nalaman ko ang katotohanan. "Hindi, biro lang. Haha. Mga masyado naman 'tong seryoso!"

Natawa ang karamihan. Ako nanatiling tahimik. Ang insensitive niya sa kaniyang joke patungkol sa tatay-definitely not a good pun.

"Pero totoong nandito ang mga mahal niyo sa buhay," nilingon nito si Maam Labayani at Maam Gallardo at may iniabot ang mga ito sa kaniya. "Nandito sa loob ng mga sulat na ito."

Tumayo na ang apat na adviser ng kada-section na meron kami. Isa-isa itong lumapit sa mga estudyante nila at ipinamigay ang mga sulat.

"Meron kaya ako?" napalingon ako sa katabi kong si Jessa. Kinakabahan ang mukha nito habang lingon ng lingon sa mga teachers. "Mag-eeffort ba si Daddy na bigyan ako ng letter?"

Napaisip din ako sa sinabi niya. What if wala akong matanggap?

"What the hell," nabasa ko sa buka ng bibig ni Jessa nang makatanggap siya ng sulat. "Gago. Totoo ba 'to?"

Natawa ako sa sinabi niya, "Oo, totoo 'yan Jessa. Basahin mo na dali."

Kahit na nakangiti ako ngayon sa kaniya ay may kaba akong nararamdaman. Bakit wala pa akong natatanggap? Lumipas ang ilang minuto at dalawa o isa nalang ang hawak ng apat na guro at hinahanap lamang ang kanilang mga estudyante.

Malinaw na rin sa aking tenga ang mga pinagsama-samang mahihinang hikbi ng mga kasama ko rito. Malamang ay dahil sa mga sulat na natanggao nila.

"Nasaan na ba yung saakin? Wala ba akong matata-"

"There you are," sumulpot bigla si Maam Labayani, "You're a lucky child, huh. Ikaw ang may pinakamaraming letter. Karaniwan ay isa o dalawa lang."

Sasagot pa sana ako nang talikuran ako nito at naglakad palayo. Ito ang naging dahilan kung bakit ako napatigin sa isang white envelope na medyo nakaumbok. Ako ang may pinakamaraming sulat? Parang ang imposible naman kasi malamang si Mama at Lola lang ang mag-eeffort para sulatan ako. Sweet man si Lolo saakin pero hindi niya trip ang mga letters letters. . . lalo na si Janelle.

Nagkibit-balikat nalang ako at binuksan na ang envelope. Apat. Nang bilangin ko ito ay apat ang nakalagay.

Hindi ko alam kung required bang umiyak matapos o habang binabasa ang sulat kasi kung graded ito ay pipilitin kong umiyak.

Sweet and heart warming ang tatlong letter na nabasa ko mula kay Mama, kay Ninang Jaycee (favorite ninang ko), at sa pinagsamang letter ni Lola at Lolo. Muntik na nga akong maiyak sa sulat ni Lola at Lolo kung hindi ko lang nabasa sa huling pahabol na: 'p.s bili ka ng walis tambo, bayaran ko nalang dito sa bahay.' Probably, it's my Lolo's wish.

Ayoko mang mag-expect pero siya nalang naman ang natitirang tao sa buhay ko na hindi ko pa nababasa ang pangalan, si Janelle. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang binuksan ang isang maliit na papel na pinunit lang ata sa isang notebook. . . teka, eh papel 'to sa notebook ko eh! Topak talaga 'yun.

Ate MJ, ngayong wala ka sa bahay ay hihiram sana ako ng libro mo para magbasa. Baka kasi kapag naging kasing talino na kita ay maging proud na rin saakin sina Mama at Lola. Sana rin pala ay mabigyan mo ako ng oras para turuan ako sa assignments ko para naman magka line of 9 rin ako sa card ko tapos magiging favorite na rin nila ako. Salamat sa lahat, Ate MJ. Sorry kung isa akong walang kwentang kapatid kagaya ng sinabi mo saakin dati; kagaya ng sinasabi niyo saakin. Sorry. Pero promise ko magbabago na ako ngayon. I love you, Ate.

-Janelle

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay ay agad akong umakyat sa aking kwarto at hinanap siya. Nang makita ko ito na nakadungaw sa bintana ay wala na akong sinayang na oras at agad siyang niyakap, "Sorry. . ."

"Ate MJ?" may bahid ng kasiyahan sa boses nito.

HIndi na ako sumagot pa at mas hinigpitan ang yakap sa kaniyang likod. Kumalas naman ito at hinarap ako. Nang makita nito ang umiiyak kong mukha ay gumuhit ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Ate MJ? Okay ka lang?" marahan nitong tanong at daha-dahang lumapit saakin upang yakapin ako. "Alam mo ba Ate MJ noong wala ka, nalate ako? 7 am na ako nagising eh 'diba 7:15 yung pasok. Kaya ayun pinagalitan na nga ako ni Mama, may detention slip pa ako. Kaya nung late na ako nakauwi, si Lola naman ang nagsermon sa akin. Ikaw naman kasi Ate eh. Nasanay akong-"

"Sorry. . ." umiiliing kong pahayag. "Kalimutan mo na 'yung sinabi ko sayo dati na wala kang kwentang kapatid. Hindi totoo 'yun. I'm just mad that time kaya wala talagang preno ang bibig ko. Walang totoo sa sinasabi ko kapag galit ako."

Mas humigpit ang yakap nito, "I love you, Ate MJ. Salamat sa pag-intindi sa akin."

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

Janelle de Castro never felt appreciated by our family. Kahit kailan ay hindi ito nakarinig ng papuri o suporta kay Mama at Lola. Halos araw-araw kasing bukambibig ng mga nakatatanda sa bahay kung gaano ako kagaling at kung gaano siya kawalang kwenta. Kaya't hindi nito nakikita ang kaniyang sariling talento. Hindi nito nabibigyan ng atensyon ang aspeto kung saan talaga siya magaling.

Kung tutuosin nga ay mas magaling siya sa akin. Mas madiskarte; mas matapang; mas complex mag-isip. Alam kong mas uunlad siya sa buhay kaysa sa akin. Ang talino ko lang naman kasi ay common, forced. Yung tipong inaral kasi kasama sa exam, kinabisado kasi may recitation kinabukasan. Sa ganoon kasi ako magaling. Natiyempuhang ganoon pala ang "talinong" alam ng nakararami kaya't iniisip nilang matalino ako.

Iba ang pagiging matalino sa pagiging masipag. Si Janelle ang matalino at ako ang masipag. We're different. Kung ako more on words, siya more on codes. Kung ako more one books siya more on rubics cube.

Magkaiba kami. We are beautiful in our own way. Kaya't we shouldn't be compared with each.

━━━━━━━━━━━━━━━━━
050320

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro